You are on page 1of 2

Ang Himagsik Laban Sa Mababang Uri Ng Panitikan

Himagsik Laban sa Pamahalaan

- Pang aabuso ng kastila sa mga Pilipino


- Hindi pagkakapantay-pantay

Himagsik sa hidwaang pananampalataya

- Paghihiwalay ng estado sa simbahan


- Pagtanggi ng kalakhang Mindanao sa katolisismo

Himagsik sa masamang kaugalian

- Masamang paraan ng pagpapalayaw sa anak


- Pagiging maiinggitin, mapaghiganti at iba pa.

Himagsik Laban sa mababang uri ng Panitikan

- Agwat sa pagtula at pananagalog


- Pagsulat ng akda na may tema ng pag-aalsa
Talambuhay Ni Francisco Balagtas

Si Francisco Baltazar (ipinanganak na Francisco Balagtas y de la Cruz; 2 Abril 1788–20


Pebrero 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay isang tanyag na Pilipinong
makata, at malawakang itinuturing na isa sa mga pinakadakilang Pilipinong
pampanitikan na laureate para sa kanyang epekto sa panitikang Filipino. Ang sikat na
epiko, ang Florante at Laura, ang kanyang pinakakilalang obra maestra.

Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong 2 Abril 1788 sa Panginay, Bigaa,


Bulacan (ngayon ay Balagtas).Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang
niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe,
Concha at Nicolasa. Sa gulang na 11, lumuwas ng Maynila,upang makahanap ng trabaho
at makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang, Parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y
tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging katulong siya ni Donya Trinidad upang
makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-
aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano
Pilapil. Rochelle Sagaoinit

Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria
Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang
tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura.
Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang taong
ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Selya,
ipinakulong siya ni Nanong Kapule para hindi na siya muling makita ni Selya. Habang
nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag-ibig na
nadarama si Selya para kay Nanong Kapule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante
at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.

Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nadestino at naging klerk sa hukuman si Kiko
noong 1840 sa Udyong, Bataan. Dito niya nakilala si Juana Tiambeng na kanyang naging
asawa. Nagpakasal sila noong 1842. Si Tiambeng ay 31 at si Balagtas naman ay 54. Sa
kauna-unahang pagkakataon, ginamit niya ang Baltazar sa kanyang sertipiko ng kasal.
Doon, nagkaroon siya ng apat na anak kay Juana Tiambeng. Humawak din siya ng
mataas na tungkulin sa Bataan-tenyente mayor at juez de semantera.

You might also like