Professional Documents
Culture Documents
AP7 Q1 L3 A - Magpangkatan - Tayo
AP7 Q1 L3 A - Magpangkatan - Tayo
Araling Panlipunan 7
GAWAIN ____ (AP7_Q1-L3_YTA)
“Magpangkatan Tayo!”
PANUTO: Sa bahaging ito ay susubukin ang iyong galing sa pagsusuri ng datos ng populasyon ng mga bansa sa
Asya na nakatala sa kalakip na talahanayan. Pagtutuunan din ng pansin ang kaugnayan nito sa pagbuo
at pag-unlad ng kabihasnang Asyano. Sa pagkakataong ito , ang iyong klase ay papangkatin sa lima.
Ang bawat pangkat ay tatanggap ng task card na naglalaman ng gawain na pagtutulungan ng bawat
kasapi na maisagawa.Sa pagsasagawa ng gawain bibigyan kayo ng sapat na panahon ng inyong guro na
ito ay mapaghandaan. Pagkatapos ng gawain ito ay iuulat sa klase. Sa anong pangkat ka napabilang?
Lider ka ba? Handa ka na ba?