You are on page 1of 32

Monolingguwalismo,

Bilingguwalismo,
Multilingguwalismo at
Poliglot
FRANCIS S. FERRER, MSME, LPT
Layunin:
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Matukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
monolingguwal, bilingguwal, multilingguwal at poliglot sa
pamamagitan ng isang Venn Diagram.
2. Maipagkumapara ang monolingguwalismo,
bilingguwalismo, multilingguwalismo, at poliglot.
3. Maipaliwanag ang kahalagahan ng lingguwistika at ang
konsepto nito.
Introduksyon
Ang wika ay may napakahalagang papel sa iba’t ibang
bansa. Ito ang sumasalamin sa kultura, paniniwala,
karunungan at damdamin ng mga mamamayan sa isang
bansa. Ang bawat bansa ay may kanya-kanyang
konseptong lingguwistikal. Lingguwistika ang katawagan sa
pagaaral ng mga eksperto sa wika. Sa modyul na ito ay
matutunghayan at matatalakay ang monolingguwalismo,
bilingguwalismo, multilingguwalismo at poliglot.
Pagtatalakay
Ayon kay Mangahis et al
(2005), ang wika ang midyum
na ginagamit sa maayos na
paghatid at pagtanggap ng
mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
Retrieved from: https://www.facebook.com/loslunaticosbr avos/photos /pb.1744425182468521. -
2207520000.1470777725. /1776589165918789/?type=3&theater
Pagtatalakay
Ang wika ay isang mahalagang instrumento sa isang
komunikasyon. Ang wika ay kaparis ng hininga ng kung
mawawalan nito ang tao, nangangahulugang ito ay patay.
Kaakibat nito ang mga tunog na pinagsama-sama upang
makabuo ng mga salitang nagkakaroon ng kahulugan sa
mga dayalektong sinasalita ng mga tao. Ito ang tulay upang
magkaroon ng tuwirang ugnayan ang mga tao na nagiging
paraan ng pagkakaintindihan ng isa’t isa.
MONOLINGGUWALISMO
MONOLINGGUWALISMO

Ayon kay Richards at


Schmidt (2002), ang
monolingguwal ay isang
indibiduwal na may iisang
wika lamang ang
nagagamit.
Retrieved from: http://www.readingmatrix.com/articles /shen/article.pdf
MONOLINGGUWALISMO
Mula sa salitang ‘mono’ ay magkakaroon na ng pagkakakilanlan
na ang monolingguwal ay ang pagkakaroon ng iisang
lingguwahe o wika sa isang bansa o nasyon, kung ito ay isang
monolingguwal na bansa nangangahulugang iisang wika ang
umiiral bilang wika ng komersiyo,negosyo at
pakikipagtalastasan sa pangaraw-araw na buhay ng
mamamayan nito. Bukod rito, ang gagamiting wikang panturo
sa lahat ng asignatura o larangan ay iisang wika.
MONOLINGGUWALISMO
• tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa
isang bansa.
• tulad ng isinasagawa sa mga Bansang
England, Pransiya, South Korea, Hapon at iba
pa
BILINGGUWALISMO
BILINGGUWALISMO

MGA KAHULUGAN
NITO AYON SA MGA
DALUBHASA
URIEL WEINREICH
Ayon kay Weinrich (1935), isang
Lingguwistang Polish-American na
nagsabing ang Paggamit ng
dalawang Wikang magkasalitan ay
matatawag na “Bilingguwalismo” at
ang taong gumagamit ng mga
Wikang ito ay tinatawag na
“Bilingguwal”
Retrieved from: https://prezi.com/yv3gewuuk gqb/bilingguwalismo/
LEONARD BLOOMFIELD
Ayon kay Bloomfield (1935), isang
Amerikanong Lingguwista na
nagsabing ang Bilingguwalismo ay
ang paggamit o pagkontrol ng tao
sa dalawang Wika na tila ba ang
dalawang ito ay kanyang
katutubong Wika
JOHN MACNAMARA
Ayon kay Macnamara (1967), isa ring
Lingguwistang nagsabing ang
Bilingguwalismo ay ang sapat na
kakayahan ng isang tao sa isa sa apat
na Makrong Kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng Pakikinig, pagsasalita,
pagbasa at pagsulat sa isa pang Wikang
maliban sa kanyang UNANG WIKA
COOK AND SINGLETON
mga lingguwistang nagsabi na ang
pagiging Bilingguwal ay ang taong
nakagagamit ng IKALAWANG
WIKA nang mataas sa lahat ng
pagkakataon.
BILINGGUWALISMO

May tinawag silang “Balanced Bilingual”


kung saan ang taong nagsasalita ay
nakapagsasalita o nakagagamit ng
Dalawang Wika nang halos di na matukoy
kung alin sa dalawa ang Una at ikalawang
Wika
Ano ang nalalaman mo sa
“Saligang Batas 1973,
Artikulo 15, Seksiyon 2
at 3?
“ Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa
ng mga hakbang tungo sa pagappaunlad at
pormal na paggamit ng Pambansang Wikang
Filipino. Hangga’t hindi binabago ng Batas, ang
Ingles at Filipino ang mananatiling mga Opisyal
na Wika ng Pilipinas.”
Department Order No. 25,
series1974
(Department of Education
Guidelines)
a.) Makalinang ng mga mamamayang
Pilipinong matatas sa pagpapahayag
sa Wikang. Filipino at Ingles
b.) Binigyang-katuturan ang paggamit
ng Filipino at Ingles sa magkahiwalay
na paraan bilang Panturo (naaayon sa
pangangailangan ng bawat Asignatura)
MULTILINGGUWALISMO
MULTILINGGUWALISMO
Ayon kay Leman (2014), Ang
mga tao ay maaaring matawag
na multilingguwal kung maalam
sila sa pagsasalita ng dalawa o
higit pang wika, anuman ang
antas ng kakayahan.
MULTILINGGUWALISMO
Base rito, maaaring tawaging mulitilingguwal ang isang
tao kung siya ay may kakayahang makapagsalita ng
dalawa o higit pang wika ng hindi sinusukat ang
kanyang kasanayan at kagalingan sa mga wikang ito na
kanyang sinasalita. Ito ay tumutukoy hindi lamang sa
kakayahan ng isang indibiduwal na magsalita ng isang
wika kung hindi sa kakayahan rin nitong makaunawa.
MULTILINGGUWALISMO
Ayon kay Stavenhagen
(1990), iisang bansa lamang
sa buong mundo ang
monolingguwal at laganap na
ang bilingguwal at
multilingguwal.
Retrieved from: https://prezi.com/i8xksyb0sdru/multilingguwalismo /
MULTILINGGUWALISMO
Ang lahat ng bansa maliban sa isa ay kung
hindi bilingguwal ay multilingguwal. Ito ay sa
kadahilanan ng kolonyalismo o hindi kaya
naman sa impluwensiya ng dayuhan pagdating
sa mga kalakalan.
MULTILINGGUWALISMO
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng isang wika sa
tiyak na lugar at panahon sa ibat-ibang wika.
Isang halimbawa na lamang nito ay ang iba’t
ibang rehiyon at lalawigan sa Pilipinas, ang iba
sa mga Pilipino ay hindi nalilimitahan sa Ingles
at Filipino lamang ang kanilang wika.
MULTILINGGUWALISMO
Nag-iwan ng isang kaalaman si dating
Pangulong Benigno Aquino III:
“ We should become Tri-lingual as a Country.
Learn English well and connect to the World.
Learn Filipino well and connect to our Country.
Retain your Dialect and connect to your
Heritage.”
POLIGLOT
POLIGLOT
Ayon kay Clyne (2014), kung
ang isang indibiduwal ay
bihasa sa paggamit ng iba’t
ibang wika maaari siyang
ituring na isang poliglot.

Retrieved from: https://prezi.com/i8xksyb0sdru/multilingguwalismo /


POLIGLOT
Ang poliglot ay kasingkahulugan ng multilingguwalismo sa
ilang mga salik. Dahil sa pagkakapareho ng dalawa ay
nakakalikha ito ng kalituhan sa pagtingin ng isang
indibiduwal. Ang pagkakaiba nito sa multilingguwalismo ay
ang dahilan ng isang indibiduwal sa pag-aaral ng mga
wika. Sinasangguni ito bilang isang katawagan sa taong
natuto ng maraming wika bilang isang ‘avocation’.
Sanggunian:
Grenfell, M. (1999) Modern Languages and Learning Strategies: In Theory and Practice. London: RoutledgeFalmer.
Slimani, A. (2001) ‘Evaluation of Classroom Interaction’, in Christopher N. Candlin and Neil
Mercer (eds.) English Language Teaching in its Social Context: A Reader. London: Routledge.
Prowse, P. (2005). Success with extensive listening. Retrieved May 15, 2005, from www.cambridge.org/elt/readers/prowse2.htm
Shen, Ming-yueh (2008 September) EFL LEARNERS’ RESPONSES TO EXTENSIVE READING:
SURVEY AND PEDAGOGICAL APPLICATIONS Retrieved from: http://www.readingmatrix.com/articles/shen/article.pdf
Amparado, Rainier (2016 July 10,) Monolinguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
Retrieved from: https://www.slideshare.net/RainierAmparado/monolinguwalismobilingguwalismo-at-multilingguwalismo
Richard P. Moral Jr. at Leah Farfaran (2015) Ulat sa monolinggwalismo at bilinggwalismo
http://documents.tips/documents/ulat-sa-monolinggwalismo-multilinggwalismo-atbilinggwalismo.html
Tarvina, Erold (2013 October 05,) Bilingguwalismo at Multilingguwalismo Retrieved from:
https://www.scribd.com/document/330178625/Bilingguwalismo-at-Multilingguwalismo
Good Language Learning through Cycles of Reflection and Strategy Usage (2006) Retrieved from:
http://www.birmingham.ac.uk/Documents/collegeartslaw/cels/essays/secondlanguage/KunitakeSLAPG.pdf
Wikang Pambansa, Multilingguwalismo at Inang Wika (2014 September 09,) Retrieved from:
https://prezi.com/3whqdcogbuac/wikang-pambansa-multilinggwalismo-at-inang-wikamother-ton/
Ellis, Elizabeth (2013 August 21,) Defining and Investigating Multilingualism Retrieved from:
http://www.academia.edu/10752950/Defining_and_investigating_monolingualism
Afundar, Trishia (2016 June 18,) Bilingguwalismo Retrieved from:
https://prezi.com/yv3gewuukgqb/bilingguwalismo/

You might also like