You are on page 1of 1

M O N O LO G

Apolinario Mabini y Maranan

Ang ipagtanggol ang mga naapi, ang ipaglaban ang mga karapatan natin bilang isang
mamamayang Pilipino at ang patuloy na paghangad ng tunay na kalayaan mula sa mga kamay ng
dayuhan. Ito ay ilan lamang sa aking ipinaglalaban bilang isang mambabatas upang mapukaw ang
mga natutulog nating pag-iisip at hindi tayo ituring na mangmang ng mga dayuhan. Marahil ay
kilalang-kilala niyo ako at talagang hindi maipagkakaila, dahil sa aking pisikal na kaanyuan. Ako si
Apolinario Mabini y Maranan na mas kilala bilang isang Dakilang Lumpo, na kung minsan naman ay
isang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon.

Ako ay nagmula sa Talaga, Tanauan, Batangas na tulad din ng karamihan ay ipinanganak at


lumaki sa gitna ng lubos na kahirapan, at ako ay pangalawa sa aming walong magkakapatid. Marahil
ay mayroong tanong na patuloy na nakaukit at nakakintal sa inyu-inyong mga isipan, kapag ako ay
inyong nakikita o inyong nasisilayan. At iyon siguro ay kung bakit ako naging ganito, kung bakit ako
naging lumpo at paralisado. Ito ay dahil sa ako ay dumanas nga isang napakalubha at napakatinding
sakit na ang naging kadahilanan ay ang aking kaanyuan ngayon na isang lumpo at paralisado
habambuhay.

Subalit nang ako ay hindi pa sumapit sa ganitong sitwasyon, ako ay maituturing na isang
binatang mayroon mayabong na pangarap. Isang batang mayroong lubos na pagmamahal sa pag-
aaral, kung kaya siya ring aking naging pundasyon at sanhi ng aking matagumpay sa pag-aaral
bilang isang Batsilyer sa Sining sa Kolehiyo de San Juan de Letran at naging abogasya naman sa
Unibersidad nga Santo Tomas, dahil sa ako ay isang iskolar ng bayan din at dahil siguro sa aking
angking katalinuhang taglay, na kung an gating pagbabasehan ay ang paglalarawan ni McArthur ay
ganito ang kanyang sinambitla “Si Mabini ay isang edukadong binta na sa kasamaang palad ay
naging paralisado, ngunit mayroong malikhaing pag-iisip at may kakayahang umangkop.

Isa ako sa bumuhay ng La Liga Filipina, na siyang nagbigay suporta sa kilusang Panreporma.
Ngunit hinuli at dinakip ako ng mga gwardya sibil dahil sa pagkakaroon ko ng koneksyon sa mga
repormista, ngunit hindi kalaunan ay agad din nila akong pinalaya dahil sa aking kondisyon.

At nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng Pilipino at aAmerikano, tumakas ako papuntang
Nueva Ecija, ngunit nahuli ng mga sundalong Amerikano at nanatili sa bilangguan. Ako ay nabuhay
lamang sa pagsulat ng mga pahayagan na siyang naging dahilan ng aking muling pagkadakip at
ipinatapon sa Guam. At ito ang aking naging kapalaran, sa muli ang inyong lingkod na mas kilala sa
tawag na Dakilang Lumpo, Apolinario Mabini y Maranan.

You might also like