You are on page 1of 5

ACTION RESEARCH

BAKIT MAS MABABA SA (75%) PITUMPUT-LIMANG BAHAGDAN ANG DUMADALO SA

PAGPUPULONG NG SAMAHAN NG MGA MAGULANG, GURO AT KOMUNIDAD SA

PORFIRIO G. COMIA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL?

I. NILALAMAN

Ang Samahan ng mga Magulang, Guro at Komunidad (PTCA) ay itinatag upang palakasin

ang kaisahan ng mga magulang, guro at komunidad na nakakasakop sa mababa at mataas

na paaralan, pampubliko man o pribado para sa adhikain na maisakatuparaan ang mataas

na uri ng edukasyong pinapangarap sa bawat isang mag- aaral. Ang isang matagumpay na

samahan ay nangangailangan ng bukas na komunikasyon, partisipasyon, tuwirang pakikiisa

at pagtaguyod sa mga gawain at programa sa lahat ng kasapi nito.

Ngunit isa sa malungkot na katotohanan na hindi lahat ng kasapi nito ay nagbabahagi ng

kanilaang panahon, tungkulin at responsibilidad. Halimbawa na lang ay ang pagdalo sa

pagpupulong na nangyayari lamang naman ng apat hanggang anim (4 – 6) na beses bawat

panuruang taon.

Nais ng mananaliksik na matukoy at tuwirang mabawasan ang problemang kinakaharap

ng mga kasapi ng PTCA kung kaya’t hindi nakadadalo sa mga pagpupulong. Sa ganitong

paraan ay madaragdagan ang bahagdan ng dumadalo ng naturang aktibidadis at mas

mapapalakas ang ugnayan ng bawat isang miyembro ng samahan.


II. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa paaralan, ang guro ang pangunahing tagapaghubog sa kaalaman ng mga

estudyante. Ang magulang, sa kabilang dako naman ay isa sa mahalagang haligi ng

paaralan. Katuwang sila sa adhikaing mapaunlad ang mga bata. Maraming kakayahan

din ang ipinagkakaloob ng mga miyembro ng komunidad na nagiging bahagi sa bawat

proyekto ng paaralan . Ang aktibong pakikilahok ng mga magulang at komunidad ay isang

malakas, positibong puwersa sa tagumpay ng Holistikong pag-unlad ng bawat mag-aaral.

Ayon sa pananaliksik nina David L. Stevenson at David P. Baker na may pamagat na

“ The Family,School Relation and Child’s School Performance” ;Vol. 58,no. 5; pages 1348-

1357. Ang mga mag-aaral na may magulang na higit na aktibong nakikiisa sa mga

aktibidades ng paaralan ay nakikitaan ng higit na pag-unlad sa pagkatuto at kakayanan

kaysa sa mga mag- aaral na ang magulang ay hindi nakikiisa.

Ang wastong paggabay ng magulang sa pag –aaral ng kanilang mga anak ay makikita

mula sa pinakamaliit na bagay tulad ng pananamit at tamang gupit ng buhok. Kaugnay

din dito ay ang pag-alam ng kalagayan ng anak sa loob ng paaralan maging akademiko

man ito o pakikitungo sa mga guro at kapwa mag-aaral. Dapat din silang maging katuwang

ng mga guro upang makilala ng wasto ang mag-aaral. Paunlarin ang mga natatanging

talento at palakasin ang kanilang kahinaan.

Sa mandato ng nakaraang turuang taon 2015-2016 sa Porfirio G. Comia Memorial

National High School ang porsyento lamang ng mga magulang na dumadalo ng

pagpupulong ng PTCA ay naglalaro lamang sa ( 60%-70%) animnapu hanggang

pitumpong bahagdan. Saan napapapunta ang (30 % - 40%) nawawalang bahagdan nito?

Ano ang nagiging dahilan at hindi sila pagdalo gayung napakahalaga nito?

Madalas nating marinig sa ating mga magulang na Edukasyon lang ang tangi nilang

maipamamana sa atin. Ngunit di natatapos ang tungkuling ito sa pagpapatala lamang at

pagbibigay ng pinansyal na pangangailanga ng mga anak. Kaugnay nito tayo ay

atomatikong nagiging bahagi ng samahan ng PTCA. Kalakip ng ating pagiging miyembro

ay ang ating mga tungkulin at responsibilidad.

Sa panulat na isinagawa ni Catherine Mallari sa Prezi.com noong Enero 13,2014 na

isa sa mga tungkulin ng mga kasapi ng isang samahan ay ang pagdalo ng regular na

pagpupulong. Ito ay napakahalaga sapagkat dito nilalahad ang katayuan ng samahan,


problemang kinakaharap at mga proyekto na makakapagpaunlad ng bawat miyembro ng

samahan.

Ang magulang bilang pangunahing kapareha ng paaralan sa edukasyon ng kanilang

mga anak ay may dapat harapin at tanggapin na resposibilidad at tungkulin sa samahan

ng PTCA. Isa na rito nga ay ang pagdalo bawat pagpupulong. Upang manatiling bukas

ang komunikasyon at maisakatuparan ang edukasyong pinapangarap sa kanilang mga

anak.

III. TANONG PANANALIKSIK

Paano maisasakatuparan ang mga mithiin ng isanng mataas na kalidad ng edukasyon

kung mismo ang mga haligi nitong samahan ay di tumutupad sa tungkulin nila. Isa dito

ay ang pagdalo sa mga pagpupulong na ang layunin ay maiulat ang mabubuting

karakter,kalakasan,kahusayan gayundin ang mga problemang kinakaharap at

programang ilalahad upang magamit sa ganap na pag-unlad ng bawat mag- aaral.

Kung kaya’t upang mapulsuhan ang mga damdamin na mga magulang sa mga bagay

na humahadlang sa kanila pagdalo ng pagpupulong, narito ang mga katanungan

upang higit na maunawaan ang kanilang mga kadahilanan.

1. Gaano kahalaga ang edukasyon ng inyong anak?

2. Gaano kahalaga ang ugnayan ng mga magulang, guro at kumunidad para sa

kapakanan ng mga mag-aaral?

3. Ano mga kadahilanan sa hindi pagdalo ng mga magulang sa tuwing magkakaroon

ng pagpupulong ng Samahan ng mga magulang, guro at kumunidad?


IV. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga kadahilanan ng hindi pagdalo ng mga

magulang sa mga pagpupulong na ginaganap sa paaralan.

V. DISENYO NG PANANALIKSIK AT PAMAMARAAN

Gagamit ng talatanungan bilang paraan sa pagkuha ng makatutuhanang datos.

VI. PLANO NG PAGGAWA

MGA GAWAIN PANAHON MGA RESULTA


PERSONALIDAD
SA PANANALIKSIK
Paghingi ng Superintendent/ Pagbibigay ng
permiso sa Hunyo Principal/Mga Pahintulot sa
pananaliksik Magulang pananaliksik
Pagkuha ng mga
datos Hulyo-Agosto Mga Magulang at Kumpletong
Guro Datos
Tabyulasyon ng Maayos na
nakuhang Datos Setyembre- Mananaliksik natapos ang
Oktubre tabyulasyon
Presentasyon at Nobyembre - Maayos na
Interpritasyon ng disyembre Mananaliksik nailahad ang
mga datos Presentasyon at
Interpritasyon ng
mga datos
Paglalagom ng Enero - Marso Maayos na naitala
natuklasan Mananaliksik ang mga
;kongklusyon at natuklasang
rekomendasyon ;kongklusyon at
rekomendasyon
Huling pagsusuri Abril - Mayo Mananaliksik Pagpapasa ng
(finalization) pagsusuri

VII. COST ESTIMATE

A. Transportasyon - ₱ 5,000

B. Paglilimbag ng mga talatanungan - ₱ 2,000

C. Papel atbp - ₱ 3,000

--------------------------------------------------------------------------------

Kabuuang Halaga - ₱ 10,000


IPINASA NINA:

GROUP 10

“PANGKAT SAMPAGUITA”

MA. THERESA M. SANGALANG


LENILYN CANDAVA
DAISY SILANG
ILLUMINADA BARRO
LIZA MENDOZA

You might also like