You are on page 1of 8

ICT KAHULUGAN AT PAGKAKAIBA NG

Aralin 2 PRODUKTO AT SERBISYO

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ang kaalaman at kasanayan


upang maging matagumpay na entrepreneur.

Pamantayan sa Pagganap: Mapahusay ang isang produkto upang maging


iba sa iba.

Code: EPP5IE-0a-2

Nilalaman:

Bilang isang entrepreneur na nagnanais na magtayo ng negosyong pantahanan


o pampamayanan. Mahalaga na malaman ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo
upang mabigyan ng tama at maayos na paghahanda kung alin sa dalawa ang maaaring
ialok sa mamimili batay sa kanilang pangangailangan at kagustuhan.

Layunin:

a. natutukoy ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo,

b. naiisa-isa ang mga halimbawa ng produkto at serbisyo; at

c. napapahalagahan ang mga bagay na maaaring ialok ng isang entrepreneur.

Palagi ba kayong bumibili sa pamilihan? Ano ang karaniwang binibili niyong


pangangailangan? Ano naman ang mga serbisyong inaalok sa ating komunidad?
Mamaya ay tatalakayin natin kung ano ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at
serbisyo.
Mayroon akong ipapabasa sa inyong kuwento. Basahin ito ng mabuti at mamaya
may sasagutin kayong mga katanungan.Basahain ang mga talata at sagutin ang
sumusunod na katanungan.

ALAMIN NATIN:

“BUHAY NI ALEXA MAGTALAS”

Si Alexa Magtalas ay isang doktor sa sikat na ospital, dahil sa sobrang dami ng


pasyente na nagpapagamot, wala na siyang oras upang magpahinga. Ito ang naging
sanhi upang siya ay magkasakit kaya minabuti niyang magpaalam muna na hindi
papasok ng ilang araw.

Sa unang araw ng kanyang pahinga, minabuti niyang pumunta sa isang


supermarket upang mamili ng mga gamit at pagkain sa bahay. Kumuha siya ng gatas,
sardinas, pasta, sariwang isda, karne, gulay at tinapay na tulad ng Gardenia.
Pagkatapos ay umuwi na siya upang makapagluto.

Sa ikalawang araw, siya ay pumunta sa isang Beauty Parlor upang magpalinis


ng kuko at magpagupit ng buhok. Sinubukan din niya ang magpamasahe sa isang
“Massage Parlor”, hinilot sya ng isang masahista sa loob ng isang oras na nagbigay ng
kaginhawaan sa kanya.

At sa huling araw, ay pumunta sya sa kaibigan nyang doktor upang


magpakunsulta kung ano ba ang kanyang kalagayan.

Ngayon tapos na natin basahin ang kuwento. Tayo ay magtatanong sa


pamamagitan ng isang laro. Ito ay tinatawag na “Question Relay”.

 Ano ang naging problem ani Alexa Magtalas?


 Ano ang kanyang trabaho?
 Ano ang ginagawa niya sa kaniyang trabaho?
 Ano-anong mga paninda ang kaniyang binili sa supermarket? Ito ba ay
maituturing na produkto?
 Saang lugar siya nagpunta maliban sa supermarket?
 Ano ang ginawa kay Alexa Magtalas ng siya ay nagpunta sa Beauty Parlor?
Massage Parlor? Ito ba ay maituturing na serbisyo?

LINANGIN NATIN:

Ngayon, tatalakayin natin kung anu-ano nga ba ang kahulugan at pagkakaiba ng


produkto at serbisyo.

Ang produkto ay ang mga bagay na maaaring iniaalok sa merkado na


nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing pangangailangan o kagustuhan ng
isang mamimili.

Halimbawa ng produkto ay tulad ng gulay, prutas, damit, bag, sapatos. Ito ay


mga bagay na ginawa upang maibenta, karaniwang ang bagay na ito ay ginawa sa
pamamagitan ng pang-industriyang proseso.

Ang serbisyo ay tumutukoy sa paglilingkod na iniaalok ng taong nagtatrabaho o


ng isang uri ng negosyo sa mga konsyumer o mamimili. Ito ay mga nagtratrabaho
tulad ng guro, doktor, police, nagtratrabaho sa salon at marami pang iba.

Gawain A: Subukin Mo!


Tukuyin ang mga larawan kung ito ay produkto o serbisyo. Ilagay ito sa tamang hanay.

Produkto Serbisyo

Anu-ano ang mga halimbawa ng mga produkto maliban sa ating mga binanggit?
Ito ay mga bag, damit, sapatos, at iba pang gamit na puwedeng ipambili sa pamilihan.
Ano pa ang mga halimbawa ng mga serbisyo maliban sa ating mga binanggit? Ito din
ay mga doktor, bumbero, pulis, engineer, pagtatahi,pagsasaka at iba pa.

Ang serbisyo ay ang ginagampanang trabaho pero hindi sila nagbebenta ng mga
materyal dahil ginagawa nila kung ano ang trabaho nila.

Bakit mahalagang tukuyin ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo? Ito ay upang


malaman kung ano ang mga dapat ialok sa mga mamamayan. Kung gusto mo ba
magbenta ng mga produkto para sa kanilang sariling pangangailangan o serbisyo
upang makatulong at makapagbigay serbisyo sa kapuwa.

TANDAAN NATIN:

Tandaan na ang produkto ay ang mga bagay na maaaring inaalok sa merkado na


nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing pangangailangan o kagustuhan ng isang
mamimili samantalang ang serbisyo ay tumutukoy sa paglilingkod na iniaalok ng taong
nagtatrabaho sa isang uri ng negosyo.

GAWIN NATIN:

A. Tukuyin kung anong produkto o serbisyo, o iba pang kapakinabangan ang makukuha
mula sa sumusunod:

_______1. Tubbataha reef

_______2. Mga puno sa kagubatan

_______3. Mga doktor

_______4. Mga guro

_______5. Mga manggagawa sa pabrika

B. Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga produkto at serbisyong


makikita sa inyong paaralan.

Produkto Serbisyo
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

PAGYAMANIN NATIN:
B. Magbigay ng mga salita na tumukoy sa produkto at serbisyo gamit ang Venn
diagram.

Prepared by:

Ruth S. Fuentesfina

BEED-EE23

CURRICULUM VITAE

PERSONAL BACKGROUND

Name: Ruth S. Fuentesfina

Age : 19 Years Old

Birth Date: July 03, 2000

Address: Brgy. 72, PHHC, Balintong Drive, Tacloban City

Birth Place: Tacloban City

EDUCATIONAL BACKGROUND
Elementary: Kapangian Central School
Tacloban City
2006-2007

Liceo del Verbo Divino


Tacloban City
2008-2011

RTR Elementary School


Tacloban City
2011-2012

Secondary: Leyte National High School


Tacloban City
Junior High School: 2012-2016
Senior High School: 2016-2018

College: Leyte Normal University


2018-Present

You might also like