Professional Documents
Culture Documents
KAPWA:
Pakikipag-ugnayan o pakikipag-kapwa tao ay tunay na mahalagang aspeto ng social
life. Ang pagsusuri ng ating mga pakikipag-ugnayan dito sa Pilipinas ay
nagpapahayag nang maraming bagay tungkol sa ating pagkatao. Ang mga sosyal na
pakikipag- ugnayan ay dapat maging makabuluhang pokus ng pagsusuri sa prosesong
pagkilala ng konseptong kapwa.
PAKIKIKAPWA:
Ang konsepto ng pakikipagkapwa ay lumalabas na mahalaga hindi lang sa sikolohiyang
aspeto, kundi pati na rin sa pilosopikal na aspeto. Habang ang pagtutunguhan ay
tumutukoy sa lahat ng antas ng ugnayan, tanging ang salitang pakikipagkapwa lamang
ang maaaring gamitin sa parehong paraan (na tumutukoy ito sa lahat ng antas ng
ugnayan) at maaari ring nagpapahiwatig ito ng ideya, kahalagahan/pag-uugali (value) o
paninindigan (conviction) na siyang pinakamahalaga sa mga Pilipino.
Halimbawa: Dahil nais mong mapanatili ang kalinisan sa inyong lugar at makaiwas sa
sakit, ikaw at ang iyong mga kaibigan ay nagkusang maglinis. Kahit may mga taga - linis
ang barangay, hindi ninyo iniaasa lamang sa mga taga - linis ang responsibilidad na ito -
ang iyong paglilingkod ay nagpapakita ng pagmamahal.
2. Kultura ng pakikisama
3. Konsepto ng hiya
4. Konsepto ng pamilyang Pilipino
5. Konseptong bahay-kubo, sari-sari store