Professional Documents
Culture Documents
Cabagsican Descriptive Linguistics Report
Cabagsican Descriptive Linguistics Report
GRADUATE SCHOOL
I.Layunin sa Pagkatuto
Pagkatapos ng pag-uulat na ito, ang lahat ng mag-aaral ay inaasahang:
1. Nababatid ang ugnayan ng ‘wika at dalubwika’ at ng ‘wika at kultura’.
2. Nabibigyang halaga ang gamit ng wika at maging ng kultura.
3. Nakasusulat ng sanaysay tungkol sa gamit ng wika at kahalagahan ng kultura
sa lipunan.
II. Introduksyon
Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay sistematikong balangkas ng sinasalitang
tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
kabilang sa isang kultura.
Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang
kanyang damdamin at kaisipan. Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting
relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at nakatutulong din siya sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba.
III. Nilalaman
-Hindi kukulangin sa 5,000 ang lahat ng wikang sinasalita sa buong daigdig--- 5,000
iba’t ibang wika.
- Ngunit nagkakaiba-iba man ang mga wikang ito, lahat naman ay masasabing may
pagkakatulad sa kadahilanang lahat ay binibigkas at lahat ay binubuo ng mga tunog.
-Subalit, sinasabing walang tunog na unibersal.
Ang ibig sabihin, ang (t), halimbawa, sa lahat ng wikang mayroon nito, ay tiyak na may
pagkakaiba, kung susuriing mabuti, sa uri o sa paraan ng pagbigkas.
-Bawat wika ay may kani-kaniyang balangkas nng mga tunog.
V. Ebalwasyon
Pagsusulit
1. Magbigay ng dalawang katangian ng Epiko at ipaliwanag ito. (5 na puntos)
2. Sa iyong palagay bakit kailangan na pahalagahan ang Epiko ng ating bansa?
(5 na puntos)
VI. Sanggunian
https://brainly.ph/question/485515#readmore
https://brainly.ph/question/485515
https://brainly.ph/question/184769
https://pinoycollection.com/epiko/