You are on page 1of 2

NOVEMBER 25, 2022

Tema: Tularan ang Sigasig ni Jehova at ni Jesus


(5 minutes)

INTRODUCTION:

NAPAKALAKING karangalan para sa isang tao na kilalanin ang kaniyang nagawa. Halimbawa,
ang ilan ay tumanggap ng Nobel Prize dahil sa masigasig nilang pagtataguyod ng kapayapaan
sa pagitan ng naglalabanang mga bansa. Pero wala nang mas hihigit pang karangalan kaysa sa
maisugo ng Diyos para tulungan ang mga tao na magkaroon ng mapayapang kaugnayan sa
kanilang Maylalang!

Bilang mga Saksi ni Jehova, tayo lamang ang may ganiyang pantanging karangalan. Sa
pangunguna ng Diyos at ni Kristo, nakikiusap tayo sa mga tao na “makipagkasundo . . . sa
Diyos.” (2 Cor. 5:20) Ginagamit tayo ni Jehova para mapalapít sa kaniya ang mga tao. Bilang
resulta, milyun-milyon mula sa mahigit 235 lupain ang natulungang magkaroon ng mabuting
kaugnayan sa Diyos at ng pag-asang buhay na walang hanggan. (Tito 2:11) Taglay ang sigasig,
inaanyayahan natin ang “sinumang nagnanais [na] kumuha ng tubig ng buhay nang walang
bayad.” (Apoc. 22:17) Dahil pinahahalagahan natin ang atas na ito at masikap itong
ginagampanan, angkop tayong tawagin na isang bayang “masigasig sa maiinam na gawa.”
(Tito 2:14) Talakayin natin ngayon kung paano tayo magiging masigasig sa maiinam na gawa
para matulungan ang mga tao na maging malapít kay Jehova. Ang isang paraan ay sa
pamamagitan ng ating gawaing pangangaral.

May kinalaman sa isasagawa ng pamamahala ng Anak ng Diyos, sinasabi ng Isaias 9:7: “Ang
mismong sigasig ni Jehova ng mga hukbo ang gagawa nito.” Idiniriin ng mga salitang iyan na
interesadung-interesado ang ating makalangit na Ama sa kaligtasan ng mga tao. Maliwanag,
ipinahihiwatig din niyan na dapat tayong magpakita ng buong-pusong suporta, sigla, at
sigasig sa ating bigay-Diyos na atas bilang mga tagapaghayag ng Kaharian. Ang ating
masidhing pagnanais na tulungan ang mga tao na makilala ang Diyos ay repleksiyon ng sigasig
ni Jehova. Bilang mga kamanggagawa ng Diyos, ginagawa ba natin ang ating buong makakaya
sa pangangaral ng mabuting balita?—1 Cor. 3:9.

Nagpakita rin si Jesus ng sakdal na halimbawa ng sigasig sa ministeryo. Sa kabila ng


pagsalansang, nanatili siyang masigasig sa pangangaral hanggang sa wakas ng kaniyang buhay
sa lupa. (Juan 18:36, 37) Dahil alam niyang malapit na siyang magdusa at mamatay, lalo
siyang nagsikap na tulungan ang mga tao na makilala si Jehova.
Halimbawa, noong taglagas ng 32 C.E., inilahad ni Jesus ang ilustrasyon tungkol sa isang tao
na may puno ng igos sa kaniyang ubasan. Hindi namunga ang punong iyon sa loob ng tatlong
taon. Nang sabihin ng may-ari sa tagapag-alaga ng ubasan na putulin ang puno, humingi ito
ng panahon para malagyan iyon ng pataba. (Basahin ang Lucas 13:6-9.) Kakaunti pa lang noon
ang mga alagad na naging bunga ng pangangaral ni Jesus. Pero gaya ng ipinakita sa
ilustrasyon tungkol sa tagapag-alaga ng ubasan, ginamit ni Jesus ang natitirang maikling
panahon—mga anim na buwan—para pag-ibayuhin ang pangangaral niya sa Judea at Perea.,
Ilang araw bago siya mamatay, tumangis si Jesus para sa kaniyang mga kababayan na ‘nakinig
pero walang pagtugon.’—Mat. 13:15; Luc. 19:41.

Yamang napakalapit na ang wakas, hindi ba mahalagang pag-ibayuhin natin ang ating
pangangaral? (Basahin ang Daniel 2:41-45.) Isa ngang pribilehiyo na maging Saksi ni Jehova!
Tayo lamang sa lupa ang nag-aalok ng tunay na solusyon sa mga problema ng sangkatauhan.
Kamakailan, isang kolumnista sa pahayagan ang nagsabi na imposibleng masagot ang tanong
na “Bakit dumaranas ng masasamang bagay ang mabubuting tao?” Pananagutan at
pribilehiyo natin bilang Kristiyano na ibahagi sa lahat ng gustong makinig ang mga sagot ng
Bibliya sa mga tanong na gaya nito. Taglay natin ang lahat ng dahilan para maging ‘maningas
sa espiritu’ habang isinasagawa ang atas na ito mula sa Diyos. (Roma 12:11) Pagpapalain ng
Diyos ang ating masigasig na pag-eebanghelyo at matutulungan natin ang iba na makilala at
mahalin si Jehova.

You might also like