1. Walang pagsususlat ang natatapos na hindi sinisimulan. Maaring sa simula’y mahirap
pero kapag inutay-utay ito’y hindo mo namamalayang patapos kana pala. Hindi naman talaga madling magsulat pero kung uunawain lang natin ang kahalagahan ng gawaing it’y madali na sa atin may masimula at matapos. 2. Oo, ang mga manunulat ay kumikita para mabuhay pero para sa akin hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan ng pera sa pagsulat. Sa kahit na anong paraan ay maari tayong magsulat. Hindi dahilan ang kawalan ng pera upang hindi makapagsulat dahil ang tunay na manunulat ay may malaking dedikasyong sa pagsulat. 3. Bawat salitang naiisulat natin ay nagiging kapaki-pakinabang sa pagbuo ng isang akda. Nagsisimula sa mga nababasa ang mga salitang maaring makatulong sa pagbuo ng isang paksa. Maitutuna sandigan ng pagbuo ng isang akda ang mga salitang naiisip ng isang tao. 4. Lahat ng nagtatagumpay ay nagsisimula sa ibaba. Hindi mailalarawan ang galak sa iyong mukha kapag naabot mo ang tugatod ng iyong pangarap dahil pinaghirapan mo ito. Dahil sa mga pinagdaanan mong paghihirap, marami kang natutunan at at naging matatag ka sa mga hamon ng buhay. 5. Walang pinipiling oras, tao at lugar ang pagsulat. Basta ginusto ng tao na sumulat ay magagawa niya ito kahit nasasaan siya, kahit anuman ang ginagawa ay walang makahahadlang. Ang imposible nga nagiging possible pagsulat pa kaya. 6. Totoo ang sinasabi nilang nararamdaman ng mambabasa ang emosyon ng manunulat sa kanyang akda. Dahil ang manunulat, pinapasok niya ang mundo ng kanyang isinusulat at pinapagana nila dito ang malikhain nilang pag-iisip. Kaya ang mga mambabasa’y damang-dama ang presensya ng manunulat. 7. Sa pagkakaalam ko’y ang anekdota ay naglalaman ng mga aral. Samakatuwid, may istorya itong dapat mabasa ng mga mambabasa. Maganda rin itong maisulat dahil gumagamit ng mga bagay na naglalang mga aral. 8. May mga dapat tayong maisaalang-alang sa pagsulat ng nobela. Kailangan natin ito upang maging maayos ang daloy at maging buo ang diwa ng nobelang isinusulat. Pero, malaya tayo sa pagpili ng paksa na alam nating kawiwilihan t kapupulutan ng maraming aral ng mga mambabasa. 9. Nagsusulat tayo dahil may gusto tayong ibahagi at patunayan. Nagiging daan ang pagsulat upang maipahayag ang mga opinyon at saloobin natin. Nagiging malikhain tayo sa pamamagitan nita. 10. Dobleng paghihirap sa kalooban ng isang tao kapag may hindi siya naibahagi o naipahayag sa pamamagitan ng pagsulat. Kaya kapag may pagkakataon, mag-atubiling sumuga, hindi ka magsisisi dahil sinubukan mo. Tila may parte sa buhay mo na kulang dahil may hindi ka nagawa. 11. Sa pagbuo ng isang nobela, gumagawa ang isang manunulat ng mga makatotohanang tauhan, pangyayari at tagpuan. Paraan nila ito upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang nilalaman ng akda. Mahalagang maging makatotohanan ang isang nobela kagatin ng masa. 12. Sa pagsulat, hindi dahil may mga sinusunod na tayong pamamaraan sa paggawa nito palaging iyon na ang susundin. May pagkakataon din maaring kumawala at lumikha na sarili mo paraan upang masubukan ang iba’t ibang karanasan. Upang makalikha ka ng sarili mo tunog, pangalan at pamamaraan na makikilala ka. 13. Sa pamamagitan ng pagsulat, lahat nagagawa ng isang tao. Napapalabas nito ang mga kakayahan at napapatibay ang paniniwala sa sarili. Nagiging matapang sa anumang suliraning kakaharapin dahil sa pagsulat, nabibigyan natin ng maaring solusyon ang mga ito. 14. Sa lahat ng pagsubok na kinahaharap sa pagsulat, ito’y nagiging daan sa pagkatuto. Habang nagkakamali ka patuloy mo pa rin naman itong itinatama at sinusubukang maging maayos ang isinusulat mo. Naniniwala akong ang isang sulating walang burador ay hindi magiging matagumpay. 15. Kapag ako’y humanga sa isang libro, humahanap pa ako ng mga genre ng awtor na kahawig ng isinulat niya. Dahil do’n nakikilala ko ng lubusan ang may-akda at nagsisilbi na rin siyang inspirasyon. Pumapasok sa isipan ko na sana mabigayan ako ng pagkakataon na makilala siya sa personal. 16. Ang kagandahan ng isang istorya ay wala sa haba nito, ito’y nasa sa nilalamang paksa. Ang mahalaga dito’y kung papaano mapapapakahulugan ng mga mambabasa at maiuuganay sa realidad. Sa paraang ito, nagiging mahaba at malawak ang pang-unawa sa mga babasahin. 17. Ang isang bagay ay nabibigyang lang natin ng halaga kapag wala na ito. Ang isang manunulat kapag nawala na saka lang mari-realized nating mga mambabasa ang mga isinulat niya. Tunay binubuhay natin ang manunulat dahil sa kanyang mga isinulat. 18. Masayang isipin na ang mga isinusulat natin ay may pinag-aalayan. Dahil do’n, nabibigyang kulay ang mga isinusulat ko at nagiging makabuluhan. Malaking bagay na iyon sa aking dahil mas napapaunlad ko pa ang aking sarili. 19. Tunay na makapangyarihan ang imahinasyon ng isang tao. Nagagawa nitong gawing makatotohanan ang mga pangyayaring kalakip ng kanyang isinusulat. Nakabubuo ng isang malikhaing akda sa pamamagitan ng imahinasyon. 20. Ang isang manunulat hindi nabubuhay para lang sa kanyang sarili, gayon din sa kanyang sa kanyang mga isinusulat. Nangangahulugan lamang din na sa pagsulat, kapag natapos mo na ang isang sulatin hindi pa talaga iyon dahil muli mo iyong babasahin upang maitama at maayos ang bawat bahagi. Kaya sa pagsusulat, palaging may muli’t muling pag-aanalisa upang mahanap ang lasang gusto mo. 21. Mahirap ang magsulat lalo na kung bago pa lang nagsisimula pero, hindi ito dahilan upang wala kang magawa na masanay ang iyong sarili. Kayang-kaya mo pang ma- improve ang sarili mo. Sa paraang ito, padagdag nang padagday pa ang iyong mga kaalaman. 22. Sa simula pa, alam na nating ang lahat ay may katapusan. Marami tayong pwedeng gawin upang may maiwang magandang ala-ala sa mga mambabasa tulad nga ng pagsulat. Sa pamamagitan nito naging makabuluhan ang buhay mo dahil kinapulutan ito ng maraming kaalaman ng mga susunod pang henerasyon. 23. Lahat tayo’y may istoryang maaring mabuo sa araw-araw nating pamumuhay. Makabubuo tayo dito ng mga akdang makatotohanan na batay sa sarili mong karanasan. Maituturing na mapalad tayo kung nakikita natin ang mga istoryang ito sa ating buhay dahil karamiha’y itinuturing lang itong pangkaraniwan. 24. Ang paniniwala sa sarili ang pinakangpundasyon sa lahat ng mga pangarap mo. Sa patuloy na paniniwala sa sarili mong kakayahan ang magiging daan upang magawa mo at maabot ang mga naisin mo. Tulad nalang ng sa pagsulat, basta gusto mo’y magagawa at magagwa mo ito. Kadalasan, nananatili tayong nakakapit sa isang bagay na gusto natin kahit alam nating imposibleng makuha natin. 25. Nahihirapan tayong magsulat kumapara sa ibang tao. Sa pagsusulat natin nag-e-expect tayo ng mas maganda sa ibang nasulat kaya naman mas nagiging komplikado ito. Bakit hindi mo subukan yung sarili mong akda , na mas ginawa mo mula sa puso’t isip mo dahil sa paraang iyon ay mas magiging better kumpara sa mga likha ng iba.