You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

BOHOL ISLAND STATE UNIVERSITY


Tagbilaran City
Main Campus
u
Vision: A premier S & T university for the formation of a world-class and virtuous human resource for sustainable development in Bohol
and the country.
Mission: BISU is committed to provide quality higher education in the arts and sciences, as well as in the professional and
technological fields; undertake research and development, and extension services for the sustainable development of Bohol
and the country.

LICENSURE EXAMINATION FOR TEACHERS REVIEW


Panulaang Filipino
REVIEWER: Miss Catherine F. Buta

TULA
 Ito ay binubuo ng pagpapahayag na may sukat at tugma.
o Sukat – bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng tula. Ang sukat ng tula ay
maaaring apatan, animan, waluhan o lalabindalawahin.
o Tugma – magkakasintunog na tunog sa huling salita ng bawat taludtod ng
isang saknong.

MGA URI NG AKDANG PATULA

A. Tulang Pasalaysay – ito ay nagkukuwento ng buhay na nakasulat ng patula, may


sukat at may tugma.
Uri ng Tulang Pasalaysay
1. Epiko – tumatalakay sa mga pangyayaring nagbibigay-diin sa
pakikipagsapalaran, katapangan, kabayanihan at mga di kapani-paniwalang
bagay na nagbibigay-aral. Dalawa sa pinakakilalang halimbawa nito ay ang Biag
ni Lam-ang ng mga Iloco at ang Indarapatra at Sulayman ng mga Muslim.
2. Awit – kasaysayang tumutukoy sa kabayanihan. Ito ay may labing
dadalawahing pantig, may marahang kumpas o adante. Isang halimbawa nito
ay ang walang kamatayang Florante at Laura ni Francisco Baltazar at Buhay ni
Segismundo ni E. Julian de Tandiana.
3. Kurido – kasaysayang tumutukoy sa alamat. Ito ay may wawaluhing pantig at
may mabilis na kumpas o alegro. Ang halimbawa nito ay Ibong Adarna ni Jose
dela Cruz.

B. Tulang Pandamdamin/ Liriko – tulang nagpapahayag ng damdamin ng makata.


Uri ng Tulang Liriko
1. Awiting-bayan/Kantahin – maiikling tulang binibigkas nang may himig.
Karaniwan itong nagpapasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan
ng bibig ng tao, bunga nito’y hindi matukoy kung sino ang may-akda ng
maraming kantahing-bayan. May sukat at tugma at ang layunin ay awitin.
2. Soneto – may sukat na labing-apat na taludtod at ang bawat taludturan ay
tigdalawang taludtod. Halimbawa nito ay ang Sonnet ni Jose Garcia Villa at
Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon.
3. Elehiya – pandamdamin o tungkol sa patay. Halimbawa nito ay ang Ellegy ni
Thomas Gray, Awit sa Isang Bangkay ni Bienvinido Ramos at Elehiya kay Ram ni
Pat Villafuerte.
4. Oda – tula ng paghanga at papuri para sa isang kaisipan. Isang halimbawa nito
ay ang Ode to the Nightingale.
5. Dalit – isang tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.
Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay. Ang Dalit kay Maria ay isang
mahusay na halimbawa nito.
6. Pastoral – tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
Halimbawa nito ay Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez.

C. Tulang Pandulaan/dramatiko – ito ay itinatanghal sa entablado at binibigkas.


Ang La India Elegante y El Negrito Amante ni Francisco Baltazar ay isang mahusay
na halimbawa nito. Ang Senakulo, Panunuluyan at iba pang uri ng dula ay
mabibilang sa kategoryang ito.

D. Tulang Patnigan/Joustic Poetry – mga laro o paligsahang patula na noo’y


karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan. Ilan sa mga halimbawa
nito ay ang karagatan, duplo, ensilada, juego de prenda at balagtasan.

ANG PANULAAN BAGO ANG KASTILA

DALAWANG BAHAGI NG PANITIKANG SINAUNA


1. Ang kapanahunan ng mga alamat – nagsimula sa kauna-unahang panahon ng
ating lahi, ayon sa kayang maabot ng mga mananaliksik, ito ay nagmula sa mga
Malay noong taong 1300 A.D.
2. Ang kapanahunan ng mga Epiko o tulang Bayan – nagsimula noong taong
1300 A.D. at nagtapos sa panahon ng pananakop ni Legaspi noong 1565 A.D.

EPIKO
Epiko ng mga tagalog
a. Kumintang – ang epikong ito’y kasaysayan ng pagsusugo ng Haring Soledan sa
kanyang tatlong anak na sina Bagtas, Mandukit at Dikyaw buhat sa kaharian ng
Madjapahit tungo sa Ma-i at Lusong na bahagi ng kahariang Lontok. Maraming
salawikain at kasabihang nanggaling sa Kumintang.

Ang Darangan ng mga Moro


- Ang mga morong ito’y nasa panahong Homer. Tinatawag nilang Darangan ang
kanilang mga Iliad at Odyssey. Ang Darangan ay maituturing na pinakamatandang
epikong Filipino at isa rin sa pinakamahaba.
a. Ang Bantugan
b. Daramoke-a-Babay – sinasabing karugtong ng Bantugan at tungkol sa katapangan
at kagitingan ng bayaning si Bantugan.
c. Indarapatra at Sulayman – ay itinuturing na alamat ng Mindanao. Ito ay
napatutungkol sa magigiting na pakikipagsapalaran ni Emeperador Indarapatra ng
kaharian ng Mantapuli.
d. Bidasari – ay hiram sa epikong Malay.

Epiko ng mga Bisaya


a. Maragtas – ay tungkol sa kasaysayan ng mga nagsitakas na sampung datung
Malay dahil sa kalupitan ni Sultan Makatunaw ng Borneo.
b. Haraya – kalipunan ng magagandang asal na sinasabi ng pasalaysay.
c. Lagda (batas o kautusan) – kalipunan ng kautusan ng pamahalaan. Tulad ng
“Kodigo ni Kalantiyaw: ng tribu Aklan.
d. Hinilawod – kasaysayan ng pag-iibigan ng mga Bathala ng mga taga-Iloilo, Antike
at Aklan. Ito ay maituturing na pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng Panay.
e. Hari sa Bukid – ay tungkol sa kasaysayan ng isang haring hindi nakikita ng mga
tao, subalit batid nilang ito’y nakatira sa taluktok ng bundok ng Kanlaon sa Negros.

Epiko ng mga Ipugaw


a. Ang Hudhud – ito ay tungkol sa mga buhay at pakikipagsapalaran ng mga dakilang
bayaning Ipugaw na na ang tanging bida ay si Aliguyon at Gomhandam.
b. Ang Alim – ay kinapapalooban ng tungkol sa mga Bathalang Ipugaw tulad ni
Punholdayan at Makanungan.

Epiko ng mga Bikol


a. Ibalon – ay tungkol sa kasaysayan ng kauna-unahang mga taong nanirahan sa mga
lupain ng Aslon at Ibalon. Ito ay naging huwaran ng mabuting pamumuhay ng mga
taga-bikol.

Epiko ng mga Iloko


a. Biag ni Lam-ang – palasak na epiko ito bago dumating ang mga Kastila subalit
nasulat lamang noon dakong dantaong labingpito. Ito ay akda ni Pedro Bukaneg.
ANG PANULAAN SA PANAHON NG KASTILA

ANG MGA UNANG TULANG TAGALOG


- Sa kabila ng pagkakaroon ng mga tulang may temang panrelihiyon ay nagkaroon
ng apat na taong tanyag sa pagtula. Ito ay sina Fernando Bagonbanta, Tomas
Pinpin, Felipe de Jesus, at Pedro Suarez Osorio.
ANG MGA AWIT AT KURIDO
- Ang pinakalaganap na halimbawa ng Awit ay ang Florante at Laura ni Francisco
Baltazar na tinaguriang “Prinsepe ng Makatang Tagalog.”

FRANCISCO BALTAZAR
- Ang kanyang Florante at Laura ay maliwanag na katibayan ng pagakakaangkop ni
Balagtas sa kanyang panahon, na nagsilang ng mga kamalayan sa sarili.
- Si Balagtas ay ipinanganak noong ika-2 ng Abril 1788, sa Pangingay, Bigaa,
Bulacan. Ang kanyang ina ay si Juana dela Cruz at ang ama niya ay si Juan
Baltazar.
- Naging katipan niya si Maria Asuncion Rivera noong 1935 at naging inspirayon niya
ngunit hindi sila nagkatuluyan dahil siya ay may mayaman at makapangyarihang
karibal na si Mariano Kapule. Ipinahuli si Balagtas ng walang kasalanan at habang
siya ay nasa bilangguan ay ikinasal sina Kapule at Maria. Sa bilangguan nga
isinilang ang akda niyang “Florante at Laura.”
- Noong 1938 ay nakalaya siya at nakilala si Juana Tiambeng. Sila ay nag-ibigan at
nagpakasal.

a. Florante at Laura – ito ay ang kasaysayan ng pag-ibig nina Florante at Laura na


punung-puno ng pakikipagsapalaran na sinira ni Adolfo, ang kontrabida sa
kasaysayang ito. Ang akdang ito ay may natatagong pagtuligsa sa pamahalaang
Kastila. Dito ay inilalarawan niya ang iba’t ibang uri ng kasamaan ng mga Kastila.
b. Ibong Adarna – ito ay tungkol sa paglalakbay at pakikipagsapalaran ng tatlong
prinsepe na naghahanap sa isang ibong makagagamot sa sakit ng kanilang amang
hari.
c. Panubong o pamutong – isang magandang kaugaliang mula sa Marinduque. Ito ay
isang mahabang tula ng pagpaparangal o pagahahandog sa isang may nagdaraos
ng kaarawan o kapistahan o kung may pinararangalang panauhin. Isang
halimbawa nito ay ang pagpuputong kay Cory Aquino noong ika-9 ng Marso, 1986.

MGA KATUTUBONG DULANG TAGALOG


a. Karagatan – isang anyong patula ng dula na ginagampanan ng mga mambibigkas,
na nakikilahok sa pagtula. Ito ay batay sa kasaysayan ng pagkawala ng singsing ng
isang dalaga at tatangkaing hanapin hanggang matanggap niya ito.
b. Duplo – ito ay nagtataglay ng katangiang higit na pandulaan kaysa karagatan. Ang
labanan dito ay napatutungkol sa belyakang pinatatamaan at may mga belyakong
magsisitindig upang ito’y ipagtanggol. Nangangailangan ito ng maraming kalahok.
c. Karilyo – ang palabas na ito ay mapapanood sa pamamagitan ng mga tau-tauhang
yari sa karton na pinagagalaw ng di-nakikitang tao sa kabila ng tabing.
d. Senakulo – ito ay ang pagsasadula sa naging buhay at kamatayan ng ating
Panginoong Hesukristo. Pasyon itong isinasadula.
e. Tibag – ang kasaysayan ay tungkol sa paghahanap ni Emperatriz Elena sa krus na
kinamatayan ni Hesukristo.
f. Panunuluyan – ito ay napatutungkol sa paghahanap ng matutuluyan nina Maria sa
oras ng kanyang panganganak. Makikita rito ang matutuluyan nilang silungan ng
mga tupa. Pagsapit ng alas dose ay makikita ang belen, isang sabsaban kung saan
isinilang si Hesus kasama ang iba pang mga tauhan.
g. Salubong – ito’y prusisyon na ginaganap sa madaling araw ng Linggo ng
Pagkabuhay. Nagbabadya ito ng pagtatapos ng Kwaresma at simula ng Pasko ng
pagkabuhay.
h. Moro-moro/Komedya – ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa kaharian, ang mga
nagsisiganap ay pawang maharlika. Ang Florante at Laura, Prisepe Rodante ay
isang Moro-moro.
i. Sarsuwela – isang komedyang may kasamang awit at tugtog. Ang karaniwang
paksa nito ay tungkol sa pag-iibigan, paghihigante, kasakiman, kalupitan,
kalungkutan at mga suliranin sa politika. Sina Severino Reyes at Aurelio Tolentino
ay mga kilalang sarsuwelaita.

ANG PANULAAN SA PANAHON NG PROPAGANDA

- Noong 1872, nagkaroon ng panibagong kilusan sa panitikan na maituturing na


isang makasaysayang pangyayaring naganap sa Pilipinas.
- Masasabing makabayan at mapanghimasok ang naging tema ng uri ng panitikan
sa panahong ito sa dati’y nagbibigay-diin sa pananampalatayang Katolisismo.
- Ang mga nilalaman ng akda ay tungkol sa kalupitan ng mga prayle at
pamahalaang Kastila.
- Ang mga pangunahing manunulat sa panahong ito ay sina Rizal, Del Pilar, Jaena,
Luna, Paterno, Ponce at Poblete.

DR. JOSE RIZAL (1861 – 1896)


- Siya ang ating Pambansang Bayani. Ang buong pangalan niya ay Jose Protacio
Rizal Mercado y Alonzo Realonda.
- Ang mga sumusunod ay ang mga akdang patula ni Rizal:
o Me Piden Versos (Hinihingan nila ako ng mga tula) – pagdating ni Rizal sa
Madrid ay nakadama siya ng lungkot kung kaya’t isinulat niya ang tulang ito.
o El consejo de los Dioses (Ang kapulungan ng mga bathala) –ito’y isang
dulang patalinghaga tungkol sa paghanga niya kay Cervantes.
o Mi Ultimo Adios (Ang Huli Kong Paalam) – itinuturing na obra maestra ni
Rizal. Ito ang kahuli-hulihang naisulat na tula ni Rizal bago ang kanyang
eksikusyon. Nakapaloob ditto ang kanayang mga huling habilin.
o Kundiman – ito ay tula ni Rizal na nagpapahayag na ang bayang inapi ay
maililigtas din pagdating ng panahon dumanak man ng dugo.
o Ala Juventud Filipina (Sa kabataang Filipino) – ang tulang ito’y nagsasaad na
malaki ang tiwala ni Rizal na nag mga kabataan ang mag-uunlad sa bayan.
o Sa aking mga kababata – ito ay naisulat ni Rizal nang siya ay walong taong
gulang pa lang.
MARCELO H. DEL PILAR (1850 – 1896)
- Kinilalang pangunahing mamahayag ng kanyang panahon dahil sa pagkakatatag
niya ng Diaryong Tagalog noong 1882. Naging patnugot din siya ng La Solidaridad
noong 1889. Siya ay kilala sa sagisag na Plaridel, Piping Dilat, Pupdoh, Dolores
Manapat. Ang mga sumusunod ay ang mga akdang patula ni Plaridel:
o Dupluhan… Dalit… Mga bugtong – ito ay kalipunan ng mga maiigsing tula at
tugma ni del Pilar.
o Sagot ng Espanya sa ibik ng Pilipinas – isang tulang naglalaman ng 82
taludtod na naging sagot sa Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya.
GRACIANO LOPEZ JAENA (1860 – 1896)
- Itinuturing na pinakadakilang henyo ng Pilipinas. Isa siyang kritiko ng pahayagang
Kastila – Los Dos Mundos.
- Siya ang tinaguriang Demosthenes ng Pilipinas.
ANTONIO LUNA
- Isinilang sa Urbis, tondo, Maynila noong Oktubre 29, 1868. Isang parmasyotikong
ipinatapon sa Espanya nang magsimula ang rebolusyon.
- Ginamit niya ang sagisag na Taga-ilog sa kanyang mga akda. Siya rin ay naging
patnugot ng pahayagang La Independencia.
- ang kanyang mga akda ay Noche Buena, Divierten, Por Madrid, La Maestra De Mi
Pueblo, Todo Por El Estomago, La Tertulla Filipina, Impresyones.
MARIANO PONCE
- Isinilang sa Baliwag, Bulacan noong Marso 22, 1863. Nakasusulat ng mga akda
gamit ang tatlong wika.
- Nagtatago sa sagisag na Tikbalang, Nanding, Kalipulako.
- Siya ang tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng kilusang
propaganda.
- Ilan sa mga akda ni Ponce ay ang Mga Alamat ng Bulakan, Pagpuot kay Longino,
Sobre Filipinas, Ang mga Pilipino sa Indo Tsina, Ang Oaniyakan sa Kilusang
Propaganda
PEDRO SERANO LAKTAW
- Pangunahing mason na kasama ni Luna na umuwi sa Pilipinas.
- Ang Lohiyang Nilad ang kanyang itinatag.
- Ang kanyang Estudios Gramaticales at Sobre La Lengua Tagala ang pinagbatayan
ni Lope K. Santos ng Balarila ng Wikang Pamabansa.
JOSE MARIA PANGANIBAN
- Siya kilala sa pagkakaroon ng Memoria Fotografica. Ang mga sumusunod ay ang
mga tulang naiambag ni Panganiban: A Nuestro Obispo, Noche de Mambulao. Ang
Lupang Tinubuan, Sa Aking Buhay.
PEDRO PATERNO
- Kauna-unahang Pilipinong manunulat na nakalaya sa mahigpit na pagbabawal sa
panitikan sa panahon ng propaganda.
- Napapabilang siya sa tatlong panahon, Propaganda, Himagsikan, at Amerikano.
- Ang mga sumusunod ay ang mga akda niya: Ninay, Sampaguita y Poesias Varias,
El Cristianismo y La Antigua Civilizacion Tagala, A Mi Madre.
PASCUAL POBLETE
- Tinaguriang Ama ng Pahayagan dahil sa di matatawarang pagganap sa larangan
ng pamamahayag. Pinamatnugutan niya ang El Resumen.
- Ang pinakadakilang ambag ni Poblete ay sa panitikan ay ang kauna-unahang salin
ng Noli Me Tangere sa wikang Tagalog.
- Ang iba pa niyang akda ay ang mga sumusunod: Salin ng nobelang Ang Konde ng
Monte Kristo ni Alexander Dumas, Lucrecia Triciptino, Salin ng Buhay ni San Isidro
Labrador ni Francisco Butina, Ang Kagila-gilalas na buhay ni Juan Soldado, Ang
Manunulat sa Wikang Tagalog.
ISABELITO DELOS REYES
- Isang mamamahayag, manananggol, manunulat at pinuno ng mga manggagawa.
- Itinatag niya ang Iglesia Filipina Independencia. Nagtamo siya ng gantimpala sa
ekposisyon sa Madrid sa kanyang kathang El Folklore Filipino.
- Ang ilan sa kanyang mga akda ay ang sumusunod: Las Islas Visayas En La Epoca
de la Conquista, Historia de Ilocos, La Sensacional Memoria Sobre La Revolucion
Filipina.
FERNANDO CANON
- Siya ay kaklase ni Rizal sa Ateneo Municipal de Manila.

ANG PANULAAN SA PANAHON NG PAGHIHIMAGSIK


- Sa panahong ito’y ipinamalas ng mga Pilipino ang galit nila sa mga Kastila. Naging
maalab ang pambansang damdamin n gating panitikan.
- Ang paghihimagsik ay pinangunahan nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.
ANDRES BONIFACIO
- Isinulat niya ang Decalogo na nagsasaad ng alituntunin ng kasapi ng katipunan.
Nalaman niyang may ginawang kartilya si Jacinto kung kaya’t itinabi niya ang
kaniyang ginawa.
- Ang mga sumusunod ay ang mga tula at akdang nagawa niya: Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa, Mga Dapat Mabatid ng mga Tagalog, Huling Paalam (salin ng Mi
Ultimu Adios), Decalogo, Katapusang Hibik ng Pilipinas sa Espanya.
EMILIO JACINTO
- Naging sagisag niya ang Pingkian at Dimasilaw. Siya ang Utak ng Katipunan.
- Ang mga sumusunod ay iilan sa kanyang mga akda: Liwanag At Dilim, Pahayag,
Maga Aral Ng Katipunan Ng Mga Anak Ng Bayan, Sa Mga Kababayan.
APOLINARIO MABINI
- Ginamit niya ang saigsag na Katabay. Siya ay tinaguriang Utak ng Himagsikan.
- Ang mga sumusunod ay iilan sa mga akda niya: Programa Constitutional Dele
Republica, El Desarollo Caida Dela Republica Filipina, El Simil De Alejandro, El
Verdadero Decalogo.
JOSE PALMA
- Naging kaibigan siya ni Gregorio del Pilar, ang pinakabatang henerel ng samahan.
- Ginamit niya ang sagisag na DAPITHAPON. Isinulat niya ang pambansang awit sa
wikang Kastila at nilagyan ng tono ni Julian Felipe.
- Ang mga sumusunod ay iilan sa mga akda niya: Melancholias, De Mi Jardin, Himno
Nacional Filipina.

ANG PANULAAN SA PANAHON NG AMERIKANO


- Iilang pangkat ng mga manunulat ang nagsimulang magpahayag sa wikang
Ingles.
- Ang mga tema sa panahong ito ay tungkol sa pagmamahal sa Diyos, kapwa at sa
bayan.
- Ang mga sumusunod ay mga bantog na manunulat sa panahong ito:
1. Manunulat sa Kastila
a. Cecilio Apostol – sumulat ng mga tulang handog sa mga bayani. Ipinalalagay na
ang kanyang tulang hangog kay Rizal ang pinakaminam na tulang papuri.
b. Fernando Ma. Guerero – tinipon niya ang pinakamagaling niyang mga tula sa
aklat na Crisalidas (Mga Higad).
c. Jesus Balmori – may sagisag na Batikuling. Nahirang na poeta laureado sa
wikang Kastila dahil sa pagkatalo niya kay Manuel Bernabe sa balagtasan sa
Kastila.
d. Manuel Bernabe – makatang liriko. Sa pakikipagtalastasan kay Balmori ay higit
na naibigan ng madla dahil sa melodiya ng pananalita. Ipinagtanggol ang Olvido
na nangangahulugang Limot.
e. Claro M. Recto – kinilala siya sa katanyagan at kadakilaan ng pananalita.
2. Tagalog
a. Julian Cruz Balmaceda – Inuri sa tatlo ang mga makatang tagalog – makata
npuso, makata ng buhay, makata ng dulaan. Siya ang sumulat ng Bunganga ng
Pating.
b. Lope K. Santos – nobelista, makata at mambabalarila. Tinaguriang Apo ng mga
Mananagalog. Ipinalalagay na ang kaniyang obra maestro ay Banaag at Sikat.
c. Jose Corazon de Jesus – kilalang-kilala sa sagisag na Huseng Batute. Tinagurian
siyang Makata ng Pag-ibig. Itinuturing na kanyang obra ang Isang Punongkahoy.
Siya ang Hari ng Balagtasan.
d. Florentino Collantes – batikang duplero. Unang makatang tagalog na gumamit
ng tula sa panunuligsang pulitika. Kilala sa sagisag na Kuntil Butil. Obra maestro
ang Lumang Simbahan.
e. Amado V. Hernandez – tinaguriang Makata ng Manggagawa. Marami siyang
naging ambag sa panitikan tulad ng Isang Dipang Langit, Ibong Mandaragit at
Ang Panday.
f. Valeriano Hernandez Peña – kilala sa tawag na Tandang Anong. Obra maestro
ang Nena at Neneng.
g. Iñigo Ed Regalado – tanyag na kwentista, nobelista at peryodista. Ang kalipunan
ng kanyang mga tula ay tinawag na Damdamin.
h. Severino Reyes – Ama ng Dulang Tagalog. May-akda ng Walang Sugat.
i. Aurelio Tolentino – ipinagmamalaking mandudula ng mga Kapampangan.
Ikinabilanggo niya ang pagsulat ng Kahapon, Ngayon at Bukas.
j. Hermogenes Ilagan – nagtayo ng Compaña Ilagan na nagtatanghal ng mga dula
sa kalagitnaang Luzon.
k. Patricio Maraiano – sumulat ng Ninang at Anak ng Dagat na siyang obra niya.
3. Ingles
a. Jose Garcia Villa – pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles. Kilala sa
sagisag na Doveglion.
b. Jorge Bocobo – mananaysay at mananalumpati.
c. Zoilo Galang – sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa Ingles na
pinamagatang A Child of Sorrow.
d. Zulueta de Costa – nagkamit ng unang gantimpala sa kanyang tulang Like the
Molave.
e. N.V.M. Gozales – may-akda ng My Island at Children of the Ash Covered Loom.
f. Estrella Alfon – ipinalalgay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles
bago magkadigma.
g. Arturo Rotor – may-akda ng The Wound and Seas na kauna-unahang aklat na
nailimbag sa Philippine Book Guild.
- Mga halimbawang tula sa panahong ito:
o Mga Hamak na Dakila ni o Bayan Ko ni Jose Corazon de
Lope K. Santos Jesus
o Sino ka? Ako’y si… ni Lope K. o Ang Aklasan ni Amado V.
Santos Hernandez
o Isang Dipang Langit ni
Amado V. Hernandez

ANG PANULAAN SA PANAHON NG HAPONES


- Sa panahong ito’y ipinagbawal ang paggamit ng Ingles at inilunsad ang paggamit
ng wikang Filipino at pagpapayaman sa sariling kultura ng Pilipinas. Ang panahong
ito ang simula ng pagsibol ng maikling kwento. Bagamat may mga anyong patula
na akda rin ang nagsilabasan: ang haiku at tanaga.
o Haiku – maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang ng pantig na 5-7-
5 sa bawat taludtod.
o Tanaga – maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-
7-7-7.
- Kayumanggi ni Ruben Vega
- Tula ni Ildefonso Santos
- Dalawang haiku ni Gonzalo K. Flores

ANG PANULAAN NANG MATAMO ANG KALAYAAN


- Noong hulyo 4, 1946 ay ganap nang nakalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga
Hapones. Dahil dito’y walang tanging naiwan kundi ang mga naging bunga ng
kapinsalaan.
- Dalawang uri ng ng kalayaan ang gumitaw sa ating kasaysayan: 1) ang kalayaan
sa kamay ng mga hapon, 2) ang kalayaan sa pagsulat ng mga Pilipino.
- Sa panahong ito’y naipagpatuloy ang pagsusulat ng mga tula.
- Ang mga sumusunod ay halimbawang tula na palasak makita sa panahong ito:
o Ang Matanda at ang Batang Paruparo ni Iñigo Ed Regalado
o Pilipino, Saan Patutungo? ni Al Q Perez

ANG PANULAAN SA PANAHON NG BATAS MILITAR


- Isang malaking pagbabago ang naganap sa kasaysayan ng lahing Pilipino ang
naganap noong dekada ’70. Nahalal bilang pangulo ng Pilipinas si Ferdinand
Edralin Marcos sa pag-asang higit na mapapaunlad ang Pilipinas.
- Sa kanyang panunungkulan ay naging maunlad ang bansa – unti-unting nakilala
ang Pilipinas sa buong daigdig. Ngunit sa di inaasahang maayos na takbo ng
pamahalaan ay napalitan ng karahasan. Ang mga estudyante ay naging militante
at may mga rali at demonstrasyon ng nagaganap.
- Kung kaya’t ang kadalasang tema ng mga manunulat sa panahong ito ay
demonstrasyon at rebolusyon.
HILARION HENARES JR. – Siya ay isang manunulat sa bagong henerasyon. Ang
kanyang mga panulat ay kakikitaan ng matalinghagang pagpapahiwatig. Isang
halimbawa ng kanyang akda ay ang Bayan ng mga Bulag.
FRANCISCO “SOC” RODRIGO – Siya ay dating senador ng Pilipinas at nakilala sa
matinik na pakikipaglaban sa pamahalaan ni Dating Pangulong Marcos. Sumulat
siya sa Malaya sa ilalim ng kolum ng Mga Tilamsik ng Diwa. Isa sa pinakamaganda
niyang obra ay Ang Punong Kawayan na nagpakilala ng kaluluwa nating mga
Pilipino.
ROGELIO MANGAHAS – Isang masugid na gumamit ng talim ng kaniyang panulat sa
kaniyang paniniwalang pakikipaglaban sa kalayaan. Ipinakita rin niya sa kanyang
mga tula ang salot na bumabalot noong kapanahunan ni dating Pangulong Marcos.
Isang halimbawa ng kanyang tula ay ang Villanelle sa Iyong Pagdalaw at Duguang
Plakard.
JOSE LACABA – Kilalang manunulat na halos lahat ng kaniyang mga sinulat ay napaloob
sa mga aklat. Isa siyang “Multi-Palanca Awardee.” Ang kaniyang tulang In
Memoriam ay masasabing obra maestro na naisulat niya.
CIRILO F. BAUTISTA – Siya ay isang henyong makata sa larangan ng panitikan. Ang
kaniyang mga tula ay sumasagisag sa malalim na panunuri ng kasalukuyang
kalagayan ng bayan.
ELMO VILLANUEVA – Isang mag-aaral ng Pamantasang De La Salle na nakilala dahil sa
pagkakamit niya ng Unang Gantimpala sa “Timpalak Pampanitika,” sa larangan ng
tula. Isa sa halimbawa ng kanyang tula ay ang Kamalayan.
ISAGANI CRUZ – Isang daubhasa sa larangan ng panitikan. Siya ay kilalang-kilala dahil
sa matatalim na panulat sa larangan ng kritisismo. Isang halimbawa ng kaniyang
akda ay ang Si Lam-ang, si Fernando Poe, Jr. at si Aquino.

ANG PANULAAN SA KONTEMPORARYO


- Sumiglang muli ang panitik ng mga makata, mananaysay, manunulat, nobelista
mandudula. Sumigla ang teatrong Filipino.
- Dumami ang mga palabas sa telebisyon at dumagsa ang mga magasin at
pahayagang Filipino, kabilang ang tabloid.
- Napasimulan ang mga independent films at pink films.
- Maging ang internet ay naging midyum ng pagpapahayag ng panitik ng maraming
kabataan. Nauuso ang pagpo-post ng blogs na kinapapalooban ng mga journal o
reaksyon hinggil sa kung anu-anog paksa.
- Ang mga sumusunod ay iilan lamang sa mga tula sa panahng ito:
o Manipesto Ng Isang Dayo ni Pat Villafuerte –ito ay napatutungkol sa illegal
na paninirahan ng mga OFW sa Malaysia na knakulong dahil dito.
o Magkano ang Inyong Boto? ni Rolando a. Bernales
o Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni
Rolando A. Bernales
o Liham ni Pinay mula sa Brunei ni Elynia Ruth S. Mabanglo

Hinahamon ko kayo, IPASA NIYO ANG LET 2016!!!


GOD BLESS YOU!
-Teacher Kat-

You might also like