You are on page 1of 1

KABANATA I: SA IBABAW NG KUBYERTA

Bapor tabo ang tinatawag na daong ng pamahalaan. Sa ilalim ng kubyerta matatagpuan ang mga indio,
intsik at mga mestiso. Si Dona Victoria ang hanging ginang na nakaupo sa pangkat ng mga kalalakihan.
Sinasabing napakabagal ng usad ng takbo ng bapor tabo tulad na lamang nang pagunlad sa ating
pamahalaan na mabagal rin. Bapor Tabo ang intinawag rito marahil ito ay isang pangangatawan ng
kulturang pilipino na tanging sa atin lamang mayroon. Ang Bapor sa kabanata ay naglalakbay sa ilog ng
Pasig papunta sa Laguna. Ang bapor ay hugis tabo na kung susuriin ay walang tiyak na paroroonan at
galaw ang meron ito kaya Hindi agad agad nalalaman ang pupuntahan. Nahahati sa dalawa ang barko,
ang kubyerta at ang ilalim ng kubyerta. Kung saan mga Europeo o nakasuot europeo, prayle, mga opisyal
at kawani ng pamahalaan ang naglalagi sa kubyerta na nakaupo ng maginhawa at mga instik, indio, at
mga mestiso naman ang pawisan na nakaupo sa ilalim ng kubyerta. Sa paghati sa dalawa ng Bapor tabo,
ipinapakita ang diskriminasyon sa lipunan noon pa man. Dito nasulyapan ang pahapyaw na plano ng
paghihiganti ni Simoun. Si Ben Zayb, manunulat na mukhang prayle at si Padre Camorra, pari na
mukhang artilyero ay nagtatalo kung saan pinapagitnaan naman sila ni Padre Salvi.
Ang solusayon na nakaupo ni Simoun ay ang paggawa ng panibagong daraanan ng Bapor na tuwid upang
Hindi na sila mahirapan at sumadsad pang muli sa mga palayaan at para iwas sa gastos kaniya ring
naisipan na ang mga bilanggo ang magtatrabaho para dito. Ang solusyon naman na naisip ni Don
Custodio ay ang pag papalaganap ng mga nagaalaga ng pato upang makain ang mga suso na nagkalat
ngunit tinuligsa ito ni Dona Victoria dahil ayaw niya sa balot.

KABANATA II: SA ILALIM NG KUBYERTA

Nakatuon ang kabanatang ito sa mga tauhan na namamalagi sa ilalim ng kubyerta tulad na lamang ng
mga instik, mga indio, at mga mestiso o sa isaang salita sa mga mahihirap.Una nang naguusap sina
Basilio, Isagani at Kapitan Basilio sa kabanatang ito . kung saan kanilang pinaguusapan ang patungkol sa
pagpapatayo ng akdemya ng kinabibilangan Nina Basilio at Isagani.

Si Don Tiburcio ay nagtatago sa bahay ng tiyuhin ni Isagani na si Padre Florentino.

Si Isagani ay may kairog na si Paulita Gomez na Pamankin ni Dona Victoria.

Nagkaroon ng mainit na sagutan sina Basilio, Isagani at Simoun kung saan nasabi ni Isagani na sila ay tila
isang tubig na kapagnagsama sama ay maaring lumipon sa isang maunlad na bayan at ito ring tubig na
maaring sumingaw kapag ito'y pinainit ng galit na Hindi makapapayag na makulong sa isang lalagyan.

Sa dakong hulihan may nakaupo na isang paring Pilipino ito ay si Padre Florentino na tiyuhin ni Isagani.
Si Padre Florentino ay isang payak na Pari ngunit maraming kayamanan dahil ito ay ipinamana ng
kanilang yumaong ina ng dahil sa kagalakan na pagpapari ng anak kahit na ito ay may nobya. Ginanap
ang kauna unahang misa ng Pari noong siya ay 25 taong gulanng pa lamang.

You might also like