You are on page 1of 4

Pambungad na Panalangin

AMA NAMIN
Ama Namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo.
Mapasa-amin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo,
dito sa lupa para ng sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw


at patawarin Mo kami sa aming mga sala.
Para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
at iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Amen.
Panapos na Panalangin

St. Teresa ng Calcutta, ipanalangin mo kami. Amen.


Maikling Pagsusulit sa
Mga Pahayag sa
Pagbibigay na Patunay

Maglabas ng ¼ na papel.
Isulat ang P kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay at
DP kung hindi ito nagsasaad ng patunay.
1. Ang mahigit na anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte ay
patunay na nakatawag-pansin sa maraming mamamayang Pilipino ang
kanyang pangakong pagbabago.
2. Umaasa ang marami na may magbabago nga sa kani-kanilang buhay.
3. Unti-unting nabibigyang-pansin ang mga personalidad mula sa Mindanao at
bilang patunay rito, ang tatlong matataas na personalidad sa pamahalaan
(pangulo, senate president at speaker of the house) ay pawing mga- taga-
Mindanao.
4. Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong pisong
badyet para makamit ng bansa ang pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain
sa loob ng dalawang taon.
5. Huwag lang sana tayong salantain ng malakas na bagyo.
6. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensya na ang Pilipinas ay bansang
pinakalantad sa mga bagyo dahil sa kinalalagyan nito at mahigit 7 libong
islang lantad sa hangin at ulanng dala ng mga bagyo.
7. Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa
ating PAR o Philippine Area of Responsibility.
8. Maging handa tayo sa pagdating ng mga mapaminsalang bagyo,
9. Pinatunayan ng ginawang pag-audit sa mga operasyon ng minahan sa bansa na
may ilang minahang sumisira sa kapaligiran kaya naman ang apat sa mga
minahang ito ay ipinasara ng DENR o Department of Environment and Natural
Resources.
10.Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay
tinututulan ng ating Saligang Batas. Katunayan, may tinatawag na Writ of
Kalikasan na nagsasaad ng ating karapatan para sa malusog na kapaligiran.

You might also like