Professional Documents
Culture Documents
Artikulo Iii
Artikulo Iii
(Bill of Rights)
(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang
hakbangin sa paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito o
sa sinusundang seksyon.
OPINYON. Ang mga liham ay nasasakop sa pribadong karapatan natin.
Nagpapahiwatig ang seksyon na ito sa ating karapatan pribadong komunikasyon.
SEKSYON 9. Ang mga pribadong ariarian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit
pambayan nang walang wastong kabayaran.
OPINYON. Kailangan ang lamang na kabayaran sa pagkuha ng pribadong ari-arian.
Ipinakikita nito ang pagmamay-ari at ang halaga nito.
SEKSYON 11. Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog
sa mga hukuman at sa mga kalupunang mala-panghukuman at sa sat na
tulong pambatas nang dahil sa karalitaan.
OPINYON. Hindi hadlang ang kahirapan para madepensahan ang sarili sa anumang
kaso. Ang pagkakaroon ng isang publikong abugado ay pribilehiyo na ibinigay ng
estado sa mga tao nito.
SEKSYON 12. (1) Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay
dapat magkaroon ng karapatang mapatalastasan ng kaniyang karapatang
magsawalang-kibo at magkaroon ng abogadong may sapat na kakayahan at
malaya na lalong kanais-nais kung siya ang maypili. Kung hindi niya
makakayanan ang paglilingkod ng abogado, kinakailangang pagkalooban
siya ng isa. Hindi maiuurong ang mga karapatang ito maliban kung
nakasulat at sa harap ng abogado.
(3) Hindi dapat tanggaping ebidensya laban sa kanya ang ano mang
pagtatapat o pag-amin na nakuha nang labag sa seksyong ito o sa seksyong
labing-pito.
SEKSYON 13. Ang lahat ng mga tao, maliban sa mga nahahabla sa mga
paglabag na pinarurusahan ng reclusion perpetua kapag matibay ang
ebidensya ng pagkakasala, bago mahatulan, ay dapat mapyansahan ng sapat
ng pyador, o maaaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa maaaring itadhana
ng batas. Hindi dapat bawalan ang karapatan sa pyansa kahit na suspendido
ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus. Hindi dapat kailanganin ang
malabis na pyansa.
OPINYON. Ang pagpyansa ay karapatan ng isang tao kung hindi niya gusto na
makulong, ngunit hindi ibig sabihin ay hindi na siya puwedeng mahatulan sa korte.
SEKSYON 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa
kanyang sarili.
OPINYON. Tayo lang ang makakasagip sa ating sarili. Dapat hindi tayo pilitin
gumawa ng bagay na tuloy na nakakasira sa atin.
SEKSYON 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa
kanyang paniniwala at hangaring pampulitika.
(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod,
maliban kung kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala.
OPINYON. Mayroon tayong karapatan sa ating sariling mga prinsipyo at
paniniwala. Kung personal tayo na hindi pabor sa ating gobyerno, hindi nila ito
magagamit upang siraan tayo sa harap ng batas.
SEKSYON 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang
malupit, imbi o di-makataong parusa, o ang parusang kamatayan, matangi
kung magtadhana ang Kongreso ng parusang kamatayan sa mga
kadahilanang bunsod ng mga buktot ng krimen. Dapat ibaba sa reclusion
perpetua ang naipataw nang parusang kamatayan.
SEKSYON 20. Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa
pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.
OPINYON. May mga sitwasyon kung saan ang mga utang ay mas mataas kaysa sa
suweldo. Puwede itong ilahad sa korte upang mabigyan ng solusyon ngunit hindi
puwede diretsong bilangguhin ang isang tao dahil dito.