You are on page 1of 3

Mataas na bundok ngayo’y patag.

Disyerto na ang masukal na gubat.

Tag-lamig ay tag-init.

Tag-ulan ay tag-araw.

Ano ba ito ang gulo gulo ang gulo gulo (2x)

Baliktad na ang mundo (2x)

Mga Kriminal ang Malaya.

Ang nakakulong walang sala.

Ang tama ay mali.

Ang masama ay Mabuti.

Kriminal ang pinaniniwalaan.

Magnanakaw ang pinagtitiwalaan.

Sa lipunang ito.

Sila ay kinararangalan.

Ano ba ito ang gulo gulo ang gulo gulo (2x)

Baliktad na ang mundo (2x)

May mamang bugbog sarado.

Hawak ng pulis sa braso.

Sila’y sumisigaw.

Humihingi ng saklolo.

Mamatay tao ay pinupuri.

Ang mga biktima’y sinisisi.

Ang naagrabyado sinasampahan ng kaso.


Ano ba ito ang gulo gulo ang gulo gulo (2x)

Baliktad na ang mundo (2x)

Matuwid ay nasa impiyerno.

Baluktot ay nasa palasyo.

Anghel ng tumakbo.

Halimaw ng maupo.

At minsan nagsimba ang demonyo.

Lumuhod, pumikit parang santo.

Matapos magdasal, nagmano kay opispo.

Ano ba ito ang gulo gulo ang gulo gulo (2x)

Baliktad na ang mundo (2x)

Ang mandaraya ay parehas.

At ang dagdag ay bawas.

Panalo ang talo.

Ang peke ginawang toto.

Taksila ang ginagawang huwaran.

Bayani ang pinarurusahan.

Sa halip na Pilipino.

Tsino at kano ang amo.

Ano ba ito ang gulo gulo ang gulo gulo (2x)

Baliktad na ang mundo (2x)

Galit sa corrupt at magnanakaw.


At lagi pa niyang minumura.

Ngunit sa mga Marcos ay todo suporta

At matapos palayain si Arroyo.

Druglord na umamin inabsuwelto.

Utak sa pork barrel scam ay naging testigo.

Ano ba ito ang gulo gulo ang gulo gulo (2x)

Baliktad na ang mundo (2x)

Ekonomiya ay sumusulong.

Ang mamayan ay nagugutom.

Ang ayaw sa droga.

Sabog kung magsalita.

Ano ba ito ang gulo gulo ang gulo gulo (2x)

Baliktad na ang mundo (2x)

You might also like