You are on page 1of 4

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET

ACTIVITY 1
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: __________________________ Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Komposisyon ng Populasyon (Punan mo)
Learning Targets: Natutukoy ang komposisyon ng mga populasyon sa Asya.
References Title: RBS Serye sa Araling panlipunan(Araling Asyano)Binagonan Edisyon,2017 St. Sampaloc, Manila.
Author: Maria Carmelita B.Samson et.al Page No. 89
Mga Pangunahing Ideya:
Komposisyon ng Populasyon- tumutukoy sa takdang bilang o bahagdan ng mga tao sa loob ng isang bansa sa
gulang, kasarian, literasya, at ib pang elemento ng populasyon. Ang komposisyon ng populasyon ay may mahalagang
implikasyon sa pag-unlad ng ekonomiya at antas ng kabuhayan ng isang bansa.
Halimbawa:
Ang Kuwait ang may pinakamataas na bahagdan ng populasyon ng kalalakihan sa Asya.
Ang bansang Afghanistan naman ang may pinaka mataas na bahagdan ng gulang na may edad na 0-14.
Komposisyon ng Populasyon sa Asya ( 2016 Estimate)
Bansa May May Gulang May Gulang Fertility Bilang ng Life
Gulang 0- 16-64 65 Pataas Rate kalalakihan kada Expectancy
14 kababaihan
Yemen 42 55.4 2.6 4.27 1.03 64.11
Afghanistan 42.6 54.8 2.6 5.54 1.03 64.83
Oman 30.6 66.2 3.2 2.86 1.22 74.72
Laos 35.5 60.8 3.7 2.98 0.99 63.14
Bhutan 35 61.3 3.7 2.98 0.99 63.14
Tajikkistan 33.4 62.6 3.2 2.8 0.99 66.72
Iraq 37.2 59.6 3.2 3.5 1.03 71.14
Nepal 32.5 67.2 4.5 2.36 0.96 66.86
Pakistan 34 61.7 4.3 2.96 1.06 66.71
Bangladesh 33 62.1 4.9 2.5 0.95 70.36
Saudi Arabia 28.2 66.2 3.1 2.21 1.21 74.58
syria 33.9 62.2 3.9 2.77 1.03 75.14
Pilipinas 34 61.6 4.4 3.1 1 72.21
Malaysia 29.1 65.6 5.3 2.61 1.3 74.28
India 28.9 65.4 5.7 2.55 1.08 67.48
Kuwait 25.6 72.3 2.1 2.65 1.43 77.46
Mga katanungan at Pagsasanay
Panuto: Basahing mabuti ang nakasulat sa bawat bilang sa ibaba. Isulat sa patlang ang salitang Tama kung wasto ang
ipinahahyag at Mali naman kung hindi.

__________1. Ang bansang Kuwait ay may pinakamataas na bahagdan ng kalalakihan at may


pinakamababang gulang na may edad 0-14 sa komposisyon ng Populasyon sa Asya.
__________2. Ang Yemen ,Afghanistan ay may magkaperehong bilang ng edad na may gulang 65
pataas sa bahagdan ng populasyon sa Asya.
__________3. Ang mga bansang Laos at Bhutan ay may magkatulad na bilang sa fertility rate at gulang
na may edad 65 pataas .
__________4. Ang Bansang Kuwait ang may pinaka mababang bilang ng Life Expectancy.
__________5. Ang bansang Bangladesh ang may pinakamataas ng bilang ng Populasyon ng
kababaihan sa Asya.

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET


ACTIVITY 2
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: __________________________ Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Ang Komposisyon ng Gulang ng Populasyon (Tukuyin mo)
Learning Targets: Naiisa-isa ang komposisyon ng gulang ng populasyon sa Asya.
References Title: RBS Serye sa Araling panlipunan(Araling Asyano)Binagonan Edisyon,2017 St. Sampaloc, Manila.
Author: Maria Carmelita B.Samson et.al Page No. 89
Mga Pangunahing Ideya:
Komposisyon ng Gulang ng Populasyon: Ang komposisyon ng gulang ng populasyon ng isang na bansa ay
nagpapakita ng takbo at pagbabago fertility rate, migrasyon rate at mortality rate ng mga nagdaang taon.
Nangangahulugan na ito na mataas ang dependency ratio ng bansa. Kabilang dito ang mga kabataang wala pang
kakayahang maghanapbuhay at ang mga matatandang bahagdang bilang ay katumbas ng mataas na bahagdan ng
dependency ratio o bilang ng umaasa sa prodektibong pangkat ng populasyon. Fertility rate- ang tawag sa ratio o
katumbas na buhay ng ipinanganganak sa isang bannsa sa bawat 1000 kababaihang may kapasidad nanganak.Mortality
rate- ay tumutukoy sa bilang ng namamatay na batang ipinanganganak kada 1,000 bilang ng populasyon sa loob ng isang
taon.Ang Fertility rate ang pinakamahalaga at pinatiyak na sukat ng gulang ng populasyon.Ang mataas na bilang ng ng
Fertility rate sa nakalipas na taon ay nagbubunga ng higit na malapad na sukat ng pondusyon ng piramide ng populasyon
dulot ng mataas na bilang ng kabataang ipinanganganak.
Halimbawa:
Fertility rate- ang tawag sa ratio o katumbas na buhay ng ipinanganganak sa isang bannsa sa bawat 1000 kababaihang
may kapasidad mananganak.
Mortality rate- ay tumutukoy sa bilang ng namamatay na batang ipinanganganak kada 1,000 bilang ng populasyon sa
loob ng isang taon.
Ang Fertility rate ang pinakamahalaga at pinatiyak na sukat ng gulang ng populasyon.
Komposisyon ng Gulang ng Populasyon: Ang komposisyon ng gulang ng populasyon ng isang nabansa ay nagpapakita
ng takbo at pagbabago fertility rate, migrasyon rate at mortality rate ng mga nagdaang taon.
MgaKatanungan at Pagsasanay:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba.Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
patllang bago ang bilang.

Mortality rate Fertility rate dependency ratio


Komposisyon ng Gulang ng Populasyon

___________________1. Ito ay tumutukoy sa bilang ng namamatay na batang ipinanganganak kada


1,000 bilang ng populasyon sa loob ng isang taon.
___________________2. Ito ang tawag sa ratio o katumbas na buhay ng ipinanganganak sa isang
bansa bawat 1,000 kababaihang may kapasidad mananganak.
___________________3. Tawag sa bilang ng umaasa sa prodektibong pangkat ng populasyon.
___________________4. Ito ang pinakamahalaga at pinatiyak na sukat ng gulang ng populasyon.
___________________5. Nagpapakita ng takbo at pagbabago fertility rate, migrasyon rate at mortality
rate ng mga nagdaang taon.

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET


ACTIVITY 3
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: __________________________ Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Implikasyon ng Mataas na Dependency Ratio sa Bansa( Tama o Mali)
Learning Targets: Nauunawaan ang mga Implikasyon ng pagtaas ng dependency ratio sa bansa.
References Title: RBS Serye sa Araling panlipunan(Araling Asyano)Binagonan Edisyon,2017 St. Sampaloc, Manila.
Author: Maria Carmelita B.Samson et.al Page No.89
Mga Pangunahing Ideya:
Dependency ratio – ay nangangailangan ng higit na panustos para sa serbisyong panlipunan tulad ng serbisyong
pangkalusugan, pang-edukasyon, at pangkabuhayan. Ang pagkakaloob ng mga serbisyong ito ay kinakailangan upang
maging malakas, malusog at proyektibo ang mamamayan at lakas manggagawa ng isang bansa.
Tulad ng mga nakababatang bilang ng populasyon, ang isang matandang populasyon ay nangangailangan din ng higit na
matatag nanserbisyong panlipunan. Ang matandang populasyon ay magbubunga ng kakulangan ng laks manggagawa sa
isang bansa sa hinaharap.
Ang Japan ang may pinakamabilis na tumatandang populasyon sa maunlad na bansa sa daigdig. Ayon sa Reuter News
2013, pagdating ng taong 2060, ipinapalagay na dalawa sa bawat limang tao sa Japan ay may edad na 65 o higit pa.
Ang mga populasyong binibuo ng labing anim(16) na taong gulang pababa at animnapu’t limang (65) taong gulang pataas
ay tinuturing na mga dependent o populasyong umaasa.
Ang mga may edad nanasa pagitan ng( 16-65) ay mga populasyong protektibo .Sila ang nagbabahagi ng kasanayan sa
ekonomiya.Nagaambag ng kinikita sa pamilya.
Ang kabilang sa pamilyang umaasa ay pinagkakakgastusan para sa edukasyon at medical na serbisyo.
Halimbawa:
Japan- ang may pinakamabilis na tumatandang populasyon sa maunlad na bansa sa daigdig.
dependent o populasyong umaasa- ito ang mga populasyong binibuo ng labing anim(16) na taong gulang pababa at
animnapu’t limang (65) taong gulang pataas.
populasyong protektibo- Sila ang nagbabahagi ng kasanayan sa ekonomiya.Nagaambag ng kinikita sa pamilya.
katanungan at Pagsasanay:
Panuto: Unawain at basahing mabuti ang bawat pangungusap.Isulat sa patlang ang salitang Tama kung wasto at Mali
naman kung hindi.
_______________1. Nakabubuti ang pagkakaroon ng batang populasyon sa pagkat darami ang mga
taong makapagbibigay ng laka-paggawa sa mga darating na panahon.
_______________2. Ang mga populasyong binubuo ng labing anim(16) na taong gulang pababa at
animnapu’t limang (65) taong gulang pataas ay tinuturing na mga dependent o populasyong
umaasa.
_______________3. Nakakaapekto ang edad ng mga tao sa ekonomiya.
_______________4. Ang mga may edad na nasa pagitan ng (16-65) ay mga populasyong protektibo.
_______________5. Ang kabilang sa pamilyang umaasa ay pinagkakakgastusan para sa edukasyon at
medical na serbisyo.

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET


ACTIVITY 4
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: __________________________ Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Komposisyon ng Kasarian ng Populasyon(Intindihin mo ako)
Learning Targets: Natutukoy ang komposisyon ng kasarian ng Populasyon.
References Title: RBS Serye sa Araling panlipunan(Araling Asyano)Binagonan Edisyon,2017 St. Sampaloc, Manila.
Author: Maria Carmelita B.Samson et.al Page No. 97
Mga Pangunahing Ideya:
Ang komposisyon ng kasarian ng populasyon-ay tumutukoy sa bilang ng kalakihang ipinanganganak nang
buhay kada bilang ng kababihang ipinapanganak nang buhay sa loob ng isang bansa. Kapuna-puna sa mga bansang
Asyano ang mataas na bahagdan ng kalalakihan kaysa sa kabaabihan. Ito ay bunsod ng ilang tradisyong maaring
nakaapekto sa higit na maraming kalalakihan kaysa kabaabihan sa kontinente. Ang patakarang “one child at late long, few
child bearing” ng China ay nagdulot ng higit na mababang bahagdan ng fertility rate. Ang 2.1 na fertility rate noto noong
1979 ay unti-unting bumaba patungong 1.54 noong 2010. Sa kabilang banda, ang populasyon nitong mahigit na 1.3
bilyong katao ay nabawasan ng 300 mioyon sa loob ng dalawampung taon.
Halimbawa:
Ang patakarang “one child at late long, few child bearing” ng China ay nagdulot ng higit na mababang bahagdan ng
fertility rate. Ang 2.1 na fertility rate noong 1979 ay unti-unting bumaba patungong 1.54 noong 2010. Sa kabilang banda,
ang populasyon nitong mahigit na 1.3 bilyong katao ay nabawasan ng 300 mioyon sa loob ng dalawampung taon.
Mga katanungan at Pagsasanay
Panuto: Unawaiin at basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang salitang Tama kung wasto ang
ipinapahayag nito at Mali naman kung hindi.
____________1. Ang komposisyon ng kasarian ng populasyon ay tumutukoy sa bilang ng kalakihang
ipinanganganak nang buhay kada bilang ng kababihang ipinapanganak nang buhay sa loob
ng isang bansa.
____________2. Ang bansang Asyano may mataas ang bahagdan ng kababaihan kaysa sa
kalalakihan.
____________3.Ang one child at late long, few child bearing” ng China ay nagdulot ng higit na
mababang bahagdan ng fertility rate.
____________4. Ang 2.1 na fertility rate noong 1979 ay unti-unting tumaas patungong 1.54 noong
2010.
____________5. Ang bansang Asyano ang mataas na bahagdan ng kalalakihan kasya sa kabaihan.

You might also like