You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Mindanao State University-Iligan Institute of Technology


SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
Andres Bonifacio Avenue, Tibanga, Iligan City
_________________________________________________________________________________
JENELIN S. ENERO PHDFIL1
Filipino 303 Mga Kontemporaryong Isyu Oktubre 26, 2019
sa Wika at Literatura

ISANG KRITIKAL NA SANAYSAY HINGGIL SA


MGA NAPAPANAHONG ISYU SA WIKA
Panimula
Ang Mataas na Paaralan ng Bugo ay isa sa walong malalaking paaralan sa
Dibisyon ng Lungsod ng Cagayan de Oro. Ang baranggay Bugo ay ang kahuli-
hulihang baranggay na sakop ng Lungsod ng Cagayan de Oro. Sa kasalukuyan ay
may dalawang libo at pitumpu’t dalawang estudyante na kung saan ay isandaan
at limampu nito ay nasa Senior High.
Sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa dala ng modernisasyon, umuunlad
din ang wika dahil ito ay dinamiko at buhay. Ngunit sa kabila ng pag-unlad na ito
ay marami pa rin ang mga umuusbong na mga isyu ukol sa wika na kinakaharap
ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino.

Mga Isyu sa Wika sa Mataas na Mga Posibleng Solusyon sa Bawat


Paaralan ng Bugo Suliranin
1. Kakulangan sa kaalaman ng guro sa Dumalo sa mga seminar-worksyap
istrukturang gramatikal (pagbabaybay, hinggil sa suliraning ito.
gamit ng iba’t ibang bahagi ng Makakatulong ang internet sa
pananalita atbp.) pagdaragdag ng kaalaman ng guro
pagdating sa istruktura ng gramatika.
2. Kakulangan sa kaalaman ng mga Magkaroon ng kasunduan kasama ang
estudyante sa istrukturang gramatikal mga estudyante at konsistensi sa
(pagbabaybay, gamit ng iba’t ibang pagpapatupad ng panuntunang
bahagi ng pananalita atbp.) gramatikal nang sa ganun ay may
malinaw at konkretong sistema ukol sa
usaping panuntunang gramatikal.
3. Kawalan ng interes ng mga mag- Gagamit ng mga teknik o estratehiya
aaral dahil sa pagdating ng mga na manghihikayat sa mga mag-aaral
makabagong kagamitan na mas na makuha ang kanilang atensyon
pinagkakaabalahan ng mga mag-aaral habang nagtuturo ang guro sa wika at
(cellphone, computer at iba.) panitikan katulad ng pagbabawal sa
pagpapadala ng kanilang cellphone o
anumang gadgets sa pagpasok sa
paaralan o pagbabawal na paggamit

1
nito habang nagtuturo ang guro.
Gawing makabuluhan ang bawat klase
gaya ng pagbibigay ng mga laro sa
alinmang bahagi ng aralin sa araw-
araw na pagtuturo. Ito ang masasabi
kong isa sa mga kalakasan ko bilang
guro para makuha at mapanatili ang
interes ng mga estudyante para
maging kapana-panabik ang bawat
pagkikita sa pagtuturo ng Filipino.
4. Kakulangan sa kaalaman sa mga Makatutulong ang pagdalo ng mga
makabagong pamamaraan o guro sa mga seminar-worksyap na
istratehiyang pampagtuturo ibinibigay ng KWF o anumang
samahang nagtataguyod ng wikang
Filipino upang mas lalong madagdagan
ang kanilang kaalaman hinggil sa
makabagong pamamaraan o
estratehiyang pampagtuturo
Makatutulong din ang palagiang
pagbabasa ng mga aklat, magasin o
anumang babasahin na may
kinalaman sa pagtuturo ng wika at
panitikan
5. Kakulangan sa mga makabagong Ang tagapamahala ng paaralan ay
kagamitang pampagtuturo lalo na sa maaaring makatulong sa paghahanda
wika ng mga kagamitang pampagtuturo ng
mga guro kabilang na ang paggamit ng
kompyuter sa modernong pagtuturo.
Paglaanan ng tagapamahal ng
paaralan at maging ng guro ang mga
kagamitang pampagtuturo upang
magkaroon ng makabago at epektibong
pagtuturo sa wika at panitikan.
Maaari ding gumawa ang guro ng batid
niyang mga kagamitang pampagtuturo
bago pa lamang magsimula ang
pasukan.
6. Kakulangan sa bokabularyong Makatutulong ang madalas na
Filipino/Tagalog. pagbabasa ng mga diksiyunaryong
Filipino upang lalong madagdagan ang
bokabularyong Filipino/Tagalog.
Bilang advayser, hinihikayat ko ang
aking mga mag-aaral sa pagbabasa ng
mga diksiyunaryo na ako rin ang
nagpapahiram para madagdagan ang
kanilang mga nalalaman na mga salita
2
sa wika at ipapagamit ang mga
salitang natutunan sa sarili nilang
nabuong mga pangungusap.
7. Pagdating ng mga makabagong Sanayin o hikayatin ang mga mag-
salita na nababasa sa mga social aaral na bumigkas o gamitin ng
media accounts na wala naman sa wastong pananalita sa kanilang araw-
disksyunaryong Filipino. araw na pakikipagtalastasan lalo na
kung nasa loob ng paaralan.
Hindi bibigyan ng puntos ang paggamit
ng mga salitang mababasa sa mga
social media na hindi naman angkop
na gamitin sa mga pormal na sulatin
para hindi susundin ng mga ibang mga
estudyante.
8. Kamalayang makadayuhan Magkaroon ng mga patakaran sa loob
ng silid-aralan ang guro sa wika at
panitikan upang maiwasan ang
kolonisado sa paraan ng kanilang
pakikipagtalastasan gaya na lamang
ng pagkahumaling ng mga kabataan
ngayon sa mga KPOP na naging
dahilan sa unti-unti pagkalimot sa
mga panitikan ng ating bayan.
Higit na hikayatin silang gamitin ang
sariling wika sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga gantimpala sa mga
mag-aaral.
9. Miskonsepsyon sa gamit ng wika Ituro sa mga mag-aaral ang wika sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga
pagsasanay ayon sa gamit ng wika.
Makatutulong ito upang maunawaan
ng mga mag-aaral ang wastong gamit
ng isang wika.
10. Pagbibigay ng higit na pansin at Iwasan ang paggamit ng wikang Ingles
halaga sa wikang Ingles (oras, gawain, sa loob ng klase ng Filipino.
mga proyekto) at obsesyon ng guro at Magbigay ng mga proyekto na mas
mga mag-aaral na makamit ang magpapahalaga sa wikang Filipino at
bentahe sa kahusayan sa wikang Panitikan.
Ingles bilang tanging instrument ng
pandaigdigang kompetisyon. Bilang guro sa wikang Filipino at
Panitikan, kinakailangang mas
pahalagahan ang wikang itinuturo
kung kaya’t dapat kakitaan ito ng
kasigasigan sa pagtuturo ng wikang
Filipino.

Pagsusuri
3
Hindi maikakaila na hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin ang mga
guro may kakulangan sa istrukturang gramatikal sa Filipino. Ang masakit pa nito,
kadalasan sa mga guro na matagal sa serbisyo ay sarado na ang mga isipan sa
mga pagbabagong dapat i-aplay sa loob ng klase. Ito ang nakikita kong isa sa mga
dahilan kung bakit masasabi kong pahapyaw lamang ang pagtalakay sa
istrukturang gramatikal sa pagtalakay sa mga mag-aaral.
Naging resulta sa unang isyu ay ang kakulangan naman ng kaalaman ng
mga estudyante sa istrukturang gramatikal gawa na rin ng pundasyon na
ibinahagi ng kanilang mga guro. Masakit isipin na iilan lamang sa mga guro sa
Filipino ang nagpapatuloy sa pag-aaral hanggang sa Doctoral Digri na malaking
tulong sana para sa pag-alam nila sa mga makabagong kaalaman ukol sa usaping
istrukturang gramatikal sa Filipino.
Malaking epekto sa pagkawala ng interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral
dahil sa mga makabagong kagamitan na mas pinapahalagahan nila. Ito’y
malaking hamon para sa aming mga guro para mapanatili ang interes ng mga
mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Filipino. Hindi maikakaila na sa mga
pampublikong paaralan, hindi nabibigyan ng kaukulang pansin ang asignatura.
May mga pagkakataon ding naiinsultong kaming mga guro sa Filipino dahil sa
pangmamaliit ng ibang mga guro gaya nang; kapag may hindi nakapasa sa
Filipino, sasabihin ng ibang guro na ganoon ba talaga kahirap ang Filipino at may
bumagsak pa? Nakakalimutan siguro nilang kahit anong asignatura sa Senior
High School ay may iisa lamang sistema sa pagbibigay ng grado. Kumbaga ay
nawawalan na nang karapatan ang mga guro sa Filipino sa tinatawag nating
academic freedom.
Ikaapat na isyu sa wika at pagtuturo ng Filipino ay ang kakulangan sa
kaalaman sa mga makabagong pamamaraan o istratehiyang pampagtuturo. Isa sa
mga nakikita kong dahilan sa isyung ito ay maliit na oportunidad na ang isang
guro ay makasali sa mga seminar na libre dahil kadalasan sa mga seminar na ito
ay may naitala ng pangalan sa magiging partisipante ng nasabing seminar. May
mga pagkakataon pang paulit-ulit lamang ang mga pangalang naipadala sa
seminar at hindi nabibigyan ng pagkakataon yung iba. Wala ring ring
pagkakataon na magkaroon ng echo sa seminar na nadaluhan ng iilang guro
lamang.

4
Panglimang isyu ay ang kakulangan sa mga makabagong kagamitang
pampagtuturo lalo na sa wika. Sa ngayon dahil inilipat na naman ang gusali ng
Senior High School Department, hindi pa kami nagkaroon ng koneksyon sa
kuryente na isa sa mga naging dahilan nang kawalan ng integrasyon ng mga
makabagong kagamitang pampagtuturo gaya ng LCD Projector, telebisyon at iba
pa. Alam naman natin na ang mga makabagong kagamitang ito ay malaking
tulong sa pagpapadali at pagpapalawig ng paglipat ng kaalaman sa mga
estudyante.
Nararapat ding bigyang tuon ang kakulangan sa bokabularyong
Filipino/Tagalog ng mga estudyante kung kaya ay nahihirapan ang mga
estudyante sa mabisang pagsusulat at pagsasalita gamit ang wikang Filipino.
Madalas ginagamit ng mga estudyante ang code switching na para sa akin ay mas
lalong nagpapahina ng wikang Filipino dahil hindi na pipilitin ng mga estudyante
na maghanap at mapapalawig ang mga salitang Filipino/Tagalog. Maririnig din sa
mga guro ang paggamit ng code switching sa kanilang pagtuturo. Dapat lamang
na payamanin ang bokabularyong Filipino/Tagalog sa pamamagitan ng
pagtutumbas ng mga salita sa wikang ito kung hindi man ay gamitin ang mga
rehiyonal na salita kung wala naman itong katumbas sa Filipino/Tagalog.
Pampitong isyu sa wika ay ang pagdating ng mga makabagong salita sa
nababasa sa mga social media accounts na wala naman sa diksiyunaryong
Filipino. Sa panahon ngayon, napakalawak ang impluwensiya ng social media sa
pang-araw-araw na buhay ng mga estudyante. Makikita rin ang epekto nito sa
paggamit nila ng wika sa loob ng paaralan. Kapansin-pansin ang mga bagong
terminolohiyang umusbong gaya ng mga salitang flex ko lang, share ko lang, at
lalo na noong kasagsagan ng pagdiriwang ng Araw ng mga Guro na naging viral
ang mga memes na di kaaya-aya ukol sa mga guro na nadadala ng mga
estudyante sa loob ng klase. Naging hamon ito kaangkupan ng gamit ng salita na
nararapat bigyan ng tuon ng guro.
Isyu rin sa wika sa panahon ngayon ay ang kamalayang makadayuhan.
Kapansin-pansin sa panahon ngayon na nahuhumaling ang mga estudyante sa
KPOP at pag-aaral ng wika ng Korean. Hindi naman masamang maghangad na
matuto ng ibang mga dayuhang wika ngunit pakalubos isipin na tangkilikin muna
ang sariling atin bago ang iba. Totoo nga ang kasabihang “Maraming mga
Pilipinong naging dayuhan sa sariling bansa” dahil mas binibigyan ng halaga ng
5
mga kabataan ang pandayuhang kamalayan kaysa pag-aralan ang sariling
pagkakilanlan. Isa itong malaking sampal sa atin na ang bagong henerasyon ay
nahuhumaling gawi ng ibang lahi. Hindi lang sa wika nagtapos ang gawing ito
maging sa kultura at mga tradisyon. Mas hinahangaan na ngayon ang ibang
kultura kung kaya ay unti-unti na rin nawawala ang mga magagandang kaugalian
mayroon tayong mga Pilipino.
Isang malaking hamon din ang isyung miskonsepsyon sa gamit ng wika. Sa
asignatura sa Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino,
malinaw dito ang pagpapahalaga sa wika at kulturang Pilipino. Ang naging
mahirap sa bahagi ng guro ay ang pagpukaw sa damdamin ng mga estudyante
para tangkilikin at namnamin ang mga paksang nakapaloob dito. Masakit din
isipin na hindi na alam ng mga estudyante tungkol sa mga balagtasan, bugtong at
iba pang tradisyunal na kaugalian ng mga Pilipino noon. Ang magandang punto
naman ay ang pagkahilig ng mga estudyante sa fliptop, pick-up lines, hugot lines
at spoken poetry na naging daan din para mapayaman ang mga salitang sa
Filipino/Tagalog. Ngunit hindi pa rin maiiwasan na sa mga nabubuong mga
kulturang popular ay kakikitaan pa rin ng hindi magagandang asal sa mga
kabataan dahil sa mga masasamang salitang pinasikat sa mga fliptop.
Panghuling isyu na napapansin ko bilang guro sa Filipino sa pinagtuturuan
kong paaralan ay ang pagbibigay ng higit na pansin at halaga sa wikang Ingles at
obsesyon ng guro at mag-aaral na makamit ang bentahe sa kahusayan sa wikang
Ingles bilang instrumento ng pandaigdigang kompetisyon. Dahil sa mentalidad na
ito ay humihina ang kahalagahan ng pag-aaral sa wikang Filipino. Ngunit
nakakalungkot man na isipin, marami sa atin lalo na sa mga kabataan ang siya
pang lumalapastangan sa ating wika. Kasabay ng pag-unlad ng mundo ang pag-
usbong ng ng mga hindi pormal na salita, katulad ng wika na sa lansangan o
kalye ma lamang maririnig. Isama mo pa riyan ang mga nauuso naring salita
ngayon na ginagamit ang mga salita ng mga nasa ika’tlong kasarian o mga bading,
ang “Gay Lingo”. Halimbawa ng mga salita na ito ang “gora mama!” na ang ibig
sabihin ay “tara na!” at “echos” na ang ibig sabihin ay “biro lamang!”. Hindi ba’t
bukod sa hindi magandang pakinggan ang mga salitang ito ay nagpapakilala din
ito kung ng anong klaseng mga tao na ang mayroon sa Pilipinas. Mga
mamamayan na imbes na igalang ang sariling wika ay siya pa ang
lumalapastangan dito. Base sa aking obserbasyon, ang masasabi kong isa sa mga
6
dahilan kung bakit hindi nabibigyan ng karampatang pagpapahalaga ang ating
wika ay dahil sa pagkakauso ng “Short Message Service” o mas kilala sa tawag na
“text”. Isipin ninyo ito, bilang kabataan na mahilig mag-text, mas kaaya-aya para
sa akin kung wikang Ingles na paikliin ang aking gagamitin dahil unang-una sa
lahat mas matipid ito sa espasyo at mas mabilis gawin. Sa pagtetext din mas
laging naaabuso ang wikang Filipino kung saan ang mga kabataan ay laging mga
balbal na salita ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Ang isa pa sa nakikita
kong dahilan ay ang paniniwala ng mga kabataan ngayon na mas “in” ang
paggamit ng wikang Ingles. Na mas angat ka sa lipunan kung lagging wikang
Ingles ang Iyong gagamitin, kahit “english carabao” iyan!

Konklusyon
Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang
pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa sa kanyang mga
mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya nito.
Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayan upang
maihugos sa kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing.
Ngunit hindi rin natin maikakaila sa panahon ngayon ay humihina ang
paggamit ng wikang Filipino bilang wikang tagapagbuklod ng mga mamayang
Pilipino. Dala na rin sa modernisasyon na tinatawag natin. Dahil sa paghina na
ito, sa halip na payabungin at pagyamanin gaya ng nakasaan sa Konstitusyon ng
1987, taliwas naman ang ginagawa ng mga kabataan ngayon. Unti-unti at patuloy
na winawasak ang wikang mayroon tayo at unti-unting inaangkin ang mga
dayuhang wika. Kas sakit isipin na naisawalang bahala ang mga pinaghihirapan
ng mga bayani natin noon para ipaglaban ang ating wika bilang pagkakilanlan
nating mga Pilipino.
Nawa’y magkaroon ng isang mahigpit na batas nang sa ganun ay mabuhay
muli ang pagmamahal ng mga Pilipino sa sariling wika na mayroon tayo at
maipagmamalaki natin na tayo ay Pilipino at Filipino ang wika natin.

You might also like