You are on page 1of 1

ANG RETORIKA

Ang Retorika

·      Galing sa salitang Griyego na RHETOR na nangangahulugang guro o maestro na mananalumpati o


orador

·      Ang kaalaman sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat

·      Mabisa sapagkat maayos, malinaw, maengganyo, at magandang pakinggan o basahin ang pagsasabi

·      Isinasaalang-alang dito hindi lamang ang mga kaalamang gustong ibahagi, gayundin ang mga
kaalamang pangwika gaya ng palatunugan at palabigkasan kung pasalita, ng palabaybayan at
palabantasan kung pasulat, bagkos at lalo’t higit, yaong matimbang na pagpili at tamang paggamit ng
mga salita, at ang maingat at lohikal na pagbuo ng mga kaisipan – mapasapangungusap o mapasatalata.

·      Tumutukoy sasining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag upang maunawaan


at makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa.

·      Tumutukoy sa agham at sining ng pagpapahayag maging pasalita man o pasulat sa tulong ng wasto
at makabuluhang paggamit ng wika, kaagapay ng masining at mabisang estilo ng pagpapahayag

You might also like