You are on page 1of 10

Pangalan __________________________ Petsa ____________ Marka ______

Pagkilala sa Pandiwa

Kahunan ang salitang kilos o pandiwa sa bawat pangungusap.

© 2013 Pia Noche samutsamot.com

1. Si Miguel ay gumising nang maaga.

2. Kumakain ng almusal si Ate Martha.

3. Si Nanay ay nagtimpla ng kape.

4. Sina Ben at Betty ay nagbibihis sa kanilang kuwarto.

5. Nagsipilyo ng ngipin si Miguel sa banyo.

6. Si Tatay ay umiinom ng mainit na kape.

7. Pinakain ni Miguel ang mga manok sa bakuran.

8. Si Ate Martha ay nagpaplantsa ng damit niya.

9. Naghuhugas ng mga pinggan si Nanay.


10. Tumatahol ang aso ng kapitbahay.

11. Dumating ang school bus ng mga bata.

12. Sina Ben at Betty ay nagpaalam sa kanilang mga magulang.

13. Binigyan sila ni Nanay ng perang pambaon.

14. Hinatid ni Miguel ang mga bata sa school bus.

15. Ang mga bata ay kumakaway habang paalis ang bus.


Aspekto ng Salitang Kilos

A. Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na ginawa na.

© 2013 Pia Noche samutsamot.com

____ 1. pupunta

____ 2. tumawa

____ 3. magsusuklay

____ 4. sumayaw

____ 5. nagalit

____ 6. umaawit

____ 7. umiyak

____ 8. isusuot

____ 9. nagbigay
____ 10. humiga

____ 11. lumangoy

____ 12. sumali

____ 13. magtatrabaho

____ 14. sumisigaw

____ 15. umakyat

B. Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na ginagawa pa .

____ 1. dumadaan

____ 2. dadalhin

____ 3. natulog

____ 4. nagdidilig

____ 5. gumagalaw

____ 6. naglalaba
____ 7. hinihila

____ 8. kakatok

____ 9. makikita

____ 10. kumagat

____ 11. humingi

____ 12. nanonood

____ 13. kinukuha

____ 14. sinasabi

____ 15. sumunod

C. Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na gagawin pa

lang.

____ 1. tatalon
____ 2. sasabihin

____ 3. natakot

____ 4. nagtatanim

____ 5. tutulong

____ 6. nawala

____ 7. tatawid

____ 8. uupo

____ 9. nagtuturo

____ 10. tinatawag

____ 11. uubusin

____ 12. magwawalis

____ 13. bibili

____ 14. pumapalakpak


____ 15. inulit

Salungguhitan ang salitang kilos sa bawat pangungusap. Isulat sa

patlang ang tamang bilang batay sa aspekto ng salitang kilos.

1 = salitang kilos na ginawa na

2 = salitang kilos na ginagawa pa

3 = salitang kilos na gagawin pa lang

© 2013 Pia Noche samutsamot.com

_____ 1. Hihiramin ko ang laruan ni Felix.

_____ 2. Si Justin ang bumili ng pagkain para sa aso.

_____ 3. Sumasakay ako sa dyip sa tamang lugar.

_____ 4. Ang aklat na ito ay binabasa ko.

_____ 5. Babantayan ko ang mga bata habang wala kayo.


_____ 6. Ako ang nagluto ng adobong manok.

_____ 7. Si Luisa ang nagsulat ng liham na ito.

_____ 8. Tatawid tayo kapag berde na ang ilaw.

_____ 9. Ang costume ay dadalhin ko bukas.

_____ 10. Nakikinig ako sa guro namin.

_____ 11. Narinig mo ba ang ingay na iyon?

_____ 12. Ang bus ay humihinto sa kanto.

_____ 13. Uminom siya ng gamot para sa lagnat.

_____ 14. Ang telebisyon ay inaayos ni Mang Bert.

_____ 15. Babayaran ni Jimmy si Mang Bert mamaya.

Aspekto ng Salitang Kilos

Salungguhitan ang salitang kilos sa bawat pangungusap. Isulat sa


patlang ang tamang bilang batay sa aspekto ng salitang kilos:

1 = salitang kilos na ginawa na

2 = salitang kilos na ginagawa pa

3 = salitang kilos na gagawin pa lang

© 2013 Pia Noche samutsamot.com

_____ 1. Ang sanggol sa kuna ay umiiyak.

_____ 2. Nadapa ang batang nakaputi.

_____ 3. Kinain ko ang puto sa plato.

_____ 4. Ang pamilya ko ay nagsisimba sa Simbahan ng Quiapo.

_____ 5. Nakikita mo ba ang iba’t ibang kulay ng mga paputok?

_____ 6. Sinundo ni Kuya Peter sina Jenny at Jim.

_____ 7. Tinitiklop ni Ate Marjorie ang mga damit natin.

_____ 8. Si Mark ang magwawalis sa sala at mga kuwarto.


_____ 9. Sino ang mag-aaral na sasayaw sa programa?

_____ 10. Ginamit ni Mario ang mga krayola ko.

_____ 11. Ano ang gagawin natin sa klase bukas?

_____ 12. Dinalaw namin si Lolo Pedro kahapon.

_____ 13. Si Angel ay umupo sa tabi ni Shiela.

_____ 14. Si Dennis ang kakatok sa pinto.

_____ 15. Kanina mo pa ba kami hinihintay?

You might also like