You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DABAW
CLUSTER 1
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Araling Panlipunan 7
S.Y. 2018-2019

Pangalan: ____________________________ Pangkat: ______________ Iskor: _______


Maramihang Pagpipili: Suriin ang mga pangungusap at itiman ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Batay sa mapa ng daigdig, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang kinalalagyan ng


kontinente ng Asya?
A. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
B. Karamihan sa mga bansa ay may mainit na panahon.
C. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya.
D. Ang hugis ng mga pulo ay pare-pareho.

2. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya. Hilaga, Timog, Silangan, Kanluran at Timog-Silangan. Anong
mga aspekto ang isinaalang-alang sa paghahating ito?
A. Pisikal, historikal, at heograpikal
B. Pisikal, historikal, at kultural
C. Heograpiya, kultural, at klima
D. Heograpiya, behetasyon at kultura

3. Ang Timog-Silangang Asya ay minsang binansagang Farther India at Little China. Ano ang ibig sabihin
ng pahayag na ito?
A. Dahil sa impluwensiya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura ng Timog-Silangang Asya.
B. Dahil dito nakalatag ang mga bansang dating sakop ng China.
C. Dahil ang Timog-Silangang Asya ay malayo sa India at malapit sa China.
D. Dahil ito ay pinagsamang Timog at Silangan.

4. Mayaman ang Asya sa iba’t-ibang anyong tubig na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao.
Ang ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, Indus sa India at Huang Ho sa China ang ilan lamang sa
mga ilog na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang
ginampanan ng mga ilog na ito sa kabihasnang Asyano?
A. Maraming idinulot na pinsala sa buhay at gamit ng tao sa tuwing may pagbaha sa mga ilog na ito.
B. Sa mga ilog na ito, nakakakuha ng malaking pakinabang ang mga sinaunang tao sa kasaysayan.
C. Pangunahing daanan ng mga barkong pangkalakalan ng mga bansang kabilang sa rehiyon.
D. Sa mga ilog na ito umusbong ang mga kauna-unahang kabihasnan sa daigdig.

5. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ang tungkol sa pisikal na katangian ng ating kapaligiran?
A.Nakakatulong ito upang maintindihan natin ang mga pangyayari sa ating palibot.
B. Malaki ang epekto nito sa kilos at gawain ng mga tao.
C. Magagamit natin ito sa ating mga hanapbuhay.
D. Malawak ang impluwensiya nito sa ating buhay.

6. Isa ang lake Baikal sa mga lawa nakapaligid sa kontinente ng Asya. Alin sa mga sumusunod ang nag-
lalarawan sa lake Baikal?
A. Ito ay isa sa pinakamalaking lawa sa Asya
B. Ang pinakamalalim na lawa sa Asya
C. Ito ay pinakamalaking lawa sa buong mundo
D. Ito ang pinakamaalat na anyong tubig

7. Ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grassland ay isa sa mga katangiang pisikal ng Asya.
Alin sa mga uri ng grassland ang may damuhang mataas at malalim ang ugat na makikita sa ilang
bahagi ng Russia?
A. Prairie B. savanna C. steppe D. tundra

1 of 6
8. Alin sa mga sumusunod ang maaring kabutihang ambag ng disyerto sa paghubog ng pamumuhay ng
mga tao?
A. Nagbibigay ng proteksiyon o harang sa malakas na bagyo.
B. Nagbibigay ng bungang-kahoy at herbal bilang gamot.
C. Nagtataglay ng samut-saring yamang mineral.
D. Ang mga damo bilang pastulan ng mga hayop.

9. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng katangiang pisikal ng hilagang Asya?


A. Ito ay hugis tatsulok
B. Ito ay nagtataglay ng rocky mountain
C. Ito ay may kabundukan na nasa rehiyon na humahati sa kontinente ng Europa at Asya.
D. Mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar madalas ang pagkatuyo dahil sa sobrang init

10 . Ang klima ay ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na
panahon. Paano ito nakaaapekto sa mga tao?
A. Ang klima ay nakaaapekto sa pamumuhay at kultura ng tao sa isang pamayanan.
B. Nagkakaroon ng iba’t ibang wika dahil sa klima ng isang bansa.
C. Nagkakaroon ng iba’t ibang uri ng sistema ng pamahalaan.
D. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng damit.

11 Ang Timog Silangang Asya ay isa sa may pinakamainam na klima sa Asya. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapatunay sa pahayag na ito?
A. Ito ay may tropical rainforest
B. Ito ay may malamig na klima
C. Ito ay may deeply rooted tall grass.
D. Ito ay may damuhan na tinatawag na shallow rooted.

12. Ano ang kaibahan ng anyong lupa ng Silangang Asya sa Timog- Silangang Asya?
A. Ang Silangang Asya ay mabuhangin at mabato samantalang ang Timog- Silangang Asya ay
mabundok.
B. Ang Silangang Asya ay may malawak na damuhan samantalang ang Timog-Silangan Asya
naman ay mabuhangin
C. Ang Silangang Asya ay malalim ang mga lambak samantalang ang Timog- Silangan Asya naman
ay may magubat na kabundukan.
D. Ang Silangang Asya ay may mataas na bundok samantalang ang Timog- Silangan Asya ay
malalim ang mga lambak

13. Ang Kanlurang Asya ay nakakaranas ng labis o di kaya’y katamtaman init samatalang ang Hilagang
Asya naman ay:
A. Nakararanas ng mahabang panahon ng tag lamig at napa ikling tag init.
B. Nakararanas ng sobrang lamig
C. Nakararanas ng sobrang ulan at bagyo
D. Nakararanas ng pana-panahong hangin

14. Ang Indus, Ganges, at Brahmaputra ay ilan sa malaking ilog sa daigdig na makikita sa Timog Asya
samantalang sa Silangang Asya naman makikita ang pinakamahalagang ilog sa pamumuhay ng
mga Tsino. Ano –ano ang mga ilog na ito?
A. Kyushu at Shikuko C. Huang Ho, Xi Jiang at Yangtze
B. Irradawaddy at Salween D. Bay of Bengal at Mekong

15. Ano ang pinagkakaiba ng savanna na matatagpuan sa Timog- Silangan Asya at taiga na
matatagpuan sa Hilagang Asya.
A. Ang savanna ay damuhang may ugat na mababaw at ang taiga naman ay damuhang mataas na
may malalim na ugat.
B. Savanna ay damuhang mataas na may malalim nay ugat ang Taiga ay damuhang may ugat na
mababaw.
C. Ang savanna ay may mabato na bundok o rocky mountain at taiga naman lupain na pinagsama
ang damuhan at kagubatan.
D.Ang savanna ay lupain na pinagsama ang damuhan at kagubatan at ang taiga naman mabato na
bundok o rocky mountain.

2 of 6
16. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at napakahalagang
butil pananim ang palay?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyon ito na angkop sa pagtatanim
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito

17. Kung ang kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at
maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakaranas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag –ulan
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa ibat ibang
buwan sa loob ng isang taon.
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao

18. Ang Hilagang Asya ay isa sa may pinakamalaking deposito ng ginto sa mundo, pangalawa sa Russia
sa produksyon ng natural gas, at kilala sa industriya ng phosphate. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. Tanyag ang Hilagang Asya sa metal
B. Mayaman ang Hilagang Asya sa lupa
C. Mayaman ang Hilagang Asya sa mineral
D. Walang punong kahoy ang nabubuhay sa lugar

19. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa
Timog Asya?
A. Pagmimina B. Pagsasaka C. Pagmamanupaktyur D. Konstruksyon

20. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang bahagi ng Timog-Silangang Asya it biniyayaan ito ng iba’t ibang
likas na yaman, mga anyong lupa, at mga anyong tubig. Ang Maria Kristina Falls na matatagpuan sa
Mindanao ang isa sa mga halimbawa nito. Ano ang pinakamahalagang mapakinabangan sa anyong
tubig na ito?
A. Turismo para sa bansa
B. Pasyalan ng bawat pamilya
C. Para maging bahagi ito sa natural wonders ng mundo
D. Pwede itong pagkunan ng koryente na kilala sa tawag na hydroelectric power

21. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing yamang likas ng Silangang Asya?
A. Yamang-mineral B. Yamang-lupa C. Yamang-kagubatan D.Yamang-tubig

22. Anong rehiyong sa Asya ang may pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo at langis?
A. Kanlurang Asya B. Silangang Asya C. Timog Asya D. Hilagang Asya

23. Ang Timog-Silangang Asya ay binubuo ng maraming punong-kahoy kagaya ng palm, yakal, kamagong,
narra, at iba pang uri ng kahoy. Ano ang puwedeng malinang ng rehiyong ito?
A. Nagsisilbing panirahan ng iba’t ibang hayop ang kagubatan
B. Ang mga punong-kahoy sa kagubatan ay gawing papel, upuan, at iba pang mga muwebles
C. Puwedeng ipagbili sa ibang bansa ang mga kahoy na makukuha dito
D. Hayaan ng pamahalaan ang pribado na malinang ang mga punong-kahoy

24. Ano ang pakinabang ng mga yamang likas sa aspeto ng pang-ekonomiya?


A. Direktang ikokonsumo ng tao ang yamang-likas
B. Lubos na kailangan nito ng tao sa pang-araw-araw na buhay
C. Gagamitin ang mga yamang likas panluwas sa ibang bansa
D. Nagsisilbing hilaw na materyales ang yamang likas para sa panustos na kailangan sa pagawaan

25. Alin ang nagpapatunay na ang malawak at matabang lupain ay nagsisilbing batayan sa sektor ng
agrikultura?
A. Puwedeng gawing pabahay sa mga mahihirap ang malawak na lupain
B. Gamitin ng pamahalaan ang lupain para sa pansariling interes nito.
C. Mas mapalawak pa ng sektor ng industiya ang kita nito mula sa agrikultura.
D. Mas matugunan nito ang mga pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas maraming
produkto.

3 of 6
26. Bakit ang mga bansa sa Asya na mayaman sa mga yamang-likas ay karaniwang halos nauubosan at
hindi napakikinabangan ang mga ito?
A. Hindi nagagamit ng tama ang mga yamang likas
B. Hindi makabago ang kagamitang pansaka ng mga bansa
C. Walang eksaktong programa ang pamahalaan ng bansa
D. Binibili ng mga maunlad na bansa ang yamang likas bilang hilaw na materyales sa produksyon.

27. Sa patuloy na pagtaas ng populasyon ay patuloy din ang pagdami ng nangangailangan ng


ikabubuhay at matitirahan. Ano ang magiging epekto nito sa pinagkukunang-yaman?
A. Maaaring masira at mauubos ang mga likas na yaman para matugunan ang walang katapusang
pangangailangan ng mga tao.
B. Walang ibang paraan kundi gumamit ng mga makabagong teknolohiya sa mga likas na yaman
C. Ang mga hayop ay maaaring maapektuhan dahil sa lubusang pangangailangan ng tao
D. Kailangang gagamitin ng tao ang mga yamang-likas para sa pangkabuhayan nito

28. Ang Pilipinas ay isang arkipelago, kadalasang pamumuhay ng mga Pilipino ay pangingisda. Nararapat
bang magtakda ng regulasyon ang pamahalaan ukol sa tamang pangingisda?
A. Oo, dahil nakasaad ito sa ating Saligang Batas na protektahan ng pamahalaan ang mga Yamang-
likas ng bansa
B. OO, dahil kailangan itong pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan
C. Hindi, dahil ang Pilipinas ay isang kapitalismong bansa na hindi dapat pakialaman ng pamahalaan.
D. Hindi, dahil ang panghihmasok ng pamahalaan ay labag sa karapatan ng mga mangingisda.

29. Isa sa mga seryosong suliraning kinakaharap ng mga bansa sa Asya ay ang pagkasira ng kalikasan na
dulot ng maling pamamaraan ng industriyalisasyon ng mga kanluraning bansa. Dapat bang
ipagpatuloy ang pamamaraan ng industriyalisayon ng mga kanluraning bansa?
A. Hindi, dahil lubusang masisira ang kalikasan
B. Hindi, dahil may mga ibang paraan pa naman sa paggamit ng mga yamang likas.
C. Oo, dahil ang mundo sa kasalukuyang panahon ay makabago na at hindi na kailangang bumalik sa
makaluma.
D. Oo, sa paraan na may limitasyon dahil kailangan ang mga ganitong bagay para matugunan ang
mga pangangailangan ng mga tao.

30. Sa anong proseso lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig
papunta sa lupa?
A. Salinization B. Siltation C. Desertification D. Deforestation

31. Bakit kailangang bigyan ng kahalagahan ng balanseng kalagayang ekolohikal?


A. Dahil lahat tayo ay nakikianabang sa ating mundo
B. Dahil nakasulat sa ating batas na dapat panatilihin ang balanseng ekolohikal
C. Dahil tiyak na makakaapekto ito ng lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligiran ng daigdig
D. Dahil kailangan ito ng mga iba’t ibang uri ng hayop

32. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing epekto ng deforestation sa mga hayop?
A. Nauubos ang mga hayop sa kagubatan
B. Nauubos ang mga yamang likas
C. Maraming mga species ng halaman at hayop ang nanganganib
D. Mawawalan ang mga hayop ng natural na tirahan
33. Isang dahilan ng pagkakasira ng lupa ay ang overgrazing. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng
overgrazing?
A. Hindi sapat ang damuhan sa laki ng kawan ng hayop na pinapastol dito
B. Sobrang dami ng damuhan at kunti lang ang mga hayop na pinapastol dito
C. Walang kapasidad ang damuhan na dumami at lumago
D. Ang lupa ay nawawalan ng sapat na pataba

34. Pinahahalagahan at pinangangalagaan ng mga Asyano ang malaking biodiversity nito. Alin sa
mga sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala nito.
A. Ang pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahot sa gubat (deforestation)
B. Introduksiyon ng mga species ng hayop at halaman na hindi likas sa rehiyon.
C. Ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tao .
D. Pag-aabuso sa lupa.
4 of 6
35. Pangunahing hanapbuhay ng maraming Asyano ang pagsasaka.Bakit mahalagang pangalagaan
ang gawaing ito?
A. Dahil tinutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at nakapagluluwas ng maraming produkto.
B. Simbolo ito ng mga bansang Asyano.
C. Sinasalamin ng gawaing ito ang sinaunang gawain ng mga tao.
D. Pinauunlad nito ang ekonomiya ng bansa.

36. Ang Slum o karaniwang tirahan ng mahihirap sa mga lungsod ito ay epekto ng pagkakaroon ng
urbanisasyon sa bawat kontinente. Anong kontinente ang nakararanas ng pinakamataas na bilang
ng mga Slum?
A. Asya b. Europa c. Australia d. Africa
37. Ang pangunahing layunin ng One Child Policy ay limitahan ang mabilis na paglaki ng populasyon.
Saang bansa ang nagpapatupad ng One Child Policy?
A. Pilipinas b. China c. India d. Japan

38. Ang paglaki ng populasyon sa daigdig ang isa sa mga suliraning kinakaharap ng ilang mga bansa sa
kasalukuyan. Ano ang pangunahing epekto ng pagtaas ng populasyon sa yamang – likas ng isang
bansa?
A. Pagkakaroon ng bagong kultura
B. Pagkakaroon ng agawan sa teritoryo
C. Pagkakaroon ng kakapusan sa likas na yaman
D. Pagkakaroon ng mas maraming mahihirap sa isang bansa

39. Ang India ay isang bansang papaunlad pa lamang kaya limitado ang hanapbuhay na pwedeng
pagkakitaan ng tao. Ano ang epekto nito sa buong bansa?
A. Pagtaas ng fertility rate
B. Pagbaba ng kalidad na pamumuhay
C. Pagtaas ng unemployment at underemployment rate
D. Pagbaba ng mortality rate
40. Ano ang kahalagahan ng mga datos, kagaya ng population growth, life expectancy, literacy rate at
migration at iba pa sa ating pamahalaan?
A. Upang magamit bilang batayan sa pagsasagawa ng mga programa ng pamahalaan
B. Upang matukoy ang kahinaan ng isang bansa
C.Para sa karagdagang pag – aaral ng mga kinauukolan
D. Upang makita ang totoong kalagayan ng isang bansa
Para sa bilang 41-43, suriin ang mga datos sa talahanayan.
Bansa Populasyon Bilis ng Paglaki Edad
ng Populasyon
0 – 14 15 – 64 65+
Sri Lanka 20, 237, 730 0.86 24.9 67 8.1
Laos 6, 320 429 2.29 36. 1 60.1 3.7
Indonesia 229, 964, 723 1.10 27 66.6 6.4
Japan 127, 156, 225 -0.24 13.5 62.6 23.9
India 1,198, 003, 272 1.38 29.3 65.6 5.6
Data.world.bank.org/indicator/NY.CPD.PCAP.CD

41. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang tamang
pagkakasunod – sunod?
A. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia at Japan
B. India, Indonesia, Japan, Sri Lanka, at Laos
C. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos at Japan
D. Indonesia, India, Japan, Laos at Sri Lanka
42. Batay sa datos, aling bansa ang may pinakamaliit na porsyento ng lakas paggawa?
A. Laos B. Indonesia C. India D. Japan
43. Makikita sa talahanayan na bumababa ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon sa ilang
bansa sa Asya gaya ng Japan at Sri Lanka. Ano ang ipinahiwatig nito?
A. Mabisa ang impluwensiya ng mga bansang kanluranin
B. Tumaas ang katayuan ng kababaihan sa PIlipinas
C. Ang mga pamilya ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan kaya ipinagpapaliban ang
pagkakaroon ng anak.

5 of 6
D. Ang pagbabago ay dulot ng edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay.
44. Bakit ang kawalan ng edukasyon ng mga kabataan ay lalong nagpapataas unemployment rate at
underemployment rate sa bansa?
A. Dahil may kakulangan sa dami ng trabaho na maaring ibigay ng pamahalaan
B. Dahil walang sapat na kasanayan at kaalaman ang mga ito upang matanggap sa mas maayos na
hanapbuhay.
C. Dahil mas gusto ng kabataan ang magaan na mga trabaho
D. Dahil mas nauuso ang pagnenegosyo para sa mga kabataan

45. Sa pagpapatupad ng programang Quality Family ng Indonesia 2015, ano ang itinuturong isa sa mga
balakid na kinaharap ng pamahalaan
A. Ang kahirapan na hinaharap ng mamamayan
B. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang kultura
C. Ang pagiging Islamiko ng karamihan
D. Ang kawalan ng partisipasyon ng karamihan

46. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkakaparehong wika, kultura at
etnisidad.
A. Pangkat rehiyon C. Pangkat Taong – rehiyon
B. Pangkat Etnolingguwistiko D. Pangkat Indibidwal

47. Kung iba- iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, nangangahulugang pinakamalaking
hamon sa rehiyon ang ________.
A. Ideolohiyang political C. Modernisasyon
B. Pagkakakilanlan D. Pagkakaisa

48. Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin ng wika ang kultura ng
isang lahi.”
A. Ang wika ay may iba – ibang layunin
B. Iba – Iba ang wika ng iba – ibang tao
C. Ang wika ay susi sa pag – unlad ng kultura at kabuhayan ng tao
D. Sa pag – aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi

49. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan kung bakit itinuturing ang wika bilang
kaluluwa ng kultura?
A. Ang wika ay simbolo ng kultura.
B. Ang bawat lahi ay may sariling wika.
C. Ang wika ay sumisimbolo sa pagkakakilanlan ng isang lahi.
D. Sa pamamagitan ng wika ipinapakita ng tao ang kanyang kakayahang makipag-ugnayan sa iba.

50. Suriin ang sumusunod na pahayag.


I. Ang wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan
II. Ang wika ang nag – uugnay sa lahat ng pangkat etniko
III. Sa pamamgitan ng wika naipapahayag ng tao ang kaniyang damdamin
IV. Ang wika ang nagpapaunlad sa darili at sa kapwa sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan.

Alin sa mga nabanggit ang HINDI kabilang sa mga rason kung bakit ang wika ay mahalaga?
A. II B. I at II C. IV D. I

6 of 6

You might also like