You are on page 1of 32

Nobyembre 2015

PRAYMER

APEC at ang Opensiba


ng Globalisasyon

S
a temang “Building inclusive
economies, building a better world”,
idinaraos sa Pilipinas ang mga pulong
ng Asia Pacific Economic Cooperation
(APEC) ngayong taon. Buwan-buwan simula
noong Enero 2015 ay may ginaganap na
mga pagtitipon ang APEC sa Bacolod,
Bataan, Boracay, Cebu, Clark, Iloilo, Laoag,
114 Timog Avenue, Manila, Pamapanga, at Tagaytay. Idaraos
Quezon City,
1103 Philippines ang pinakamahalaga sa mga pulong na ito –
Tels. +63 2 927 7060 to 61
Fax +63 2 929 2496
ang APEC Economic Leaders’ Meeting – sa
www.ibon.org Manila sa 18-19 Nobyembre.
IBON Praymer  Nobyembre 2015 3

Ginaganap ang mga pulong ng APEC sa panahong muling pinasisigla ng


imperyalismo ang opensiba ng globalisasyon. Kabilang dito ang pakana ng
US na Trans-Pacific Partnership (TPP) na nakaamba nang ipinal ng 12 bansa.
Inilalarawan ang TPP na “pinakamalaking kasunduan sa liberalisasyon ng
kalakalan”.1 Ito ang itinuturing na magtutuloy sa nadiskaril na misyon ng
World Trade Organization (WTO). Kahit walang mga kasunduang binding ang
binubuo sa APEC hindi gaya ng WTO o TPP, magarbong behikulo ito para sa
globalisasyon.

Kaya naman bilang punong-abala sa mga pagpupulong ng APEC, matindi


hindi lamang ang paghahanda sa seguridad ng rehimeng Aquino kundi
pati ang propaganda nito sa pag-unlad daw ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ipinamamarali ang public-private partnership (PPP) at iba pang mga
programang neoliberal para raw sa kaunlarang pinakikinabangan ng lahat
(“inclusive growth”).

Pero hindi mapagtatakpan ng anumang panlilinlang ang mapaminsalang


epekto ng globalisasyon sa pambansang ekonomiya. Sa halos apat na
dekada ng pagpapatupad nito sa Pilipinas, winasak ng neoliberalismo ang
agrikultura, lalong binansot ang industriya, at nilipol ang milyun-milyong
kabuhayan.

1 Ano ang APEC?


Ang APEC ay isang porum o pagtitipun-tipon ng mga bansa sa rehiyong Asya
Pasipiko. Isinasaad nitong layunin ang padaliin ang paglago ng ekonomiya,
kooperasyon, at pamumuhunan at kalakalan sa mga kasapi nito. Isinulong
ang APEC ng US bilang bahagi ng konsolidasyon at pagpapalalim ng
impluwensya nito sa rehiyon matapos ang panahon ng Cold War. Unang
ginanap ang pulong ng APEC noong 1989 sa Australia na dinaluhan ng mga
ministro ng 12 bansa. Samantala, ang kauna-unahang Economic Leaders’
Meeting ay inorganisa ng US noong 1993. Binubuo sa kasalukuyan ang APEC
ng 21 kasapi.2

1 “TPP deal: US and 11 other countries reach landmark Pacific trade pact,” 5 Oktubre
2015, The Guardian, http://www.theguardian.com/business/2015/oct/05/trans-pacific-
partnership-deal-reached-pacific-countries-international-trade
2 Ang orihinal (1989) na 12 bansang kasapi ng APEC ay ang mga sumusunod: Australia,
4 IBON Praymer  Nobyembre 2015

Sa kabuuan, katumbas ang pinagsama-samang populasyon ng mga bansang


kabilang sa APEC ang kalahati ng populasyon ng daigdig. Sa larangan ng
ekonomiya, katumbas ng 55-60% ng pandaigdigang gross domestic product
(GDP) ang GDP ng mga bansang nasa APEC. Ang tatlong pinakamalalaking
ekonomiyang bahagi nito – ang US, China at Japan – ay bumubuo sa lampas
40% ng pandaigdigang GDP.

Hindi tulad ng mga organisasyong pangkalakalan gaya ng WTO, hindi


kasunduan ang mga pinag-uusapan sa APEC. Sa halip, itinutulak nito ang
balangkas ng mga repormang pang-ekonomiya sa pamamagitan ng pagtitipon
ng pinakamatataas na opisyal ng mga bansa sa Asya Pasipiko. Ito ang
tinatawag na Economic Leaders’ Meeting, tulad ng gaganapin sa Pilipinas,
kunsaan dumadalo ang mga pangulo, punong ministro at iba pang pinuno ng
mga bansang kasapi nito.

Dagdag pa, ang aabot sa 250-300 tuloy-tuloy na mga pagpupulong at


exchanges sa pagitan ng mga myembro nito ay mahalaga ring bahagi ng APEC
bilang plataporma ng mga repormang pang-ekonomiya. Sa mga pagtitipong ito
ibayong pinadudulas at sinusuportahan ang pagpapatupad ng mga binding na
kasunduang binuo ng mga bansa gaya ng mga kasunduan sa WTO at ibang
free trade agreements (FTAs). Tinatawag ang ganitong sistema ng APEC bilang
“soft institutionalism”.

Idinaraos ang pinaka-high-profile na pulong ng APEC tuwing Nobyembre. Nasa


may 20 opisyal na pulong ng mga kinatawan ng gobyerno ang ginaganap
sa nasabing buwan, kabilang ang Economic Leaders’ Meeting.3 Samantala,

Brunei, Canada, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, New Zealand, Philippines,
Singapore, Thailand at US. Nadagdagan ang kasapian nito sa paglipas ng taon: Tsina, Hong
Kong, Taiwan/Chinese Taipei (1991); Mexico, Papua New Guinea (1993); Chile (1994); at
Peru, Russia, Vietnam (1998). Tinatawag na “ekonomiya” ang mga kasapi ng APEC sa halip na
bansa dahil daw ang kooperasyon ay pangunahing nakatuon sa mga usaping pangkalakalan
at pang-ekonomiya. Nagpupulong daw ang mga kasapi hindi bilang mga bansa kundi bilang
mga pang-ekonomiyang entidad. (Mula sa http://www.apec.org/about-us/about-apec/
member-economies.aspx)
3 Maliban sa Economic Leaders’ Meeting sa 18-19 Nobyembre, gaganapin din sa Pilipinas sa
Nobyembre ang iba pang malalaking pulong ng APEC gaya ng: Senior Officials Meeting (13-14
Nob.); APEC Business Advisory Council Meeting (13-16 Nob.); APEC Ministerial Meeting (16-
IBON Praymer  Nobyembre 2015 5

nasa may 10 pulong naman ang sa pribadong sektor. Sa mga pulong na


ito binubuo ang pagkakaisa o consensus ng mga kasapi sa iba’t ibang mga
usapin. Pagkakataon din ito para sa mga bilateral at/o sub-rehiyonal na pag-
uusap ng mga myembro.

Maliban sa mga pulong na high-profile, idinaraos din sa halos kabuuan ng


bawat taon ang mga low-profile pero tuloy-tuloy na pulong o pagtitipon ng
APEC. Pinadadaloy ang mga ito ng mga technical committee, working groups
at task forces na binuo ng mga kasapi. Dinadaluhan ang mga pulong na ito
ng mga departamento o ministro ng mga gobyerno, mga panggitna at senior
level na opisyal ng pamahalaan, mga opisyal ng pribadong negosyo, at mga
eksperto mula sa pribadong sektor at akademya.

Mahalaga ring plataporma ang APEC para sa pagpupulong ng malalaking


negosyo at gobyerno para pag-usapan kung paano lalo pang magiging
paborable ang mga patakarang pang-ekonomiya para sa mga pribadong
korporasyon. Sa pamamagitan halimbawa ng APEC Business Advisory
Council (ABAC), direktang “nagmumungkahi” ang malalaking negosyo sa
mga pamahalaang bahagi ng APEC. Umuupo rin ang mga negosyanteng
kinatawan ng ABAC sa iba pang high-level na mga pulong ng mga opisyal
at lider ng APEC.4 Bukod pa rito ang APEC CEO (chief executive officer)
Summit na pulong ng mga kinatawan ng gobyerno at pinakamatataas na
pinuno ng mga korporasyon sa buong rehiyon. Pinag-uusapan dito kung
paanong ibayo pang makakalikha ng mga bago o dagdag na oportunidad sa
pagnenegosyo sa Asya Pasipiko.

Ang pang-araw-araw na operasyon ng APEC bilang organisasyon ay


pinatatakbo ng kalihiman o secretariat na nakabase sa Singapore.
Tinutustusan ito sa pamamagitan ng taunang kontribusyon ng mga myembro,
maliban pa sa dagdag na pondo para sa mga partikular na proyekto ng APEC.

17 Nob.); at APEC CEO Summit (16-18 Nob.).


4 Itinatag ang ABAC noong 1995 at binubuo ng tatlong senior na kinatawan ng mga
pribadong negosyante mula sa bawat bansang kabilang sa APEC. Bukod sa mismong
pulong ng ABAC, dumadalo rin ang mga ito sa Senior Officials’ Meetings, Annual Ministerial
Meeting at mga sektoral na Ministerial Meetings. (Mula sa http://www.apec.org/Groups/
Other-Groups/APEC-Business-Advisory-Council.aspx)
6 IBON Praymer  Nobyembre 2015

Nasa US$5 milyon ang taunang badyet ng APEC secretariat. Dagdag dito,
tampok ang interes ng US sa APEC sa pamamagitan ng US-APEC Technical
Assistance to Advance Regional Integration (US-ATAARI) na may US$27
milyong badyet para sa 2014-2018.

2 Ano ang papel ng APEC sa globalisasyon?


Itinatag ng mga imperyalistang bansa ang APEC para sa adyenda nitong
ibukas ang ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon para sa malayang kalakalan.
Kinatangian ang mga unang taon nito (1989 hanggang 1997) ng aktibong
pagpapabilis at pagpapatindi sa mga programa’t patakaran ng globalisasyon.
Noong 1994 halimbawa, inilabas ng APEC ang Bogor Declaration kunsaan
nangako ang mga kasapi na kumpletuhin ang ganap na pagbubukas ng
kalakalan at pamumuhunan sa Asya Pasipiko nang hindi lalampas sa taong
2010 para sa mga abanteng myembro at 2020 para sa mga atrasadong kasapi.
Namumukod ang APEC bilang kauna-unahan, pinaka-komprehensibo at
pinakakilalang institusyon na sumasakop sa buong rehiyon na nagsusulong ng
globalisasyon bagama’t wala itong inilalabas na mga partikular na preskripsyon
sa mga bansang kasapi.

Nagkoordina rin ang mga kasapi ng APEC upang maitulak ang WTO
Uruguay Round noong 1995, ang pinakamalawak na kasunduan ng naturang
organisasyon. Ang WTO Information Technology Agreement (ITA) noong 1996
ay una ring pinag-usapan sa APEC. Naging aktibo rin ang APEC sa pagtutulak
ng WTO Bali Package noong 2013, kung saan ang “trade facilitation” ng WTO
(kasama ang pagpapahusay ng customs at daloy ng mga kalakal) ay matagal
nang agenda sa APEC. Sinusuportahan ng APEC ang mga negosasyon ng
WTO sa kemikal, produktong medical, produktong panggubat, “environmental
goods and services”, atbp.

Relatibong bumagal ang APEC sa mga aktibidad nito sa panahong 1998


hanggang 2008. Bunga ito ng pagpihit ng atensyon ng US na natuon sa WTO
(mula 1994) at North American Free Trade Agreement (NAFTA, 1994) bilang
mga pangunahing plataporma nito sa pagtataguyod ng globalisasyon. Naging
sentro rin ng atensyon ng US ang mga bilateral FTA nito sa Singapore (2001),
IBON Praymer  Nobyembre 2015 7

Australia (2004) at South Korea (2010). Bagama’t mukhang nabawasan


ang importansya ng APEC sa pangkalahatang tulak para sa globalisasyon
dahil sa mga multilateral at bilateral na FTA, mahalagang banggitin na
signipikanteng naitulak ng APEC ang adyenda ng mga ito. Ang mga FTAs ay
naging epektibong instrumento sa pagsusulong ng mga kongkreto, tiyak at
naipapatupad na mga kasunduan sa liberalisasyon.

Kasabay din ng pagbagal ng mga aktibidad ng APEC ang pagsambulat ng


kapitalistang krisis, gaya ng pampinansyang krisis sa Asya noong 1997,
dotcom bubble/crash sa US noong 2002, housing bubble/crash sa US at
Europa noong 2008. Dagdag pa riyan ang pagtuon ng US sa gerang agresyon
nito sa Iraq at Afghanistan dahil sa 9/11.

Pag-upo ng rehimeng Obama sa poder noong 2009, itinaguyod nito bilang


patakarang panlabas ang pagtuon o pagpihit (pivot) ng US sa rehiyong
Asya Pasipiko. Kaakibat nito ang paglalaan ng panahon at rekurso ng US
para isulong ang pampulitika, pangmilitar at pang-ekonomiya nitong interes
sa rehiyon. Kabilang na rito ang pagsusulong ng kasunduan sa TPP at ang
higit pang pagpapasigla sa APEC para isulong ang neoliberal na reporma sa
rehiyon.

Kung ikukumpara noong dekada ’90, maaaring hindi kasing-dramatiko o
kagyat ang mga neoliberal na repormang isinusulong nitong mga nakalipas
na taon. Gayunman, ang liberalisasyon sa pinansya, paghigpit sa intellectual
property rights at pag-institusyonalisa ng sistema sa investor-state dispute
settlement (ISDS) ay may matinding pangmatagalang implikasyon sa usapin
ng pagtali sa kakayanan ng mga bansa na paunlarin ang lokal na ekonomiya.
Ang mga repormang ito ang lohikal na hakbang matapos ang matagumpay
na liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan noong mga nakaraang
dekada. Adyenda ng imperyalismo sa pangunguna ng US na makonsolida at
mapalawak ang mga tagumpay na tinamo ng opensibang neoliberal nito.

Nakatuon pa rin ang APEC sa malawakang liberalisasyon, sa pagpapanatili


ng mga neoliberal na repormang naipatupad na noong 1990s at 2000s
at paglansag sa mga natitirang sagka sa malayang daloy ng dayuhang
pamumuhunan at kalakalan (hal. environmental goods gaya ng tubig; mga
produkto’t serbisyong information and communication techonology o ICT;
8 IBON Praymer  Nobyembre 2015

at iba pa). Nakatuon din ito sa ibayo pang pagpapahusay o pagkikinis at


pagpapalalim ng mga programa’t patakaran ng globalisasyon tulad ng mga
alituntunin at pamantayan sa pinansya, pamumuno ng mga korporasyon
(corporate governance), patakaran para sa kompetisyon (competition
policy), pleksibleng paggawa, social safety nets, anti-korapsyon at mabuting
pamamahala (good governance).

Sa esensya, pagpihit ito mula sa dating border measures o pag-aalis sa mga


hadlang sa pagpasok ng dayuhang kalakal at puhunan tungo sa behind-the-
border measures o kung paano mas maluwag na makakagalaw ang mga
dayuhang korporasyon kapag nasa loob na ng lokal na ekonomiya. Kabilang
dito ang mga tinatawag na non-tariff measures, ang may kahabaan at
burukratikong alituntunin sa customs, mababang kalidad na imprastruktura sa
transportasyon, at iba pa.

Mataas na rin ang antas na inabot ng liberalisasyon ng ekonomiya ng mga


bansang kasapi sa APEC. Ayon mismo dito, nasa 5.7% na lamang ang taripang
ipinapataw ng mga myembro noong 2011 mula sa 16.9% noong 1989. Sa
ulat naman ng magasing The Economist, sinabi nitong nasa 5% na lamang
ang taripa sa mga kasapi ng APEC noong 2013 mula sa 15% noong 1994. Sa
hiwalay namang datos ng Asia Society, nasa 5.4% daw ang abereyds na taripa
sa APEC noong 2008, mas mababa sa pandaigdigang abereyds na 10.4% sa
parehong taon.

Bagama’t hindi maaaring ipagpalagay na dahil lamang sa APEC ang


liberalisasyon ng mga ekonomiyang bahagi nito – tandaang ang mga
kasunduaan sa WTO, bilateral FTAs, mga neoliberal na repormang idinikta ng
International Monetary Fund (IMF) at World Bank, at iba pa ay sama-sama at
koordinadong nagsulong ng globalisasyon. Gumampan naman ang APEC ng
papel sa ibayong pagpapahusay ng panrehiyong network ng suplay at lohistika.
Gayundin, nakatulong ang APEC sa pagpapaba sa gastos sa kalakalan para
higit pa itong mapadali.


IBON Praymer  Nobyembre 2015 9

3 Bakit mahalaga para sa imperyalismong US ang


APEC?

Pinangunahan ng US ang pabubuo sa APEC noong 1989 bilang bahagi ng


pandaigdigang kaayusan na nais nitong itaguyod para sa pansariling interes
sa pagtatapos ng Cold War. Layunin ng US na ibayong mapalakas ang
impluwensya’t papel nito sa Silangang Asya. Naging susing mekanismo at
pangunahing instrumento ng patakarang panlabas ng US sa Silangang Asya
ang APEC para tiyakin ang pagpapatuloy at pagpapalalim ng imperyalistang
panghihimasok nito sa naturang rehiyon. Hanggang ngayon, ang high-profile
na papel ng US ang nagbibigay sa APEC ng pampulitikang kabuluhan bilang
institusyon. Dalawang ulit nang naging punong-abala ang US sa mga pulong
ng APEC – noong 1993 (Seattle) at 2011 (Honolulu).

Ginamit ng US ang APEC upang idiskaril ang mga namumuong bloke sa Asya
matapos ang Cold War kunsaan nangamba ang US na mahiwalay. Kabilang
dito ang East Asia Economic Caucus (EAEC) na ipinanukalang FTA noon
ni Mahathir bin Mohamad, dating punong ministro ng Malaysia at kilalang
anti-US. Itsapwera sa planong EAEC ang US at iba pang imperyalistang
bansa mula sa Kanluran habang kabilang naman ang Japan, China, South
Korea at ASEAN. Pero hindi ito umusad sa pagtanggi ng Japan na mamuno
dahil hindi kasama ang US. Sa halip, pinatatag ang adbokasiya ng APEC
na open regionalism na nangangahulugang hindi maaaring hindi isama ang
mga bansang nasa labas ng Silangang Asya sa anumang inisyatibang pang-
ekonomiya ng rehiyon.

Sa kabila ng ipinamamarali ng APEC na tanging mga usaping pang-


ekonomiya lamang ang layunin nito, ginagamit din ito ng US para palakasin
ang mga alyansang pangseguridad/militar nito sa Asya Pasipiko. Isang
matingkad na halimbawa ang paggamit ng US sa APEC upang magmobilisa
ng pandaigdigang suporta sa kampanyang “gera kontra terrorismo” matapos
ang 9/11. Naglabas pa ang APEC Leaders’ Summit noong 2001 ng isang
opisyal na deklarasyon na sumusuporta sa kampanyang militar ng US sa likod
na pagdadahilang dapat gapiin ang terorismo.5

5 Statement on Counter-Terrorism, Leaders’ Declaration, APEC, 21 Oktubre 2001, http://


www.apec.org/Meeting-Papers/Leaders-Declarations/2001/2001_aelm/statement_on_
counter-terrorism.aspx
10 IBON Praymer  Nobyembre 2015

Pero sadyang hindi matatawaran ang pang-ekonomiyang interes ng US sa


APEC. Tinatayang nasa US$1.1 trilyon ang direktang pamumuhunan (foreign
direct investment o FDI) ng mga korporasyong Amerikano sa mga ekonomiyang
kabilang sa APEC. Ang mga bansang kasapi ng APEC ay kumakatawan sa
55-60% ng kabuuang eksport ng US at 60-65% ng kabuuang import nito. Anim
sa 10 pinakamalaking katuwang sa kalakalan ng US ay myembro ng APEC.6
Samantala, ang dalawa sa tatlong pinakamalaking ekonomiya sa daigdig at
bahagi ng APEC – ang China at Japan – ay humahawak sa lampas US$1 trilyon
na halaga ng US securities.

Kaya naman buhos din ang suporta ng US para sa APEC. Sa pamamagitan


ng State Department at US Agency for International Development (USAID)
halimbawa, tinutustusan at pinamamahalaan ng US ang US-ATAARI simula
noong nakaraang taon at tatagal hanggang 2018. Bahagi ito ng US$1.2
bilyong ayuda ng State Department at USAID para sa Silangang Asya-Pasipiko
sa taong 2014. Sa ilalim ng nasabing programa, itinataguyod ng US ang
kapasidad ng mga kasapi ng APEC sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan,
liberalisasyon, mga lokal na patakaran at regulasyon, at human security.

Kahit pa hindi ito katulad ng mga binding na FTA na isinulong ng US, malaki
ang papel ng APEC sa pagpapalawak ng adyendang neoliberal nito. Gaya
ng nabanggit na, kasang-ayon ng pangkalahatang tulak sa globalisasyon ng
imperyalismo ang APEC – pinalalakas at sinusutini nito ang momentum ng
liberalisasyon ng mga ekonomiya sa Asya Pasipiko at buong daigdig. Ginagamit
ng US ang katangiang non-binding at nakabatay sa consensus na mga pag-
uusap sa APEC upang talakayin ang mga adyenda ng globalisasyon na
lampas pa sa mga usaping pangkalakalan at pamumuhunan gaya ng non-trade
measures, kalikasan, mga isyung panlipunan, at iba pa. Kung gaya ng WTO o
TPP ang APEC, maaaring magdalawang-isip ang mga kasapi na pag-usapan
ang mga isyung hindi naman ito handang pasukin bilang isang kasunduan.

6 Sa pinakahuling datos (hanggang Agosto 2015), ang apat na pinakamalaking katuwang sa


kalakalan ng US ay pawang mga myembro ng APEC: Canada, Tsina, Mexico at Japan. Kabilang
din sa top 10 ang South Korea (ikaanim) at Taiwan o Chinese Taipei (ikasampu). (Tingnan ang
datos sa http://www.census.gov/foreign-trade/statistics/highlights/top/index.html)
IBON Praymer  Nobyembre 2015 11

Sinasamantala ng US ang ganitong katangian ng APEC upang unti-unti


at maingat na itulak ang pinalawak na adyenda ng globalisasyon sa mga
bansang kabilang sa APEC. Ginagamit nito ang mga regular na pulong
at talakayan ng mga bansa sa APEC upang likhain ang mas paborableng
kondisyon para sa pagsusulong ng mga binding na kasunduan gaya ng FTAs.
Halimbawa, sa mga talakayan sa APEC ipinakilala ng US ang mga dapat
lamanin ng panibagong kasunduan sa kalakalan para sa susunod na antas
ng liberalisasyon o ang aniya’y “gold standard” para sa mga FTA – ang TPP.
Nakakapagdaos din ng mga pulong ang US sa loob ng APEC kunsaan TPP
ang partikular na adyenda. Sa pinakahuling pulong ng APEC na ginanap sa
US, sinamantala ng rehimeng Obama ang pagkakataon para itaguyod ang
TPP.7 Maaaring sabihing direktang resulta ng mga pagsisikap ng US sa APEC
ang TPP. Kahit na naging masalimuot pa rin sa aktwal ang negosasyon sa
TPP bunga ng mga nagtutunggaling imperyalistang interes, pinadulas pa rin
ito ng APEC dahil nasimulan nang mapamilyarisa ang mga bansa sa naunang
mga diskusyon sa APEC.8

Tuntungan para sa US ang APEC sa patuloy na pagtatayo nito ng mga FTAs


na striktong magtatali sa mga bansa upang buksan sa dayuhang produkto
at puhunan ang kanilang mga ekonomiya. Tinatanaw ng US halimbawa ang
Free Trade Area of the Asia Pacific (FTAAP) bilang magiging bunga ng mga
pagsisikap nito sa APEC, TPP at mga bilateral FTAs nito sa mga bansa sa
rehiyon9, bilang tanging FTA ng APEC na sakop ang lahat ng mga bansa dito.
Gayunman, nananatiling tanong kung ito ay magiging kasing istrikto ng TPP
na syang gusto ng US, o hindi kasing istrikto at mas tulad ng RCEP na gusto
naman ng China. Sa panig ng US, tinatanaw nitong higit na makinabang sa

7 “US to advance Pacific free trade as APEC host,” Reuters, 17 May 2011, http://www.
reuters.com/article/2011/05/17/us-apec-idUSTRE74G5VB20110517
8 Tinatawag na “kasunduang pangkalakalan para ika-21 siglo” ang TPP na inaasahang
magbibigay-daan sa mas malawak at mas malalim na integrasyong pang-ekonomiya
sa Asya Pasipiko. Sakop nito ang mga usapin sa kalakalan, pamumuhunan, paggawa,
procurement ng gobyerno, mga empresang pag-aari ng estado, intellectual property rights,
e-commerce, at iba pa. Anim sa 11 bansa kasama ng US sa negosasyon sa TPP ay may dati
nang nabuong FTA sa US (Australia, Canada, Chile, Mexico, Peru at Singapore).
9 Sa APEC Summit noong 2010 sa Yokohama, Japan halimbawa, nagtagumpay ang US
na kumbinsihin ang mga kasapi na simulan na ang mga kongkretong hakbang para sa
pagtatayo ng FTAAP paglampas ng 2020 gamit ang ASEAN+3 (China, Japan at South Korea),
ASEAN+6 (ASEAN+3, India, Australia at New Zealand), at ang TPP bilang mga pundasyon.
12 IBON Praymer  Nobyembre 2015

mga kasunduang may mas mataas at istriktong pamantayan sa liberalisasyon


gaya ng TPP. Sa kaso naman ng China, ibig nitong proteksyonan ang kanyang
mga state-owned enterprises o SOEs dahil umiiral naman na ang iba pang
mekanismo para itaguyod ang interes ng mga Tsinong monopolyo kapitalista.
Taliwas dito ang adyenda ng ibayong pribatisasyon ng US na kalakip ng mga
isinusulong nitong FTA.

Mahalagang puntuhin na sa kabila ng patuloy na pamamayani ng US sa


APEC, hinahamon ng dahan-dahang paglakas ng China ang dominasyong
ito. Mas naging mapamilit ang China sa pagsusulong ng sarili nitong adyenda
pagkatapos ng pang-ekonomiya at pampinansyang krisis noong 2008 na
malakas na yumugyog sa US at iba pang sentro ng pandaigdigang kapitalismo.
Gaya ng US, sinisikap ng China na magamit ang APEC bilang plataporma nito
sa pagtataguyod ng kanyang interes. Pinipilit niya halimbawa, na pangunahan
ang proseso ng pagtatayo ng FTAAP sa loob ng APEC. Nang maging punong-
abala ang China sa pulong ng APEC noong 2014, sinamantala nito ang
pagkakataon para ilunsad ang roadmap para sa FTAAP.

4 Ano ang adyenda ng APEC 2015 na gaganapin sa


Pilipinas?

Ang pangkalahatang paksa ng APEC 2015 ay “Building Inclusive Economies,


Building a Better World”, ayon na rin sa pagpapalaganap at pagsusulong
ng diumanong inclusive growth sa Asya-Pasipiko. Maliban sa magarbong
propaganda para sa globalisasyon, layunin din ng pulong na isustini ang martsa
tungong ibayong liberalisasyon ng mga ekonomiya. Tutuntungan nito ang mga
nabuo at binubuo pang mga kasunduan para sa malayang kalakalan. Kabilang
dito ang may 42 FTAs sa pagitan ng mga bansang kasapi sa APEC at ang
negosasyon para sa TPP.

May apat na prayoridad ang pangkalahatang paksa ng APEC:

1. Higit na pagpapahusay ng Regional Economic Integration (REI)


2. Pagpapayaman ng partisipasyon ng small and medium enterprises
(SMEs) o maliliit na negosyante sa rehiyonal at global na merkado
IBON Praymer  Nobyembre 2015 13

3. Pagsuporta at pamumuhunan sa yamang-tao (human capital)


4. Pagtatatag ng mga pamayanang sustenable at madaling makabangon
(resilient)

Una, sa partikular sa REI, prayoridad ng APEC 2015 ang mga sumusunod:10

• Pagpapalakas ng REI sa pamamagitan ng Bogor Goals;

• Pagpapalaganap ng connectivity sa pamamagitan ng Trade in Services (kal-


akalan sa serbisyo) na nakapokus sa tao-sa-tao at institusyonal na pakikipag-
ugnayan sa rehiyon;

• Pagsusulong ng mga financial markets na layuning lumikha ng mas matibay


na pinansiyal na institusyon sa rehiyon upang diumanong mas mahusay na
makatugon sa mga inaasaahang problemang pang-ekonomiya; at

• Pagpapatibay ng mga “global value chains” o GVC sa rehiyon

Samakatuwid, ang adyenda ng REI ay pagpapatibay ng balangkas para


sa patakaran ng pagsasamantala sa paggawa at hilaw na materyales sa
mahihirap na mga bansa tulad ng Pilipinas. Ang GVC halimbawa ay patungkol
sa yugto-yugto at pandaigdigang subcontracting ng produksyon sa iba-
ibang bansa sa Asya (tinatawag na ‘Factory Asia’) upang makuha ng mga
transnational corporations (TNCs) ang pinakamurang lakas-paggawa.

Pangalawa, sa partikular sa partisipasyon ng SMEs, tinitingnan ang mga


sumusunod:

• Pag-alis ng mga hadlang sa pagpasok ng mga SMEs

• Pagpapalaganap ng inclusive growth sa pamamagitan ng


pagkakaroon ng mga sustenable at matitibay na mga SMEs

• Pagsusulong ng modernisasyon at pagsunod ng mga SMEs sa mga


itinakdang pamantayan.

10 “APEC 2015: Building inclusive economies, building a better world,” The Philippines’
hosting of APEC 2015, http://apec2015.ph/apec-2015-filipino/
14 IBON Praymer  Nobyembre 2015

Tinatayang 97% ng lahat ng empresa sa ekonomiyang kasapi ng APEC ay


SMEs. Sa Pilipinas, 99.6% ng empresa ay micro, small and medium enterprise
o MSME. Mahigit kalahati ng kabuuang empleyo ay nasa SMEs rin.11 Plano
ng APEC na isama ang mga SMEs sa GVCs, sa partikular sa tinatawag
na ‘Factory Asia’. Sino ba namang maliit na negosyante ang hindi ma-e-
engganyo sa pagkakaroon ng mas bukas at masiglang negosyo? Subalit ang
pagpapayabong ng mga SMEs ay magpapalala lamang ng kawalan ng lokal
na kapital, pambabarat ng sahod ng mga manggagawa, at paglaganap ng
kontraktwalisasyon.

Pangatlo, sa usapin naman ng pamumuhunan sa yamang-tao, tinitingnan ng


APEC ang pagpapaunlad ng yamang-tao at ang promosyon ng ekonomiya na
nakabatay diumano sa kaalaman. Tinitingnan nito ang agham at teknolohiya
at pagpapayaman ng kasanayan para sa mga industriya at pangangailangan
ng mga dayuhang korporasyon. Nakapokus ang APEC sa paglikha ng mga
job skills na kinakailangan ng mga negosyo ng mga ekonomiyang kasapi ng
APEC sa ika-21 siglo. Samakatuwid, mangangailangan ito ng sistema ng
edukasyon na maghuhulma ng lakas-paggawa na mura at may kasanayan para
sa mga pangangailangan ng TNCs. Minadali pa nga ng gobyernong Aquino
ang sistemang K-12 para umayon ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa
pandaigdigang pamantayan.

Pang-apat, ang pagtatatag ng pamayanang sustenable at resilient ay nakatuon


sa: pagbubuo ng disaster risk reduction and management (DRRM); pagtatayo
ng matitibay na imprastraktura para rito; proteksyon para sa mga negosyo para
magpatuloy; pagpapatibay ng mga SMEs laban sa mga disaster; pagpapaigting
ng seguridad sa pagkain at ang sinasabing “Blue Economy” ng APEC; at
pagsusulong ng pamamahala sa mga baybayin at pangangalaga sa mga
yamang-dagat. Ang lahat ng nabanggit ay mga arena kunsaan pinapatindi
ng imperyalismo ang kontrol nito – ang pagsasamantala sa disaster upang
pagkakitaan ng mga korporasyon (tinawag ng marami na disaster capitalism) at
ang pagkontrol sa karagatan hindi lang para sa mga yaman nito kundi para sa
transportasyon, kalakalan, enerhiya, atbp.

11 Asia-Pacific Economic Cooperation, “Small and Medium Enterprises” http://www.apec.


org/Groups/SOM-Steering-Committee-on-Economic-and-Technical-Cooperation/Working-
Groups/Small-and-Medium-Enterprises.aspx
IBON Praymer  Nobyembre 2015 15

5
Ano ang ispesyal na papel ng Pilipinas sa mga
adyendang ito?

Ayon mismo sa mga organisador ng mga pulong ng APEC, bilang


tagapagdaos ng APEC 2015, inaasahan ang Pilipinas na suportahan at
patuloy na pagtrabahuhan ang adyenda ng REI nang may espesyal na tuon
sa kalakalan sa serbisyo, na nagkakahalaga ng halos kalahati ng GDP ng
mga ekonomiyang bahagi ng APEC.

Makabuluhan para sa mga imperyalistang promotor ng globalisasyon


ang pagdaraos ng pulong ng APEC sa Pilipinas. Sa gitna ng monopolyo
kapitalistang krisis sa daigdig, tinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga
pinakamabilis ang paglago ng ekonomiya sa buong Asya at paborito ngayon
ng mga pandaigdigang institusyon sa pagpapautang. Mistulang poster boy
ang rehimeng Aquino ng neoliberal na propaganda ng good governance
na ginagamit ng imperyalismo upang ibayong likhain ang kondisyong
pinakapaborable sa mga negosyo.

Nangunguna rin ngayon sa rehiyon ang Pilipinas bilang tagapagpatupad


ng pribatisasyon at PPP na isa sa mga pangunahing adyenda ng APEC sa
pulong nito sa bansa. Pinuri halimbawa ng World Bank ang programang
PPP ni Aquino at ibinidang dapat matutunan ng mga kasapi ng APEC kung
paanong naaakit ng Pilipinas ang mga pribadong imbestor na mamuhunan sa
mga proyektong PPP ng pamahalaan.12

Para naman sa rehimeng Aquino, gagamitin nito ang malaking pulong ng


APEC para itaguyod ang pagkalehitimo at legasiya ng panunungkulan nito
sa nakalipas na anim na taon, lalo at paparating na ang halalang 2016. Sa
umpisa pa lang ay ibinida na ni Aquino ang PPP at mabuting pamamahala
bilang mga pangunahing mensahe ng pagpupunong-abala ng Pilipinas sa
APEC.13

12 “APEC economies can learn from PPP,” Sun Star Cebu, 11 Setyembre 2015, http://www.
sunstar.com.ph/cebu/local-news/2015/09/11/apec-economies-can-learn-ppp-429833
13 “Aquino: APEC visitors to experience ‘inclusive, growing’ PH,” Rappler, 2 Disyembre 2014,
http://www.rappler.com/business/economy-watch/76727-apec-philippines-2015-kickoff
16 IBON Praymer  Nobyembre 2015

Ibayong pribatisasyon at liberalisasyon partikular sa imprastruktura at serbisyo


ang direksyon ng APEC sa pulong nito sa Pilipinas. Sa pulong ng mga ministro
sa pinansya ng mga bansang kasapi sa APEC na ginanap sa Cebu noong
Setyembre, inaprubahan ang tinatawag na Cebu Action Plan (CAP). Ito raw
ang magsisilbing istratehiya o roadmap ng APEC upang kamtin ang inclusive
growth. Ito rin daw ang inaasahang pangmatagalang legasiya ng pagpupunong-
abala ng Pilipinas sa pulong ng APEC ngayong taon.14 Ang CAP ay isang
10-taong development roadmap na pinangunahang buuin ng Pilipinas kasama
ang 21 myembrong ekonomiya ng APEC, mga institusyong multilateral,
at pribadong sektor. Apat na haligi (pillars) ng CAP ang (1) integrasyong
pampinansya; (2) bukas (transparent) na mga repormang piskal; (3) katatagan
ng pinansya at; (4) pagpapaunlad at pagpinansya sa imprastruktura.15

Nakatuon diumano ang CAP sa pagtulong sa mga SMEs sa pamamagitan ng


mga inisyatiba para mas mabilis silang maka-akses ng kapital. Gayunman,
higit na makikinabang dito ang mga dambuhalang negosyo kabilang ang
mga oligarkiya na namamayagpag ngayon sa PPP sa Pilipinas. Ayon
mismo sa Departmenf of Finance (DOF), sa pamamagitan ng CAP, higit na
magiging mabilis para sa mga imbestor mula sa APEC na mamuhunan sa
mga proyektong PPP ng bansa. Sinisimulan na nga raw ng Pilipinas ang
pagpapatupad sa CAP sa pamamagitan ng paglalagay ng contingent liability
fund (CLF) sa taunang badyet ng rehimeng Aquino.16

Ang CLF ay kontrobersyal dahil naglalaan dito ng pampublikong badyet ang


gobyerno upang garantiyahan ang tubo ng mga imbestor na pumapasok sa
PPP. Halimbawa nito ang napaulat na planong singilin na Php7.5 bilyon ng Light
Rail Manila Consortium o LRMC (na binubuo ng grupong Ayala Corp., Metro
Pacific Investment Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings ng Australia) sa
pamahalaan mula sa kontratang PPP sa LRT 1. Nagmula ang naturang halaga

14 “APEC finance ministers approve Cebu Action Plan,” CNN Philippines, 12 Setyembre 2015,
http://ppp.gov.ph/?in_the_news=apec-finance-ministers-approve-cebu-action-plan
15 “Milestones at Cebu APEC meetings,” PPP Center, 14 Setyembre 2015, http://ppp.gov.
ph/?in_the_news=milestones-at-apec-cebu-meetings
16 “How does Cebu Action Plan facilitate APEC participation in PPP? Purisima details ways,”
Philippine News Agency, 16 Setyembre 2015, http://ppp.gov.ph/?in_the_news=how-does-
cebu-action-plan-facilitate-apec-participation-in-ppp-purisima-details-ways
IBON Praymer  Nobyembre 2015 17

sa mga ginarantyahan ng gobyerno na mga gastos sa kontratang pinasok nito


sa LRMC kabilang ang pagtaas ng singil sa pasahe (deficit payment scheme),
gastos sa right of way, at iba pa.17 Bukod sa CLF, binanggit din ng DOF ang
panukalang PPP Act o pag-amyenda sa Build-Operate-Transfer (BOT) Law
(tinatalakay ito sa tanong bilang 6) bilang pagpapatupad ng CAP sa bansa.

Kaalinsabay ng CAP ang pagbubuo ng Asia Pacific Services Coalition


bilang alyansa na magsusulong ng liberalisasyon ng sektor ng serbisyo sa
APEC. Nabuo ito sa sidelines ng isa sa mga opisyal na pulong ng APEC sa
Cebu City. Pinangungunahan ito ng mga alyansa ng malalaking negosyo sa
serbisyo sa rehiyon kabilang ang Philippine Services Coalition, Australian
Services Roundtable, US Coalition of Services Industries, at iba pang
mga grupo.18 Ayon sa mga nagbuo nito, ang bagong tatag na koalisyon ay
mahalagang hakbang para sa liberalisasyon ng serbisyo na magtutulak
diumano ng pag-unlad ng mga ekonomiya sa Asya Pasipiko.19 Inaasahang
kikilos bilang lobbying group ang Asia Pacific Services Coalition sa mga
negosasyong multilateral upang ibukas ang serbisyo at maging sa mga
parliyamento ng mga bansa. Sa Pilipinas, ang sektor ng serbisyo (kabilang na
ang mga naisapribado nang pampublikong yutilidad sa ilalim ng PPP) ang isa
sa mga target ng liberalisasyon sa pamamagitan ng kontrobersyal na Charter
change (Cha-cha).

17 “Alarm raised on ‘sovereign guarantee’ in LRT1 extension; ‘draft’ only – DOTC,”


Interaksyon.com, 4 Setyembre 2015, http://www.interaksyon.com/business/117042/
bayan-sounds-alarm-over-sovereign-guarantee-in-lrt1-extension-but-abaya-says-furor-
is-over-draft
18 “APEC business groups form Asia-Pacific Services Coalition,” GMA News online, 8
Setyembre 2015, http://www.gmanetwork.com/news/story/536027/money/economy/
apec-business-groups-form-asia-pacific-services-coalition
19 “Service coalition for Asia Pacific,” Sun Star Cebu, 8 Setyembre 2015, http://www.sunstar.
com.ph/cebu/business/2015/09/08/service-coalition-asia-pacific-429178
18 IBON Praymer  Nobyembre 2015

6 Ano ang pangkalahatang opensiba ng


imperyalistang globalisasyon bukod sa APEC?

Isa ang Pilipinas sa mga atrasadong bansa na unang nagpatupad ng


malawakan at malalimang mga repormang neoliberal sa ekonomiya nito.
Sa pamamagitan ng mga programang istabilisasyon ng IMF at structural
adjustment programs (SAPs) ng World Bank noong dekada ’80, pagpasok
ng bansa sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) – WTO noong
dekada ’90, at mga bagong pakana ng imperyalismo para sa ibayong
globalisasyon sa pagpasok ng bagong siglo, ipinatupad ng Pilipinas ang
matinding liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon ng mga susing sektor at
gawaing pang-ekonomiya ng bansa.

Hinarap ng sektor ng agrikultura ang matinding liberalisasyon o pagbubukas


ng merkado sa mga imported na produktong pagkain at agrikultural sa ilalim
ng mga kasunduang pang-liberalisasyon, pangunahin na ang Agreement on
Agriculture (AoA) ng WTO. Kabilang na rito ang pagtanggal ng quantitative
restrictions o QR sa bigas sa 2017. Sa ilalim naman ng ASEAN Economic
Community (AEC), nagtakda rin ng pag-alis ng QR sa bigas simula ngayong
taon. Ito na ang pagkawala ng huling hibla ng proteksyon ng Pilipinas sa
kanyang agrikultura at batayang pagkain.

Bilang pagsunod sa globalisasyon, matagal na ring inalis ng pamahalaan ang


papel nito, sa pamamagitan ng National Food Authority (NFA), na kontrolin ang
presyo o di kaya naman ay magkaroon ng signipikanteng papel sa merkado.
Subalit mismong ang NFA ay nakasalang para sa pribatisasyon.

Direktang inatake ng globalisasyon ang programa para sa tunay na repormang


agraryo na siya na sanang susi sa pagpapaunlad ng atrasadong agrikultura sa
bansa. Sa simula pa lamang ng pagpapalaganap ng globalisasyon, binanggit
na ng mga imperyalistang institusyon na isa sa mga prinsipyo ng tagumpay na
globalisasyon ay ang seguridad ng (pribadong) karapatang-ari. May implikasyon
ang prinsipyong ito sa mga ‘non-private’ na sektor katulad ng mga komunal na
lupain, mga sakahang pagmamay-ari ng estado, kooperatiba, maging sa mga
indibidwal na maliliit na magsasaka na walang titulo sa lupang binubungkal.
IBON Praymer  Nobyembre 2015 19

Ipinalaganap ng World Bank ang konsepto ng market-oriented land reform,


pribadong pamumuhunan, microfinance, geneting engineering, pribatisasyon
ng likas na yaman, at pagtuon sa mga cash crops at agrofuels. Naging bukas
ang talakayan sa bentahe diumano ng pag-iwas sa libreng pamamahagi ng
lupa sa nagbubungkal at pagbibigay ng karampatang suporta ng estado.
Ayon sa market-oriented land reform, anumang pagbabago sa istruktura ng
karapatang-ari ay dapat ayon sa kakayanan nitong magkamal ng tubo sa
merkado. Hindi rin dapat nakikialam o naglalaan ng malaking subsidyo ang
estado sa pamamahagi ng lupa na kontraryo sa galaw ng merkado.

Ito ang naging gabay na prinsipyo sa konsepto ng pagtuon sa mga Agrarian


Reform Communities (ARCs) para sa produksyon ng eksport at ang
pagpapakilos sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) bilang mga
manggagawang bukid para sa Agribusiness Venture Agreements (AVAs).
Ito rin ang gabay na prinsipyo ng Comprehensive Agrarian Reform Program
Extension with Reforms (CARPER) at ng gubyernong Aquino ng pagbubuo
nya ng plano sa agrikultura.

Pinasahol ng globalisasyon ang imperyalistang pandarambong sa likas-yaman


ng Pilipinas. Matingkad na halimbawa nito ang liberalisasyon ng pagmimina
sa bansa sa pamamagitan ng Philippine Mining Act of 1995. Binigyang-daan
nito ang 100% dayuhang kontrol ng minahan sa pamamagitan ng Financial
and Technical Assistance Agreement (FTAA), maliban pa sa ibang kasunduan
sa pagmimina. Inalay din ng Mining Act ang maluluwag na insentiba, garantiya
at “karapatan” sa mga dayuhan.

Sa ilalim ng rehimeng Aquino, ipinasa ang Executive Order (EO) 79 upang


makuha ng gobyerno ang mas malaking bahagi nito sa kita (revenue sharing),
maaaring sa anyo ng buwis o royalties. Binubuksan nito ang mas maraming
reserbasyong mineral at tenements at kinikilala ang mga lumang patented
mining claims. May pagtatakip na “no-go zones” at pagpapamukha na
responsable ang pagmimina, subalit hinahayaan nito ang pangangamkam
ng lupa at di-pagsunod ng mga korporasyon sa mga pamantayang
pangkalikasan. Inalis na rin nito ang dating moratoryum sa pagkakaroon ng
mga bagong tenements habang maaaring bale-walain ang mga ordinansya ng
mga lokal na pamahalaan laban sa pagmimina.
20 IBON Praymer  Nobyembre 2015

Sa usapin naman ng industriya, makikita ang opensiba ng globalisasyon


sa pagpapahusay at pagpapatindi ng pagsasamantala ng mga TNCs sa
pinakamurang lakas-paggawa ng produksyon. Sa mahabang panahon,
hinulma ng imperyalismo ang daigdig bilang isang malaking assembly line sa
pamamagitan ng subcontracting ng iba’t ibang yugto ng manupaktura sa iba’t
ibang bansa. Kasalukuyang katawagan ang global value chains na diumano
ay patungkol sa lahat ng mga taong sangkot sa paggawa o pagpapaabot ng
kalakal at serbisyo. Anuman ang katawagan, ang prinsipyo sa likod nito ay ang
pagiging efficient, na ang ibig sabihin ay paghahanap ng pinaka-murang halaga
(lakas-paggawa) ng produksyon.

Ang mga patakaran at programa ng globalisasyon ang nagbibigay-daan sa


pandarambong na ito. Dinidirehe ang mga ito ng matinding lobbying ng TNCs
sa negosasyon sa mga internasyonal na kasunduan sa liberalisasyon gaya ng
WTO, TPP, at kahit maging sa APEC. Tuloy-tuloy at papatinding liberalisasyon
ng kalakalan at pamumuhunan ang isinasagawa sa iba-ibang patakaran,
batas at dayuhang kasunduan. Ipinakilala ng mga ito ang walang-habas
na kompetisyon sa pagitan ng dambuhalang TNCs at kanilang kasosyong
malalaking lokal na korporasyon at dayuhang produkto sa isang banda, at ng
mga Pilipinong SMEs at mga lokal na produkto sa kabilang banda.

Hindi intensyon ng dayuhang korporasyon at namumuhunan na paunlarin ang


lokal na industriya o itulak ang industriyalisasyon – ang pagproproseso ng mga
hilaw na materyales at lalupa ang manupaktura ng mga intermedya at kapital
na produkto. Ang intensyon ng mga ito at ng kanilang mga kasosyong lokal
na kumprador ay magnegosyo, kung kaya’t ang dominanteng manupaktura ay
kalakhan nasa kalakal na pang-konsumer kesa pamprodyuser.

Pinagbigyan at pinagyaman ng patakaran ng globalisasyon ang ganitong


intensyon ng mga TNCs. Ang mga kasunduan sa ilalim ng WTO, mga bilateral
katulad ng sa Japan, at mga rehiyonal katulad ng APEC at ASEAN ay nagpalala
ng integrasyon ng lokal na ekonomiya sa pandaigdigang assembly line. Hindi
tuloy nabigyan ng pagkakataon ang Pilipinas na pagtibayin naman nito ang
integrasyon (forward and backward linkages) ng sarili niyang ekonomiya.

Ang kasalukuyang tunguhin sa Cha-cha ay maaaring ituring na huling bigwas


sa produksyon, kung saan magiging ganap ang kontrol ng dayuhan sa mga
IBON Praymer  Nobyembre 2015 21

sektor ng ekonomiya. Itinutulak ng gubyernong Aquino na liberalisasyon ang


tunguhin ng mga bansa para maging industriyalisado.

Pero simpleng pag-aaral na lang ng pinagdaanan ng US, Europa at


Japan, maski ng China noong panahong sosyalista pa ito ay magsasabing
proteksyunismo ang pormula sa industriyalisasyon. Sa katunayan, ang
tunguhin sa ngayon sa maraming bansa dahil na rin sa pandaigdigang
krisis ay restriksyon sa mga sektor ng ekonomiya. Hindi na siguro kailangan
pang aralin ang ibang bansa, ang Pilipinas na lang, sa haba ng pagiging
liberalisado sa dayuhang pamumuhunan at kalakalan ay dumausdos ang
manupaktura nito.

Sa usapin naman ng yutilidad at serbisyo, malawakang pribatisasyon –


kabilang ang PPP – ang naging porma ng opensibang neoliberal. Ang
pribatisasyon at ang bagong bersyon nitong PPP ay isa sa mga patakarang
itinutulak ng World Bank bilang tagapamandila ng neoliberal globalization.
Inilako ng World Bank ang pribatisasyon bilang pamalit sa prinsipyong
Keynesian20 na nagbibigay sa Estado ng mas malaking papel sa ekonomiya.
Subalit mula 1990s, ang pribatisasyon bilang termino ay bumaho dahil sa
kanyang mga negatibong epekto laluna sa mahihirap na bansa. Iinilako ng
World Bank ang ang terminong PPP para pabanguhin ang pribatisasyon at
globalisasyon, subalit higit sa lahat, para gawing mas efficient ang daloy ng
pampublikong rekurso tungong pribadong tubo. Masugid itong sinuportahan
ng IMF at Asian Development Bank (ADB).

Sinimulan ng unang rehimeng Aquino ni Cory ang sistematiko at malawakang


pribatisasyon sa bansa sa pamamagitan ng BOT Law noong 1991. Ibayo pa
itong pinalawak ng rehimeng Ramos nang amyendahan ang nasabing batas
noong 1994 upang dagdagan ang mga iskema ng PPP at mga sektor na
maaaring pasukin ng ganitong mga kontrata. Sa pamamagitan ng BOT Law
at mga kaakibat na batas at programa, isinapribado sa iskemang PPP ang
Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), National Power
Corporation (Napocor) at iba pa. Nagpapatuloy at tumitindi ito ngayon sa
programang PPP ng kasalukuyang rehimeng Aquino kunsaan isinasapribado
ang LRT/MRT, mga pampublikong ospital, mga gusali ng pampublikong

20 Si John Maynard Keynes ang ekonomista na nagsabing kailangan ng pamamagitan ng


estado upang umunlad ang kapitalismo.
22 IBON Praymer  Nobyembre 2015

paaralan, kalsada, paliparan, daungan, at kahit nga ang mga pasilidad


bilangguan at iba pang serbisyo at imprastrukturang pampubliko.

Sa pakikipagkonsultahan sa mga pribadong dayuhan at lokal na negosyo


at mga institusyon sa pinansya, lalo ring pinatitindi ng rehimeng Aquino ang
pribatisasyon sa pamamagitan ng pagrebisa sa implementing rules and
regulations (IRR) ng BOT Law at panukalang pag-amyenda o tuluyang pagpalit
dito ng isang PPP Act. Ang pangunahing pagkakaiba ng PPP ni Aquino sa
dating BOT Law ay ang paggarantiya nito sa mga namumuhunan sa PPP na
makokolekta nila ang mga pinagkasunduang singil at bayad mula sa publiko
maski pa maantala ito ng mga interbensyong pang-regulasyon. Tinawag ito ni
Aquino na ”regulatory risk guarantee”.

Maging ang papel ng hudikatura, kabilang na ang Korte Suprema, na


desisyunan ang mga usaping ligal sa mga kontrata sa PPP ay plano ring
pahinain nang husto ng rehimeng Aquino. Pinirmahan din ni Aquino ang EO 78
noong 2012 na nagbibigay kapangyarihan sa isang mekanismong Alternative
Dispute Resolution (ADR) sa lahat ng kontrata ng PPP. Ibibigay ng ADR ang
alternatibong benyu labas sa mga korte para lutasin ang mga sigalot, demanda,
atbp. Ang mga namumuhunan ang may huling salita sa mga reklamong ito,
habang ang bayad sa negosasyon, mediation at arbitration ay sagot pareho ng
nasasakdal at nagsakdal.

Tuluyan itong pagsuko sa soberanya ng bansa at mandato ng estado na


pagsilibihan at proteksyunan ang pampublikong interes sa mga pribadong
korporasyon.

Ano ang epekto ng globalisasyon sa ekonomiya


7 at mamamayan ng Pilipinas?

Pinalubha ng mga repormang neoliberal sa ilalim ng globalisasyon ang


pagkabansot ng pambansang ekonomiya at pinasidhi ang malakolonyal at
malapyudal nitong kalagayan habang ibayong pagpapahirap at pagsasamantala
IBON Praymer  Nobyembre 2015 23

naman ang dinanas ng mga magsasaka at manggagawang Pilipino at iba’t


ibang sektor ng lipunan.

Bumagsak nang husto ang taripang ipinapataw ng Pilipinas sa mga


produktong imported at lumalala ang depisito nito sa kalakalan, lalo sa
pagkain at agrikultura. Mula sa dating 26% noong 1996, nasa 5% na
lamang ang taripa sa mga produktong manupaktura. Sa parehong panahon,
bumagsak naman ang taripa sa mga produktong agrikultural mula 36% tungo
sa 10 bahagdan. Ang Pilipinas ngayon ang isa sa may pinakamababang
taripa sa agrikultura at may pinakamababang taripa sa mga produktong di-
agrikultural sa buong Asya.

Dahil sa pagtindi ng depisito sa kalakalan, lalong naging palaasa ang bansa


sa pag-aangkat maging ng para sa pangangailangan nito ng pagkain.
Nilalagay nito sa malubhang kawalang seguridad ang pagkain sa Pilipinas.
Noong 2014, halimbawa, ang Pilipinas ay ang ikalawang pinakamalaking
importer ng bigas sa mundo (1.9 milyong tonelada); 47% ng munggo at
77% din ng bawang ang inimport ng bansa. Ang tuluyang pagkawasak
ng agrikultura at produksyon nito ay makikita sa tuloy-tuloy na pagliit ng
bahagi ng agrikultura sa ekonomiya. Mula sa abereyds na 21% noong 1991
hanggang 2000, nasa mas mababa pa sa 11% ang bahagi ng agrikultura sa
GDP noong 2011 hanggang 2014, pinakamaliit sa kasaysayan ng bansa.

Isa sa mga direktang epekto ng globalisasyon ang tuloy-tuloy na pagtaas


ng presyo ng mga pagkain at iba pang batayang bilihin. Tampok rito ang
praktis ng mga lokal na kartel sa kalakal, na sila ring sangkot sa smuggling,
ispekulasyon at simpleng overpricing. Sa nakaraang dalawang taon lang
ay sumirit ang presyo ng bigas, bawang, manok, at iba pang pagkain at
produktong agrikultural. Hindi ito maipaliwanag ng simpleng kakulangan sa
produksyon. Sa ilalim rin ng gobyernong Aquino ay sobrang tumaas ang
smuggling – ang smuggled na bigas ay tinatayang umaabot ng 2.4 milyong
metriko tonelada (MMT) kada taon.

Tumitindi naman ang komersyalisasyon ng maliliit na bukirin sa bansa sa


ilalim ng globalisasyon. Kasabay nito ang pagtindi ng konsentrasyon ng TNCs
sa agrikultura, mula sa direktang presensya sa produksyon hanggang sa
24 IBON Praymer  Nobyembre 2015

dominasyon ng kabuuang GVC. Nararamdaman ito sa direktang paglawak ng


kanilang mga plantasyong pang-eksport at sa pag-introdyus ng contract growing
at iba pang mapagsamantalang iskema sa mga maliliit na magsasaka.

Isinasadlak rin ng imperyalismo ang agrikultura sa pagiging palaasa ng bansa


sa mga imported na produkto at kapital, na may matinding implikasyon sa
seguridad sa pagkain. Wasak din ang lokal na produksyon dahil sa pagtambak
ng mga produkto ng TNCs. Lumalabas na ang kanilang itinatambak ay mas
mura pa sa lokal na produkto at higit pang mababa sa kosto ng kanilang
produksyon dahil sa subsidyo ng kani-kanilang mga pamahalaan. Samantala,
idinidikta ng imperyalistang globalisasyon sa mahihirap na bansa katulad ng
Pilipinas na alisin ang subsidyo sa kanilang agrikultura.

Sa panahon ng globalisasyon, lumulubha ang malawakang pangangamkam


ng mga lupaing agrikultural at katutubo sa gitna ng patuloy na pagtatayo ng
mga TNC at dayuhang korporasyon – kasabwat ang mga lokal na kumprador
at panginoong maylupa – ng naglalakihang plantasyong pang-eksport. Para
bigyang-katwiran ito, pinapalaganap ng World Bank ang ang konsepto ng
“available land” na umaabot raw sa halos 1.73 bilyong ektarya sa buong mundo.
Kalahati nito ay nasa Asya, kunsaan lumalawak ang mga bagong plantasyon
gaya ng oil palm kabilang ang Pilipinas, partikular sa Mindanao. Tinatarget din
ng mga dayuhan at lokal na kapitalista ang may 300,000 ektarya ng plantasyon
ng oil palm sa Mindanao sa susunod na 10 taon. May 18,700 ektarya rin ng
lupain sa Mindanao ang tinatarget ng mga dayuhang korporasyon para sa
plantasyon ng saging, kape, cocoa, at pinya sa pamamagitan ng pautang ng
World Bank at Japan Bank for International Cooperation (JBIC).

Sa kabuuan, may anim na milyong ektaryang “tiwangwang na lupa” (idle land)


ang nilagak ng pamahalaan ng Pilipinas para sa produksyon ng tubo, niyog,
cassava, jathropa, oil palm, atbp. Ang pinagsamang sukat ng mga lupaing ito ay
mas malaki pa sa kabuuang lawak ng mga lupang agrikultural para sa batayang
pagkaing bigas at mais.

Bunga pa rin ng mas matinding pagbaha ng mga produktong imported at


dayuhang pamumuhunan sa panahon ng globalisasyon, malawakan ang
naging pagsasara ng mga lokal na empresa kabilang na ang mga nasa
pagmamanupaktura ng mga produktong konsyumer. Mula tela, damit, sapatos,
kahoy at goma, lumipat ang dayuhang pamumuhunan sa mas in-demand
IBON Praymer  Nobyembre 2015 25

na elektroniks noong 1990s at 2000s at industriya ng metal noong 2000s.


Ang mga nagsarang empresa sa lokal na gumagawa ng mga nalaos na
produktong pang-eksport ay hindi na rin napalitan ng dayuhang empresa
sa manupaktura kundi sa importasyon na lamang ng mga kahalintulad na
produkto.

Ang kumbinasyon ng pagtaas ng dayuhang pamumuhunan, pagtuon sa


eksport at pagdagsa ng imported na produkto ang nagtulak sa isa sa
pinakatampok na usapin sa industriya – ang malalang kawalan ng trabaho,
ang malawakang pagsasara ng mga maliliit at panggitnang empresa o
SMEs, pagkalugi ng mga lokal na produkto, at ang pagliit ng capital formation
sa ekonomiya. Taon-taon mula 2000, 2,520 empresa ang nagsasara
o nagtanggal ng manggagawa dahil sa pagkalugi at pananalasa ng
globalisasyon.

Tuluyang binansot ng globalisasyon ang industriya ng bansa at inalis ang


kakayanan nitong pangunahan ang pambansang industriyalisasyon. Lubha na
itong dominado ng mga dayuhang negosyo at ang produksyon ay pangunahin
pa ring nakatuon sa pangangailangan ng mga imperyalistang bansa. Sa
kaso ng pagmamanupaktura na gulugod ng industriya ng Pilipinas, bumubuo
ito sa wala pang 23% ng GDP nitong 2010 hanggang 2014 mula sa dating
25% noong 1995 hanggang 2000. Ito na ang pinakamababang bahagi ng
pagmamanupaktura sa GDP sa nakalipas na anim na dekada. Masahol pa,
ang limitadong produksyon ng pagmamanupaktura ay kontrolado pa rin ng
mga dayuhan. Tinatayang hawak ng TNCs at mga dayuhang korporasyon
ang hanggang 70% ng pinagsama-samang kita ng mga empresang nasa
pagmamanupaktura na kabilang sa Top 1000 corporations ng Pilipinas.

Ang pagkawala ng kapasidad ng ekonomiya na lumikha ng mga makabuluhan


at pangmagatalang trabaho ay epekto ng pangungubabaw ng imperyalismo
sa industriya. Ang cheap labor policy ang nagpababa nang husto sa sahod
ng mga manggagawa at nagpalala sa kahirapan sa bansa. Walang kapantay
na bilang ng mga nagsasarang SMEs ang nasubaybayan ng bansa sa tatlong
dekada ng globalisasyon. Sa pangkalahatan, ang pag-asa sa dayuhang
pamumuhunan, pagtuon sa eksport at pag-asa sa imported ang nagsasadlak
sa ekonomiya sa pagkabangkarote at sa mamamayan sa kronikong
kahirapan.
26 IBON Praymer  Nobyembre 2015

Samantala, nagbunga ang pribatisasyon o PPP ng maramihang tanggalan ng


mga kawani sa mga yutilidad at serbisyong isinasapribado ng gobyerno. Pero
higit na malawak at malalim ang epekto ng PPP. Sa mas kumprehensibong
pananaw, naramdaman ng mamamayan ang sobra-sobrang pagtaas ng
singilin sa kuryente, tubig, pamasahe, komunikasyon, edukasyon at serbisyong
pang-kalusugan. Ang Pilipinas halimbawa ang may pinakamataas na singil sa
kuryente sa Asya at isa sa pinakamahal na tubig sa mundo.

Dahil din sa PPP, nagtaas nang hanggang 87% ang pamasahe sa LRT at MRT
habang karamihan ng pasahero ay mga manggagawang hindi tumataas ang
sweldo.21 Bukod dito, limang beses mas delikado ang pagsakay dito kesa sa
mga industriyalisadong bansa. Napakamahal din ng singil sa komunikasyon
subalit sa 25 bansa sa buong mundo, pangalawa sa pinakamabagal ang
Internet ng Pilipinas. Batbat din ng kagila-gilalas na kwento ang sektor ng
edukasyon at kalusugan, laluna sa pagtaas ng matrikula at bayarin ng mga may
sakit.

Subalit higit sa mga usapin ng singil at bayarin, kakulangan sa pasilidad,


mababang kalidad ng serbisyo at epekto ng mga ito sa kalidad ng buhay,
mahalagang ibalik ang usapin sa karapatang pantao kasama na ang
karapatang umunlad. Sa ilalim ng prinsipyong neoliberal na user-pays ng PPP,
nilalabag ang karapatan ng mamamayan na walang pambayad upang magamit
o mapakinabangan ang mga imprastruktura at serbisyong publiko na dapat
tinitiyak ng gobyerno. Nangangahulugan din ito ng pag-aalis sa mekanismo
ng konsultasyong pampubliko sa mga usaping singil o bayarin. Masakit ito
sa mamamayan, dahil ang pangangailangan sa mga yutilidad at serbisyo ay
inelastic, ibig sabihin gagamit at gagamit sila ng mga ito kahit ano’ng mangyari
at kahit wala silang disenteng kita. Kaya naman, karapatan ng mamamayan at
responsibilidad ng Estado ang siguraduhing ang mga yutilidad at serbisyong ito
ay naaabot ng lahat.

Ang imperyalistang pandarambong ng yamang-mineral ng Pilipinas ay


nagresulta naman sa malawakang dislokasyon ng mga komunidad, maging
ito man ay dahil sa epekto sa kanilang kabuhayan, pagkasira ng kanilang

21 Tinatayang nasa 90% ng mga mananakay ng LRT at MRT ang ordinaryong manggagawa, wala
o naghahanap ng trabaho at estudyante, batay sa datos ng Department of Transportation
and Communications (DOTC).
IBON Praymer  Nobyembre 2015 27

kapaligiran at batayang rekurso, o pagpapalayas sa kanila. Marami nang tala


at pananaliksik sa epekto ng pagmimina sa kabuhayan ng mga komunidad
– naiiwan silang mas mahirap kesa simula at sa katunayan ang mga
komunidad ng minahan ang isa sa pinakamahirap na mga sektor sa bansa.
Ang mga magsasakang kung tawagin na nakaasa sa pagkuha ng pagkain sa
kapaligiran, pangangaso at kaingin ay nawawalan ng kabuhayan. Naitala rin
ang pagbaba ng produksyon sa lowland agriculture at pangisdaan, katulad
ng mga nagaganap sa Gonzaga, Cagayan; Claver, Surigao del Norte; Itogon,
Benguet; at Sofronio Espanola, Palawan.

Hindi biro ang pagkasira ng kalikasan dahil sa pagmimina – pagkawala ng


kagubatan at natural na pamayanan, toxic waste at polusyon sa lupa, tubig at
hangin. At dahil rin ito sa paggamit ng mga dayuhang mining companies ng
mga pamamaraan na mura pero mapaminsala at banned na sa kani-kanilang
bansa. Isa na riyan ang open pit mining na kinakalbo, hinuhukay at pinapatag
ang bundok upang kunin ang mineral.22

8 Paano ito palalalain ng APEC 2015?


Lalala ang pagdausdos ng mga produktibong sektor ng ekonomiya ng
Pilipinas (agrikultura at manupaktura) sa ilalim ng prayoridad ng REI ng APEC
2015. Ang regional integration ang tuluyang mag-aalis ng mga taripa, QRs
at iba pang sagka sa produktong agrikultural, pagkain, intermedya at ibang
gamit para sa produksyon ng GVC. Palalalimin nito ang integrasyon ng bansa
sa Factory Asia kunsaan ang tanging value-added na lamang ng Pilipinas sa
mga nililikhang produkto sa GVC ay ang kanyang murang lakas-paggawa.

22 Mula 1995 Mining Act, nagkaroon ng 19 mining disasters sa Pilipinas; isa na rito ang
disaster ng Marcopper ng Canada na pumatay sa Boac River sa Marinduque. Ang ilang
bagong disaster ay ang: magnetite mining sa Cagayan; pagbagsak ng tailings dam ng
Philex Mining sa Itogon; ang Pulot Nickel Mining sa Sofronio Española, Southern Palawan;
Toronto Nickel Project sa Narra, Palawan (Citinickel); at ang patuloy na pagkasira sa
Caraga. Pagkawala ng kagubatan at natural na pamayanan ang epekto ng pagmimina sa
kapaligiran.
28 IBON Praymer  Nobyembre 2015

Dapat maunawaan na ang ipinangangalandakan ng gobyernong Aquino


na paraan para diumano umunlad ang bansa – ang pag-akit ng dayuhang
pamumuhunan at pagtuon sa produksyon ng eksport – ay negosyo ng mga
TNCs. Sila ang namumuhunan, sila ang nagpapagawa ng mga produkto, sila
rin ang nagpapadala ng materyales, at sila rin ang nasa distribusyon ng pinal
na produkto. Sa katunayan, sa pandaigdigang kalakalan ng intermedyang
materyales, 80% ay sa pagitan ng mga TNCs. Samakatuwid, ang tanging
naiiwan sa Pilipinas sa kanyang “value chain” ay ang ibinayad sa binarat na
lakas-paggawa.

Ang pag-akit sa SMEs na sumali sa GVC ay magsisilbing huling dagok sa mga


pagkakataon sana ng bansa na tahakin ang sarili nitong industriyalisasyon. Ang
dating empresa na may layuning mag-prodyus ng produkto na nagsasarili at
nakatuon sa lokal ay aasa na lamang sa magiging papel nito sa global assembly
line. Mabigat rin ang demand mula sa SMEs na maging mas efficient at naka-
ayon sa pandaigdigang mga pamantayan sa kalakalan. Nakikitang sa pag-ayon
pa lang sa mga matataas na pamantayang ito (hal. customs, sanitary, quality,
atbp.) marami nang Pilipinong SMEs ang ma-iitsapwera at hindi kakayaning
makipagsabayan sa mga dambuhalang korporasyon.

Maski ang integrasyon ng pinansya sa ilalim ng REI at bilang adyenda


rin ng CAP ay nagpapadulas sa daloy ng kapital hindi para sa layunin ng
kapitalisasyon o di kaya ay lokal na produksyon ng mga SMEs kundi para
sa interes ng dayuhang korporasyon. Malaking bagay na ang mga bangko
at oligarikiya sa pinansya ay kasabwat rin naman ng mga TNCs at hindi
ng mga SMEs. Katulad ng mga mahihinang korporasyon, lalamunin lang
din ng globalisasyon ang maliliit na empresa upang lalo pang palakasin
ang dominasyon ng mga TNCs at mga dayuhang bangko at institusyong
pampinansya.

Ang agraryong ekonomiya ng Pilipinas ay lalala rin sa ipinangangalandakang


sustenable at resilient na mga komunidad. Ang layunin ng prayoridad na ito ng
APEC 2015 ay ang makontrol ang mga pangisdaan at baybaying pamayanan
sa lahat ng uri ng pagnenegosyo – pangisdaan, aquaculture, turismo, DRRM,
enerhiya, at maski pagmimina, at kung anu-ano pa. Ngayon pa lang ay
ipinapatupad na ng gobyernong Aquino ang mga patakarang kokontrol sa mga
pangisdaan at pangingisda ng mga namamalakaya. Sa kalaunan, ito rin naman
IBON Praymer  Nobyembre 2015 29

ang gusto ng US, Japan at Europa – ang mapanghawakan ang produksyon


ng pngisdaan at makuha ang demand nito sa pagkain ng seafood. Sa tantya
nga ng World Bank, sa 2030 62% ng seafood na kakainin ng daigdig ay
magmumula sa aquaculture.

Ang mahalaga para sa APEC 2015 ay ang papel ng Pilipinas sa kalakalan ng


serbisyo na pangunahing adyenda ng pulong. Ang ekonomiya ng Pilipinas
ay sadyang nahulma na nakatuon na lamang sa serbisyo, yutilidad at
kalakalan, imbes na sa produksyon. Bukod rito, bentahe rin ng Pilipinas ang
pagkakaroon ng bata, mura, api, at English-speaking na lakas-paggawa.
Higit na mawawasak ang oryentasyon ng edukasyon at ang pangkalahatang
kultura ng mamamayang Pilipino na magsilbi sana sa pambansang kaunlaran.

9
Ano ang tugon ng mamamayang Pilipino sa
APEC at imperyalistang globalisasyon?

Ito ang ikalawang pagkakataon na idaraos sa Pilipinas ang pulong ng APEC.


Una itong ginanap sa bansa noong 1996 na siya namang kasagsagan ng
pagbubuo at pagpapatupad ng mga repormang neoliberal sa bansa. Tulad
kung paanong ginagamit ngayon ang Pilipinas para sa propaganda at
ibayong pagpapatupad at pagpapalawak ng neoliberal na PPP, liberalisasyon
sa serbisyo at iba pang programa ng globalisasyon, ginamit din noon ng
imperyalismo ang Pilipinas para itaguyod ang liberalisasyon, deregulasyon at
pribatisasyon – mga patakarang abanteng ipinatutupad na sa bansa ng mga
panahong iyon.

Kaya’t gaya noong 1996, muling nahaharap ang sambayanang Pilipino sa


hamon na ilantad ang tunay na mukha ng imperyalistang globalisasyon at
pabulaaanan ang ipinamamarali nitong kaunlarang para sa lahat. Higit na
marami at mayaman na ang karanasan ng mamamayan sa mga ibinunga
ng mga repormang neoliberal sa karapatan, kabuhayan at pambansang
ekonomiya ngayon kumpara noong unang gawin dito ang pulong ng
APEC. Ibig sabihin, mas maraming pambala para sabayan at gapiin ang
mapanlinlang na propaganda ng kaunlaran na pilit inilalako ng globalisasyon.
30 IBON Praymer  Nobyembre 2015

Para sa Pilipinas at mamamayan nito, ang paglaban sa adyenda ng APEC at


imperyalistang globalisasyon ay nakatuntong sa ibayo pang pagpapalakas
ng kampanya ng iba’t ibang sektor sa programang PPP ng rehimeng Aquino.
Kabilang na rito ang pribatisasyon ng LRT/MRT, mga pampublikong ospital,
at iba pa. Susi rin ang pagpapasigla ng laban para sa tunay na repormang
agraryo at para pigilan ang higit pang liberalisasyon ng agrikultura ng bansa
gayundin ang higit na imperyalistang pandarambong tulad ng sa industriya
at pagmimina. Ang paggigiit ng karapatan para sa serbisyong panlipunan at
disenteng pamumuhay, pagpapataas ng sahod at pagkontrol sa presyo’t bayarin
ng mga batayang pangangailangan gaya ng tubig, kuryente, pasahe, pagkain,
at iba pang laban ay magbibigay-diin sa mga pananagutan ng gobyerno na
sistematiko nitong inaabandona sa ngalan ng mga neoliberal na reporma.

Sa desperasyong makaalagwa sa pinakahuli at pinakamalalang krisis nito,


bumubwelo ang imperyalismo para sa panibagong opensiba gaya ng mga
pagsisikap ngayon ng US na itatag ang TPP at paggamit sa mga pulong tulad
ng APEC para itaguyod ang higit na pagbubukas ng dayuhang kalakalalan at
pamumuhunan at mga dagdag na reporma para isustini at konsolidahin ang
mga tagumpay ng nakaraang opensibang neoliberal. Para sa mamamayang
Pilipino, nangangahulugan ito ng mas malubhang pandarambong,
pagsasamantala, kahirapan at gutom.

Ibayong sisigla at lalawak ang anti-globalisasyong kampanya ng mamamayan


kung higit na maipaliliwanag at maipapalaganap ang alternatibong programa sa
ekonomiya na tutugon sa masahol na epekto ng mga repormang neoliberal na
ipinatupad sa bansa. Maliban sa pulong ng APEC, nalalapit din ang panahon
ng halalan kung saan muling mangangako ang mga nag-aambisyong maging
susunod na pangulo ng tunay na pagbabago at kaunlaran.

Napakainam ng pagkakataon kung gayon para palaganapin at isulong bilang


pambansang programa ang isang makamamamayang ekonomiya.

Nakatuntong ito sa batayang kalagayan na umiiral sa bansa ang mga materyal


na kondisyon upang ganap na umunlad bilang lipunan. Kabilang dito ang hindi
matatawarang yamang-likas (gaya ng mineral, enerhiya, agrikultura, pagkain, at
iba pa) at yamang-tao (100 milyong populasyon) nito at kapasidad ng pwersa
sa produksyon upang itaguyod ang ekonomiya. Ang tuloy-tuloy na pag-unlad sa
IBON Praymer  Nobyembre 2015 31

larangan ng transportasyon, teknolohiya sa impormasyon at komunikasyon,


at iba pa ay lumilikha ng mga dagdag na pagkakataon upang paunlarin ng
Pilipinas ang kanyang ekonomiya at itaas ang antas ng pamumuhay ng
kanyang mamamayan.

Pero sa nakalipas na halos apat dekada ng globalisasyon, malinaw na hindi


napapakinabangan ng bansa ang mga rekurso nito gayundin ang mga pag-
unlad sa teknolohiya kung hindi radikal na babaguhin ang programa sa
ekonomiya. Kaya unang hakbang ang paggigiit sa pambansang soberanya
upang wakasan ang panghihimasok ng mga dayuhang kapangyarihan
gaya ng imperyalismong US sa pagtatakda ng mga pambansang programa
at patakaran. Sa kasaysayan ng bansa mula pa noong panahon ng
kolonyalismo, hindi ito nagkaroon ng ganap at tunay na kalayaan mula
sa dayuhang panghihimasok – kung kaya’t ang ekonomiya ay tuwinang
nakahulma sa kung paano ito maglilingkod sa interes ng kolonyal o
malakolonyal na amo ng bansa. Kasabay nito ang pagsusulong ng tunay na
demokrasya kunsaan maglilingkod ang ekonomiya pangunahin sa interes
ng higit na nakakarami at mga direktang lumilikha ng yaman ng bansa – ang
mga manggagawa at magsasaka. Ang pagpapatakbo ng bansa ay hindi
lang dapat monopolyado ng malalaking negosyo at panginoong maylupa na
sunud-sunuran din sa mga dayuhan basta’t pinagsisilbihan din ang kanilang
pansariling interes.

Nangangahulugan ito kung gayon ng pagsusulong ng tunay na repormang


agraryo at pambansang industriyalisasyon para likhain ang sapat,
pangmatagalan, produktibo at kapaki-pakinabang na kabuhayan para sa mga
manggagawa at magsasakang Pilipino. Magaganap ito kung babaligtarin
ang liberalisasyon ng agrikultura, industriya at serbisyo at bigyan ng sapat
na suporta at proteksyon ang mga lokal na sektor ng ekonomiya sa halip na
hayaan silang lamunin ng dayuhang kalakal at kapital. Kailangan ding ihinto
ang pribatisasyon at ibalik sa kontrol ng mamamayan ang mga pampublikong
yutilidad gaya ng tubig, kuryente, transportasyon at iba pa gayundin ang mga
serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon, kalusugan at pabahay. Ito ay
upang tiyakin na ang pinakamalawak na mamamayan ay nabubuhay nang
disente at may kakayanang higit pang mag-ambag sa pangkalahatang pag-
unlad ng bansa.
32 IBON Praymer  Nobyembre 2015

You might also like