You are on page 1of 14

25 Nang Maghahating- gabi na, sina Pablo at

Silas ay nananalangin at umaawit ng mga


himno, at nakikinig naman ang mga bilanggo.
26 Walang anu- ano’y lumindol nang malakas
at nayanig pati ang mga pundasyon ng
bilangguan. Biglang nabuksan ang mga pinto
at nakalag ang mga tanikala ng lahat ng
bilanggo.
27 Nagising ang bantay ng bilangguan, at
nang makita niyang bukás ang mga pinto,
inakala niyang nakatakas ang mga bilanggo.
Dahil dito'y binunot niya ang kanyang tabak
at magpapakamatay na sana. 28 Ngunit
sumigaw si Pablo, “Huwag mong saktan
ang iyong sarili! Narito kaming lahat!”
29 Humingi ng ilaw ang bantay, patakbong
pumasok at nanginginig na nagpatirapa sa
harapan nina Pablo at Silas. 30 Sila ay
inilabas niya at sinabi, “Mga ginoo, ano po
ang dapat kong gawin upang ako'y
maligtas?”
31 Sumagot naman sila, “Sumampalataya ka sa
Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang
iyong sambahayan.” 32 At ang salita ng
Panginoon ay ipinahayag nila sa kanya at sa
lahat ng nasa kanyang bahay. 33 Nang gabi ring
iyon, hinugasan ng bantay ang kanilang mga
sugat at siya'y nagpabautismo, pati ang buo
niyang sambahayan.
34 Pagkatapos, sila ay isinama niya sa
kanyang tahanan at ipinaghanda ng pagkain.
Masayang-masaya ang bantay at ang
kanyang buong sambahayan, sapagkat sila'y
nakakilala sa Diyos. 35 Kinaumagahan,
inutusan ng mga pinuno ng lunsod ang mga
kawal na palayain sina Pablo at Silas.
36 Kaya't sinabi ng bantay ng bilangguan kay
Pablo, “Iniutos po ng mga pinuno na palayain
na kayo. Lumabas na kayo at umalis nang
mapayapa.” 37 Subalit sinabi ni Pablo sa mga
kawal, “Ipinahagupit nila kami nang hayagan at
ipinabilanggo nang hindi man lang nilitis
gayong kami'y mga mamamayang Romano! At
ngayo'y palihim nila kaming palalayain!
Hindi maaari! Sila ang pumarito at magpalaya
sa amin.” 38 Ipinaalam ng mga kawal sa mga
pinuno ng lunsod ang sinabi ni Pablo, at
natakot ang mga iyon nang malamang sina
Pablo at Silas pala ay mamamayang Romano.
39 Kaya't sila'y pumunta sa bilangguan at
humingi ng paumanhin sa dalawa.
Inilabas nila sina Pablo at Silas at
pinakiusapang lisanin ang lunsod.
40Pagkalabas ng bilangguan, sina Pablo at
Silas ay nagtuloy sa bahay ni Lydia at
dinatnan nila roon ang mga kapatid. Bago
umalis ang dalawa, pinagbilinan nila ang mga
kapatid na magpakatatag sa pananampalataya.
KALMADO SA
PANAHON NG
KALAMIDAD
Gawa16:25-40
SINO SA ATIN ANG
TUNAY NA MATATAG ANG
PANANAMPALATAYA SA
PANAHON NG KALAMIDAD?
ANG SINUMANG HANDANG
HUMINGI NG SAKLOLO
SA DIYOS SA PANAHON
NG KALAMIDAD
ANG SINUMANG HANDANG
MAGHIKAYAT SA IBA PARA
SUMAMPALATAYA SA
DIYOS SA PANAHON
NG KALAMIDAD
“Ang paghingi ng saklolo kay Jesus
ay pananalig sa Kanyang magagawa
bilang Diyos at ang paghihikayat na
manampalataya kay Kristo ay
pagtitiwala sa kanyang mga Salita
na Siya ang tanging Tagapagligtas.”
MAGING KALMADO
SA PANAHON NG
KALAMIDAD DAHIL
ANG KASAMA NATIN
AY SI KRISTO

Gawa16:25-40

You might also like