Ang kasulatang ito ay pinagkasunduan at isinagawa sa pagitan
nina:
JOAQUIN F. GARCIA, nasa hustong gulang, may asawa at nakatira
sa Phase 4 Block 8 Lot 20 Lakeside Nest Subdivision, Banay-banay Cabuyao, City of Laguna na sa kasulatang ito ay tinaguriang NAGSANGLA;
at
BEBIANO F. GARCIA, nasa hustong gulang, may asawa at nakatira
sa Barangay Sta. Lucia, Victoria Tarlac na sa kasulatang ito ay tinaguriang PINAGSANGLAAN;
NAGPAPATUNAY
Na ang NAGSANGLA ay humiram sa PINAGSANGLAAN ng
halagang ISANG DAANG AT LIMANGPUNG LIBONG PISO (P150,000.00) na tinanggap at sumakamay ng NAGSANGLA ngayong Ika-21 ng Hulyo 2019 na pinapatunayan ng kanyang lagda dito. Ang nasabing pagkakautang ay babayaran pagtapos ng isang taon o Ika-21 ng Hulyo 2020.
Bilang panagot sa nasabing pagkakautang, isinasangla ng
NAGSANGLA ang kanyang dalawang motor na may Certificate of Registration No. 241480500 at No. 0739981-0
Ang nasabing mga motor ay tunay na pagmamay-ari ng
NAGSANGLA.
Sakaling mabayaran ng NAGSANGLA ang nasabing pagkakautang
sa itinakdang panahon, ang kasulatang ito ay mawawala ng bisa at saysay. Subalit kung hindi naman niya ito magawang bayaran, ang kasulatang ito ay iiral at ipapatupad sa kaparaanang itinatakda ng batas.
Maaaring irenew ang kasulatang ito ng naaayos sa
mapagkasunduan ng NAGSANGLA at PINAGSANGLAAN.
SA KATUNAYAN NG LAHAT, ang magkabilang panig ay lumagda sa
kasulatang ito ngayong Ika-21 ng Hulyo 2019 sa Lungsod ng Victoria, Tarlac.