Professional Documents
Culture Documents
Resolution (BALUCUK)
Resolution (BALUCUK)
Lalawigan ng Tarlac
Bayan ng Concepcion
Kapasyahan Blg. 1
Serye 2020
SAPAGKAT, ipinatawag ang biglaan pulong upang mapag-usapan ang kasalukuyan pagawain sa
sistemang patubig;
SAPAGKAT, para sa kaalaman ng lahat ay naglahad si Pangulong Rodolfo Simeon sa estado ng paggawa
ng proyektong pang-irigasyon;
SAPAGKAT, sa huling ginawa na “walk-thru” kasama ng NIA staff ay nakita kailangan ang paggawa ng
“drainage outfall/vertical walls” at pagrepair ng “downstream apron”;
SAPAGKAT, nakita rin na mas mahalaga na mahabaan ang “revetment” sa ibaba upang tuluyan ng
maidugtong hanggan sa kasalukuyan tulay ng Balucuk;
NAPAGKASUNDUAN, na muling idulog sa NIA ang mga pagawain ito upang masiguro ang katatagan ng
mga istruktura at matagal na kapakinabangan ng mga magsasaka;
NAPAGKASUNDUAN DIN, na magbigay din ng kaukulang sipi ng kapasyahang ito sa tanggapan ng NIA
TARZAM IMO sa pamamagitan ni Engr. Prudencio B. Santos, Manager at Engr. Jaime A. Mananghaya,
hepe ng Eng’’g. para sa kanilang kaalaman at tugon;