You are on page 1of 67

ARALIN 13

Tukuyin kung anong elemento ng estado ang tinutukoy ng


mga sumusunod na pangungusap.

1. Elemento ng estado na tumutukoy sa pinakamataas


at ganap na kapangyarihan upang mag-utos o
magpatupad ng mga batas at patakaran para sa
ikabubuti ng bansa

OBSENRYAA
2. Elemento ng estadong tumutukoy sa mga taonog
naninirahan sa bansa na nangangalaga, nagpapatupad
at nagtatanggol dito

AMAAMMYNA
3. Elemento ng estado na tumutukoy sa sakop na lupa,
katubigan at himpapawid na bahagi ng bansa na
maaaring magamit ng mga mamamayan upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

ORITTEYRO
4. Elemento ng estado na tumutukoy sa samahang
pampolitikang itinatag at itinataguyod ng mga tao.

MAHAPAANLA
IKATLONG REPUBLIKA NG
PILIPINAS
(1946 – 1986)
Manuel A. Roxas Elpidio R. Quirino Ramon F. Magsaysay
(1946 – 1948) (1948 – 1953) (1953 – 1957)

Carlos P. Garcia Diosdado M. Macapagal Ferdinand E. Marcos


(1957 – 1961) (1961 – 1965) (1965 – 1986)
MANUEL ACUÑA ROXAS
(HULYO 4, 1946 – ABRIL 15, 1948)

Huling pangulo ng Pamahalaang


Komonwelt

Unang pangulo ng Ikatlong


Republika ng Pilipinas

Ika-limang pangulo ng bansa


MGA SULIRANING KINAHARAP NI
MANUEL A. ROXAS

Pag- aangat sa lugmok na ekonomiya ng bansa na


sadyang naapektuhann ng digmaan.

Pagpapanatili ng pambansang seguridad na noon


ay nanganib sanhi ng pagkilos ng Huk

Pagbubuklod sa mga Pilipinong nahati dahil sa isyu


ng kolaborasyon (Enero 17, 1948)
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
Pagsasaayos ng elektripikasyon
Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal
Pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang
Paghimok sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa Pilipinas
Pagpapasiyasat sa mga likas na yaman ng bansa na humantong sa
pagmumungkahi na kailangang magtatag ng mga industriyang
mangangalaga at lilinang sa mga likas na yaman ng Pilipinas
Binigyang pansin ang pagpapalaki ng produksyon/industriya at
pagsasaka
MGA KORPORASYON O SAMAHANG
ITINATAG NI ROXAS
NARIC – National Rice and Corn Corporation
NACOCO – National Coconut Corporation
NAFCO – National Abaca and Other Fibers Corporation
NTC – National Tobacco Corporation
RFC – Rehabilitation Finance Corporation (Development Bank of the
Philippines)
- Ang samahang RFC ay nagpapautang sa mga korporasyong nangangailangan ng
puhunan at sa maliliit na mangangalakal na nagnanais magsimula ng negosyo
SISTEMA NG PANGASIWAAN NI
ROXAS
1. Pagpapanatili ng mabuting relasyon ng Amerika at Pilipinas
2. Pagtatayo ng mga base-military ng mga Amerikano sa bansa
3. Pagtiyak sa alalay na tulong ng Amerika sa bansa sa panahon ng
digmaan
4. Pagpapatibay ng Parity Rights
5. Pagpapatupad ng Philippine Trade Act of 1946
6. Pagpapatibay ng Philippine Currency Act na nagsasabing ang Amerika
ang kokontrol sa pagpapanatili ng halaga ng ating pananalapi
Abril 15, 1948 – matapos
magtalumpati sa Clark Air Base,
Angeles City si Manuel Roxas ay
inatake sa puso na naging sanhi
ng kanyang pagkamatay
Pag-usapan natin!
1. Isa – isahin ang mga suliraning kinaharap ng administrasyong
Roxas.
2. Ano – ano ang mga programa at patakarang isinagawa ni
Roxas upang mapadali ang rehabilitasyon ng bansa?
3. Sang – ayon ka ba sa naging pasya ni Roxas na pahintulutang
manatili sa Pilipinas ang mga base-military ng Amerika? Bakit?
4. Makatarungan ba ang ginawang desisyon ng pamahalaang
Roxas na pagkalooban ng amnestiya ang mga kolaboreytor na
itinuring ng mga Pilipinong nagtaksil sa bayan? Bakit?
ELPIDIO RIVERA QUIRINO
(ABRIL 17, 1948 – DISYEMBRE 30, 1953)
Ika-anim na pangulo ng bansa

Ikalawang pangulo ng Ikatlong


Republika ng Pilipinas

“Ama ng Industriyalisasyon sa Pilipinas”


MGA SULIRANING KINAHARAP NI ELPID
QUIRINO
1. Pag-aangat ng kabuhayan ng bansa

2. Pagsugpo sa banta ng komunismo sa bansa

3. Pagpigil sa ginagawang panliligalig ng mga kasapi ng Huk

4. Pagbabalik ng tiwala ng taong-bayan sa kakayahan at katapatan ng


pamahalaan
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGPAPAUNLAD NG KABUHAYAN)
Pagpapaunlad ng industriyalisasyon
Pagpapaunlad sa sistema ng irigasyon sa buong bansa
Pagpapagawa ng mga lansangan
Pagsasagawa ng lingguhang pag-uulat sa taumbayan
Pagtatatag ng President’s Action Committee on Social Amelioration
(PACSA)
Pagpapatayo ng mga bangko rural
Pagtatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGPAPAUNLAD NG KABUHAYAN)
Pebrero 1950 nagtungo si Quirino sa Estados Unidos upang humigi ng
tulong pinansiyal

Bilang tugon, ipinadala ang Bell Mission o United States Economic Survey
sa pangunguna ni Daniel W. Bell

Ang Bell Mission ay naglalayong siyasatin ang kalagayang


pangkabuhayan ng Pilipinas
BELL MISSION
Matapos ang tatlong buwang pagsisiyasat ay iminungkahi ng
misyon ang:
1. Paggamit ng siyentipikong pamamaraan ng pagtatanim
upang mapaunlad ang pagsasaka
2. Pagtatakda ng pinakamababang sahod o minimum wage sa
mga manggagawa upang makapamuhay ng maayos
3. Pagtataas ng buwis ng mga mamamayan upang lumaki ang
kita ng pamahalaan
BELL MISSION
4. pagpapatayo ng mga bagong industriya
5. pagdadagdag ng Amerika ng tulong na teknikal at salapi
sa Pilipinas

Walang nagawa si Quirino kundi tanggapin ang mga kondisyong


iminungkahi ng Misyong Bell
 Nobeyembre 14, 1950 – nilagdaan ang Quirino – Foster Agreement
na nagtatadhanang magtutulungan ang Pilipinas at Amerika sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGSUGPO SA KOMUNISMO)

Upang masolusyonan ang suliranin hinggil sa banta ng komunismo


sinikap ng administrasyong Quirino na makipag-ugnayan sa mga bansa
sa Asya at iba pang panig ng mundo

Sa panahon ni Quirino nangyari ang unang pagpupulong ng mga


bansang Asyano na dinaluhan ng Indonesia, Thailand, Taiwan, Timog
Korea, at India upang pag – usapan ang pagpigil sa paglaganap ng
komunismo sa Asya
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGSUGPO SA KOMUNISMO)
Naging aktibo rin ang Pilipinas bilang kasapi ng United Nations at nahalal
si Carlos P. Romulo na ikaapat na Pangulo ng UN General Assembly

Siya ang kauna-


unahang delegado
ng mga bansa sa
Asya na nahalal
bilang pangulo ng
UN General
Assembly
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGHARAP NG SULIRANIN SA MGA HUK)

Naglabas ng proklamasyon noong Hunyo 21, 1948 hinggil sa pagbibigay


ng amnestiya sa mga kasapi ng Huk na magsusuko ng kanilang mga
sandata sa loob ng 50 araw

Inatasan ni Pangulong Quirino ang kanyang kapatid na si Mahistrado


Antonio Quirino na makipag-usap kay Luis Taruc upang makipag-
negosasyon
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGHARAP NG SULIRANIN SA MGA HUK)
Mga nabuong kasunduan nina Quirino at Taruc:
Pagbibigay ng amnestiya sa mga Huk
Pagwawalang-bisa sa mga kasunduang nakasaad sa Batas Kalakalang Bell
(Bell Trade Act) at kasunduan ukol sa mga base – militar
Pagsugpo ng katiwalaan at anomalya sa pamahalaan
Pagpapalawig sa demokratikong kalayaan
Pagpapatupad ng repormang panlupa
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGHARAP NG SULIRANIN SA MGA HUK)
Itinalaga si Ramon Magsaysay
bilang Kalihim ng Tanggulang
Pambansa

Sa matalino at maimpluwensyang


pamamaraan ni Magsaysay ay
unti – unting napasuko ang mga
Huk
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
(PAGHARAP NG SULIRANIN SA MGA HUK)

Economic Development Corps (EDCOR) ang lahat ng Huk na


nagkusang magbalik ng armas ay binigyan ng amnestiya at
pagkakataong makapamuhay ng tahimik sa pamamagitan ng
pagkakaloob ng lupang masasaka na sapat upang
makapagsimulang muli ng mapayapang buhay
PAGWAWAKAS NG PANGASIWAANG
QUIRINO
 Sa pagkasugpo ng Huk ay muling nanumbalik ang katahimikan at
katiwayasan sa bansa

 Higit na kinilala ang napakahalagang papel na ginampanan ni Kalihim


Magsaysay

 Naging matagumpay ang kampanyang pangkapayapaan ni Quirino ngunit


nabigo naman ang pag-unlad ng kabuhayan sapagkat naging laganap ang
katiwalian sa pamahalaan
PAGWAWAKAS NG PANGASIWAANG
QUIRINO

 Tumakbo muli sa sumunod na eleksiyon si Quirino noong


1953 sa pagkapangulo ngunit hindi siya nagwagi

 Tinalo siya ng dati niyang Kalihim na si Ramon Magsaysay


Pag-usapan natin!
1. Isa – isahin ang mga suliraning kinaharap ng administrasyong Quirino.
2. Paano pinaunlad ni Quirino ang ekonomiya ng bansa? Ano-ano ang mga
patakarang kanyang ipinatupad upang sumulong ang bansa?
3. Nagtagumpay ba ang programang pangkabuhayan ni Pangulong Quirino?
Ang kanyang palatuntunan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan?
4. Isa-isahin ang mga mungkahi ng Misyong Bell. Naisakatuparan ba ang
mga ito?
RAMON DEL FIERRO MAGSAYSAY
(DISYEMBRE 30, 1953 – MARSO 17, 1957)
Ika-pitong pangulo ng bansa

Ikatlong pangulo ng Ikatlong


Republika ng Pilipinas

“Kampeon ng Masang Pilipino”

“Kampeon ng Demokrasya”

“Idolo ng Masa"
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN

“Kaligayahan at katatagan ng karaniwang tao” – ito ang palatuntunan ni


Magsaysay bilang pangulo ng bansa

Naniniwala si Pangulong Magsaysay na “kung ano ang makakabuti sa


karaniwang tao ay makakabuti rin sa buong bansa”
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
1. pinagtibay ang Land Tenure Reform Law
2. Pagpapatayo ng mga poso at patubig upang mapabilis ang pag-
unlad ng mga baryo
3. Pagpapagawa ng mga daan at tulay upang mailapit at maidugtong
ang mga baryo sa kabayanan
4. Paglulunsad ng pananaliksik ukol sa makabagong sistema ng
pagsasaka at bagong uri ng binhi
5. Pagpapatayo ng Agricultural Credit and Cooperative Financing
Administration (ACCFA)
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN

6. Pagpapatayo ng Farmers Cooperative Marketing Association


(FACOMA)

7. pag-oorganisa ng mga kapulungang pambaryo


MGA PROGRAMA AT PATAKARAN

 Bilang pangulo ng bansa ay ipinakita ni Magsaysay na tunay ngang


ang mga karaniwang tao at ang kanilang kalagayan ang una niyang
binibigyang pansin

 Presidential Complaints and Action (PCAC) – itinatag ni Magsaysay


upang matiyak na makakarating sa kanya ang mga hinaing ng mga
mamayan
KATATAGANG PANLIPUNAN AT
PAMPOLITIKA

 Social Security Act (Batas sa Katatagang Panlipunan) – paghimok sa


mga korporasyong gawing kasapi ng Tanggapan ng Katatagang
Panlipunan ang lahat ng kawani at manggagawa

 Ipinagpatuloy ang Economic Development Corps (EDCOR) – ayon sa


kanya ang mga mamamayan ay hindi maaakit sumapi sa komunismo
kung ang pamilya ay may mabuting kabuhayan
KATATAGANG PANLIPUNAN AT
PAMPOLITIKA
 Mayo 16, 1954 – sumuko si Luis Taruc ang Supremo ng mga Huk dahil sa
EDCOR

 Pinag-ibayo rin ang mga programang may kinalaman sa pakikipag-ugnayan


ng Pilipinas sa iba’t-ibang bansa

 Noong 1954 idinaos sa bansa ang Manila International Conference kung


saan nabuo ang isang kasunduang tinawag na Manila Pact
KATATAGANG PANLIPUNAN AT
PAMPOLITIKA
 Nabigyan ng sapat na karapatan ang mga manggagawa sa bisa ng Magna
Carta of Labor na magtatag ng union, pagwewelga at pakikipag-ayos sa
pamahalaan

 Manila Pact – nagsasaad kung saan ang bawat kasapi ay magtutulungan at


pagsasamahin ang kanilang puwersa kung sakaling lusubin sila ng mga
bansang komunista

 Pebrero 19, 1955 – nabuo ang SEATO (Southeast Asia Treaty Organization)
PAGWAWAKAS NG
PANUNUNGKULAN NI MAGSAYSAY
 Ang kanyang mabuting simula ay hindi na naipagpatuloy ni Magsaysay

 Marso 17, 1957 – bumagsak ang sinasakyang eroplano ni Magsaysay sa bundok


ng Manunggal sa Cebu habang siya ay patungong Maynila
PAG-USAPAN NATIN!
1. Bakit tinagurian bilang “Kampeon ng Masang Pilipino” si Ramon
Magsaysay?
2. Naniniwala ka ba sa paniniwala ni Magsaysay na kung ano ang
makakabuti sa karaniwang tao ay makakabuti rin sa buong
bayan?
3. Isa-isahin ang kanyang mga programa at patakaran upang
isulong ang pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao.
4. Bakit naging madali para sa mga karaniwang taong makipag-
ugnayan kay Magsaysay?
CARLOS P. GARCIA
(MARSO 17, 1957 – DISYEMBRE 30, 1961)
Ika-walong pangulo ng bansa

Ika-apat na pangulo ng Ikatlong


Republika ng Pilipinas

Ipinagpatuloy ang mga gawaing


nasimulan ni Magsaysay

Itinuturing na pinakamaka – Pilipinong


administrasyon sa larangan ng
patakarang pang – ekonomiko
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN

 Binigyang pansin ni Pangulong Garcia ang pagpapaunlad sa antas ng


pamumuhay ng mga mamamayan

 Naniniwala siyang malaki ang posibilidad na ang Pilipinas ay sumulong at


umangat dahil ang bansang ito ay lubos na pinagpala ng mayamang kalikasan

 “Kailangan lamang maging masinop ang mga Pilipino at matutunang


pagyamanin ang ating mga likas na yaman”
MGA PROGRAMA AT PATAKARAN
1. Paglulunsad ng Austerity Program – ito ang programang pagtitipid ng
pamahalaan
2. Pagpapairal ng Filipino First Policy (Pilipino Muna) – ang patakarang ito ay
nagbigay ng prayoridad sa mga Pilipino upang paunlarin ang kayamanan ng
bansa at pagpapaunlad/pagtangkilik sa mga produktong sariling atin
3. Ipinatupad ang patakarang Filipino Retailer’s Fund Act na siyang nagpapautang
sa mga Pilipino
4. Ipinalabas ang NAMARCO (National Marketing Corporation) na siyang
nagtustos sa maliliit na Pilipinong mangangalakal
KAGALINGANG PANLIPUNAN AT
PAMPOLITIKA
 Naging masigasig si Garcia sa kanyang mga programa at patakaran sa
pagbabago sa pamamalakad ng base-militar sa bansa

Pagbabago hinggil sa kasunduan sa pagtatayo ng base-militar sa bansa:


 Pagtataas ng bandila ng Pilipinas kasama ang bandila ng Estados Unidos sa
lahat ng base-militar sa bansa simula Mayo 1, 1957
 Pagbabalik ng piyer na pangmilitar na nasa Maynila sa kapangyarihan ng
Pilipinas
 Pag-alis ng karapatan sa mga Amerikano sa pagkontrol sa Olongapo
KAGALINGANG PANLIPUNAN AT
PAMPOLITIKA

 Pagkakaunawaan ng Pilipinas at Estados Unidos na isasangguni ng bawat isa

ang pagpapasiyang gagawin sa paglalagay ng missile kung dumating ang

panahon na ito ay kailanganin

 Pagpapaigsi sa tinakdang 99 na taon ng pag-upa sa mga base-military ng

bansa sa 25 taon na lamang

 Pagtatakda ng limitasyon sa mga instalasyong military ng Estados Unidos


PAKIKIPAG-UGNAYANG PANLAB
 Pinagibayo ni Pangulong Garcia ang pakikipag-ugnayang panlabas na

pinasimulan ni Magsaysay

 Muli niyang pinairal ang patakarang “Asya para sa mga Asyano” at kaugnay nito

ay ang kanyang pagtutol sa paglaganap ng komunismo

 Hulyo 1961 – nabuo ang ASA (Association of Southeast Asia) na ang layunin ay

pag-isahin at pagbuklurin ang mga kaanib na bansa sa pagtutulungang

pangkabuhayan at pangkultura
PAKIKIPAG-UGNAYANG PANLAB
 Binigyang halaga rin niya ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng
pagdaraos ng taunang Republic Cultural Heritage Awards at
pagpapadala ng mga cultural troupe sa ibang bansa para palakasin
ang turismo sa bansa
Ang Bayanihan Dance
Troupe ang kauna-
unahang pangkat ng
mananayaw na
nagpakilala ng kagalingan
ng Pilipinas sa ibang mga
bansa
PAGWAWAKAS NG
PANUNUNGKULAN NI GARCIA
 Sa kabila ng pagsusumikap ni Pangulong Garcia na bigyan ng maayos na
pamumuhay ang mga mamamayan ay hindii rin siya lubos na nagtagumpay

 Hindi niya napigilan ang pagtaas ng halaga ng bilihin at lumaganap ang


katiwalian sa pamahalaan

 Nang tangkain muli niyang tumakbo sa pagkapangulo noong 1961 ay tinalo


siya ng kaniyang pangalawang pangulo na si Diosdado Macapagal
PAG-USAPAN NATIN!

1. Ipaliwanag ang patakarang “Pilipino Muna”.


2. Sa iyong palagay bakit kaya inilunsad ni Pangulong Garcia ang
patakaran sa pagtitipid o Austerity Program?
3. Sa iyong palagay, makatutulong kaya ang patakarang Pilipino
Muna at Austerity Program sa kabuhayan ng Pilipinas kung ito ay
ilulunsad sa kasalukuyan? Bakit?
4. Isa-isahin ang mga pagbabago sa pamamalakad ng base – militar
sa bansa sa panahon ng panunugkulan ni Garcia.
DIOSDADO P. MACAPAGAL
(DISYEMBRE 30, 1961 – DISYEMBRE 30 1965)

Ika-siyam na pangulo ng bansa

Ika- limang pangulo ng Ikatlong


Republika ng Pilipinas

Tinagurian bilang “batang mahirap


mula sa Lubao”

Nagsimula ng muling angkinin ng


Pilipinas sa North Borneo o Sabah
MGA PATAKARAN AT PROGRAMA

1. Paglutas sa mga suliraning may kaugnay sa kawalan ng hanapbuhay ng

maraming Pilipino

2. Pagtiyak na magkakaroon ng sapat na pagkain ang buong bansa sa

pamamagitan ng pagpapalaki ng produksiyon

3. Pag-akay sa mga Pilipino, sa pamamagitan ng kanyang pagiging huwaran sa

pamumuhay ng payak at walang haloong karangyaan

4. Pagkakaroon ng malinis at matapat na pangasiwaan


MGA PATAKARAN AT PROGRAMA
 Unang binigyang-pansin ang kapakanan ng mga magsasaka
 Agosto 8, 1963 – pinagtibay ng Kongreso ang inihanda niyang Kodigo sa
Pagbabago sa mga Lupang Sakahan (Agricultural Land Reform Code)
 Pagpapahalaga sa karangalan ng maliliit na magsasaka
 Paglika ng pagkakataon sa mga lupang sakahang makapagbigay ng lalong
malaking kita at produksiyon sa bansa
 Pagpapairal ng patas at walang kinikilingang mga batas para sa lahat
 Pagpapairal sa sistemang nagbibigay ng sapat na pagkakataon sa mga
magsasaka na gawin silang higit na nagsasarili at higit na may
pananagutan sa mga lupang sakahan
MGA NAGAWA NG
ADMINITRASYONG MACAPAGAL
 Pagpapalaganap ng wikang Pilipino bilang pambansang wika ng bansa kung
saan sa panahon ng kanang panunugkulan ito ay ginamit para sa pag-
imprenta ng mga pasaporte, selyo, babala sa trapiko at mga pangalan ng
bagyo
 Pagbabago sa araw ng kalayaan mula Hulyo 4 sa Hunyo 12
 Pagtatatag ng MAPHILINDO – ang samahan ng bansang Malaysia, Pilipinas at
Indonesia
 Hulyo 31, 1963 – nilagdaan ng mga pinuno ng tatlong bansa ang isang
kasunduan sa Maynila
MGA NAGAWA NG
ADMINITRASYONG MACAPAGAL
 Sa pamamagitan ng Manila Declaration na ipinalabas nooong Agosto
6, 1963 ay inilahad ang mga alituntunin ng MAPHILINDO:
 Pagpapatibay ng kanilang pakikiisa at pagtugon sa mga
prinsipyo ng pagkakapantay – pantay at kapatiran ng mga bansa
na nakasaad sa batas ng United Nations
 Pagpapanatili ng matibay na pagkakaisa at pagkakabuklod
tungo sa pagkamit ng kaunlarang pang-ekonomiya, panlipunan
at pangkultura
MGA NAGAWA NG
ADMINITRASYONG MACAPAGAL

 Pagtutulungan sa pagsupil sa paglaganap ng kolonyalismo at


imperyalismo

 Pagtutulungan sa pagbuo ng isang bago at matatag na mundo na


nakasalig sa pandaigdigang kalayaan, katarungan at kapayapaan
MGA NAGAWA NG
ADMINITRASYONG MACAPAGAL
 Ngunit ang samahang MAPHILINDO ay hindi nagtagal sanhi ng ilang
isyung kinaharap ng mga bansang kasapi partikular na ang isyu
hiinggil sa Sabah o North Borneo na kapwa inaangkin ng Pilipinas at
Malaysia
PAG-USAPAN NATIN!

1. Isa – isahin ang mga patakarang pangkabuhayan ni Macapagal. Paano ito

naiiba sa patakarang pangkabuhayang inilunsad ni Garcia?

2. Ipaliwanag ang mga patakarang isinagawa ni Macapagal na may kinalaman

sa reporma sa lupa.

3. Ano ang ibig sabihin ng MAPHILINDO? Bakit nabuo ang samahang ito? Bakit

hindi ito nagtagal?


FERDINAND E. MARCOS
(DISYEMBRE 30, 1965 – PEBRERO 25, 1986)
Ika-sampung pangulo ng bansa

Ika- anim na pangulo ng Ikatlong


Republika ng Pilipinas

Tinagurian bilang “Infrastructure Man”

Pinakamatagal na naging pangulo ng


bansa (5 beses na nahalal)
“ang Pilipinas ay magiging dakila muli”
MGA PATAKARAN AT PROGRAMA

1. Naglunsad ng malawakang programang pang – imprastruktura kung saan si

Marcos ay nagpagawa ng tulay, kalye, paaralan, irigasyon atbp

2. Hinimok ang Kongreso na gumawa ng bagong batas hinggil sa pagtataas ng

buwis

3. Umutang ang pamahalaan sa mga bangko at sa ibang bansa


MGA PATAKARAN AT PROGRAMA

 Paglaki ng produksiyon ng bigas at mais dahil sa paggamit ng


modernong paraan ng irigasyon at pagsasaka
 Pagbaba ng bilang ng kriminalidad
 Pagbaba ng mga katiwalian sa pamahalaan
 Pagpapalawak at higit na pagpapabuti ng mga programa sa reporma
sa lupa
 Pagpapalaganap ng mga paglilingkod nna pangkalusugan sa mga
pook - rural
MGA PATAKARAN AT PROGRAMA
 Paglulunsad g Green Revolution (Luntiang Himagsikan) para
matugunan ang pangangailangan sa pagkain
 Paglulunsad ng Blue Revolution (Biyayang Dagat)
 Pagtugo sa gawaing kultural ng bansa sa pamamagitan ng pagtatatag
ng Cultural Center of the Philippines
 Pagpapalawak ng pakikipag-ugnayang pandaigdigan ng Pilipinas
PAKIKIPAG-UGNAYANG PANLABAS
 Setyembre 1966 – ipinadala ang Philippine Civic Action Group
(PHILCAG) na binubuo ng mga sundalo, inhenyero, nars at mga
doctor upang manggamot sa libo-libong sibilyan ng Timog Vietnam
 Oktubre 24-25, 1966 – sa paanyaya ni Marcos ay idinaos ang Manila
Summit Conferrence na dinaluhan ng mga bansang Estados Unidos,
Australia, New Zealand, Timog Korea, Thailand at Timog Vietnam kung
saang tinalakay kung paano masusugpo ang paglaganap ng
komunismo sa Aysa at Pasipiko
PAKIKIPAG-UGNAYANG PANLABAS

 Agosto 8, 1967 – nakiisa si Pangulong Marcos sa pagtatatag ng ASEAN


o Association of Southeast Asian Nations
 Ang mga bansang kasapi nito ay ang Indonesia, Malaysia, Pilipinas,
Singapore at Thailand
IKALAWANG ADMINITRASYON NI
MARCOS (1969)

 Muling nahalal na pangulo noong Nobyembre 11, 1969 si Marcos


gayundin ang kanyang bise presidente

 Ngunit sa kanyang ikalawang termino ng pamumuno ng bansa ay


naharap siya sa napakaraming sigalot at suliranin
IKALAWANG ADMINITRASYON NI
MARCOS (1969)
1. Paglaganap ng katiwalian sa pamahalaan
2. Paglaki ng pagitan ng antas ng pamumuhay ng mahihirap at
mayayaman
3. Pagkawalang – bisa ng Konstitusyon ng 1935 upang matugunan ang
mga lumalalang suliraning panlipunan at pang-ekonomiyang suliranin
ng bansa
4. Pagtaas ng kriminalidad
5. Paglaganap ng komunismo
IKALAWANG ADMINITRASYON NI
MARCOS (1969)

 Isa sa hindi malilimutang karahasang humatong sa kaguluhan ay ang


pagpapasabog ng Granada sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971
 Ibinintang sa New people’s Army (NPA) ang pagsabog na ito ngunit
hanggang ngayon ay hindi pa rin ito napapatunayan at kung sino ang
utak nito
IKALAWANG ADMINITRASYON NI
MARCOS (1969)

 Hindi rin malilimutan ang pangyayari nang tambangan si Juan Pince


Enrile na Kalihim ng Tanggulang Pambansa noong Styembre 1971

You might also like