You are on page 1of 7

Couples for Christ

Archdiocese of Lipa
VIGIL SA PATAY

Pambungad na Awit

N: Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo

L: Amen

N: Ang biyaya ng Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama at ang


pakikipagkaisa ng Espiritu Santo, nawa’y sumaatin lahat.

Ang kamatayan ay mananatiling isang misteryo na mahirap tanggapin. Ngunit kung ito‘y
tatanggapin natin nang may pananampalataya at pag-asa, ang kamatayan ay magiging
makulay at makabuluhan para sa ating lahat. Tandaan natin ang sinabi sa atin ng ating
Panginoong Hesukristo:

“Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit
mamatay ay muling mabubuhay.” (Jn 11:25-26)

Taglay ang pananalig na ito sa pangako ng Panginoon na namatay at muling nabuhay

Page 1 of 7
dahil sa atin, ipanalangin natin ang mga mahal nating yumao at lahat nang namatay
upang balang-araw, tayong lahat ay muling magsama-sama sa piling ng ating Amang
nasa langit.

O Diyos, lubos ang Iyong pag-asa na ikaw lamang ang aming iibigin ng buong puso, ng
buong kaluluwa, ng buong pag-iisip at ng buong lakas. Ngunit taliwas sa iyong
inaasahan, kami at ang mga minamahal naming yumao ay malimit hindi nagiging tapat
o kulang sa pagtugon sa iyong inaasahan. Panginoon, kaawaan Mo kami.

L: Panginoon, kaawaan mo kami.

N: O Diyos, sa pagpanaw ni ___________ sa daigdig, ipinapanalangin naming


patawarin Mo kami sa anumang nagawa o pagkukulang namin sa kanya.
Ipinapanalangin naming pagkalooban Mo ng kapatawaran kung kami ay naging tuso,
kung kami ay naging dahilan ng kanyang pagkukulang, kung nakapagdulot kami ng
sama ng loob sa kanya, kung naging mababaw ang aming pagmamahal sa kanya.
Kristo, kaawaan Mo kami.

L: Kristo, kaawaan mo kami.

N: O Diyos, nakahanda kaming maging mabubuting Kristiyano, ngunit batid mo na sa


maraming pagkakataon kami’y nagiging malamig sa pagmamahal sa Iyo at gayon din
sa mga taong nakakasalamuha namin sa araw-araw. Panginoon, kaawaan mo kami.

L: Panginoon, kaawaan mo kami.

N: Manalangin tayo. Sa iyong kabutihan ay pakinggan mo sana Ama naming maawain


ang aming daing gayong namamanhik kami sa iyo na kaawaan ang Iyong lingkod na si
__________ na tinawag mo mula sa daigdig na ito. Marapatin mo sanang akayin siya
sa pook ng liwanag at kapayapaan upang makasama siya sa piling ng iyong mga banal,
sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan.

L: Amen

MGA PAGBASA SA SALITA NG DIYOS

N: Pakinggan natin ang unang pagbasa mula sa Aklat ng Karunungan (3:1-9) na


nagsasaad ng tunay na kinatatayuan ng mga nangamatay. Makapagbigay nawa ang
mga salitang ito ng liwanag tungkol sa misteryo ng buhay at kamatayan.

Pagbasa sa Aklat ng Karunungan

Ang mga kaluluwa ng mga banal ay nasa kamay ng Diyos at hindi sila maaabot ng
pagdurusa. Sa paningin ng mga hangal, sila’y mukhang mga patay at ang kanilang

Page 2 of 7
pagpanaw ay itinuturing na isang kapighatian at ang kanilang paglisan sa atin ay ganap
na pagkawasak.

Ngunit sila ay nasa kapayapaan sapagkat kung sa harap ng tao’y tunay nga silang
naparusahan, datapwat ang kanilang pag-asa ay puno ng buhay na walang-hanggan.
Bahagyang naparusahan, sila’y pagpapalain ng malaki sapagkat sinubok sila ng Diyos
at napatunayang karapat-dapat sa kanilang sarili. Tulad ng ginto sa apuyan, sila’y
sinubok niya at waring mga alay sa paghahain, sila’y kinuha niya sa kanyang sarili. Sa
panahon ng pagdalaw sa kanila sila’y magniningning at kikislap tulad ng kislap sa
dayami.

Hahatulan nila ang mga bansa at pangangasiwaan ang mga bayan at ang Panginoon
ang kanilang magiging hari magpakailanman. Ang mga nagtitiwala sa kanya’y
makakaunawa sa katotohanan at ang mga tapat ay mananatili sa kanyang piling sa
pamamagitan ng pag-ibig. Sapagkat kalinga at habag ang taglay ng kanyang hinirang.

Ang Salita ng Diyos.

L: Salamat sa Diyos.

SALMO RESPONSORIO

Ang atin pong itutugon,

“Alalahanin Mo ako, Panginoon, pagdating Mo sa Iyong Kaharian.”

Ang Panginoon ang aking pastol, di ako mangangailangan ng anuman. Inilalagay ako
sa mga sariwang pastulan, na aking pahingahan.

Tugon: Alalahanin Mo ako, Panginoon, pagdating Mo sa Iyong Kaharian.

Pinagiginhawa ang aking kaluluwa. Pinapatnubayan ako sa mga tumpak na landas


alang-alang sa kanyang pangalan. Maglakad man ako sa madilim na libis, wala akong
kinatatakutang masama sapagkat sumasa-akin ka.

Tugon: Alalahanin Mo ako, Panginoon, pagdating Mo sa Iyong Kaharian.

Ang Iyong pamalo at tungkod ay siyang nagpapasigla sa akin. Pinakakain mo ako sa


harap ng aking kalaban, pinapahiran ang aking ulo ng langis, umaapaw ang aking kopa.

Tugon: Alalahanin Mo ako, Panginoon, pagdating Mo sa Iyong Kaharian.

Pawang kabutihan lamang at kagandahang loob ang taglay ko sa lahat ng araw ng


aking buhay. Maninirahan ako sa bahay ng aking Panginoon, magpakailanman.

Page 3 of 7
Tugon: Alalahanin Mo ako, Panginoon, pagdating Mo sa Iyong Kaharian.

N: Pakinggan natin ngayon ang pagbasa mula sa ebanghelyo ayon kay San Mateo.
Maaliw nawa tayo ng mga pahayag ni Kristo at itaas ang ating mga isipan sa mga
pangako ng Diyos sa kabilang-buhay.

Pagbasa sa Banal na Ebanghelyo ayon kay San Mateo (5:1-12)

Mapapalad ang mga dukha sa Espiritu sapagkat kanila ang kaharian ng langit;
mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa matuwid na pamumuhay sapagkat
bubusugin sila; mapapalad ang mga maaamo sapagkat tatamuhin nila ang lupa;
mapapalad ang mga maawain sapagkat magkakamit sila ng awa; mapapalad ang mga
tagapamayapa sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos; mapapalad ang mga
pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang kaharian ng langit; mapapalad
kayo kung dahil sa akin ay alimurain kayo, usigin kayo ng mga tao at pagwikaan kayo
ng lahat ng masama nang dahil sa akin. Magalak kayo at magsaya sapagkat malaki
ang gantimpala sa langit.

Ito ang Ebanghelyo ng Panginoon.

L: Purihin ka Panginoong Hesukristo.

Page 4 of 7
Panalangin ng Bayan:

N: Manalangin tayo mga kapatid sa Diyos Amang bumuhay kay Hesus at naghahangad
na ang lahat ng sumasampalataya ay magkamit ng kaligtasan.

Sa bawat panalangin ang isasagot po natin:


“Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.”

Sa binyag, ang aming kapatid na si _________ ay tumanggap ng pangako na


magkakamit ng buhay na walang-hanggan. Panginoon, patawarin Mo ang lahat niyang
kasalanan at ipagkaloob Mo sa kanya ang Iyong kaligtasan. Manalangin tayo sa
Panginoon.

L: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Si _________ ay tumanggap ng tinapay na nagdulot ng buhay na walang-hanggan.


Panginoon, buhayin mo siya sa huling araw upang makisalo sa iyong hapag-kainan.
Manalangin tayo sa Panginoon.

L: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang aming yumaong kamag-anak, kaibigan at pinagkakautangan ng loob ay namuhay


na sumasampalataya rin sa iyo. Panginoon, gantimpalaan mo sila dahil sa kanilang
kabutihan. Manalangin tayo sa Panginoon.

L: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Ang lahat ng yumao ay umaasa din sa muling pagkabuhay. Panginoon, ipahintulot


mong ang lahat ay magkamit ng kaligtasan at maging marapat na makapiling mo sa
iyong kaharian. Manalangin tayo sa Panginoon.

Page 5 of 7
L: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Kaming lahat na naririto ngayon ay sumasampalataya at umaasa na magkakamit din ng


kaligtasan. Panginoon, patawarin mo ang aming kasalanan at paging-dapatin mong
makamit ang iyong mga pangako. Manalangin tayo sa Panginoon.

L: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

N: O Panginoon, nawa’y pakinabangan ng mga yumao ang mga panalangin ng mga


naririto pa sa lupa. Patawarin mo ang kanilang mga kasalanan, bahaginan mo sila ng
mga bunga ng pagkamatay ng iyong anak sa krus at kami nawa’y tulungan mo na
mamuhay na sumasaksi sa aming sinasampalatayanan sa pamamagitan ni Hesukristo,
kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan.

L: Amen.

Panalangin para sa mga Kamag-anak ng mga Yumao

N: Manalangin tayo. O Ama na puspos ng awa, Diyos ng lahat ng kaaliwan, sa Iyong


walang-hanggang pag-ibig at awa, ang dilim ng kamatayan ay ginawa mong bukang
liwayway ng panibagong buhay. Ipakita ang iyong awa at ipadama ang iyong aliw sa
mag-anak na ito sa kanilang kalumbayan. Ikaw sana ang maging tagapagligtas namin
na magdudulot sa amin ng lakas ng loob. Sa kalungkutan at pangungulila, ipadamang
naririto ka sa piling nila upang aliwin sila. Ipagkaloob mong huwag mag-alinlangan sa
kanilang pananampalataya sa anak mong si Hesukristo na siyang Panginoon ng mga
buhay at ng mga patay. Hinihiling namin ito sa ngalan din ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

L: Amen.

N: Manalangin tayo mga kapatid sa ating


Amang nasa langit na naghahangad na
makapiling ang lahat niyang nilikha sa
kanyang kaharian. Dasalin natin ngayon
ang panalanging itinuro sa atin ni Hesus.

AMA NAMIN
ABA GINOONG MARIA
PAPURI

Page 6 of 7
Page 7 of 7

You might also like