You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NAVOTAS CITY
Bagumbayan Elementary School Compound
M. Naval St., Sipac-Almacen, Navotas City

Asignatura : Filipino
Baitang: Pito

Gawain # Bilang 1

Kasanayan sa Pagkatuto: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan.
(Gramatika) Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
Paksa: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga patunay
Layunin: Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng patunay-F7WG-
Ia-b-1
Sanggunian: Pinagyamang Pluma sa baitang 7 pahina 21-22

Panuto: Nakikilala kung ang pahayag ay nagbibigay patunay o hindi.

Isulat ang titik na P kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay at ang DP


kung hindi ito nagsasaad ng patunay.Isulat ang tamang sagot sa patlang.

____1.Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte ay patunay
na nakatawag-pansin sa maraming mamamayang Pilipino ang kanyang pangakong
pagbabago.

___ 2.Umaasa ang marami na may magbabago nga sa kanila-kanilang buhay.


___ 3.Unti-unting nabibigyang-pansin ang mga personalidad mula sa Mindanao at bilang
patunay rito, ang tatlong matataas na personalidad sa pamahalaan (pangulo,senate of
president ,at speaker of the house) ay pawing mga taga-Mindanao.
____ 4.Ang Department of Agriculture ay maglalalaan ng 30 bilyong pisong badyet para
makamit ng bansa ang pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon.
___ 5.Huwag lang sana tayong salantain ng malalakas na bagyo.
___ 6.Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensya na ang Pilipinas ay bansang
pinakalantad sa mga bagyo dahil sa kinalalagyan nito at sa mahigit na 7 libong islang lantad
sa hangin at ulang dala ng mga bagyo.

1
7.Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating
PAR o Philippine Area of Resposnsibility .
___ 8. Maging handa tayo sa pagdating ng mga mapaminsalang bagyo.
___ 9.Pinatunayan ng ginawang pag-audit sa mga operasyon ng minahan sa bansa na
may ilang minahang sumisira sa kapaligiran kaya naman ang apat sa mga minahang ito ay
pinasa sa DENR o Department of Environment and Natural Resources.
____ 10.Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay tinutulan
ng ating saligang batas. Katunayan,may tinatawag na Writ of Kalikasan na nagsasaad ng
taing karapatan para sa malusog na kapaligiran.

Inihanda ni:
Christalyn L.Badajos

You might also like