You are on page 1of 7

GRADE IV

PAGPAPARAMI NG HALAMAN

ALAMIN MO

Sa modyul na ito tatalakayin ang mga hakbang sa pagpaparami ng mga halaman.


Ipapaliwanag ang mga hakbang na naaangkop sa natatanging uri at pangkat ng mga
halaman. Bibigyang-diin ang mga hakbang sa pagpaparami, sa pamamagitan ng
pagpapatubo ng buto, sa pagpuputol ng sanga, at sa paghihiwalay sa lamang-ugat.

Tatalakayin din dito ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa


pagnanarseri. Matututuhan mo ang mga dapat gawin upang maging tagumpay ang
gagawin mong pagpaparami ng halaman. Magpatuloy upang matutuhan mo.

1
PAGBALIK-ARALAN MO

Isulat sa iyong kuwaderno ang tamang sagot ng mga sumusunod:

1. Ang lugar ay angkop pagtamnan kung __________.

A. masikip
B. lubak-lubak
C. nasisikatan ng araw
D. lahat ng nabanggit

2. Ang lupang pagtatamnan ay dapat __________.

A. Pino
B. magaan
C. buhaghag
D. lahat ng nabanggit

3. Ang sukat ng halamanan ay naaayon sa laki ng bakuran at __________.

A. payo ng kaibigan
B. katulad ng sa kapit-bahay
C. kagustuhan ng mag-anak
D. wala sa mga nabanggit

4. Mahalaga ring ang lugar ay malapit sa __________.

A. palaruan
B. bahay ng kaibigan
C. pinagkukunan ng tubig
D. lahat ng nabanggit

5. Kung ang lugar ay angkop sa pagtatanim __________.

A. Tutubo at lalaking malulusog ang mga pananim


B. Magiging maunlad ang paghahalaman
C. Magiging kawili-wili at kasiya-siya ang paghahalaman
D. Lahat ng mga nabanggit

2
PAG-ARALAN MO

Maraming paraan ng pagpapatubo ng bagong halaman para sa inyong bakuran. Ilan sa


mga paraan na ito ay ang mga sumusunod:

1. Mula sa Buto

Ang mga buto na nanggagaling sa bulaklak o bunga ng mga halaman ay


karaniwang nagiging bagong halaman kung ibabaon sa lupa. Ang butong itatanim
ay dapat na nanggaling sa malusog at magulang na halaman. Ibabad nang
magdamag ang mga buto upang palambutin ang bahaging panlabas nito bago
itanim sa lupa. Halimbawa ng mga gulay na tumutubo nang mahusay sa
pamamagitan ng buto ay ang petsay, ampalaya, sitaw, kamatis, kalabasa, patani,
sigarilyas, bataw at upo.

2. Mula sa Sanga

May mga halamang tumutubo sa pamamagitan ng pagputol ng sanga.


Kinakayasan ang dulo at ibinabaon sa lupa. Ito ang tinutubuan ng ugat at nagiging
bagong halaman. Kapag sanga ng halaman ang itatanim, piliin ang
pinakamagulang na bahagi nito. Tapyasin nang pahilis ang dulo at ibaon nang
patayo sa lupa hanggang sa kalahatian ng sanga. Ang talinum, kamote, kangkong,
malunggay at alugbati ay napaparami sa pamamagitan ng kanilang talbos. Pitasin
nang mga isang dangkal ang talbos at itanim ito. Tabunan ito nang maayos at
diligin. Ang mga halamang bulaklak na napaparami sa pamamagitan ng sanga ng
Bougainvilla, San Francisco, Santan, Rosas, Sampaguita, Yellow Bell at
kamoteng kahoy.

3. Mula sa Bunga

Ang mga halamang may bungang-ugat ay karaniwang itinatanim sa pamamagitan


ng pagbabaon ng kanyang bunga sa lupa. Ang bungang-ugat na gagamitin ay
dapat malusog at magulang upang ang pag-usbong ng bagong halaman ay maging
mabilis. Ang halimbawa ng mga ito ay ang patatas, ube at gabi.

4. Mula sa Ulo ng Halaman

Ang mga halaman tulad ng bawang at sibuyas ay halimbawa ng mga halamang


may ulo. Mula sa mga ito tumutubo ang mga bagong tanim.

3
SUBUKIN MO

A. Ngayon ay alam mo na ang ilang gawain sa paghahalaman, hindi ba? Maaari ka


nang magparami ng mga halaman sa inyong bakuran. Kopyahin mo sa kuwaderno
at ituloy ang talahanayan. Isulat kung ano ang halamang itinatanim.

Mula sa Buto Mula sa Sanga Mula sa Bunga Mula sa Ulo


1. petsay 1. kamote 1. gabi 1. sibuyas
2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4.
5. 5. 5. 5.

B. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Piliin at isulat ito sa iyong


kuwaderno.

1. Ang mahusay na lupang pagtataniman ay kailangang _____.

A. malagkit at mataba
B. matigas at mabuti
C. buhaghag, at mataba
D. mabato at magaspang

2. Aling bahagi ng kamote ang angkop na itanim _____.

A. talbos
B. bulaklak
C. lamang ugat
D. magulang na sanga

3. Ang lugar na mabuting pagtaniman ng mga punla ay _____.

A. malilim
B. masikip
C. nasisikatan ng araw
D. nadadaluyan ng tubig

4
4. Ang bagong lipat na punla ay tinatakpan ng saha ng saging upang hindi
malantad sa _____.

A. ulan
B. hangin
C. araw
D. hamog

5. Ang lupang pinagtataniman ng punla ay ginagamitan ng _____ upang


maging malusog at mabilis ang pagtubo ng halaman.

A. abono
B. ilaw
C. plastik
D. kawayan

6. Ang malunggay ay pinatutubo sa pamamagitan ng _____.

A. ugat
B. talbos
C. pagpapaugat
D. sanga at buto

7. Ang okra, sayote, upo at patani ay _____.

A. lamang-ugat
B. bungang kahoy
C. bungang gulay
D. dahong gulay

8. Ang ampalaya at munggo ay pinatutubo sa pamamagitan ng _____.

A. buto
B. ugat
C. sanga
D. talbos

9. Ang San Francisco, Santan, Rosas at Sampaguita ay pinararami sa


pamamagitan ng _____.

A. buto
B. ugat
C. talbos
D. sanga

5
TANDAAN MO

May iba’t ibang paraan ng pagpaparami ng halaman na


dapat gawin sa wastong paraan. May mga halaman na
pinaparami sa pamamagitan ng buto. Mayroon naman
sa pamamagitan ng sanga o talbos at mayroon din sa
ulo at lamang-ugat.

PAHALAGAHAN MO

1. Ano-ano ang mga napag-aralan mong paraan ng pagpaparami ng halaman?


2. Sa mga paraang natutuhan mo, ano ang gusto mong gawin na paraan?
3. Nakakatulong ba ito para sa ikauunlad ng kabuhayan?
4. Kung ikaw ay papipiliin, ano ang gusto mong paramihin? Bakit?
5. Isulat ang iyong katwiran sa kuwaderno.

GAWIN MO

 Awitin sa himig ng “Paruparong Bukid.”

Magparami tayo ng mga halaman


Halamang gulay sa ating bakuran
Maraming paraan maaaring sundin
Mula sa sanga, bunga at buto

Ating paramihin ang mga halaman


Ito ay katulong sa ating pamumuhay
Kabuhayan nati’y uunlad nang lubos
Tayo’y giginhawa’t magiging masaya

6
 Mangolekta ng mga iba’t ibang buto. Gumawa ng isang maganda at kaaya-
ayang album sa pamamagitan ng mga buto na iyong nakolekta.
Kulayan ito para maging maganda.
Idikit ito sa isang kartolina.

 Kumuha ng dahon ng gulay na may magandang hugis at kulay at ilagay sa isang


album.

PAGTATAYA

Markahan ang sarili ayon sa iyong nagawa sa pamamagitan ng tseklist.

Mga Kriterya Oo Hindi Hindi


Tiyak
1. Malusog at magulang ang ginamit na butong
pararamihin
2. Nabababad nang magdamag ang buto bago itanim upang
lumambot
3. Ang butong ginamit ay tiyak ang pinanggalingan
4. Ang sanga ng halaman ay may usbong sa tagiliran at
dulo
5. Naputol ang isang dulo ng sanga nang pahilis bago
tinanim sa lupa
6. Ang bungang-ugat ay malusog at magulang
7. Gumamit ng akmang kasangkapan sa pagpaparami ng
halaman
8. Gumamit ng tamang kasuotan sa pagpaparami ng
halaman
9. Nilinis ang kasangkapang ginamit bago itago
10. Natutuwa sa ginawang pagpaparami ng halaman

You might also like