You are on page 1of 5

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Akademik

1
Katitikan ng Pulong

Katitikan ng Pulong

Mga Batayang Kasanayang Dapat na Matamo:


 Naibabahagi ang kahulugan, kahalagahan, mga dapat isaalang-alang at
istruktura ng katitikan ng pulong
 Nakabubuo ng katitikan ng pulong mula sa nagawang agenda
 Napahahalagahan ang pagsasagawa at pagkakaroon ng pulong

Simulain para sa iyo:

Sino ang huling nakausap mo? _____________________________________


Ano ang mga napag-usapan ninyo at ang mga mahahalagang pangyayari ang
naalala mo habang pinag-uusapan ninyo ang inyong paksa? Gamitin ang tsart
sa pagsagot.

• Mga Napag-usapan:
Pangyayari • Mga Napag-usapan:

• Mga Napag-usapan:
Pangyayari • Mga Napag-usapan:

• Mga Napag-usapan:
Pangyayari • Mga Napag-usapan:

Course Module
Talakayin at unawain:

Katitikan ng Pulong
Ang katitikan ng pulong ay tinatawag na minutes of the meeting sa wikang
Ingles. Nabubuo ang isang katitikan ng pulong kapag isinusulat ng kalihim
ang mga nagaganap sa isang pulong.
Ang ginawang adyenda ng isang pinuno o Tagapangulo ng isang kawani o
lupon ay ang batayan ng katitikan. Maaari rin namang magtalakay ng iba
pang bagay sa susunod na pulong kung mababanggit at ilalagay sa katitikan.
Kailangang itinatala o magtaglay ang katitikan ng pulong ng mga sumusunod:

 Petsa
 Oras
 Lugar ng pinagdausang pulong
 Mga napag-usapan
 Mga dumalo at hindi dumalo:

Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong


 Natitiyak na nasunod ang mga agenda at walang nakalimutang
paksang dapat pag-usapan.
 May dokumentasyon bilang ebidensya sa kung ano mang mga layunin.
 Mababalik tanaw ang mga napag-usapan at mabibigyang kalinawan
ang mga napag-usapan.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


 Maghanda ng pormat na maaaring sulatan ng katitikan.
 Siguruhing ang mga nakatala sa agenda ay kasama o hindi naisama sa
napag-usapan.
 Katotohanan lamang ang isusulat sa katitikan.
 Maging alerto sa mga napag-usapan, mga napagkasunduan at hindi
napagkasunduan, sa mga mahahalagang detalye.
 Kapag nagkataon na mayroong naunang pagpupulong, bago basahin
ang adyenda ng gaganaping pagpupulong, dapat munang ilahad ang
katitikan ng nakaraang pagpupulong.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Akademik
3
Katitikan ng Pulong

Halimbawa ng istruktura ng Ulat ng Kalihim:

KATITIKAN NG PULONG

I. PAGBUBUKAS NG KAPULUNGAN
a. Petsa, oras at lugar kung saan ginawa ang pagpupulong
b. Taong namuno sa pulong
c. Talaan ng mga nagsidalo sa pulong
d. Adyenda ng kapulungan/paksa na tatalakayin sa pulong

II. PAGLALAHAD NG MGA TINALAKAY SA PULONG AYON SA ADYENDA


a. Paglalahad ng mga tinalakay
1. Mga napagkasunduan
2. Mga hindi napagkasunduan
b. Mga insidente sa pulong na may kaugnayan sa pagpupulong

III. PAGTITINDIG NG KAPULUNGAN


a. Oras ng pagtatapos ng pulong
b. Lagda ng kalihim na gumawa ng katitikan
SURIIN:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang katitikan ng pulong batay sa iyong natutuhan o batay sa iyong


sariling kaisipan? Gamitin ang dayagram upang sagutin.

KATITIKAN
NG
PULONG

Course Module
2. Epektibo parin ba ang pulong kahit walang katitikan? Ipaliwanag.

3. Bakit ang kalihim ang may pangunahing responsable sa katitikan?

4. Paano nakatutulong sa usapin ang katitikan? Ipaliwanag.

5. Anong pinauunlad ng pagsulat ng katitikan ng pulong sa mag-aaral na


tulad mo? Ipaliwanag.

Gawain:
Pasulat
Magpangkatan at magsulat ng isang agenda at magsagawa ng pulong na
nakabatay sa agenda. Pagkatapos ay gumawa ng katitikan ng pulong na
isinagawa.

Kaugnayan sa Media
Maghanap sa youtube.com ng mga dalawang (2) bidyong nagpapakita ng
magkaibang pulong. Pagkatapos ay suriin ito kung may nagtatala ba ng mga
napag-sapan o wala. Gamitin ang tsart sa paglilista ng mga napuna sa
dalawang bidyo.

Unang Bidyo Ikalawang Bidyo


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Akademik
5
Katitikan ng Pulong

References:
Leonida B. Villanueva at Rogelio G. Mangahas, 2015, Patnubay sa
Korespondensiya Opisyal, Komisyon sa Wikang Filipino, Manila
Aurora S. Cordero at Maurita L. Glofria, Filipino Para sa Komersyo, Rex
Bookstore
Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS
Publishing House, Inc. Quezon City
The University of Manila, Modular activities in Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
sa Iba’t Ibang Panahon

Course Module

You might also like