You are on page 1of 2

NOLI ME TANGERE: KABANATA 32: ANG “KABRIA”

Nagmula sa Aklat ni Jose Rizal

Iskrip: Earlbert Cedrick V. Galano

Tagapagsalaysay: Tinayo ng lalaking madilaw ang kasangkapang nasa ibabaw ng hukay at paghuhugusan
ng malaking bato. Kung saan dito niya inilagay ang isang napakalaking kalo.

Nyor Juan: Ginoo napahanga mo ako sa iyong ginawa, isa kang magiting na lalake pagpalain ka nawa ng
maykapal.

Taong Madilaw: Maraming salamat po Nyor Juan at nagustuhan nio ang kalong aking ginawa.

Nyor Juan: Teka lang kanino mo ba natutunan ang kaalaman na yan sa paggawa ng napakagandang
panghugos?

Taong Madilaw: Natutunan ko po ito sa aking ama at natuto ang ang aking ama sa ninuno ni Ginoong
Crisostomo.

Tagapagsalysay: At sa pagbigkas ng pangalang Crisostomo Ibarra ay isang mahiwagang ngiti ang gumuhit
sa labi ng Taong Madilaw.

Nyor Juan: Hindi ko alam na si Don Saturnino pala ay marunong.

Taong Madilaw: Opo, Siya’y higit na marunong. Marunong siyang mamalo, gumising sa natutulog at
marunong din siyang magpatulog ng gising. Ang itinuro sa aki’y makikita din niyo balang araw.

Tagapagsalaysay: Sa kabilang banda, nakahanda naman sa mga kiyosko ang masarap na agahan. May
dulang na puno ng mga matamis at tubig, Dumating na ang banda ng musiko na pinangunahan ng
maraming bata at matanda. Dumalo si Elias hindi siya makilala sa anyong taga bukid Lumapit siya sa tabi
ng magpapakilos sa kalo na malapit sa hukay.
Padre Salvi: Halina kayo’t sisimulan ko na ang seremonya.

Tagapagsalaysay: Binasbasan ni Padre Salvi ang lugar at sinumulan ang seremonya. Pagkatapos ng
seremonya dumating ang Alkalde ng kanilang lugar at nagbigay ng mensahe sa mga tao.

Alkalde: Ngayo’y itinatayo natin ang isang paaralan. Sa paaralan nakasalalay ang lipunan at siyang aklat
na nagtatakda sa kinabukasan ng bayan. Magpasalamat kayo sa Espanyang nagsisikap para sa inyong
kaunlaran. Mabuhay ang Hari! Mabuhay ang Espanya! Mabuhay ang relihiyong katoliko!

Tagapagsalaysay: At nagsigawan din ang mga tao. Pag katapos ng mensahe ng Alkalde ay sunod-sunod
na silang naglagay ng palitada sa kalo. Nauna ang alkalde at sumunod ang mga pari at ang Kapitan.

Alkalde: Ginoong Crisostomo kayo naman po ang maglagay.

Tagapagsalaysay: Sa palapit na Crisostomo ay may malakas na hangin ang narinig at bumagsak sa lupa
ang buong makinarya.Tumakbo ang mga tao at nagdilim ang paligid dahil sa alikabok. Pagkawala ng
alikabok nakita nilang nadaganan ang Taong madilaw ng makinarya at nawalan na ng hininga.

Pilosopo Tasyo: Ito ay masamang panimula.

You might also like