Professional Documents
Culture Documents
Para sa bilang 21-24. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay
ng mga tao sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa
sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o
maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d. Pagsisisnungaling upang protektahan ang sarili kahit makapinsala ng ibang tao
_______21. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan.
Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya
na hindi siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi niya namalayan
na gumagabi na pala. Alam na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya
kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil ayaw
mong mapahamak ang iyong kaibigan.
_______22. Ipinagkakalat ni Flor na ampon ang kanyang kaklase kahit na ito ay hindi naman
totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.
_______23. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na
nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at
ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro, sinasabi niya na nadadamay
lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.
_______24. Pinatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa paglabag sa panuntunan sa
paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na
magulang niya.
_______25. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo, maliban sa:
a) Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa. b) Ang pagsasabi ng totoo lamang ang
magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban. c) Ang
pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa isang tao hindi upang masisi,
maparusahan at masaktan d) Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming
kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.
Para sa bilang 26-29. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan
ang ipinakikita sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa
sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pag-iwas c. Pagtitimping Pandiwa /mental reservation
b. Pananahimik d. Pagbibigay bg salitang may dalawang ibig sabihin o
kahulugan
_______26. Kahit nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar
kung nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa din nagsasalita si Alvin.
_______27. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para
sa kaniyang mga magulang na matagal na nawala at hindi nakasama. Mas ipinararamdam na lang
niya rito ang tunay niyang nararamdaman.
_______28. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto
siya kay Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang
malalim at ang kaniyang sagot ay maaring mayroong dalawang kahulugan.
_______29. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit
hindi niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan
ng mga ito.
II.Panuto: Piliin ang wastong sagot mula sa hanay ng salita sa ibaba at isulat sa patlang ng
bawat bilang ang wastong sagot.
30. Para kay Aristoteles, isang Griyegong Pilosopo, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao
ay ang_____________.
31. Ang kabutihan o kagandahang loob ng indibidwal ay tunay na nag-uugat sa
______________.
32. Ang tao upang maging makatao ay nararapat na tunay na mabuti sa ______________.
33. Ang _______________ ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong
nararamdaman.
34. Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng________________.
35. Ang _____________ay nangangahulugang paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensiya ng
impormasyon.
36. Ayon kay Fr. Albert E. Alejo, S.J., ang ______________ ay lumalalim kapag ang
tumatanggap ng biyaya o pabuya mula sa sinuman ay nakadarama ng matinding pananagutang
mahirap tumbasan lalo na sa panahon ng kagipitan.
37. Ang relihiyong __________________ay ipinakilala ng isang arabong misyonaro sa mga
Pilipino sa Mindanao.
38. Isang pagpaparangal sa Birhen ng Immaculate Concepcion dahil sa mga biyayang natanggap
ng Probinsya ng Capiz at Siyudad ng Roxas.__________________
39. Parangal para kay Shariff Kabunsuan ng mga kapatid nating Muslin sa
Mindanao.________________
40. ___________a sign of noble souls”
41. .Isa sa napakagandang bahagi ng kulturang Pilipino ay ang paggalang sa ________________.
III. Binagong tama o mali. Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan
at palitan ng wastong sagot ang salitang nasalungguhitan kung ito ay mali.