You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: _________Score: _____


Paaralan: __________________________________ Guro: __________________________

UNANG MARKAHAN
GAWAING PAGSASANAY Bilang 18

Pagsasagawa ng may Mapanuring Pag-iisip ng Tamang


Pamamaraan/Pamantayan sa Pagtuklas ng Katotohanan

Pagsasanay 1

Panuto: Lagyan ng T kung nagpapakita ng pagiging mapanurii at H


naman kung hindi.
_____1. Tinitignan ko muna ang pinanggalingan ng balita bago ko
ipost sa social media.
_____2. Bago magsagot sa aking worksheets, binabasa
ko nang mabuti ang mga panuto at katanungan.
_____3. Tinitignan ko ang mga label at expiration date ng mga
pagkain bago ko ito kainin.
_____4. Kahit na ako ay nagmamadali, sinisigurado kong
kumpleto ang aking gamit sa loob ng bag.
_____5. Kapag nakita kong nag-aaway ang aking mga kapatid,
kinakampihan ko kaagad ang unang nagsumbong.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 1


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Pagsasanay 2

Panuto: Ilagay sa loob ng kahon ang bilang ng mga pangungusap


na nagpapakita ng pagiging mapanuri at sa loob ng bilog naman
ang hindi.

1. Ginagaya ko ang lahat ng aking napanonood.


2. Kapag nagmamadaling mamili si nanay, hindi na niya
tinitignan ang expiration date ng mga pagkain.
3. Pinipili ko lamang ang mga opisyal na website ng gobyerno sa
internet upang totoo lahat ng aking impormasyong nakakalap.
4. Kapag may hindi pagkakasunduan ang aking mga kaibigan,
ito ay aking inaayos sa pamamagitan ng pakikinig sa lahat ng
panig.
5. Mas piniling bilhin ni Rochelle ang mamahaling ballpen na
may disenyo kaysa sa ordinaryong ballpen na mumurahin.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 2


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Panapos na Gawain

Panuto: Iguhit ang kung nagpapakita ng pagkakaroon ng


mapanuring kaisipan at kung hindi.

__________1. Kapag may naririnig si Ida na usapan ng kanyang


kapitbahay, tinitiyak muna niya kung ito ay totoo o
hindi bago paniwalaan.
__________2. Mas nais bilhin ni Arida ang mga laruan kaysa sa
mga pagkain.
__________3. Kinikilatis muna ni Nanay Beth ang mga isda bago
bilhin.
__________4. Bago uminom ng gamot si Elsa, nagpapatingin
muna siya sa doktor.
__________5. Pinanonood ni Jose ang mga panoorin na may
karahasan at kaniya itong ginagaya.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 3


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

You might also like