You are on page 1of 5

Ang Makata

The poet
Siya’y isang punong dinidilig
ng ilog ng Karilag an, may
Bungang asam ng pusong gutom;
Siya’y isang ruisinyor,
inaaliw sa magaganda n’yang awit
Diwang tigib ng hapis;

He is a tree watered by the River of Beauty, bearing


Fruit which the hungry heart craves;
He is a nightingale, soothing the depressed
Spirit with his beautiful melodies;

Siya’y isang maningning na ilawan,


di-madaig ng karimlan
At di-mapatay ng hangin. Sinidlan ng
Langis ni Ishtar ng Pagsinta,
at sinindihan ni Apolo ng Musika.

He is a brilliant lamp, unconquered by darkness


And inextinguishable by the wind. It is filled with
Oil by Istar of Love, and lighted by Apollon of Music.

Punungkahoy
The tree

Sa aking palagay ay hindi na ako makakakita pa


Ng tulang sindikit nitong punungkahoy na kaaya-aya

I think that I shall never see


A poem lovely as a tree.

Bibig na dayukdok di ibig alisin sa pagkakadikit


Sa dibdib ng lupang ang daloy ng buhay, walang kasingtamis

I think that I shall never see


A poem lovely as a tree.

Sa buong maghapon, sa mukha ng Diyos lamang nakatingin


Ang dahunang bisig ay nangakataas sa pananalangin

A tree that looks at God all day,


And lifts her leafy arms to pray;

Kung nagtatag-init, ang malagong buhok ay nahihiyasan


Ng pugad ng ibong pugad din ng tuwa at kaligayahan
A tree that may in summer wear
A nest of robins in her hair;

Sa kanyang kandungan, ang kabusilaka’y doon umiidlip


Sa buhos ng ulan ay magkarayamang nakikipagtalik

Upon whose bosom snow has lain;


Who intimately lives with rain.

Tula’y nagagawa ng mga gaya kong mulala at hangal,


Mga punungkahoy, ang nakagagawa’y tanging Diyos lamang.

Poems are made by fools like me,


But only God can make a tree.

ANG KAIBIGANG TUNAY


The true friend
Kaibigang tunay ay laging matapat,
ang tulong ay laan sa lahat ng oras.

A true friend is always faithful,


provides help at any time.

Siya ay mabait at saka marangal


sa lahat ng saglit ay maaasahan.

She is kind and honorable,


can be relied upon at any time.

Sa pangangailangan, siya’y laging handa


nang ang kaibiga’y hindi mapahiya.

In need, she is always ready,


so that her friend won’t be embarrassed.

Siya’y nakalaan kahit na magtiis


upang mapagbigyan, katotong matalik.

She’s devoted even when tried,


in order to indulge her close friend.

Kaibigang lubos, kaibigang tapat


ay kayamanan din ang nakakatulad.

A perfect friend, a faithful friend


can also be compared to treasure.
.

You might also like