You are on page 1of 1

Group 2 21st Century Literature from the Philippines to the World

Masong, Vincent Khyle R, Polytechnic University of the Philippines


Abatayo, Raziel
Enore, Ronalyn
Alamat ng Ampalaya
Sa bayan ng Sariwa, naninirahan ang iba’t ibang uri ng gulay. Sa lahat ng gulay, may isang naiiba sa
kanila dahil sa taglay nitong kaputlaan at kasalatan sa lasa. Siya si Ampalaya, ang gulay na hindi
nabiyayaan ng kulay. Dahil dito, kinaiinggitan niya lahat ng gulay sa kanilang bayan. Ito ang naghudyat
sakanya na gumawa ng maitim na balak.

Isang gabi, habang nahihimbing ang mga gulay, pinuntahan ni Ampalaya ang kani-kanilang mga balag.
Kinuha niya ang tamis ni Kalabasa, isinilid sa bayong ang asim ni Kamatis pati na rin ang anghang ni
Luya. Hindi niya rin pinalampas ang nakasampay na kaputian ni Labanos, sinaklot ang lilang balat ni
Talong at ang luntiang pisngi ni Mustasa. Tagumpay na nakuha ni Ampalaya ang mga kulay at lasa ng
mga gulay.

Kinabukasan, nagtaka ang mga gulay sa bayan ng Sariwa dahil hindi nila matagpuan ang kanilang kulay
at lasa. Mas lalo silang nagulat nang may dumating na isang kakaibang gulay na may napakagandang
kulay. Nagduda ang mga gulay sa taglay na kutis ng dayuhan kaya gumawa sila ng paraan upang
malaman misteryo ng makulay na gulay. Nagtipun-tipon ang mga gulay at pinuntahan ang balag ng
bisitang gulay. Laking gulat nila nang makita ang isang gulay na hinuhubad ang mga kulay at lasa sa
kanyang katawan. Tumambad sa kanila isang maputla at walang lasa na si Ampalaya.

Sa harap ng mga diwata, isinakdal ang bugnuting si Ampalaya. Siya ay nilitis sa hukuman. Napatunayang
siya ay may malaking pagkakasala sapagkat wala pang gulay ang may taglay na napakaraming kulay ang
nalikha nung panahon na iyon. Pinarusahan siya ng mga diwata. Ibinigay ng ng mga ito ang kahilingan
niya na mapasakanya ang mga kulay at lasa ng mga gulay, kaya pinaghalo ang kinis at gaspang na
nagging sanhi ng mga kulubot sa kanyang balat. Ang asim, tamis at anghang ay nag-away sa kanyang lasa
kaya lumabas ang kapaitan nito.

Lumipas ang mga araw, marami na ang hindi na nagkakagusto sakanya dahil naging madilim na luntian
ang kanyang kulay. Pati ang balat ni Ampalaya ay nangulubot na rin. Tanda ito ng mga kasalanan na
kanyang ginawa kaya siya naparusahan ng ganito.

You might also like