You are on page 1of 1

Maghanap

ALAMIN KUNG PAANO ...


makatanggap ng buhay na walang hanggan
tumanggap ng kapatawaran mula sa Diyos

GotQuestions.org > Tagalog > Mga katanungan patungkol

TANONG

Paano ako
magkakaloob
ng masaya?

SAGOT

Matututuhan natin na maging masaya sa


pagkakaloob sa pamamagitan ng pagaaral sa
buhay at katauhan ng pinakadakilang
pagkakaloob na isinakatuparan ng isang tao na
nakilala ng sangkatauhan: ang Panginoong Hesu
Kristo. Iniwan ang Kanyang kayamanan at
kaluwalhatian sa Kanyang kaharian sa
kalangitan, pumunta si Hesus sa lupa at kusang
loob na ibinigay ang Kanyang buhay upang
iligtas tayo. Dahil itinalaga tayo ng Diyos na
maging katulad ng Kanyang Anak (Roma 8:29),
walang ibang mas magandang paraan kundi
tularan ang Panginoong Hesu Kristo sa
pamamagitan ng kusang loob na pagbibigay ng
Kanyang sarili. Sinabi ng ating Tagapagligtas,
“Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa sa
tumatanggap” (Gawa 20:35). Kaya nga sa isang
simpleng paliwanag, ang pinakadakilang
motibasyon para sa isang masaya at
masaganang pagbibigay ay ang pagbibigay na
nakalulugod sa Panginoon at sumasalamin sa
Kanyang regalo ng kaligtasan para sa atin.

Ipinakikita sa ikalawang sulat ni Pablo sa mga


taga Corinto ang ilang nakakahamong
katotohanan na tutulong sa atin upang maging
masaya sa ating pagkakaloob. Matalinong
ipinaalala ni Pablo sa mga taga Corinto,
“Tandaan ninyo ito: ang nagtatanim ng kakaunti
ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim naman
ng marami ay aani ng marami” (2 Corinto 9:6).
Ang hindi nagmamaliw na katotohanang ito ay
binanggit din ni Solomon isang libong taon bago
isulat ang 2 Corinto: “Parangalan mo si Yahweh
sa pamamagitan ng iyong mga kayamanan, at
mula sa iyong mga pinakamainam na ani, siya ay
iyo ring handugan. Sa gayon, kamalig mo ay lagi
nang aapaw, sisidlan ng inumin ay hindi nga
matutuyuan.…” (Kawikaan 3:9-10). Sinabi sa atin
ng Panginoong Hesu Kristo, “Magbigay kayo at
kayo'y bibigyan ng Diyos; hustong takal, siksik,
liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.
Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba
ay siya ring gagamiting panukat sa inyo …”
(Lukas 6:38). Tunay na “Ang mapagpautang
nagiging mapalad, kung sa hanapbuhay siya'y
laging tapat.…” (Awit 112:5).

Ang prinsipyong ito ay napakalinaw: hindi


mahihigitan ng ating pagbibigay ang pagbibigay
sa atin ng ating mapagbigay na Diyos. Habang
nagbibigay tayo bilang paglilingkod sa ating
Panginoon, mas maraming bumabalik sa atin. Sa
katotohanan, ang tanging lugar sa Bibliya kung
saan inaanyayahan tayo na subukan Siya ay ang
Malakias 3:10, kung saan binabanggit ng Diyos
ang mga kaloob na ating ibinibigay sa Kanya: “…
Subukin ninyo ako sa bagay na ito, kung hindi ko
buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa
inyo ang masaganang pagpapala.” Inulit itong
muli ni Solomon: “Ang taong mapagbigay ay
lalong yumayaman, ngunit naghihirap ang tikom
na mga kamay. Ang taong matulungin, sasagana
ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay
tiyak na tutulungan” (Kawikaan 11:24-25).

Gaya ng sinabi ni Pablo “...sapagkat iniibig ng


Diyos ang kusang nagbibigay nang may
kagalakan” (2 Corinto 9:7). Ang pagbibigay ng
masaya kung ganoon, ang dapat na maging uri
ng buhay para sa Kristiyano na nakakaunawa sa
biyaya ng Diyos. Kung nagbibigay tayo ng
masagana at ng kusang loob mula sa ating
puso, tinitiyak sa atin ng Diyos na Siya ang
magiingat at magkakaloob sa atin ng ating mga
pangangailangan (Isaias 58:9; Awit 41:1-3;
Kawikaan 22:9; 2 Corinto 9:8, 11). At dapat
nating tandaan na hindi lamang ang ating mga
kayamanan ang dapat nating ibalik sa Diyos ng
may kagalakan. Gaya ng sinabi ni Haring David,
ang lahat ng nasa atin ay nagmula sa Diyos (1
Cronica 29:14), at kasama sa mga ito ang ating
mga talento, gayundin ang ating mga panahon.
Dahil itinakda ng Diyos ang lahat sa ating buhay
(Awit 139:16), tunay na ang ating panahon ay
pagaari ng Diyos. Ang lahat ng mga kaloob na
mayroon tayo ay nagmula rin sa Kanya kaya nga,
“Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang
kaloob ng Diyos, gamitin ninyo ang kakayahang
tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat” (1
Pedro 4:10).

Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa


sanlibutan kaya Siya nagkaloob (Juan 3:16).
Dapat nating tandaan na naligtas tayo dahil sa
mabiyayang pagkakaloob ng Diyos. Bilang
Kanyang mga anak, tinawag tayo upang maging
“mga ilaw ng salibutan” (Mateo 5:14). Kung
pinagtitiwalaan natin at pinararangalan ang
Diyos sa pamamagitan ng masayang
pagkakaloob ng ating panahon, kayamanan at
talento, tunay na pinaliliwanag natin ang ating
ilaw sa harap ng mga tao at masasalamin nila sa
atin ang kabutihan ng ating Ama sa langit.

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano ako magkakaloob ng masaya?

Ibahagi ang pahinang ito:

© Copyright Got Questions Ministries

You might also like