You are on page 1of 8

Setyembre 28–Oktubre 4

EXODO 29-30
 Awit 32 at Panalangin
 Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

 “Isang Abuloy Para kay Jehova”: (10 min.)


o Exo 30:11, 12—Inutusan ni Jehova si Moises na magsagawa ng sensus (it-2 694)
o Exo 30:13-15—Ang lahat ng nakarehistro ay nagbigay ng abuloy kay Jehova (it-1 40)
o Exo 30:16—Ang abuloy ay ginamit “bilang suporta sa paglilingkod sa tolda ng pagpupulong” (w11  11/1 12 ¶1-2)
 Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas: (10 min.)
o Exo 29:10—Ano ang kahulugan ng ‘pagpapatong ng mga kamay sa ulo ng toro’? (it-1 1385 ¶4)
o Exo 30:31-33—Bakit lalapatan ng parusang kamatayan ang sinumang gagawa ng banal na langis para sa pag-aatas at magpapahid nito sa
taong hindi awtorisado? (it-2 921 ¶2)
o Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang gusto mong ikomento tungkol sa Diyos na Jehova, sa
ministeryo, o iba pa?
 Pagbabasa ng Bibliya: (4 min. o mas maikli) Exo 29:31-46 (th  aralin 5)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

 Unang Pag-uusap: (2 min. o mas maikli) Gamitin ang sampol na pakikipag-usap, at ipakita kung paano magpapatotoo sa camera o intercom. (Kung
walang gumagamit ng camera o intercom sa teritoryo ninyo, ipakita kung paano magpapatotoo sa kausap kahit nakasara ang pinto.) (th  aralin 2)
 Pag-aaral sa Bibliya: (5 min. o mas maikli) bhs  113 ¶18 (th  aralin 13)
 Pahayag: (5 min. o mas maikli) km  1/11 4 ¶5-7; 6, kahon—Tema: Ilang Mungkahi Para sa Pampamilyang Pagsamba. (th  aralin 20)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

 Awit 84
 “Puwede Mo Bang Ibigay ang Iyong Panahon at Lakas?”: (15 min.) Pagtalakay. I-play ang video na Pinaplano ang Pagtatayo ng Isang Bagong
Pasilidad—Excerpt.
 Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya: (30 min. o mas maikli) jy  kab. 134
 Pangwakas na Komento (3 min. o mas maikli)
 Awit 137 at Panalangin

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | EXODO 29-30


Isang Abuloy Para kay Jehova

30:11-16

Nang itayo ang tabernakulo, nagkapribilehiyo ang lahat, mayaman man o mahirap, na mag-abuloy para suportahan ang pagsamba kay Jehova.

Paano natin iyan magagawa ngayon? Ang isang paraan ay ang pagbibigay ng donasyon para suportahan ang mga Kingdom Hall, Assembly Hall,

remote translation office, at pasilidad ng Bethel, pati na ang iba pang gusali na inialay para sa pagsamba kay Jehova.

Ano ang matututuhan natin sa mga tekstong ito tungkol sa pagbibigay ng donasyon bilang suporta sa tunay na pagsamba?

 1Cr 29:5

 Mar 12:43, 44

 1Co 16:2

Sa Sinai. Sa utos ni Jehova, ang unang pagrerehistro ay naganap noong panahon ng pagkakampo sa Sinai noong ikalawang buwan ng ikalawang
taon pagkatapos ng Pag-alis mula sa Ehipto. Upang matulungan si Moises sa gawaing ito, sa bawat tribo ay pumili ng isang pinuno na babalikat sa
pananagutan at pangangasiwa ng pagrerehistro sa tribo nito. Hindi lamang itinala noon ang lahat ng mga lalaki na 20 taóng gulang at pataas—
kuwalipikado para sa paglilingkod sa hukbo—kundi nagpataw rin ang Kautusan sa mga inirehistro ng pangulong buwis na kalahating siklo ($1.10)
para sa paglilingkod sa tabernakulo. (Exo 30:11-16; Bil 1:1-16, 18, 19) Umabot sa 603,550 ang kabuuang bilang na naitala, hindi kasama rito ang
mga Levita, na hindi magkakaroon ng mana sa lupain. Walang binabayarang buwis sa tabernakulo ang mga ito at hindi sila hinihilingang maglingkod
sa hukbo.—Bil 1:44-47; 2:32, 33; 18:20, 24.

Sa ilalim ng Kautusan, may mga abuloy na hinihiling sa mga Israelita. Nang kunan sila ni Moises ng sensus, bawat lalaki na 20 taóng gulang at
pataas ay inutusang magbigay ng pantubos para sa kaniyang kaluluwa, “kalahating siklo [malamang $1.10] ayon sa siklo ng dakong banal.” Iyon
ang “abuloy kay Jehova,” upang magbayad-sala para sa kanilang mga kaluluwa, at “para sa paglilingkod sa tolda ng kapisanan.” (Exo 30:11-16)
Ayon sa Judiong istoryador na si Josephus (The Jewish War, VII, 218 [vi, 6]), nang maglaon, ang “sagradong buwis” na ito ay binabayaran taun-
taon.—2Cr 24:6-10; Mat 17:24; tingnan ang PAGBUBUWIS.

Paano tinutustusan ang mga paglilingkod sa templo ni Jehova sa Jerusalem?

▪ Tinutustusan ang iba’t ibang paglilingkod sa templo sa pamamagitan ng pagbubuwis, pangunahin na ang pagbibigay ng ikapu. Pero may iba pang

anyo ng pagbubuwis. Halimbawa, noong itinatayo ang tabernakulo, inutusan ni Jehova si Moises na mangolekta ng kalahating siklong pilak mula sa

bawat nakarehistrong Israelita bilang “abuloy para kay Jehova.”—Exodo 30:12-16.

Lumilitaw na naging kaugalian na ng bawat Judio na mag-abuloy ng halagang ito bilang buwis sa templo taun-taon. Iyan ang buwis na pinabayaran

ni Jesus kay Pedro gamit ang baryang nakuha sa bibig ng isda.—Mateo 17:24-27.

Pagpapatong ng mga Kamay. Bukod sa basta panghawak, ang mga kamay ay ipinapatong sa isang tao o bagay para sa iba’t ibang layunin.

Gayunman, ang pangunahing kahulugan ng ganitong pagkilos ay pagtatalaga, ang pagkilala sa isang tao o bagay ayon sa isang partikular na

paraan. Sa seremonya noong italaga ang pagkasaserdote, ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro at

ng dalawang barakong tupa na ihahain, sa gayon ay kinilala na inihahain ang mga hayop na ito para sa kanila dahil sila’y naging mga saserdote ng

Diyos na Jehova. (Exo 29:10, 15, 19; Lev 8:14, 18, 22) Nang atasan ni Moises si Josue bilang kahalili niya ayon sa utos ng Diyos, ipinatong niya rito

ang kaniyang kamay, anupat ‘napuspos ito ng espiritu ng karunungan’ at nakapanguna nang wasto sa Israel. (Deu 34:9) Ang mga kamay ay

ipinapatong din sa mga tao kapag itinatalaga silang tumanggap ng pagpapala. (Gen 48:14; Mar 10:16) Hinipo ni Jesu-Kristo ang ilang tao,

o ipinatong niya sa kanila ang kaniyang mga kamay, upang pagalingin sila. (Mat 8:3; Mar 6:5; Luc 13:13) Sa ilang pagkakataon, ibinigay ang kaloob

ng banal na espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol.—Gaw 8:14-20; 19:6.

Sa Kautusang ibinigay ni Jehova kay Moises, itinakda niya ang pormula para sa langis na pamahid. Ito ay isang pantanging halo na may

pinakapiling mga sangkap—mira, matamis na kanela, matamis na kalamo, kasia, at langis ng olibo. (Exo 30:22-25) Lalapatan ng parusang

kamatayan ang sinumang magtitimpla ng halong ito at gagamit nito bilang pangkaraniwang langis o sa anumang layunin na hindi ipinahihintulot.

(Exo 30:31-33) Ipinakikita nito sa makasagisag na paraan na napakahalaga at napakasagrado ng isang pag-aatas sa katungkulan na pinagtibay sa

pamamagitan ng pagpapahid ng sagradong langis.


Dapat Bang Gugulin ang Buong Panahon sa Talakayan ng Grupo? Kapag magkasamang tinatalakay ng mga mag-asawa at pamilyang may

mga anak ang maka-Kasulatang mga paksa, napatitibay nila ang isa’t isa. (Roma 1:12) Nagiging malapít sila sa isa’t isa. Kaya dapat na nakasentro

ang Pampamilyang Pagsamba sa mga talakayan sa Bibliya. Pero puwede ring gumugol ng panahon sa personal na pag-aaral ang bawat miyembro

ng pamilya. Halimbawa, pagkatapos ng talakayan ng grupo, puwede pa ring magkakasama ang pamilya habang ipinagpapatuloy ng bawat isa ang

kani-kaniyang pag-aaral, marahil ang paghahanda para sa mga pulong o pagbabasa ng mga magasin. Ipinapasiya ng ilang pamilya na huwag

magbukas ng TV sa gabing iyon.

6. Paano maaaring idaos ang talakayan?


Paano Maaaring Idaos ang Talakayan? Hindi kailangan laging tanong-sagot ang talakayan. Para maging mas buháy at kapana-panabik ang

Pampamilyang Pagsamba, maraming pamilya ang may isang programa na katulad ng ating pulong sa gitnang sanlinggo. Hinahati nila sa maraming

bahagi ang kanilang talakayan at ginagawa ito sa iba’t ibang paraan. Halimbawa, maaari nilang basahing magkakasama ang Bibliya, paghandaan

ang isang bahagi ng mga pulong, at magkaroon ng mga sesyon sa pagsasanay para sa ministeryo. May ilang mungkahi sa pahina 6.

7. Paano gagawing kawili-wili ng mga magulang ang pampamilyang pagsamba?


Paano Gagawing Kawili-wili ng mga Magulang ang Pampamilyang Pagsamba? Mas matututo ang pamilya kapag may pag-ibig at relaks ang

bawat isa. Puwedeng mag-aral paminsan-minsan sa labas ng bahay kung maganda ang panahon. Mag-break kung kailangan. Ang ilang pamilya ay
nagmemeryenda pagkatapos ng programa. Bagaman iiwasan ng mga magulang na pagalitan o disiplinahin ang mga anak sa gabi ng

Pampamilyang Pagsamba, baka kailangan nilang gugulin ang bahagi ng panahong ito para itawag-pansin ang isang ugali o problema. Pero mas

mabuting kausapin nang pribado sa ibang araw ng linggong iyon ang anak na may sensitibong mga isyu para hindi siya mapahiya sa kaniyang mga

kapatid. Dapat na hindi nakakaantok at masyadong seryoso ang Pampamilyang Pagsamba. Sa halip, dapat na mabanaag dito ang maligayang

Diyos na sinasamba natin.—1 Tim. 1:11.

INGATAN

Ilang Mungkahi Para sa Pampamilyang Pagsamba

Bibliya:

• Basahing magkakasama ang isang bahagi ng lingguhang pagbabasa ng Bibliya. Depende sa materyal, maaaring basahin ng isa ang bahagi ng

tagapaglahad, at babasahin naman ng iba ang bahagi iba’t ibang tauhan.

• Isadula ang isang bahagi ng pagbabasa ng Bibliya.

• Patiunang ipabasa sa bawat miyembro ng pamilya ang nakaatas na mga kabanata sa Bibliya at ipasulat ang isa o dalawang tanong nila tungkol dito.

Pagkatapos, sama-samang saliksikin ang sagot sa mga tanong ng bawat isa.

• Maghanda bawat linggo ng isang flash card na may nakasulat na isang talata sa Bibliya at sikaping kabisaduhin at ipaliwanag ito. Ipunin ang

koleksiyong ito ng mga card, at repasuhin linggu-linggo para malaman kung gaano karaming teksto ang inyong natatandaan.

• Makinig sa isang audio recording ng Bibliya habang sinusubaybayan ito sa kopya ng Bibliya.

Mga Pulong:

• Magkakasamang maghanda para sa isang bahagi ng mga pulong.

• Praktisin ang mga Kingdom song na nakaiskedyul sa bawat linggo.

• Kung ang isa ay may bahagi sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo o pagtatanghal sa Pulong sa Paglilingkod, talakayin kung paano ito

gagampanan o praktisin ito sa harap ng pamilya.

Mga Pangangailangan ng Pamilya:

• Isaalang-alang ang materyal mula sa aklat na Mga Tanong ng Kabataan o Matuto Mula sa Dakilang Guro.

• Magkaroon ng sesyon ng pagsasanay kung paano haharapin ang isang sitwasyon na posibleng bumangon sa eskuwelahan.

• Magkaroon ng sesyon ng pagsasanay kung saan magpapalit ng papel ang mga magulang at mga anak. Magsasaliksik ng isang paksa ang mga anak

at gagamitin nila ito sa pangangatuwiran sa mga magulang nila.

Ministeryo:

• Magkaroon ng mga sesyon ng pagsasanay para maihanda ang mga presentasyon para sa dulong sanlinggo.

• Talakayin ang makatotohanang mga tunguhin na maaaring itakda ng pamilya para mapalawak ang kanilang ministeryo sa panahon ng Memoryal o

bakasyon.

• Bigyan ng ilang minuto ang bawat miyembro ng pamilya na magsaliksik kung paano sasagutin ang iba’t ibang tanong na maaaring bumangon sa

ministeryo at praktisin ito.

Iba Pang mga Mungkahi:

• Basahing magkakasama ang isang artikulo mula sa bagong mga magasin.

• Patiunang ipabasa sa bawat miyembro ng pamilya ang isang artikulo sa bagong mga magasin na interesado sila, at hilingan silang talakayin iyon.

• Pana-panahon ay anyayahan ang isang mamamahayag o mag-asawa na sumama sa inyong Pampamilyang Pagsamba, at marahil ay interbyuhin sila.

• Panoorin at talakayin ang isa sa ating mga video.


• Talakaying sama-sama ang “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong” o “Repaso Para sa Pamilya” mula sa Gumising!

• Talakaying sama-sama ang “Turuan ang Iyong mga Anak” o “Para sa mga Kabataan” mula sa Ang Bantayan.

• Basahin at talakayin ang isang bahagi ng bagong Taunang Aklat o inilabas na publikasyon sa nakaraang pandistritong kombensiyon.

• Pagkatapos dumalo ng kombensiyon o asamblea, repasuhin ang mga pangunahing punto.

• Pagmasdan ang mga nilalang ni Jehova, at talakayin kung ano ang itinuturo nito sa atin tungkol kay Jehova.

• Gumawa ng isang proyekto nang magkakasama, gaya ng mapa, tsart, o modelo ng isang bagay.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO


Puwede Mo Bang Ibigay ang Iyong Panahon at Lakas?

Gaya ng inihula ni Isaias, nakikita natin ang malaking pagsulong sa makalupang bahagi ng organisasyon ni Jehova. (Isa

54:2) Kaya kailangan pang magtayo ng mga Kingdom Hall, Assembly Hall, at mga pasilidad ng sangay. Pagkatapos

maitayo, kailangang mantinihin ang mga gusaling iyon, at ang iba ay kailangan pa ngang i-renovate paglipas ng

panahon. Paano natin maibibigay ang ating panahon at lakas sa ganitong mga gawain?

 Puwede tayong tumulong sa paglilinis ng Kingdom Hall kapag iskedyul ng field service group natin

 Puwede tayong magboluntaryong magmantini ng Kingdom Hall at tumanggap ng pagsasanay

 Puwede tayong mag-fill out ng Local Design/Construction Volunteer Application (DC-50) para makapagboluntaryo tayo kung may

proyekto ng pagtatayo at pagmamantini na malapit sa atin

 Puwede tayong mag-fill out ng Application for Volunteer Program (A-19) at magboluntaryo nang isang linggo o higit pa sa Bethel o iba

pang pasilidad nito na nasa teritoryong sakop ng sangay

PANOORIN ANG VIDEO NA PINAPLANO ANG PAGTATAYO NG ISANG BAGONG PASILIDAD—EXCERPT. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG

SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

 Mula 2014, ano ang naging pagsulong sa paggamit natin ng video?

 Para makasabay sa pagdami ng kinakailangang video, anong proyekto ang pinaplano? Kailan ito magsisimula at matatapos?

 Paano makakatulong sa proyektong ito ang mga boluntaryo?

 Kung gusto nating magboluntaryo sa konstruksiyon sa Ramapo, bakit dapat tayong mag-fill out ng aplikasyon (DC-50) at tumulong sa mga

proyekto ng Local Design/Construction na malapit sa atin?

 Ano ang patunay na pinapatnubayan ni Jehova ang proyektong ito?

 Paano natin masusuportahan ang proyektong ito kahit hindi tayo makapagboluntaryo sa konstruksiyon?

ARALING ARTIKULO 31
Hinihintay Mo Ba ang “Lunsod na May Tunay na mga Pundasyon”?

“Hinihintay niya ang lunsod na may tunay na mga pundasyon, na ang nagdisenyo at gumawa ay ang Diyos.”—HEB. 11:10.

AWIT 22 Dumating Nawa ang Kaharian!

NILALAMAN*

1. Ano ang mga isinakripisyo ng marami, at bakit?

MAY mga isinakripisyo ang milyon-milyong lingkod ng Diyos sa ngayon. Pinili ng maraming kapatid na huwag nang mag-asawa. Ang ilang mag-

asawa naman ay hindi muna nag-anak. At pinanatiling simple ng mga pamilya ang buhay nila. May mahalagang dahilan kung bakit nila ginawa ang

mga ito—gusto nilang paglingkuran si Jehova sa abot ng makakaya nila. Kontento sila at nagtitiwalang ilalaan ni Jehova ang lahat ng bagay na
talagang kailangan nila. Pagsisisihan ba nila ito? Hindi! Bakit tayo nakakatiyak? Dahil inilaan ni Jehova ang lahat ng pangangailangan ng mga

lingkod niya noon. Halimbawa, pinagpala ni Jehova si Abraham, ang “ama . . . ng lahat ng may pananampalataya.”—Roma 4:11.

2. (a) Ayon sa Hebreo 11:8-10, 16, bakit kusang-loob na iniwan ni Abraham ang Ur? (b) Ano ang tatalakayin sa artikulong ito?

Kusang-loob na iniwan ni Abraham ang komportableng buhay niya sa lunsod ng Ur. Bakit? Dahil hinihintay niya ang “lunsod na may tunay na mga

pundasyon.” (Basahin ang Hebreo 11:8-10, 16.) Ano ang “lunsod” na iyon? Anong mga problema ang napaharap kay Abraham habang hinihintay

niyang maitayo ang lunsod na iyon? At paano natin matutularan si Abraham, pati na ang mga tumutulad sa halimbawa niya sa ngayon?
ANO ANG “LUNSOD NA MAY TUNAY NA MGA PUNDASYON”?

3. Ano ang lunsod na hinintay ni Abraham?



Ang lunsod na hinintay ni Abraham ay ang Kaharian ng Diyos. Si Jesu-Kristo at ang 144,000 pinahirang Kristiyano ang bumubuo sa Kahariang ito.

Tinawag ito ni Pablo na “isang lunsod ng Diyos na buháy, ang makalangit na Jerusalem.” (Heb. 12:22; Apoc. 5:8-10; 14:1) Itinuro ni Jesus sa mga

alagad niya na ipanalanging dumating na ang Kahariang ito para mangyari ang kalooban ng Diyos sa lupa, gaya ng sa langit.—Mat. 6:10.

4. Ayon sa Genesis 17:1, 2, 6, ano ang alam ni Abraham tungkol sa lunsod, o Kaharian, na ipinangako ng Diyos?

Alam ba ni Abraham ang mga detalye kung paano ioorganisa ang Kaharian ng Diyos? Hindi. Sa loob ng maraming siglo, “sagradong lihim” ang

mga detalyeng iyon. (Efe. 1:8-10; Col. 1:26, 27) Pero alam ni Abraham na magiging hari ang ilan sa mga supling niya dahil ipinangako iyon sa

kaniya ni Jehova. (Basahin ang Genesis 17:1, 2, 6.) Napakatibay ng pananampalataya ni Abraham sa mga pangako ng Diyos na para bang

nakikita na niya ang Pinahiran, o Mesiyas, na magiging Hari sa Kaharian ng Diyos. Iyan ang dahilan kung kaya sinabi ni Jesus sa mga Judio noong

panahon niya: “Si Abraham na inyong ama ay nagsaya nang labis sa pag-asang makita ang aking araw, at nakita niya iyon at nagsaya.” (Juan 8:56)

Maliwanag na alam ni Abraham na ang ilang inapo niya ay magiging bahagi ng Kaharian na itatatag ni Jehova, at handa niyang hintayin ang

katuparan ng pangakong iyan ng Diyos.

Paano ipinakita ni Abraham na nananampalataya siya kay Jehova? (Tingnan ang parapo 5)

5. Paano natin nalaman na hinihintay noon ni Abraham ang lunsod na itatatag ng Diyos?

Paano ipinakita ni Abraham na hinihintay niya noon ang lunsod, o Kaharian, na itatatag ng Diyos?

Una, hindi naging bahagi si Abraham ng anumang kaharian sa lupa. Nagpalipat-lipat siya ng lugar,

at hindi siya sumuporta sa sinumang hari sa lupa. Hindi niya rin sinubukang magtatag ng sarili niyang kaharian. Sa halip, patuloy niyang sinunod si

Jehova at hinintay ang katuparan ng pangako Niya. Sa paggawa nito, ipinakita ni Abraham na napakatibay ng pananampalataya niya kay Jehova.

Alamin natin ang ilang problemang napaharap kay Abraham at kung ano ang matututuhan natin sa halimbawa niya.
ANONG MGA PROBLEMA ANG NAPAHARAP KAY ABRAHAM?

6. Anong uri ng lunsod ang Ur?



Ang lunsod na iniwan ni Abraham ay masasabing ligtas, maalwan, at maunlad. Protektado ito dahil napapalibutan ito ng malaking pader at may

malalim na kanal sa tatlong panig nito. Ang mga taga-Ur ay mahusay sa pagsulat at matematika. At lumilitaw na ang lunsod na ito ay sentro ng

negosyo; maraming nahukay rito na mga dokumentong pangnegosyo. Ang mga bahay rito ay gawa sa laryo; ang mga dingding nito ay may palitada

at pininturahan ng puti. Ang ilang bahay ay may 13 o 14 na kuwarto na nakapalibot sa isang loobang nilatagan ng bato.

7. Bakit kailangang magtiwala ni Abraham na poprotektahan siya ni Jehova pati na ang pamilya niya?

Kailangang magtiwala ni Abraham na poprotektahan siya ni Jehova pati na ang pamilya niya. Bakit? Tandaan na iniwan na nina Abraham at Sara

ang ligtas at komportableng bahay nila sa Ur para tumira sa mga tolda sa Canaan. Hindi na sila protektado ng malaking pader at malalalim na kanal.

Kaya madali na silang salakayin ng mga kaaway.

8. Ano ang isang problemang hinarap ni Abraham?



Ginawa ni Abraham ang kalooban ng Diyos. Pero may pagkakataong namroblema siya kung paano pakakainin ang pamilya niya. Nagkaroon ng

matinding taggutom sa lupain kung saan siya pinapunta ni Jehova. Dahil dito, pansamantalang lumipat ang buong pamilya ni Abraham sa Ehipto.
Pero noong nasa Ehipto na siya, kinuha ng Paraon, na namamahala sa bansang iyon, ang asawa niya. Siguradong nag-alala si Abraham.

Napanatag lang siya nang ibalik sa kaniya ng Paraon si Sara dahil sa utos ni Jehova.—Gen. 12:10-19.

9. Anong mga problema sa pamilya ang kailangang harapin ni Abraham?



Nagkaroon ng malalaking problema ang pamilya ni Abraham. Baog ang mahal niyang asawa na si Sara. Matagal nilang tiniis ang problemang iyan.

Nang maglaon, ibinigay ni Sara kay Abraham ang kaniyang alilang si Hagar para magkaanak sila sa pamamagitan nito. Pero nang ipagbuntis ni

Hagar si Ismael, hinamak niya si Sara. Naging napakahirap ng sitwasyon nila kaya pinalayas ni Sara si Hagar.—Gen. 16:1-6.

10. Ano ang nangyari kina Ismael at Isaac na sumubok sa pagtitiwala ni Abraham kay Jehova?
10 
Nang bandang huli, nagkaanak sina Abraham at Sara. Isaac ang ipinangalan dito ni Abraham. Pareho niyang mahal sina Ismael at Isaac. Pero

dahil hindi maganda ang naging pagtrato ni Ismael kay Isaac, napilitan si Abraham na palayasin sina Ismael at Hagar. (Gen. 21:9-14) At pagkalipas

ng maraming taon, hiniling ni Jehova kay Abraham na ihandog si Isaac. (Gen. 22:1, 2; Heb. 11:17-19) Sa mga pagkakataong iyon, kailangang

magtiwala ni Abraham na magiging maayos ang sitwasyon ng dalawang anak niya sa tulong ni Jehova.

11. Bakit kailangan ni Abraham na matiyagang maghintay kay Jehova?


11 
Sa mga panahong ito, kailangan ni Abraham na matiyagang maghintay kay Jehova. Malamang na mahigit 70 anyos na si Abraham nang umalis

sila ng pamilya niya sa Ur. (Gen. 11:31–12:4) At mga 100 taon siyang nanirahan sa tolda, na nagpapagala-gala sa lupain ng Canaan. Namatay si

Abraham sa edad na 175. (Gen. 25:7) Pero hindi niya nakita ang katuparan ng mga pangako ni Jehova na ibibigay ang lupain ng Canaan sa mga

inapo niya. At hindi rin niya naabutan ang panahon nang itatag ang lunsod, ang Kaharian ng Diyos. Pero kahit ganoon, sinabi pa rin na namatay si

Abraham “matapos masiyahan sa mahabang buhay.” (Gen. 25:8) Sa kabila ng lahat ng problemang pinagdaanan ni Abraham, napanatili niyang

matibay ang pananampalataya niya, at handa siyang maghintay kay Jehova. Paano niya nagawa iyon? Dahil sa buong buhay ni Abraham,

pinrotektahan siya ni Jehova at itinuring siyang kaibigan.—Gen. 15:1; Isa. 41:8; Sant. 2:22, 23.

Gaya nina Abraham at Sara, paano ipinapakita ng mga lingkod ng Diyos na may pananampalataya sila at

na matiyaga silang naghihintay? (Tingnan ang parapo 12)*

12. Ano ang hinihintay natin, at ano ang tatalakayin natin?


12 
Gaya ni Abraham, hinihintay rin natin ang lunsod na may tunay na mga pundasyon. Pero hindi na natin

hinihintay na maitatag iyon. Naitatag na ang Kaharian ng Diyos noong 1914 at namamahala na ito sa langit. (Apoc. 12:7-10) Pero hinihintay nating

mamahala ito sa lupa. Habang hinihintay iyan, marami tayong haharaping sitwasyon na gaya ng nangyari kina Abraham at Sara. Natutularan ba ng

mga lingkod ni Jehova sa ngayon ang halimbawa ni Abraham? Ipinapakita ng mga talambuhay na nasa Bantayan na marami sa ngayon ang may

pananampalataya at matiyagang naghihintay gaya nina Abraham at Sara. Talakayin natin ang ilan sa mga ito at alamin kung ano ang matututuhan

natin.
PAGTULAD SA HALIMBAWA NI ABRAHAM

Handang magsakripisyo si Bill Walden kaya pinagpala siya ni Jehova

13. Ano ang natutuhan mo sa karanasan ni Brother Walden?


13 
Maging handang magsakripisyo. Kung gusto nating unahin ang lunsod, o Kaharian ng Diyos, sa ating buhay, dapat tayong maging gaya ni

Abraham, na handang magsakripisyo para mapasaya ang Diyos. (Mat. 6:33; Mar. 10:28-30) Tingnan ang halimbawa ni Brother Bill Walden.* Noong

1942, nagsimulang makipag-aral sa mga Saksi ni Jehova si Bill. Malapit na siyang magtapos noon sa kursong architectural engineering sa isang

unibersidad sa United States. Bago pa man siya magtapos, hinanapan na siya ng trabaho ng propesor niya, pero tinanggihan niya ito. Sinabi niyang

nakapagdesisyon na siyang unahin ang paglilingkod sa Diyos imbes na tumanggap ng trabahong may malaking suweldo. Di-nagtagal, tinawag siya

para magsundalo. Magalang siyang tumanggi, pero pinagmulta siya ng $10,000 at sinentensiyahang makulong nang limang taon. Pinalaya siya

pagkalipas ng tatlong taon. Nang maglaon, inanyayahan siyang mag-aral sa Gilead School at naging misyonero sa Africa. Pagkaraan, pinakasalan

ni Bill si Eva, at kahit may sakripisyo, magkasama silang naglingkod sa Africa. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik sila sa United States para alagaan
ang nanay ni Bill. Ito ang masasabi ni Bill sa naging buhay niya: “Napapaluha ako kapag naaalaala ko ang kamangha-manghang pribilehiyo na

magamit ni Jehova sa loob ng mahigit 70 taon ng paglilingkod sa kaniya. Madalas ko siyang pasalamatan sa pagpatnubay niya sa akin na gawing

karera ang paglilingkod.” Puwede mo rin bang unahin sa buhay mo ang paglilingkod nang buong panahon?

Nadama nina Eleni at Aristotelis Apostolidis na pinalakas sila ni Jehova

14-15. Ano ang natutuhan mo sa karanasan nina Brother at Sister Apostolidis?


14 
Huwag asahang hindi ka magkakaproblema. Sa nangyari kay Abraham, nakita natin na

nagkakaproblema rin kahit ang mga naglingkod kay Jehova nang buong buhay nila. (Sant.

1:2; 1 Ped. 5:9) Totoong-totoo ito sa naging buhay ni Aristotelis Apostolidis.* Nabautismuhan siya noong 1946 sa Greece, at noong 1952, naging

kasintahan niya ang sister na si Eleni, na kapareho niya ng tunguhin. Pero nagkasakit si Eleni at na-diagnose na may brain tumor. Inalis ang tumor,

pero pagkaraan ng ilang taon matapos silang magpakasal, nagkaroon ulit siya ng tumor. Inoperahan ulit si Eleni ng mga doktor, pero naparalisa ang

ilang bahagi ng katawan niya at nahihirapan na siyang magsalita. Nanatili siyang masigasig kahit na may sakit siya at kahit pinag-uusig sila ng

gobyerno noong panahong iyon.


15 
Tatlumpung taóng inalagaan ni Aristotelis ang asawa niya. Noong panahong iyon, elder siya at miyembro ng convention committee at tumutulong

siya sa pagtatayo ng Assembly Hall. Noong 1987, naaksidente si Eleni habang nangangaral. Na-comatose siya nang tatlong taon, at saka namatay.

Ganito ang sinabi ni Aristotelis sa naging buhay niya: “Sa loob ng maraming taon, ang mahihirap na kalagayan, mabibigat na hamon, at di-

inaasahang pangyayari ang humihiling ng di-pangkaraniwang antas ng katatagan at pagtitiyaga. Gayunman, lagi akong binibigyan ni Jehova ng

kinakailangang lakas upang madaig ang mga problemang ito.” (Awit 94:18, 19) Talagang mahal na mahal ni Jehova ang mga naglilingkod sa kaniya

sa abot ng kanilang makakaya kahit may mga problema!

Nagpokus si Audrey Hyde sa hinaharap kaya nanatili siyang positibo

16. Ano ang magandang ipinayo ni Brother Knorr sa asawa niya?


16 
Magpokus sa hinaharap. Nagpokus si Abraham sa mga pagpapalang ibibigay sa kaniya ni Jehova

sa hinaharap, at nakatulong ito para makayanan niya ang mga problema. Ganiyan ang ginawa ni Sister Audrey Hyde para manatiling positibo kahit

na namatay ang unang asawa niya na si Nathan H. Knorr dahil sa kanser at nagkasakit ng Alzheimer’s ang pangalawang asawa niya na si Glenn

Hyde.* Sinabi niya na nakatulong sa kaniya ang sinabi ni Brother Knorr ilang linggo bago ito mamatay. Sinabi ni Audrey: “Pinaalalahanan ako ni

Nathan: ‘Pagkamatay, tiyak ang ating pag-asa, at hindi na tayo kailangang dumanas pang muli ng kirot.’ Pagkatapos ay hinimok niya ako: ‘Tumingin

ka sa unahan, yamang naroon ang iyong gantimpala.’ . . . Idinagdag pa niya: ‘Maging abala ka—sikapin mong gamitin ang iyong buhay sa paggawa

ng isang bagay para sa iba. Ito ang tutulong sa iyo na makasumpong ng kagalakan.’” Napakaganda ngang payo ang manatiling abala sa paggawa

ng mabuti sa iba at “magsaya . . . dahil sa pag-asa”!—Roma 12:12.

17. (a) Bakit dapat tayong magpokus sa hinaharap? (b) Paano makakatulong sa atin ang Mikas 7:7 para tumanggap tayo ng mga pagpapala sa

hinaharap?
17 
Sa ngayon, mas marami tayong dahilan para magpokus sa hinaharap. Kitang-kita sa mga pangyayari sa mundo na tayo ay nasa huling bahagi na

ng mga huling araw ng sistemang ito. Malapit nang matapos ang paghihintay natin—darating na ang panahon na ang lunsod na may tunay na mga

pundasyon ay mamamahala sa buong lupa. Ang isa sa mga pagpapalang magpapasaya sa atin ay ang pagkabuhay-muli ng mga namatay nating

mahal sa buhay. Sa panahong iyon, gagantimpalaan ni Jehova si Abraham dahil sa pananampalataya niya at matiyagang paghihintay. Bubuhayin

niya itong muli, pati na ang pamilya nito, dito sa lupa. Nandoon ka kaya para salubungin sila? Posible iyan, kung gaya ni Abraham, handa kang

magsakripisyo para sa Kaharian ng Diyos, papanatilihin mo ang pananampalataya mo sa kabila ng mga problema, at matiyaga kang maghihintay

kay Jehova.—Basahin ang Mikas 7:7.


ANO ANG MASASABI MO?
 Ano ang “lunsod” na hinintay ni Abraham?

 Anong mga problema ang hinarap ni Abraham?

 Paano natin matutularan si Abraham?

AWIT 74 Makiawit Tungkol sa Kaharian!

Habang hinihintay natin ang katuparan ng mga pangako ng Diyos, baka mainip tayo o humina pa nga ang pananampalataya natin. Ano ang

matututuhan natin kay Abraham na tutulong sa atin na matiyagang maghintay sa katuparan ng mga pangako ni Jehova? At anong magandang

halimbawa ang ipinakita ng ilang lingkod ni Jehova sa ngayon?

Mababasa ang talambuhay ni Brother Walden sa Bantayan, isyu ng Disyembre 1, 2013, p. 8-10.

Mababasa ang talambuhay ni Brother Apostolidis sa Bantayan, isyu ng Pebrero 1, 2002, p. 24-28.

Mababasa ang talambuhay ni Sister Hyde sa Bantayan, isyu ng Hulyo 1, 2004, p. 23-29.

LARAWAN: May-edad nang mag-asawa na patuloy na naglilingkod nang tapat kay Jehova kahit may mga problema. Nagpopokus sila sa mga

pangako ni Jehova sa hinaharap para manatiling matibay ang pananampalataya nila.

You might also like