Ang Huling Paalam
(Noli Me Tangere)
Paalam, bayan kong minamahal
Lupa mong sagana sa sikat ng araw;
Edeng paraiso ang dito’y pumanaw
At perlas ng dagat sa may silanganan.
Buong kasiyahang inihahain ko
Kahiman aba ng buhay kong ito.
Maging dakila ma’y alay rin sa iyo
Kung ito’y dahil sa kaligayahan mo.
Ang nakikilabang dumog sa digmaan
Inihahandog din ang kanilang buhay .
Kahit karapata’y hindi gunamgunam
Sa kasawian man o tagumpay.
Maging bibitaya’t mabangis na sakit
O pakikilabang suong ay panganib
Titiising lahat kung siyang nais
Ng tahana’t baying aking iniibig.
Mamatay akong sa aking pangmalas
Silahis ng langit ay nanganganinag
Ang pisngi ng araw ay muling sisikat
Sa kabila nitong malamlam na ulap.
Kahit aking buhay, aking hinahangad
Ng aking ihandog kapag kailangan
Sa ikaririlag ng yong pagsilang
dugo ko’y ibubo’t kulay ay kuminnang.
Mulang magkaisip at lumalaking sukat
Pinapangarap ko sa bait ay maganap’
Ikaw’y mamasdan kong marikit ng hiyas
Na nakaliligid sa silangan ng dagat.
Sa bukas ng mukha’y, noo’y magniningning
Sa mata’y wala nang luhang mapapait
Wala ka ng poot, wala ng ligalig
Walang kadungua’t munti mang hilahil.
Sa aba kong buhay, may banal na nais
Kagaling’y kamtan nang ito’y masulit
Ng aking kaluluwang handa ng umalis
Ligaya’y angkin mo, pagkarikit-dikit.
Nang ako’y maabat, ikaw’y napataas
Ang ako’y mamatay nang ikaw ay mabigyan
Ng isang buhay na lipos ng kariktan
Sa ilalim ng langit ikaw ay mahimlay.
Kung sa ibang araw, mayroon kang mapansin
Sa gitna ng mga damong masisinsin
Nipot ng bulaklak sa ibabaw ng libing
Ito’y halikan mo’t itaos sa akin.
Sa bango ng iyong pagsuyong kay tamis
Pagsintang sa dibdib may tanging angkin
Hayaan noo ko’y tumanggap ng init
Pagka’t natabunan ng lupang malamig.
Hayaang ang buwan sa aki’y magmasid
Kalat na liwanag, malamlam pa mandin;
Hayaang liwayway ihatid sa akin
Ang banaag niyang dagling nagmamaliw.
Hayaang gumibik ang simoy ng hangin
Hayaan sa himig masayang awitin
Ng ibong darapo sa kurus ng libing
Ang payapang buhay ay langit ng aliw.
Hayaang ang araw na lubhang maningas
Gawing parang ulap sa patak ng ulan
Maging panganorin sa langit umakyat
Ang mga daing ko’y kasama’t kalangkap.
Hayaang ang aking madaling pagpanaw
Iluha ng mga labis ng nagmahal
Kapag ang nag-usal sa akin ng dasal
Ako’y iyo sanang idalangin naman.
Ipagdasal mo rin mga kapuspalad,
Mga nangamatay pati naghihirap
Mga dusa’t sakit ina’y tumatanggap
Ng tigib ng lungkot at luhang masaklap.