You are on page 1of 7

MGA MAHAHALAGANG TERMINO

1. dialect – pangngalan │ di·a·lect │ /ˈdīəˌlekt/


(Griyego dialektos “diskurso, paraan ng pananalita”)

: Isang terminong pangmalawakang ginagamit sa mga itinuturing na sub-variety ng isang wika.


Ito ay ginagamit sa pagtukoy ng mga barayti ng wika mula sa pinagsamang dalawang opisyal na
kinikilalang wika. Sa sosyolihistika, nilalarawan nito ang katangian ng wika ng isang rehiyon
(regional dialect) o ng pangkat ng mga taong kinikilala sa kanilang sosyal o propesyonal na
katangian sa halip na rehiyonal (social dialect).

2. register – pangngalan │ reg·is·ter │ /ˈrejəstər/

: Ito ay ang terminong ginagamit upang tukuyin ang barayti ng wika na binibigyang-kahulugan
base sa konseptuwal na balangkas gamit ang mga salitang “field”, “tenor” at “mode”. Isa itong
disenyo ng instantiation ng pangkalahatang sistemang nauugnay sa isang uri ng teksto. Maari
din itong depinihin bilang antas ng pormalidad ng iyong pananalita base sa sitwasyon kung
kailan mo ito ginagamit. Tulad ng style, ito ay nauugnay sa isang tiyak o partikular na speech
situation ngunit ang register ay tumutukoy sa tiyak na bokabularyong pinipili o inaasahang piliin,
konektado sa speech situation.

:Iginigiit ni Halliday at Hasan (1845) na ang register ay hindi marginal o espesyal na barayti ng
wika, sa halip ay nasasaklaw nito ang kabuuan ng language activity sa lipunan. Ang register ay
nakikita sa paraan ng iyong pakikipag-usap, batay sa kung ano ang iyong ginagawa o kung ano
ang likas na katangian ng aktibidad kung kailan mo ginagamit ang wika.

3. style – pangngalan │ style │ /stīl/

: Tumutukoy ito sa isang pangkat ng linguistic variants na may tiyak na kahulugang panlipunan.
Sa kontekstong ito, ang kahulugang panlipunan ay maaaring sumaklaw sa pagkakasapi sa isang
grupo, personal na mga katangian, o paniniwala. Ang pagkakaiba ay maaaring makita sa
sintaktikal, lehikal, o ponolohikal na aspeto ng pagsasalita. Hindi tulad ng register, ito ay hindi
gaanong nakikinita at mas nakabatay sa personal na kagustuhan o pagpili ng mga sasabihin.
Nasasaklaw rin dito ang gramatikal na istruktura. Ito ay maaaring maibalangkas sa iba’t-ibang uri
ayon kay Joos (1959)

 casual style – tipikal na impormal na pakikipag-usap sa mga taong magkakapantay ang


antas
 consultative style – pamantayan sa impormal na pakikipag-usap sa estranghero
 formal style – mas higit na natutukoy sa pamamagitan ng setting kaysa sa pakikipag-
usap ng tao
 frozen style – hyper-formal na estilong idinisenyo upang pigilan ang pag-usbong ng
matalik na relasyon sa pagitan ng mga kalahok ng pag-uusap

4. jargon – pangngalan │ jar·gon │ /ˈjärɡən/


: (pre-pidgin) Ang jargon ay ang mga salitang ginagamit upang ilarawan ang mga espesiyal na
termino ng mga propesyonal o pangkat pangkalakalan. Ito rin ay maaaring koleksiyon ng mga
salita o mga tiyak na terminong ginagamit ng isang pangkat na ang mga miyembro lamang ang
nakakaunawa. Gumagamit lamang ito ng limitadong bokabularyo at hindi matatag na istruktura.
Mas maaari itong maintindihan sa pamamagitan ng kilos.

5. slang – pangngalan │ slang │ /slaNG/

: Ang slang ay pangkat ng mga salita o parirala na itinuturing bilang impormal. Ito ay mas
karaniwan sa pananalita kaysa pagsulat, at tipikal na tasado sa isang particular na konteksto o
pangkat ng mga tao. Maituturing ito na klase ng impormal na register upang maitatag ang
pagkakakilanlan, maibukod ang mga taong labas sa grupo, o pareho. Ayon naman sa Cambridge
Dictionary, ito ay labis na impormal na mga salitang ginagamit lalo na sa pananalita ng particular
na mga pangkat ng tao at kung minsa’y naglalangkap ng mga salitang hindi magalang.

6. pidgin – pangngalan │pidg·in │ /ˈpijən/


(mula sa Tsinong pagbigkas ng salitang negosyo)

: Ang pidgin ay isang limitadong sistema ng mga salita na nabuo mula sa isa o higit pang mga
wika na ginagamit bilang isang karaniwang batayan sa komunikasyon ng isang grupo ng mga tao
na walang komun na wika. Sinasabi ng ilang linggwistiko tulad nila R.L. Task at Peter Stockwell
bilang isang “hindi ganap o tunay na wika”. Ito ay walang detalyadong gramatikal na sistema at
katutubong mananalita, maaari lamang maipahayag sa limitadong paraan, at ginagamit ng iba’t-
ibang tao sa iba’t-ibang pamamaraan. Ayon sa mga iilang teoriko tulad ni Keith Winnom, ang
pidgin ay nabubuo lamang kapag ang pangkat ng mga taong may magkakaibang wika ay
nakikipag-ugnayan sa isa’t-isa. Ang resulta nito ay ang pagkakabuo ng isang simpleng anyo ng
wika na nagpapakita ng palatandaan ng paghahalo ng dalawa o iba’t-ibang wika, na walang
taong gumagamit bilang kaniyang lingua franca.

7. creole – pangngalan │cre·ole│ /ˈkrēˌōl/


(Latin creare “lumikha)

: Ang creole ay isang pirmi at matatag na pidgin kung kaya’t naging katutubong wika ng isang
speech community na gumagamit nito. Maari din na nabuo ito mula sa iba’t-ibang pidgin na
naging pangunahing wika ng isang komunidad. Ito ay resulta ng pagdiit sa pagitan ng
magkakaugnay na wika na pare-parehong mahirap unawain. Hindi tulad ng pidgin, ito ay natural
na wika na sumusunod sa isang sistemang gramatikal at itinuturing na lingua franca. Karamihan
nito ay ginagamit sa lipunang noo’y kolonisado o ginawang alpinin ng mga mananakop.

8. isogloss – pangngalan │ i·so·gloss │ /ˈīsəˌɡläs/


(Ingles iso “pantay” + Griyego glossa “dila, salita”)

: Ang isogloss ay isang likhang-isip na linya sa isang mapa na naghihiwalay sa mga lugar batay sa
kanilang dyalektikong katangian. Ang mga katangian na ito ay maaaring maging sa tuntunin ng
bokabularyo, tunog, o simpleng mga katangian ng gramatika. Ito ay upang malinaw na makita
ang mga lugar na pinanggalingan ng isang particular na dyalektiko o linggwistikang katangian.
Ang isogloss ay maaari din na magpakita ng iba’t-ibang pattern batay sa heyograpiya. Kung
maraming isogloss ang nagpapakita ng magkakatulad na patterning, ito ay maaaring kumatawan
ng isang pangunahing dialect boundary. Ang terminolohiya rin na ito ay kaagapay ng mga
salitang isobar at isotherm sa heyograpiya. Halimbawa ng isogloss ay ang hati sa pagitan ng
diyalektikong katangian ng England at Scotland sa paggamit ng magkaibang termino para isang
prutas na karaniwang kinikilala bilang “blueberries”.

9. diglossia – pangngalan │ di·glos·si·a │ /dīˈɡlôsēə,dīˈɡläsēə/


(di “dalawa” + Griyego glossia “dila, wika”)

: Ito ay sang terminong nilikha ni Charles Ferguson, isang Amerikanong linggwistiko, na


tumutukoy sa paggamit ng dalawang wika sa isang multilingual setting kung saan ang bawat
wika ay mayroong magkaibang paggamit at nakalaan para sa isang panlipunang punsyon at
konteksto. Ito ay tinukoy ni Ferguson bilang isang uri ng societal bilingualism. Ibinubukod ito sa
dalawang uri, ang High variety, na mas ginagamit sa pormal na pagsulat, at ang Low variety na
ginagamit sa bernakular o ordinaryong pananalita. Ang mga barayti na ito ng wika ay umiiral
nang magkaagapay sa buong speech community nang may nakatalaga ngunit hindi
magkapatong na tungkulin. Ito rin ay sinasabing isang “hindi pantay na kaayusan ng mga barayti
ng wika”.

10. normativism

: Isinasaad ng teoriyang ito na ang normatibo, o preskribtibo, na pananaw sa wika ay


pinananatili ang isang barayti ng wika na may likas na at mas mataas na halaga kaysa iba, at ito
ay dapat ilapat sa buong speech community (Crystal, 1997).
11. language contact – pangngalan

: Ang language contact ay isang subfield ng sosyolinggwistika na tampulan ang kalalabasan ng


pagpapakilala ng panibagong wika sa speech community ng mga mananalita at sa kanilang wika.
Minsan itong nangyayari kapag may karagdagang sosyal na interaksyon sa pagitan ng mga
katabing teritoryo at ng isang komunidad na tradisyonal nang gumagamit ng iba’t-ibang wika.
Ngunit, mas madalas, ito ay nagsisimula sa pagkalat ng mga wika ng kapangyarihan at prestihiyo
sa pamamagitan ng pananakop at kolonisasyon.

12. convergence – pangngalan │ con·ver·gence │ /kənˈvərjəns/

: Ang convergence ay isa sa dalawang pangunahing estratehiya na ginagamit sa process of


attunement sa linggwistika. Ito ay akomodasyon tungo sa pananalita ng kausap. Binibigyang-diin
nito ang pagkakapareho sa pagitan ng speech styles ng magkapanayam, at/o paggaya ng
mananalita sa speech style ng kaniyang kausap upang mabigyang-diin ang pagkakapareho ng
isang tao sa kaniyang kausap para sa karagdagang atraksyon.

13. divergence – pangngalan │ di·ver·gence │ /dəˈvərjəns,dīˈvərjəns/

: Ito ay ang pagbibigay-diin sa pagkakaiba sa pagitan ng speech styles ng magkapanayam, at/o


hindi paggaya ng mananalita sa speech style ng kaniyang kausap. Maaaring ito ay upang iriin ang
pagkakaiba at distansya sa estadong panlipunan. Ito ay nakadepende sa kalagayan o sitwasyon
kung kailan nangyayari ang diskurso, kung saan maaaring mapagdesisyunan ng tagapagsalita na
ang kaniyang interes ay mas maipahahatid sa pamamagitan ng pagpapanatili o pagbibigay-diin
sa pagkakaiba sa pagitan ng speech style niya at ng kaniyang interlocutor.

14. interlanguage

: Ito ay isang uri ng sistema ng wika o linggwistika na ginagamit ng ikalawa- at dayuhan- na


tagapanalita ng isang wika na nasa proseso ng pag-aaral ng kanilang target na wika. Ang
interlanguage pragmatics ay sumisiyasat sa mga pamamaraan ng mga native speakers kung
paano nila natututuhan, inuunawa, at ginagamit ng mga speech acts ng kanilang ikalawang
wika.

15. interference phenomenon

:Tumutukoy sa impluwensiya ng isang wika (o barayti ng wika) sa isa pang wika na ginagamit din
ng isang bilingual. Ang interference na ito ay maaaring maganap sa lahat ng antas ng sistemang
linggwistika tulad ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, pragmatika, o leksikon.

16. code-switching– pangngalan


: Ito ay tumutukoy sa paggamit ng higit pa sa isang code paloob o sa kabubuan ng pakikipag-
usap. Karagdagan, ito ay ang pagpapalit sa pagitan ng dalawa o higit pang wika, o barayti ng
wika, sa pakikipag-usap.

17. borrowing – pangngalan │ bor·row·ing │ /ˈbärōiNG/

: Ito ay ang teknikal na termino para sa inkorporasyon ng isang aytem mula sa isang wika
patungo sa isa pa. Ang mga aytem na ito ay maaaring sa mga tuntunin ng salita, mga elemento
ng gramatika, at tunog. Iba sa code-switching, napaloloob sa borrowing ang adaptasyon o
paghalaw ng isang salita sa sistemang ponetikal at gramatikal ng ibang wika. Gayundin, ito ay
itinuturing na proseso ng pagkatuto at akulturasyon. Maaari itong makita bilang agpang o
angkop na estratehiya na isinasagawa ng mga mananalita upang pagyamanin ang ilang register
ng isang wika, sa halip na gumamit ng panibagong wika sa partikular na register.

18. speech community – pangngalan │

: Ang speech community ay binubuo ng mga taong habituwal na nakikipag-ugnayan sa isa’t-isa sa


pamamagitan ng wika. Nasasangkot dito ang alinman sa barayti ng wika o pagbabahagi ng mga
paraan upang mabigyang-kahulugan ang iba’t-ibang barayti ng wika na karaniwang ginagamit sa
isang komunidad. Sinasabi ni Peter Patrick (2002) sa kaniyang detalyadong sarbey ng mga
salabid sa konsepto ng speech community, na may postmodern na pananaw:

[Ang mga mananaiksik] ay hindi dapat magpalagay ng pagkakaisa sa lipunan o tanggapin ito
bilang hindi maiiwasang resulta ng interaksyon; ang sukat at ang epekto nito ay hindi dapat
ipagwalang-bahala; mga sosyal na teorya, kabilang ang class analyses, ay tahasang hinihikayat;
ang speech community ay hindi dapat tingnan bilang isang yunit ng social analysis; at hindi natin
dapat isipin na sila ay umiiral bilang entidad na naghihintay masaliksik o makilala sa kanilang
mga katutubong pananaw, kun’di tingnan sila bilang kaagapay ng mga sagot sa mga katanungan
natin at ng mga mananaliksik.

19. language attitudes – pangngalan │

: Ito ay ang pagbubuo ng opinyon tungkol sa isang interlocutor at sa iba’t-ibang aspeto hinggil sa
kaniya tulad ng kanilang kasarian, kultura, atbp. Ito ay ang paglikha ng imperensiya tungkol sa
tao batay sa paraan ng kaniyang pananalita, at pagbuo ng attitude na angkop sa iba’t-ibang
barayti ng language color kung saan nakikita natin ang indibidwal na gumagamit ng barayti na
ito. Ito ay maaaring maipangkat sa positibo at negatibong barayti ng wika.

20. politeness – pangngalan │ po·lite·ness │ /pəˈlītnəs/

: Ito ay tinutukoy bilang paggamit ng wika sa pagpapakita ng konsiderasyon sa damdamin at


kagustuhan ng kapanayam. Karagdagan, ito ay isang katangian ng wika na labis na apektado ng
kultural at sosyal na pamantayan. Walang-kamalayan itong ipinahahayag at napagtatanto ng
bawat indibiduwal bagaman ito ay panlipunan.
MGA SANGGUNIAN
Cambridge Dictionary. Cambridge University Press, 2020.

Eaton, Sarah. “Language Register and Why It Matters.” Learning, Teaching and Leadership.
Sarah
Eaton, January 2018. https://drsaraheaton.wordpress.com/2012/05/22/language-
register-and-why-it-matters-or-why-you-cant-write-an-academic-paper-in-gangsta-slang/.

Holm, John A. An Introduction to Pidgins and Creoles. Cambridge University, 2000.

Fromkin, Victoria, and Robert Rodman. An Introduction to Language. 9th ed. Australia: Cengage
Learning, 2018.

Khan, Geoffrey. “Normativism.” Encyclopedia of Hebrew Language and Linguistics, 2013.


https://referenceworks.brillonline.com/entries/encyclopedia-of-hebrew-language-and-
linguistics/normativism-EHLL_COM_00000327?s.num=5#d35422687e9.

Halliday, Michael, and Christian Matthiessen. An Introduction to Functional Grammar. 3rd ed.
New
York, New York: Routledge, 2004.

“Interference.” Glottopedia. MediaWiki, October 22, 2009.


http://www.glottopedia.org/index.php/Interference.

Mesthrie, Rajend, Joan Swann, Ana Deumert, and William L. Leap. Introducing Sociolinguistics.
Second Ed. George Square, Edinburgh: Edinburgh University Press, 2000.
Meyerhoff, Miriam. Introducing Sociolinguistics. New York, New York: Routledge, 2006.

Nordquist, Richard. “What Is a Pidgin?” ThoughtCo. Dotdash, October 14, 2019.


https://www.thoughtco.com/pidgin-language-1691626

Nordquist, Richard. “What You Should Know About Creole Language.” ThoughtCo. Dotdash.
Accessed 2019. https://www.thoughtco.com/what-is-creole-language-1689942.

You might also like