You are on page 1of 1

Ilang sipi mula sa Dasalan at Tocsohan Ang Manga Utos Nang Fraile

ni Marcelo H. del Pilar Ang manga utos nang Fraile ay sampo:


Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat.
Ang Tanda Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak manuba
Ang tanda ang cara-e-cruz mo sa aming Panginoon nang ngalang deretsos.
naming Frayle sa manga ama namin, sa ngalan nang Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo man at fiesta.
cara-e-cruz at sa mga frayle nang Espiritu santo siya Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo sa
naua. pagpapalibing sa ama’t ina,
Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung uala pang
Pagsisisi salaping pang libing.
Panginoon cong Fraile, Dios na hindi totoo at labis Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang asaua.
nang pagkatuso gumaga at sumalakay sa akin: Ang ikapito: Huag kang makinakaw.
pinagsisihan cong masakit sa tanang loobang dilang Ang ikaualo: Huag mo silang pagbibintangan, kahit ka
pag-asa co sa iyo, icao nga ang dugo co. Panginoon co masinungalingan.
at kaauay co na inihihibik cong lalo sa lahat, nagtitika Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong asaua.
acong matibay na matibay na di na muli-muling Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong ari.
mabubuyo sa iyo: at lalayuan co na at pangingilagan Itong sampong utos nang Fraile’i dalaua ang
ang balanang makababacla nang loob co sa pag-asa sa kinaoouian.
iyo, macalilibat nang dating sakit nang manga bulsa Ang isa: Sambahin mo ang Fraile lalo sa lahat.
co, at nagtitika naman acong maglalathala nang dilang Ang ikalaua: Ihayin mo naman sa kaniya ang puri
pagcadaya co umaasa acong babambuhin ka rin, alang- mo’t kayamanan. Siya naua.
alang sa mahal na panyon at pangangalakal mo nang Ang manga kabuhongang asal, ang pangala’i
Cruz, sa pag-ulol sa akin. Siya naua. tontogales ay tatlo.
Igalang mo ……………
Ang Amain Namin Katakutan mo………… { Ang Fraile.
Amain naming sumasakumbento ka, sumpain ang At Pag Manuhan mo …..
ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, kitlin
ang leeg mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan
mo kami ngayon nang aming kaning iyon inaraw-araw
at patawanin mo kami sa iyong pag-ungal para nang
pag papatawa mo kung kami nakukuwaltahan; at
huwag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at
iadya mo kami sa masama mong dila.

Ang Aba Ginoong Barya


Aba ginoong Barya nakapupuno ka nang alkansya, ang
Frailei’i sumasainyo bukod ka niyang pinagpala’t pina
higit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong
mapasok. Santa Barya Ina nang deretsos, ipanalangin
mo kaming huwag anitan ngayon at kami ipapatay.
Siya naua...

Ang Aba Po Santa Baria


Aba po Santa Bariang Hari, inagao nang Fraile, icao
ang kabuhayan at katamisan. Aba bunga nang aming
pauis, icao ang pinagpaguran naming pinapanaw na
tauong Anac ni Eva, icao nga ang ipinagbubuntong
hininga namin sa aming pagtangis dito sa bayang
pinakahapishapis. Ay aba pinakahanaphanap namin
para sa aming manga anak, ilingon mo sa amin ang
cara- i –cruz mo man lamang at saka bago matapos ang
pagpanaw mo sa amin ay iparinig mo sa amin ang
iyong kalasing, Santa Baria ina nang deretsos, malakas
at maalam, matunog na guinto kami, ipanalangin
mong huag magpatuloy sa amin ang manga banta
nang Fraile. Amen.

You might also like