You are on page 1of 1

PAGSUSURI SA ISANG PATALASTAS

PATALASTAS: Ang aking napili ay ang patalastas ng McDo:

“Laging Mahal ni Nanay at Tatay”

Pagkakabuo ng salita/wika: Sa patalastas na aking napanood, ang mga salita o


wikang ginamit ay binubuo ng mga salitang maintindihan, lalong lalo nan g mga
kabataan. At ang mga salitang bumubuo sa komersyal ay binigkas sa paraang pakanta,
na hango sa kantang “Hari ng Sablay”.

Gamit sa salita/wika: Ang salita o wika ay gumagamit ng Taglish (Tagalog-English),


ngunit mas ginamit ang wikang Tagalog sa komersyal at nasa anyong pakanta.

Background: Base sa aking napanood, ang komersyal na ginawa ng McDo ay


nagpapakita ng ibat ibang karanasan ng mga kabataan, kung saan pinapakita ang
kanilang mga ginagawa kahit ito ay sablay at ipinapakita rin rito sa komersyal na ito na
kahit na sumasablay ang kanilang mga anak ay patuloy pa rin nilang sinusuportahan at
minamahal.

Kabuuan: Sa kabuuan naman ay masasabi ko na napakagaling ng nakaisip ng


komersyal na ito. Sa palapat at pagpalit ng ibang mga salita sa lyrics, sa pagkuha ng
mga video at sa storyang binabahagi upang makahikayat ang mga customer upang
bumili sa Mcdo. Napakaganda ang plot na ipinapakita ng komersyal na ito,
pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak, ang mga masasayang alaala.
Naiintindihan at catchy din ang kanta. At talagang makahihikayat ng mamimili ang
komersyal na ito. Tugma at kahit ilang beses panoorin ng mga kabataan ito.

You might also like