You are on page 1of 2

Mga Diyos at Diyosa sa Mitolohiyang Griyego

Zeus
- Diyos ng kalangitan at kulog
-pinuno ng mga diyos
-nangingibabaw, pinakamakapangyarihan, pinakamataas, o supremong diyos ng sinaunang Griyego
-sandata ang kidlat na may kasamang malakas na kulog, kaya't kilala rin siya bilang "Zeus ang
Tagapagkulog"
-kilala bilang Hupiter sa Romano habang sa mitolohiyang Etruskano naman, siya si Tinia

Poseidon
- Diyos ng dagat, lindol at kabayo
-isa sa mga tatlong naging anak na lalaki nina Kronos at Rhea
-siya ang panginoon at diyos ng karagatan kaya;t mayroon siyang kapangyahiran sa pagtaban ng mga
alon, bagyo, at maging ng mga lindol
-sa paglalarawan ng kanyang katangian ay may hawak siyang sandatang piruya o tridente
-sa mitolohiyang Romano, kilala siya bilang si Neptuno at bilang si Nethuns sa mitolohiyang Etruskano

Hermes
-Diyos ng komersyo at biyahero
-diyos na mensahero ng mga diyos at mga diyosa
-gabay ng mga manlalakbay, kabilang ang mga nagbibiyahe patungo sa mundong ilalim
-anak ni Zeus at ng isang diwata
-sugo ng mga Diyos
-kilala sa mitolohiyang Romano bilang si Merkuyo

Apollo
-Diyos ng araw, liwanag, medisina, propesiya at musika
-anak siyang lalaki ni Zeus kay Leto
-kakambal ni Artemis
-binabansagang si Phoebus na nangangahulugang maliwanag, nakakasilaw, o nagliliyab dahil sa kanyang
angking kabataan at kaakit-akit na mukha, kaya't ikinakabit siya sa araw o bilang diyos ng araw na si
Helios sa Griyego o Sol sa Romano
-kilala bilang si Apulu o Aplu sa mga Etruskano

Athena
-Diyosa ng karunungan, digmaan, sining, industriya at hustisya
-diyosa na katumbas ni Minerva sa mitolohiyang Romano
-isang parthenos, sa wikang Griyego, o birhen
-nagmula siya sa ulo ng kanyang ama na si Zeus at noong siya ay ipinanganak, balot na ang kanyang
buong katawan ng baluting pandigma
-mataas niyang hinahawakan ang kanyang sibat
-pinakamarunong at pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga diyosa

Aphrodite
-Diyosa ng kagandahan at pag-ibig
-kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang si Venus o Benus
-anak na babae ni Zeus at Dione, isang diwata
-sinasamba ng mga lalaki at babae sa mundo kapag sila ay nakadama ng pag-ibig
Ares
-Diyos ng digmaan
-kinikilala bilang Marte o Mars sa Romano at Laran naman sa mitolohiyang Etruskano
-agad-agad siya napupukaw papunta sa pook ng kinagaganapan ng digmaan
-kabilang sa kanyang katangian ay ang pagiging kaaya-aya at malakas na lalaki subalit laging handang
pumaslang
-kinatatakutan ng lahat ng mga Griyego ang galit ni Ares

Demeter
-Diyos ng agrikultura at pertilidad
-pangatlong kapatid na babae ni Zeus
-diyosa ng mga butil o buto ng halaman o pananim kaya't siya rin ang diyosa ng agrikultura
-siya ang nagturo sa mga tao kung paano magtanim at magsaka batay sa mitolohiyang Griyego
-kilala bilang si Ceres o Seres sa mitolohiyang Romano

Artemis
-Diyosa ng buwan at pangangaso
-kilala bilang si Diana sa mitolohiyang Romano
-itinuturing o ikinakabit si Artemis sa buwan at bilang ang diyosa ng buwan na pinangalanang Selene o
Selena sa Griyego o Luna sa Romano
-mayroong hawak na balingkinitang ana na may binabalahan ng ginintuang mga palaso
-dalagang diyosang nagsasanggalang ng pruteksiyon sa mga kabataan ng mundo
-paboritong hayop ang usa at nagbibigay din ng pagkalinga sa iba pang mababangis at maiilap na mga
hayop

Hestia
-Diyosa ng apuyan at tahanan
-kilala bilang Vesta o Besta sa Romano
-pinakamatandang anak na babae nina Kronos at Rhea
-kapatid at asawa ni Zeus

You might also like