You are on page 1of 82

"Paghanga lang naman...

Wala namang masama kung humanga ako sa boyfriend ng


kakambal ko diba?" -Lucretia

DANCING WITH THE FIRE

(The Good Lucretia's Story)

PROLOGUE

Yakap-yakap niya na ang mainit na katawan ng binata.

"Kahit di kita nakikita ...hindi ko pa din maalis sa isip ko ang maganda mong
mukha... Ayesha..." anas nito.

She shrugged blankly. Yes she's Ayesha...

Niyakap niya papalapit sa kaniya ang lalaki.

"Hindi kita iiwan ..." Bulong niya.

Lalong humigpit ang pagkakayapos nito sa kaniyang katawan na tila ba ayaw na siyang
pakawalan pa.

Ang gwapong mukha ng lalaki.

Ang matangos na ilong at mapupulang labi... Ang lahat ng parte ng mukha nito na
pinangarap niya ng matagal na panahon at lihim na pinagnanasahang mahalin...

Unti-unting bumagsak ang kaniyang pinipigil na luha sa kaniyang mga mata.

Kumurap-kurap siya...

It was a long time ago...

Ngayon pikit-mata siyang magtatampisaw sa kasalanan... Pero wala siyang


pagsisisihan. Dahil nasa kaniya na... Nasa kaniya na ang isang bagay na matagal
niya ng inaasam at kina-iinggitan sa kaniyang kakambal... 'yon ay ang puso ni
Jerico!
[A/N: Story was first published in JF Stories community written by : JamilleFumah
all rights reserved 2013 . This story contains mature contents that is not suitable
for the young readers under age 16. Read at your own risk.]

Original Work of JamilleFumah. All Rights Reserved 2013.

No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the
author's consent. Please obtain permission. BOOK: Names, characters, places and
incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any
resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely
coincidental.

STORY UNDER :SPG16 Read at your own risk. Thank you!

FB Page: JamilleFumah

FB Group: JFamily Wattpad

Twitter: @jfstories ...1

It was a long time ago...

Hindi niya na maalala pa kung gaano na katagal ng maramdaman niya ang kakaibang
pait sa kaniyang puso.

Wala na silang mga magulang ng kaniyang kakambal. Sila na lamang dalawa ang
natitira ni Ayesha sa mundong ito kung kaya't mas madali na para sa mga tao na
husgahan silang dalawa.

Dehado nga lamang siya sa mga panghuhusgang iyon dahil palaging ang kakambal niya
ang bida sa bawat tsismisan ng mga tao. Sabagay hindi niya masisisi ang mga tao
kung tingin nila ay mas matalino ,mas maabilidad at mas maganda si Ayesha kesa sa
kaniya.

Bata pa lamang siya ay nararamdaman niya na iyon. Inggit man iyon o hindi ay ayaw
niya ng isipin pa ang kakaibang damdaming iyon.

Si Ayesha ang mas maganda sa kanila kahit pa kambal sila.

At siya? Well ,isang hamak na anino lamang ng kaniyang kakambal... aninong hindi
man lang napapansin ng mga taong nakapaligid sa kaniya at hinahangaan siya.

Bakit nga ba?


Everybody treated me differently...

Magkamukha naman kami ah? Kambal nga diba?

Mga bulong na kaniyang nadidinig na sumusugat sa kaniyang pagkatao.

Sabi nila mas may future raw sa kaniya ang kaniyang kapatid.

Bakit ako ba walang magandang future? dahil ba naiwan ako dito sa probinsya at
unti-unti ng nalolosyang sa aking propesyon bilang isang guro ng aming bayan? at
sya naman ay sikat na modelo na sa Maynila at nakarating na sa ibat-ibang bansa.
Nakakapagsuot ng magaganda at imported na damit? Naka-kotse at may mayayamang
manililigaw? May nanliligaw din naman sa akin ah! Magkamukha kami... maliban sa mas
palaban sa buhay si Ayesha.

At ako.... si Lucretia... Isa lamang akong simpleng babae.

"Lucretia my dear!!!" Ayesha is coming.

Narinig ko na ang busina ng kaniyang magarang sasakyan at ang mga boses ng mga
tsismosa naming kapit-bahay.

Super sexy ng aking kakambal sa suot nyang hapit na dress. Kulay violet ito at
talagang napalitaw ang kanyang taglay na kaputian. Bahagya pang luwa ang clevage ng
babae. Mahaba at tuwid na tuwid ang buhok nitong hanggang puwitan ata ang haba. At
napakataas ng kaniyang takong.

Dagdag pa ang pulang lipstick at itim na itim na shades.

Modelong-modelo talaga...

"Hi Yesh..." Bati ko sa kaniya.

Hinubad ko ang aking reading glasses. Paanoy abala ako noon sa pag gawa ng lesson
plan ng aking klase... Kumunot ang noo ni Ayesha at bahagya akong tinaasan ng
kilay.

"Oh my Goodness Lucz!" Lucz.. Muntik na syang matawa sa tawag nito sa kaniya...
Kailan pa nagging 'Lucz' ang pangalan niya?

Tumayo ako para halikan siya sa pisngi pero umiwas siya na tila diring-diri sa
akin.

"Ang oily ng mukha mo!!!" sigaw nito na halos ikabingi ko.

Crime na ba ang pagiging oily face?

"Pwede ba Lucretia! Tumingin ka ngasa salamin! Look at you! mukha ka ng 40 years


old manang! Oh my God Sis! We are only 22! Ano na lang ang maiisip ng mga katrabaho
at kakilala ko sa Manila pag makita ka nila??? Baka mapagkamalan ka pang nanay ko
kesa kakambal ko eh!" Litanya nito.

Ouch... grabe naman.

"Wala tayong magagawa ganito na talaga ko... Hindi naman ako mahilig mag ayos...
Tsaka hindi naman alam sa Maynila na may kakambal ka diba?" Walang gana nyang sagot
dito.

"Nasaan ang mga damit at make ups na ibinigay ko saiyo? Di mo man lang ba ginamit?"
Inis na sumbat nito. Di siya sumagot dahil totoo namang hindi niya man lang nagamit
ang mga iyon."My God Lucretia!!! Wala ka na talagang pag-asa!"

Thanks but no thanks... I'm contented na kung ano ako. Bulong ng kaniyang isipan.

JAMILLEFUMAH

...2

TUMAYO si Ayesha at dinampot ang bag nito sa upuan. May kinuha ito sa loob niyon at
iniabot sa kaniya. Takang kinuha naman niya ito.

"Tingnan mo iyong wall paper ng cellphone ko.BF ko yan! Guwapo noh? Jerico ang name
niya. Sis take note! Very rich yan! Anak ng isang mayamang businessman!"
pagmamalaking kwento nito. Paikot-ikot ito sa harapan ng salamin.
Napatitig naman siya sa cellphone na hawak.

Tila nabato-balani siya sa larawang naroon. Ang gwapo nga ng lalaki. Hindi niya
namalayang kanina pa siya nakatulala sa cellphone ng kaniyang kakambal.

"Hoy Lucretia, bakit hindi ka na nagsalita diyan." Pukaw sa kaniya ng kakambal.

Natauhan naman ang dalaga at binitawan ang cellphone. "Ah eh... Nabigla kasi ako sa
picture niya. May kamukha kasi ang boyfriend mo na kakilala ko. Akala ko kasi siya
iyon eh." Pagdadahilan niya.

"Excuse me! Walang kapareho ang mukha ng boyfriend ko, kasi nag-iisa lang iyan sa
mundo ano!" mataray na sabi nito.

Nanatili namang tahimik lang si Lucretia. Hindi siya mabilis humanga sa isang
lalaki pero ngayon parang may kakaibang damdaming rumagasa sa kaniya na hindi niya
pa magawang pangalanan sa ngayon.

"Iniwan ko lahat ng boyfriends ko para sa lalaking iyan! Sobrang gwapo at buhay na


buhay na ako sa kayamanan ng mokong na iyan. Siya nga ang bumili ng car na gamit ko
ngayon eh!" Pagyayabang ni Ayesha.

Bruha... playgirl pa rin pala. Palihim nyang inilagay pa-bluetooth ang picture na
yun sa kanyang celphone.

Wala naman masama sa paghanga hindi ba?

Si Jerico Mendez ang kauna-unahang lalaki na tumagal sa kanyang kakambal.

Mahal nga siguro ito ni Ayesha...

Mukha namang masaya ang babae sa binata. Laging ito ang laman ng mga kwento nito sa
araw-araw na tumatawag ito sa kaniya o kaya naman pag umuuwi ito sa kanilang
probinsya.

"Alam mo Lucz! Napaka yaman niya talaga... Ipinasyal nya ako sa Hongkong tsaka sa
Paris! Tapos ibinili niya ako ng isang dosenang mamahaling sapatos! Grabe para
akong prinesang sunod sa layaw at ikukuha niya daw ako ng sariling condominium unit
sa QC! Oh diba? Naku kinaiinggitan ako ng mga co-models ko! Napaka-swerte ko kay
Jerico! Gwapo na ubod pa ng galante." Nagnining-ning ang mga mata nito habang
nagku-kwento.

"Mukha kang pera..." Wala sa loob na naisagot niya sa kakambal. Paano ba'y puro na
lang tungkol sa mga materyal na bagay ang bukang-bibig nito.
"Bruha! Ganoon talaga!" Sagot nitong tila natuwa pa sa kanyang sinabi. "Well I can
say ... He is the man everything a woman could ask for. But... wala pa namang
nangyayari sa aming dalawa." Humagikhik pa ang babae na animo'y kinikliti.

Naiiling na lang sya sa mga inuugali ng kakambal.

Bakit wala man lamang siyang naririnig na something romantic tungkol sa kanilang
dalawa?

DUMATING na ang araw na nakita nya sa personal si Jerico...Isinama ito ni Ayesha sa


eskwelahang pinagtuturuan niya. Sinundo siya ng dalawa matapos ang kaniyang klase.

Sabog-sabog ang basta na lamang ipinuyod niyang buhok at medyo oily pa nga ang
kaniyang maputlang mukha. Wala maski lipstick o kahit kakaunting pulbo. Dagdag pa
ang kaniyang makapal na reading glasses na tumatakip sa kaniyang magagandang mata
at ang suot nyang Teacher Uniform.

Ano pa bang maasahan sa kanyang itsura? Wala diba?

"Hi..." Nahihiyang bati niya rito.

Ngumiti ang binata at inilahad ang kamay nito sa kaniya.

Nahihiyang nakipagkamay siya rito... Pati mga kalyo niya sa kanyang palad ay tila
nahiya sa kalambutan ng palad ng lalaki.

"She's my twin honey!" Pakilala ni Ayesha sa kaniya.

"Kamukhang-kamukha mo siya... Maganda din siya like you." He said.

Nag-blush sya sa simpleng papuring yon. Umingos naman ang nguso ni Ayesha, parang
di nagustuhan ang sinabi ng Boyfriend. "I beg to disagree!" Tutol nito.

Tumawa si Jerico sabay yakap kay Ayesha. Halos maglampungan na ang dalawa sa
kaniyang harapan.

"Lucretia, kilala mo na siya diba? He's my boyfriend Jerico." Nakangiting baling


ni Ayesha sa kaniya.

Tumango lamang siya. "Tayo nang umuwi..." Yaya niya.

Napaka gentle man ni Jerico at spoiled na spoiled ang kanyang kambal sa binata.
Batid niyang mabait na tao si Jerico at nasa mabuting kamay ang kaniyang kakambal.

The insecurity managed to break through her amorousness. Tinitigan niya ang mukha
ng binata.

Mas gwapo ito sa personal kesa sa picture...

Nagbibiruan at naghaharutan ang mga ito sa loob ng kotse, tahimik lamang siya na
kunwari ay abala sa pagtingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

She heared him chuckle which sounds very sexy. Ngayon mas lalo siyang naiinggit kay
Ayesha... Inulan na ata ito ng biyaya.

Nang makarating na sila sa bahay ay nagpatiuna na siyang pumasok sa loob.

Dumiretso na siya sa kusina upang ipaghanda ng miryenda ang dalawa. Mabilis ang
kabog ng kaniyang dibdib dahil sa pagkakaharap nila ng lalaki kanina. Nararapat
lamang na sikilin niya ang umuusbong na damdamin dahil alam niyang mali iyon.

"Lucretia! Halika dito. Makipagkuwentuhan ka sa amin." Tawag ng binata.

Nilingon niya ang dalawa. Nakaupo ang mga ito sa sopa. Dinala niya ang tinapay at
itinimplang juice sa sala kung saan naroon ang mga ito.

"Oh heto, magmiryenda muna kayo." Inilapag niya sa lamesita ang dala-dala.

"Thank you sis." Nakangiting pasasalamat ni Ayesha.

"Why don't you join us?" tanong ng binata at umakbay sa girlfriend subalit sa
kaniya naman nakatingin.

Tila napapasong umiwas ng tingin si Lucretia.

Wala siyang nagawa kung hindi sumabay sa pagmi-meryenda ng dalawa. Pakiramdam niya
ay nagkamali siya ng pasya dahil mistula lamang siyang dekorasyon sa tabi ng mga
ito. Nanliliit siya sa nakikitang paglalampungan nina Ayesha at Jerico.

Sana totoo ang nararamdaman nyang tila ba palihim syang tinitingnan ng binata...

Naulit pa nga ang pagsasama nito sa boyfriend.

Halos every weekend ay nasa bahay nila ito.

Madalas ay nagdadahilan na lamang siya na masama ang pakiramdam upang makaiwas


kagaya ng araw na iyon.
Narinig niya ang paghinto ng pamilyar na sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Agad
siyang nagtalukbong ng kumot. Nasa loob siya ng kwarto niya ng mga oras na iyon at
nakahiga.

May sariling susi ang kakambal kaya't makakapasok pa rin ang dalawa kahit na hindi
niya ito pagbuksan na pinto.

Makaraan pa ang ilang minuto ay naulinigan niya na ang boses ng kakambal.

"Lucretia are you there?!" bumukas ang pinto ng silid kasabay ng pagliwanag ng
paligid.

Nasilaw na bumangon siya sa kaniyang kama dahil sa pagbukas ni Ayesha ng ilaw.


Nagkunwari siyang galing sa pagkakatulog at naghikab pa. "Andiyan ka pala. Masama
kasi ang pakiramdam ko."

"Lumabas ka andiyan si Jerico." Nakangiting sabi ng kakambal niya.

Umiling lamang siya at muling nahiga. "Masama nga ang pakiramdam ko eh. Kaya mo na
iyang mag-isa." At nagtalukbong na siya ng kumot.

Narinig na lamang niya ang pagsara ng pinto.

Pinilit niyang ipikit ang mga mata pero si Jerico lamang ang nakikita niya. "Hindi
maaari. Kailangang paglabanan ko ito." Sa loob-loob ni Lucretia ay kailangan niyang
iwasan ang binata.

Dumaan ang mga oras ay nagpasya siyang bumangon at sumilip sa bintana. Tama nga ang
hinala niya na pauwi na ang binata pero kataka-takang mukhang magpapa-iwan yata ang
kaniyang kapatid. Marahil ay wala itong trabaho sa maynila sa mga susunod na araw.
Sabagay sa yaman ni Jerico ay hindi naman na kailangan pang magtrabaho ni Ayesha.

Palihim niyang sinilip ang dalawa.

Nakita niyang nagpapaalam na ang binata pero kinabig pa ito ni Ayesha upang siilin
ng halik sa mga labi.
Sobrang agresibo ng kaniyang kakambal na halos ito na mismo ang yumayakap at
humahalik sa lalaki.

Bigla siyang nakaramdam ng pagka-asiwa sa nakikitang mainit na tagpo.

Pakiramdam niya ay may kumurot din sa kaniyang puso na alam niyang mali dahil wala
naman siyang karapatan sa lalaki.

JAMILLEFUMAH

...3
BUMALIK siya sa kama at humiga.

Ilang sandali ay naramdaman niyang pumasok na ng kwarto ang kakambal. Nakahinga


siya ng maluwag, atleast hanggang halikan lamang pala ang dalawa kanina. Nagkunwari
pa din siyang tulog kaya't hindi na din siya inistorbo ni Ayesha. Maya-maya lamang
ay katabi niya na itong naghihilik.

MAAGA pa lamang kinabukasan ay gising na si Lucretia, habang si Ayesha naman ay ang


sarap pa ng tulog. Kahit naman kasi linggo ay nakasanayan niya na ang ganoong
gising unlike Ayesha na laging tanghali na ang pagmulat kahit mula pa noon.

Inubos niya ang buong oras maghapon sa paglilinis ng bahay. Sa mga oras na iyon ay
marahil gising na ang kakambal at nanood siguro ng DVD sa kwarto.

Nang sumapit na ang tanghali ay nagluto na siya ng kanilang kakainin.

Pininyahang manok ang kaniyang naisipang iluto para sa kanilang tanghalian ng


makarinig siya ng busina mula sa labas ng gate.

Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon ang bagong ligong si Ayesha. "Sis!
Pakibuksan si Jerico!" Utos nito sa kaniya.

Alanganin naman ang dalaga dahil amoy pawis pa siya at di pa naliligo mula kaninang
nagsimula siyang maglinis ng buong kabahayan. Sa huli wala na din siyang nagawa
kung hindi ang pagbuksan nga ng pintuan ang binata sa labas.

"Hi. Good afternoon!" Nakangiting bungad ng binata sa kaniya. Nakangiti ito na


litaw ang mapuputi at pantay-pantay na ipin.

Tila naman naitulos sa kinatatayuan ang dalaga. Napakalinis tingnan ni Jerico sa


suot nitong kulay puting T-shirt at asul na pantalong maong. Amoy na amoy din ang
mabangong hininga ng binata magging ang pabango nito na batid niyang mamahalin.

"P-pasok ka..." Nagkakanda-utal na wika niya. Nakayuko siya dahil nahihiya siya sa
lalaki dahil sa kaniyang itsura.

Narinig niyang marahang tumawa si Jerico. "Nahihiya ang baby ko, hindi pa kasi
naliligo. I'm sorry if nasurpresa ata kita."

Akmang yayakapin siya ng binata ng bigla siyang umatras.

"Hey! Hindi ako si Ayesha!" Iniharang niya ang mga kamay sa pagitan nilang dalawa.
Pulang-pula ang kaniyang mukha dahil sa akmang pagyakap sana ng binata sa kaniya.

Kagyat itong natigilan at napatitig sa mukha niya. "Oh, I'm sorry Lucretia...
Magkaboses din kasi kayo ng kakambal mo." Hingi nito ng paumanhin. "And magkasing
ganda kayo..." dugtong pa nito.

Lalong pinamulahan ng pisngi ang dalaga sa sinabi ni Jerico, pero hinamig niya ang
sarili.

"Si Ayesha, palabas na iyon. Nag-aayos pa ata siya. Maupo ka muna..." Pag-iiba
niya. Pakiramdam niya tinatambol sa kaba kaniyang dibdib.

Ngumiti lamang si Jerico at tyaka naupo sa sopa sa kanilang sala.

"Matagal talagang mag-ayos iyon. Sanay na ako." Pagkuwa'y wika ng binata.

Tumango lang siya at iniwan na ito sa sala. Madali siyang pumunta sa kusina at
nagpanggap na may ginagawa roon. Hindi niya talaga alam na darating si Jerico sa
araw na iyon. Naiiyak na halos sabunutan niya ang sarili. Ilang beses na ba siyang
naabutan nitong nanlilimahid? Ibang-iba sa kaniyang kakambal na laging mukhang
mabango at laging napakaganda. Nakakahiya ang kaniyang itsura.

Muntik pa siyang mapahiyaw ng biglang lumitaw ang ulo ng lalaki sa may pinto ng
kusina.

"Hi. Pwede bang humingi ng tubig? Nauhaw kasi ako sa biyahe. Aam mo na, malayo ang
probinsiya ninyo eh." Nakangiting pumasok na ito ng kusina.

"S-sige...kumuha ka na lamang sa ref." sagot niyang hindi tumitingin dito.

"Salamat Cresh..." At ito na nga ang kumuha ng tubig sa ref. Feel at home na ang
lalaki na kumilos sa kanilang kusina. Nagulat pa siya ng bigla itong lumapit sa
niluluto niyang pininyahang manok.

"Wow! Mukhang masarap ah!" Bulalas nito sabay kuha ng kutsara para tikman ang
kaniyang niluluto. "You know what? This is my favorite!" Tinikman nito ang ulam.

Samantala titig na titig siya sa lalaki.

Para itong batang nakakita ng paborito nitong laruan. May sumilay na ngiti sa
kaniyang mga labi. Tinawag siya nitong 'Cresh'? short for Lucretia? Parang bigla ay
gusto niyang kiligin. Mas okey iyon kesa sa 'Lucz' na tawag sa kaniya ni Ayesha.

"Ang sarap mo palang magluto ah! Mukhang mapapadalas ako dito sa inyo!" sabi ng
binata na hindi pa din tumitigil sa paglantak sa kaniyang iniluto.

Natatawang pinigilan niya na ito. "Ano ka ba! Baka maubos na iyan wala na tayong
kakainin mamaya." Biro niya.
"Ay oo nga!" Nakatawang nilubayan na nito ang kawaling may lamang piniyahang manok.

Lumabas na ng kwarto si Ayesha. "Hi babe!" Nakangiting humalik ito sa lalaki.

Gumanti rin naman ng halik si Jerico sa kaniyang kakambal.

Nagpaalam na siyang maliligo para makaiwas sa tagpong iyon. Ayaw niyang nakikitang
naglalambingan ang dalawa dahil ang totoo ay nasasaktan siya kahit pa batid niyang
wala naman siyang karapatang magselos.

Natapos na siyang maligo ay hindi pa rin siya lumabas ng kwarto kahit pa ilang ulit
na siyang kinatok doon ni Ayesha. Nagkunwari na lamang siyang hindi pa siya gutom
kahit na kanina pa kumukulo ang kaniyang tiyan. Ayaw niya lamang makasama sa hapag-
kainan si Jerico at maging saksi ng lambingan ng mga ito habang kumakain.

"WHERE is she?" Tanong ng binata sa nobya.

Nagkibit-balikat si Ayesha. "Busog pa raw siya." Tipid na sagot nito at dumulog na


sa hapag.

"Alam mo, I have this feeling na iniiwasan ako ng kambal mo kapag pumupunta ako
dito. Why? Have I done something wrong? O ayaw niya lang sa akin para sa'yo. Galit
ba siya sa akin?"

"I think it's the other way around honey babe." Sagot ni Ayesha sa pagitan ng
pagsubo ng kanin.

Napakunot ang makinis na noo ng binata. "What do you mean?"

"Palagay ko ay may gusto siya sa'yo." Seryosong wika ng babae.

Napamaang naman si Jerico sa narinig. "You're kidding..."

Tumawa ng malakas si Ayesha. "No! I knew it from the start honey! I can't blame her
anyway. Kahit sino naman ay magkakagusto sa boyfriend ko because you're really
handsome and sexy!" wika nitong may halong pang-aakit.

"You and your imaginations." At nagpatuloy na lamang sa pagkain ang binata. Takam
na takam talaga siya sa iniluto ni Lucretia.

Sa kaniyang pagkain ay hindi niya naiwasang maisip ang kambal ng kaniyang nobya.

Maganda rin naman si Lucretia iyon nga lamang ay hindi ito nag-aayos. Bigla niyang
naalala ang ayos nito kanina pagdating niya. Pawisan pa ang maputing leeg ng dalaga
at gulo-gulo ang buhok na animo ay pagod na pagod subalit kahit ganoon ang istura
nito ay kaakit-akit pa rin iyon sa kaniyang paningin. Ipinilig niya ang ulo ayaw
niyang magging dahilan pa siya ng di pagkakaunawaan ng magkapatid.

KINAGABIHAN ay umalis na din si Jerico kaya't naiwan na naman silang magkapatid sa


bahay.

"Sis anong tingin mo sa kaniya?" Tanong ni Ayesha habang nakapangalumbaba sa mesa.

"Kay Jerico? Mukha naman siyang mabait... bagay kayo." Sagot niya habang patuloy pa
din sa pag gawa ng lesson plan ng kaniyang mga estudyante.

Tumawa ng mahina ang babae. "Eh di bagay din kayo? Kasi iisa lang naman ang mukha
natin."

Natigilan naman si Lucretia at napaangat ang kaniyang tingin sa gawi ng kakambal.

Natawa naman si Ayesha sa nakitang reaksyon niya.

"Hindi ko alam..." Mahinang sagot na lamang niya.

Pilit niyang iniiba ang usapan sa tuwing nauuwi iyon sa binata. Ayaw niya ng
pahirapan pa ang sarili at higit sa lahat ayaw niyang bigyan ng kasiyahan si Ayesha
sa pang-aalaska sa kaniya.

Nang magpasya si Ayesha na manatili na lamang muna sa kanilang bahay dahil under
renovation pa ang condominium unti na binili ni Jerico dito ay wala na siyang
nagawa pa.

Halos araw-araw din ay nasa kanila si Jerico kaya't nauubusan na siya ng dahilan
kung paano iiwasan ang binata.

O maiiwasan niya pa nga ba talaga ito?

...Lalo ma at may darating na di nila inaasahan?

JAMILLEFUMAH ...4

ISANG araw ay bigla na lamang tumunog ang celphone ni Ayesha habang nasa loob naman
ito ng banyo at naliligo.
"Ayesha may tumatawag sa'yo!" Tawag niya sa kakambal.

"Sagutin mo na sis." Utos nito.

Tiningnan niya ang celphone ni Ayesha na nakapatong sa ibabaw ng kama. Pangalan ni


Jerico ang nag-aappear doon. Tumatawag ang binata at marami na pala itong missed
calls doon kaya malamang kanina pa ito tumatawag at hindi lamang masagot ng
kaniyang kakambal dahil nasa banyo nga ito.

Nanginginig ang kaniyang kamay na sinagot ang tawag. "H-hello..."

"Sorry miss, mga police ito. Ikaw ba si Ayesha?" unfamiliar ang boses sa kabilang
line at ang ikinakaba niya ay dahil police ang sumagot sa celphone ni Jerico.

"Police? Bakit anong nangyari kay Jerico??? Nasa presinto ba siya?" Tarantang
tanong niya.

"Ah pasensiya na miss kasi ikaw ang nakita ko agad sa dialled numbers niya eh. Wala
siya sa presinto kundi nasa hospital. Nabangga ang kotse niya ng isang truck at
mukhang grabe ang kaniyang lagay."

"Oh my God!" naibulalas ng dalaga.

Si Ayesha naman ay kalalabas lamang ng banyo. "Why?" Takang tanong nito sa kaniya
ng makitang namumutla siya at mangiyak-ngiyak pa.

"Si..si..si Jerico! Si Jerico naaksidente!" tumutulo na ang luha sa kaniyang mga


mata habang nakatingin sa kakambal.

"What?!" Gulat na tanong ni Ayesha. Inagaw nito ang celphone sa kaniya at ito na
ang nakipag-usap sa mga pulis.

Agad silang nagbihis pagkatapos para pumunta sa hospital na kinaroroonan ni Jerico.


Nakapagtatakang kalmado pa din ang itsura ni Ayesha samantalang siya ay halos maihi
na sa pag-aalala. Kaya mas napagkamalan pa siya ang nobya ng pasyente.

LABIS-LABIS ang panalangin niya na sana makaligtas ang binata. Lihim siyang
tumatangis at nag-aalala para sa kaligatasan nito. Si Ayesha naman ay tila
nababagot na sa paghihintay sa labas ng operating room.

"Hay naku ang tagal naman ng mommy niya! Nakakangalay ng maghintay dito huh!" Inis
na sumalampak sa bench ang dalaga.
Napamaang naman si Lucretia sa inasal ng kakambal. Ibig bang sabihin ay kapag
dumating na ang mommy ng binata ay aalis na sila dahil may magbabantay na roon?

"Mag-uumaga na Lucretia at inaantok na ako! Tingnan mo nga at ang laki na ng


eyebags ko!" Reklamo ng babae.

"Ano ka ba naman Ayesha! Nasa bingit na ng kamatayan ang boyfriend mo pero eyebags
mo pa rin ang inaalala mo!" Iritableng saway niya dito.

"Eh inaantok na nga ako eh!" inis na maktol nito.

Naiinis na rin siya sa babae. Makakaya nitong iwan sa ganoong kalagayan si Jerico?
Nag-isip siya...

"Ano kaya Ayesha kung magpalitan na lang muna tayo habang wala pa ang mommy niya.
Ako na lamang muna ang magbabantay dito hanggang matapos ang operasyon. Ikaw ay
umuwi muna at magpahinga sa bahay."

Mataman siyang tinitigan ni Ayesha, parang may ibig ipahiwatig ang mga tingin nito.
"Okay lang saiyo?'

"Oo naman." Sagot niyang nag-iwas ng tingin. Bahala na si Ayesha sa kung anong
gusto nitong isipin sa kaniya basta siya ay hindi niya maatim na iwanan doon si
Jerico.

Nang makaalis na ang kakambal ay nagpasya na muna si Lucretia na pumunta sa canteen


ng hospital at bumili ng kahit na anong makakain. Antok na din siya subalit hindi
niya talaga kayang umalis hanggat hindi niya nasisigurong ayos na ang kalagayan ni
Jerico.

Awang-awa siya sa binata. Hapon na ay hindi pa din bumabalik si Ayesha hanggang sa


may dumating na mga kamag-anak si Jerico. Pinili niyang huwag ng magpakita pa sa
mga ito kaya't nagtago na lamang siya. Nakahinga na din siya ng maluwag ng malamang
stable na ang kalagayan ng binata at dadalhin na ito sa maynila upang doon
ipagamot. Lumabas na din siya ng hospital ng masigurong nakaalis na ang mga ito.

Kailangan niya na ring umuwi para ibalita ang mga nangyari sa kaniyang kakambal na
si Ayesha.

PERO laking panlulumo niya ng maabutan ang babae na nakahilata sa sala habang
nanonood ng movie.

Nakakalat ang mga balat ng pagkain sa sahig samantalang ito naman ay aliw na aliw
sa pinapanood na tila ba walang masamang nangyari at walang problemang dinadala.
"Ayesha ano ka ba naman!" Sita niya sa babae.

"What?" Nakataas ang kilay na tumingin ito sa kaniya.

"Bakit hindi ka na pumunta sa hospital ha? Alam mo bang dumating ang mga kamag-anak
niya doon at sinundo siya? Hindi ka man lamang nila naabutan doon knowing na ikaw
ang dahilan kung bakit nandito si Jerico sa lugar natin!" pumasok na siya sa
kabahayan at umupo sa kaharap ng sopang kinahihigaan ng kakambal. Pagod na pagod at
puyat ang knaiyang pakiramdam.

"Tumawag na sa akin ang mommy niya kanina lang." tamad na sagot ni Ayesha na
ipinagpatuloy na ang panonood.

"Iyon lang? Hindi ka ba susunod sa Maynila para maalagaan at mabantayan mo siya?"


nahihiwagaang tanong niya.

"Hindi. Doktor ang kailangan niya at hindi ako." Matabang na sagot nito.

Sa kabila ng mga nangyari ay wala pa din siyang nakikitang reaksyon sa kaniyang


kakambal na si Ayesha

"Ano daw ba ang lagay niya?" Tanong niya.

Ngumiti ng mapait ang kaniyang kakambal. "Ayon bulag na! May napinsala raw sa mga
mata nito na kailangang maoperahan, pero kahit na operahan daw iyon ay hindi na
sigurado kung makakakita pa itong muli." Parang baliwalang sagot nito. "So I
decided na wag na muna magpakita doon sa kanila. Ayoko matali sa isang blind."

Nagngingit-ngit ang kaniyang damdamin sa sinabi ng babae. Gusto niya itong


sabunutan at pagkatapos ay pagsasampalin.

"Napaka selfish mo Ayesha! Kung kailan ka niya mas kailangan ay tsaka mo pa siya
iiwanang mag-isa!!!" Napasigaw na siya.

She rolled her eyes. "I dont think so... marami naman silang pera, kaya nyang umupa
kahit sampung nurse pa oras-oras."

"Hindi mo ba siya mahal?" she asked.

"Fuck love, you only get screwed over in the end anyways..." tatawa-tawang sagot
nito.

Biglang nag-init ang kaniyang mukha sa mga pinagsasabi ng kakambal. Umusod siya
palapit dito at biglang igkas ng kaniyang palad padapo sa pisngi nito.

"Ang sama mo!" wika niya matapos itong sampalin.


Napabangon naman bigla ang babae sa gulat. Sapo-sapo nito ang nasaktang pisngi.

"How dare you!" Nagtatagis ang mga bagang nito sa galit na nakatingin sa kaniya.

"Bakit ka ba ganiyan? Bago namatay si Nanay ay tinuruan niya naman tayo ng


magandang asal pero bakit ganiyan pa rin ang ugali mo!"

Tumayo si Ayesha at dinuro siya. "You like him, dont you?!" Halos sumisigaw na
tanong nito.

Umiwas siya ng tingin sa babae. Hindi niya kayang paglakuan ang kakambal niya,
dahil kahit kailan ay hindi siya nagsisinungaling lalo pa dito na nag-iisa ng
kamag-anak niya sa mundo.

Humalakhak ang babae at patuya siyang tinitigan mula ulo hanggang paa.

"Kung gusto mo ay ikaw na ang mag-alaga sa kaniya! Tutal naman alam kong noon pa
lamang ay may gusto ka na sa boyfriend ko at hindi mo iyon maipagkakaila sa akin!
Bistado na kita Lucretia!"

Nagpaikot-ikot ang babae sa kaniyang harapan habang nakapameywang pa ito habang


nakataas ang noo.

Sukol na siya at ayaw niyang magsinungaling. "Oo na! May gusto na nga ako sa
kaniya, ano masaya ka na? Alam mo bang handa akong isakripisyo ang sarili kong
kaligayahan para alagaan siya kahit pa totoong mabubulag na siya habang buhay!
Kambal nga tayo subalit hindi ako kasing sama mo!" ganting sigaw niya. Nagsisikip
ang dibdib niya dahil sa gigil na nadarama para sa kakambal.

Humalakhak ng malutong si Ayesha. "Poor girl, nagpapaka-martyr. Good luck! Hintayin


mo na lamang ang resulta ng pagsusuri niya at pag wala na talagang pag-asang
makakita pa siya ay itu-turn over ko siya sa'yo ng buong-buo. You can have him all
you want my dear, at sana lang ay mahalin ka rin niya para naman hindi masayang ang
pagpapaka-martyr mo!" Nang-uuyam na sabi nito bago siya talikuran. "I'm leaving
tomorrow. May photo shoot kami sa Hongkong and I don't know kung gaano ako katagal
doon o baka abuting pa ng isang taon dahil pipirma na din ako ng kontrata." Pahabol
nito bago tuluyang pumasok sa kwarto.

Naiwan namang nanghihina si Lucretia.


Naiiyak na isinandal niya ang ulo sa uluhan ng sofa.

Nahawakan niya ang kaniyang sentido, parang sumakit ang kaniyang ulo dahil sa
paghaharap nilang iyon ni Ayesha.

Mataas ang pinag-aralan niya at isa siyang guro subalit nagpapakababa siya ngayon
dahil sa isang lalaki...
JAMILLEFUMAH ...5

ILANG linggo lamang ang pinalipas niya mula ng umalis papuntang Hongkong si Ayesha.
Nagdesisyon siyang lumuwas ng Maynila upang dalawin si Jerico.

Napakalaki pala talaga ng bahay ng binata na halos ikalula niya. Sa buong buhay
niya ay ngayon pa lamang siya nakakita ng ganoong kalaking bahay sa kaniyang
harapan maliban sa mga magazines at mga telenovela sa telebisyon.

Totoo ngang napakayaman ni Jerico Mendez.

"Good morning po..." Bati niya sa may edad ng babaeng nagbukas ng gate para sa
kaniya.

Sa itsura ng babae ay batid niyang hindi ito katulong sa bahay na iyon. Base sa
nakikita niyang pagkakahawig nito kay Jerico ay nasigurado niyang ito ang ina ng
lalaki.

Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. Tila ay parang gusto niyang mahiya sa
kaniyang ayos. Oo nga't medyo nag-ayos siya ngayon pero wala pa rin iyong binatbat
sa porma ng kaniyang kakambal.

"Pumasok ka..." malamig ang boses ng utos ng babae. May galit ?

Sumunod na lamang siya dito. Lalo siyang namangha sa laki ng bahay ng makapasok na
siya ng tuluyan.

Mamahalin ang mga gamit! Parang lahat ata ay mula sa ibang bansa.

"Nasa kwarto si Jerico..." Muli'y wika ng may edad na babae. Na para bang
sinasabing puntahan mo na lamang siya doon.

Alanganing naman si Lucretia sa kaniyang ikikilos. "Ah...Mam, kamusta na ho siya


ngayon?" alanganing tanong niya.

Tumaas ang kilay ng babae at tiningnan siya nang masama. "Wala siyang ganang
kumain. Hindi siya lumalabas ng kwarto at lagi nagwawala. Naging bugnutin na siya
matapos ang aksidente. Wala na siyang ganang mabuhay. Sana naman naiinitindihan mo
ang kaniyang kalagayan diba? Ilang linggo na ng mangyari ang aksidente... pero
ngayon mo pa lamang siya naisipang dalawin!" May hinanakit ang tinig nito.

Ho? hindi ho... hindi nya alam kung paano magpapaliwanag na hindi sya si Ayesha!
Hindi pa nga pala siya nagpapakilala mula ng dumating siya kanina. Tumalikod na ang
babae matapos ituro sa kaniya ang hagdan paakyat sa pangalawang palapag.
"Kumaliwa ka. Pang apat na pinto ang silid niya in case na nakalimutan mo na."
Malamig na anito.

Hanggang sa namalayan na lamang niya na nasa harapan na sya ng silid ng binata.


Nanginginig ang kaniyang mga tuhod at hindi malaman ang gagawin kung kakatok na ba
siya o aalis na lamang.

Kinakabahan siya sa magiging reaksyon nito. Marahang niyang pinihit ang seradura ng
pinto at marahang itinulak iyon.

"Jerico..." Mahinang anas niya.

Magulo ang loob ng silid ng binata. Naka-kalat ang mga gamit sa sahig. Sarado ang
bintana at mga kurtina kaya't may kadiliman ang buong paligid. May mga basag ding
plato at baso na nakakalat sa sahig pati iilang unan na nalaglag mula sa kama nito.

"Bakit nandito ka?!!!" Tila kulog ang boses na iyon.

Nasa sahig malapit sa kama nakalugmok ang binata.

Naka t-shirt ito ng kulay puti at pajama na kulay asul. Gulo-gulo ang buhok nito at
miserableng miserable ang itsura.

Namayat din ito at bahagyang humupyak ang mukha subalit kahit ganoon ay hindi ito
nakabawas sa kagwapuhan ng binata.

Nakadama siya ng awa kay Jerico at inis para sa kaniyang kakambal.

Dahan-dahan siyang lumapit sa gawi nito.

"Umalis ka!" Sigaw nito nang maramdamang nakalapit na siya ng tuluyan.

Kumapa-kapa ito sa paligid at ng makuha ang kalapit na unan ay ibinato iyon sa


kaniya. Dahil nga sa bulag na ang binata ay hindi siya tinamaan sa pagbato nito.

"Jerico..." Wala sa loob na niyakap niya ang binata.


Nang una ay nagpumiglas pa ang binata at kumakawala sa kaniyang pagkakayakap.

"Shhh.." Alo niya rito.

"Kinakaawaan mo lamang ako... Isa na akong inutil na walang silbi. Nakahanap ka na


marahil ng iba ano? Iyong higit sa akin!" May hinanakit na anito.

"Hindi ko iyon gagawin..." Ewan bakit sinagot niya ang mga sinabi ni Jerico.

Naramdaman niya ang pagkalma ng binata kaya't lalo niyang hinigpitan ang
pagkakayapos sa katawan nito.

"Kahit di kita nakikita... Hindi ko pa din maalis sa isip ko ang maganda mong
mukha... Ayesha..." anas nito.

She shrugged blankly. Yes I'm Ayesha...

"Hindi kita iiwan ..." Bulong niya.

Lalong humigpit ang yapos nito sa kaniyang katawan na tila ba ayaw na siyang
pakawalan pa.

...Ang simula ng pagbabago ng buhay niya bilang si Ayesha.

JAMILLEFUMAH ...6

NAGPASYA na siya na alagaan muna ang binata mula noon.

Hindi naman siguro masama na magpanggap siya na si Ayesha hanggat hindi pa tuluyang
nakaka-recover ang lalaki.

Gusto niyang matulungan ito, umaasa pa siya na gagaling pa si Jerico. Hindi niya
rin maintindihan ang sarili kung bakit naisipan niyang gawin ang bagay na iyon.

Naalala niya ang sadya niya sa Maynila, iyon ay ang dalawin lamang si Jerico. Pero
ang ending ay nawili na siya sa kaniyang pagpapanggap. Subalit gaya ngayon ay
malamig pa din ang pakikitungo ng Mommy ng binata sa kaniya.

Siguro noon pa ay hindi na maganda ang tingin nito sa kaniyang kakambal na si


Ayesha at hindi niya rin naman ito masisisi dahil kahit siya ay hindi gusto ang
ugali ng kakambal.

Wala pa ring paramdam si Ayesha sa kaniya mula ng umalis ito ng bansa . Sa ngayon
sa isa sa mga guest room siya natutulog, di nya talaga kayang iwan ang binata sa
kalagayan nito ngayon.

Siya na ang tumayong nurse nito habang naroon siya.

"Ayesha!" Napalingon ang dalaga sa tumawag. Dapat na siguro na masanay na siya na


ganoon ang tawag sa kaniya dahil magda-dalawang linggo na siya sa mansyon nila
Jerico. Kailangan niya ng pangatawanan ang kaniyang nasimulang kalokohan.

"Bakit po?" tanong niya.

"Tulog na ba ang anak ko?" Walang kangiti-ngiti ang mukha ng babae.

Marahang tango ang isinagot niya.

Tumikhim ang babae. "Gusto kitang makausap..." At tumalikod na ang babae na tila
sinasabing sundan niya ito.

Sumunod siya sa sala ng Mansion.

Kabadong kabado siya sa mga maaaring sabihin ng babae. Nang makarating sa sala ay
sinenyasan siya nitong maupo sa malaking sopa na naroroon. Maagap naman siyang
tumalima, umupo rin naman sa kaniyang harapan ang ginang.

"Alam mo hija..." Umpisa nito.

Tahimik lamang si Lucretia na naghihintay sa mga sasabihin ng babae.

"Aaminin ko noon na hindi kita gutso para sa anak ko... Ewan ko ba, nakikita ko
kasi na hindi ganoong kaseryoso ang relasyon ninyong dalawa. Masama kasi ang tingin
ko sa mga modelong nagiging girlfriend niya... Akala ko kagaya ka nila na
materialistic at liberated na babae. Base kasi sa nakikita ko ay isa kang
sopistikadang modelo. Lalo pa ng maaksidente ang aking anak at mabulag siya ay
bigla ka na lamang naglaho ng walang paramdam. Bilang Ina ang gusto ko lang naman
ay ang makakabuti para sa aking anak, sana maintindihan mo..." Seryosong pahayag
nito.

Nanatili lamang nakatungo si Lucretia. Gusto niyang sumigaw na hindi siya si


Ayesha! Pero pag ginawa niya iyon ay kailangan niya ng lisanin ang mansiyon kung
saan naroroon si Jerico.
"Ayesha... Sa ilang linggo mong namamalagi dito sa bahay namin, tsaka lamang kita
nakilala ng lubos... Napakabuti mo palang babae. Kahit may karamdaman ang aking
anak ay hindi mo siya iniwan... Hindi mo sinukuan ang kaniyang ugali, tiniis mo
kahit ilang ulit ka niyang sinisigawan at pinapalayas. Sana matiis mo pa siya...
Mahal ka ng anak ko, nahihiya siya sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya isa na
siyang inutil na walang silbi dahil sa pagkabulag niya." The woman started crying.
"A-Ayaw naman niyang magpagamot sa Doktor..."

"Tita..." Hinawakan niya ang balikat ng babae.

"Ayesha... Nagkamali ako sa pagkakakilala ko sa'yo. Ramdam ko ang pagmamahal mo sa


aking anak. Patawarin mo ako sa panghuhusga ko sa'yo... Wag mo sanang iiwan ang
anak ko... Ngayon ka nya kailangan..." Tumutulo ang luha ng babae habang sinasabi
iyon.

"Hanggat kailangan nya ho ako tita... hindi ko sya iiwan. Mahal na mahal ko ho si
Jerico." Ewan kung saan nya hinugot ang mga sinabi niyang iyon. Pero alam niya sa
sarili ng bukal sa loob at sa puso niya ang kaniyang ginagawa.

SA SILID naman ng binata.

Nakahiga si Jerico habang iniisip ang mga nangyayari .Iba ang pakiramdam niya kay
Ayesha...

Oo inaamin niya na hindi siya ganoon kaseryoso sa babae, isa lamang din ito sa mga
babaeng dumaan sa buhay niya at alam niyang ganoon din ang babae sa kaniya.

Nasaktan lamang ang ego niya ng bigla na lamang siyang iwanan nito sa ere nang
mabulag sya dahil sa aksidente. Pero di nya akalaing seryoso pala si Ayesha sa
kaniya.

Binalikan siya nito kahit bulag na siya at inutil. At ngayon nagtitiyaga itong
alagaan siya ng walang kapalit. Hindi siya manhid, ramdam niya ang sinseridad ng
dalaga sa pag-aalaga at pag-intindi sa kaniya.

Ang laki ng ipinagbago nito, pakiramdam niya ibang tao ang kasama niya ngayon.

Mas lalo niya itong nagustuhan. Mahal na nga niya ata talaga ang dalaga.

"Jerico..." Pukaw ng dalaga sa kanyang pag-iisip.

Di niya narinig ang pagbukas ng pinto.

Nakapasok na pala si Ayesha


Kinapa niya ang kamay ng dalaga at maagap naman siyang inalalayan nitong makaupo sa
kama , hindi nito binitawan ang kaniyang kamay.

"Kamusta ka na? Gusto mo bang lumabas sa hardin niyo? Kasi lagi ka na lang
nakakulong dito sa silid mo, para naman maklanghap ka ng sariwang hangin."
Malambing na suhestiyon ng dalaga.

"Para saan pa? Anong pinagkaiba ng dito sa loob at sa labas, eh hindi naman ako
nakakakita diba?" Matabang na sagot niya.

Naramdaman niya ang mainit ng palad ng babae sa kaniyang mukha, hinaplos nito ang
kaniyang pisngi.

"Jerico..." Malungot ang tinig nito.

Para bang biniyak ang puso niya dahil sa kalungkutan ng boses ni Ayesha. "Wag mo
akong kaawaan." Matigas niyang saway sa babae.

Naramdaman niya ang pagkabig ni Ayesha sa kanya, niyakap siya nito. Mahigpit.

Mahigpit na yakap.

"I love you Jerico..."

"Yesh..." Hirap niyang tawag sa pangalan nito.

Hindi niya maintindihan ang nadarama.

"Thank you.." Sincere na pagpa-pasalamat niya rito.

"PARA SAAN?" She asked. Masaya siyang pinagmamasdan ang maamong mukha nito, kahit
pa blangko ang ekspresyon ng magagandang mga mata ni Jerico.

"Kasi hindi mo ako iniwan..."

"Wala iyon..." kasi mahal na mahal kita Jerico! Gusto sana niyang idugtong.

Namayani ang saglit na katahimikan, binasag na lamang iyon ng pag-ubo niya.


"Okay ka lang?" Alalang kinapa ni Jerico ang kanyang likod at hinimas.

"Ah.. Oo... pasensya na..." Namumulang sagot niya. Ganoon pala ang pakiramdam ng
may nag-aalala. Masarap pala ang pakiramdam na siya ang inaalala ni Jerico at hindi
si Ayesha.

"Alam mo Ayesha... Gusto na kita muling makita." nakangiting wika ng binata.

"Bakit naman? Alam mo naman na ang mukha ko diba?" sagot niya.

"No, not that. Kasi sabi ni Mom, napaka simple mo na raw ngayon. Dati kasi diba
halos di ka mapakali kasi mayat-maya ka nagre-retouch at wala kang simpleng damit.
Pakiramdam ko ibang-iba ka na... pati pananalita mo ay iba na rin..."

Kinabahan naman ang dalaga. "Ah... diba ang gusto mo naman ay magagandang babae?
Yung mga moderna at fashionista?" wala na siyang ibang masabi.

"Hindi. Ang totoo I prefer simple women, yung walang kaartehan sa katawan."

Nagtaka naman siya. "Eh bakit si Aye-I mean bakit ako ang nagustuhan mo?" Muntik na
siyang madulas.

Tumawa ng pagak si Jerico. "Oo nga eh... Halos lahat ng naging GF ko mga socialite,
although hindi naman talaga ganoon ang tipo ko. Pero syempre iba ka naman sa lahat
ng 'yon... napakaganda mo. At higit ngayon dahil mas nakilala pa kita ng lubusan."

"Eh si...si Lucretia anong masasabi mo sa kaniya?" Bigla niyang naitanong.

Gumuhit ang kakaibang ngiti sa mga labi ng binata. Ewan kung para saan iyon.

"Maganda siya... syempre kakambal mo siya. Unang kita ko pa lang sa kaniya alam ko
ng mabait siya, sayang at hindi kami masyado nagkakwentuhan, kasi umiiwas nga siya
sa akin tsaka selosa ka. Pati kakambal mo pinagseselosan mo." Nakatawang wika ng
lalaki.

Pinagseselosan siya ni Ayesha? talaga lang huh?

Masarap kausap si Jerico, hindi ito boring.

Pinalilipas nila ang oras ng walang katapusang kwentuhan lamang sa maghapon.


Nalimutan na ni lucretia ang lahat maski ang pagtuturo na trabaho niya sa kanilang
probinsya. Libang na libang siya sa pag-aalaga sa kaniyang minamahal.
MUNTIK na syang magsisisigaw ng mapagbuksan isang araw si Jerico sa kwarto nito na
nakatayo at naka brief lamang!

"Oh my!" natutop niya ang kaniyang bibig sa nakita.

Halos nakahubad na ang binata.

Napakakisig ng katawan nito, parang hunk na model ng isang magazine .

Narinig nyang natawa si Jerico.

"Come here honey, help me find my pajama." Kakapa-kapa ang binata.

Dali-dali naman syang lumapit ,pero pigil ang kaniyang paghinga.


Ayaw niyang masulyapan ang binata lalo na ang harapan nito!

Parang gusto niya ng himatayin. First time nyang makakita ng ganoon.

Nagulat pa sya ng bigla siyang hilahin ng binata at hapitin sa kaniyang bewang.

"Teka!" naitulak niya itong bigla.

"Why it feels like na naiilang ka? Why hon? Matagal naman na nating dapat ginawa
ito, nauudlot lang." Namimilyo ang mga ngiti nito.

Nanginginig naman si Lucretia. Hindi nya inaasahan ang ganoong sitwasyon.

"Ah eh...kasi, baka mabinat ka." Kandautal na pagdadahilan niya.

Muli'y tumawa ang binata.

Nagulat siya ng bigla siyang kabigin nito at halikan sa mga labi.

Para siyang mabubuwal iyon nga lamang ay yakap-yakap siyang lalaki. Hindi niya
magawang kumawala sa matitigas na braso nito na nakapulupot sa kaniya. Para syang
nakasakay sa tsubibo, umiikot ang paningin nya.

FIRST KISS niya iyon!

Matagal at mainit ang pagsasalo nila sa halik na iyon na tila ba wala ng bukas.
Bigla siyang napapitlag ng maramdaman ang paglalakbay ng palad nito sa kaniyang
katawan.
Gusto niyang magsisisigaw pero di niya magawa kasi nakalapat pa din ang kanilang
mga labi.

Himas doon at himas dito... para siyang lalagnatin hanggang sa makarating na ang
palad nito sa ibabaw ng kanyang kaliwang dibdib. Hinawi nito ang blouse na kanyang
suot.

Mabilis ang mga pangyayari, hanggang sa namalayan na lamang niya na nahubad na nito
ang kanyng pang-itaas na damit.

"Jerico.." iyon lamang ang nanulas sa kaniyang bibig at tuluyan na siya nitong
naihiga sa kalapit na kama.

"I love you Ayesha..." At muli'y inangkin nito ang kaniyang mga labi pati narin ang
kaniyang katawan.

Wala ng nagawa pa ang dalaga..


Tinangay na siya ng kakaibang agos...

Ilang sandaling nabalot sa katahimikan ang buong silid ng binata.

Matapos iyon ay tumayo na si Lucretia, ibinalot niya ng kumot ang kaniyang katawan.

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. Gusto niyang magsisi sa kaniyang
kaga-gahang nagawa.

Napasulyap siya sa pulang mantsa na nasa puting kumot.

She lost her virginity to her sister's boyfried!

Naramdaman niya na lamang ang paglandas ng luha sa kaniyang magkabilang pisngi.

Agad niyang pinunas iyon ng maramdaman ang pag-uga ng kama, sensyales na gising na
ang katabi.

"You're a virgin." Umupo na din ang binata.

Paano siya magpapaliwanag???

"Ayesha... hindi ko alam Im sorry..." Niyakap siya ng binata.


JAMILLEFUMAH ...7

ANG marahang paghikbi niya ay tuluyan ng naging pag-iyak. Napayakap na rin siya sa
lalaki.

Pinunasan ng binata ang kaniyang mukha na nabasa ng luha. "Shhh...I love you more.
Hindi ko alam , Im so happy... Im sorry kung inakala kong marami ng lalaki ang
dumaan sa buhay mo. Napakasama kong pag-isipan ka ng ganoon. Mahal na mahal kita
Yesh... Papanagutan kita. Hindi kita papabayaan." Kinabig siyang muli ng binata at
muling hinagkan.

Muli ay naulit ang mainit na pagniniig nilang dalawa. Pikit mata niyang tinanggap
ng paulit-ulit ang binata. Baliw na nga ata talaga siya...pero mahal na mahal niya
na talaga si Jerico.

Para silang mga honeymooners sa bahay ng binata. Masaya nilang tinatapos ang bawat
araw na nagdaan sa piling ng isat-isa.

NAGLALAKAD silang dalawa sa hardin ng mansyon ng biglang magyaya ang binatang maupo
sa bench na naroon. Masuyo naman niyang inalalayan ito. Waka siyang pinagsisisihan
sa araw-araw na magkasama silang dalawa.

"Ano bang ayaw mo sa isang tao?" biglang naisipang itanong ni Lucretia.

Ngumiti ang binata. "Iyong sinungaling."

Napatungo naman siya sa isinagot ng binata.

"I was raised by my mom all by herself. Akala ko patay na si daddy, iyon pala she
lied to me. Malaki na ko ng malaman kong buhay ang dad ko. Naghiwalay pala sila
dahil nagkaroon ng kabit si daddy at ipinagpalit kami para sa bago niyang pamilya.
Ayokong mabuhay sa isang kasinungalingan... Pero kahit sabihin ni mommy na hindi
siya nasasaktan alam ko na masakit sa kaniya ang nagyari lalo ng mamatay na ng
tunay ang daddy ko. She still loves him." Mapait na kwento ni Jerico.

Ito pa lang ang unang beses na nagkwento si Jerico ng buhay nito, at kay Ayesha pa.
Ewan pero nagtitiwala ito ngayon kay Ayesha, higit noon.

"Powerful ang love eh... Pero depende naman iyon sa kasinungalingan, kagaya ng ayaw
ka lang nilang masaktan at madisappoint sa akala mong totoong nangyayari." She
said. Hoping na maunawaan nito ang gusto nyang iparating.

"I'd rather be disappointed with the truth than be hurt with lies... No matter how
big or small the lie is, it is still a lie. Kaya ikaw, just be honest to me."
Mapait ang ngiti sa natural ng mapupulang labi ng binata.

Kahit walang repleksyon ang mga mata ni Jerico ay masisislip pa din ang hapdi ng
dinadala nito.

"You know what Yesh... Malaking bagay ang pagkabulag ko, kasi mas luminaw ang
paningin ko sa mga bagay-bagay. Kung tutuusin mas bulag pa pala ako noon."

Ngumiti sya ng kaunti. Ginagap niya ang kamay ni Jerico.

"Tsaka Yesh, mas nakita ko ngayon ang tunay mong kagandahan kesa noong nakakakita
pa ako. Napakabait mo. Ngayon ko lang din naramdaman iyong totoong pakiramdam na
hinahanap-hanap ko mula ng bata pa ako..."

"What is it?"

"Iyong feeling ng toong nagmamahal..."

She heard him sigh. Gusto ng tumakbo palayo ni Lucretia. Gusto nyang isigaw na :
"Kill me! Im a liar!", pero hindi na siya makaalis pa sa kaniyang sinuungan. Ayaw
niya ng mapahiwalay kay Jerico.

Hay naku may itinatago din pala siyang kalandian sa katawan, akala niya si Ayesha
lamang ang ganoon, siya din pala. Ang dami niyang gugustuhin iyon pang boyfreind ng
kanyang kakambal.

"Ayesha... gusto kong ipagamot ang mga mata ko. Kahit maliit lamang ang chances na
makakita akong muli ay gusto ko pa ring subukan. Pumapayag na akong magpa-opera."
Seryoso ang mukha ni Jerico.

"Talaga?" Gumuhit ang kaligayahan sa mukha ni Lucretia.

"Oo. Para sa'yo... Gusto kong magging perpekto para sayo."

Gusto niyang malunod sa kaligayahan. Pero at the same time nalulungkot siya, paano
pag nakakita na nga muli si Jerico? Paano kung balikan ito ni Ayesha? paano na
siya?

Mahal na mahal niya ang binata. Ah...Wala na siyang pakialam.

Patuloy silang nagku-kuwentuhan sa hardin na iyon.

Natawa si Lucretia ng makitang nakatulog na pala si Jerico sa kaniyang kandungan

"Ano ba yan, kwento ako ng kwento... nakatulog na pala ang bata.." Nanggigigil na
marahan nyang pinisil ang matangos na ilong nito.
Oh how he love this man... so damn much.

Naka-upo siya at ito naman ay nakahiga na habang nakaunan sa kaniyang kandungan.

Nangi-ngiting sumandal ang dalaga sa sandalan ng bench at marahang ipinikit ang mga
mata.

Magda-dapit hapon na...

Napakasarap damhin ng sariwang hangin sa malawak na garden ng mansyon nila Jerico.

Samantala nagtutulog-tulugan lang talaga naman ang binata.

Gusto niya lang talagang mas magtagal pa ang posisyon nilang iyon. Lihim siyang
napangiti at dinama ang masarap na pakiramdam na kasama ang dalaga.

SA DI KALAYUAN naman ay nakatayo ang Mommy ng lalaki. Seryoso ang mukha nito habang
nakatingin sa dalawa.

Oras ng dinner.

Masayang-masaya si Jerico habang nakikipagbiruan pa sa dalaga. Nangingiti-ngiti na


din si Mrs. Mendez dahil sa nakikita niyang masaya ang anak.

"Oo nga pala Mom. Nasabi na ba sayo ni Yesha na balak ko ng magpa-opera? Papa-opera
na po ako. Kahit gaano pa kaliit ang chances... Gusto ko ng makakita!" Wika ng
binata.

Nagliwanag ang mukha ng ginang, maluha-luha itong napatingin kay Lucretia.

"Opo Tita...pumayag na po si Jerico na magpa-opera..."

Naiiyak na inabot ng ginang ang kamay niya. "Salamat hija... salamat sa pagtulong
sa aking anak..."
"Pero Mom, may kapalit daw ang pagtulong niya eh.." Seryoso ang mukha ni Jerico.

Napakunot ang noo ng ginang gayon din si Lucretia. Nagtataka ang dalaga.

"Ano iyon?" tanong ni Mrs. Mendez.

Biglang ngumiti si Jerico. "Bilang kapalit dapat daw maging biyenan ka na niya at
maging manugang mo na sya after!"

Natawa naman ang ginang.

Si Lucretia naman ay di makapaniwala. Papakasalan sya ni Jerico?

"Oo naman...gustong-gusto ko ng magka-apo eh!" Natatawang sagot ni Mrs. Mendez.

"Teka Yesh? Magkaka-apo na ba si Mommy?" Biglang tanong ni Jerico sa kaniya.

Pinamulahan ng mukha ang dalaga. Inis na kinurot niya sa tagiliran ito. Lalo lang
tumawa si Jerico. Muli na namang kumunot ang noo ng Ginang habang nagpapapalit-
palit ng tingin sa kanilang dalawa, pagkatapos ay napangiti na din.

Hiyang-hiya naman si Lucretia kaya napatungo na lamang siya.

Marahang tumawa ang ginang.

"Aba'y Ayesha... meron na nga ba akong magiging apo?" biro na rin nito.

Namumulang ngumiti lamang siya.

Masaya silang naghapunan ng gabing iyon. Para silang isang pamilya.

Napapaisip din si Lucretia. Hindi nga kaya magbunga ang nangyari sa kanila ng
binata?

JAMILLEFUMAH ...8

"CONGRATULATIONS Misis..." Nakangiting wika ng Doktor.

Dinala nila kinabukasan din si Jerico sa Hospital.

Ni-nyerbyos naman na nakikinig lamang sa isang tabi ang dalaga.

"Bakit ho Doc?" Tanong ni Mrs. Mendez.


"Sa calculation ko ho Misis, naging maganda ang pamamahinga ng inyong anak. Himala
nga po ito. Mula sa less than 50% chances na magiging successful ang operation ay
nasa 85% na ho ito ngayon."

Maluha-luha si Mrs. Mendez at napayakap kay Lucretia. Bumaha rin ang kaligayahan ng
dalaga. Gumanti na rin siya ng yakap sa Mama ni Jerico.

"Ipi-prepare namin siya, siguro ay within 3 months ay pwede na siyang sumailalim sa


operasyon." Muling wika ng Doktor.

Wala silang mapagsidlan ng kaligayahan ng oras na iyon. Maski si Jerico ay naging


masaya sa magandang balita.

"THANK you Yesh.." Bulong ng binata.

Nakauwi na sila noon at nakahiga na sa kaniyang kama si Jerico at nagpapahinga.

"Para saan?" Tanong niya. Inaayos niya ang pagkaka-kumot ng binata.

Hinagilap ng binata ang kaniyang kamay at hinatak. Napaupo siya sa tabi nito.
Hinalikan nito ang kaniyang kamay.

"Thanks kasi you never give up on me...." Seryosong pasasalamat nito.

Ngumiti siya at ginantihan ang pagpisil sa palad ng lalaki.

"Pag nakakita na ako. Pwede bang ikaw ang unang taong sumalubong sa akin... Ikaw
ang gusto kong unang makikita... Nasasabik na akong masilayan muli ang maganda mong
mukha." Anas ng binata.

Pumikit pa ito na tila inaalala ang kanyang itsura.

Mapait syang ngumiti.

Alam niyang kahit parehas sila ng itsura ni Ayesha ay mukha pa din ni Ayesha mismo
ang tinutukoy ng binata. Gusto niya ng magtapat pero lagi lamang siyang nauubusan
ng lakas ng loob.

"Kiss me Yesh... " Mahinang utos nito.

Natigilan siya.
"I wanna feel you..." Muliy wika ng binata.

Nag-alangan siya dahil baka makita sila ng mommy nito.

Pero wala na rin siyang nagawa kundi sumunod. Isang marahang dampi sa labi ng
binata ang ginawa niya pero hinawakan siya ni Jerico sa bewang at hinapit pang
papalapit sa katawan nito kaya tumagal pa ang halik na iyon.

Halos magkapatong na sila sa kama ng binata.

Batid niya na ang patutunguhan ng makasalanang halik, pero tulad noon nagpatangay
na naman siya sa agos ng kaniyang pagmamahal sa binata at sa kaniyang pagpapanggap
bilang si Ayesha.

Hinila ni Jerico ang mga kamay niya.

"Yesh..." Mahinang anas nito sa kaniyang pangalan.

Pumikit syia para damahin ang paghaplos ng binata sa kaniyang pisngi.

"Mahal kita Jerico..." Bulong nya sa tainga nito. Halos nakasampa na sya sa
nakaupong lalaki. Nakapalibot ang mga braso nito sa kaniyang bewang.

Naramdaman nya ang paghalik nito sa kanyang leeg na animoy isang bampirang sabik na
sabik sa kaniyang sariwang dugo.

Hindi niya maipaliwanag ang sensasyong bumabalot sa kaniyang katauhan at nauwi na


naman sila sa isang mainit na sandali...

Napangiti siya ng makitang nakatulog na ang binata, marahil ay napagod ito.


Buong pagmamahal niyang hinagkan ang pisngi ng binata.

"Mahal kita..." Pinahid niya ang luhang kusang bumagsak sa kanyang mga mata.

Sa araw-araw na gawa ng Diyos, hindi niya kailanman pinagsisihan ang pananatili nya
sa mansyon na iyon. Masaya siya dahil nakikita niyang lumalakas at bumubuti na ang
kondisyon ng binata.

Para silang lovers minsan sa kama nito, o kaya sa bathtub... bigla siyang nahiya ng
maalala ang unang beses na may mangyari sa kanila ng binata sa bath tub.

Lihim syang napahagikhik sa kanyang pinagagagawa.


Sa buong buhay niya ay ni hindi sumagi sa isip niya na makakagawa sya ng mga
ganoong bagay.

Naramdaman niya ang pagkilos ng binata.

"Bakit gising ka pa...?" nakapikit pa rin na tanong ni Jerico.

"Babalik na ako sa kwarto ko..." Paalam niya.

Naramdaman nya ang pagpulupot ng braso ng lalaki sa kaniyang katawan.

"Dito ka na matulog..." Ungot nito.

Natatawang hinampas niya ito sa balikat. "Ikaw huh! Sobra ka na! Hindi pwede at
baka makahalata na ang mommy mo, at isa pa nakakahiya sa mga kasama niyo sa
bahay..." Saway niya rito.

"Basta gusto ko dito ka lang..." Parang batang ungot nito sa kaniya.

Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang kakulitan nito.

Hinila siya muli ng binata at walang sabi-sabi na pumatong sa kaniyang hubad pang
katawan. Parang hindi sila nagkita ng ilang taon sa klase ng pag angkin nito sa
kaniya. Inabot na sila ng pagsikat ng araw, kapwa may ngiti sa labi at magkayakap
silang nakatulog....

PERO ISANG TAWAG ang nagpagimbal kay Lucretia. Ilang linggo bago ang operasyon ng
binata.

"Sis, I'm coming home."

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga.

"Sis? wala ka bang sasabihin?" Untag ng kausap sa kabilang linya.

"Okay..." Iyon lang ang naisagot niya sa kakambal.

Narinig niya ang pagtawa ni Ayesha. "I know what you are doing my dear! So hows the
show? Kumagat talaga ang mga bobo ano?" Nanunuyang tanong nito.

Nag-init ang kanyang magkabilang pisngi. "Pwede ba Yesh!!!" She beamed.


"Hey... Hey... Calm down twinie. You're over reacting huh! Anyway hows my baby boy
there?"

"Wala na kayo Yesh... Iniwan mo na siya hindi ba?" Di niya napigilan ang kinikimkim
na galit.

"Oh? Hindi iyon ganoon huh? Anyway nabalitaan ko na malapit na siyang makakita? I'm
so happy for him. I think dapat nandiyan ako sa pagdating ng araw na iyon."

"Dont you dare Yesh..." Mahinahon pero may pagbabanta ang kaniyang tinig.

Saglit na katahimikan.

"Im giving you enough time my dear... Leave that place at pinapangako ko na walang
makakaalam sa ginawa mong pagpapanggap. Tutal nag-enjoy ka naman diba? Ibalik mo na
sa akin ang totoong akin my dear... Pwede naman nating palabasing ako talaga ang
nakakasama niya sa araw-araw."

Nagtagis ang mga bagang ni Lucretia. "Damn you Yesh..." Pakiramdam niya demonya ang
kaniyang kausap at hindi ang kaniyang kakambal.

Narinig nya ang pagak na pagtawa ni Ayesha. "Yes damn me my dear... You'll regret
what you've done! I'm giving you enough time so enjoy it while you have it..." at
sinundan iyon ng malutong na tawa mula sa kabilang linya.

Nangingilid ang mga luha niya na ibinagsak ang telepono.

Alam niya nalalapit na ang mga araw na isusumpa na siya ng pamilya ni Jerico at
maging si Jerico mismo... kamumuhian siya ng mga ito.

Nanghihinang napasalampak sya sa katabing sofa.

Ayaw niyang mangyari iyon... Siguro nga kailangan niya ng sulitin ang mga nalalabi
niyang oras sa tahanang iyon.

"Yesh? Nandito ka ba? Kanina pa kasi kita hinahanap eh... Yesh?" Iniluwa ng pinto
ang kakapa-kapang binata.

Naluluhang pinagmamasdan niya ang papalapit na si Jerico. Di niya napigilan ang


sarili, sinugod niya na ng mahigpit na yakap ang binata.

" Hey? What's the problem honey?" Nagtataka at natatawang gumanti rin ito ng yakap
sa kaniya.
"Wala. Na-miss lang kita... I love you Jerico... " Pinahid niya ang kanyang luha.

"Umiiyak ka ba Yesh?" Nag-aalalang tanong ni Jerico.

Umiling siya kahit di naman siya nakikita ng binata.

"H-Hindi... May sipon kasi ako.." Pagdadahilan niya at kunwari'y suminghot-singhot


pa siya.

Naramdaman niya ang paghapit nito sa kanyang katawan. Naluluha pa rin siya, niyakap
niya ang binata at sumandig siya sa malapad nitong dibdib. Ipinikit niya ang
kaniyang mga mata at dinama ang ang init ng katawan nito .Alam niyang hahanap-
hanapin niya ang binata kapag wala na siya sa lugar na iyon.

Muli'y hinaplos ng lungkot ang kaniyang puso.

"Mahal kita Jerico..." Mahinang bulong niya na halos siya na lamang ang
nakakarinig.

Sa pinto naman ng silid na iyon ay tahimik na nagmamasid ulit sa kanila ang Mommy
ng binata.

JAMILLEFUMAH ...9

ISANG araw sa kusina.

"Ayesha?" Inalalayan siya ng mommy ni Jerico na makatayo ng maayos.


Nakaramdam kasi siya ng di maipaliwanag na pagkahilo matapos niyang maamoy ang
iniluluto sa kusina.

"O-Ok lang po ak-" Hindi niya na natapos pa ang sasabihin. Tila hinahalukay ang
kaniyang sikmura. Nagtatakbo sya papalapit sa lababo ng kusina at doon sumuka.

"Buntis ka?" Boses muli ni Mrs.Mendez.

Natigilan siya. Bigla ang pagtingin niya sa may edad ng babae.


"Tita..." Wala siyang maapuhan na sabihin.

Ngumiti lang ang babae pagkuwan ay lumapit at niyakap siya. Naiiyak na gumanti na
din siya ng yakap dito.

"Alam na ba ni Jerico?" Nakangiting tanong ni Mrs. Mendez.


Umiling siya.

Sumeryoso ang mukha ng ginang. "Lucretia... Hindi ba?" Mahinang bulong nito.
Natigagal siya at napatingin ng diretso sa mukha ng babae.

"Lucretia talaga ang pangalan mo hindi ba?" Ulit nito.

Nahihiyang napatungo siya. Ayaw nya ng palakihin pa ang kanyang kasinungalingan sa


pamilya ni Jerico.

Naramdaman nya ang marahang paghaplos ng babae sa kaniyang mukha.

"Lucretia... Hindi ko alam kung ano ang layunin mo kung bakit mo ginagawa ang mga
bagay na ito. Pero alam kong mabuti kang tao... Utang ko sa'yo kung bakit bumuti na
ang kondisyon ni Jerico... Hindi kita huhusgahan." Mahinahong wika nito

Naiiyak na napatungo muli ang dalaga. "P-paano ho niyo nalaman..." mahinang mahina
ang pagkakatanong niya.

"Alam ko... Noon pa. Matapos kitang kausapin. Nagduda na ako noon pa man. Hindi
ganiyan ang pagkakakilala ko kay Ayesha... Malayong malayo sya sa'yo.
Pinaimbistigahan ko ang background mo hija... Alam kong ang tunay na Ayesha ay nasa
Hongkong pa magpasa hanggang ngayon." Biglang nabahiran ng poot ang tinig ng babae.

Nagtataka naman sya at nahihiwagaan sa Ina ni Jerico. "Tita..." Wala siyang masabi.

Tipid na ngumiti ang babae. "Lucretia, gusto kita. Ano man ang dahilan mo ay
naniniwala ako na para sa ikakabuti pa rin iyon ng anak ko... Nagsinungaling ka man
ay alam kong hindi kasinungalingan ang pagmamahal na nakikita ko sa'yo para kay
Jerico."

Di na napigilan ng dalaga ang pagbagsak ng mga luha sa kaniyang mga mata.


"O-opo... Mahal na mahal ko po sya. Pero mas dapat nyo akong kasuklaman... Masama
ho akong babae. Niloko ko ho kayo... Pero mahal ko po talaga ang anak niyo... Mahal
na mahal ko ho siya..." Garalgal na kumpisal niya.

"Mom?-Yesh?" Di nila namalayan na dumating pala ang binata.

Dali-dali namang nagpunas ng luha ang dalaga.

"Anong nangyayari dito?" Takang tanong ni Jerico.

"Girl's talk hijo..." Pagtatakip ni Mrs. Mendez. Lumapit ito sa kaniya at bumulong.
"Ayusin mo na ito Lucretia..."

Marahan siyang tumango at pagkuway tinungo ang kinaroroonan ng binata upang


alalayan ito.

"I'll go ahead at may majong session pa ako..." Nakatawang paalam ng ginang.

Naiwan silang dalawa ng binata.

"Saan ka ba nagsususuot huh?" Niyakap siya ni Jerico.

"Uminom lang po ako ng tubig mahal..." Sagot niya dito. Masuyo siyang hinagkan ng
binata sa kaniyang noo.

"Namimiss kita agad..." Masuyong bulong nito at sinamahan pa ng pagpapa- cute.

Natawa naman siya sa itsura ng binata. "Lagi mo naman akong kasama..."

"Basta... Ayoko na mawawala ka sa tabi ko... Namimiss kita eh... Nalulungkot ako."
Seryoso ang mukha ng binata.

Ngumiti siya ng mapait. Kung alam lang sana ng lalaki ang totoo ay baka hindi na
nito gustuhin pang makita siya kahit na kailan pa man.

"Bukas na ang operasyon ko...." Muli'y wika ng binata.

"Oo nga pala!" Bigla niyang naalala.

"Kinakabahan ako eh... Baka hindi magtagumpay..." Malungkot na sabi nito.

Pinisil niya ang pisngi ni Jerico. " Magtatagumpay 'yon. Promise mahal! Kaya
kailangan mo ng magpahinga ngayon!" Nakatawang sagot niya rito.

Lumapad ang pagkakangiti ng binata, tila ba may kapilyuhan itong biglang naisip.

"Ayoko magpahinga... Ang kailangan ko ay pangpa-swerte." Nakangiting wika nito


sabay hapit sa kaniyang bewang.

Nagulat sya ng maramdaman ang harapan ng binata.


It's hard like a rock! Namula ang magkabilang pisngi niya.

Marahan nyang itinulak si Jerico. "Hep-hep... bawal!" Nakatawang tutol niya. "You
need rest mahal... Bukas na ang operation mo."

Naglungkot-lungkutan naman ang mukha ng lalaki. "Ano ba yan... Baka pwedeng ikaw
muna ang operahan ko?" Biro pa nito.

Natatawang hinampas niya ito sa balikat. "Hoy Mr. Mendez! Sobra ka na huh?! Tumigil
ka riyan. Hala! Doon ka na sa kwarto mo at magpahinga."

Sumimangot ang binata. "Oh sige pero tabi tayo ulit ha?" Lambing pa nito at muli
siyang hinapit palapit.

Natawa siya... alam naman niyang hindi uubra sa binata ang magkatabi lamang sila sa
kama magdamag.

Sabagay ano pa ba ang ipagpapakipot niya? Eh nakuha naman na ng lalaki ang lahat?
as in LAHAT LAHAT SA KANIYA.

Kulang na nga lang pati ang kaluluwa niya eh isangla niya na dito.
At isa pa... dala-dala niya na ang mumunting bunga ng kasalanang kaniyang ginawa.

Nararamdaman niya na ang buhay na iyon na pumipintig sa kaibuturan ng kaniyang


pagkatao...

Tulad ng dati kapag nakatulog na ang binata ay tsaka naman sya aalis pabalik sa
kanyang kwarto. Kahit papaano ay may natitira pa din naman siyang kahihiyan.

Kringggg...

NAGULAT sya sa pagtunog ng cellphone.

4:00 am na ng umaga. Napailing sya, napasarap ang tulog niya.

Bigla syang bumalikwas ng bangon.

6 missed calls from Ayesha


10 text from Ayesha

Inis na binura niya lahat iyon.

Tatlong linggo na nyang iniiwasan ang kakambal.

Balita nya last week pa ito nakauwi ng Pilipinas, pero balewala na iyon sa kaniya.

Patigasan na ng bungo ang labanan ngayon, ngayon pang batid niyang magkaka-anak na
sila ng binata. Hindi niya hahayaang tulad nila ng kakambal ay lumaki ng walang
magulang ang kaniyang magiging baby.
"Oh my!" Natutop nya ang bibig.

Ngayon na pala ang operasyon ni Jerico.

Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang banyo.

Naligo siya at pagkatapos ay pumili ng pinaka magandang damit na meron siya sa


cabinet.

Mahalaga kasi ang araw na iyon kaya kailangan maganda siya. Binilisan niya ang
pagkilos niya at ng matapos ay agad niya ng tinungo ang silid ng lalaki na katabi
lamang ng kaniyang silid.

"JERICO?" Nakailang katok na siya subalit nanatiling walang sumasagot sa kaniya.

Ewan pero bigla ang pagragasa ng hindi maipapaliwanag na kaba sa kaniyang dibdib.
Huminga muna siya ng malalim tiyaka pinihit ang seradura ng pinto.

"J-Jerico?!" Nagulat pa siya ng mabungarang nakaupo lamang pala sa kama ang binata.

Gising ito subalit tila may malalim na iniisip.

Nakangiting nilapitan niya ito. "Good morning mahal..."

Akmang hahalikan niya na sana ang pisngi ng binata subalit ng maramdaman siya nito
ay umiwas ito.

"Jerico?" Takang tanong niya.

Kahit wala pang paningin ang binata ay nababakas pa din ang pait at poot sa mga
blangkong mata nito.Natigilan si Lucretia.

"Pinaglaruan mo ako..." Mahina pero matigas na sambit ng binata.


Kuyom ang mga kamao nito at nagtatagis ang mga bagang.

Napaatras ang dalaga.

Pakiramdam niya ay naninigas ang buo niyang katawan. "Jerico..."

Namumula ang mukha nito. Bigla na lamang nitong inabot ang lamp shade sa tabi ng
kama at pabalya iyong ibinato sa sahig. Lumikha iyon ng ingay dahil sa pagkabasag
ng naturang gamit.
Nanghilakbot naman si Lucretia.

Nangilid ang mga luha sa kaniyang mga mata. "M-Magpapaliwanag a-ako..." Naiiyak na
wika niya.

"Anong klase kang babae? Anong klase kang hayop? ha?!" Tila kulog ang boses ni
Jerico. " Niloko mo kaming lahat dito! Kami ng mommy ko! Ako! Pinaglaruan mo ako!!!
Hindi ka pa nakontento sa panggagaya sa kakambal mo? Pati katawan mo ipinagamit mo
sa akin? Pati ang sarili mong puri eh handa mong isugal para lamang sa kayamanan
ko? Mukha kang pera Lucretia. Ibang-iba sa pagkakakilala ko sayo noon. Daig mo pa
ang isang maruming bayarang babae." Nanggagalit ang mga ipin ng binata.

Para namang pinaghihiwa ang puso ni Lucretia sa mga salitang naririnig mula sa
lalaki.

"Lumayas ka rito... Hindi ko maatim makasama ka pa o makita ka pa pagkatapos ng


operasyon. Lumayas ka bago kung ano pang magawa ko sa'yo!!!" Sigaw ng binata.

Nangilid ang mga luha niya. Hindi nya akalaing ganoon ang magiging reaksyon ng
binata. "H-hindi iyon ganoon... Jerico mahal kita... Hindi pera o ano pa man ang
habol ko..." Naiiyak na paliwanag niya.

Ngumiti ng mapait ang binata. "Napakagaling mong umarte... Tama talaga si Ayesha...
Magaling kang magpaikot ng tao." Sarkastikong anito.

Napatingin siya sa kaliwang kamay ng binata na may hawak-hawak na cellphone,


marahil ay tinawagan na ito ng impakta niyang kakambal.

"Hindi ako aalis! Ako ang nasa tabi mo ng kasalukuyan kang iniwan ni Ayesha dahil
bulag ka na! Ako ang nagtiyaga para alagaan at intindihin ka... Ako ang kasama
mo!!! Ako ang nagmamalasakit sa'yo-" Naputol ang mga sasabihin niya pa sana ng
biglang bumukas ang pinto.

Ang mommy ni Jerico. Gulat din ito sa mga narinig na pagtatalo nilang dalawa.

Awang-awa naman ang ginang sa kaniya.

Minabuti ni Mrs. Mendez ang umalis na lamang muli. Ayaw nitong salubungin ang galit
ni Jerico. Kilala nito ang anak, hindi mo ito mapapakiusapan kapag ito ay nagagalit
na. Pero batid ntiong malambot ang puso ni Jerico, umasa na lamang ang Ginang na
tama ang nadarama nito na mahal ni Jerico si Lucretia. Ipininid nitong muli ang
pinto ng silid ng anak.

"Magkano???" Malamig na tanong ng binata sa kaniya.


Naiiyak na napailing siya. "Hindi ako humihingi ng kahit anong kapalit Jerico.
Ikaw... Ikaw ang gusto ko... Mahal kita noon pa man at gusto kong malaman mo na...
buntis ako..." Humahagulhol na napaupo na siya sa sahig ng kwarto.

Tumawa ng pagak ang binata. "Nakakasiguro ka bang akin 'yan?"

Nagpantig ang tainga ng dalaga sa narinig. Nanginginig na siya sa pag iyak. "Ganoon
ba? Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin? Alam mong ikaw ang unang lalaki sa
buhay ko! Alam mo 'yan! Ikaw ang nakauna sa akin..."

"At pagkatapos ko? Hindi ko naman alam, dahil hindi nga ako nakakakita hindi ba?
Malay ko ba kung nakailan ka pa maliban sa akin. Hindi naman sa lahat ng oras ay
nababantayan kita." Nang-uuyam na sagot nito. "Lalo pa nga't bulag ako diba?"

Si Jerico ba talaga ang kausap niya ngayon?

Bakit sarado na ang isipan nito para sa kaniya? Hindi ba talaga siya nito minahal
bilang bagong Ayesha? Ang lahat ba ay puro panaginip lamang na ngayon ay isa ng
bangungot?!

Marahas niyang pinahid ang bagong luha na umalpas sa kaniyang mga mata. Isa siyang
gagadahil pilit niya pang ipinagsi-siksikan ang sarili niya roon.

Para na nitong niyurakan ang kanyang buong pagkatao. Sapat na ang mga narinig nya
sa lalaki. Tama na siguro ang ginawa niyang pagpapakababa.

Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa sahig ng silid nito. Kahit sugatan ang buo
niyang pagkatao ay pinilit niyang maging matatag. "Tama na... hindi na kita
pipilitin. Hindi ko alam na ganiyan pala kakitid ang utak mo... I'm sorry Jerico.
Kung idedemanda mo ako ay handa akong humarap sa korte. Oo guilty ako, pero para sa
iisang bagay lamang... iyon ay ang minahal kita ng higit sa labis at sobra-sobra.
Pero ngayon, gusto ko ng pagsisihan iyon. Oo masama nga akong babae, sobrang sama
ko dahil naging makasarili ako at nagsinungaling ako saiyo- at ang tungkol sa
pinagbubuntis ko ay kasinungalingan lamang din... kalimutan mo na." Iyon lamang at
tahimik niya ng nilisan ang silid ng binata.

NAIWAN namang natitigilan ang binata.

Hindi alam ni Jerico kung bakit nasabi niya ang mga bagay na iyon kay Aye-Lucretia.
Napopoot siya dito,Oo... Pero tila mas doble pa ang sakit na kaniyang nadama dahil
sa mga binitiwan niyang salita sa babae.

Galit na pinaghahagis niya ang lahat ng mga gamit na kaniyang mahawakan.


SAMANTALA nagtata-takbo si Lucretia palabas ng mansyon.

Nagtangka si Mrs. Mendez na habulin siya subalit mabilis na siyang nakalabas ng


gate.

Wala na siyang pakialam kahit mataas na ang sikat ng araw.

Basta gusto niya ng makalayo... malayong-malayo sa bangungot na siya rin naman ang
lumikha.

Tigmak ang mga luhang tinahak niya na ang daan paalis sa buhay ng binata.

JAMILLEFUMAH ...10

SI JERICO...

"Honey..." A sexy voice interrupted his thoughts. Inilinga nya ang ulo.

May kalabuan pa rin ang kanyang paningin subalit nasisinag niya na ang paligid. May
mga nakakasilaw na liwanag na tumutusok sa kanyang mga mata.

"Idilat mo Mr. Mendez, sa umpisa lamang ang kirot niyan." Boses ng katabing Doktor.

Iyon ang araw ng pagtanggal ng kanyang benda. Tatlong buwan matapos ang
operasyon... tatlong buwan matapos ang... Ipinilig nya ang ulo.

"Honey?!" Muli ay ang boses na iyon.

Tinitigan niya ang pigura ng babae. Nasisinag niya ang mapulang labi nito dahil sa
matingkad na lipstick.
"A-Ayesha.." Namamalat ang kaniyang tinig.

"Oh Honey!!!" Masayang niyakap siya ng babae.

Narinig nya ang pagtikhim ng kanyang Ina.

"Mom... nakakakita na ako.." Mahinang anas nya, nilingon niya ang ginang sa likod
ni Ayesha. Malinaw na ang kaniyang paningin.

"I'm so proud of you hijo... You made it..." Mahinang sagot nito. Tila ba may hindi
ito nagugustuhan sa mga nagaganap.
SAMANTALA

Nakauwi na si Lucretia sa kanilang bahay sa probinsiya.

Bumalik na siya sa dating buhay na mayroon siya noon. Mariin niyang ipinikit ang
mga mata.

Nakadama siya ng pagkirot ng sikmura. Dahan-dahan siyang tumayo at tinungo ang


kanugnog lamang na kusina. Napabuntung hininga ang babae.

The worst feeling in the world is to be hurt by the one you love, and to still love
them with all the shattered pieces of your broken heart. Batid nya sa mga oras na
iyon ay nakakakita na si Jerico.

Dalawang buwan na ang matuling lumipas...


Subalit hindi pa din halata ang kaniyang tiyan.

Pero alam niya darating ang araw na malalaman na ng buong bayan ang kaniyang
pagiging disgrasyadang ina. Isa pa naman syang guro, malamang mawawalan siya ng
trabaho pag nalaman ng Principal na buntis siya subalit walang asawa. At ang mga
mata ng kaniyang mga ka-Nayon... siguradong huhusgahan siya.

Mapait syang napangiti.


Makakalimot din siya...

Mula ng bumalik sya sa pagtuturo sa kanilang probinsya ay hindi niya pa nakikita


maski anino ni Ayesha.

Alam niya ay naroroon ito namamalagi sa bahay nina Jerico.

"Makapal ang mukha..." Nagtatagis ang kaniyang mga ngipin.

Natawa siya ng mahina. Oo nga pala... siya talaga ang makapal ang mukha, at hindi
si Ayesha.

"Bobo..." Naisip nya ang binata.

Muli ay kumirot ang kaniyang sikmura.

"Baby? gutom ka na?" Nakangiting hinimas niya ang kaniyang impis pang puson.

Iyon na lamang ang nagpapalakas sa kaniya ngayon at hinding hindi niya pagsisisihan
ang bunga ng kaniyang katangahan.

SA MANSYON...

"Honey? Where do you want to go hmm?" Malambing na kumalong pa ang dalaga kay
Jerico.
Kakauwi lamang nila noon galing sa Hospital.

"Gusto ko lang magpahinga." Malamig na sagot niya. Tumayo sya at tinungo na ang
hagdanan.

INIS na napasalampak na lamang sa malaking sofa si Ayesha habang pinagmamasdan ang


papalayong binata.

Tumaas ang kanyang kilay. Medyo namayat si Jerico, subalit gwapo pa rin naman ito.
Napangiti sya. Na-miss nya ang lalaki.

Inilagay niya sa kanyang lap ang kaniyang shoulder bag at mula sa loob noon ay
kinuha ang kahita ng mamahaling sigarilyo.

Dumikuwatro siya at akmang sisindihan ang isang stick ng makarinig sya ng pagtikhim
mula sa kaniyang likuran.

Inis na nilingon niya ito. Hindi na siya nagulat ng makita ang mommy ni Jerico.
"Tita?" Ngumiti sya ng 'FAKE'. Obviously noon pa man ay nagpa-plastikan lang naman
sila ng babae.

Kumunot lamang ang noo ni Mrs. Mendez habang nakatingin sa kaniya at sa stick ng
sigarilyong hawak-hawak niya.

Tumayo si Ayesha at ibinalik ang sigarilyo sa kaniyang shoulder bag.

Naglakad siya patungo sa babae, lumalagutok sa sahig ang kaniyang high heels na
suot-suot. Larawan talaga ng isang modernang babae.

"So Tita?" Untag niya sa babaeng kaharap. Namewang pa siya na tila siya ang may ari
ng kabahayang iyon.

"Why are you still here?" Malamig ang tinig na tanong ni Mrs. Mendez.

Ngumiti sya ng nanunuya. "Well? hindi naman na ako iba, right? Ibang tao nga
pinapapasok niyo dito. Ako pa kaya na 'Girlfriend' ng anak niyo." Nakangisi pa sya
habang sinasabi ang mga katagang "ibang tao".

Batid niyang kinunsinti nito ang kalokohan ng kaniyang kakambal.

TUMAWA ng mapakla si Mrs. Mendez. Wala talagang delikadeza ang kanyang kaharap. "Oo
'ibang tao' ...pero 'tao' talaga at iyon lamang ang tinatanggap ko dito sa 'bahay
ko' ." Alam niyang may tinutumbok ang pananalita ni Ayesha, kahit papaano ay
palaban din naman siya. Bitch si Ayesha, pero may asim pa din naman ang kaniyang
pagiging bitch kahit may edad na sya ano. Natatawa siya sa sarili dahil sa
ginagawang pagpatol dito.

Ngumiwi ang magandang mukha ng kaharap. "Oh yeah tita. I know what are you trying
to say. I'm here for Jerico, not for you. I know you dont like me-"

"I'm glad you know!" Agaw niya sa iba pang sasabihin sana ni Ayesha.

"Thanks tita. Don't worry the feeling is mutual." Ngumiti ito ng matamis sa kaniya.

Iminuestra ni Mrs. Mendez ang daan patungo sa pinto ng mansyon. "You may go, then."
Nakangiting aniya sa kakambal ni Lucretia.

"Fine." Inis na sagot naman ni Ayesha at nagdadabog na tinungo ang palabas na


pinto.

SA TUKTOK naman ng hagdan ay tahimik na nanonood si Jerico.

Hindi na siya naninibago, noon pa man ay alam niya ng ganoon ang ugali ni Ayesha...

Malayong-malayo kay... Ipinilig nya ang kaniyang ulo. Ayaw niya munang isipin ang
babaeng 'yon. Ayaw niya ng isipin ang katangahan niya.

Malalim na napabuntung hininga siya.

"Para saan 'yon?"

Nagulat siya ng may magsalita. Napalingon siya... nakaakyat na pala ang kaniyang
mommy sa kalagitnaan ng hagdan.

"Nothing, mom." Nakangiti nyang sagot dito.

Lumapit ang babae at niyakap siya.

"Wala ka bang gagawin hijo?" Malumanay na tanong nya sa anak.

Kumunot ang noo niya.

"Look for her..." May kinuha siya sa kanyang shoulder bag. Isang envelope at
iniabot ito kay Jerico.

Nagtataka namang binuksan ng binata ang envelope at inilabas ang mga laman noon.
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita.

Mga pictures iyon ng isang pamilyar na tao. Ibat-ibang anggulo, mula sa malayo,
lahat stolen. Pero sigurado siya na kilala niya ang simpleng kagandahang iyon.
Parang may humaplos na kung ano sa kanyang puso.

"Pinaimbestigahan ko siya..." Pagtatapat ng Ina. "Mabuti siyang tao." Patuloy pa


nito.

Hindi naman mapuknat ang kanyang pagkakatitig sa mga larawan na ibinigay ng Ina sa
kaniya. Inisa-isa nya 'yon na tila may pangungulila.

Simple lamang ang suot ng dalaga sa picture. Naka palda itong hanggang tuhod at
simpleng flat na sandalyas na kulay maroon. Napakaputi ng mga binti nito , his
weakness pagdating sa isang babae. Ang mukha nito na walang bahid ng ano mang
kolorete. Ang simpleng blouse , ang pagkakapuyod ng mahabang buhok. Medyo tumaba
ito ng kaunti pero kilalang-kilala niya pa rin ang lahat dito. Ibang-iba sa babaeng
kanina lamang ay nasa kanilang mansyon.

Kinuha ng kanyang mommy ang isang larawan ni Lucretia. "This pretty girl don't
deserve what you have been putting her through, but yet she still loves you."

"Mom..." Hirap na wika niya.

"You love her too, don't you?" Nakangiting tanong ng babae.

"Niloko nya ako mom. Pinaglaruan...at sinaktan." Para siyang batang nagsusumbong.

"When it hurts, it's real..." Makahulugang wika ng babae. Tinapik nito ang kaniyang
balikat at nauna na itong pumasok sa kalapit na kwarto.

Naiwan namang natitigilan si Jerico.

If you truly love someone, you'll forgive the unforgivable. Even if it means
getting your heart broken more than one time.

Mahal niya si Lucretia. Alam iyon ng puso niya. Dahil nabulag ang kaniyang mga mata
nananatili namang nakakakita ang kaniyang puso.

JAMILLEFUMAH ...11

Sa Probinsya...
Naiiyak na inimpake ni Lucretia ang kaniyang mga damit.

Kailangan niya ng umalis... ayaw niyang danasin ang dinanas ng kaniyang Ina, ang
kutyain dahil sa pagiging disgrasyada.

Isa pa, isa siyang guro.

Iginagalang at alam ng mga tao na mabait siya, matino at simpleng babae lamang.
Iyon na nga lang ang inilamang niya sa kaniyang kakambal pero lahat iyon ay
masisira na... dahil unti-unti ng lumalaki ang kaniyang tiyan.

Butil-butil ang kaniyang pawis sa noo. Medyo hirap na siyang kumilos. Paano'y
stress na stress siya at lagi pang nalilipasan ng gutom.

"Where are you going?" Matinis na boses na nagpatigil sa kaniyang ginagawa.

Hindi niya na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ang dumating.

Tahimik na ipinagpatuloy niya na lamang ang ginagawang pag-iimpake. Lumundo ang


kamang kaniyang kinauupuan. Napalingon siya, umupo si Ayesha sa kaniyang harapan.

"Pwede ba.." Mahinang pakiusap niya. Ayaw niya ng gulo.

"You really love him???" Inis na binato pa siya ng damit ni Ayesha.

Nakadama naman siya ng asar dito. "Ano ba?!"

Tumawa ng malakas ang kakambal. "Sis, you're so cute you know that?" Pang uuyam
nito.

"Pwede ba Ayesha! Nasayo na ulit sya diba? Ano pang ipinunta mo rito?" Kumukulo ang
kaniyang dugo.

"Oh no Lucz... Correction, akin naman talaga siya noon pa."

"Stop calling me that way. So ano pang problema mo?" Inis na tumayo siya at pinulot
ang iba pang damit na nagkalat. Tuloy-tuloy pa din sya sa kaniyang ginagawa.

"I know you like him... pero hindi ko alam na magpapaka-tanga ka ng ganoon huh? I
cant believe na magpapakababa ka, ibang-iba sa pagkakakilala ko sa'yo Lucretia! To
the point na nagpanggap ka pa talaga bilang ako. May pagnanasa ka pala sa boyfriend
ko! Mas malandi ka pa pala sa akin eh." Litanya nito.

Tumigil sya sa ginagawang pag-iimpake at hinarap si Ayesha.

"Correction din. Umalis ka at iniwan mo sya! Kasi akala mo hindi na sya makakakita.
So by that time, HINDI NA KAYO! OK fine... ang kasalanan ko lang is minahal ko
talaga si Jerico."

"Lumalaban ka na huh?" Nakatawang wika ni Ayesha.

"Ayesha..." Wala na siyang masabi. Ayaw niyang mag-away sila ng kakambal.

"Puntahan mo sya. Tingin ko namimiss ka na ng uto-utong yun. Plus pa yung nanay


nyang pakialamera. Sige na makigulo ka sa amin. Nakakakita na siya, mas cool na ang
sitwasyon ngayon... Ano bang nararamdaman mo?"

Umikot ang kaniyang mga mata. "Sometimes it's good to ignore everything rather that
to be involved with bullshits."

Lalong humagalpak ng tawa ang kakambal. Tila ba tuwang-tuwa talaga ito sa mg


naririnig na salita mula sa kaniya. "I love you more for that Lucz. Si Jerico lang
pala ang magpapakawala ng itinatago mong 'bitch side', to the point na nagmumura ka
na rin pala?"

Iniwas nya ang tingin. "Aalis na ako, itong bahay ipapa-renta ko na sa anak ni Mang
Kanor ikakasal na kasi iyon sa isang linggo. Hindi mo naman kailangan ng pera hindi
ba? Kaya ok lang naman siguro kung hihiramin ko muna 'yong ida-down at deposit
nila. Kailangan ko din kasi ng pang-umpisa. Uuwi ako sa probinsya nila lola sa
Cebu, bahala na..."

Ngulat siya ng may kinuha si Ayesha sa bag at inilapag iyon sa kama. Perang tig-
iisang libo na tantya nya ay nasa sampu o labing limang libong piso.

"Take it." Nakangiting wika ni Ayesha. "Itong bahay, wala akong pakialam kahit
ibenta mo pa ito. Patay naman na si Nanay eh, isa pa wala akong balak tumira pa
dito, ikaw lamang naman ang dahilan kung bakit umuuwi pa ako rito sa probinsya."
Lumapit ito sa kaniya ang hinalikan sya sa pisngi.
"Take care of my niece... and make sure she will grow beautiful and smart like her
tita huh!" Nakatawang lumabas na ito ng pinto.

Naiwan naman siyang di alam kung ano ang sasabihin. Narinig na lamang niya na nag-
start na ang sasakyan nito.

Tanda na umalis na ang kanyang kakambal.

Bumalik ang tingin niya sa iniwan nitong pera sa kama.

Naiiyak na kinuha niya iyon... malaki ang maitutulong noon sa kaniya at sa magiging
baby niya. Bigla siyang natigilan ng maalala ang huling mga sinabi ni Ayesha...alam
nitong buntis siya?
SA ISANG lugar siya sa maynila dinala ng tadhana.
Medyo makipot ang eskinita papasok sa kaniyang lugar.

Iyon lamang ang nakayanan ng kaniyang ipon pati na din ng renta sa pinaupahan
niyang bahay sa probinsya.

Naubos din halos lahat dahil sa pagkakamali niyang pumunta pa sa Cebu para hanapin
ang bahay ng kanilang lola.

Sa kasamaang palad ay naubos lamang ang budget niya at ngayon dito sa masikip na
lugar sa Sta. Mesa siya napadpad.

Napalingon sya ng makarinig ng kaluskos mula sa labas ng pintuan.

Medyo kabado pa siya sa kaniyang bagong nilipatan. Mabuti ng dito sa Maynila


atleast bukas na ang isipan ng mga Mailenyo hindi na big deal dito ang mga tulad
niyang 'dalagang ina' kumbaga.

May natitira pa naman siyang salapi na mula sa kaniyang kakambal. Subalit inilalaan
niya iyon sa kaniyang panganganak.

Kailangan yang mag ipit ng pera lalo pa't wala pa naman na siyang trabahong
nahahanap sa ngayon. Wala rin namang tatanggap sa kaniyang pag nalamang nagdadalang
tao na sya at malapit ng lumobo ang kanyang tiyan.

Medyo masaklap nga ang kinahinatnan ng kaniyang buhay.


Iyon ata ang karma niya sa pagiging makasarili at sa kaniyang pagsisinungaling.

Muli ay ibinalik niya sa kasalukuyan ang kaniyang isipan.

Sa maliit na studio type apartment na nagkakahalaga lamang ng apat na libo isang


buwan.

Iisa lang naman siya, pwede na ang ganoon.


Bumalik na naman ang kaluskos sa labas.

Alanganin siya kung sisilip ba o hindi. Nakakapanibago dahil sa probinsya sa


ganoong oras ay tahimik na ang labas pero ngayon madami pa din tao ang palakad-
lakad sa kalsada.

Muli ang kaluskos na naman!

Takot na tumayo sya at kinuha ang maliit na kutsilyo sa kalapit lamang na lababo.

Madilim sa pagsilip niya sa bintana.

"S-sino yan?" Sinikap niyang patatagin ang kaniyang tinig.

Wala siyang sagot na natamo.


Dahan-dahan niyang binuksan ang seradura ng pinto para lamang magulat sa kaniyang
matutunghayan.

"I-ikaw???" Malat ang boses niya na hindi pa makapaniwala kung nananaginip ba siya
o hindi.

Nakatayo sa harapan niya ngayon ang huling taong gugustuhin niyang makita maski ang
anino man lamang.

Akmang ibabalya nya pasara muli ang pinto pero maagap na nitong naisangkalan ang
mga kamay. Nakipaghilahan sya subalit mas malakas ito sa kanya.

"Hey! Wait!" Awat nito.

"Ano ba! Lumayas ka!" Sigaw niya. Nanginginig na yata ang mga laman niya sa buong
katawan.

"Teka lang!" Sigaw ng binata sabay balya sa pinto.

Halos tumalsik sa Lucretia sa lakas ng impact, mabuti na lamang at hindi siya


napaupo sa sahig.

Napamulagat siya ng makitang nakapasok na sa loob ng kaniyang apartment si Jerico.

"Anong ginagawa mo dito???" Singhal nya sa lalaki.

Ngumiti ng nakakaloko si Jerico. Nakaharap ito sa kaniya subalit ang mga kamay ay
abala sa pagla-lock ng kaniyang pinto.

"Kahit saan ka pa magtago makikita at makikita pa rin kita... Mayaman ako diba?"

Nanlisik ang kanyang mga mata sa inis. "At sinong nagsabi sa'yong pinagtataguan
kita? Hindi bat pinalayas mo na nga ako? Bakit mo pa ko pinuntahan dito?" Mataray
niyang tanong.

Tumawa ng mapakla ang binata.

Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, pagkuway iiling-iling na
sumandal sa pinto. Nai-lock na nito ng tuluyan ang nasabing pinto.

JAMILLEFUMAH ...12

PINASADAHAN siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, pagkuway iiling-iling na
sumandal sa pinto. Nai-lock na nito ng tuluyan ang nasabing pinto.

"Sabi mo buntis ka ?" Blangko ang mukhang tanong sa kaniya ni Jerico. Nakatingin
ito sa impis niyang puson. "Nagsinungaling ka na naman... pati si Mama napaniwala
mo.."

Gusto niyang tadyakan sa mukha ang lalaki. Gusto nyang isigaw na "Kasalanan ko ba
kung maliit ako magbuntis?" Pero nanatili na lamang siyang tahimik. Bahala na ito
sa gusto nitong isipin sa kaniya.

"My sweet liar..." Namumungay ang mga mata ni Jerico. Noon lamang napansin ni
Lucretia na tila nakainom ang binata.

"Ano pa bang ginagawa mo rito?" Mahina niyang tanong. Ewan pero pakiramdam nya ay
sobra nyang na-miss ang lalaki. Pilit niyang pinaglalabanan ang damdamin.

"Gusto kitang makita..." Tipid na sagot ng binata.

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Ang lakas naman ng tahip ng kaniyang dibdib sa
sinabi ni Jerico.

"Sabi ni Mama hanapin kita. Sa totoo lang galit ako sa'yo..." Halos bulong na
lamang ang pagkakasabi niyon ni Jerico sa kaniya.

Pakiramdam ni Lucretia ay muling nanariwa ang sugat sa kaniyang puso.


Oo galit sa kanya si Jerico, hindi nya ito masisisi.

"Bakit narito ka sa Maynila?"

"Dito na ako magta-trabaho... Bagong buhay.." Mapait nyang sagot.

"May ambisyon ka rin pala? Mali si Ayesha na mas gugustuhin mo pang mabulok sa
probinsya. Iniisip mo bang makakasilo ka ng mayamang lalaki rito?" Nakakaloko ang
tinig ni Jerico.

Tumingin sya ng diretso sa mukha nito. "At bakit hindi? Maganda naman ako."

Naningkit ang mga mata ng binata halos ilang hakbang lamang nito ang pagitan nila.
Hinaklit nito ang kaniyang balikat.

Nasaktan sya pero pilit niyang itinago ang emosyon. Nakipaglaban siya ng titigan sa
binata.

"Oportunista? Handa kang ibigay ang katawan mo sa kahit kaninong lalaki para lamang
mabago ang kalagayan ng buhay mo?" Gigil na bulong ni Jerico sa mukha niya.

"At bakit hindi?" Pang-aasar niya lalo dito.


Halos pigain na ni Jerico ang kaniyang mga balikat. Napapangiwi na rin siya sa
sakit na nadarama.

"Magkano ba ang kailangan mo??!" Nagtatagis ang mga bagang nito.

"Bakit mo tinatanong?" Sinalubong niya ang mabalasik na titig ng lalaki. Pero kahit
anong pilit nya na tatagan ang sarili ay para pa rin siyang nauubusan ng lakas sa
tuwing tititigan siya nito.

How he missed this man, so very much!

"Sabihin mo sa akin kung magkano... Bibigyan kita." Seryoso ang mukha nito na
nakatitig sa kaniya.

Tila matutunaw na sya sa pagkakatitig na iyon. Gusto niyang isigaw sa mukha nito na
hindi niya kailangan ang pera...

"I wan to make love with you.... there..." Turo ni Jerico sa sahig. "Right now..."

Pinigil ni Lucretia ang pagbagsak ng mga luha sa kaniyang mga mata.


Pinilit niyang magpakatatag.

Naramdaman niya ang paglalapat ng mga labi nila ng binata.

Kakaiba ang mga halik na ipinagkakaloob nito sa kaniya ngayon. Wala na ang
pagibig... ang pag galang...

Napalitan na 'yon ng poot.

Halos magdugo ang mga labi niya dahil sa mapagparusang halik na 'yon.

Naramdaman niya ang pagpunit ng binata sa kaniyang suot na bestida.

Pakiramdam niya nagasgasan ang kaniyang balikat sa pagkakahablot nito sa kaniyang


bra.

Parang hayok na hayok ang binata.


Daig niya pa ang niri-rape.

Halos pabalya siya nitong hiniga sa sahig.


Pinaghahalikan siya nito sa lahat ng parte ng kaniyang katawan.

Masakit ang mga haplos at hawak ni Jerico na tila ba sinasadyang mag-iwan ng bakas
sa kaniyang makinis na balat.

"I miss you...." Narinig niya ang nanginginig na boses ng binata.


Na-miss sya nito? O na-miss lamang nito ang kanyang katawan? Hindi pa ba ito nako-
kontento sa kakambal niya?

Tumayo si Jerico upang ito naman ang maghubad ng damit nito.

Habang hinuhubad nito ang pantalon ay hindi pa din maalis ang tingin nito sa kanya
habang sya ay nakahiga pa din sa malamig na tiles ng kanyang apartment.

Niyakap niya ang kaniyang hubad na katawan.

Pero maagap na umibabaw muli sa kaniya ang binata.


Pinangko nito ang mga kamay niya upang hindi siya makapalag pa.

Ni hindi niya nadinig dito ang gusto niyang marinig.

Ipinikit nya ng madiin ang kaniyang mga mata.

Tila sumusugat sa kaniyang pagkatao ang bawat galaw ng binata sa ibabaw ng kaniyang
katawan.

"Ahh..." Hindi nya napigilan ang pag alpas ng ungol sa kaniyang lalamunan.
Nasasaktan na sya! Pero hindi papaawat ang binata. Sige pa din ito.

"T-tama na Jerico..." Pagsusumamo niya.

Pero tila walang narinig ang binata. Wala syang makapitan sa malamig na sahig na
iyon. Pabiling-biling ang kaniyang ulo.

"Shit..." Napamura ang lalaki at biglang itinigil ang ginagawa.

Patuloy naman sa pag-agos ang luha sa pisngi ng dalaga. Kasabay noon ang pag agos
ng masaganang dugo sa kanyang pagkababae.

"A-ang b-baby ko... huhu.." Halos mahina na lamang ang tinig na lumalabas sa
kaniyang mga labi. Pakiramdam niya ay hinang-hina sya at nahihilo na.

Gulat naman si Jerico sa nasasaksihan.

Nang makabawi ay agad na tumayo ang binata at mabilis na nagsuot ng pantalon.

"Oh my God! Lucretia are you okay???" Alalang-alala ito.

JAMILLEFUMAH ...13
JERICO

TARANTANG naghanap siya ng damit ng babae dahil napunit niya na ang suot nito
kanina.

Agad na lamang niyang isinuot ang kaniyang coat sa hubad na katawan ng dalaga.

Binuhat niya ito.

"Shh... Dadalhin kita sa hospital.."

Nagmamadali niyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan.

Nakatingin ang mga tao sa kalsada.

Wala na syang pakialam.

Kailangang madala nya sa hospital si Lucretia.

Nakalimutan nuya na ring i-lock muli ang apartment ng babae.


Kabadong-kabado na sya.

"Shit! I'm sorry... I'm so sorry....!" Paulit-ulit nyang sabi kahit batid nyang
wala ng malay ang dalaga. Habang nagda-drive sya ay pasulyap-sulyap sya sa kay
Lucretia na nasa tabi niya na wala pa ring malay.

"Baby kumapit ka... Kumapit kayo ni mommy ha... Sorry...Dadalhin kayo sa hospital
ni daddy... Promise... Mahal na mahal ko kayo..." Halos maiyak na si Jerico sa
pagda-drive.

SAMANTALA si Lucretia....

Kahit nahihilo... sa kaniyang balintataw ay naaninag nya ang gwapong mukha ni


Jerico habang ito ay nagda-drive.

Kitang-kita nya ang labis na pag-aalala sa maamo nitong mukha.

Hindi sya makapaniwala sa mga narinig na sinambit nito.


Pakiramdam niya ay nananaginip lamang siya...

"Baby kumapit ka... Kumapit kayo ni mommy ha.... Sorry.... Dadalhin kayo sa
hospital ni daddy... Promise... Mahal na mahal ko kayo..." Parang musika ang
sinabing iyon ng binata. Hanggang sa tuluyan ng nawala ang kanyang ulirat...

MALAMIG ang pakiramdam ng magmulat siya ng kaniyang mga mata. Nasa puting silid
siya at may nakakabit na mga tubo sa kaniyang kamay.

"Jerico?" Nasa tabi niya ang binata habang hawak-hawak ang kaniyang kaliwang kamay.
Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa kaniyang mukha at tinitigan
siya ng taimtim na tila inaarok ang kaloob-looban niya.

Iyong tingin na may fondness... Pakiramdam nya ay malulusaw sya sa pagkakatitig


nito.

"Jerico..." Umaapaw ang ibat-ibang emosyon sa puso niya. Wala na ba talaga ang
Jerico na minahal niya?

Ibang tao na ata ang nakikita niya ngayon...

Oo galit si Jerico sa kaniya, pero nagdaramdam din anamn siya.


Bakit ganoon na lamang itapon ng binata ang pinagsamahan nila?

"Hindi ako papayag na lalaking walang ama ang anak ko." Napaka powerful ng boses ng
lalaki. Ang aura nito ay napalitan ng katigasan.

Kung gayon?

Ang sanggol lamang na dinadala nya ang habol nito?

Her mind made up, Nakipagtitigan din sya sa binata, Meeting his angry gaze. "Kaya
ko namang palakihing mag-isa ang anak ko. Kagaya ng pagpapalaki ng nanay ko sa amin
ni Ayesha..." Mahinang mahina ang pagkakasabi niya.

Siguro kung lalaki man ang kaniyang anak, mas gugustuhin niya pang mag-isa na
lamang siya na kasama nito kesa may pamilya nga subalit wala namang pagibig na
namamagitan sa kanyang mga magulang. Isa pa anong mukha ang ihaharap niya kay
Ayesha?

Nakita nyang tuluyang nagbago ang mood ng binata. "Sa tingin mo ba hahayaan ko
'yon? Hindi matutulad sa akin o sa inyo ng kambal mo ang anak ko! Hindi siya lalaki
na walang ama! Tandaan mo yan! Hindi ako papayag! Kaya magpapakasal na tayo!"
Parang kulog ang boses ni Jerico .His expression darkened with anger.

Natigagal naman siya. Kasal?


Papakasalan pa din siya ng binata?

"Magsasama lang tayo para sa bata?" she whispered. Parang binibiyak ang puso niya.
Sabihin mong mahal mo na ako! Papakasal ako sayo kahit ngayon mismo! Gusto niyang
isigaw sa binata pero batid niyang hindi niya kayang isaboses ang mga salitang
iyon.

Umupo muli ang lalaki sa tabi nya.

Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kaniyang pisngi.


Na-miss nya ang ganoong trato... yung may pagmamahal...

"Lucretia..." Parang may kung anong pumipigil dito na magsalita.


Hinihintay niya ang susunod na sasabihin ni Jerico pero bigla itong tumungo.

"Basta magpapakasal na tayo!" Iyon lang at tumayo na ito. Tinungo nito ang pinto at
lumabas na ng kwarto.

Naiwan namang nakamaang si Lucretia.

Tahimik siyang lumuha.

Kung sana kaya niyang ibalik ang kahapon magtatapat din naman siya kay Jerico
eh,nahuli lamang siya. Masakit nga namang malaman ang katotohanan mula sa ibang
tao.

Pinahid nya ang luha sa kanyang pisngi.

Bakit nga ba siya umiiyak?

Hinaplos nya ang kanyang tiyan. "Mahal na mahal ko ang daddy mo...." Anas niya.

SA LIKOD naman ng pinto at nakasilip pa rin pala si Jerico. Hindi naman talaga siya
umalis...

Umabot sa kaniyang pandinig ang mga katagang nanulas sa mga labi ni Lucretia...

Mahal na mahal siya ng babae...

Bakit ba ang hirap para sa kanya na patawarin ito?

Mahal na mahal nya rin naman ito.

Papakasalan niya si Lucretia...


Papakasalan nya ito...

Kung ano man ang kahinatnan ng marriage nila ay hindi niya pa matiyak sa ngayon.

Mahal naman niya ang babae iyon ang alam niya.


Kahit hindi pa sila buong pareho.
Pwede na siguro iyon.

Nasasabik na siyang makasama itong muli.

JAMILLEFUMAH ...14

"IKAKASAL na pala kayo?" Malamig ang pagkakasabi niyon ni Ayesha habang mataman
siyang pinagmamasdan sa kaniyang ginagawang pagliligpit ng kaniyang mga gamit.

She packed all the things that she would be taking to Jerico's house.
Lilipat na siya roon ayon na rin sa kagustuhan ng binata.
Tumayo na si Ayesha at binuksan ang pinto ng kaniyang maliit na apartment.
"Ang pangit ng place mo..." Nakasimangot na wika nito sabay dura sa front door.

Malapit na siyang maging impatient sa kinikilos ng kaniyang kakambal, wag naman


niya sana itong paglihian.

Tumayo na rin siya at nauna ng lumabas dito. Sinundo siya nito para ihatid na din
kina Jerico. May kabaitan din naman ang kaniyang kakambal dahil kung iba siguro ito
ay marahil napatay na siya sa kaniyang ginawa noon.

"Tara na Yesh..." Mahina niyang tawag sa pangalan ng babae.

"So you're not denying it then?" Palatak nito.

"Bakit ko idi-deny? Sooner or later mangyayari na lang yun basta-basta..." wala sa


sariling sagot niya.

Lumapit ang babae sa kaniya at ipinagbukas siya ng pinto ng kotse.


"I will not stand arguing on the street, get inside now." Utos nito.

Naiiling na pumasok na lang siya sa passenger side ng kotse ng kaniyang kakambal.


Yakap-yakap niya ang malaking bag na pinaglalagyan ng kaniyang mga gamit.
"Ayoko ng away Yesh..." Simula niya.

Nagbabanta ang mga tingin ng kaniyang kakambal. "Look Yesh. Kahit itanong mo kay
Jerico , hindi ako sang-ayon na ikasal kaming dalawa."

"Hindi mo siya mahal?"Paniniguro ni Ayesha.

Ayaw niyang magsinungaling kayat hindi na lamang umimik si Lucretia.

"You let him fucked you!" Gigil na sigaw nito sa kaniya na tumalsik pa ang laway sa
kaniyang pisngi. "Nagpabuntis ka pa!"

Marami pa sanang sumbat ang bibitawan ni Ayesha pero napigil iyon ng pag ring ng
kaniyang CP... si Jerico. nag aalangan pa siya kung sasagutin ito pero naisip
niyang iyon na lang ang pagkakataong makatakas sa galit ng kaniyang kakambal.

"H-hello..." Tila nabibikig ang kaniyang lalamunan sa kaba.

"Where are you?" Malamig ang tinig mula sa kabilang linya.

"Nandito pa ako sa apartment but paalis na..." Sagot naman niya sa tanong ng
binata.

"You mean hindi ka pa nakakaalis diyan? " Iritable ang boses ni Jerico.
Bigla siyang nakaramdam ng inis sa lalaki. "Nasa bahay ka ba? Nasaan ka ba?" Tanong
na lang niya.

"Just something's come up. Nasa office pa ako, I'm going to be late. Pero dapat pag
uwi ko sa bahay ay naroon ka na." He seemed distracted.

"Is everything all right?" She asked. Tiningnan niya ang katabi na nakasimangot pa
din. Alam niya na nakikinig si Ayesha sa usapan nila ni Jerico.

She heard him sighed "I'm fine Cresh. I just have to sort something out here. I'll
see you later." He hung up without saying good bye.

Nanlulumong ibinalik niya ang CP sa kaniyang bag.

"Anong sabi?" Usisa ni Ayesha. Halatang nainip ito sa paghihintay na matapos ang
tawag ni Jerico sa kaniya.

"Hinahanap niya na ako." Maiksing sagot niya.

"Kakausapin ko siya mamaya..." Matabang na wika ni Ayesha.

"Para saan?" Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa pagtatanong niyang iyon.

"Lucretia! " Pinandilatan siya ng babae. "Jerico loves me! You know that! Bakit
kailangan niyong magpakasal? Just because of that child? Hindi na tayo nabubuhay sa
sinaunang panahon alam mo yan! Marami ng unwed parents sa panahong ito."
Pinagdidikdikan nito ang kakaibang point na yun.

"Oo nga..." Labag sa loob na sang ayon niya. Bakit? kasi ang totoo gusto niya ang
ideyang ikakasal sila ni Jerico?

"The truth is you loved him or...shall I say, you STILL love him." She said
angrily.

Her head snapped up now, her eyes blazing. "No. I used to think na mahal ko siya...
but now... I don't ...anymore." para siyang tanga sa sagot niya. Pero ayaw niya ng
lumala pa ang usapan nila. Umaasa siyang maayos iyon.

"Prove it to me sis." May pagmamakaawa ang mukha ng babae. "I'm so stupid sa ginawa
kong pag abandona sa kaniya ng mabulag siya. Narealize ko na mahal ko pala talaga
ang lalaking yun. Sis, make it up to me... Alam mo hirap na hirap ako sa sitwasyong
ito. Ikakasal ka sa boyfriend just because nabuntis ka niya..."
Napatitig siya sa makinis na mukha ng kakambal.

Para lamang siyang nananalamin dahil sarili niya ang nakikita niyang nakaharap sa
kaniya at nagmamakaawa para sa pagmamahal ni Jerico. Bakit ba kailangan nilang
magkaganito para sa isang lalaking wala namang pakiramdam?

"Yesh..." Wala siyang maapuhap pang sabihin. Guilty siya sa lahat ng pwede nitong
isumbat sa kaniya.

"I want him back ... Lucretia, the way I'm living my life... Iyon ay dahil sa lahat
ng pasakit na pinagdaanan natin sa buhay. Naniniwala akong kaya kong maging
successful at ipakita sa mga taong iba ako kay Nanay. Ako si Ayesha ay magiging
kilala at hahangaan... Sasambahin ng mga kalalakihan. Maisusuot ko lahat ng
mamahaling damit at alahas... Pero tulad ni Nanay, marupok din pala ako pagdating
sa pagibig. Ngayon... kaya ko ng talikuran ang lahat para kay Jerico."

'Kahit ba ako?' gusto niya sanang itanong pero nanahimik na lang siya. Yes siya
naman talaga ang nag umpisa ng lahat ng ito... Sana kasi hindi na lamang siya
nakialam pa... Sana hindi niya na minahal pa ng sobra ang manhid na lalaking iyon.

Sa pananahimik nilang dalawa habang bumabyahe ay hindi nila namalayang nasa harapan
na sila ng matayog na gate ng mga Mendez. Sa tila palasyong mansyon nila Jerico.

"Bumaba ka na... I'm sure hinihintay ka na ng biyenan mong hilaw." basag ni Ayesha
sa katahimikan.

Tiningnan niya muna ang kakambal bago nagpasalamat at dahan-dahang bumaba ng


sasakyan.

Para siyang lumulutang habang tinatahak ang papasok sa loob ng mansyon. Hindi niya
din pansin ang presensiya ng katulong na naghatid sa kaniya hanggang sa main door
ng kabahayan.

"Lucretia! Hija!"

Mula sa taas ng malagintong hagdan ay bumababa si Mrs. Mendez. Ang mommy ni Jerico.
Naluluha siya habang papalapit sa kaniya ang ginang na naging kakampi niya sa
kaniyang pagpapanggap noon.

"Tita..." Yumakap siya sa babae.

"Hey... Don't call me tita. Ikakasal na kayo ni Jerico so dapat mommy na din ang
itawag mo sa akin. Maliwanag ba?" Malambing na hinimas pa ng babae ang kaniyang
buhok.

"Thanks Mommy..." nakangiti siyang yumakapa muli sa mommy ng kaniyang


mapapangasawa.

Nagulat pa silang dalawa ng biglang bumukas muli ang pinto at iluwa niyon si
Jerico.

Halos kapusin ng paghinga si Lucretia, kakaiba ang dagsa ng kung anong damdamin sa
kaniya pagkakita sa binata.

Ang mga mata nito na blangko na ng kung anong damdamin at ang istriktong mukha na
dati ay puno naman ng sigla...

Wala na talaga ang dating Jerico na nagmamahal sa kaniya.

"Hijo... You're early! I thought you'll be late for dinner huh?" Nakangiting
nilapitan ito ni Mrs. Mendez.

Nakipagbeso-beso naman ang binata sa ina subalit hindi pa din inaalis ang
pagkakatingin sa kaniya. naiilang na umiwas ng tingin si Lucretia.

"Hindi natuloy ang meeting Mom." Sagot nito at pagkuwa'y lumapit sa gawi niya.
"Kararating mo lang din?" Nakakunot ang noong tanong nito.

Tumango ng marahan ang dalaga. "Oo..."

"Kumain na ba kayo? Anyway... Lucretia pinahanda ko na ang guestroom para sa'yo.


Mag ayos ka muna ng gamit mo." Wika muli ni Mrs. Medez.

Tumikhim ang binata. "No mom. Sa kwarto ko na rin siya... Tutal naman ikakasal na
rin kaming dalawa at magkaka baby na. Wala naman ng masama kung magtatabi na kaming
matutulog right?" Suhestiyon nito na ipinanlaki ng mga mata niya.

"Pero..." Tututol pa sana siya pero nakita niyang tumango na ang mommy ni Jerico.
Mukhang naging masaya pa nga ang ginang sa sinabi ng anak nito.

"Sige na hija. Maganda na din iyon at magkakasama na kayo ng aking anak."


Nakangiting inakbayan siya ng ginang. "Sige na Jerico samahan mo na siya..."

Pakiramdam ni Lucretia ay nanginginig ang mga binti niya sa kaba. "Sige po..."
Sagot niya na nanginginig pa. Napatingin siya sa gawi ng binata, tila ba
nagugustuhan nito ang takot na nakareplika sa kaniyang mukha.

"Hon... I think you need rest namumutla ka na." Malambing na lumapit sa kaniya ang
binata at hinaplos ang kaniyang kaliwang pisngi.

Nangingiti naman ang ginang habang pinagmamasdan silang dalawa.


"You look good together..." Puri ni Mrs. Mendez na tila kinikilig pa sa nakikitang
paglalambing ng anak nito sa kaniya.

"We know right... Syempre our baby will be a handsome boy for sure, napakaganda ata
ng mapapangasawa ko..." Nakangiting tugon ng binata sabay halik sa kaniyang pisngi.
Natulala naman si Lucretia. Ano bang drama ng lalaking ito? Pero ang ikinaiinis
niya ay ang pamilyar na damdaming sumisibol na naman sa kaibuturan ng kaniyang
pagkatao.

"Mom... Prepare the dinner na. We'll go ahead." Wika muli nito.

Nauna ng pumasok sa gawing kusina ang ginang at naiwan naman silang dalawa ni
Jerico sa may puno ng hagdan. Inis na humiwalay siya sa pagkakaakbay ng binata.

"Ayoko sa kwarto mo..."

Ngumiti ng sarkastiko ang lalaki. "Bakit? May magagawa ka pa ba?"

"I hate you..." Mahinang sabi niya subalit may diin ang bawat kataga.

"Wala kang choice." Nakakalokong sagot ni Jerico. "Cresh... hindi alam ni mommy na
hindi pa tayo okay. Wag mong ipakita sa kaniya ang evil side mo please, mahina na
ang puso ni mommy... She can't handle stress right now kagagaling niya lang din sa
hospital. "

"Magpapanggap tayong lovers?" Namimilog ang mga mata niyang tanong.

"Kinda... Anyway sanay ka namang nagpapanggap diba?" Iyon lang at tumalikod na ang
binata paakyat sa hagdan. "Lucretia sumunod ka na sa kwarto okay."

Naiwan namang nakanganga ang dalaga.

Para siyang sinampal sa pagkakasabi ni Jerico na sanay siyang magpanggap... Isa


siyang mapagpanggap...Oo. Makakaya niya kayang makasama ang lalaking ito sa loob ng
iisang kwarto at magpanggap na nagmamahalan silang dalawa? Higit sa lahat ang
magpakasal dito...

Tahimik na sumunod siya sa lalaki.

May pagtutol man ang kaniyang isipan ay batid niyang wala naman na siyang magagawa
pa. Sa pag-iisip niya ay hindi niya namalayang pumalya ang pagtapak ng kaniyang
kaliwang paa sa baitang ng hagdanan.

Napatili siya at napakapit sa gilid ng barandilya.


"Ay!"

Alalang napalingon naman si Jerico sa gawi niya. Nang makita nito ang nangyari ay
halos liparin nito ang pagitan nila upang mahawakan siya sa kaniyang braso.

"Shit! What the hell are you doing lady?" inis na tanong nito.
Nagulat pa ang dalaga ng bigla na lamang siyang buhatin ni Jerico.

"A-Ano ba! Ibaba mo nga ako!" Protesta niya.

Subalit hindi tuminag si Jerico.

Buhat-buhat pa rin siya nito habang umaakyat sa hagdan. "Kung kinakailangang


buhatin kita tuwing aakyat ka at bababa dito sa hagdan ay gagawin ko masiguro ko
lamang ang kaligtasan mo." Seryosong sagot nito sa kaniya.

Natahimik na lamang si Lucretia. Parang bigla ay gusto niyang kiligin sa tinuran ng


binatang may karga sa kaniya subalit iwinaksi niya ang nararamdaman.

Ayaw niya ng masaktan pang muli dahil dito, isa pa batid naman niyang hindi siya
ang totoong pinu-protektahan nito kung hindi ang batang kaniyang dinadala sa
kaniyang sinapupunan.

Dahan-dahan siya nitong inilapag sa kama ng makapasok na sila sa loob ng kwarto.

"Salamat..." Mahinang anas niya.

Seryoso pa rin ang mukha nito. "Sa uulitin Lucretia sana naman ay mag-iingat ka.
Alalahanin mong hindi na normal ang sitwasyon mo ngayon dahil buntis ka na.
Kailangan mong mag-ingat hindi lamang para sa'yo kung hindi para na rin diyan sa
batang nasa loob ng katawan mo." Anito.

"Oo." Tipid niyang sagot na may halong hinanakit.

Tama nga ang naiisip niya na wala naman na talagang pakialam sa kaniya ang lalaki.

JAMILLEFUMAH ...15

"PUWEDE bang magpahinga na lamang muna ako? Napagod kasi ako sa biyahe..." Paalam
niya.

Kumunot ang noo ng binata. "Hindi ka kakain?"

"Busog pa naman ako." Pagkasabi noon ay nahiga na siya sa kama at inabot ang kumot
na nakatiklop sa bandang paahan.

"Hindi pwede iyon!" Tutol nito. "kailangan mong kumain kahit busog ka. Dapat maging
malusog ang baby."

Naiinis na nagtalukbong na lamang ng kumot ang dalaga.


Baby! Lagi na lang iyong baby!

Wala na siya sa mood makipag-usap pa sa lalaki lalo pa't nakakaramdam na siya ng


hindi maipaliwanag na pagkahilo.

Tila naman naawa sa kaniya ang binata kaya hinayaan na lamang siya nitong
magpahinga.

Narinig na lamang niya ang marahang pagsarado ng pinto pagkatapos.

MADALING araw na ng siya ay magising kinabukasan. Muntik pa siyang mapatili sa


gulat nang pagbiling niya sa kaliwang side ng kama ay mayroon pala siyang katabi.

Mahimbing pang natutulog ang binata sa kaniyang tabi at bahagya pang nakapatong ang
kanang braso sa kaniyang tiyan.

Payapang-payapa ang mukha ni Jerco habang ito ay nakapikit.

Walang bakas ng galit o ka-istriktuhan na normal niya nang nakikita kapag gising
ang lalaki. Wala sa loob na hinaplos niya ang pisngi nito.

Parang kahapon lamang ay masaya silang magkatabi sa kamang iyon hindi tulad ngayon
na kahit magkatabi sila ay parang napakalayo pa rin ng binata sa kaniya.

"Bakit hanggang ngayon ay ganito pa rin ang kabog ng dibdib ko kapag kasama
kita..." inabot niya ang nakaawang na labi ng binata at taska ginawaran ito ng
magaang halik.

Kumilos ang binata na tila ba naalimpungatan dahil sa ginawa niya. Agad na umatras
siya pero huli na dahil dumilat na si Jerico at huling-huli siya na nakatitig dito.

"Ah... G-Goodmorning..." kanda-utal na bati niya sa bagong gising na katabi.

Kahit kagigising lamang ni Jerico ay napakagwapo pa rin nito.

Nanatili lamang na nakatingin sa kaniya ang lalaki at hindi pa rin ito nagsasalita
kaya't bigla siyang nakadama ng pagkailang.

Siya na ang unang bumawi ng tingin at pagkuwa'y bumangon para makaupo.

"May pasok ka ba sa opisina ngayon? Ipaghahanda kita ng almusal..." Akmang tatayo


na siya subalit pinigilan siya sa braso ng binata.

Takang napatingin siyang muli dito.


"Wag ka ng mag-abala, matulog ka na lamang ulit." Malamig na sabi nito bago
bumangon.

"Pero..." Tututol pa lamang siya subalit nakatayo na ang binata at tuloy-tuloy ng


nakapasok sa loob ng banyo.

May sariling banyo ang kwarto ng binata.


Naiwan siyang nakaupo pa din sa kama.

Dati-rati kapag bagong gising ang lalaki ay kinukulit pa siya nito at matagal pang
lambingan bago ito tuluyang bumabangon.

Parang biglang nakadama ng kahungkagan ang dalaga.

Naghanda na din siyang bumangon at nagsimula ng iligpit ang kanilang hinigaan.


Sinipag na din siya kaya't nilubos niya na ang paglilinis sa kwarto ni Jerico.

Nasa kalagitnaan na siya ng paglilinis ng bumukas ang pinto ng banyo at iluwa noon
ang bagong ligong si Jerico.

Napasinghap pa siya na masamyo ang amoy ng sabong ginamit nito at ang natural na
amoy ng isang lalaki.

Tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok nito patungo sa balikat at sa malapad
nitong dibdib.

Iniwas niya ag tingin at ipinagpatuloy na lamang ang paglilinis ng kwarto.

"Bakit ikaw ang naglilinis? Ipagawa mo na lamang iyan sa mga katulong mamaya."
Narinig niyang sabi ng binata habang ito ay nagbibihis.

Ayaw niyang tapunan ng tingin ang pagbibihis nito.

Hindi na tulad ng dati na siya pa ang katulong nitong maligo at magbihis. Iba na
ang sitwasyon nila ngayong dalawa, kung noon ay nagagawa niya pang sabayan sa
pagligo ang binata ay ngayon hindi niya na ito magagawa pa.

"Okay lang... Magaang trabaho naman ang paglilinis." Sagot niyang hindi tumitingin
dito.

Lumapit sa kaniya si Jerico na ngayon ay nakasuot na ng pang business attire nito.


"Ayusin mo nga ang necktie ko." Walang himig na pakiusap ang utos na iyon.

Naglalaban ang loob niya kung susundin ba ito o hindi subalit mukhang sa
pagkakataong iyon ay ipinagkakanulo na naman siya ng kaniyang kahinaan.

Higit na mas malakas pa rin ang puso niya kesa sa kaniyang isipan. Inayos niya ang
kurbata ng binata. Halos gahibla na lamang ang pagitan nilang dalawa habang
ginagawa niya ang inutos nito.

"Okay na iyan?" Tanong niya na hindi malaman kung ayos ba ang nagawa niya dahil sa
totoo lang ay naiilang siya sa klase ng pagkakatingin ni Jerico sa kaniya, habang
inaayos niya ang kurbata nito. Para siyang mapapaso sa tingin nito kaya't agad na
siyang tumalikod at pumasok sa banyo upang maghilamos na rin.

"Aalis na ako." Narinig niyang paalam ng binata. "Kumain ka ha?"

Hindi na siya nag aksaya ng panahon na labasin pa ito para magpaalam din. Hindi
naman nila kailangang magpanggap na okay sila kahit sa loob lang ng kwarto nito
dahil wala naman na sila sa paningin ng ina ng binata.

Pinihit niya ang gripo at isinahod ang mukha sa tubig na lumalagaslas mula roon.

Umaasang matatangay ng tubig na iyon ang sakit na nadarama niya sa kaibuturan ng


kaniyang puso. Masakit kasi alam niyang kahit kailan ay hindi na sila babalik pa sa
dati ni Jerico.

Masakit din dahil nasasaktan siya sa klase ng trato nito sa kaniya.

Umangat ang kaniyang mukha at mataman niyang tinitigan ang repleksyon sa salamin.
Hindi nga kaya't sa tuwing nakatingin si Jerico sa kaniya ay si Ayesha ang nakikita
nito? Inis na sinuklay niya ng kaniyang mga daliri ang kaniyang mahabang buhok.

May kung anong ideya ang pumasok sa kaniyang isipan.

Bumalik siya sa kwarto at tinungo ang drawer na katabi ng higaan at kinalkal ang
laman noon. Napangiti siya ng makita ang pakay at muling pumasok sa banyo.

Pikit mata niyang pinagugu-gupit ang kaniyang mahabang buhok.

Kahit man lamang sa ganoon ay magkaiba sila ng kaniyang kakambal. Matapos ang pag
gupit niya ng buhok ay nagpasya na siyang maligo.

GULAT naman si Mrs. Mendez ng makita ang paparating na si Lucretia.

"Hija? Anong ginawa mo sa buhok mo?" Takang tanong ng ginang na sinalubong siya.

"Tita- este mommy, wala ho ito. Naiinitan ho kasi ako sa panahon kaya naisipan kong
iksian ang aking buhok." Nakangiting sagot niya na pilit siniglahan ang tinig.

"Pero kahit na. Sana ay sinabi mo sa akin para nasamahan kita sa parlor hija.
Hayaan mo mamaya ay lalabas tayong dalawa para hindi ka naman maburyo dito sa
bahay."

"Naku mommy okay lang naman ho ako dito. Isa pa nagre-review din po ako kasi
babalik ho ako sa pagtuturo para naman hindi ho ako maging pabigat kay Jerico."

Lumungkot ang aura ng ginang dahil sa sinabi niya. "Hay ano ka ba naman hija. Wag
mong isipin yan. Kahit kailan ay hindi ka magiging pabigat dito. Bakit pinipilit ka
ba ng anak ko na magtrabaho ha?"

Kanda-iling naman ang dalaga. "Naku hindi ho mommy! Ako lang ho talaga ang may
gustong magtrabaho muli."

"Pero kahit na. Sa sitwasyon mo ngayon ay hindi ka pa pwedeng magtrabaho okay? At


saka kumain ka na pala ng almusal at baka nagugutom na ang akin apo. Ipinagbilin ka
sa akin ni Jerico."

Napangiti naman si Lucretia. Talagang napakaswerte niya sa kaniyang biyenan. Ku di


na siya naniniwala na ipinagbilin siya rito ni Jerico! "Salamat ho mommy. Sige po
medyo gutom na nga ho ako eh..."

At matapos nga ang pananghalian ay natupad nga ang gusto ni Mrs. Mendez na lumabas
silang dalawa.

Ipinamili siya ng mommy ni Jerico ng mga ilang gamit kagaya ng mga maternity dress
at mga sapatos sa Mall.

Todo awat naman si Lucretia dahil nakikita niyang puro mamahalin ang mga dinadampot
ng babae para sa kaniya, subalit desidido talaga ang kaniyang magiging biyenan na
ipag-shopping to the max siya.

"Hija kumain muna tayo sa paborito kong restaurant at pagkatapos ay magpapa-Parlor


tayo ha?" yaya nito sa kaniya.

Wala na siyang nagawa kung hindi sumunod sa babae.


Nag-enjoy din siya sa kanilang pagliliwaliw.

Matapos ng kanilang pamimili ay dumiretso na sila sa isang sikat na salon.

Pedicure,manicure sa kaniyang mga kuko at pagkatapos ay ini-hot oil pa ang kaniyang


buhok pagkatapos ayusin ang gupit ng kaniyang buhok.

Hindi na rin siya nakatutol ng galawin ng baklang parlorista ang kaniyang kilay at
ng i-facial siya nito.

Hindi siya makapaniwala sa naging itsura niya matapos ang kaniyang make over.
Ang laki ng iginanda niya dahil na din sa mga make ups na inilagay sa kaniyang
mukha. Light lamang iyon subalit na-enhance pa din nito ang natural niyang ganda.

Pinagpalit din siya ng damit at sapatos bago sila umuwi.

"Hay naku ginabi na tayo." Nakangiting baling sa kaniya ni Mrs. Mendez.

"Oo nga ho. Hindi ko napansin na ang dami na palang missed calls ni Jerico sa
akin." Alalang sagot niya.

Nasa kotse na sila noon at bumabyahe pauwi. Nakangiti siyang inakbayan ng may edad
ng babae.

"I'm sure mapapawi ang inip ng aking anak sa paghihintay sa'yo kapag nakita ka na
niya. Napakaganda mo kaya ngayon." Puri nito sa kaniya.

Napangiti na din siya sa sinabi ng babae. "Salamat ho pala mommy..." Taos sa pusong
wika niya.

Sa buong buhay niya ngayon pa lamang siya nakaranas na i-pamper ng ganoon at higit
sa lahat iyong makapasok sa ibat-ibang mamahaling boutique.

Dati ay gusto rin ng kaniyang kakambal na si Ayesha na i-treat siya ng ganoon


subalit palagi siyang tumatanggi. Noon kasi ay iniisip niyang mapapagastos lamang
sila at hindi naman niya kailangang magpaganda.

Pero iba na ngayon dahil sa di niya malamang dahilan ay gutso na niya ng gumanda.
As in gumandea na malayo sa anino ni Ayesha.

Gusto niyang makita ang sarili sa salamin na kaya niya ding masabayan ang kaniyang
kakambal.

Nasa gate pa lamang sila ng mansyon ay tinatambol na ng kaba ang dibdib ni


Lucretia. Hindi niya lama kung ano ang magiging reaksyon ni Jerico pag makita siya.

"Relax hija." Napansin pala ng katabi ang kaniyang pagkabalisa.

"Hindi po mommy..." Ngumiti siya ng matamis para mapagaan na rin ang kaniyang
pakiramdam.

Sinalubong sila ng binata sa front door ng mansion.

Hindi malaman ni Lucretia kung paano siya maglalakad gayong naka mataas siyang
takong ng sapatos. Ang suot niya ay may kaiksiang sleeve less na bestidang kulay
brown. Bahagya pang kita ang kaniyang maputing dibdib dahil sa tabas ng damit.

Hindi niya mawari kung paghanga ba ang nababanaag niya sa mga mata ni Jerico o
disgusto sa kaniyang bagong ayos.
"Nagpagupit ka?" bahagyang nakakunot ang noo ng binata habang nakatingin sa buhok
niyang ngayon ay hanggang kalahati na lamang ng kaniyang leeg.

"Bagay ba hijo? Napakaganda niya hindi ba?" Sabat ng mommy nito. "Nagpa salon kami
kanina ni Lucretia at inayusan din siya doon." Pagmamalaki pa ng may edad na babae.

Nanatili namang nakatungo ang dalaga.

Nahihiya siya sa klase ng panunuri ng mga tingin ni Jerico sa kaniyang kabuuan.


Natigil ang pagmumuni-muni ni Lucretia ng may pamilyar na sasakyang pumarada sa
kanilang harapan.

"Hi!" mula sa sasakyang bagong dating ay bumaba si Ayesha.

Nakita niya ang pagsimangot ng mukha ng mommy ni Jerico pagkakita sa babae. "Mauna
na ako sa loob." Matabang na paalam nito.

"Hi sister! Hi Jerico!" Hindi din pansin ng babae ang presensiya ng pumasok na
mommy ng binata.

Napadako ang tingin nito sa kaniya. "Oh my God Lucretia my dear! You look so sexy
ang beautiful! Anong nakain mo at bigla ka atang nag changed image ha!" Lumapit ang
kakambal niya at yumakap sa kaniya.

"Si mommy ang may gusto nito..." Mahinang sagot niya sa kakambal.

"Oh really?" Sarkastikong tanong nito na para bang sinasabing hindi ito naniniwala
sa sinabi niyang iyon. "Anyway bagay naman sa'yo lalo na ang bago mong hairstyle!
Atleast may pinagkaiba na tayo ngayon. Hindi ba Jerico?" Baling nito sa nakamasid
lamang na lalaki.

"Dito ka na kumain Ayesha." Labas sa ilong na yaya niya sa kakambal.

Alam naman niyang kahit hindi niya ito yayain ay doon talaga kakain ang babae.

Hindi niya lubos maintindihan kung bakit okay lamang kay Jerico na pumupunta pa
doon si Ayesha gayong ikakasal na silang dalawa.

Hindi naman na magandang tingnan iyon dahil naging girlfriend nito ang babae.

"I'm so hungry na...let's go inside na." At feel at home na nagdire-diretso na sa


loob ng kabahayan ang kaniyang kakambal.

Tahimik na sumunod naman sila ng binata.

Umakyat muna siya sa kanilang kwarto upang magpalit ng damit gayon na rin ang
sapatos. Nangalay talaga siya dahil sa mataas ang takong noon at hindi naman siya
sanay sa mga ganoong sapatos.

Pasalampak siyang naupo sa kama at hinilot-hilot ang kaniyang namimintig na mga


binti.

"Anong pumasok sa isip mo at nagsuot ka ng ganiyan?"

Napaangat ang kaniyang mukha dahil sa pagbukas ng pinto ng kwarto. Nakatayo roon si
Jerico at seryosong nakatingin sa kaniya.

"Alam mong buntis ka pero nag ganiyan ka pa rin? Buti sana kung hindi ka lampa.
Paano kung nadulas ka o natalisod?" Kung inis man o pag-aalala ang nasa tinig nito
ay hindi niya na inalam pa.

"Bumaba ka na at kakain na tayo." Malamig na wika nito bago siya talikuran.

Ewan at awtomatiko namang nangilid ang mga luha sa kaniyang mga mata. "I hate
you..." usal niya. Hindi ba nito alam na kaya siya nagpaganda ng ganoon ay para
rito?

Ano bang akala ng lalaki sa kaniya? Na nagmamaganda lamang siya ng walang dahilan?
Marahas niyang pinahid ang luha. Sakto naman sa muling pagbukas ng pinto.

"Anong dina-drama mo?" Tanong ng kaniyang kakambal. Pumasok ito sa loob ng kanilang
kwarto.

"Dito ka na rin pala natutulog." Ani nito at tumabi sa kaniyang pagkakaupo sa gilid
ng kama.

"Gusto kasi niyang dito na ako matulog at wag sa guestroom" Mahinang sagot niya.

Tumawa ng mahina ang babae. Sinipat siya nito ng mapanuring tingin. "Iyan ba ang
buhay na gusto mo? Ang malamig na pakikitungo sa'yo ng lalaking mapapangasawa mo?
Ang buhay na hindi ka malaya? Sabagay ano pa bang hihingin mo diba." Pinisil nito
ang kaniyang pisngi.

"Pwede ba Yesh..." Pagod na sagot niya. Alam naman niyang pipilitin na naman siya
nitong umatras sa kasal nila ng binata.

"Sinasabi ko sa iyo... Hindi ka magiging masaya sa piling niya. Pagsisisihan mo ang


pagpapakasal mo sa kaniya Lucretia, unless na lang kung talagang mahal mo siya at
handa ka pa ring magpaka-martyr. Iyon nga lamang kapag ikinasal kayo ay hindi mo na
kailangang magtrabaho pa. Like now, tingnan mo pasalon-salon at pa-shopping-
shopping ka na lang." Inabot nito ang mga paper bags na nasa paahan ng kama at
binulatlat nag mga laman noon.
"Mamahalin ang lahat ng ito ah..." Kinuha nito ang box ng isang pares ng sapatos.
"Wow... Alam mo bang paborito ko ang brand na ito! Isang buong sweldo ko na sa loob
ng isang buwan ang halaga nito? 70.000 pesos ito right? Now maiintindihan ko na
kung sasabihin mo sa akin na gusto mo pa ring ikasal sa kaniya." Nang-uuyam na wika
nito.

Inis na tumayo siya at hinarap ang kakambal. "Kung gusto mo ay saiyo na lahat ng
iyan. Hindi ko naman kailangan ang mga luhong yan eh."

Nakipagtagisan siya ng tingin kay Ayesha.

Totoo naman eh, kaya niyang mabuhay ng wala ang lahat ng mga materyal na bagay na
iyon. Patutunayan niya na hindi ang kayamanan ng binata ang habol niya.

Pag nakapanganak na siya ay magpapalakas lamang siya at pagkatapos ay magta-trabaho


na siyang muli.

"Okay, sinabi mo eh." Ngumiti ng may kasarkastikuhan ang babae. "Masanay ka na rin
na palagi akong nandito sa bahay niyo." May diin ang pagkakabanggit nito ng
salitang 'bahay niyo.'

"Bahay nila..." Pagtatama niya. "Kahit ikasal kami ni Jerico wala pa din akong
balak makihati sa kung ano ang meron sila." Pagliliwanag niya.

"Whatever!" Tinalikuran lang siya ng babae. "Gutom na ako bumaba ka na rin, okay?"
At lumabas na ito ng kwarto.

JAMILLEFUMAH ...16

TAMAD na sumunod na rin siya sa kakambal. Nasa bungad pa lamang sila ng kusina ay
nararamdaman niya na ang kakaibang tensyon.

"Maupo ka na hija." Nakangiting tawag ng mommy ni Jerico sa kaniya. Ni hindi man


lang nito pinansin si Ayesha.

Nakita niya ang pag ingos ng nguso ng kaniyang kakambal. Tumabi naman ito sa binata
sa hapag kainan. Siya naman ay naupo sa harapan ng mga ito katabi ang mommy ni
Jerico.

"Hija kumain ka ng kumain ha? Para maging healthy ang aking magiging apo."
Sinandukan siya ng kanin ng ginang.

Nagpasalamat naman siya at nagsimula na ring sumubo.

Ang dalawa naman sa kaniyang harapan ay tahimik lamang din na kumakain. Wala silang
imikang apat. Nang biglang...
"Hey! Jerico magsabaw ka oh... Ang dry ng kanin mo." Biglang wika ni Ayesha, Inabot
nito ang bowl ng sinigang at sinandukan ang binata.

Lihim namang nagngingitngit si Lucretia.

Hindi man lamang sinaway ng lalaki ang kaniyang kakambal maski ng punasan nito ang
bibig ni Jerico. Humigpit ang hawak niya sa kutsara. Parang gusto niyang batuhin ng
baso ang dalawa sa kaniyang harapan pero nagpigil siya. Hindi na lamang siya
nagpahalata pa na apektado siya.

Ikinagulat niya nang bigla siyang sandukan ni Jerico. "Kumain ka ng madami."

Nakita niyang umasim ang mukha ng kakambal niya dahil sa pagpansin sa kaniya ni
Jerico. Lihim na lamang siya nagdiwang.

Matapos ang pagkain ay nauna na siya sa itaas at nagpaalam na magpapahinga na.


Pagod na pagod din kasi siya maghapon. Kasabay niya pa si Mrs. Mendez na umakyat sa
hagdanan kaya't naiwan pa sina Jerico at Ayesha na nag-uusap sa sala kaya naman
inis na inis siya.

SA SILID ay kahit anong biling-baliktad ang gawin niya sa kama'y hindi pa rin siya
dalawin ng antok. Palaging niyang nai-imagine ang mga nakita niya noong
paglalambingan nina Ayesha at Jerico. Pakiramdam niya ay binabarena ang kaniyang
puso.

Inis na tumayo siya sa kama. Hindi pwedeng ginaganon siya ng dalawang iyon.
Ikakasal na sila ng binata kaya may karapatan na siya kay Jerico ngayon.

Pabalya niyang binuksan ang pinto para lamang magulat na nakatayo pala doon ang
binata at akma na sanang papasok. Napalunok siya ng makitang nakatingin din ito sa
kaniya.

"Ah... Magpapahangin lang sana ako." Pagdadahilan niya.

Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. "Bakit lalabas ka pa? Meron naman
tayong veranda sa kwarto." Sa pagkakasabi noon ni Jerico ay parang alam na nito ang
talagang pakay niya kung bakit siya lalabas.

"Ah eh..."

"Kung nauuhaw ka naman o nagugutom ay hindi mo na din kailangan pang lumabas.


Meron tayong personal ref sa kwarto." Lalo pa itong napangisi sa nakitang pamumula
ng mukha niya.
Sukol na siya. Pinilit niyang magtaray. "Bakit ang tagal mong pumasok?" Tanong niya
sa binata. Niluwagan niya ang pagbukas ng pinto para makapsok ito.

Dumiretso naman si Jerico sa kama at pabalandrang humiga doon.

"Nasaan si Ayesha?" Tanong niya muli. Pero hindi siya pinansin ng binata at
nanatili pa rin itong nakadipa sa gitna ng kama. "Hoy kinakausap kta!" asar na
binato niya ng unan sa mukha ang nakahigang lalaki.

Sumimangot ang gwapong mukha ni Jerico at marahas na bumangon. "Ano bang problema
mo huh?" Asik nito sa kaniya.

Napaatras naman si Lucretia. Takot siya sa galit ng lalaki pero hindi pa rin mawala
ang inis na kaniyang nararamdaman. "Hindi ka na dapat nakikipaglampungan pa sa
ibang babae lalo na sa kakambal ko. Alam mong ikakasal na tayo kaya hindi mo na
siya dapat ini-entertain pa." Mahina niyang sabi.

Lalong nangunot ang makinis na noo ni Jerico dahil sa mga sinabi niya, pero parang
nakita niyang nangislap din ang mga mata nito dahil sa ipina-pakita niyang
pagseselos. "At sino ka para pagsabihan ako sa mga dapat at hindi ko dapat gawin?
Eh ano ngayon kung ikakasal na tayo?" Tanong nito na tila pinipigil ang sarili na
wag mapangiti.

Para namang binuhusan ng malamig na tumig ang pakiramdam niya dahil sa tanong nito.
Daig pa niya ang sinampal sa pisngi dahil sa mga binitiwang salita ng lalaki.
Masakit pero nagpakatatag siya. "Okay... Wala nga siguro akong karapatan."
Pagkasabi noon ay tumalikod na siya para lumabas sana ng kwarto.

"Saan ka pupunta?" Inis namang humabol si Jerico at iniharap siya.

"Sa guestroom ako matutulog!" Matigas niyang wika.

"At bakit doon ka matutulog? Dito ang kwarto natin!" Hinila siya nito sa kaniyang
braso at pinaupo sa gilid ng kama. "Kung ayaw mo akong makatabi, fine. Diyan ako sa
sofa matutulog." Turo nito sa kalapit na sofa. "Yan eh kung kaya mong matulog na di
ako katabi."

Wala na siyang lakas na makipagtalo pa sa binata kung kaya't nahiga na lamang siya
muli sa kama. Nakatalikod siya sa gawi nito dahil ayaw niya itong makita.

Nagpupuyos ang damdamin niya sa inis. Dumaan ang mga sandali ay puro katahimikan na
lamang ang namayani sa silid kaya'y nilinga niya ang binata sa sofa. Dahil may
katangkaran si Jerico ay nakabaluktot ito upang mapagkasya ang sarili sa sofa.
Bigla naman siyang naawa sa binata. Tumayo upang kumutan ang lalaki.

Kahit anong galit ang nadarama niya para sa binata ay alam niya sa sarili na mahal
na mahal niya pa din ito.
Dahan-dahan siyang bumalik sa kama upang matulog na.

Ayaw na muna niyang isipin ang mga bagay na nakakasakit sa kaniya. Gusto niyang na
matulog ng mapayapa. Sa kaniyang pagtulog ay napanaginipan niya ang binata.

Iyong masasayang araw nila noong hindi pa ito nakakakita.

Napakalambing ni Jerico sa kaniya at damang-dama niya ang pagmamahal nito.

Mainit ang hininga ng binata na unti-unting lumalapit sa kaniyang mukha.

Ang mga kamay naman nito ay naglalakbay sa kaniyang kabuuhan na nagbibigay ng


kakaibang kiliti. Ang mga yakap nito sa kaniya na para bang ayaw na siyang
pakawalan pa at ang tuluyang pagsakop ng mga labi nito sa kaniyang mga labi.

Parang hindi panaginip ang lahat. Bigla ang pagmulat ng kaniyang mga mata.

"Jerico?!" Gulat na napatingin siya sa lalaki na halos nakapatong na sa kaniya.

Hindi na siya nakaimik pa dahil muli na nitong inangkin ang kaniyang mga labi.

Sigurado ang mga kilos ng binata at halos panawan na siya ng ulirat dahil sa
kakaibang sensasyong bumabalot sa kaniya.

Magaan at may pagmamahal ang pag-angking ng binata sa kaniyang katawan. Katulad


noon ay muli niyang naramdaman ang pagibig ng binata.

Nakatulog silang magkayakap na dalawa. Matapos ang nangyari sa kanila ni Jerico ay


nasiguro na ni Lucretia sa sarili na hindi niya kayang pagsabayin ang pagkamuhi at
pagmamahal niya sa lalaki.

Ipinagkanulo na naman siyang muli ng karupukan ng kaniyang puso. Akala niya ay okey
na ang lahat matapos ang mainit na gabing iyon pero nagkamali siya.

KINABUKASAN ay balik na naman sa kalamigan ang binata. Pinapansin lamang siya ni


Jerico kapag naroroon ang ang mommy nito. Madalas din ay ginagabi umuwi ang lalaki
at minsan pa ay umuuwi itong nakainom.

Hindi siya nagreklamo kahit pa ganoon ang ikinikilos ni Jerico. Gabi-gabi rin
siyang ginagapang ng binata at hindi naman siya tumututol.

Nagtataka din siya kung bakit tila wala atang pagpa-plano tungkol sa nalalapit
nilang kasal ni Jerico.
ISANG HAPON ay nakita niyang dumating itong kasama ang kaniyang kakambal na si
Ayesha. Napaka sweet pa ng dalawa na animo ay magkasintahan pa rin.

Nabuhay ang inis sa kaniyang dibdib. Kitang-kita niya ng halikan ni Ayesha ang
pisngi ng kaniyang mapapangasawa.

Para siyang tinakasan ng bait na sumugod at pinagsasampal at sinabunutan ang babae.

Natigagal naman si Jerico sa ikinilos niya.

"Malandi ka! Alam mong ikakasal na kami hinaharot mo pa si Jerico!" Hindi na siya
nakapagtimpi pa.

Hindi naman nagpatalo si Ayesha, gumanti ito ng sampal at sabunot. "Ikaw ang
malandi! Mang-aagaw ka!" Namumula na ang pisngi ng babae dahil sa mga kalmot niya.

Lalong kumulo ang dugo ni Lucretia dahil sa tinuran ng kakambal. "Hindi ako mang-
aagaw! Wala na kayo dahil iniwan mo siya! Kahit kailan noong kayo pa ay hindi ako
nangialam sa pagsasama niyo kahit mahal ko si Jerico! Ikaw din ang may kasalanan
kung bakit nagkakaganito tayo!" Gigil na halos ingudngod niya na sa sahig si
Ayesha.

Hindi naman mawari ni jerico kung paano sila aawatin. Dumating na rin ang mommy ng
binata maging ang ilang katulong na nakarinig ng pagtatalo sa gawing iyon ng
mansion.

"Stop it Lucretia!" Gigil na hinila siya sa bewang ni Jerico. Patuloy pa din ang
kamay niya sa paghatak sa buhok ni Ayesha.

"Ouch! Stop her Jerico! Ouch-!" Nagtititili ang babae. Si Mrs. Mendez naman ang
umaawat sa parte ni Ayesha. "Stop her!!! Ouch!" dehado na ito.

"Tama na! " Parang kulog ang tinig ni Jerico na nagpatigil sa pagwawala ni Ayesha.

Napatitig siya sa binata. Galit ito na nakatingin sa kaniya habang hawak-hawak ang
dalawa niyang braso.

"Sinabi ng tama na! tama na!" halos mapisa na ang mga buto niya dahil sa
pagkakahawak nito.

Napamaang naman siya, bakit tila ang kaniyang kakambal pa rin ang kinakampihan ng
binata? Naiiyak na hinila niya ang braso sa pagkakahawak ni Jerico at nagtatakbo
siya paakyat sa kanilang kwarto.

Narinig niya pa ang pagtawag ng mommy ni Jerico sa kaniyang pangalan subalit hindi
na siya nag-aksaya pa ng panahon na lumingon.
Pabalibag na isinara niya ang pinto ng kanilang kwarto.

Tinungo niya ang kama at doon nag-iiyak.

Malamang sa mga sandaling iyon ay si Ayesha ang inaalala ni Jerico kaya matagal
itong sumunod sa kaniya.

Galit na galit siya sa kakambal pero mas grabe ang galit niya sa sarili. Napaka-
martyr niya para pagtiisan ang lahat ng mga paghihirap na pinaparanas sa kaniya ni
Jerico. Hindi niya na kayang magtiis pa sa klase ng buhay na kaya nitong ipagkaloob
sa kaniya at sa magiging anak nila.

Sa pagtangis niya ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

SAMANTALANG SI JERICO naman ay hindi na inihatid si Ayesha matapos niya itong


kausapin. Agad na rin siyang umakyat sa kanilang silid ni Lucretia. Batid niyang
labis na nasaktan ang babae at marahil iniisip nitong kay Ayesha siya kumakampi
kanina.

Ang totoo ay hinalikan siya ni Ayesha sa pisngi kanina dahil paalis na ito patungo
sa Japan. Nagkaliwanagan na rin silang dalawa patungkol sa dati nilang relasyon.

Hindi si Ayesha ang mahal niya... It is Lucretia.

Yes, mahal niya ito. At naiinis siya sa kaniyang sarili dahil nasasaktan niya ang
damdamin ng babaeng mahal niya.

Damn his pride! Umpisa pa lang ay ayaw niya ng masaktan ang babae pero hindi niya
maiwasang magalit pa rin dito noon tuwing maaalala niya ang ginawa nitong panloloko
sa kaniya.

Kinakain siya ng kaniyang pride at nangingibabaw ang pag-aasam niya na huwag


matulad sa kaniya ang sanggol na dinadala ng babae- Ang lumaking salat sa
pagmamahal ng ama at mabuhay sa kasinungalingan. Napatawad niya na noon pa si
Lucretia dahil mahal niya na ito pero parang may pwersang pumipigil sa kaniya na
magtapat sa dalaga bagkus ay kabaliktaran ang ipinapakita niya sa babae.

Matagal niya ng planong kausapin si Lucretia pero palagi siyang naduduwag. Hindi
niya alam kung paano maglalambing dito... o paano niya ipapadama sa babae na mahal
niya rin ito.

Gabi-gabi ay nilulunod niya ang sarili sa alak at nagba-baka sakaling lumakas ang
loob niyang umamin dito. Pero ang nangyayari'y nauumid pa rin ang dila niya na
magtapat. Sa huli's nauuwi sila sa mainit na tagpo at iginugupo na lamang ng pagod
pagkatapos.

Marahan niyang nilapitan ang natutulog na babae sa kama.

May mga natira pang luha sa nakapikit ng mga mata nito.

Parang kinurot ang kaniyang puso. Paano niya naatim na makitang nasasaktan ang
babaeng minamahal niya?

Napakalaki niyang duwag.


Hinaplos niya ng pisngi nito.

Buntis na si Lucretia pero binibigyan niya pa din ito ng sakit ng ulo.

Marahan siyang tumungo upang gawaran sana ito ng magaang halik sa pisngi nang
magising ito.

BIGLA siyang napabalikwas ng makita si Jerico na nakatunghay sa kaniya.


Naningkit ang kaniyang mga mata sa galit. "Anong balak mo ha?!" Angil niya rito.

Niyakap niya ang sarili at umusod palayo sa binata.

Hindi na siya papayag na magpagamit pa rito. Anong akala nito sa kaniya? Na tuwing
sinusumpong ito ng tawag ng laman ay maari siyang parausan ano mang oras? At
pagkatapos ay ibabasura ulit?

JAMILLEFUMAH ...17

NAKITA niya ang pagbalong ng kalungkutan sa mukha ni Jerico.

"Mali ka ng iniisip Cresh..." Anito.

"Stop calling me that way!" Inis na asik niya rito. "Matutulog na ako!" At muli
syang nahiga patalikod sa lalaki.

Wala na ring nagawa si Jerico kung hindi ay pabayaan siya at matulog na lang din.

Sa isip nito'y ipagpapabukas na lamang ang pakikipag-usap sa kaniya ng sa gayon


medyo humupa na ang galit niya. Subalit lingid sa kaalaman nitong maling-mali ang
desisyong tulugan na lamang ang away nilang dalawa.

KINABUKASAN ay nagising si Jerico na wala na sa tabi niya si Lucretia.

"Mom!!!" Nagsisi-sigaw na bumababa ng hagdanan ang binata. Naka-pajama pa itong


pantulog.

"Oh anong problema hijo?" Nagtatakang tanong ng ginang na bagong gising lang din.
May bitbit pang tasa ng kape sa kaliwang kamay nito.

"Nawawala si Lucretia!" Tarantang sagot niya. Kanda-talisod pa siya sa pag-iikot sa


buong sala bago harapin muli ang ina. "I know nawawala siya dahil wala ang mga
dinala niyang gamit sa aparador."

Natataranta na rin ang kaniyang mommy. "Ana, nakita mo ba ang mam Lucretia mo ha?"
Baling nito sa nakitang papalapit na kasambahay.

"Naku Mam. Nakita ko ho siya kanina na nagmamadali. Madilim pa po noon akala ko ho


eh kasama si Sir Jerico-" Naputol na ang mga sasabihin pa ng katulong ng bigla na
lamang tumakbo palabas ng bahay ang binata.

Kandahabol naman ang ginang sa kaniya.

Nasa garahe na siya ng maabutan siya ito.

"Mom! Aalis ako! Hahanapin ko siya!" Agad itong lumulan sa Jaguar.

"Mag-ingat ka anak ang please bring her back..." Hindi na siya pinigilan pa nito.

"Yes mom. I will." At paharurot na pinasibad na nito ang sasakyan. Kahit wala
siyang edeya kung saan hahanapin si Lucretia ay wala na siyang pakialam.

Kailangang mahanap niya ang kaniyang mag-ina. Hindi siya papayag na hindi niya
maiuwi si Lucretia. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama
sa babaeng kaniyang minamahal.

Kung saan-saan na siya nakarating subalit wala talaga ang dalaga.


Tinawagan niya si Ayesha pero nasigurado niyang wala din itong alam.

Wala naman siyang kakilalang kaibigan ni Lucretia sa Maynila kaya't nahirapan


talaga siya sa paghahanap.

Sinubukan niyang bumalik sa inuupahan nitong maliit na apartment sa Quiapo subalit


wala din ito doon.

Hindi niya na alam kung saan pa hahanapin ang babae hanggang sa mapadaan siya sa
isang karinderya malapit sa inuupahan nito dati.

"Shit! Where the hell is she?!" Halos madurog na ang manibela sa mga palad niya.

Kahit sa ilang Hospital malapit sa Quiapo ay nag-inquire na siya.

Napa-paranoid na rin siya kung nasaan na ito.

Umalis si Lucretiang galit sa kaniya. Alam niyang kasalanan niya kung bakit ito
umalis. Palagi niyang nasasaktan ang babae dahil sa lintek niyang pride!

"Oh shit! Please! Magpakita ka sa akin..." Naiiyak na siya.


Hindi niya kayang mawala ito. Hindi niya kayang tuluyang iwan siya ni Lucretia...
Mahal niya ito. Mahal na mahal niya ito! At napakalaki niyang gago at hinayaan
niyang masaktan ito sa paniniwala nitong hindi niya ito mahal.

Kung bakit kasi nauso pa ang lintek na pride! So what kung niloko siya nito?- Para
rin sa kaniya kung bakit nito iyon nagawa. He should be thankful dahil naramdaman
niya kung gaano siya nito kamahal at kung paano ito magmahal.

Suntok sa buwan ang ginawa nito pero anong isinukli niya? Damn! Pinahirapan niya
ang damdamin ng babaeng mahal niya!

"Please... Magpakita ka sa akin Lucretia... Babawi ako. Babawi ako... Please..."


Kung kinakailangang halughugin niya ang buong Pilipinas ay gagawin niya matagpuan
lamang ito.

Handa siyang magwaldas ng salapi makita lamang ito! At kapag nakita niya ito...
Hinding-hindi niya na ito papakawalan pa.

JAMILLEFUMAH ...The Last Chapter

"LUCRETIA?" Paliko na siya niyon mula sa paglilibot sa buong Quiapo nang mamataan
niya ang isang babaeng kumakain sa lugawan malapit sa kalsada.

Mabilis siyang bumaba sa kaniyang itim na Jaguar upang lapitan ito. Napakura-kurap
pa siya. Sinigurado niya na ang dalaga ang nakikita niya.

Nakatagilid ito mula sa gawi niya. Kumakain ito sa pagitan ng pagluha. Para namang
may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya habang pinagmamasdan ito.

Kasalanan niya! Kasalanan niya kung bakit ito umiiyak!

Pinagkasya niya muna ang sarili sa pagmamasid dito. Parang biglang namanhid ang
buong pagkatao niya. Buntis ito sa kaniyang anak at dapat ay nasa mansion niya ito
ngayon at doon kumakain ng masusustansiyang agahan- pero naririto ito ngayon sa
Quiapo at nagkakasya sa maliit na mangkok ng lugaw.

"Kawawa naman yung babae oh." Wika ng mga usyusero. Napansin na rin ng iilang
parokyano ng naturang lugawan ang mahinang pagtangis ni Lucretia habang ito ay
sumusubo.

"Ang ganda pa naman niya. Siguro tinakasan ng ama ng baby niya. Buntis yata siya
eh, malaki yung tiyan tingnan mo." Sagot naman ng kauspa nito.

"Naku! Uso naman na ngayon ang tinatakbuhan pag nabuntis na! Tanga rin iyan at
nagpauto sa kung sino mang tatay ng anak niya!" Anang isang usyosera.

Doon na siya hindi nakatiis na di lapitan ang babae. Hindi dapat naririto si
Lucretia! Kailangan niya itong maiuwi para magkaliwanagan na silang dalawa.
Nilapitan niya ang kumakain na si Lucretia. "Anong ginagawa mo dito?"

Gulat na napataas naman ang tingin ng dalaga sa kaniya. "J-Jerico?!" Agad itong
napatayo sabay punas ng mga luha sa pisngi. "Ikaw! Anong ginagawa mo d
rito?!" Balik tanong nito sa kaniya.

"Eh di sinusundo ka! Umalis ka ng walang paalam!" Halos sumigaw na siya. Bakit pa
siya tinatanong nito kung bakit siya naroroon? God! Hindi siya papayag na pag-
tsismisan ito ng mga tao doon-dahil in the first place ay hindi naman niya ito
tinakbuhan!

Napatingin naman ang mga kumakain pati ang ilang usyusero sa gawi nilang dalawa.

"Kumain lang naman ako..." Saad nito habang pasimpleng itinatago sa likuran ang bag
na may lamang mga damit at ilang gamit.

Pinigil niya ang wag mapangiti sa pagpapalusot nito. "Kumain? Dito sa Quiapo?
Dumayo ka pa talaga dito para lang kumain ng lugaw? At sa pagkain mo dapat dala mo
pa ang lahat ng mga gamit mo?"

"'Yan yata iyong asawa niya! Ang gwapo naman pala at mukhang mayaman pa!" Wika ng
isang usyusero.

"Oo nga! Mukha pating sobrang nag-aalala sa kaniya tingnan mo nakapantulog pa nga
si fafa!" Sagot ng baklang kausap nito.

NAGULAT si Lucretia ng bigla na lamang siyang buhatin ni Jerico.

"A-Ano ba?!" Nauutal na asik niya rito pero hindi siya pumalag. Mahirap na at baka
mahulog pa siya.

"We're going home!" Salubong ang kilay na saad nito.

Wala siyang nagawa kundi mapakapit na lang sa leeg nito. Paano ba siya makakalayo?
Bakit ba kasi siya sinundan pa ng lalaking ito? Humina na naman tuloy ang depensa
niya lalo pa't ganito sila kalapit sa isa't-isa.

Ang bango-bango pa naman ni Jerico! Minura niya sa isip ang sarili. Galit siya
rito! Kaya hindi siya dapat nagu-guwapuhan sa binata o kaya naba-banguhan!

Kilig na kilig naman ang mga nakakakita sa kanila. Inabutan nito ng limang daang
piso ang cashier sa naturang lugawan bilang bayad sa kinain niyang lugaw. Tuwang-
tuwa naman iyon dahil hindi na kinuha ni Jerico ang sukli.

Sa loob na siya ng kotse ibinaba ni Jerico.

"I hate you!" Di na siya nakatiis na bulyawan ito ng sila na lang dalawa. "Bakit mo
pa ba ako sinundo?!"

Hindi ito kumibo. Madilim ang mukha nito habang nakaharap sa manibela ng sasakyan.

Inis na hinampas niya ito sa balikat. "Pabayaan mo na lang ako!!! Ibaba mo na lang
ako rito! Hindi naman ako manggugulo eh! Hayaan mo na ako-"

"Shut up! Just fasten your seat belt!" Sigaw nito na nagpatigil sa pagwawala niya.
Natakot siya sa katahimikan nito matapos siyang bulyawan kaya nanahimik na lamang
siya sa passenger seat na katabi nito.

Mamaya na lang siya iisip ng ibang paraan para matakasan ito.

Wala silang kibuang dalawa habang sila ay nagba-byahe pauwi sa mansyon.


Nang makarating na sila ay mabilis siyang umakyat patungo sa kwarto.

ALAM niyang galit ang binata dahil sa ginawa niyang pagtakas. Napaurong pa siya ng
pumasok na sa kwarto si Jerico.

Salubong pa din ang dalawang kilay nito at masama ang tingin sa kaniya.

Napasiksik naman siya sa headboard ng kama. "A-ayoko na rito..." Naiiyak na siya


habang papalapit ang lalaki sa kaniya. "Jerico wag na tayong magpakasal. Ayoko na
talaga..."

Ang galit sa mukha nito kanina ay unti-unting napalitan ng lungkot. Tumabi ito sa
kaniya.

Hindi naman niya malaman kung para saan ang kalungkutang nakikita niya sa mga mata
ni Jerico. Nagulat pa siya ng bigla siyang kabigin palapit ng binata.

Niyakap siya nito habang siya ay umiiyak sa dibdib nto.

"Shhh... I'm sorry Lucretia. I'm really sorry." Ikinulong nito sa dalawang palad
ang luhaan niyang mukha. "Wag ka ng umiyak. Hindi naman ako galit kanina eh..."
Masuyong anas ng binata.
"Aalis na ako, Jerico... Please..."

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Alam mo bang sobra akong nag-alala kanina ng
pag gising ko ay wala ka na sa tabi ko? Halos mabaliw ako kakahanap sa'yo..."

Napatitig siya sa mukha ni Jerico. Hindi siya makapaniwala sa pinagsasa-sabi nito.


"Ayoko ng masaktan pa. Sobrang sakit na kasi at hindi ko na kaya..."

"I love you Lucretia."

"Ha?" Takang tanong niya. Tama ba ang narinig niyang sinabi nito?

"Oo mahal... Mahal na mahal kita noon pa. Patawarin mo ako kung naging duwag ako sa
tunay kong nararamdaman para sa'yo. Nagpatalo ako sa galit at gusto kitang gantihan
pero sa huli natatalo pa din ako ng pagibig ko sa'yo. Please believe me
Lucretia...Sa tuwing nakikita kitang nasasaktan na ako ang dahilan, ay mas higit pa
ang nadarama kong sakit. Gusto kong itama na ang lahat." Seryosong kumpisal nito.
"Pahirapan mo ako kung gusto mo... But please wag mo nang uulitin ang pag-alis nang
walang pasabi..."

Nararamdaman niya ang sinseridad sa bawat katagang nanunulas sa labi ng binata.


Pero parang hindi pa din siya makapaniwalang mahal siya nito.
"Ang baby lang naman ang gusto mo hindi ba?" Pumiyok muli ang tinig niya. "Baka
aalisan ka lang ng mommy mo ng mana kaya gusto mo akong pakasalan."

Ngumiti si Jerico at pagkuway gigil na pinisil ang tungki ng kaniyang ilong. "Of
course not mahal. Sa totoo lang dahilan ko lang iyon para mapapayag kang magpakasal
sa akin. Mahal kita at mahal ko din ang magiging baby natin. Mahal ko kayo higit
kanino man!"

"Pero si Ayesha..." Ungkat niya sa nangyari kagabi. Nakaramdam na naman siya ng di


matatawarang sakit sa kaniyang dibdib. "Siya nga ang kinampihan mo kagabi eh! Siya
ang palagi mong kasama! Hindi ba't siya naman talaga ang mahal mo at hindi ako!"
Kinatkat na naman ng di matatawarang selos ang puso niya.

Muling sumeryoso ang binata. "No. Hindi ko na mahal si Ayesha... or hindi ko talaga
siya minahal. It is you that I love. It is you my dear Lucretia... It was always
you. At kaya lang kami natalagan kagabi dahil may pinag-uasapan kami. Pinakiusapan
ko siya na pabayaan na tayo, dahil ikaw talaga ang mahal ko. Ikaw ang mahal ko at
hindi siya. Sa pagsasama naming dalawa noon ay pareho kaming hindi sigurado sa
nararamdaman namin sa isat-isa. Pero ng makasama kita nasisiguro kong ikaw ang
minahal ko at hindi siya."

Hindi pa rin siya kumbinsido. "Pero hinalikan ka niya... nakita ko iyon! Tapos mas
pinanigan mo pa siya ng mag-away kaming dalawa kagabi!"

Natawa ang binata at muli siyang niyakap. "Nagseselos ang mahal ko." Hinalikan siya
nito sa mga labi pero itinulak niya itong palayo. Gusto niyang marinig ang
paliwanag ni Jerico hinggil sa bagay na iyon.

"Okay-okay!" Nakatawang pagsuko ng binata. "Ganito kasi 'yan... Iyong halik na iyon
ay pamamaalam na lamang ni Ayesha. Pupunta na siya ngayon sa Japan dahil pumirma na
siya ng kontrata doon para sa pagmo-model niya. Napag-uasapan namin na aayusin niya
na ang buhay niya at hahayaan ka na niyang maging masaya, dahil napag-isp-isip niya
din na siguro nga ito ang kapalaran ninyong magkapatid." Paliwanag ng binata. "Ikaw
naman kasi basta ka sugod, eh hindi naman ako sa lips hinalikan ni Ayesha. Kumbaga
parang beso-beso lamang iyon kasi paalis na nga siya. Syempre nagulat sa'yo yung
tao nang sumugod ka kaya ayon! Pinatulan ka niya... Para namang hindi mo kilala ang
kakambal mo, palaban din iyon at hindi papatalo."

Tahimik lamang na nakikinig si Lucretia. Napakatanga niya, nasaktan niya pa si


Ayesha dahil maling akala niya. Muli siyang tumingin sa lalaki. "So wala na talaga
kayo?" Paniniguro niya.

Ngumiti ng malapad si Jerico. "Opo. Matagal na dahil ikaw na ang mahal ko. Ikaw ang
gusto kong makasama sa habang buhay!" At dinaluhong na siya nito pahiga sa kama.

"Ay! Si baby maiipit!" Tili niya. Halos dumagan na kasi sa kaniya si Jerico.

"Gagawin nating kambal si baby!" Malokong pinaghahalikan siya nito sa kaniyang leeg
pababa sa kaniyang dibdib.

Para silang mga pusang naglalampungan sa ibabaw ng kama. Natatawang kinurot niya sa
tagiliran ang binata.

Yumakap siya sa leeg ng lalaki at muli nilang sinelyuhan ng halik ang labi ng isat-
isa.

Hindi niya akalaing magiging happy ending pa rin sila ng binata matapos ang lahat
ng mga nangyari.

Nagpapasalamat din siya sa kaniyang kakambal dahil sa huli ay nagparaya ito para sa
kaniyang kaligayahan.

"Mahal na mahal kita Lucretia... Pangako mula ngayon hindi ka na iiyak. Sasaktan ko
muna ang sarili ko bago kita masaktan..." Pangako nito

May kinuha ito sa katabing drawer ng kama at iniabot sa kaniya. Isa iyong itim na
kahon na may nakaukit na 'cartier'.

Isang singsing na may diyamanteng maliit sa gitna ang laman ng kahitang kulay itim.
Wala siyang mapagsidlan ng tuwa habang isinusuot iyon ng binata sa kaniyang daliri.

"Will you be my wife?" Tanong nito.

Naiiyak na yumakap siya rito bilang sagot. Mahigpit din naman siyang niyakap ng
binata.

Alam niya na totoo ang ipinangako ni Jerico na huling beses na siyang iiyak ngayon.

Totoo iyon dahil nararamdaman niyang mahal na mahal siya ni Jerico at sapat na iyon
para maging masaya siya sa piling nito as sa magiging mga anak pa nilang dalawa in
the near-near future!

WAKAS

Salamat po sa inyong pagtangkilik. Sobrang simple lamang ng isang ito, pero


naisipan ko pa ring ilagay sa Wattpad. Sana naibigan niyo ang aking kauna-unahang
Romance~Drama na ginawa noong ako ay HighSchool. Hehe...

See you sa story ni Ayesha...

JAMILLEFUMAH JAMILLEFUMAH
Copyright 2013

Si Ayesha kaya?
May pag-asa pa kaya ang isang 'yon?

Dancing With The Fire BOOK 2

'Ayesha The Bad One'

Matagpuan din kaya ni Ayesha ang lalaking para sa kaniya? Eh paano kung lahat pala
ng lalaki ay galit na at nandidiri na sa kanya? Kaya pa rin ba niyang ipagmalaki
ang kagandahan niya?

A funny love story with a mellow drama... Now available sa aking WATTPAD ACCT!

"Kung lahat ng pangit ay mabait! OKAY! Eh di ako na ang masama! "


-Ayesha 'THE BAD ONE'.

You might also like