You are on page 1of 2

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Pagtukoy ng Aspekto ng Pandiwa


Kakayahan: Naitutukoy ang aspekto ng pandiwa

Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit gamit ang mga titik:
PN (aspektong pangnagdaan), PK (aspektong pangkasalukuyan), PH
(aspektong panghinaharap), KT (aspektong katatapos), o PW (aspektong
neutral o pawatas).

_____ 1. Pasasalamatan ko ang mga taong tumulong sa akin upang


makamit ko ang aking pangarap.
_____ 2. Hindi mabuti ang magtanim ng galit.
_____ 3. Sumayaw sa entablado ang magkakapatid.
_____ 4. Kagagaling ko lang sa opisina kaya nagpapahinga ako.
_____ 5. Nais nilang turuan ang mga bata ng mabubuting asal.
_____ 6. Binubuhat ni Mang Tonio ang mabigat na sako ng bigas.
_____ 7. Halina sa kusina dahil kaluluto lang ni Inay ng meryenda.
_____ 8. Ang sanggol ay binabantayan ni Ate Carla sa sala.
_____ 9. Ang lalaki ay sumaklolo sa matandang babae na nahimatay.
_____ 10. Patutunayan ko na kaya kong pangasiwaan ang proyektong
ito.
_____ 11. Kagigising lang ni Tatay kaya magtitimpla na ako ng kape
para sa kanya.
_____ 12. Sino ang mag-aalaga sa mga bata habang nagtatrabaho ka
sa Dubai?
_____ 13. Gusto niyang ipagmalaki ang sining ng kanyang lahi.
_____ 14. Ang mga programa ng DOH ay itinataguyod ng mga lokal na
pamahalaan.
_____ 15. Si Jasmin ay nagtagumpay sa paligsahan sa pagsusulat ng
tula.
© 2014 Pia Noche samutsamot.com
Pagsasanay sa Filipino

Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Pagtukoy ng Aspekto ng Pandiwa (Mga Sagot)


Kakayahan: Naitutukoy ang aspekto ng pandiwa

Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit gamit ang mga titik:
PN (aspektong pangnagdaan), PK (aspektong pangkasalukuyan), PH
(aspektong panghinaharap), KT (aspektong katatapos), o PW (aspektong
neutral o pawatas).

PH
_____ 1. Pasasalamatan ko ang mga taong tumulong sa akin upang
makamit ko ang aking pangarap.
PW
_____ 2. Hindi mabuti ang magtanim ng galit.
PN
_____ 3. Sumayaw sa entablado ang magkakapatid.
KT
_____ 4. Kagagaling ko lang sa opisina kaya nagpapahinga ako.
PW
_____ 5. Nais nilang turuan ang mga bata ng mabubuting asal.
PK
_____ 6. Binubuhat ni Mang Tonio ang mabigat na sako ng bigas.
KT
_____ 7. Halina sa kusina dahil kaluluto lang ni Inay ng meryenda.
PK
_____ 8. Ang sanggol ay binabantayan ni Ate Carla sa sala.
PN
_____ 9. Ang lalaki ay sumaklolo sa matandang babae na nahimatay.
PH 10. Patutunayan ko na kaya kong pangasiwaan ang proyektong
_____
ito.
KT 11. Kagigising lang ni Tatay kaya magtitimpla na ako ng kape
_____
para sa kanya.
PH 12. Sino ang mag-aalaga sa mga bata habang nagtatrabaho ka
_____
sa Dubai?
PW 13. Gusto niyang ipagmalaki ang sining ng kanyang lahi.
_____
PK 14. Ang mga programa ng DOH ay itinataguyod ng mga lokal na
_____
pamahalaan.
PN 15. Si Jasmin ay nagtagumpay sa paligsahan sa pagsusulat ng
_____
tula.
© 2014 Pia Noche samutsamot.com

You might also like