You are on page 1of 2

LINDOL SA LUZON (1990)

Nangyari ang Lindol sa Luzon sa Pilipinas noong 1990 noong Lunes, Hulyo 16, 1990 nang 4:26


PM, lokal na oras sa Pilipinas. Luzon ang higit na naapektuhan ng 7.7 na lakas ng lindol.
Lumikha ito ng 125-kilometrong durog na daanan simula
sa Dingalan, Aurora hanggang Kayapa, Nueva Ecija.[3]
Ito ang pinaka malalang lindol na nangyari sa buong kasaysayan ng Pilipinas at nadaigan
ang lindol sa Casiguran noong 1968 at umapekto sa halos lahat ng parte ng Luzon at ang
pinaka maraming nasawi at nasirang ari-arian.
Lakas ng epekto[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang lindol ay umapekto sa Luzon ng 20,000 na lawak ng lupain (Ingles: 20,000 Square Meters).
Umapekto ang lindol hanggang sa kabundukan ng Cordillera. Mahigit isang libo at limandaan
ang nasawi.
Malaki ang nasira sa isla ng Luzon. Ang mga pangunahin attraksyon na bundok sa Lungsod ng
Baguio. Malaking porsyento ang nawasak dito at gumuho ang mga gusali na kalapit. Dahil
bawal pumasok ang tren, kotse o anuman transportasyon sa Lungsod ng Baguio, ang pagbigay
ng tulong ang pinaka-mahirap gawin. Mas nakalala pa ang pag-ulan ng malakas sa naturing
lungsod. Mga Rescue Teams na galing sa ibang bansa ay dumating na sa Kalakhang Maynila at
kung saan man sa Luzon ay tumulong para maiwasan ang pag-dami ng mga nasawi at nakuha
na ang mga estudyante na natabunan ng buhay sa iba't ibang parte ng Luzon. Ang mga sugatan
naman na di maaring operahan sa lugar na naapektohan ng lindol ay inilipat at pinadala sa
mga ospital sa Kalakhang Maynila.

You might also like