Professional Documents
Culture Documents
Repleksyon ESP
Repleksyon ESP
Ang konsensya ay ang pag-unawa ng tama sa mali, pag-iisip ng gawaing tama, pag-
unawa ng mga nararamdaman ng mga pagkakamali at ang pag-iisip ng mga mabuti. Ang
konsensya ay nakakatulong sa pagkilala ng mga gawain na naayon sa pagsusuri ng moral
na aksyon.Ito ang nagsusuri ng kilos at sumasaklaw sa pansariling batayan ayon sa
katotohanan at katwiran.
Ang likas batas moral ay ang dahilang nakikibahagi sa mga karunungan at kabutihan
ng diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti
sa masama at ang likas batas moral. Layon ng batas moral ang pagkalooban ang tao ng
kinakailangang batayan upang makagawa ng ng tamang pasya at kilos. Ang sampung utos
ng diyos ay halimbawa panuntunan sa pag-iisip ng tama o mali upang maiwasan ang mga
ginagawang mali at upang makalayo tayo sa mga kasalanan. Gusto ng diyos na
pahalagahan ang sampung utos dahil pinapahalagahan nito ang tao upang maka-iwas sa
mga kasalanan.