You are on page 1of 2

ALAMAT NG

BUHAWI
Masagana ang pamumuhay ng mga taga nayon sa mga biyayang bigay ng
Kalikasan lalo na ang sariwang hangin na galing kay Dyosa Amihan. Ang Dyosa
ang nagbibigay ng katamtamang lakas ng hangin para sa mga batang naglalaro
ng saranggola, sariwang hangin para makatulog ng mahimbing ang mga taga
nayon, at malamig nitong simoy para sa mga naiinitan.

Habang nagmumuni-muni at naglalakad-lakad sa gilid ng kapatagan si Dyosa


Amihan, nakasalubong niya ang lalaking karaga ang kagamitang galing sa pag-
aararo. “ Magandang araw, Dyosa Amihan,” bati ng lalaki habang tinatanggal
ang suot na sombrero at lumuhod sa harap ng dyosa tanda ng paggalang.
“Tumayo ka,” sambit ng dyosa.

“Anong pangalan mo?”


“Tawag nila sa akin ay Buhawi, mahal na dyosa.”
Kitang-kita sa mukha ng Binata ang pagkahumaling sa kagandahang taglay ng
dyosa. Hindi nito maiwasang mamula at mahulog kay Dyosa Amihan.

“Sumunod ka sa akin, Ipapasyal kita sa aking tirahan,” sambit ng dyosa. At


sumunod si Buhawi kay Dyosa Amihan, Tinungo nila ang madilim na kagubatan
hanggang sa marating ang dulo nito. Sabi-sabi ng mga taga nayon, kung sinong
binata ang dadalhin ng dyosa sa kanyang tirahan ay kinahuhumalingan nito.
Hindi nagtagal ay may nabuong relasyon ang dalawa. Araw-araw silang
namamasyal sa ilog, namimitaas ng prutas para may makain, at namamahinga
sa lilim ng puno ng acacia tanaw ang kasaganahan ng nayon.

Ilang araw na ang lumipas, hindi na nagpaparamdam si Buhawi kay Dyosa


Amihan. Labis ang lungkot at pag-aalala ng dyosa para sa binata kaya tinungo
niya ang nayon. Hinanap niya dito si Buhawi ngunit ni anino’y hindi niya
matagpuan. Nagtanong-tanong siya sa mga taga nayon kung may balita para
kay Buhawi. At may nakapagsabi sa kanya na nilisan na ng binata ang nayon
kasama ang kanyang kasintahan.

Parang sasabog sa galit si Dyosa Amihan sa ginawang kataksilan ng binata sa


kanilang pag-iibigan. Nagpalabas ito ng malakas na bugso ng hangin si Dyosa
Amihan na nagpalibot-libot sa kanyang katawan. Winawasak nitong umiikot na
hangin ang bawat madaraanan niyang bagay. Mga bagay ay nawawasak, mga
punoy nagsisipagtumbahan at ang mga taga nayon ay nagsisipagtakbuhan, pilit
na hinahanap si Buhawi.

“Buhawi, magpakita kana, humingi kana ng tawad kay Dyosa Amihan.”


“Buhawi!,” sigaw ng nga taga nayon.
Sa tuwing bumubugso ang umiikot na malakas na hangin sa nayon, ang tanging
pangalang sinisigaw nila ay Buhawi. Na kinalaunay tinawag na Buhawi ang
umiikot na hanging rumaragasa sa kapatagan, tanda ng hindi pa natatagpuan ng
dyosa ang nagtaksil na binata.

You might also like