You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I – Ilocos region
La Union Schools Division Office
Bacnotan National High School
Poblacion, Bacnotan, La Union

Grade 7
Activity Sheet
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

Pangalan____________________________Seksiyon__________________________Iskor______
Petsa_________________________________Lagda ng Magulang_______________________

MELC: Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay. (F7WG-Ia-b-1)
( Nakikilala ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay )

PANUTO: Kilalanin at isulat sa patlang bago ng bilang ang P kung ang pangungusap ay nagbibigay ng
patunay. Lagyan namn ng DP kung hindi ito nagpapatunay.

_____ 1. Ang mahigit anim na libong bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Yolanda ang magpapatunay
sa lakas at bagsik ng bagyong humambalos sa maraming lalawigan sa Kabisayaan noong 2013.
_____ 2. Umaasa silang huwag na sanang magkaroon ng ganoon kalakas na bagyo sa bansa.
_____ 3. Ang unti-unting pagtatayo ng mga nasirang gusali at mga tirahan at pagsisimulang muli ng
komersiyo sa mga lugar na ito ang nagpapatunay na bumabangon ang mga taga-Visayas.
_____ 4. Ang tulong mula sa iba’t ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong piso ang nagpapakita sa
likas na kabutihang-loob ng tao anuman ang kulay ng balat at lahi nito.
_____ 5. Huwag na sana tayong salantain uli ng malakas na bagyo.
_____ 6. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensiya na ang Pilpinas ay bansang pinakalantad sa
mga bagyo dahil sa kinalalagyan nito at sa mahigit pitong libong islang lantad sa hangin at ulang
dala ng mga bagyo.
_____ 7. Katanuyan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o
Philippine Area of Responsibility.
_____ 8. Malungkot makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga mahal sa buhay at ari-arian.
_____ 9. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development Authority na kakailanganin
natin ng 361 bilyong piso para sa muling pagbangon ng mga lugar na labis na nasanlanta ng
bagyong Yolanda.
_____10. Kaya naman, magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti ng lahat ng mga Pilipino
lalo na ang mga nasalanta.

Inihanda ni: Binigyang-puna ni:


Gng. Divine Grace C. Nieva Gng. Evangeline L. Patacsil
Guro sa Filipino Master Teacher I

Bacnotan Natioinal High School


Poblacion, Bacnotan, La Union
(072) 2423303/ (072)6072472/elsie.mayo@yahoo.com

You might also like