You are on page 1of 3

---

JBDOBOLB: Mga nagbabalitang ANJOn, hindi mawawala kailanman!

*Theme music fades out*

Gian Soho: Magandang araw, mga kaibigan! Handa na ba kayong sumabak sa isang
mabilisang paglalakbay sa pinakabagong mga balita? Ito ang JBDOBOLB, ang inyong
pinakamaagap at pinakamalikhain na balita sa ere! Ako si GIssica Soho, at kasama n'yo
muli para sa isang siksik at puno ng impormasyon na limang minutong programa.

*Transition music*

Gian: Una sa ating listahan:

Ekonomiya Express:
- Gian: Para sa Balitang Pampolitikal— ano ang pinakabagong update sa mundo ng
Politika? Kaladka-Kim Davila? RR Hontiveros?

Kim : Senado at kamara, tuloy sa bakbakan.

Nagkaroon ng alitan sa Senado at Kongreso dahil sa pagtatanong nina Sens. Imee Marcos
at JV Ejercito tungkol sa P26.7 billion na AKAP program. Sinabi ni Senior Deputy Speaker
Aurelio "Dong" Gonzales Jr. na dapat itigil ang pagtatanong ng dalawang senador,
insistiendo na inaprubahan na ito ng Senado.

Raneeza : Ang balitang ito ay nagpapakita ng mga aspeto ng hindi pagkakaintindihan at


tensiyon sa loob ng Kongreso hinggil sa Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) program.

Nakita natin ang positibong bahagi ng programa, tulad ng layuning magbigay ng tulong sa
milyun-milyong pamilyang nangangailangan, at ang pagpapahalaga sa proseso ng pag-
apruba na may malawakang suporta mula sa Senado.

Gayunpaman, ang kritisismo mula sa ilang senador hinggil sa pagkakaroon ng sapat na


impormasyon sa programa ay nagdudulot ng malubhang agam-agam. Ang pagsagot ng isa
sa mga lider ng Kongreso na "stop from questioning it" ay maaaring magdulot ng hindi
kinakailangang tensiyon sa diwa ng transparansiya nang mapanatili ang tiwala ng publiko sa
sistema, at accountability sa pamahalaan.

Kim : Ang pagtutunggaling mga panig ng Senado at Kongreso ay nag-ugat sa pagsagot ni


Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa mga tanong nina Sens. Imee Marcos
at JV Ejercito hinggil sa P26.7 billion na AKAP program. Pinahayag ni Gonzales na
inaprubahan ito ng Senado at kinondena ang pagtatanong ng dalawang senador. Binigyang-
diin niya ang bahagi ng AKAP sa 2024 national budget at ang boto ng Senado na
dalawampu’t isang pabor, walang nag-abstain, at walang tumutol sa P5.768 trillion
pambansang pondo.

Raneeza : Sa kabuoan, sa gitna ng pagtatalo ng mga senador at kongresista hinggil sa


AKAP program na pinondohan ng P26.7 billion, itinuturing ni Senior Deputy Speaker Aurelio
"Dong" Gonzales Jr. na hindi makatarungan ang pagtatanong ng dalawang senador
matapos aprubahan ng Senado ang nasabing programa. Ayon kay Gonzales, mahirap
intindihin kung bakit nagugulat ang dalawang senador sa AKAP program, pati na rin ang
pag-aalinlangan kung talagang binasa ba nila ang conference committee report bago
bumoto. Gissica?

Gian: Salamat sa update, Kaladkakim at RR! Panatilihin ang mga tenga ninyo para sa mga
karagdagang impormasyon. Samantala, tara na at magpatuloy sa ating sumusunod na
segment! Heto sina Anjo Araullo at JB De Castro!

*Transition music*

Anjo: Susunod sa balitang JBDOBOLB! Para sa balitang ekonomiya-

JB: Presidential adviser Joey Concepcion III ay nagpahayag na mahalaga ang pagpaplano
at unti-unting pagtataas ng sahod sa bansa upang hindi makaapekto sa ekonomiya.

Anjo: Bilang Private Sector Advisory Council (PSAC) head for jobs, nagpahayag siya ng
reserbasyon sa panukalang P100 na minimum wage hike, sinasabi na hindi lahat ng
negosyo ay kakayahan na mapanatili ito, at maaaring magresulta ito sa pagtanggal ng mga
manggagawa para makasunod sa pamantayan.

JB: Ang isyu dito ay ang pagtatalo sa pagtaas ng minimum na sahod ng P100 at kung paano
ito dapat ipatupad. May mga nagmumungkahi na biglain ang pagtaas ng sahod para
maprotektahan ang mga manggagawa, ngunit may mga alalahanin na ito ay maaaring
makasama sa mga negosyo, lalo na sa maliliit na sektor.

Anjo: Sa kabilang banda, may mga nagsasabing dapat itong gawin ng unti-unti para
maiwasan ang pagdulot ng problema sa mga negosyo at makapaghanda sila. Kailangan ng
maingat na balanse para mapanatili ang kapakanan ng mga manggagawa at ang
pagpapanatili ng kalakal at serbisyo ng mga negosyo.

Gian: Napakaganda ng balitang iyan, JB, Anjo! Maraming salamat sa iyong pagbabahagi ng
impormasyon. At sa mga tagapakinig, huwag kayong magtatagal! Mayroon pa tayong huling
segment na dapat abangan!

*Transition music*

Gian: At sa ating pangwakas na segment: Archi Elchico? Yzzy Sembrano?

Archi : Salamat, Gian! Para sa balitang pangkapaligiran, Ang mga residente ng Legazpi ay
nagtatanim ng mahigit 3K na puno para markahan ang Araw ng mga Puso

Archi : LEGAZPI CITY, nagtanim ng tatlong libo at isang daang puno ang mga residente,
kabilang ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod at mga ahensya ng pambansang
pamahalaan, bilang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso. Ang aktibidad na ito ay idinaos sa
Sitio Caridad, Barangay Banquerohan, na nagdiriwang ng ika-labing pito taon ngayon.
Yzzy : Mahusay ang lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad nito dahil nagkaroon ito ng
malaking impluwensya sa mga katutubo. Ang kanilang mga aktibidad sa napakahanang
panahon ay isang layon ng tagumpay na maaaring i-dokumento at maipalaganap sa mga
lokal na pamahalaan, lungsod, at bayan upang makalahok ang bansa sa muling pagtatanim
ng ating mga nawawalang kagubatan. Ito ay isang matagumpay na programa, na
makapagbibigay-inspirasyon at tulak na rin para sa ating lahat, upang mailigtas ang ating
lugar mula sa pollution.

Archi : Para naman sa akin, ang pag lakad ng aktibidad na ito ay isang magandang ideya
lalo’t na ito ay isang sustainable na aktibidad kung saan nakatutulong ito na mapanatili ang
kagandahan ng ating mga kapaligiran. Para na rin magkaroon ng sariwang hangin lalo na’t
labing anim na taon na nila ginagawa ito at napakaraming puno na rin ang kanilang
naitanim.

Gian: Grabe, grabe! Salamat sa nakagagaang loob na balitang pangkapaligiran, Archi at


Yzzy! Ipagpatuloy nating ang pagpapalakas ng mga hakbang upang labanan ang mga
sumisira sa ating paligid.

Para sa ating mga tagapakinig, ito na ang ating pagtatapos para sa araw na ito.

*Outro music*

Gian: Maraming salamat sa pagtutok sa QuickCast FM, ang inyong pinakamaagap at


pinakamalikhain na balita sa ere! Ako si GIssica,

Kim at Raneeza: Ako si kaladka-Kim, ako si RR


Anjo at JB: Anjo Araullo po!, JB De castro!
Archi at Yzzy: Ako si Archi, at ako si Yzzy!

Gian: hanggang sa muli, mag-ingat kayo at mabuhay!

*Theme music fades in*

---

You might also like