You are on page 1of 2

Kabanata 21

ANG TABERNAKULO

Nakipag-usap si Jesucristo kay Moises sa Bundok ng Sinai. Sinabi ni Jesus na


ang mga Israelita ay kailangang gumawa ng tabernakulo. Ang tabernakulo ay
isang lugar kung saan maaaring matuto ng tungkol sa Diyos. Si Jesus ay
pupunta sa tabernakulo.

Ipinakita ni Jesus kay Moises kung paano ang dapat na maging ayos ng
tabernakulo. Sinabi Niya kay Moises kung paano gagawin ito. Sinabi ni Jesus
kay Moises kung sinu-sino sa mga kalalakihan ang dapat gumawa ng
tabernakulo. Binasbasan ni Jesus ang mga kalalakihan upang sila ay
makagawa nang mabuti.
Exodo 24:16;  25:1–9;  35:30–35

Sinunod ng mga Israelita si Jesus. Nagbigay sila ng mga ginto at pilak para sa
tabernakulo. Nagbigay sila ng mga balat ng hayop para sa bubong. Gumawa
ang mga kababaihan ng magagandang tela para sa dingding.
Exodo 35:21–29

Ginawa ng mga Israelita ang tabernakulo ayon sa paraang sinabi sa kanila ni


Jesus. Ang tabernakulo ay parang isang tolda. Ito ay may dingding na mga
kurtina. May isang bakuran sa loob ng pader. Isang dambana para sa pag-
aalay ang nasa loob ng bakuran.
Exodo 36–39

May isang maliit na gusali sa bakuran. Ito ay para ring isang tolda. Ito ay may
dalawang silid. Isang dambanang ginto ang nasa isang silid.
Exodo 36–39
Isang maganda at malaking kahon ang nasa kabilang silid. Ito ay tinawag na
kaban ng tipan. Ang mga bato kung saan nakasulat ang mga kautusan ay
nakatago sa kaban ng tipan.
Exodo 36–39

Masaya si Moises sapagkat sinunod ng mga Israelita si Jesus. Binasbasan ni


Moises ang mga tao. Binasbasan niya ang tabernakulo. Binasbasan niya si
Aaron at ang kanyang mga anak na lalaki at binigyan sila ng pagkasaserdote.
Pumili si Jesus ng iba pang kalalakihan upang tumulong sa kanila. Si Aaron at
ang kanyang mga anak na lalaki ay nagsusunog ng mga alay para sa mga tao.
Ang ibang kalalakihan ay tumutulong upang pangalagaan ang tabernakulo.
Exodo 39:32, 42–43;  40:9–16

Ang tabernakulo ay isang banal na lugar katulad ng templo. Nagpunta si


Jesus doon. Nagpupunta ang mga tao roon upang matuto tungkol sa Diyos at
upang gawin ang Kanyang gawain. Sila ay nag-aalay roon.
D&C 124:38;  Exodo 40:34;  Levitico 1

Naglalagay si Jesus ng ulap sa itaas ng tabernakulo tuwing araw. Naglalagay


Siya ng apoy sa itaas ng tabernakulo tuwing gabi. Ang apoy at ulap ay
nagpapakita sa mga Israelita na si Jesus ay naroroon.
Exodo 40:34, 38

Kapag gumalaw ang ulap, itinitiklop ng mga Israelita ang tabernakulo.


Dinadala nila itong kasama nila sa ilang. Sinusundan nila ang ulap.
Exodo 40:36–37

You might also like