You are on page 1of 174

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)

by crypticknots

The world where Astrid lives has no room for mundanes like her.
But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost
phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a
drop of tear from it.

Will she be able to find it?

=================

¤◆¤◆¤◆ P R O L O G U E ◆¤◆¤◆¤

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

--------

If I were to describe my life in just a word it would probably be "ordinary". No


seriously,

my life had never been cool nor fantastic nor anything that contrasts ordinary. It
has always been plain and boring.

Bakit ko nasabi yon? Kasi puta. Isa lang naman akong ordinaryong tao na walang
special ability o power. And fuck, limang porsyento lang dito sa mundo ang may mga
taong nabubuhay na katulad ko.

So yeah, fuckin' amazing, right?

Sorry for the curses but have you ever felt being an outcast in your life?
Naramdaman mo na ba yung feeling na hindi ka belong? Because fuck. I do. I always
fucking do.

And that's why I'm frustrated right now.

=================

Chapter I: The Secret

"Mico!" asik ko nang walang anu-ano'y hinalikan niya ako. Tumawa lang siya at
naglean sakin. Isang pulgada na lang ata ang layo ng aming mga mukha.

"Diba sabi ko sayo, sa bawat pagbusangot mo hahalikan kita?" halos pabulong niyang
sinabi. Ngumisi siya at kumindat pa na ikinadahilan ng pagkunot ng noo ko.

Napakurap ako ng muli niya akong ninakawan ng halik. Hindi ako agad nakagalaw dahil
tila ba nanigas ang katawan ko dahil sa ginawa niya. Namumula na siguro ang mukha
ko kaya lalong lumakas ang kanyang pagtawa.

"Mico, cut that bullshit!" I groaned.

"No. You cut that bullshit." Sagot niya.

I breathed out a sigh and facepalmed in frustration. Kahit kelan hindi ako mananalo
sa lalaking 'to. "Astrid, baby. What are you thinking? Tell me..." and now he's
serious.

Sinubukan kong 'wag tumingin sa kanya ngunit bigo ako dahil hinawakan niya ang baba
ko at mariing iniharap sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at doon ko naramdaman
ang tensyon na ipinapataw namin sa isa't isa. "Baby, what's wrong?" I heard a tone
of pleading in his voice. Ugh, Mico. Lalo mo akong pinahihirapan.

"Wala..." I answered hesitantly. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa damuhan.


Tumalikod ako at nagsimula ng humakbang palayo sa kanya.

"Oh come on, Astrid. Are you going to leave me here frustrated and worried?!" he
shouted.

"Wala naman kasing problema Mico eh!" Hindi ko sinasadyang sumigaw pabalik. But
damn, he's really getting into my nerves.

"So ano, mag-aaway na naman ba tayo, ha?" He grunted.

"Ikaw naman nauna eh. Ang kulit mo kasi. Nananahimik ako dito." pinilit kong maging
mahinahon pero nangingibabaw pa din ang pagkairita sa boses ko.

"Tss... yun na nga eh. Antahimik mo nitong mga nakaraang araw pa. I know that
something's bothering you pero ang mas nakakainis dun, obvious na nga pero dinideny
mo pa!" He's mad and it's not a good sign. Tumahimik na lamang ako dahil ayoko ng
gulo. "I'm your boyfriend for pete's sake! Bakit ba di mo masabi sakin? Am I not
that trustworthy, huh? Ako na kasama mo mula bata pa tayo? Ako pa ba ang
pagtataguan mo ng sikreto?" I am very near from crying. Isang yugyog nalang siguro
sa akin ay magsisibagsakan na ang mga luha ko.

"H-hindi sa ganun, Mico" my voice cracked.

" Then you fucking tell-"

"Bakit kayo nag-aaway?" Napahinto kami dahil sa batang nasa harap namin. Ang
kapatid ni Mico na si Miles. I badly wanted to thank her for saving me. Kung hindi
siya nagteleport dito eh malamang di na kami matatapos ni Mico.

Lumuhod si Mico sa harap ni Miles para magpantay sila. "Hindi kami nag-aaway Miles.
Anong ginagawa mo dito?" Tumingin sa akin si Miles na parang nanghihingi pa ng
kumpirmasyon dahil mukhang hindi siya satisfied sa sagot ng kuya niya. Sinuklian ko
na lamang siya ng ngiti.

"Hinahanap na kayo nila mama eh, kakain na daw." Malambing niyang sagot.

"Tara na..." pag-aaya ko at saka inabot ang kamay ni Miles. Lumingon ako sa
direksyon ni Mico pero kagaya

ng inaasahan ko, bigla nalang siyang naglaho. Invisiblity. Madalas niya itong
ginagamit kapag ganitong sitwasyon. Minsan nga naglalaho na lang siyang bigla sa
gitna ng pagbabangayan namin.

Ang isang Mico Perez lang ang tumanggap ng buong pagkatao ko. Ako na nagngangalang
Astrid Finch. Ang pangalang walang maipagmamalaki. Na maski ang sarili kong pamilya
ay hindi ako kayang ipagsigawan na kabilang ako sa kanila. Sabagay, kahihiyan nga
naman sa isang kilalang pamilya ang magkaroon ng ordinaryong miyembro na tulad ko.

It was tested and proven. Si Mico lang talaga ang tumanggap sakin. Maraming beses
niya na itong napatunayan. Lagi niya akong ipinagtatanggol sa mga taong nanunukso
sakin at ipinaglaban nya din ako sa pamilya niya na hindi ako tanggap. Hindi ko
alam kung ano ang nakita ni Mico sakin at minahal niya ako pero ang masasabi ko
lang ay napakaswerte ko. And I know that I'm acting selfish right now because I
don't want him to know my plan, but it's for the sake of us. For the sake of the
people around me and of course, for the sake of myself. It's for my reputation.

Ang sumama sa grupo ng Paradox ang tangi kong paraan upang maisalba reputasyon ko.
Nangako ako sa sarili ko na hindi ako habang buhay na ordinaryo. Magkakaroon din
ako ng kapangyarihan. Joining the Paradox Association will be both a competition
and a mission for me. Layunin ng samahan na ito na mahanap ang nawawalang Phoenix.
Pero kapag malapit na kayo sa lugar na pinaninirahan ng ibon, doon na mangyayari
ang kompetisyon. Kung kinakailangan ay patayin mo ang kasamahan mo para mapasayo
ang Phoenix. Basically, it's like a treasure hunt. The phoenix represents the
treasure and we are the pirates.

"Astrid..." nagising ang diwa ko ng marinig ko ang pagtawag ni Miles.

Nandito na pala kami sa harap ng bahay nila. Hinawakan ko ang doorknob at akmang
pipihitin ito pero nauna na itong buksan ni Miells mula sa loob. Siya ang
pangalawang kapatid ni Mico. Nagtama ang mga mata namin at agad ko itong iniwas
pero sa tingin ko huli na ang lahat. Alam kong nalaman niya na ang pinaplano ko
dahil bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkalito. Sa lahat ng taong may
special ability, siya ang pinaka iniiwasan ko. Taglay niya ang precognitive mind at
sa oras na magtama ang inyong mga mata ay makikita niya na ang hinaharap mo.

Tumkhim na lamang ako at nagpatuloy na pumasok sa loob. Hindi din siya kumibo pero
hindi ako nakasisiguradong ligtas ang sikreto ko sa kanya.

Nakarating na ako sa kusina nila at nakitang nakahanda na ang mga pagkain at


nakaupo na din ang mga magulang ni Mico na para bang kanina pa kami hinahantay.
Tinignan ako ng mama nila at nakitaan ko ito ng pagkainis. Inabot ko ang kamay ko
sa kaniya upang magmano at ganun din sa papa nila, pagkuwa'y umupo na.

Nagsimula na kaming kumain ng tahimik at habang kumakain ay di ko maiwasang


mapatingin sa kaharap kong si Mico. Pahapyaw siyang tumingin sakin pero bumalik din
ang tingin sa kanyang pagkain.

..... Sorry, Mico. For I am so selfish. I hope you'll understand me....

=================

Chapter II: One Of Us

6:00 a.m. Marahan kong pinatay ang alarm clock na walang pakundangan kung
manggising. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo. Pagkatapos non
ay nagbihis na ako at lumabas sa kwarto ko.

"Goodmorning, Miss Astrid." bati nang isang kasambahay namin. Nginitian ko lang
siya at bumaba na. Pumunta ako sa dining area namin at doon ko nadatnan ang mga
magulang ko. Hinila ko ang pinakadulong upuan at tsaka umupo.
Hindi ko alam kung dahil lang ba busy sa pagbabasa ng dyaryo si papa at si mama
naman ay sa pag kain kaya hindi nila napansin ang presensya ko. Napabuntong-hininga
ako. Dapat ay sanay na ako sa mga gantong eksena. Lagi namang ganito ang pagtrato
nila sakin. They always treat me like I don't exist in their lives.

Umubo pa ako para bumwelo gayong ang sasabihin ko lang naman ay "Goodmorning po."
Huminto si papa sa pagbabasa para sabihin sa aking "Oh, bat ang aga mo?" sabay
higop ng kape.

"Uhm, may groupwork po kasi kami eh. Tsaka dadaan na din po ako kay Mico."
pagsisinungaling ko. Ang totoo ay pupunta ako sa Paradox Institute upang
magparehistro. Buo na ang loob ko. Sasali ako kahit anong mangyari. Pero wala akong
balak na ipaalam ito kahit na sa pamilya ko. Alam ko namang tatawanan lang nila ako
at sasabihang desperado. Pero yun naman ang totoo, desperado nga ako.

"Hmm, mabuti. Pagbutihin mo yang pag-aaral mo dahil edukasyon nalang ang mayroon
ka." He said.

I mentally scoffed. Hah! Magugulat nalang

kayo wala na ako dito at babalik na mayroon ng special ability. Makikita niyo...

--------

"Pangalan?"

"Astrid Finch." Sagot ko. Napatingala sakin ang lalaking naglilista ng mga pangalan
ng sasali.

"Anak ka ng mayor??" Tanong nito na tila ba gulat na gulat. Nagtinginan tuloy ang
mga tao sa paligid namin at nagsimula na akong makarinig ng mga bulungan.

"Uh-huh." mahina kong sagot. Di ko alam kung bakit pero bigla nalang akong
ginapangan ng hiya. "Disi-otso kana diba?"

"Oo." matipid kong sagot. Hindi niya na akong tinanong ng kung anu-ano pa gaya ng
family background ko dahil alam naman na siguro niya iyon. "Osige. Tumuloy ka na sa
Conference room." pagkuwa'y sinabi nito.

Kahit nagtataka ako ay sinunod ko ang sinabi niya. Akala ko kapag nakapagparegister
ka na eh miyembro ka na agad. Hindi ko alam na may ganito pa pala.Kumatok ako sa
pinto sabay binuksan ito. Doon ako mas nakaramdam ng hiya at kaba. Bakit andaming
tao? Ito ba ang mga miyembro ng Paradox Association?

"Welcome to the Paradox Association, miss...?"bati nang isang lalaki sakin. Kahit
nakangiti ito ay makikitaan mong may taglay itong awtoridad. May matipuno itong
pangangatawan at mukhang mas matanda ito sa akin.

"Astrid. Astrid Finch." I tried to compose myself as I continue to walk in front of


them. Which I regret now. Ang mga walang pakialam

sa presensya ko kanina ay matamang nakamasid na sa akin ngayon. "Oh, the daughter


of our dear mayor." he stated.

"Do we still need to test her?" singit ng isang lalaking nakaupo kasama ng ibang
miyembro.

"Of course. So what kung anak siya ng mayor? That's not an excuse. Walang special
treatment dito..."sabi naman nung babae na katabi ng lalaki. She's so thin and
small. Parang manika. Tipong hindi mo aakaling may matabas na dila. Pero kagaya ng
lalaking nasa harap ko at ng lalaking nagsalita kanina, maawtoridad din ito. Siguro
sila ang naatasang mamuno sa grupong ito.

"Akiko's right. Skills ang sinusukat natin dito at hindi ang taas ng status ng
isang personalidad. So let's start?"

"Huh?" maang kong tanong. Paanong test ba ang gagawin nila sakin? Walang anu-ano'y
hinawakan niya ang kaliwang bisig ko at ipinilipit. Fuck. Napasigaw ako sa sakit.
Pagkatapos ay hinawakan niya naman ang kaliwang balikat ko at idinapa sa sahig.

"Holy shit!" I cursed. I didn't expect this and I'm not prepared at all.

"Fight me!" He said. Sa pagkakataong ito, gusto ko siyang murahin. Sira ulo ba
siya? Paano ako makakalaban kung ipinipilipit niya na ako dito? He should have
oriented me first para naman alam ko at sana nakabuwelo ako.
Habang tumatagal ay lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sakin at kumabayo pa
siya sa likod ko. "I said, fight me." Kagaya nga ng sinabi niya, inipon ko ang
lakas ko upang kumawala sa hawak niya. Nagawa ko iyon at saka nagpagulong-gulong.
Ilang segundo pa ay nakatayo na kami pareho. Wala akong ginawa kundi ang pagmasdan
siya. Pilit kong pinakikiramdaman ang bawat pagkilos niya. But I know that I'm a
little bit distracted. Behind those intense eyes is a playful amusement and I don't
like the way he looks at me because it's giving me shivers.

Maya maya pa'y lumapit siya sa akin at akmang susuntukin ako pero sinangga ko ito.
Abante-atras-suntok-sangga ang ginagawa namin. I need to think of another move.
Dahil kung hindi ay baka maunahan niya pa ako.

Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay sinuntok ko ang abdomen niya at sinipa ko ang
kanyang binti. Nang mapaluhod siya ay hinigit ko ang leeg niya ng braso ko. But I
suddenly lost the upper hand. Nakabawi siya at sa isang iglap ay nakapaibabaw na
siya sakin.

"Woaahh, stop! Stop!"awat ng lalaking nagsalita kanina. "That's enough guys. Baka
magkapatayan pa kayo."

Huminto kami at tumingin sa mga nanunuod sa amin. Halata ang kaba at excitement
nila dahil mukhang tutok na tutok sila sa nangyari. "Great." Said this guy on top
of me in a breathy voice. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sakin habang
nakangiti. Inabot ko ito at hinila niya ako patayo. His expression lighten up
again. Parang hindi siya yung halimaw na nakalaban ko kanina.

"Congratulations, Miss Finch. You are now one of us." He said and everybody in the
room clapped their hands. And that is my turn to breathe a sigh of relief. Sa
wakas. Malapit na din ako sa inaasam ko..

=================

Chapter III: The Last Fight

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakangiti ng mag-isa habang naglalakad.
Hindi ko lang talaga maitago ang kasiyahang nararamdaman ko dahil finally,natupad
na ang unang hakbang sa plano ko. Pinababalik ako bukas para sa meeting kung saan
ipapaliwanag ng tatlong captains na sina Grey, yung nakalaban ko kanina, at sina
Akiko at Conrad ang plano namin sa paghanap sa Phoenix.

Alas sais na ng gabi nang makarating ako sa bahay. Binuksan ko ang pinto at
tumambad sakin ang isang lalaking nakatayo sa sala. Nakatalikod ito at nakatingin
sa bintana at mukhang may malalim na iniisip. Tindig pa lang, alam kong si Mico na
ito.

"Miss Astrid, halos isang oras na pong nag aantay si Sir Mico dito. Hinahanap
kayo." sabi sakin ng isang kasambahay namin.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. "Bat andito ka?" tanong ko nang
makalapit sa tabi niya. Dalawa lang ang alam kong dahilan ng pagpunta niya dito.Una
ay nalaman niya na ang tinatago ko sa kanya at pangalawa, ay para alamin ang
dahilan ng hindi ko pagpasok sa school ngayong araw.

"Hindi ka pumasok." sabi niya na hindi patanong kundi pagkumpirma. Saglit akong
nanahimik upang mag-isip ng dahilan "Uhm, ano kasi-"

"Why don't you just tell me the truth?" he glared at me and I saw the coldness in
his eyes. Damn, it hurts.

"C-can we talk outside? Baka dumating na sila papa..." I suggested. Hindi kami
maaaring mag usap dito dahil baka maabutan kami nila papa at malaman pa nila. At
isa pa, baka marinig ng mga kasambahay

namin.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. As if he was tempting. Dahil alam


kong anytime ay maaari siyang sumabog. Nauna siyang maglakad palabas ng bahay namin
at ako nama'y nakabuntot lang sa kanya. Madilim na pero di niya ito alintana bagkus
ay binilisan pa ang paglakad. Patakbong lakad ang ginawa ko para lang maabutan
siya.

"Mico,stop right there." di ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para
sabihin sa kanya yon gayong hingal na hingal ako.

I thought he wasn't going to stop until he took a few more steps and turned his
head to me. "At pati pala sa pamilya mo ay wala kang balak ipaalam? You're crazy."
patawa niyang sinabi.

"Mico, hindi mo naiintindihan." nasabi ko nalang.

"Tangina, Astrid. Ikaw ang hindi ko maintindihan! Hindi ko na alam ang takbo ng
utak mo. I don't know what you are trying to prove here at naisipan mo pang sumali
sa grupong yan." and he exploded like a bomb.

"Alam mo namang pangarap ko 'to bata palang tayo diba? Pwede bang suportahan mo
nalang ako?" naiiyak kong sinabi.

"Fuck, no. Are you out of your mind? Do you even believe that there's such thing as
Phoenix? It was only a myth, Astrid. Wala naman talagang nag-eexist na ganoong
creature. So please, stop that stupid plan-"

"Shut up!" I cried as I covered my ears with my both hands. I don't wanna hear
anything from him anymore. It was too unbearable. Akala ko pa naman ay susuportahan
niya ako. Pero bakit ganito?

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mico pero napalitan din ito ng guilt nang
makitang may mga luhang bumabagsak sa mga mata ko. Dahan-dahan siyang lumapit sakin
at maingat na pinunasan ang mga luha ko.

"Shh.. baby. Don't cry please. I'm sorry... I'm so sorry..." he said softly. As if
his voice was carressing my ears. "Forgive me, please. I'm just.... scared. I'm
scared of the possibilities that could happen to us. Mawawala ka sa akin ng ilang
buwan. At hindi ko alam kung gaano ako katagal mag aantay sayo. At ang mas
ikinatatakot ko, baka wala na pala akong aantayin." I saw the fear and at the same
time, the sadness in his eyes.

"Tahan na, babe. Hindi na kita kokontrahin,promise. Kung ito ang ikasasaya mo.
Susuportahan kita." Niyakap niya ako at mahinang tinapik-tapik ang likod ko.
Pumayag na si Mico but I know that he's reluctant. Mico loves me so much na kahit
ayaw niya, papayag na lang siya. I know him that much. He's too selfless.

"I love you..." nasambit ko sa gitna ng paghikbi. He smiled to me and said " I love
you too, Astrid." And before I could protest, he already owned my lips.

=================

Chapter IV: The Riddle of the Dream

Huminto ako sa pagtakbo ngunit patuloy pa din ako sa paghangos. Sa wakas,andito na


ako... Nakikita ko na siya. Nakikita ko na ang Phoenix! Hindi ako makapaniwala.
Totoo ba ito?

Hindi ko mapigilan ang pagkamangha habang pinapanood ang mahiwagang ibon habang
lumilipad. It is huge and it's wings are glowing bright blue while it's tail is
glowing red like a blazing fire. Maya maya pa'y huminto ito sa harap ko at mataman
akong tinignan. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Habang papalapit ako
ng papalapit ay mas nakikita ko ang kabuuang hitsura nito. The phoenix was indeed,
magical. Mula sa pinong balahibo nito hanggang sa mga mata nito. Ang mga mata
nito... It's like I'm seeing a soul. A very familiar one. Hanggang sa may mga
tumulong luha sa mata niya. Ang mga luhang nagbibigay ng kapangyarihan!

Dali dali akong lumapit sa kanya ngunit pumagaspas ang mga ito at umatras. Gumalaw
ang mga paa nito na para bang may binubungkal sa lupa. Ngunit hindi pala ito
nagkakahig kundi para itong nagsusulat. Mga salitang hindi ko maunawaan.

"Nostronum spiritus sunt unum..." mahina kong bigkas. Nagulat ako sa sarili ko.
Paanong nabigkas ko ito gayong hindi ko naman naiintindihan ang mga letra? At ano
bang ibig sabihin ng sinabi ko?

Tumingin ang ibon sa akin pagtapos ay nagtuloy sa pagsusulat gamit ang mga paa.

"Nos resurget ex favilla...

Nos fragur in ignis....

Regeneratione..."

Pagkatapos kong banggiting ang huling salita ay muling ipinagaspas ng Phoenix ang
kanyang pakpak. Lumipad ito patungo sa akin at nagpaikot-ikot ito sa itaas. It was
creating a sphere out of it's graceful movement

through flying. And suddenly I'm in another place. Heck, the last time I checked
nasa kagubatan ako. Pero nasa isang baryo na ako ngayon. Lahat ng taong
nakakasalubong ko ay nakangiti sa akin na para bang nakikilala nila ako. Tinignan
ko ang buong paligid. The ambiance was somehow familiar. Para bang nakita ko na ito
dati.

Muli kong nakita ang Phoenix sa ere. Sinundan ko ito hanggang sa makarating ako sa
isang napakalaking palasyo. Ang palasyong ito... parang nakita ko na din ito.
Nagulat ako nang salubungin ako ng mga guwardiya at yumuko sa harap ko. Gayun din
ang mga katulong ng palasyong ito. Pilit kong ininda ang mga ito at nagpatuloy sa
paglalakad, hanggang sa nakita ko ang hari at ang reyna. Nakaupo sila sa kanilang
malagintong trono at suot suot ang kanilang gintong korona na may nakadikit pang
mga bato.

"Fenicee..." nakangiting sambit ng reyna. Napakaganda nito at mas nangingibabaw pa


ang kanyang kagandahan dahil sa eleganteng kasuotan at korona. Nakalahad ang mga
palad nito na para bang inaaya niya akong lumapit sa kanya.

Hahakbang na sana ako nang biglang sumulpot ang Phoenix. Tumingin ito sa akin at
para bang may nais ipahiwatig. Para bang inaaya ako nitong umalis. Napakunot ang
aking noo at napalingon sa hari at reyna. Ngunit nasindak ako sa nakita. Pinugutan
ng mga taong nakaitim ang kanilang mga ulo. Ginapangan ako ng takot. Sunod na
tumingin sa akin ang mga taong nakaitim. Kumaripas ako ng takbo nang mapagtanto na
ako ang susunod nilang papatayin.

"Anong nangyayari?!" Tanong ko sa mahiwagang ibon na para bang kaya nitong sagutin
ang tanong ko.Ipinagaspas lang nito ang kanyang pakpak at binilisan ang paglipad.

Nagsimula na akong makarinig ng mga ingay na nagmumula sa mga tao. Ang ilan sa
kanila ay umiiyak at sumisigaw na huwag silang patayin. Sa isang iglap ay
nakaramdam na din ako ng pagyanig ng gusali. Gumuguho na ang palasyo. Mayroon na
ding mga lumiliyab na apoy. Sa gitna ng aking pagkalito at pagkabalisa, isa lang
ang alam kong mangyayari kapag hindi ako tumakbo. Mamamatay ako.

"Ang Phoenix!" Sambit ko ng mawala ito sa paningin ko. "Ang phoenix.." ulit ko.

Patuloy kong nilibot ang buong paligid. Di alintana ang mga nangyayari. Ang tanging
alam ko lang gawin ay hanapin ang nawawalang phoenix. Naglakad ako at luminga linga
hanggang sa makita ko ang ilaw na nanggagaling sa pakpak nito. Mabilis kong
sinundan ang liwanag at nagulat sa nadatnan ko.

Nakahandusay na sa lupa ang Phoenix at wala nang buhay. Unti-unting nawasak ang
damdamin ko. Hindi maaari... tinignan ko itong mabuti at ito ay naging abo. Biglang
may lumiyab na kulay asul na apoy sa paligid nito. Nakamamangha. Ang kaluluwa
nito'y lumipad sa langit. At bumalik ito sa akin na mayroon ng katawan. Kagaya ng
dating anyo nito. Ni walang bakas ng galos at ang pakpak nito'y mas lumakas ang
pagpagaspas.

Regeneratione...

Regeneratione....

Regeneratione....

Paulit-ulit ang pagbigkas ko nito sa di malamang dahilan at sa isang iglap ay


naging blangko ang paligid. Minulat ko ang aking mga mata at doon napagtanto na
panaginip lang pala ang lahat.

=================

Chapter V: The Map

Regeneratione...

"Miss..." napatigil ako sa pagkatulala at lumingon sa babaeng katabi ko. Kasamahan


ko din ito sa Paradox. "Andyan na ang mga Captains, pasok na tayo sa Conference
room." patuloy na sabi nito.

Papasok na sana siya pero napigilan ko siya ka agad. "Alam mo ba ang ibig sabihin
ng regeneratione?" Mabilis kong tanong.

"Rege-, ano?" taka nitong tanong.

"Regeneratione." ulit ko.

"Ah, hindi eh. Ano bang lenggwahe yun?" sabi niya na para bang di makapaniwala na
may ganoong salita. "Salamat na lang." Tanging nasagot ko.
Pumasok na ako sa loob at umupo sa pinakadulong bakante na upuan. Nang makumpleto
na ang grupo ay nagsimula ng magsalita si Captain Conrad. "Ang institusyong Paradox
ay binuo ng gobyerno. Hangarin nila na mahanap ang nawawalang Phoenix dahil
sinasabing ito ang sumisimbolo ng ating mundo kung saan ang mga tao ay may taglay
na kapangyarihan. Well, not to offend you anyway. Pero isa din naman sa layunin
nito ay para sa mga taong katulad ninyo." ninyo? Ibig sabihin ba nito ay may mga
special abilities din sila?

"Sinasabi na ang Phoenix daw ay may kakayahang magbigay ng kapangyarihan sa isang


ordinary human sa pamamagitan lang ng pag-inom ng luha nito. Wala pang
nakakapagpatunay nito ngunit yun ang pinaniniwalaan ng nakararami. Wala pa ding
nakakita ng Phoenix pero kaya nga tayo andito para mapatunayan." dugtong naman ni
Captain Akiko.

Nagtaas ng kamay ang lalaki sa may bandang harapan at nagtanong "Diba

madami nang naunang grupo sa amin? What happened to them?"

"Some of them quit. But most of them... are dead." I heard gasps everywhere. Pati
ako ay medyo nagulat sa sinabi niya. Ganun ba kahirap ang paghanap sa Phoenix kaya
halos lahat ay namatay at ang iba nama'y sumuko?

"Walang nakatagal. Wala pa sa kalagitnaan ay madami nang namatay. Lingid sa aming


kaalaman na may mga tribo palang nagbabantay sa lokasyon na kailangan naming
daanan. May mga halimaw din na umatake sa amin. Nahirapan kaming makaligtas dahil
nga sa kaming tatlo lang ang may special abilities." pagpapatuloy ni Captain Grey.
Napalunok ako sa mga narinig ko. Hindi pala talaga ganun kadali ang lahat.

"....Paano kung wala naman talagang Phoenix? Paano kung nag-aaksaya lang pala tayo
ng oras sa wala?" muling nagsalita ang lalaki kanina. Lahat kami ay napatahimik.
Ang iba naman ay parang sumang-ayon sa sinabi ng lalaki. Naalala ko tuloy ang
sinabi ni Mico. Wala naman talagang nag eexist na ganoong creature... Pero ano ba
ang totoo?

"If you're doubting, then leave." marahas na sinabi ni Akiko. Walang lugar ang mga
skeptic dito. Nagtagal kami nila Grey dito, not just because we're being forced by
the government, but because for the people like you. Umaasa kaming magkakaroon din
kayo ng kapangyarihan. Dahil alam naming nakakaramdam kayo ng diskriminasyon."
nagulat kami sa sinabi niya. May pusong mamon din pala ang isang 'to. "I want you
guys, to keep holding onto your blind faith, like what we do." she said. Blind
faith... ang umasa sa walang kasiguraduhan.

Tumikhim si Captain Akiko at tumingin kay


Captain Grey at ito naman ay tumango. Pumunta siya sa harap namin at biglang nag
appear sa malaking screen ang larawan ng isang mapa. "Ang mapang ito ang magtuturo
sa atin ng daan patungo sa Phoenix. Itong mapa ay nakumpiska mula sa sa isang
dayuhan na naligaw dito na si Prim Makabresku noong 1942. Ang mapa ay nasa kamay na
ng ating museo pero dahil kailangan natin ito ay pinahintulutan tayo na magkaroon
bawat isa ng kopya. Ibibigay namin ito sa inyo pag babiyahe na tayo."

Lahat kami ay matamang nakatingin sa mapa. Kinikilatis ang bawat lugar na may
marka. Halata ang pagkaluma nito dahil sa kulay nito at ang ibang lugar ay halos
burado na. Ang lugar na nagngangalang Enrocho ay may malaking tuldok sa mapa,
indicating that the place is the exact location of the phoenix. Isa itong maliit na
isla at parang tago. Mukhang nasa ibayong lugar pa ito. Ni wala sa mapa ang aming
bansa-ang Pierda.

Tumindig ng maayos si Captain Grey at muling nagsalita. "Kailangan mas maging handa
tayo ngayon. Natuto na kami sa mga nakaraang paglalakbay namin kasama ang mga
naunang grupo. Kaya naman sisiguraduhin na namin ngayon na makukuha na natin ang
Phoenix. Pero kailangan din namin ng kooperasyon niyo. Simula bukas ay
magtitraining na kayo, kailangan ninyong pag ibayuhin ang inyong pagtitraining
dahil napakaimportante nito." sabi nito habang tinitignan ang bawat isa samin. Nang
mapatingin siya sakin ay agad akong umiwas.

"Ipapaliwanag din namin sa inyo ang bawat lugar sa mapa na nadaanan na namin.
Iba't-ibang tao at kultura ang makikita natin sa bawat lugar kaya maganda nang
malaman niyo para di kayo gaanong mangapa pag andon na tayo." sabi ni Captain
Conrad. Bahagya itong tumingin sa orasan at sinabing "Hanggang dito na muna siguro
sa ngayon. Babalik kayo bukas para sa training, maliwanag ba?"

Lahat kami ay nagsimula nang tumayo mula sa pagkakaupo at isa-isang nagsilabasan.


Hindi pala madali ang pinasok ko...

=================

Chapter VI: Training

Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Hindi pa ako nakakapag suklay pero ayos lang.
Ayoko nang pag antayin si Mico sa labas. Kung bakit ba kasi nagpumilit pang ihatid
ako sa Paradox Institute ng lalaking 'to.

"Goodmorning, sunshine." bati niya nang makalabas ako ng gate. Napangiti ako. Kahit
kailan ay hindi ako magsasawang mamangha sa napakagwapong nilalang na ito. Samahan
mo pa ng ngiti niya na may lumilitaw pa na dimples sa pisngi.
"Goodmorning, darling!" bati ko din na para bang isang host sa t.v. show ang boses.
Nagtawanan lang kami.

Binuksan niya ang passenger seat at pumasok na ako doon. Pagtapos ay umupo na din
siya sa driver seat at ipinaandar na ang sasakyan.

"Sabi ko naman sayo diba, wag mo na akong sunduin. Mali late ka pa niyan sa klase
mo." sabi ko.

"Tss... ayos lang yun. Di ako magagawang pagalitan ni Prof sa gwapo kong ito noh"
sabi niya naman. "Yabang mo." natatawa kong sinabi. Humagalpak naman siya sa tawa.

"Pero maiba tayo. Pano nga pala yan, araw-araw ka nang di papasok sa school? Pano
pag nalaman ng papa mo?" bigla siyang naging seryoso.

Matagal ako bago nakasagot dahil pinag-isipan ko muna. "Uhm, hindi ko din alam.
Siguro pag nalaman niya yon, wala na ako dito. Naglalakbay na ako."

Lumingon ako kay Mico at nakita ang malungkot niyang mukha. Pero agad din itong
ngumiti. Kilala ko si Mico, kaya kahit magpanggap pa siyang masaya, alam ko ang
totoong nararamdaman niya.

"Ano

nga palang gagawin niyo ngayon?" muli niyang pagbubukas ng panibagong topic. "Eto,
magtitraining." sagot ko sabay nagpakawala ng buntong-hininga. Kinakabahan ako at
sa totoo lang ay hindi ako gaanong nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kung anong
klaseng training ang gagawin namin ngayon.

"Training? Anong klaseng training?" he asked out of curiosity.

"I actually don't know. Pero sa tingin ko it's all about different types of self-
defense. Kailangan kasi may fighting skills kami kung gusto naming makatagal."
sagot ko.

"Sus. Madali lang yan. Remember back when we were kids? Nagtataekwondo tayo nun
diba? Tinuturuan tayo ni lolo. Pati nga arnis eh. Madali ka lang na makakacope-up
kasi nainvolved ka naman na sa ganong klaseng sports dati." Naalala ko tuloy nung
mga bata pa kami. Master ang lolo niya sa martial arts kaya gustong gusto naming
nagpapaturo sa kanya noon. Kaya siguro nagawa ko ding labanan si Captain Grey nung
tinest niya ang skill ko.

Maya maya pa ay huminto na ang sasakyan. Hudyat na nandito na kami sa Paradox


Insitute. "Bye, Mico. Ingat ka." sabi ko habang tinatanggal ang pagkaka kabit ng
seatbelt ko. "Bye, baby. Ikaw ang mag-ingat. Wag kang magpapabali ng buto ah."
pabiro niya pang sinabi. Mahina ko siyang sinuntok sa tiyan pagtapos ay hinalikan
ko sa labi. "Labyu."

"Labyu, beh. Gora ka na. Babush!" sabi niya sa nakakatawang tono. Lumabas na ako at
sinara ang pinto. Siya naman ay pinaandar na ang sasakyan at umalis.

Nakarating na ako sa training room

at nadatnang naghahanda na ang ilan pero may mga hindi pa din naman dumadating.
Andito na din ang tatlong Captains. Dumiretso na ako sa locker room para magpalit
ng damit at pagkalabas ko ay saktong nagsisimula na ang halos lahat.

"You" bigla akong tinuro ni Captain Grey. "Come here." he commanded. Nag-alangan pa
akong pumunta pero wala din akong nagawa. Nang makalapit ako ay iniangat ko ang
tingin sa kanya at nag-aantay ng susunod niyang sasabihin. Ang mga mata niya.
Nakakalunod pag tinignan kaya minabuti ko nalang na iiwas ang tingin sa kanya.

"Train with the daggers and knives." sabi niya sabay turo doon sa daggers and
knives section. Napalunok ako. Unang training palang pero dito na ako isinabak.

Lumapit ako sa lamesa kung saan sari-saring klase ng patalim ang nakahilera. Ang
totoo niyan ay hindi ako pamilyar sa mga ganto at bihira lang ako makahawak ng
kutsilyo.

"Not familiar with these?" sabi ng malalim na boses na nasa likod ko. Alam ko kung
kanino nanggagaling yon kaya hindi ako lumingon. Umiling nalang ako sa tanong niya.

"Well, for a novice like you, learn to throw a knife first. Try this blade-throwing
knife."sabi niya sa akin at inabot ang hawak na kutsilyo. Maingat ko itong
hinawakan. The knife has more weight in the blade than in the handle. Tinitigan ko
lang ito. Hindi ko alam ang gagawin at ayoko ding kumilos dahil baka magkamali ako
at sarili ko pa ang masugatan ko.

"There are several ways you can grip a knife when you're throwing it at a target,
but start with the most basic throwing-knife grip: the hammer grip." pagkuwa'y
sinabi niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at iminuwestra ang tamang paghawak
ng kutsilyo. "Isipin mo lang na martilyo ang hinahawakan mo at hindi kutsilyo."
sabi niya nang hindi pa din inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko. Some kind of
electricity is running down my spine. Bakit ko ba nararamdaman 'to?

"Next. Get into the right stance. Stand about 10 feet away from your target. If
you're right handed, put your left foot forward and have your right foot back, with
your feet forming a 45 degree angle. Slightly bend your knees and make sure you're
stable."

"Okay." sabi ko at sinunod ng maayos ang instructions niya.

Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang braso ko mula
sa likod. Kumbaga, para siyang nakaback-hug sakin. My body felt stiff, as if all
the blood had drain from me. "Your left hand should be pointing at the target as if
you are aiming. Bring the knife in your right hand straight back above your head. "
he said and positioned my arms to where it should be. "Propel the knife back down
as though you're a butcher making a chop, shifting your wait forward, let the knife
fly." pagkuwa'y sinabi niya at binitawan ako.

Ginawa ko ang sinabi niya at sa di inaasahan, saktong tumama ang kutsilyo sa mukha
ng mannequin. "Wow. Beginner's luck"he said then clapped his hands. Hindi ko alam
kung papuri iyon o pang-aasar. "Try it again." He said.

I positioned my body again and started to throw away another knife. I don't know if
it's another luck this time because the knife landed on the mannequin's face,
again. "Nice." He muttered.

"So, magaling ka naman na pala. Might as well switch to another type of training."

"Like what?"

"Like, knife fighting."

"What?!"

=================
Chapter VII: A Knife Fight

"You heard me, right?" He smirked. An evil one. "Catch." Sabi niya sabay hagis ng
kutsilyo sa akin. "That's a fixed-blade dagger. Don't worry, parehas tayo ng medium
na gagamitin."

"Woah, wait. Are you serious?" I asked. Bewildered. Gusto ba akong patayin nito?

"Yep. Kaya tara na sa ring,"sabi nito at nauna nang maglakad patungo sa bakanteng
ring.

Ramdam ko ang tensyon ng atmosphere ng paligid. Ang ilang tao sa kwarto ay


napatigil sa pagtitraining at napatingin sa amin. Ang iba ay natatakot para sakin.
Maski ako, natatakot. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Pero ayoko itong
ipahalata. Ayokong masabihan na duwag kaya gagawin ko 'to.

Humarang si Captain Conrad sa daanan namin at napatingin siya sakin na para bang
kinakabahan din. "Bro, you're insane. Nagsisimula palang magtraining si Astrid at
isasabak mo na agad sa ganyan?! Hindi pa nga ata marunong humawak ng kutsilyo yan
eh."

"Tss... wag ka nga mangialam." Sabi ni Captain Grey at itinabig ang mga kamay ni
Captain Conrad na nakahawak sa mga braso niya.

Pumasok na siya sa ring at ganun na din ang ginawa ko. Being on the ring felt like
a hell already. What more kung ang makakalaban ko pa ay ang Captain ng grupong ito?
Oh, Astrid. You're fucked up.

"Do the first move." Sabi niya habang nilalaro laro ang dagger na para bang wala
lang. "P-paano?" maang kong tanong.

"Patamaan mo'ko. Sugatan mo ako kung gusto mo. Go on." Nakatingin

lang siya sakin ng seryoso at hinihintay ang gagawin ko.

Maya maya pa ay lumapit na ako sa kanya at inatake ko siya gamit ang dagger na
hawak ko. I saw the corner of his lips curved into smile at sinalag ang bawat pag
atake ko. Maririnig mo ang bawat pagtama ng aming mga patalim. Nakakarindi ito at
nakakangilo. Sobrang bilis ng galaw namin. Hindi ko inakalang masasabayan ko ang
bawat kilos niya. Sa pagkakataong ito, patas kami kaya kahit masakit na ang mga
balikat ko at braso ay hindi ako humihinto. Alam kong sa isang maling galaw ko lang
ay maaari niya na akong malamangan.

Lumipas ang ilang minuto at ganun pa din ang nangyayari sa amin. Ni hindi
nagbabago. Inaatake ko siya at sinasalag niya lang ito. Alam ko ang plano niya,
gusto niya na ako ang gumawa ng panibagong kilos but I can't take the risk. Lalo na
kung alam kong malapit na akong sumuko.

Ilang minuto pa at di ko na napigilan na sabihing "tama na." Agad din naman siyang
tumigil. Naitukod ko ang aking mga kamay sa aking magkabilang tuhod na hingal na
hingal. Tumatagaktak ang pawis ko at sa tingin ko ay hindi pa din bumababa ang
pulse rate ko dahil sa adrenaline rush.

"Good." He said while smiling. "I can see potential in you. If you want, I can be
your personal trainer. Trust me, malaking pakinabang ang mga ituturo ko sa iyo."

"Salamat na lang." agad kong isinagot. Di ko alam kung anong pumasok sa isip niya
at nagbalak pa siyang mag-offer sakin ng ganun.

"No, really. Gusto kong pag-isipan mo ito. Wala namang bayad." sabi

niya na nakangiti pa din.

Tumango na lang ako at umalis sa ring nang hindi na siya mangulit.

"Ahh, yun pala yun Grey. Tryna score, eh?" narinig kong sabi ni Captain Conrad kay
Captain Grey habang tumatawa. "Shut up." Seryosong sabi naman nito.Anong ibig
sabihin ng pinag-uusapan nila? Well, I think it's none of my business anymore.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa locker ng mapansing nakatingin sakin si


Captain Akiko. Masama ang tingin niya sakin. Ano naman kaya ang problema ng isang
yun?

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa locker room para umalis dahil tapos
naman na ang training. Palabas na sana ako ng training room ng bigla akong
pinigilan ni Captain Grey. "Hey, you goin' home already?" nakapagpalit na din ito
ng panibagong damit at mukhang presko na. Kami-kami nalang ang natira dito sa
kwarto.
"Yep." tipid kong sagot dahil ayokong pahabain ang usapan.

"Maaga pa naman, just wanna ask you if you wanna have some coffee?" Is that an
invitation? Narinig ko ang pagsipol ni Captain Conrad sa sulok at para bang
nakikinig ito sa usapan namin. Nang magkatinginan kami ay ngumisi lang siya sa
akin.

"Uhm, sorry but I have to say no. May sundo kasi ako." Pagprangka ko sa kanya. Not
that I'm being rude, but that's the truth. Nag-aantay na sakin si Mico sa labas.
"Sino?" tanong naman nito na para bang curious na malaman.

"My boyfriend." simple kong sagot. Nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha.
Bakit naman ganito ang reaksyon niya? "Oh, okay. Got it." Nasabi niya nalang nito
at tumalikod na sa akin. Lumabas na din ako ng kwarto at hinayaan na sila doon.

Pagkalabas ko ay nakitang nag-aantay na si Mico sa akin. Ang mga kamay nito ay nasa
bulsa ng jacket niya at nakatingin siya sa direksyon ko. Malayo palang ay alam kong
nakangiti na ito. "Hey, buddy. How's your training?"

"Ays lang. Pinahirapan ako ng lintek naming Captain. Biruin mo, unang training ko
palang pero pinag knife fighting niya na ako." Para akong bata na nagsusumbong.
Natawa nalang siya sa akin. "Well, good thing na hindi ka naman nagalusan. Mukha
namang nagawa mo ng maayos eh." Sabi niya saka ngumiti. "You wanna have some coffee
bago kita ihatid?"

Sumilay ang ngiti sa labi ko. Kahit kailan ay alam niya ang makakapagpagaan ng mood
ko. Paborito ko kasi ang kape at madalas niya akong dalhin sa paborito naming
coffee shop.

"Sure."

=================

Chapter VIII: Goodbye

Hindi ako makapaniwala sa bilis ng takbo ng panahon. Bukas na ang pinakahihintay


kong araw, ang pag-alis. Oo. Aalis na ang aming grupo sa bansang Pierda upang
isagawa ang aming misyon.
Huminga ako ng malalim habang tinitignan ang kalangitan. Kakagising ko lang at
napagisip-isip kong dumiretso muna sa terrace ng kwarto ko upang lumanghap ng
sariwang hangin. Hindi ko akalain na hahantong ako sa ganito. Akala ko hanggang
pangarap lang ako. Pero kung nagpadala siguro ako sa emosyon ko ay malamang wala
ako sa sitwasyon ko ngayon. Masaya ako dahil malapit na ako sa inaasam ko. Pero
malungkot din ako kahit papaano, dahil alam kong may iiwanan ako. At isa na dito
ang pinakaimportanteng tao sa akin. Si Mico...

Bumalik ako sa kwarto para ihanda ang susuotin kong damit ngayong araw. Binuksan ko
ang closet ko at nahagip agad ng mata ko ang kulay pink na bistida. Napangiti ako
sa naalala ko. Regalo ito sa akin ni Mico pero imbes na matuwa ay nainis pa ako
noon. Alam niya kasing hindi ako mahilig magsuot ng dress pero iyon pa ang binili
niya para sa akin. Kahit kailan ay hindi ko pa ito isinuot pero dahil espesyal na
araw ngayon, ito ang isusuot ko. Kinuha ko ito mula sa closet at inilapag sa kama
pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo.

"Miss Astrid, andyan na po sila sir Mico." rinig kong sabi ng kasambahay namin sa
labas ng aking kwarto. "Andyan na." sabi ko habang kinakabit ang hikaw sa tenga ko.
Pinasadahan ko muna ng tingin ang hitsura ko sa salamin at tsaka lumabas ng kwarto.

"Wow." sambit ni Mico nang makita niya ako pababa ng hagdanan. Napangiti ako.
"Anong masasabi mo, Miles? Ang ganda ganda

ni ate Astrid mo diba?" baling ni Mico sa kapatid niyang nakaupo sa couch namin.

Itinigil niya muna ang pagsipsip sa kanyang lollipop bago magsalita "Yes. Astrid is
really pretty. I wanna be like her when I grow up. But not her boyish side,
though." napangiwi ito pagkatapos ay isinubo ulit ang lollipop. Napatawa nalang
kami ni Mico.

"So, let's go?" pag-aaya ni Mico. Tumayo na si Miles at lumabas na kami sa bahay.

Dahil nga ito na ang huling beses na magkakasama kami ni Mico sa ngayon ay naisip
niyang mamasyal kami. Naisipan na din naming isama si Miles.

"San ba tayo pupunta?" tanong ni Miles nang makaandar ang sasakyan. "We're going to
Enchanted Land!!" Sabay naming sinabi ni Mico na para bang mga batang excited. Ang
Enchanted Land ang pinakasikat na Amusement Park dito sa bansa.

"Enchanted Land?! Woaahhhh!!! I can't wait to go there. Kuya Mico, please drive
faster." sabi ni Miles. Bakas sa mukha niya ang excitement. Nagsimula na itong
dumaldal at nagsasabi ng iba't-ibang rides na gusto niyang sakyan. Hindi ito
tumigil sa pagsasalita hanggang sa makarating kami doon.

Pagkaparada ni Mico ay agad na lumabas si Miles at tumakbo papunta sa entrance.


"Hoy Miles! Hintay!" sigaw ni Mico at nagtawanan kaming dalawa. Hinawakan niya ang
kamay ko at patakbo akong hinila para mahabol ang kapatid niya. Wala akong nagawa
kundi ang tumawa. This is overwhelming. Ang makasama ang pinakamamahal kong si Mico
na walang ibang alam gawin kundi ay pasayahin ako ay wala nang mas ikasasaya

pa. Paano kaya ako sa mga susunod na araw na hindi ko siya makakapiling?

Napailing ako sa naisip ko. "Hey, Astrid. You okay?" nag-aalala niyang itinanong.
Nilawakan ko ang ngiti ko para maibsan ang pag-aalala niya. "Oo naman. Ano ba una
nating sasakyan?"

"Roller coaster! Roller coaster! Roller coaster!" Miles chanted.

Sinunod namin ang sinabi ni Miles. Marami kaming nasakyang rides pagkatapos namin
sa roller coaster at lahat ng iyon ay si Miles ang nagdesisyon. Pagkatapos ay
kumain naman kami at nagpahinga saglit. Kami ni Mico ay pagod na pagod na ngunit
itong si Miles ay walang kapaguran. Nag-aaya pa itong sumakay sa ferris wheel.

"Tama na, Miles. Hindi ka ba napapagod?" sabi ni Mico na halos nauubusan na ng


pasensya sa kapatid. The kid crossed her arms at pumadyak padyak pa. "Ehhh, kuya
naman eh! Astrid oh, si kuyaa!" sumbong sa akin ni Miles. Ginagawa na naman niya
ang modus niya. Sa tuwing hindi siya pinapayagan ng kuya niya ay sa akin ito
lumalapit at nagmamakaawa. Alam niya kasing hindi ko siya matatanggihan.

"Sige na, Mico. Pagbigyan na natin yung bata. Tutal magdidilim naman na. Pagkatapos
natin sumakay sa ferris wheel ay uwi na tayo." pakiusap ko kay Mico. Bumuntong-
hininga ito at tumayo. "Fine." sabi niya.

Nagliwanag ang mukha ni Miles at nagsimula na naman itong maging hyper. Tumalon-
talon pa ito at nagsisisigaw.

Nakasakay kami kaagad dahil kaunti nalang ang pumipila. Nasa gitna namin si Miles

at masayang pinapanood ang magandang view habang ang mahabang buhok niya ay
hinahangin pa. Kitang-kita mula sa itaas ang halos kabuuan ng buong siyudad.
Napakaganda nito. Samahan mo pa ng magandang papalubog na araw.

I don't know why but I'm starting to feel sad. Maybe the atmosphere has something
to do with it. Lumingon ako kay Mico at napatitig din siya sa akin. Hindi siya
nakangiti at kitang-kita ko ang namumuong luha sa mga mata nito. Seryoso niya akong
tinitignan na para bang kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko. Maybe he's
feeling the same way... Our hearts are somehow connected anyway kaya kung ano ang
nararamdaman ko ay nararamdaman niya din.

Nagulat kami ng mapagtantong wala na si Miles sa tabi namin. She probably felt that
there's something happening between me and Mico so she decided to give us some
space to speak ourselves up. "I'll miss you."he whispered softly. "Me too." I
managed to answer briefly.

"Gusto sana kitang pigilan pero alam kong di kana paaawat." Kumirot ang puso ko.
Maski ako Mico, gusto ko na ding itigil ang kahibangang ginawa ko pero may parte sa
akin na pinipigilan ito.

"So... Is this goodbye already?"sabi niya na para bang hirap pa itong bigkasin.

Hindi ako umimik. I hate goodbyes. Saying goodbye for me is like, leaving someone
and not coming back anymore. "Baby.." he muttered before kissing my lips. The tears
we were trying to hold bursted out. Nalalasahan namin ang mga luhang dumadaloy sa
aming pisngi. Fuck. Even the tears have the bittersweet taste. Just like our kiss.

-----

Nagising ako sa tabi ni Mico at nakitang alas-kwarto na ng madaling araw. Dapat ay


bago mag alas-sais ay nasa Paradox Institute na ako. Maingat akong umalis mula sa
pagkakayakap sa akin ni Mico at bahagyang tumayo. Nakiusap kasi siya na matulog ako
sa tabi niya. Lulubusin niya na daw ang pagkakataong magkasama kami dahil matagal
bago kami ulit magkita.

Ayoko siyang gisingin. Tama na ang pagpapaalam na ginawa namin sa isa't-isa dahil
baka pag nakita ko siya ulit na umiiyak ay hindi ko na magawang umalis. I gently
kissed him on the lips, making sure not to wake him up. Umalis na ako sa bahay
nila.

Bumalik ako sa bahay para maligo at kunin ang nakaimpake kong mga damit. Pagkatapos
kong mag-ayos ay dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko. Madilim pa ang buong bahay
at tulog pa silang lahat. Gustuhin ko mang magpaalam ngunit hindi maaari. Kaya
sinilip ko nalang sina mama at papa sa kwarto nila at ang dalawa kong kapatid. Ano
kayang magiging reaksiyon nila kapag nalaman nilang wala na ako pag gising nila?
Mabigat sa pakiramdam kong nilisan ang bahay namin. Kahit na hindi ganoon kaayos
ang pagtrato nila sa akin ay mahalaga pa din sila sakin. Dahil parte sila ng buhay
ko. Muli kong tinignan ang bahay at nagsimula ng maglakad palayo.

Umaasa akong pag nakita ko silang muli ay mag-iba na ang trato nila sa akin at
tanggapin na nila ako sa buhay nila.

=================

Chapter IX: Company

"Ito na ang simula ng ating misyon. Gusto ko lang na ipaalala muli sa inyo, na
walang sinuman sa grupong ito ang sisira ng plano. No matter what happens, just
stick to the plan. Understand?" sabi ni Captain Conrad nang umandar na ang barkong
sinasakyan namin.

Alas-nuwebe na ng umaga nakalayag ang barko dahil nagkaroon pa kami ng madaliang


medical test at muli pang ipinaliwanag sa amin ng tatlong captains ang plano. May
dalawang miyembro na hindi nakasama dahil ang isa ay hindi nakapasa sa medical test
at ang isa naman ay umatras kaya labing tatlong miyembro na lamang kami ngayon.

Mag-isa akong nakatayo sa board ng barko at matamang pinagmamasdan ang karagatan.


Hindi ko alam kung nasaan ang iba. Malamang natutulog ang mga ito o kaya naman ay
kumakain ng almusal. Kami lang ang pasahero ng barkong ito dahil pagmamay-ari ito
ng Paradox Ins. Ihahatid kami nito sa isla ng Enrocho kung nasaan ang Phoenix pero
mukhang aabutin kami ng ilang araw sa paglalayag dahil napakalayo nito.

"Coffee?" nagulat ako nang makita si Captain Grey sa tabi ko. May hawak-hawak itong
dalawang tasa ng kape at iniabot sa akin ang isa. Agad akong sumimsim ng kape
pagkakuha ko nito. "Anong sabi nila? tanong niya at humigop din ng kape.

"Sinong nila?" nagtataka kong tanong.

"Pamilya mo. Papa mo, boyfriend mo." sagot niya at tinignan ako ng diretso sa mata.
Umiwas ako kaagad at ipinukol ang tingin sa karagatan.

"Hindi naman alam ng pamilya ko. Hindi ko sinabi." pagsabi ko ng totoo at huminga
ng malalim. Ano nga kaya ang sasabihin nila kung sakaling nagpaalam ako?

"Bakit?? Mag-aalala
sila sayo sigurado ako. Baka nga mabaliw pa sila sa paghahanap sayo." I scoffed.
Sila hahanapin ako? Malabong mangyari yun. Nasa legal age na ako at sa sobrang dami
nilang ginagawa, hindi na nila ako pag-aaksayahan ng oras na hanapin pa. Nasabi ko
sa aking sarili.

"Pwede bang 'wag nalang iyon ang pag-usapan natin?" iritable kong sagot na siyang
ikinatawa niya. "Fine." sabi niya saka bumungisngis ulit.

Hanggang ngayon ay nagtataka parin talaga ako kung bakit niya ako kinakausap.
Samantalang ang dalawang Captains na kasama niya ay hindi man lang kinakausap ang
ni isa sa aming mga miyembro. Maliban na lamang kung tungkol ito sa misyon namin.
Is he really that friendly, huh?

"Sige, ito nalang. If you were to have power, what would it be and why?" He said
beaming. Kung ibang babae ang kausap nito ay malamang naattract na ito sa kanya.
Sure he's attractive lalo na't palangiti ito. But Mico is more attractive than him
tho. Teka bakit ko ba sila pinagkukumpara?

"An ability to fly." sagot ko sa tanong niya.

"Oh, really? You know what? That's Akiko's ability." talaga? Ngayon ko lang ito
nalaman dahil hindi ko naman siya nakikita na ginagamit ito. Eh si Captain Grey
kaya, anong ability meron siya? "Ikaw, ano sayo?" tanong ko naman sa kanya.

"Me? Force-field manipulation." sagot niya pagkuwa'y humilig sa railings. "Cool."


mangha kong sinabi. Isa rin kasi ito sa pangarap kong ability noong bata pa ako.

"But you know what? When I was a kid I badly wanted to be like them than to be a
force-fielder." sabi niya at namamanghang itinuro sa di kalayuan ang isang lupon ng
mga sirena. Napanganga ako sa nakita ko. Bihira lang akong makakita ng mga taong
tulad nila that's why I'm also amazed.

They are also humans like us at fish mimicry ang kanilang abilities.They can
breathe underwater at kaya din nilang makipag-usap sa mga isda at iba pang sea
creature. Bumabalik din ang kanilang mga paa kapag nasa lupa na sila at depende din
sa kanila kung mag-aanyong sirena sila kapag nasa tubig.

"They're beautiful." sabi niya at tuwang-tuwang pinagmamasdan ang mermaids na


lumalangoy. "Indeed." pagsang-ayon ko habang pinapanood din ang mga ito na lumangoy
papalayo.
Napalingon ako kay Captain Grey ng makita ko sa peripheral vision ko na tinititigan
niya ako. Napakunot ang noo ko. "Why?" bumalik tuloy ang pagkairita ko sa kanya.

"Nothing. I just realized na mali pala ako sa mga thoughts ko. Hindi ka naman pala
masungit." sabi niya at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti.

I rolled my eyes pero napatawa din ako. "Mukha ba talaga akong masungit?" halos
lahat ng tao ay ganyan ang first impression sa akin. Kahit si Mico noon ay ganun
din ang akala niya. "No, not really. Wag mo nalang pansinin yung sinabi ko." he
laughed in amusement. "I'm hungry. Come on, let's eat." pagkuwa'y nag-aya ito.
Ngumiti ako at sumama sa kanya.

I thought I'm not gonna get a company from somebody here. Pero kita mo nga naman,
ang isa sa captain pa ng grupo ang mukhang makakasundo ko ata sa buong misyon na
ito.

=================

Chapter X: Clues

"Nostronum spiritus sunt unum..." said the girl who's standing about five meters
away from me. Sa palagay ko'y kasing edad ko lang ito. Payat ang kanyang
pangangatawan at kayumanggi ang kulay ng balat. Ang mahaba at maitim nitong buhok
ay nakaladlad hanggang bewang niya. At ang kanyang mga mata ay kulay berde.
Kagayang-kagaya ito ng sa akin.

I got goosebumps all over my body. Having an eye contact with her is a strange
feeling. Really strange. Why is it that I see myself in her when I look into her
eyes? She smiled oddly then slowly turned her back. My eyes squinted because of the
light that's coming to us. Hanggang sa nakarinig ako ng maingay na tunog. Parang
tunog ng makina. Then it hit me. Fuck. Nakatayo pala kami sa riles ng tren!

Tumakbo ako papalapit sa babae upang hilahin siya paalis dahil may paparating na
tren at mababangga kami. Hinawakan ko ang braso niya pero nagpumiglas siya at
itinulak ako paalis ng riles. Napaupo ako dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa
akin. Tatayo pa sana ako upang hilahin siya pero huli na ang lahat. Sa isang kisap-
mata ay nakita ko ang pagbangga ng tren sa babae. Napatakip ako sa bibig ko at
ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa hindi ko kayang makita ang hitsura ng
babae.

"Nostronum spiritus sunt unum..." narinig ko na naman ang mga salitang iyon. Dahan-
dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang isang matandang lalaki na
nakahiga sa hospital bed. May dextrose na nakaturok sa kanyang kanang braso at may
nakakabit na oxygen mask sa kanya.

Dumilat ito at tumingin sa akin. Those eyes again... kulay berde din ito at katulad
ng sa akin

at sa babae kanina. Inalis nito ang oxygen mask at ngumiti sa akin. He seemed to
recognize me.

"Do you know me?" I asked.

Tumikhim ang matanda at tinitigan lamang ako. Para bang pinag-iisipan niya kung
sasagutin niya ba ang tanong ko o hindi. Ngunit kalaunan ay bumuka din ang bibig
nito "Yes. You are... me." sumilay ang ngiti sa kanyang mga mata.

"....What do you mean??" confusion was written all over my face. Hindi ko
maintindihan ang sinabi niya. Paanong nangyari na ako ay siya? I just don't get it.

He didn't respond and he just closed his eyes. Akala ko nag-iisip ulit siya ng
sasabihin pero nagulat ako ng hindi na ito humihinga. Tumingin ako sa monitor at
nakita ang mahabang linya. He's dead. I didn't know I was holding my breath for a
few seconds because I was too shocked. Fuck. Did I just saw two people died infront
of me today?

Tumakbo ako palabas ng kwarto para sana tawagin ang doktor pero nasa ibang lugar na
naman ako. Heck, paanong naging playground ang labas ng hospital room? I facepalmed
when realization hit me.I am dreaming... And I need to wake up now dahil kung hindi
ay baka kung ano naman ang makita ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagconcentrate sa pag-aakalang magigising ako pag


ginawa ko iyon. But I was wrong. When I opened my eyes ay ganun pa din ang nakita
ko. Ang kaibahan nga lang ay may batang lalaki na sa harapan ko ngayon. Those
eyes... again. Ano bang meron sa mga matang ito at nagbibigay sa akin ng kakaibang
pakiramdam?

"You can't wake up!" napangiwi ako sa sinabi niya. Ngumisi siya sa akin na para
bang nang-aasar. "Why?" tanong ko sa kabila ng pag kairita.

"Can't you see?? This dream of yours isn't just an ordinary dream. It's a riddle!"
He said. "A riddle?" Napakunot ang noo ko.
"Yes. A riddle." tumabkbo siya palayo sa akin at pumunta sa swing. Umupo siya doon
at nagpaduyan duyan.

"Do I have to solve this riddle?" Sabi ko at tumakbo papunta sa kanya. "Of course.
Silly." he giggled.

"Fuck." I cursed in a low voice. "I have to wake up. Nagsasayang lang ako ng oras
dito." sabi ko at tumalikod sa kanya. Nagsimula na akong maglakad papalayo.

"You're crazy. Hindi mo ba alam na may kinalaman sa pagkatao mo ang lahat ng


nakikita mo sa panaginip mo?" napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kanya.
"At anong kinalaman nito sa akin?"

"Hindi ko pwedeng sabihin. Ikaw dapat ang makaalam nito." Sabi nito at itinigil ang
pagduyan.

"Ikaw, anong kinalaman mo dito? Kilala ba kita? Kilala ko ba ang mga taong nakita
ko kanina?" Habang tumatagal ay mas lalo akong naguguluhan.

"Maybe." He shrugged. Oh, fuck this nosy little kid. "Clues are everywhere."

I raised my eyebrow, "Ano yung mga clues?"

"Bakit ko sasabihin? Ikaw ang maghanap nun. Tinulungan na nga kita eh. Tsk tsk."
napailing na sinabi nito.

"Pero-" magsasalita pa sana ako pero nawala nalang bigla yung bata at naging blanko
ang paligid. Minulat ko ang mga mata ko. Kung kanina ay gustong-gusto kong
gumising, ngayon ay ipinagdadasal kong sana hindi nalang pala.

=================

Chapter XI: Bomb

Madaling araw pa lang ay bumangon na ako sa kama. Pagkatapos ko kasing


mapanaginipan iyon ay hindi na ako makatulog kakaisip kung ano ba ang clues na
sinasabi nung bata at kung ano bang kinalaman ko sa napanaginipan ko. Alam ko sa
sarili ko na kahit kailan ay hindi ko pa nakita ang mga tao sa panaginip ko. Pero
bakit noong tumingin ako sa mga mata nila ay parang may naramdaman akong kakaiba?
Para bang pamilyar sila sa akin?

Tahimik akong lumabas ng cabin dahil baka magising ang dalawa kong roommates. Hindi
ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang ay maglakad-lakad. Gusto kong
alisin ang bumabagabag sa isipan ko. I hugged myself as I felt the ocean breeze and
closed my eyes because of the sensation. Ansarap sa pakiramdam lalo na pag naamoy
mo yung salty wind na nagmumula sa karagatan.

"Bakit ka andito?" naimulat ko ang mata ko ng marinig ang boses na iyon. Lumingon
ako at nakita ang silhouette ng isang babae na naglalakad papunta sa akin. Nung una
ay hindi ko siya maaninag dahil medyo madilim pa ang paligid pero kalaunan ay
nakilala ko din kung sino ito.

"Captain Akiko..." sambit ko nang makalapit siya sakin.

"Bakit ka andito?" ulit na tinanong nito. "May usapan ba kayo ni Grey na magkita
dito ng ganitong oras?" my eyebrows furrowed in confusion.

"Huh? Bakit naman namin gagawin iyon? Eh pwede naman kaming mag-usap ng umaga?"
patawa kong sinabi.

"Pilosopo ka rin eh no? Tatapatin na kita at gusto kong sabihin mo ang totoo... are

you having a secret affair with Grey?" seryoso niyang tanong. Nagulat ako sa sinabi
niya. Why did she asked me that kind of question? I was bewildered at first until
it hit me...

My lips curved into a half smile because of my thought. "Are you jealous??" nanlaki
ang mga mata niya sa sinabi ko. Akala niya siguro ay hindi ko mahahalata. Kaya pala
laging masama ang tingin niya sa akin sa tuwing nag-uusap kami ni Grey.

"Ano naman ngayon?" pataray niyang sinabi. Natawa naman ako sa kaniya. "Wala naman.
Kayo ba?"

"I think you forgot your manners, Finch. Baka nakakalimutan mong Captain ako ng
grupong 'to at ang isang hamak na miyembro ay hindi dapat nakikipag-usap ng ganyan
sa isang captain." she said in a monotone voice and gave me her poker face look.
"Oh, I'm so sorry, captain." I said, emphasizing the last word. "Babalik na ho ako
sa kwarto ko. Mukhang naiwan ko nga ho kasi yung manners ko doon eh. Sige maiwan ko
na kayo.." I said in a sarcastic note. Tatalikod na sana ako ng bigla siyang
nagsalita "bitch."

"What did you-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa narinig kong malakas
na pagbagsak ng isang bagay.

"What the fuck was that?!" sabi ni captain Akiko na nagulat din sa narinig.
Naglakad siya papunta sa bumagsak para tignan kung ano yun at sumunod din ako sa
kanya para alamin.

"What the fuck!" We said in chorus. Nagkatinginan kaming dalawa at kitang-kita ko


sa mga mata niya ang takot at kaba. Kahit ako ay ganun din ang nararadaman.

"Hey, anong ginagawa niyong

dalawa diyan? At ano yung narinig kong ingay?" nagtatakang tinanong ni Captain
Conrad. Halatang kakagising lang nito at mukhang naalimpungatan pa.

"C-conrad... T-there's a bomb!" nangangatal na sinabi ni Captain. "A what?!" Gulat


na naitanong naman ni captain Conrad. Ang kaninang naniningkit niyang mata ay dilat
na dilat na ngayon.

"There's a fucking bomb,Conrad. Gumising ka nga!" niyugyog ni Captain Akiko si


Captain Conrad para magising ang diwa nito. "Shit." sabi nito at pumunta sa
kinaroroonan ng bomba. Napasabunot ito sa buhok nito at mas lalo itong gumulo.

"Panong nangyari ito?! Sino namang gagawa sa atin nito?!" balisang sinabi ni
Captain Conrad.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" naisambit ko na lamang. Muli naming tinignan ang
timer bomb clock at nakitang dalawampung minuto nalang ang natitirang oras dito.

"20 minutes nalang ang natitira. Gisingin natin ang lahat ng nandito at dito tayo
magtipon-tipon. Bilis!" pagkasabi ni Captain Conrad ay agad kaming kumaripas ng
takbo at naghiwa-hiwalay ng direksyon. Si Captain Conrad ay pupunta sa Quarter deck
para puntahan ang kapitan ng barko at ang mga deck crew. Kami naman ni Captain
Akiko ay sa loob para gisingin ang mga miyembro sa kani-kanilang kwarto.

"San kayo pupunta?" takang tanong ni Captain Grey. Mukhang bagong gising din ang
isang 'to at walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Mamaya na namin sasabihin sa iyo ang lahat. Basta tulungan mo muna kaming gisingin
ang mga members, ngayon din." natatarantang sinabi ni Akiko.

Una kong tinunton ang kwarto ko at ginising ang dalawa kong roommates. Sunod ay ang
mga katabi nitong kwarto. Ang iba'y ayaw pa magsitayo at nagalit pa sa pambubulabog
ko. Ang iba naman ay nagtataka din sa nangayayari.

"Tangina! Tumayo na kayo diyan kung ayaw niyong mamatay. May bomba!" I screamed at
the top of my lungs. Natataranta na ako pero pinilit ko pa ding pakalmahin ang
sarili ko.

Nang marinig nila iyon ay agad silang nagsilabasan. Ang iba ay kahit di pa gaanong
naimumulat ang mga mata ay nagsitakbuhan na. Ang iba naman ay kinukuha pa ang mga
bagahe nila. "At talaga bang uunahin niyo pang isalba ang mga gamit niyo kaysa sa
sarili niyo?!" Pagaksabi ko noon ay agad din silang naglabasan. Fuck. Anong klase
ba ang mga taong ito?

Nagtipon-tipon kami sa deck nang masiguradong wala ng natitira sa loob. "Ano nang
gagawin natin ngayon?!" sigaw ni Captain Akiko. Ang ibang mga babaeng miyembro ay
nagsisimula ng mag-iyakan, maliban sa akin. Para sakin, walang namang maitutulong
ang pag-iyak.

"Ito lang ang naisip kong paraan. It's either we jump... or we die." sabi ni
Captain Conrad. Kakikitaan sa hitsura niya ang kawalan ng pag-asa.

=================

Chapter XII: Melbiya

"What?! Are you serious?!" I asked as if that was the most hilarious thing I've
ever heard in my life.

"That's the only way! Kailangan nating tumalon at lumangoy papunta sa coastline ng
Melbiya at doon tayo pansamantalang mamalagi" muling sinabi ni Captain Conrad.

Tinanaw ko ang malabunduking lugar sa di kalayuan-ang coastline ng bansang Melbiya.


Kung tutuusin malapit nalang ito mula sa barkong sinasakyan namin. Pero may isang
problema...

"Hindi ako marunong lumangoy.." mahina kong sinabi pero sapat na ito para marinig
ng lahat. Napatawa naman si Captain Akiko sa sakin. Shit. Bakit ba kasi hindi ako
marunong lumangoy?

"Sino pa ang hindi marunong lumangoy dito??" tanong ni Captain Grey. Nabawasan ang
hiya ko ng makitang may limang kamay na nakataas. Hindi naman pala ako nag-iisa.
"Akiko, ikaw ang maghatid sa kanila sa coastline." He commanded.

"What?!" di makapaniwalang tanong ni Captain Akiko.

"Pwede ba,Akiko. Stop acting so immature! You're one of the captains here so act
like one. Wala na tayong oras kaya gamitin mo na ang kapangyarihan mo para maihatid
sila" napayuko si Captain Akiko dahil sa kahihiyan. Hindi niya siguro inaasahan na
sisigawan siya ni Grey. Pero tama naman, Hindi niya dapat pairalin ang pagka-brat
niya ngayon lalo na't captain pa man din siya.

Sa huli ay wala din siyang nagawa at sinunod ang utos ni Captain Grey. Sunod-sunod
niyang inilipad ang bawat isang miyembro patungo sa coastline. Ang iba naman ay
nagsimula ng magsitalunan sa tubig at lumangoy. Hindi ko alam kung kakayanin nilang
makarating

doon gayong napakalalim ng karagatan pero sana ay magawa nila.

"What are you going to do, Grey? Wala ka bang balak sumama sa amin?" itinanong ni
Captain Conrad sa kanya. Mukhang wala kasi itong balak na gawin.

"I'm going to use my ability to make a shield. Posibleng matamaan pa din ng mga
debris ang mga lumalangoy na members dahil mukhang malakas ang impact ng bombang
ito kapag sumabog." paliwanag ni Captain Grey.

Tumango naman si Captain Conrad at tinapik ang balikat ni Captain Grey.


"Goodluck,bro." sabi nito pagkuwa'y umalis na.

00:05:00 limang minuto. Kami nalang ni Captain Grey ang natitira sa barko. I looked
at him and I saw him concentrating. Nag-iipon ito ng energy upang maisagawa ang
force-field.

00:02:00 malapit nang sumabog ang bomba. Napakabilis ng pagtakbo ng oras nito.
Tinignan ko ang kamiyembro ko na lumalangoy at mukhang nagka-aberya pa sila. May
dalawang muntik ng malunod pero mabuti nalang at naagapan sila ni Captain Conrad.
Tinanaw ko naman ang ibang miyembro na nasa pampang at maayos naman na sila. I
cursed when I saw Captain Akiko looking at me with her mocking smile. Prente itong
nakaupo sa buhangin. Kung wala siyang balak tulungan ako ay ayos lang. Hindi ko
kailangan ng tulong niya. Ako ang magliligtas sa sarili ko. At kung malunod man ako
at mamatay, siya ang unang-unang isusumpa ko.

"Where's Akiko??" Captain Grey asked. Unti-unti na nitong pinapalaki ang shield na
nabuo na lumalabas sa kanyang kamay. "I don't know. Mukhang wala siyang balak na
sagipin ako." naisagot ko na lamang.

I heard him

cursed and frustration was written on his face. Nawala tuloy siya sa konsentrasyon
kaya muling lumiit ang shield na ginawa niya. "Wag ka na mag-alala. Magconcentrate
ka nalang sa ginagawa mo at akong bahala sa sarili ko."

"Fuck. Malalagot sakin ang babaeng yun kapag may nangyaring masama sa'yo." he said
through gritted teeth.

Mahina akong napamura nang makita ang oras sa bomba. Segundo nalang ang binibilang
nito. Fuck. What am I gonna do now?? Pinakalma ko ang sarili ko upang makapag-isip
ng gagawin. Tatalon ba ako o hindi?? nagdedebate na ang utak ko. Hindi ko alam kung
anong susundin. Kung tatalon ako ay siguradong mamamatay ako. Pero ganun din naman
kung tutunganga lang ako dito.

10...

9...

"Astrid! Come here, stay close to me. Hindi ka matatamaan ng mga debris kapag
malapit ka sa shield." sabi sa akin ni Captain Grey. Tumakbo ako papalapit sa
kanya.

6...

5...

4...

3...

2...

Isang malakas na tunog ang narinig namin. Napayakap ako sa likod ni Captain Grey ng
maramdaman ang pagdagundong ng buong barko. Nakita ko kung paano sumabog ang bomba
at kung paanong hindi kami natamaan dahil sa malaking shield na ginawa ni Captain
Grey. Wasak ang halos kabuuan ng barko.

"Come on. Let's move!" Sabi niya nang tumigil na ang pagsabog. Kitang kita sa mukha
niya ang kapaguran ngunit di niya ito alintana.

"Ayos ka lang ba??" hindi ko maitago ang pag-aalala.

"Yes, I'm okay. Lalo na't ligtas ka." Sabi nito na sa tingin ko ikinapula ng pisngi
ko. My heart is pounding faster pero hindi ito dahil sa nangyaring pagsabog. Fuck,
Astrid. Walang oras para dito. "Kailangan na nating makaalis dito dahil lulubog na
ang barko."

"Pero hind nga ako-"'

"Don't worry, Hindi kita pababayaan. Just trust me, kumapit ka lang ng mahigpit
sakin kagaya ng ginawa mo kanina." sabi niya at tsaka ngumiti. Pakiramdam ko mas
lalong pumula ang mukha ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa may railings.

"Hindi niyo na kailangang tumalon" nagulat kami ng biglang dumating si Captain


Akiko. I breathed out a sigh of relief. Akala ko tuluyan na akong lulusong sa
tubig.

"Unahin mo na si Astrid." Utos ni Captain Grey sa kanya. Napailing siya pero wala
din siyang nagawa. Hinigit niya ang bewang ko at lumipad.

"Wow.." sambit ko ng nasa ere na kami. Ganito pala ang pakiramdam na lumipad. Ang
sarap sa pakiramdam. Ang mga tao ay mistulang mga langgam lamang mula dito at
kitang-kita pa ang kabuuan ng lugar.

Naibaba niya na ako at sunod naman niyang kinuha mula sa barko si Captain Grey.
Nakarating na din ang ibang miyembro na nagsilangoy kasama ni Captain Conrad.
Mabuti naman at nakaligtas kaming lahat.

"Ano nang gagawin natin ngayon, Conrad?" tanong ni Captain Grey pagkababang-
pagkababa nito mula sa itaas.

"I don't know. Manghingi tayo ng tulong sa mga tao dito.." sagot niya na medyo
hinihingal pa.

Nagsimula na kaming maglakad papasok sa gubat ng biglang may humarang sa amin.


Tinatayang mga nasa sampung katao ang mga ito at mga armado pa. "Taas ang kamay!"
Sigaw ng matandang lalaki na nangunguna. Itinaas nito ang mga hawak na baril at
itinutok sa amin.

"Sino kayo at anong ginagawa ninyo dito?!"

=================

Chapter XIII: Prisoners

"Hey, Astrid. Wake up!" nagising ako sa marahang pagtapik sa aking mukha ni Captain
Grey. "Astrid..." sambit niya nang maimulat ko ang aking mga mata. Bahagya akong
umupo mula sa pagkakahiga sa mga hita niya at pinagmasdan ko ang buong paligid.

"Anong nangyari? Bakit tayo andito??" maang kong tanong. Nasa underground dungeon
kami at hindi ko alam kung paano kami nakapunta dito. Huli kong naalala ay may mga
armadong humarang sa amin kanina at tinutukan kami ng mga baril. Sila ba ang may
kagagawan sa amin nito?

Nilibot ko ang paningin ko sa mga kasamahan ko. Si Captain Grey, at ang lima pang
miyembro namin ay kasama kong nakakulong sa maliit na bilangguang ito. Katapat
namin ay isa pang bilangguan kung saan naman nakakulong sina Captain Conrad at si
Captain Akiko, kasama ng iba pa naming kasamahan.

"Malamang ay ginamitan tayo ng mind and body controlling ability ng isa sa kanila.
Kung anu-ano sigurong kinalikot sa mga utak natin kaya nawalan tayo ng malay at
dinala tayo dito." sabi ni Captain Conrad sa inaantok na boses. Pagkuwa'y humikab
ito at humilig sa jail bars.

"Nakakainis. Nasira na naman ang plano natin. Dapat sana ay nasa Enrocho na tayo
bukas." bakas sa mukha ni Captain Akiko ang pagkadismaya.

"So what are we gonna do now??" tanong ni Captain Grey. Tumayo ito at tumungo sa
may bars kaharap ni Captain Conrad.
Walang sumagot sa tanong niya. Si Captain Akiko ay nakatingin sa kawalan at si
Captain Conrad naman ay nakapikit ang mga mata at mahinang nagha-hum. Prente itong
nakaupo sa sahig na para bang walang

pinoproblema.

"Fuck. What are you doing, guys? Tulungan niyo naman akong mag-isip kung paano tayo
makakalabas dito." sinabi niya sa dalawang Captains na para bang wala na sa
katinuan at walang naririnig.

Umalingawngaw ang mahinang pagtawa ni Captain Conrad sa dungeon. "Kanina pa ako


nag-iisip Grey, kung alam mo lang. Pero mukhang wala ata tayong magagawa. Walang
silbi ang mga abilities natin sa sitwasyong ito."

"Ano yun, mag-aantay lang tayo ng milagro? Ganun ba, ha?!" nag-eecho ang malakas
niyang boses sa buong lugar. Sa aming lahat, mukhang siya ang pinakadismayado.
Hindi ito matigil sa paglalakad at kada segundo ay nagpapakawala ito ng buntong-
hininga. Inihilamos niya ang kanyang mga kamay sa mukha at napasabunot sa kanyang
buhok.

"Grey, umupo ka nga. Mapapagod ka lang sa ginagawa mo." naiiling sa sinabi ni


Captain Conrad sa kanya.

"Tama si Captain Conrad." nakuha ko ang atensyon niya kaya napalingon siya sa akin.
"Hintayin na lang natin na pumunta ang mga taong nagdala sa atin dito. Makiusap
tayo na palabasin tayo dito. Yun lang ang tanging paraan na naiisip ko." mahinahon
kong pagkumbinsi sa kanya. Bumutong-hininga ito saka tumango. Naglakad siya papunta
sa akin at umupo sa tabi ko.

Tahimik ang lahat at ang pagpatak ng mga tubig na nagmumula sa kisame ang tanging
naririnig. Niyakap ko ang mga tuhod ko upang mabawasan ang lamig na nararamdaman
ko. Naalala ko si Mico. Sa tuwing nakikita

niyang ginagawa ko ito ay agad siyang lalapit sa akin para hagkan ako. Ano kayang
ginagawa niya sa mga oras na ito? Iniisip niya din kaya ako kagaya ng ginagawa ko
ngayon? Palagi niya kaya akong naaalala?

I closed my eyes and I saw him, smiling back at me. Damn, I wanna stop myself from
imagining him because it's breaking my heart but I just can't help it. Gusto ko
siyang makita kahit sa imahinasyon lang. Gusto ko siyang makita kasi pag nakikita
ko siya ay gumagaan ang loob ko. Pakiramdam ko ligtas ako. Pakiramdam ko walang
problema. Tears suddenly fell from my eyes but I wiped it immediately. I miss him
so much...
"Hey, why are you crying?" nag-aalalang tinanong ni Captain Grey sa akin. Marahan
niya hinawakan ang baba ko at iniharap sa kanya. "Wala ito.." I said, avoiding his
gaze. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa baba ko at hinayaan niya lang ito.

"Missing him?" He asked. Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong niya. Hindi na
siya muling nagsalita pa.

Halos limang oras na ang nakalipas. At ganito pa din ang sitwasyon namin. Walang
gumagalaw at walang nais bumasag ng katahimikan. Tinignan ko ang mga kasamahan ko
at nakita ang iba na natutulog. Ang iba naman ay nakatingin sa kawalan gaya ko.
Siguro iniisip din nila ang buhay na iniwan nila, at mga mahal nila sa buhay.

Unti-unti akong nakaramdam ng antok kaya minabuti kong ipikit nalang ang mata ko at
matulog kagaya ng ginagawa ng iba. Malapit na sana akong makatulog ngunit nakarinig
ako ng mga yabag na nanggagaling

sa malayo. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong ganun din ang ginawa ng iba.

"They're here..." narinig kong sabi ni Captain Conrad na nakapikit pa din ang mga
mata.

Palapit nang palapit ang mga yabag na naririnig namin hanggang sa makarating ito sa
amin. Tumambad sa amin ang mga lalaking humarang sa amin kanina. "May mga ilang
katanungan lamang kami sa inyo, at gusto naming sagutin niyo ito ng totoo." sinabi
ng matandang lalaki na mistulang leader nila. Kahit na may edad na ay maawtoridad
pa din ito at mukhang malakas pa.

Walang nagsalita sa amin at hinihintay lang ang sunod niyang sasabihin. Lahat kami
ay nakaramdam ng mabigat na tensyon sa pagitan namin at ng grupo nila "Saan kayo
nanggaling??" tanong nito. Nagtinginan pa kami at nag-antayan kung sino ba ang
sasagot. Sa huli ay si Captain Conrad na ang sumagot.

"Galing kami sa Pierda."

"Pierda? Nasa silangang kontinente pa kayo nanggaling ah. Ang layo naman ata ng
narating ninyo." hindi makapaniwalang sinabi ng matanda. "Sa inyo ba galing ang
barkong pumapalaot sa karagatan namin?" sunod na itinanong nito.

"Oo." matipid na sagot ni Captain Conrad.


"Ahh, ganun ba. Himala at nabuhay pa kayo. Paanong hindi man lang kayo nasugatan
mula sa bombang ibinato sa inyo?" sabi nito na may halong pagtawa. Akmang tatayo na
si Captain Grey pero pinigilan ko siya.

"Bakit niyo ginawa sa amin yun?" hindi nakapagpigil na itinanong ni Captain Grey.

Tumingin ito sa aming direksyon at naglakad papunta sa amin. "Sa totoo niyan, akala
namin ay galing

kayo sa kalaban naming bansa. Kaya kami nagbato ng bomba sa inyo." paliwanag nito.
"Bakit kayo nagawi dito at saan ba talaga ang patutunguhan niyo?"

"Hindi ang lugar ninyo ang gusto naming puntahan. Ang isla Enrocho ang destinasyon
namin." sunod na nagsalita ang kanina pa nananahimik na sa Captain Akiko.

Napakunot ang noo ng matanda sa sinabi niya. "Hmm, at ano namang gagawin ninyo sa
Enrocho?" Interesadong tanong nito.

"It's none of your fuckin' business, old man. Enough with your goddamn questions at
palayain niyo na kami dito!" lahat kami ay nasindak sa biglaang pag aasta ni
Captain Akiko. Bakit niya pa kailangang sabihin iyon? Tuloy ay baka imbes na
palayain kami ay mukhang mapupunta pa kami sa peligro.

Hindi kinakitaan ng pagkasindak ang hitsura ng matanda. Bagkus ay sumilay pa ang


ngiti sa mga labi nito. Para bang inaasahan niya nang babastusin siya ng isa sa
amin. "Matabas ang dila ng isang ito." sabi ng matanda at saka dahan-dahang lumapit
sa kulungan nila. "Ano kaya kung turuan kita ng leksyon?" seryosong sinabi nito at
binigyan siya ng isang nakakapangilabot na tingin.

"Subukan mo.." sabi naman ni Captain Conrad sa tonong pagbabanta. Lumapit siya kay
Captain Akiko at itinago niya ito sa likod niya.

"Ah talaga ba?" natatawang sinabi nito. "Osige, subukan natin." pagkasabing
pagkasabi nito ay narinig namin ang malakas na pagsigaw ni Captain Akiko.

Lahat kami ay naalarma sa nangyari pero wala kaming magawa dahil nakakulong kami at
tinutukan kami ng mga baril ng ibang kasamahan ng matanda.
"Anong nangyayari sayo Akiko?!" hinawakan ni Captain Conrad ang balikat ni Captain
Akiko na namimilipit at nagsisisigaw sa hindi malamang kadahilanan.

"You want to know what I'm doing to her?" nakangiting aso na sinabi ng matanda.
"I'm squeezing her heart and her lungs.." sabi nito na parang wala lang. Ibig
sabihin siya ang may mind and body controlling ability. Kaya niyang kontrolin ang
katawan at utak ng isang tao kung gugustuhin niya. At ganun ang ginagawa niya kay
Captain Akiko. Delikado ito dahil parang pinapatay na niya si Captain sa loob nito
at direkta pa sa puso.

"Now tell me... anong balak niyong gawin sa Enrocho?" sabi nito habang
pinagmamasdan ang nagsisisigaw na si Captain Akiko sa loob ng bilangguan.

"Itigil mo na ang ginagawa mo!" galit na sinabi ni Captain Grey.

"Sagutin niyo muna ang tanong ko." sabi ng matanda sa nang-aasar na tono. Habang
tumatagal ay unti-unting humihina ang pagsigaw ni Captain Akiko at parang kinakapos
na ito sa hininga. Fuck. She's going to die kapag hindi pa kami sasagot.

"Pupunta kami doon para hanapin ang Phoenix!" walang anu-ano'y naisagot ko.
Bumagsak ang katawan ni Captain Akiko at agad siyang sinalo ni Captain Conrad.

Lumingon ang matanda sa akin na may reaksiyong hindi ko maipaliwanag.

"Ang phoenix..." mahinang sambit nito.

=================

Chapter XIV: Meeting the President

"Saan niyo ba ako dadalhin??" nagmamakaawa kong tanong. Hindi ako gaanong makagalaw
dahil sa mahigpit na pagakakahawak sa akin ng dalawang malaking lalaki na kasama ng
matanda.

"Huwag ka mag-alala, bata. Hindi ka namin sasaktan basta ba ay hindi ka gagawa ng


katarantaduhan." nakangising sinabi nito. Asa pa ba akong sasagutin ako nito ng
maayos eh mukha nga itong wala sa katinuan.

Nang nagtagal ay nakaramdam din ako ng pagod kakapiglas kaya hinayaan ko na lamang
sila na kaladkadin nila ako palabas ng dungeon. Masama ang kutob ko sa mangyayari
dahil ako lang ang inilabas nila sa bilangguan. Paparusahan ba nila ako? Hindi ko
maisip kung anong dahilan. Dahil ba ito sa sinabi ko kanina?
Flashback:

"Ang phoenix..." sambit ng matanda.

"Ilabas ninyo ang babaeng ito." biglang iniutos niya sa kanyang mga
kasamahan.Napalunok ako sa narinig. Ako ba ang itinutukoy niya?

Binuksan nila ang rehas at pumasok ang dalawang matitipunong lalaki na malahigante
sa laki. Napaatras ako ng mapagtantong ako nga ang kukunin nila. Bakit? Ano bang
nasabi kong masama?

"Wag niyo siyang gagalawin." Pagbabanta ni Captain Grey at hinarangan ang mga
lalaking akmang kukuhanin na ako.

"Tumabi ka dyan, bata." sabi ng isang lalaki sabay malakas siyang tinulak ng walang
kahirap-hirap. Nakarinig ako ng mga impit na sigaw na nanggagaling sa mga kasamahan
ko nang makitang tumama ang katawan ni Captain Grey sa malamig na pader.

Ngunit hindi siya nagpatinag at tumayo ulit ito at saka muling sumugod sa dalawang
lalaki. Pinagsusuntok ni Captain Grey ang

mga ito ngunit parang walang epekto ang mga suntok niya sa dalawa. Nang muli niyang
patatamaan ng suntok ang isa ay nahawakan na nito ang kanyang kamao at walang anu-
ano'y ipinilipit ang kanyang braso pagkatapos ay muli siyang ibinalibag. Tumamang
muli ang katawan niya sa pader pero mas malakas na ang impact nito. Nanghihina
siyang napahiga sa sahig.

"Grey!" sigaw ko ng makita ang kalagayan niya. Dahan-dahang lumapit ang isang
lalaki kay Captain Grey at hinawakan ang leeg nito at iniangat pataas. "Tama na!
Parang awa niyo na. Wag niyo na siyang saktan. Sasama na ako sa inyo." pagmamakaawa
ko.

"H-hindi, Astrid. Hindi ka sasama sa kanila." hirap na hirap na binigkas ni Captain


Grey. Halos mapaiyak ako nang makita ang duguan niyang mukha. Pano niya pa
nagagawang sabihin sa akin yan gayong ganyan na ang kalagayan niya? Papatayin siya
ng mga ito kapag nagmatigas pa siya.

"Bitawan na ninyo siya! Sasama na ako sa inyo.." I said in a firm and authoritative
voice. Sinunod naman nila ang sinabi ko.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya at maingat kong hinawakan ang kanyang mukha.
"Wag kang mag-alala, Captain Grey. Hindi ako mapapahamak. Sisiguraduhin kong
makakabalik ako dito at pagbalik ko ay makakalaya na tayo. Pangako..."

End of flashback..

"Isakay nyo na iyan." Utos ng matanda at nauna nang sumakay sa driver seat ng
owner.

Nang maisakay ako ay agad ng umandar ang sasakyan. Tahimik lang kaming bumabiyahe
at habang tumatagal ay unti-unti nang nawawala ang kaba na nararamdaman ko dahil sa
mga nakakaaliw na mga tanawin at mga taong

nakikita ko.

Kumpara sa bansa namin, mukhang mas simple ang pamumuhay dito sa Melbiya. Simple
ang mga bahay at simpleng mga tao na may simpleng pananamit. Siguro dahil sa ang
bansang ito ay isa sa mga itinuturing na mahirap at may hindi maunlad na industriya
at teknolohiya kung kaya ay ganitong klase ng pamumuhay ang makikita dito. Pero sa
tingin ko ay hindi ito mahalaga sa mga tao dito dahil masasaya pa din ang kanilang
mga mukha. Nakakatuwa na kuntento sila sa kung ano ang meron sila. Hindi gaya ko...

"Andito na tayo." sabi ng matandang lalaki sabay ipinarada ang sasakyan sa gilid ng
isang malaking mansion. Hindi ko akalaing may ganito palang bahay dito.

Nagsimula ng maglakad ang matanda at sumunod naman kami ng dalawa niyang kasama na
hanggang ngayon ay mahigpit pa din akong binabantayan. Pumasok kami sa mansion na
hindi man lang humihingi ng permiso sa kahit kanino. Mas lalo akong namangha ng
makita ko ang loob. Mukhang mas malaki pa ito sa bahay namin. Sari-saring paintings
at mga litrato ang nakasabit sa dingding at kung anu-ano pang mga antiques na
palamuti. Para akong nasa makalumang panahon dahil sa mala vintage na ayos ng
mansion.

"Andyan ba ang presidente?" tanong ng matanda nang sumalubong sa amin ang sa


palagay ko'y mayordoma ng mansiong ito.

"Oh, mang Jun. Bat nagawi ka dito? Oo, andyan si Mr. President." sagot nito sa
manipis na boses. Maliit ito at maputi. Palangiti din ito at mukha siyang nasa late
40's.

"Maaari ko ba siyang makausap?"

"O sige. Tumungo ka nalang sa opisina niya."pagkasabi niya ay agad naming inakyat
ang hagdanan. Napakadaming kwarto pero dumire-diretso lang kami patungo sa dulo.
Alam naman siguro ng matanda ang opisina ng presidente dahil mukhang madalas siya
dito.

Marahang kumatok si Mang Jun at saka binuksan ang pintuan. "Magbigay ka ng


paggalang sa Presidente ng aming bansa, maliwanag ba bata?" ibinulong nito sa aking
tainga bago kami tuluyang pumasok sa loob. Presidente ba kamo ng Melbiya ang
pinuntahan namin ngayon? Pero bakit hindi man lang mahigpit ang seguridad sa
mansion niya at basta-basta nalang nagpapasok ng kung sinu-sino?

Yumuko sila bilang pagbigay-galang kaya ganun din ang ginawa ko. Nang maiangat ko
ang tingin ko ay nakita ko ang isang lalaki na sa taya ko'y asa mid 50's. Nakaupo
ito sa swivel chair at humihithit ng tabacco.

"Jun. Bakit parang biglaan ata ang pagpunta dito?" sabi nito saka muling humithit
ng tabacco at itinungga pa ang alak na nasa lamesa. Hindi ako makapaniwala sa
nakikita ko. Sigurado ba silang presidente ito? Sa totoo lang ay mukhang
lasenggerong matanda lang ang nakikita ko sa harapan ko. Wala sa hitsura at
pananalita nito ang pagiging Presidente. Mahaba ang balbas at buhok nito at ang
pananamit nito ay simple lang.

"May maganda akong balita na siguradong ikatutuwa ninyo.."

Kumunot ang noo nito sa sinabi ng matanda "hmm, siguraduhin mong ikatutuwa ko ang
sasabihin mo."

"Siguradong-sigurado po ako. Lalo na kung may kinalaman dito ang anak ninyong
babae."
=================

Chapter XV: Faith

"At ano namang kinalaman nito sa anak ko?" The President asked. Bakas sa mukha niya
ang pinaghalong kuryosidad at pagkainteresado.

Nabigla ako ng hinigit ng matanda ang braso ko at itinulak sa harap ng presidente.


"May barkong pumapalaot sa Melbiya West Sea kahapon at sila ang mga pasahero dito-"

"Wag ka nang magpaligoy-ligoy, Jun. Diretsuhin mo na ako." naiinip na sinabi ng


Presidente. Halatang maiksi lang ang pasensya nito.

"Ang grupong kinabibilangan ng batang ito ay pupunta sa isla ng Enrocho. Balak


nilang hanapin ang nawawalang Phoenix." diretso ngang isinagot ng matanda.

Napatigil ang Presidente sa pag-inom ng alak at bahagyang tumayo. Hindi ko


namalayang umaatras pala ako dahil siya naman ay naglalakad palapit sa akin. Muli
akong hinawakan ng dalawang lalaki para pumirmi sa kinatatayuan ko kaya wala akong
nagawa ng tuluyang makalapit sa akin ang Presidente.

"Totoo ba ang sinasabi niya?" naamoy ko ang pinaghalong alak at sigarilyo sa bibig
niya.

"O-oo. T-totoo nga..." nagkandautal kong isinagot.

Tumikhim ito sandali at nagpalakad-lakad. Pagkatapos ay tumingin ito sa akin. Para


bang sinusuri niya ang buo kong pagkatao. "Sige. Iwanan na muna ninyo kami."
pagkuwa'y sinabi nito.

Unti-unti kong naramdaman ang luwag ng kanilang pagkakahawak sa braso ko hanggang


sa mawala ito. Tuluyan na silang lumabas ng opisina kasama ng matanda. Kami nalang
ng Presidente ng Melbiya ang natitira

sa kwartong ito na mas lalong ikinaba ng dibdib ko.

"Palayain niyo ang mga kasamahan ko. Hindi naman namin intensyon na pumunta dito sa
Melbiya." sunod kong sinabi nang makakuha ako ng lakas ng loob.
"Palalayain ko ang mga kasama mo. Pero-"

"Pero may kondisyon." dugtong ko sa sasabihin niya. Inaasahan ko na ito.

"Mabuti naman at alam mo. Hindi lahat ng bagay ay madaling makuha. Madalas
kinakailangang may kapalit." seryosong sinabi nito habang tinitignan ako sa mata. I
looked away. Baka ang manghypnotize ang ability nito. Mahirap na.

Walang anu-ano'y tumawa ito. "Wag ka mag-alala, iha. I won't hypnotize you. That's
not my ability." sabi nito na para bang nabasa ang iniisip ko. Wait-is he a mind
reader?

Nakita kong tumango ito at ngumiti bilang sagot sa tanong ko. "Come..." sabi nito
at nauna maglakad palabas ng opisina niya at ako naman ay sumunod lang.

Lumakas ang pagkabog ng puso ko ng huminto kami sa tapat ng isang kwarto. Ako ba
ang tinutukoy niyang kapalit? Narinig ko ang muli niyang paghalakhak.
Nakakapangilabot.

"You really have a wild imagination, huh? Don't worry kid. I'm not a pedophile. I
just want to show you something..." I suddenly hint a sincerity and sadness in his
eyes. Ano kaya ang mayroon sa loob ng kwartong iyon at ganun na lamang ang
reaksiyong ipinakita niya?

Maingat at dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at pinapasok ako sa loob. Doon
ko nakita ang isang babae na nakahiga sa kama at payapang natutulog. Sa tingin ko
ay kasing edad ko lang ito. She has

a blonde hair, a beautiful face and a pale skin.

"Her name is Faith." sabi ng Presidente at marahang umupo sa dulo ng kama na


hinihigaan ng babae. Ito siguro ang anak niya na tinutukoy nila. Pinagmasdan ko
siya habang hinahawakan ang kamay ng babae at inaayos ang kumot na nakatalukbong sa
kalahating parte ng katawan nito.

"What happened to her? Is she sick?" pagbasag ko sa panandaliang katahimikan.


"She is. Malala na ang karamdaman niya. She's so close to her death." malungkot
niyang sinabi. Nakakapanibago. Parang hindi siya ang lalaking nakilala ko kanina.
Nakikita ko ngayon ang isang ama. Ang ama na nangungulila sa kanyang minamahal na
anak. Ang ama na pinapangarap ko... Kumirot ang puso ko. Kailan kaya ako mamahalin
ng ganyan ni papa?

"She's in coma for about three years now. Hindi namin alam kung bakit siya
nagkasakit. Malusog at masigla naman siya noon. Hanggang sa tuluyan na siyang
nawalan ng malay. Dinala na namin siya sa lahat ng bansa na may magagaling na
doktor at maunlad pagdating sa medisina. Pero wala man lang ni isa sa kanila ang
nakatukoy ng sakit niya." maluha-luhang sinabi nito. "She's not yet dead. That's
what I know. She's still breathing and her heart is still beating. Pero hindi siya
gumigising..."

Hindi ko inaasahan na tuluyan siyang iiyak sa harapan ko. Bumigat ang pakiramdam ko
ng makita siyang nagkakaganun. Masakit para sa isang ama na magkaroon ang anak niya
ng malubhang sakit. Masakit na buhay ito, pero hindi niya naman nakakausap.
Nakaramdam ako ng awa sa kaniya at sa anak niya.

"May nakapagsabi sa akin na ang phoenix lang ang tanging makakapagpagaling sa anak
ko. Pinahanap namin ang ibong ito sa aming mga tauhan pero bigo silang matagpuan
ito. Kaya nakikiusap ako sayo, iha. Tulungan mo akong mahanap ang Phoenix. Tulungan
mo akong gumaling ang anak ko. Iyon ang kapalit na hinihiling ko sayo..."
nagmamakaawang sinabi nito.

Napalunok ako sa hinihiling na kapalit ng Presidente. Hindi ko alam ang isasagot.


Kailangan ko din ang Phoenix. Pero mas may nangangailangan nito. Nagpalipat lipat
ang tingin ko sa kanya na nagmamakaawa at sa anak niyang si Faith. Hindi ko kayang
tumanggi dahil inuudyok ako ng konsensya ko. Hindi ko kayang humindi lalo na't
nakikita ko ngayon kung gaano kadesperado ang ama ni Faith na gumising siya. At
nalulungkot din ako para sa kanya. Nakakalungkot dahil hindi niya magawang maenjoy
ang buhay niya.

Huminga ako ng malalim para sumagot pero biglang may kumatok sa pintuan. Bumukas
ito at tumambad sa amin ang mayordoma. Pawis na pawis ang mukha nito at para bang
alalang-alala. "Mr. Mcewen, ang anak niyo po. Nakipagbasag ulo na naman! Lasing na
lasing pa ho!" natatarantang sinabi nito.

"Tsk.." napailing na sinabi ng Presidente.

=================

Chapter XVI: The Son


"Kailan ka ba magtitino, ha?!" narinig kong sigaw ni President Mcewen sa anak niya.

"Bago mo sabihin sakin yan, tignan mo muna yang sarili mo!" pabalang na sagot ng
anak niya.

Rinig na rinig ko ang pagbabangayan ng mag-ama sa baba mula dito sa guest room.
Dito muna ako pansamantalang pinatuloy ng mayordoma na si Madam Lineth dahil
kakausapin muna ni Mr. Mcewen ang anak niya ukol sa panibagong gulo na pinasok na
naman daw nito.

Bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nito si Madam Lineth. May dala-dala itong
brownies at tasa na may lamang hot chocolate na nakalagay sa tray. "O, heto.
Magmerienda ka muna." nakangiting sabi nito saka inilapag ang tray sa bedside
table.

"Salamat po." sabi ko nang inabot niya sa akin ang tasa.

"H'wag kang mahihiya, iha. Kung may kailangan ka ay sabihin-" hindi na niya natapos
ang sasabihin niya ng marinig na may nabasag na babasaging bagay. Maski ako ay
nagulat at natakot. Ano kayang nangayayari sa mag-ama?

"Naku naman. Ito talagang si Fritz, oo. Mababawasan na naman ang figurine na
nakadisplay. Mahal pa naman ang mga iyon." sabi nito habang ang mga kamay ay
nakalagay sa dibdib dahil sa pagkagulat.

"...Matanong ko lang po, bakit ganyan po umasta ang anak ni President sa kanya?
Madalas po ba silang ganyan??" sabi ko na puno ng kuryosidad. Ngunit kalaunan ay
nabigla ako sa sinabi ko. Gusto kong putulin ang dila ko dahil sa walang preno kong
kakasalita. Ang tanga at ang tsismosa mo talaga, Astrid. Masyadong personal ang
itinanong mo!

"S-sorry po." nasambit ko na lamang

ng mapagtanto ang katangahang ginawa ko.

"Ano ka ba, iha. Ayos lang." sinabi nito saka muling ngumiti. Umupo ito sa kama
katabi ko. "Alam mo kasi, Astrid. Simula ng mamatay ang first lady na si Ma'am
Ellaine ay lumaki ang pinagbago nitong si Mr. President. Lalo na nang nagkaroon pa
ng malubhang sakit ang isa sa kambal niyang anak na si Faith. He was so devastated
that he even wanted to end his terminology as a President and commit suicide..." I
was shocked of what I heard. Grabe pala talaga ang naging epekto nito kay Mr.
President.

"...Akala ko si Mr. Mcewen lang ang nagbago. Pero pati pala ang isang anak niya na
si Fritz. Naging basagulero na ito at nagkaroon ng mga bisyo. Doon nagsimula ang
lagi nilang pag-aaway na mag-ama. Madalas na gabi-gabi nag-aaway ang dalawa at
minsan ay humahantong pa sa pisikalan. Hindi na nila tinuturing ang isa't-isa
bilang mag-ama." nakita ko ang namumuong luha sa mga mata nito. "Nakakalungkot
isipin na unti-unti ng nawawasak ang masaya at nagmamahalang pamilya na nakita ko
noon. Napamahal na din ako sa pamilyang ito.." sabi nito at pinunasan ang mga
luhang nakatakas sa mga mata nito. Niyakap ko si Madam Lineth at marahang hinimas
ang likod nito upang pakalmahin. Kahit ako ay nakaramdam ng sobrang lungkot dahil
sa mga narinig ko.

Lumipas ang ilang minuto na ganun ang sitwasyon namin at kalaunan ay naging maayos
naman na si Madam Lineth at nagkwento na ng masasayang bagay tungkol sa pamilya
Mcewen. Kinwento niya simula noong

una niyang pagsilbihan ang pamilya na minahal at tinuring siya bilang kamiyembro
nila. Ako naman ay matamang nakikinig lang sa kanya.

"Ilang taon ka na nga pala, Astrid?" biglang pag-iiba niya ng usapan.

"Eighteen ho." Sagot ko naman.

"Ay, edi hindi pala nagkakalayo ang edad mo sa edad ng kambal. Mas matanda ka lang
ng isang taon. Kakaseventeen lang nun eh." natutuwang sinabi nito.

"Talaga po?" tanong ko saka inilapag sa tray ang tasa na wala ng laman.

"Oo. Ano kaya kung bumaba na tayo? Mukhang tapos naman na mag-away ang dalawa.
Ipakikilala kita kay Fritz" excited na sinabi ni Madam Lineth pero hindi pa man ako
nakaka sang-ayon ay kinuha na nito ang kamay ko at bumaba na kami sa living room
kung asan sila.

Nang makababa kami ay nadatnan ko ang mag-ama na sa tingin ko ay nagbabangayan pa


din pero hindi na kagaya ng kanina. Mas mahinahon na ang pananalita ng presidente
pero bakas pa din ang frustration at galit sa mukha nito. Dumapo naman ang tingin
ko sa lalaki na nakaupo sa couch at nakatopless. Ang katawan nito na halos puno na
ng tattoo ay puro galos at may mga dugo pang tumutulo dito. Pinapalibutan siya ng
tatlong katulong nila na ginagamot ang mga sugat niya. Panay ang mura at reklamo
nito sa t'wing dumadampi ang mga bulak na may betadine sa kanyang mga sariwang
sugat.

"Yan ang napapala mo." sabi ni President Mcewen sa anak nito.

"Shut up" sabi nito na para bang hindi niya ama ang kausap niya.

Biglang kumulo ang dugo sa inasta niya at hindi na nakapag timpi. "Hey, jerk. Pwede
bang ayus-ayusin mo yang pananalita mo? Tatay mo ang kausap mo." marahas kong
sinabi.

Gulat itong napatingin sakin na para bang ngayon lang napansin ang presensya ko.
"Oh, sino ka naman? H'wag mong sabihing babae ka ng magaling kong ama?"
sarkastikong sinabi nito.

Ikinuyom ko ang mga palad ko para magpigil dahil baka mabigwasan ko na ito."Fritz!"
pagsaway ng ama niya sa kanya. "Siya si Astrid. Siya ang sinasabi ko sayong
tutulong sa atin sa paghahanap sa Phoenix. Tutulungan niya tayong mapagaling si
Faith." Paliwanag nito.

"O talaga? So what do you want me to do? D'you want me to thank her or what?" hindi
pa din naaalis ang pagkasarkastiko dito. Fuck, Astrid. Magpigil ka. Magpigil ka.

"No. I want you to come with her."

"What?!" sabay naming sinabi na gulat na gulat.

=================
Chapter XVII: Leaving the Mansion

"Wag ka sanang magalit, iha. Alam kong binigyan kita ng magiging sakit sa ulo pero
ito lang ang tanging paraan na alam ko para maturuan ko siya ng leksiyon. I know
that you can handle my son. I believe in you..." sabi ni President Mcewen.

Nandito kaming muli sa opisina niya upang pag-usapan ang tungkol sa pagsama sa akin
ng anak niya. Ayoko. Ayokong pasamahin ang anak niya pero hindi ako makatanggi.
Lalo na't may binigay na naman siya saking kondisyon. Bukod sa palalayain niya ang
mga kasamahan ko ay ipahahatid niya pa kami sa Enrocho sakay ang private airplane
na pagmamay-ari nito at bibigyan niya pa kami ng mga armas at iba pang bagay na
magagamit namin sa paglalakbay.

I beacame silent for awhile because I was weighing my options. Pero sa huli ay mas
nananaig pa din sa isip ko ang pagpayag dahil mas madami itong advantages. Ang
tanging problema lang naman kapag sumama ang anak niya ay ang pagiging pasaway
nito. But the question is, can I really handle that jerk?

"Ano, iha. Payag ka na ba?" sa pangatlong pagkakataon ay tinanong ako nito.

"Ayos na po sakin. Pero ang problema ay kung papayag ba ang anak ninyo. Mabuti ay
siya ang tanungin niyo." sagot ko.

"Ayaw man niya o hindi, wala siyang magagawa dahil ako ang masusunod." Sabi niya at
pagtango lang ang tugon ko. "... so I guess we're okay now. Tuloy na ang deal."
Bahagya siyang tumayo at naglahad ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito at
nakipag shakehands.

"Bukas na bukas din ay palalayain ko na ang mga kasamahan mo at ipahahatid ko na


kayo sa isla Enrocho, pero sa ngayon ay dito ka

na muna magpahinga at magpalipas ng gabi."

"Opo. " sabi ko at nagpasalamat sa kanya.

Pagkatapos ng usapan namin ni President Mcewen ay lumabas na ako sa kanyang opisina


at nagtungo na sa guest room kung saan ako matutulog. Agad akong tumalon sa
malambot na king size bed at kinuha ang unan at mahigpit itong niyakap. Matagal-
tagal na rin na hindi ako nakapagpahinga ng ganito. Nitong mga nagdaang-araw ay
puro trahedya ang naranasan ko at halos wala pa akong tulog. Gusto ko sanang
matulog at sulitin ang gabing ito. Pero hindi ko maatim na ako ay natutulog ng
mahimbing sa isang magandang kwarto na may malambot na kama samantalang ang mga
kasamahan ko ay parang mga hayop na natutulog at nagsisiksikan sa isang maliit at
maduming kulungan. Napaupo ako mula sa pagkakahiga. Kamusta kaya ang Paradox group?
Ano na kaya ang kalagayan ni Captain Grey at Captain Akiko ngayon? Sinasaktan kaya
sila nina Mang Jun? Pinapakain kaya sila?

Napahawak ako sa magkabilang sentido ko dahil sumakit ito kakaisip ko. Bumalik na
lang ako sa pagkakahiga at nagsimula ng ipikit ang mga mata. Wag kayong mag-alala
Captain Grey. Tutuparin ko ang pangako ko sa inyo.

----------
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatagos sa bintana ng kwarto. Napagpasyahan kong
tumayo na at lumabas ng kwarto. Ngayong araw ay makikita ko na sila at makakapunta
na din kami sa Enrocho. Parehong excitement at saya ang nararamdaman ko ngayon. Sa
wakas ay makikita ko na din sila...

Pababa na sana ako ng hagdan ng makasalubong ko si Madam Lineth. May dala dala
itong mga damit. "O, iha. Gising ka na

pala. Nagugutom ka na ba? Gusto mo na bang magalmusal?" sunod-sunod na sinabi nito.

"Ah hindi pa naman po ako gaanong gutom. Saan po kayo pupunta?"

"Eto, dadalhin ko ang mga damit na ito sa kwarto mo. Ano kaya kung maligo at
magbihis ka na muna?" Sabi niya.

"Mabuti pa nga po." Pagsang-ayon ko at sumunod sa kanya pabalik ng kwarto.

"O sige, maiwan na muna kita. Pagkatapos mo ay bumaba ka nalang, ha. Ihahanda ko
lang ang almusal niyo." inilapag niya ang mga damit na susuutin ko sa kama at
pagkatapos ay umalis din.

Wala na akong sinayang na oras at pumunta na ako sa sariling banyo ng kwarto ko


upang maligo at pagtapos ay nagbihis na ng pants at tshirt na dala ni Madam Lineth.

Bumaba na ako at nagtungo sa napakalaking dining area nila at doon nadatnan ang
Pangulo na kumakain. "Magandang umaga, Astrid." sabi nito na kay aga-aga ay mukhang
lasing na dahil sa wine na iniinom nito. Pambihira. Siya lang ang nakita kong wine
ang iniinom sa almusal!

Narinig ko ang marahan nitong pagtawa na para bang naamuse. Oo nga pala, nababasa
niya ang isipan ko. Napangiwi ako at binati nalang siya ng "Goodmorning din po,
President." Bati ko saka hinila ang upuan at umupo.

"Kumain ka na, iha. Pagkatapos natin dito ay pupuntahan na natin ang mga kasama
mo." Tumango na lang ako at sinimulan na ang pag-kain nang mapansin na kaming
dalawa lang pala ang kumakain dito. Asan ang anak niya?

"Nasa kwarto niya iyo kumakain. Gusto nun na walang kasabay." sagot ni President sa
tanong ko sa isipan.

Pagkatapos nga naming kumain ay tinawag na ni President ang kanyang driver at


ipinahanda na ang sasakyan.

"Hindi na po ba sasama ang anak niyo?" tanong ko ng mapagtantong wala pa ito. Halos
ilang minuto na kaming nag-aantay dito sa sala nila pero hindi pa din ito
nagpapakita.

"Pababa na iyon, iha." at pagkasabi nga niya nun ay saktong nakita ko ang anak
niyang si Fritz na tamad na bumababa ng hagdanan. Diretso lang ang tingin nito at
mukhang wala pa sa huwisyo. Ang buhok niya ay magulo at nakakunot pa ang noo.

Diri-diretso itong lumabas ng bahay at nilagpasan lang kami na para bang hangin
lang kami. Ni hindi man lang nito kinibo ang ama niya. "See? He's coming with you.
I have my own ways, iha. Binigyan ko din siya ng kondisyon tulad mo." nakangising
sinabi nito. Ano naman ang kondisyon na iyon? "Pag ginawa niya ang inutos ko sa
kanya ay bibigyan ko na siya ng kalayaan na gawin ang gusto niya. Makakaalis na
siya sa puder ko at kahit ano pang gawin niya ay hahayaan ko na siya sa buhay niya.
Ganon kasimple. I know what he want at iyon ang ginamit kong alas sa kanya."

"Kaya tara na iha bago pa magbago ang isip niya." Sabi niya sakin at lumabas na
kami ng mansion at sumakay sa sasakyan.

=================

Chapter XVIII: Airplane Flight

Tahimik ang buong biyahe hanggang sa makarating kami sa lugar kung asan nakakulong
sina Captain Grey. Paghinto ng sasakyan ay agad na sumalubong sa amin si Mang Jun
at ang iba pa nitong kasama. Pagkalabas namin ni President Mcewen ay yumuko sila
para magbigay galang sa kanya. Tumingin si President kay Mang Jun at tumango lang
ito. Para bang nag-uusap sila gamit lang ang mga mata. Pagkatapos ay dumiretso na
kami papunta sa undeground dungeon.

Unang hinanap ng mata ko si Captain Grey nang makarating kami sa bilangguan.


"Captain.." saad ko at nakahinga ng maluwag nang makitang maayos na ang kalagayan
niya. Tinignan ko din ang iba ko pang kagrupo at sina Captain Conrad at Captain
Akiko at maayos din naman sila.

"Astrid..." sabi ni Captain Grey ng maiangat niya ang ulo niya at nakita ako. Ang
hitsura ay para bang hindi makapaniwala na andito ako sa harapan niya.

"Makakalaya na kayo." sabi ni Mang Jun at dahan-dahang binuksan ang rehas ng


dalawang kulungan. Agad silang napatayo at nagmadaling magsilabasan. Bakas sa mga
mukha nila ang gulat at pag-asa. Akala siguro nila ay hindi na ako makakabalik pa.

Agad na lumapit sa akin si Captain Grey at nabigla ako ng yakapin niya ako. "Akala
ko hindi ka na makakabalik pa." nag-aalala nitong sinabi.

"Pasalamat tayo at tinulungan tayo ni President Mcewen. Tutulungan niya din tayo na
makarating sa Enrocho." sabi ko at lumingon sa likod ko kung asan sina President at
ang anak nito.

Narinig ko ang sunud-sunod na pagpapasalamat ng Paradox group kay Presdent Mcewen


na siya namang ikinatuwa nito.

"Wala iyon. Mabuti pa at umalis na tayo dito at pumunta na sa airport para maihatid
na kayo sa Enrocho." nakangiting sinabi nito. Tumango ako sa kanya at nauna na
siyang maglakad palabas ng dungeon at sumunod naman kami.

Dalawa ang van na nag-aantay sa amin sa labas at mangilan-ngilang bodyguards ng


President. Inalalayan nila sina Captain Grey na sumakay sa isang van. Ako naman ay
sumakay sa isa pang sasakyan kung nasaan ang pangulo at ang anak nito dahil iyon
ang gusto ni President Mcewen. Ika niya ay kailangan ko pa daw ipaliwanag ang mga
ilang bagay tungkol sa mission ng Paradox Association. Hindi ko pa kasi
naipapaliwanag sa kanya ang lahat dahil kinulang kami sa oras.

"Pano, iha. Ikaw na ang bahala sa anak ko. Nawa'y palarin kayo na mahanap ang
Phoenix. Mag-iingat kayo." sabi ni President Mcewen ng makarating kami sa
paliparan.

Nakita ko ang mga kasamahan ko na nagsisimula ng magsipasukan sa loob eroplano na


pagmamay-ari ng pangulo. "Salamat po. Mag-iingat din po kayo." nakangiting sinabi
ko.

"Hanggang sa susunod nating pagkikita, Astrid." sumilay ang mga ngiti sa mga labi
nito. Tumango na ako at nagsimula ng maglakad papasok sa eroplano. Bago ako
makapasok ng tuluyan sa loob ay muli akong lumingon para tignan ang Presidente ng
Melibiya. Nakatayo pa din ito doon at para bang hinahantay akong makapasok sa loob.
Ngumiti ako at sinuklian niya din ako ng ngiti at kumaway pa ito. Sana nga ay
magkita pa tayo President. Sana ay matupad ko ang pangako ko para sa inyo at ng
anak mong si Faith.

Napabuga ako ng buntong-hininga nang mapagtanto

kong naging maayos na din ang mga pangyayari. Nang makapasok ako ay nilibot ko ang
buong paningin ko sa mga kasamahan ko at nakita kong maayos naman na silang
nakaupo. Uupo na sana ako ng may maalala ako. Parang may kulang.

"Astrid, maupo ka na. Magsisimula ng lumipad ang eroplano." sabi ni Captain Grey.
Itinuro nito ang bakanteng upuan sa tabi nito para upuan ko. Naglilibot na din ang
mga flight attendants para bilinan ang mga pasahero sa mga dapat gawin at narinig
na din namin ang announcement mula sa In-flight service director.

"Teka, asan si Fritz?" nag-aalala kong tanong.

"Sinong Fritz??" nagtataka namang tanong ni Captain Conrad.

"Si Fritz. Yung anak ng presidente." paliwanag ko.

"Ahh, yun ba. Andun sa may dulo pumuwesto." sagot niya ng makilala ang tinutukoy
ko. Tinanaw ko ang mga upuan sa bandang dulo at nakita ko nga siya doon na mag-
isang nakaupo sa last row at tinatanaw ang view mula sa bintana. Kami kang kasi ang
pasahero ng eroplanong ito. Pupunta na sana ako sa kanya kaso pinigilan ako ng
tatlong Captains.

"Teka, Astrid. Bakit nga pala natin siya kasama??" bakas na bakas sa mga mukha nila
ang kuryosidad. Oo nga pala. Hindi ko nga pala sa kanila naipaliwanag ang lahat.

"Mabuti pa ipaliwanag ko na muna sa inyo ang lahat."

Ipinaliwanag ko nga ang lahat simula noong kunin ako nila Mang Jun sa bilangguan at
dinala sa Mansion kung saan pala nakatira ang Pangulo ng Melbiya at ang tungkol sa
kasunduan namin nito. Akala ko ay magagalit sila sa akin dahil sa ginawa ko pero
naintindihan naman nila kung bakit ako

pumayag sa kondisyon ng Presidente.

"Mabuti pa at pumunta ka nga sa kanya at ipaliwanag ang misyon natin, Astrid. Dapat
ay alam niya din ang mga plano natin." sabi sa akin ni Captain Conrad. Um-oo naman
ako at umalis na sa kinauupuan ko para pumunta sa pwesto ni Fritz.

Nadatnan ko itong prenteng nakaupo habang nakatingin sa bintana at umiinom ng alak.


Aba! Pati ba naman dito ay hindi niya maalis ang bisyo niya?! "Woy." Sabi ko ng
hindi niya napansin ang presensya ko. Hindi ko alam kung hindi niya ba talaga ako
napansin o sinadya niya lang na hindi ako pansinin. Hindi ito kumibo at lumagok pa
ng alak na nasa shot glass.
"Kailangan mong malaman ang tungkol sa misyon namin kaya ipapaliwanag ko 'to sayo.
Makinig ka pwede ba?" iritable kong sinabi. The look of annoyance appeared from his
face. At talaga bang siya pa ang may balak mairita ngayon, ha?

Hindi siya muling nagsalita at nagpatuloy lang sa pag-inom ng alak. Kinuha ko na


ang pagkakataong ito na umupo sa tabi niya at nagsimula ng magsalita. "Importanteng
malaman mo 'to Fritz." seryoso kong sinabi sa kanya. "I don't give a fuck about
your mission, so why bother to explain?" lumingon ito sa akin at matama akong
tinignan ng diretso sa mata.

"Gago ka ba? Ah wait. Let me rephrase that. Gago ka nga." I said in a sarcastic
voice. "So anong ganap mo dito? Maglalasing ka lang ba ganun? Eh kung yun lang
naman pala edi mabuti pang umalis ka na dito."

Tumawa ito ng marahan. "Really? You want me to get out of my dad's airplane?" he
said in a matter-of-fact tone.

"Ahh, papa mo pala yun? Parang hindi naman. Eh bakit ganun yung trato mo sa kanya?"
I said in a full sarcasm.

Nanlisik ang mga mata niya sa sinabi ko at para itong nag-aapoy. He clenched his
jaw at ikinuyom niya ang palad na may hawak na shot glass. Walang anu-ano'y binasag
niya ito gamit lamang ang kamay. Nagdudugo ang kamay niya dahil sa ginawa niya.
"Don't you ever talk to me that way as if you know me well. Wala kang alam." he
said through gritted teeth at iniwan ako.

=================

Chapter XIX: Haptha Tribe

Tahimik kong pinapanood ang mga ulap sa himpapawid. Matapos ang insidenteng
nangyari sa amin kanina ni Fritz ay bumalik na ako sa kinauupuan ko. Hindi ko na
naipaliwanag sa kanya ang aming plano at hindi ko alam kung maipapaliwanag ko pa
ito sa kanya. Nakaramdam ako ng guilt. Tama naman siya. Wala naman talaga akong
alam kaya wala akong karapatang husgahan siya.

"Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land on an open area because
there is no airport in the island of Enrocho. Please make sure that your seatbelt
is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin
to make a final compliance check and pick up any remaining cups and glasses. Thank
you." rinig kong sinabi ng inflight director.

"Astrid, we're here." nakangiting sabi ni Captain Grey sa tabi ko. "Look." sabi
niya sa akin sabay turo sa may bintana. Tinignan ko ito at nakita ko ang isang
napakagandang isla. Ito na ba ang Enrocho?

Makikita sa mukha ng mga kasamahan ko ang excitement at saya. Halos lahat ay


sumisilip sa bintana para makita ang isla.
"We made it." maginhawang sinabi ni Captain Conrad.

"Uh-uh. Not yet. Wag kang magsalita ng tapos Conrad, hindi natin alam ang
mangyayari satin pagkababa ng eroplanong 'to." Captain Akiko said in her usual
monotone voice.

Napairap si Captain Conrad sa kanya. "Oh come on, Akiko. Can you please stop being
a pessimist?"

"What? Hindi naman nagative yung sinabi ko ah, nagpapakatotoo lang ako. Hindi tayo

magbabakasyon dito kaya dapat hindi sila magdiwang ng ganyan." Sagot naman niya na
ang tinutukoy ay ang mga kamiyembro namin na mukhang excited na excited.

"Tss. Ba't ganyan ka? Ang init ng ulo mo. Meron ka ba ngayon?" Captain Conrad
teased her. Hindi naman ito sumagot kaya natawa nalang si Captain Conrad.

Maayos na lumanding ang eroplano sa lupa. Mabuti nalang ay malawak at patag na area
dito sa Enrocho na maaaring mapaglanding-an.

Halos lahat ng miyembro ay nagmamadaling alisin ang kani-kanilang seatbelt at


kinuha ang kanilang mga gamit sa overhead bins. Ang mga gamit na ito ay binigay
samin ni President Mcewen.

"Paradox members." panimulang sabi ni Captain Conrad kaya nagsitigilan ang lahat sa
mga ginagawa nila. "Huminahon kayo, maaari ba? Makinig kayo sa instructions na
sasabihin naming mga captains sa inyo. Ang lahat ay pumila ng maayos at sumunod kay
Captain Akiko sa pagbaba." maawtoridad niyang sinabi. Nauna nang maglakad palabas
si Captain Akiko at nagsisunudan naman ang lahat.

"Tara na, Astrid." sabi sa akin ni Captain Grey ng makitang hindi pa din ako
umaalis sa kinaroroonan ko.

"Teka, pupuntahan ko muna si Fritz."

"Okay. Antayin nalang kita sa baba." sabi niya at naglakad na palabas ng eroplano
at ako naman ay pumunta sa dulo para tawagin si Fritz dahil mukha atang wala itong
balak na bumaba.
"Kaya naman pala." Sambit ko ng makita ang kalagayan niya. Mahimbing itong
natutulog at walang kamalay-malay sa nangyayari. Nakita ko ang kamay nito na
nasugatan at may benda ng nakapulupot dito.

"Hoy." sabi ko. Hindi pa din ito nagigising. "Fritz." muling tawag ko pero wala
itong epekto kaya tinapik tapik ko ang balikat niya.

"Tsk." iritang saad nito at hinawi ang kamay ko saka tumalikod. Aba!

"Hoy, Fritz ano ba?! Andito na tayo sa Enrocho. Nakababa na ang mga kasamahan natin
at ikaw nalang ang inaantay!" pagtataas ko ng boses sa kanya. Nanlilisik ang mga
mata nito ng dumilat.

"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Tara na!" para akong nakakatanda niyang
kapatid at siya naman ang pasaway kong kapatid sa inaasal naming dalawa. "Tangina."
mahinang sambit nito. Walang gana siyang tumayo at dahan-dahan pang kinuha ang
gamit niya. Napairap nalang ako sa inis at sinimulan ng maglakad palabas.

"Kumpleto na ba?" rinig kong tanong ni Captain Conrad.

"Andito na sila." sabi naman ni Captain Grey ng makita ako at si Fritz sa likuran
ko na palabas ng pinto.

"Okay. Makinig ang lahat, para sa susunod nating plano tutungo tayo sa-"

"Ren!!!" napalingon kaming lahat sa sumigaw naming miyembro at lahat kami ay


napasinghap sa nakita. Ang babae naming miyembro na si Ren ay may panang nakatusok
sa kanyang ulo at ito'y nagdudugo. Bumagsak siya sa sahig at mukhang patay na.

"Shit." I heard Captain Akiko cursed.

Napalingon ako kung saan ang pinanggalingan ng panang tumama sa kanya pero wala
akong nakita. Baka nagtatago ito sa loob ng gubat.
"Walang tatakbo." malakas ngunit mahinahong sinabi ni Captain Grey. "Wag kayong
gagawa ng kahit ano. Walang gagalaw kung ayaw ninyong matulad sa isa nating
kamiyembro." hinigit niya ang kamay ko at itinago niya ako sa likod niya. "Dito ka
lang." sabi niya ng hindi lumilingon sa akin.

"S-sino gumawa nun?" Hindi ko maitago ang pagkatakot sa boses ko.

"Haptha tribe." matipid nitong sagot.

Napaatras kami ng magsilabasan ang mga nasa trenta-katao na nasa gubat. Maitim ang
kanilang balat at kulot ang kanilang mga buhok. Karamihan sa kanila ay mga lalaki
at halos nakabahag na sila dahil sa kakapiranggot lang na damit na suot. May kanya-
kanya silang hawak na pana at sibat at pinapalibutan nila kami.

"Teka, wag niyo kaming sasaktan. Wala kaming intensyong masama." sabi ni Captain
Conrad sa mahinahong boses. "Hindi niyo na ba kami naaalala?" dugtong na itinanong
nito na nagpakunot ng kanilang mga noo.

"Kami ang Paradox group. Madalas kaming bumibisita dito." saad naman ni Captain
Akiko.

"Ibaba na ninyo ang mga sandata niyo." napatingin kami sa babaeng kadarating lang.
"Mga kaibigan sila." nakangiting sinabi nito.

=================

Chapter XX: Haptha Tribe 2

Pumasok kami sa masukal na gubat at tinatahak ang maputik at mabatong daan patungo
sa tirahan ng Haptha tribe. Laking pasasalamat namin nang dumating ang matandang
leader nila na si Shekannah dahil kung hindi siya pumunta ay baka kung ano nang
nangyari sa amin.

"Kamusta naman kayo, Shekannah?" kaswal na tanong ni Captain Conrad sa matandang


babae.

"Heto, pumipilit bumangon ang tribo namin dahil sa trahedyang nangyari noong
nakaraang buwang lumipas." malungkot nitong sinabi.

"Bakit? Ano po bang nangyari?"nagtataka namang itinanong ni Captain Grey.

"Noong nakaraang buwan ay giniyera kami ng Rali tribe. Pinagbibintangan kasi kaming
kami daw ang pumatay sa sultan nila at nagsunog ng mga tirahan nila, pero hindi
naman talaga kami ang gumawa noon. Nananahimik na ang tribo namin dahil gusto namin
ng kapayapaan." sagot niya at mas lalong lumungkot.

"H'wag po kayong mag-alala. Magiging maayos din po ang lahat. Tutulungan po namin
kayong makabangon kapag nagawa na namin ang aming misyon." sabi ni Captain Grey at
marahang tinapik ang balikat ng matanda para gumaan ang loob nito.

"Salamat sa inyo." sabi nito pagkuwa'y ngumiti. "Ano nga pala ang sadya niyo dito?
Wag niyong sabihing ang Phoenix na naman?"

"Eh, iyon na nga po." sagot ni Captain Conrad at napakamot sa batok.

Naaaliw naman na tumawa ang matanda. "Talagang hindi kayo titigil hangga't hindi
ninyo nakikita ang Phoenix, ano?"

Nakalabas na kami ng gubat at doon namin nasilayan ang mga bahay na gawa lamang sa
mga kawayan at dahon ng coconut

tree. Sa di kalayuan ay tanaw ko ang mga lapida at mangilan-ngilang tao na


naghuhukay.

Ang sitwasyong nakita namin ay nakakalungkot at mabigat sa pakiramdam. Lalo na nang


makita ko ang mga bata na mukhang natrauma sa pangyayari. Wala akong makita na mga
ngiti mula sa kanila bagkus ay takot. Nagsitakbuhan ang mga ito sa kani-kanilang
magulang nang makita kami.

"Ep, magtayo kayo ng mga panibagong bahay na masisilungan ng ating mga panauhin."
Utos nito sa lalaki na sumalubong sa amin.

"Masusunod po, Sultana Shekannah." aniya nito saka yumuko bilang pagbigay galang at
umalis.

"Ah, mabuti pa at magsikain na muna kayo. Alam kong kumakalam na ang mga sikmura
ninyo dahil sa mahaba-habang biyahe ninyo." sabi ng sultana at nagsimula na namang
mag-utos sa mga alagad niya ng kung anu-ano.

"Fuck! Get off of me!" napalingon kami sa boses na nanggagaling kay Fritz.
Pinapalibutan siya ng mga babaeng naghahagikhikan at panay ang hawi niya sa mga
kamay nito na dumadapo sa kanyang mukha at braso. Hindi ko alam kung matatawa ako o
maaawa sa ginagawang panghaharas sa kanya ng mga babae.

"Mga babaeng walang modo!"galit na sigaw ng matandang sultana na nagpatigil sa mga


kababaihan. "Walang sinuman sa inyo ang maaaring humawak ng ating mga bisita,
maliwanag? Ang mapag-alaman kong gumawa nito ay makakatikim ng parusa."

Agad namang humingi ng paumanhin ang mga kababaihan at nagsialisan. Naiwan doon si
Fritz na panay ang pagpag sa damit at braso na para bang nandidiri.

"Ipagpaumanhin mo sana ang mga ginawa nila sa iyo, iho.

Bihira lang kasi silang makakita ng mga taong katulad ninyo. Lalo na ikaw." sabay
turo ni sultana Shekannah kay Fritz.

"Gustong-gusto ng mga kababaihan dito ang lalaking madaming tattoo sa katawan at


may hikaw. Para sa amin ay sumisimbolo ito ng katapangan ng isang lalaki kaya
ganoon na lamang ang pagkahumaling nila sa iyo." nakangiti nitong sinabi na siya
namang nagpanganga kay Fritz.

"So basically, he's the epitome of beauty" biglang singit ni Captain Akiko na
nakacrossed arms pa at nakapoker face. Hindi ko mahinuha kung tanong o statement ba
ang sinabi niya.

"Ganun na nga." sagot naman ng sultana.

"Sultana Shekannah, handa na po ang pananghalian." sabi ng alagad niyang babae.

"Oh, halina kayo." pag-aaya ni sultana sa amin at kami naman ay sumunod sa kanya.

Nagtungo kami sa ilalim ng malaking puno kung saan nandoon ang mahabang lamesa na
may nakahaing mga pagkain.

"Sige, kain lang kayo ng kain. Wag kayong mahihiya dahil para sa inyo ang lahat ng
iyan." sabi ni sultana habang masaya kaming pinapanood.

Hindi ako makakain ng maayos dahil sa sunud-sunod na paglalagay ng pagkain ni


Captain Grey sa dahon ng saging na pinagkakainan ko. "Teka, baka hindi ko na
maubos." alanganin ko pang sinabi. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang
ipapakita ko kay Captain Grey basta ang alam ko lang ay hindi ko na nagugustuhan
ang pagtrato niya sakin. Hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi ng utak ko pero
ayokong maikinig dito kaya ayokong magbigay ng konklusyon. Basta ang gusto kong
gawin ay iwasan siya.

Ramdam ko ang mga tingin ng mga kamiyembro namin lalo na si Captain Akiko. Kahit
hindi ako nakatingin sa kanya ay kitang-kita sa peripheral vision ko ang masamang
pagtitig niya sa akin pero minabuti kong ituon na lamang ang atensyon sa pagkain
ko.

Pagkatapos naming kumain ay inaya kami ni sultana Shekannah na maupo muna upang
magkwentuhan. Ipinakilala naman kami isa-isa ng tatlong Captains bilang mga bagong
miyembro. Nang ako na ang sunod na ipinakilala ay naglahad ako ng kamay para
makipagkamay sa kanya at ngumiti. Pero imbes na abutin niya ang kamay ko ay
hinawakan niya ang mukha ko ng magkabila niyang kamay.

"Ngayon ko lang napansin ang mga mata mo..." sabi nito sa hindi ko maipaliwanag na
ekspresyon.

"B-bakit po? Ano po bang meron sa mga mata ko?" taka kong tanong.

"Alam mo ba na ang matang kulay berde ay sumisimbolo ng kaluluwa at kapangyarihan?


Ikaw lang ang tangi kong nakita na may matang kulay berde kaya nakakamangha." Hindi
maitago ang pagkamangha sa matanda habang masuring tinitignan ang mga mata ko.

"Conrad." baling ng matanda kay Captain Conrad. "Ingatan ninyo ang babaeng ito sa
paglalakbay ninyo lalo na kapag nakarating na kayo sa bundok ng Shibu. Ang tribong
Lahar ay may mataas na pagpapahalaga sa mga berdeng mata. Kapag nakita nila si
Astrid ay baka gawin nila itong diyos o kaya ay dukutin nila ang mga mata nito."
kinilabutan ang buong katawan ko sa babalang sinabi ni sultana Shekannah. Sa mga
narinig ko ay hindi ko alam kung gugustuhin ko pang ipagpatuloy ang paglalakbay o
kaya ay umuwi nalang.

=================

Chapter XXI: Encountering the Enemies

Pagsikat ng umaga ay agad kaming nagsibangon at naghanda na para umalis. Nalungkot


si sultana Shekannah dahil sa madalian naming pananatili pero hindi na kami pwedeng
magtagal pa lalo na't madami na kaming nasayang na araw.

"Talaga bang aalis na kayo?" sa pangatlong beses ay itinanong ito ng matanda.

"Huwag kayong mag-alala, Shekannah. Kapag napagtagumpayan namin ang aming misyon ay
babalik kaming muli dito." Sabi ni Captain Conrad at hinagkan ang matanda.

"Mabuti pa ay ihatid na namin kayo. Delikado dahil baka makita pa kayo ng Rali
tribe at kung ano pa ang gawin sa inyo." sabi ni sultana.

"Eh, baka naman kayo ang mapahamak niyan, sultana." nag-aalalang tanong ni Captain
Grey.

"Ako ang bahala." kampante namang sagot ni Sultana.

Hindi lang si sultana Shekannah ang naghatid samin kundi halos ang buong angkan
niya. Gusto niya kasing masiguro na ligtas kami. Nakarating kami sa mahabang ilog
at doon huminto upang gawin ang huling pagpapaalam.

"Hanggang dito nalang. Kabisado niyo pa naman siguro ang daan, hindi ba?" tanong ni
Sultana sa tatlong Captains.

"Opo. Mabuti nalang at naisalba ko itong mapa." nakangiting sabi ni Captain Conrad
at saka inilabas ang malaking mapa sa bulsa ng kanyang pantalon.

"O, sige. Paalam na. Mag-iingat kayo, ha. Lalo na ikaw.." sabi ni sultana at
hinawakan ang aking mukha. "Teka, may ibibigay nga pala ako sa iyo." may inilabas
siyang kwintas na may kulay crystal na pendant.

"Suutin mo ito at wag na wag mong tatanggalin. Ito ang magsisilbing proteksyon mo
para hindi

nila makita ang tunay na kulay ng iyong mata. Magiging itim ang kulay ng mata mo sa
paningin ng iba." Aniya at ikinabit ang kwintas sa leeg ko.

"Oo nga noh" nakita ko ang pagkamangha sa aking mga kamiyembro.

"Sige na, tumuloy na kayo." Pagkuwa'y sinabi ng matanda.

Tumango ako sa kanya at nagpasalamat saka sumunod sa grupo na tumatawid na ng ilog.


Muli akong lumingon kina sultana Shekannah para sana magpaalam pero napahinto ako
ng makita ang pagkasindak sa mukha nito.

"Conrad! Sa likod mo!" sigaw ni Sultana kaya napalingon ako sa kinaroroonan nina
Captain Conrad at pati ako ay nasindak sa nakita. May mga taong nakapalibot at
humaharang sa amin. Ibang tribo ito base sa kanilang mga histura at pananamit. Sila
ang Rali tribe.

Sa isang iglap ay nagkaroon ng gulo. Tinulungan kami ng Haptha tribe upang


malabanan ang paparami na ng paparaming miyembro ng Rali tribe. Nagsimulang
magsiliparan ang mga pana at sibat. Ang iba naman ay nagsimula ng gamitin ang kani
kanilang kapangyarihan.

Sa bandang kaliwa ko ay nakikipaglaban sina Captain Conrad at Captain Akiko kasama


pa ng ibang miyembro. Ito ang unang beses na nakita ko si Captain Conrad na
ginagamit ang ability niya. Ang cryokinesis. Naglalabas siya ng maliliit at
matutulis na yelo na pinapatama niya sa mga kaaway.

Sa kanan ko naman ay sina Captain Grey at Fritz kasama din ng ibang miyembro. Sa di
kalayuan ay natatanaw ko si sultana Shekannah na nakikipaglaban sa pinuno ng Rali
tribe. At ako naman ay kasalukuyang nakikipaglaban sa dalawang kalaban gamit ang
dalawang pocket knives.

"Fuck."

Mura ko nang mapagtantong may mga abilities din pala ang dalawang kalaban ko. Ang
isa ay may super speed at ang isa naman ay invisibility. Panay ang mura ko sa isip
dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Pilit ko silang pinatatamaan pero bigo ako.

Sa sobrang pagkalito at pagkataranta ay nakalimutan kong dumepensa kaya mabilis na


nakuha ng isang lalaki ang dalawang armas ko. Siya ang may super speed. Run. Sabi
ng isipan ko. Akma na sana akong tatakbo pero nahablot ako ng isa pa at madaliang
hinawakan ang mga kamay ko para hindi makawala.

Sasaksakin na sana ako ng isa pang kalaban pero pinatamaan ito ng pana ni Captain
Akiko mula sa likuran. Sunod naman niyang pinatamaan ang lalaking humahawak sa akin
at sumakto ang palaso sa kaliwang mata nito. Unti-unti lumuwag ang pagkakahawak
nito sa akin hanggang sa bumagsak na ito sa tubig. Ngumiti ako kay Captain Akiko
bilang pasasalamat pero binalewala niya lang ako at hinarap ang panibago nitong
kalaban.

Kinuha ko ang dalawa kong pocket knives doon sa namatay ng kalaban at nagpatuloy sa
pakikilaglaban. "Astrid, umilag ka!" narinig kong sigaw sa akin ng isa kong
kamiyembro. Napalingon ako sa likod ko at nakita ang isang lalaki na may panang
nakatutok sa akin. Tumakbo ako para maiwasan iyon pero mukhang mahihirapan akong
makaiwas dahil sa sunod-sunod na paglipad ng pana papunta sa akin at isa pa,
nakalusong kami sa ilog.

"Aahhh!!" sigaw ko ng maramdaman ang pagtusok ng palaso sa talampakan ko. Sobrang


sakit nito. Hinawakan ko ang dulo ng arrow at lakas loob ko itong tinanggal.
"Aargghhh" dumaloy ang madaming dugo mula

sa talampakan ko.Nawalan ako ng balanse at napasubsob sa tubig. Tinangka kong


tumayo pero natumba ako ulit. Bigla akong nanghina. Fuck. May kakaibang epekto ang
pana na tumama sa akin.

Unti-unting lumakas ang pag-agos ng tubig sa ilog at natatangay na ako nito.


Pinilit kong nilabanan ang lakas ng agos at ikinumpas ang mga kamay pero mas lalo
akong lumulubog sa ginagawa ko. Hindi na ako makahinga dahil sa pumapasok na tubig
sa bibig at ilong ko. Unti-unti kong naramdaman ang paglabo ng paningin ko.

Walang anu-ano'y may humawak sa bewang ko at hinila ako pataas. Napaubo ako nang
makalanghap ng hangin. "Tangina. Ano bang ginagawa mo?!" Asik sakin ni Fritz na
sumagip sakin. "Hindi kasi nag-iingat eh!" ano bang pinuputok ng butsi ng isang
'to? Ginusto ko ba ang malunod?!

Magpapasalamat sana ako pero dahil nainis ako sa sinabi niya ay itinulak ko siya.
Tatayo sana ako pero nawalan na naman ako ng balanse at napakapit sa balikat niya.
Muli akong napasigaw sa sakit."Fuck. May sugat ka" nakita ko ang pag-aalala sa
mukha ni Fritz.

"Oy, teka. Ibaba mo ako!"saad ko ng binuhat niya ako na parang pangkasal.

"Sira ka ba? Kita mong hindi ka na makalakad eh!" sigaw niya sakin at saka naglakad
palayo sa ilog.

"Teka, pano na sila?" nag-aalala kong tanong.


Patuloy pa din sa pakikipaglaban ang Paradox group at Haptha tribe laban sa Rali
tribe. Nakita ko ang mga sugat na natamo nina Captain Conrad pero iniinda lang nila
ito. Si sultana Shekannah naman ay nagsusummon ng mga bato at ipinapatama sa mga
kaaway.

"Umalis na kayo dito! Iwan na ninyo kami!" sigaw ni Sultana kina Captan Grey. Pero
hindi nila ito pinansin bagkus ay nagpatuloy pa sa pakikipaglaban. "Umalis na kayo!
Kaya na namin ito!"

Nagsitakbuhan na ang ibang miyembro ng paradox papunta sa amin ni Fritz pero si


Captain Conrad ay patuloy pa din sa pakikipaglaban. "Tara na, Conrad!" pag-aaya ng
dalawang Captains sa kanya. Nung una ay ayaw pa nito paawat pero sa huli ay napilit
din nila ito.

Tumakbo kami papasok ng gubat nang makitang may mga ilan pang humahabol sa amin.
Nagulat ako nang biglang huminto si Fritz at dahan-dahan akong inilapag sa lupa.
"Diyan ka lang."sabi niya.

Pumunta siya sa may malaking puno at napasinghap ako ng hinugot niya ito mula sa
lupa. Pagkatapos ay ibinagsak niya ito sa lupa bilang harang. Super strength ang
kanyang ability.

"Woaahhh" napangangang sabi ni Captain Conrad. "Good idea, bro." Sabi nito at
nakipagfist bump pa kay Fritz na alanganin naman nitong tinanggap.

Pagkatapos ay bumalik sa akin si Fritz at muli akong binuhat. "Stop looking at me


and close your mouth." walang ekspresyong sinabi nito. Napayuko tuloy ako sa
pagkahiya.

=================

Chapter XXII: Romanesce District

Nagising ako na buhat-buhat pa din ni Fritz pero nakasalabay na ako sa kanya


ngayon. Nakatulog kasi ako kakaiyak dahil sa sobrang sakit ng sugat ko. Pakiramdam
ko mapuputulan ako ng paa. Pero maswerte na ako dahil ito lang inabot ko. Buti nga
at hindi ako namatay hindi tulad ng tatlo kong kamiyembro, tuloy ay siyam nalang
kaming miyembro ngayon.

"Masakit pa ba?" tanong ni Fritz nang malamang gising na ako. Tumango ako bilang
sagot. Hindi pa kasi nagagamot ang sugat ko dahil wala naman kaming gamit panggamot
kaya tinali lang nila ng tela ang talampakan ko para mapigilan ang pagdaloy ng
dugo.

Tinignan ko ang mga kasamahan ko at bakas na din sa kanila ang pagod. Nahuli kong
nakatingin sa akin si Captain Grey pero nung nagtama ang mga mata namin ay agad
naman siyang umiwas ng tingin. Nakita ko ding nakatingin sakin si Captain Akiko at
nanlilisik ang mga mata niya. Ano na namang problema niya sakin?

Binalewala ko nalang siya at nagsimulang magtanong kay Fritz. "Ilang oras na tayong
naglalakbay?" nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nasa kagubatan pa din kami.

"Hindi oras. Araw. Halos isang araw na tayong naglalakbay." he answered in a husky
voice. Ramdam ko ang pagod sa boses niya. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Pero siya
naman ang nag-insist na buhatin ako, diba?
"Edi ibig sabihin ay halos maghapon pala akong tulog?" hindi ko makapaniwalang
tanong. Hindi niya naman sinagot ang tanong ko. Hindi ba halata, Astrid? "Asan na
pala tayo?" pag-iiba ko nalang ng tanong.

"Malay ko." kibit-balikat naman niyang sagot.

"Malapit

na tayo." sabi ni Captain Conrad. Tanaw na namin ang dulo ng kagubatan.

Saglit pang lakad ay nakalabas din kami sa kagubatan at tumambad samin ang isang
medyo modernong lugar. Magaganda ang mga bahay dito at sementado ang mga daan. May
mga wire din na nakakabit sa bawat poste. Ibig sabihin ay may kuryente sila? Paano
nagkaroon ng lugar na ganito sa islang ito?

"Ang Romanesce district lang ang nag-iisang sibilisadong lugar dito. And guess
what, mga ordinaryong tao lang ang bumuo at nakatira sa bayang ito." and that
literally made my jaw dropped. "That's why you should never underestimate ordinary
people." nakangiting sinabi nito.

"Dito muna tayo pansamantalang titigil dahil magdidilim na at ang ilan pa sa'tin ay
sugatan." sabi ni captain Akiko. "May kakilala kami dito na pwede tayong
patuluyin."

"But there's one thing we need to tell you guys, bago tayo tumuloy sa lugar na
iyon." singit naman ni captain Grey. "Hindi natin pwedeng sabihin ang pakay natin
sa lugar na'to. Hindi dapat nila malaman na ang misyon natin ay hanapin ang
Phoenix."

"Huh? Bakit naman?" takang itinanong ng isa naming kamiyembro.

"Kasi yun din ang pakay ng mga taong iyon kaya nga sila nagtipon-tipon dito.
Matagal na din nilang hinahanap ang Phoenix. Kapag nalaman nila ang misyon natin ay
baka maalarma sila at pigilan tayo o kaya unahan tayo sa pagkuha nito. Or worst,
baka hindi na tayo palabasin dito ng buhay." napalunok ako sa sinabi ni Captain
Grey.

"We have to play safe, okay? Play safe." paalala ni Captain Conrad.

Nagsimula

na kaming maglakad papasok ng distrito. Halos lahat ng taong makakita at


makasalubong namin ay tinititigan kami. Halata kasing mga dayuhan lang kami dahil
sa suot namin kumpara sa suot nilang makaluma. Ang mga suot ng babae ay bistida na
hanggang talampakan. Para silang nakagown. Ang mga lalaki naman ay masyadong pormal
dahil naka longsleeve polo pa sila na may coat.

Saglit pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa isang malaki at vintage na


bahay. Naalala ko tuloy ang mansion ng Presidente ng Melbiya. Tatlong beses na
pinindot ni Captain Conrad ang doorbell sa may gate hanggang sa lumabas ang isang
malusog at may edad na babae sa bahay. Nagulat ito ng makita kami pero agad din
namang lumawak ang ngiti nito at nagningning ang mga mata. Patakbo itong pumunta sa
amin para pagbuksan kami ng gate.

"Kamusta mga iho't iha? Ba't napunta ulit kayo dito?" the woman said in a pitchy
and happy voice. Isa-isa kami nitong pinapasok.

"Dumadalaw lang po ulit. Alam niyo naman pong sobra na kaming napamahal sa Enrocho.
Syempre pati narin sa inyo ng pamilya mo, Dr. Pan." nakangiting sabi ni Captain
Conrad sa babae sabay tumingin sa amin.

Humagikhik naman ang babae. "Naku, nakakatuwa naman kung ganoon. Ang sarap namang
isipin na may mga dayuhan na nagmamahal sa isla namin." malaki ang ngiti na
ipinapakita nito na pati ang gilagid ay nakikita na. Tinignan kami nito isa isa at
medyo kumunot ang noo nito.

"Mukhang iba na naman ata ang kasama ninyo, iho." nagtatakang niyang sinabi.

"Ah, opo. Nagsama kami ng mga bagong kaibigan. Gusto din daw kasi nilang makaputa
dito."

nininerbyos na sagot ni Captain Conrad pero pinipilit pa din nitong ngumiti.

"Ah ganun ba. Teka, anong nangyari at bakit may mga sugat kayo?" napasigaw ako sa
sakit ng walang anu-ano'y hinawakan niya ang paa ko para tignan ang sugat.

"Sinugod po kasi kami ng Rali tribe habang naglalakbay."

"Naku, grabe naman pala ang nangyari sa inyo. Mabuti pa at pumasok na tayo sa loob
para magamot natin ang mga sugat ninyo at makapagpahinga na kayo. Sigurado akong
matutuwa sila pag nakita kayo." ngumiti ang babae at iginiya kami papasok ng
kanilang bahay.

"May bisita tayo!" malakas na sigaw nito ng makapasok kami sa loob ng bahay. Bigla
namang nagsisulputan ang mga tao sa bahay. Nagulat ako sa nakita. Malaking pamilya
pala sila.

"Sila Kuya Grey!" sabi ng mga bata at nagsitakbuhan para yakapin ang tatlong
Captains.

"Anong sadya niyo dito?" sabi naman ng matanda na nakasakay sa wheel chair. Seryoso
ito at mukhang strikto.

"Ma, siyempre dinadalaw tayo." sagot naman ni Dr. Pan.

"Ay, nga pala. Para sa mga bagong kaibigan nila Conrad, ito nga pala ang pamilya
ko." Nakangiting sabi ni dr. Pan samin. "Ito ang asawa ko." sabi niya sabay turo sa
lalaking katabi niya. Ngumiti naman ito at tumango.

"Ito naman ang mga anak ko." Turo niya sa limang bata na sa tingin ko ay magkakaiba
ang mga edad, at sa 3 babae at isang lalaki na sa tingin ko naman ay kaedad lang
namin. Nagngitian lang kami at isa isang binigay ni dr. Pan ang mga pangalan ng
kanyang mga anak.

"Missy, linisin mo ang mga kwartong pagtutulugan nila. At ikaw naman George at
Lian, ipaghanda mo sila ng makakain." Utos niya sa mga nakakatanda niyang anak.
Agad naman itong tumango at sinunod ang kanyang mga utos.

"Habang naghahanda pa sila ay gagamutin ko muna ang mga sugat niyo." sabi niya at
kinuha kahon ba may lamang mga panggamot.

=================

Chapter XXIII: Romanesce District 2


Pagkatapos naming maghapunan ay hinayaan na kami ni Dr. Pan na pumunta sa kwarto na
pansamantala naming pagtutuluyan upang magsibihis ng mga damit na pinahiram nila
samin. Sinabihan kasi kami ni Dr. Pan na suotin ang mga damit na kagaya nila para
hindi daw kami agaw atensyon sa mga tao. Dalawa ang bakanteng kwarto na ipinahiram
nila sa amin. Ang isa ay para sa mga lalaki at ang isa naman ay para sa aming mga
babae.

Bago pa man kami makapasok sa aming mga kwarto ay tinawag kami ni Captain Conrad at
sinenyasan kami na pumunta sa kwarto nila. Agad naman kaming pumunta sa kanila
dahil alam naming may mahalaga kaming pag-uusapan. Alam kong tungkol ito sa usapan
namin ng pamilya Pan kanina habang kumakain.

"What the fuck, Conrad! Bakit mo naman sinabi sa kanila na magsstay tayo dito ng
isang linggo?! Ang usapan natin, two days lang! Two. Fuckin. Days!" galit na bungad
ni Captain Akiko pagkapasok pa lang namin ng kwarto.

"Shhh! Hinay-hinay ka nga, Akiko. Baka marinig ka nila sa labas." halos pabulong
naman na sinabi ni Captain Conrad. Napahawak nalang sa noo si Captain Akiko dahil
sa frustration. "Okay guys, lilinawin ko lang sa inyo. Kaya ko sinabi iyon dahil
nakita niyo naman, pinipilit tayo nila Dr. Pan na magtagal para maabutan yung
thanksgiving day nila. Diba nakakahiyang tumanggi?"

"May point si Conrad." bigla namang sabat ni Captain Grey. "Hindi niyo ba naiisip
na maaaring magtaka sila kapag sinabing two days lang tayo dito? Eh ang sinabi
natin ay nandito lang naman tayo para magbakasyon. Baka magtaka sila kung bakit
tayo nagmamadali." dugtong

niya.

"Bahala na nga kayo!" Captain Akiko said in dismay. Halatang ayaw niya patalo pero
wala naman na siyang magagawa eh. Nangyari na ang nangyari.

"Wala namang mangyayaring masama kung walang magsasabi eh." aniya ni Captain
Conrad. "Kaya sana walang madulas satin. Tsaka walang magsasabi ng mga unecessary
things tungkol sa mga buhay ninyo dahil baka mauwi iyon sa pagkadulas. Baka
makapagbigay pa kayo ng maling impormasyon."

"Tsaka sa tingin ko dapat nating mas higitan ang pag-iingat doon sa matanda."
pagtukoy ni Captain Grey sa ina ni Dr. Pan na si lola Au. "Mukhang may kutob ang
isang iyon, tiyak na mamanmanan niya ang bawat kilos natin."

-------

"Goodmorning sa inyo!" nakangiting bati sa amin ni Dr. Pan. Binati din namin sila
at saka tumuloy na sa hapag kainan para mag-almusal.

"Kain lang ng kain, ha. Wag kayong mahihiya." sabi ni dr. Pan sa amin pagkatapos
maglagay ng mga pagkain sa lamesa. Kasama din naming kumakain ang pamilya Pan dahil
malaki naman ang kanilang lamesa kaya kasya kami.

I heard the old woman scoffed. Nakita ko ang matabang na timpla sa mukha nito at
maingay pang pinapatunog ang kubyertos habang kumakain. Talagang pinapakita niya na
ayaw niya sa amin.

"Siya nga pala, Missy." tawag ni Dr. Pan sa kanyang panganay na anak. "Wala na pala
tayong stock ng mga pagkain dito kaya gusto ko sanang mamalengke ka, ha." utos nito
sa kanya.

"Kayong mga bagong kaibigan nila Grey na ngayon lang nakapunta dito, baka gusto
niyong maglibot-libot dito sa distrito namin. Ipapasyal

kayo ng mga anak ko kung gusto niyo." sabi ni Dr. Pan.

"Oo nga, madaming magagandang pasyalan dito sa amin. Ano pa't nagbakasyon kayo dito
kung hindi naman kayo mamamasyal?" saad naman ng asawa ni Dr. Pan.

"Oo nga naman po kuya Conrad. Mamasyal po tayo ngayon!" sabi ng isang batang babae
na sa tingin ko ay mga nasa 7 yrs. old ito.

"Yey! Papasyal tayoooo!" sigaw naman sa tuwa ng bunsong anak na babae na sa tingin
ko naman ay mga nasa tatlong taon palang.

"Gusto ko punta tayong perya tsaka sa zoo!" excited naman na sagot ng isa pang
batang anak ni dr. Pan na lalaki.

Marahan naman kaming natawa tsaka ng pamilya Pan dahil sa pagkaexcited ng mga bata.
"So ano, papayag na ba kayo?" halata ang pag-asa sa boses ni Dr. Pan.

Saglit kaming nanahimik dahil nag-aantayan pa kami kung sino ang sasagot. Sa huli
ay si Captain Conrad na din ang nagsalita. "Opo." tipid na sagot nito na sya namang
ikinatuwa ng tatlong bata.

Kaya pagkatapos na pagkatapos naming mag-almusal ay umalis na kami sa bahay para


mamasyal, pero bago iyon ay sinamahan muna namin si Missy at ang ilan niya pang
kapatid na kaedad lang namin para mamalengke. Nilakad lang namin ang palengke sa
kanila dahil walking distance lang naman ito. At tsaka mas masaya din dahil mas
makikita namin ang bawat lugar. Hindi ko maiwasan ang mapahanga sa ganda ng
Romanesce. Para akong dinala nito sa makalumang panahon dahil sa vintage na mga
bahay at tren at karwahe lang ang transportasyon dito. Isama pa na ang mga damit
dito ay makaluma. Nahihirapan tuloy akong kumilos dahil hindi ako sanay

na nakabistida at hapit hapit pa ito sa aking katawan. Isa pa, mainit din ito dahil
makapal ang tela.

Biglang nagising ang diwa ko nang maramdamang may humawak sa kwintas kong suot na
bigay sakin ni Sultana Shekannah. "Wow. Ganda naman kwintas mo." sabi sa akin ng
bunsong anak ni Dr. Pan. Sa pagkakatanda ko ay Gail ang pangalan nito. "Gusto ko
din ganito." kumikinang ang mga mata niya habang hawak hawak pa din ang kwintas ko.

"Tumigil ka nga, Gail! Ginugulo mo si ate Astrid eh!" saway ng mas nakatatandang
kapatid nito na lalaki sabay pinalo ang kamay nito.

Nagsimula itong umiyak dahil sa ginawang pagsuway sa kanya. "Susumbong kita kay
mama, kala mo!"

"Edi sumbong mo! Sabihin ko naman kay mama kinukulit mo si ate Astrid." sabi nito
na animo'y nagbabanta at dumila pa na lalong ikinalakas ng pag-iyak ni Gail.

"Shhh, wag ka na umiyak, Gail." pagtahan ko sa kanya tsaka kinarga. Kung bakit ba
kasi ako pa ang nakasama ng mga batang ito sa karwahe. "Shh, tahan na Gail. Malapit
na tayo sa perya oh" ngiting-ngiti kong sinabi sa kanya.

"Gail! Tumahimik ka na! Ang ingay-ingay mo naman eh!" gatong pa ng isang niyang
kapatid kaya imbes na tatahan ito ay muli na namang umiyak.

"Fuck, wala ka na bang ibang paraan para patahimikin yan?" nagulat ako nang marinig
ang boses ni Fritz sa tabi ko. Nakasandal ito at nakapikit ang mga mata na parang
natutulog. Ba't ngayon ko lang napansin ang presensya ng isang to?
"Oh, andito ka pala." sabi ko habang patuloy pa ding pinapatahan ang batang si
Gail.

"Sana nga wala ako dito eh, tangina ang ingay."nababagot namang sinabi nito.

"Hey, watch your mouth! May mga bata dito oh!"inis kong sinabi.

"Fuck." ulit pa nito.

"Nang-aasar ka ba?"nagsalubong ang kilay ko ng makitang ngumisi ito.

"Nah. They're just really fuckin' annoying" ngiting aso pa ito.

"You!" sabi ko at dinuro duro pa ito. "You're so fu-" buti nalang ay agad kong
napigilan ang bunganga ko bago pako makapagbitiw ng di magandang salita.

"What?" tanong nito na para bang inaabangan na sabihin ko iyon. Fucking jerk.

"Nag-aaway po ba kayo?" tanong samin ni Gail na nasa kandungan ko at kakatapos lang


umiyak. Napatingin ako sa dalawa pa niyang kapatid at nakatulala pala ito sa amin
at nakikinig sa pagbabangayan namin ni Fritz.

"No baby, we're not. We're just, you know" pilyong sagot nito. "We're just fucking
each other." what the hell!

=================

Chapter XXIV: Nostalgia

"Ate, bakit po tayo nagmamadali? Tsaka bakit po natin iniwan si kuya Fritz? tanong
ng anak ni Dr.Pan na lalaki. Pagkahinto kasi ng karwahe ay hinila ko kaagad palabas
ang tatlong bata at nagmadali kaming umalis para iwanan yung gagong lalaking iyon.
Naiinis ako. Kung wala lang talaga kaming kasamang mga bata ay binigwasan ko na
siya.

"Ano ngang pangalan mo?" tanong ko dito.

"James po." sagot niya naman.

"O James, wag kang gagaya dun sa lalaking yun ah. Wag kang magsasalita ng mga bad
words tsaka wag kang magbibisyo." sabi ko sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko, "Bakit po? Bad po ba yun?" inosente
niyang tanong.

"Oo, bad yun." agad ko namang sagot.

"Eh bakit naman po si kuya Fritz? Nagsasalita po siya ng bad words tsaka nag
bibisyo pero mabait naman po siya?" sabi naman ng kapatid ni James na si Jai. I
scoffed to what she said.

"Oo nga naman." nagulat ako ng nasa tabi ko na si Fritz. Nakangiti pa ang loko. I
just rolled my eyes at him. Kinarga ko si Gail at hinawakan ko naman sa Jai gamit
ang kanang kamay ko habang si James naman ay nakakapit sa damit ko. Nagsimula na
ulit kaming maglakad papunta sa entrance ng perya.
"Baby" malakas na tawag ni Fritz na nagpalingon sa akin.

"Anong sabi mo?!" inis kong sabi dito. Kumukulo na ang dugo ko pero pinipigilan ko
lang ang sarili ko. Bakit niya ba kailangang ipagsigawan iyon eh ang dami kayang
taong nakakarinig. Iniinis niya ba talaga ako?! Pwes, hindi ako magpapaapekto sa
ginagawa niya sakin.

Sumilay ang ngiti sa mga labi

niya "What? Ikaw ba?" painosenteng tanong nito. "Si baby Gail yung tinatawag ko,
hindi ikaw." natatawang sinabi nito.

Automatic na napayuko ang ulo ko dahil sa pagkahiya. Shit. I think I'm blushing.
Bakit ka naman kasi nag-assume na ikaw ang tinatawag, Astrid? Tsaka bakit ka naman
niya tatawagin ng ganun? I mentally slapped my face because of embarrassment.

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang makita na naglalakad siya palapit sa


akin. What the hell are you doing, Astrid? Bakit ka nakatanga lang? Umalis ka na.
Sinisigawan na ako ng utak ko pero parang may sarili atang desisyon ang katawan ko.
I can't. Nakamagnet na ata ang mga paa ko sa lupa.

Napapikit ako ng makalapit siya sa akin. I felt like drowning because of his
intoxicating smell. Naging pabango niya na ata ang alak. I opened my eyes at
nagulat ako ng makita na napakalapit na pala ng mukha niya sa akin. Naaamuse siyang
nakatingin sa akin at nakangiti pa. This badass really knows how to play games,
huh?

Dahan-dahan niyang kinuha mula sa akin si Gail at para akong nakuryente ng


maramdaman ang balat niya na dumidikit sa akin. Fuck. Why am I having this kind of
feeling?

"Hey, Astrid." nakabalik ako sa huwisyo ng marinig ang pamilyar na boses na


nanggagaling sa likod ko. Lumingon ako nang maramdaman kong hinawakan nito ang
balikat ko.

"Captain Grey." Nakahinga ako ng maluwag at napangiti ng makita siya. Hindi ko alam
kung bakit pero sa twing nakikita ko siya ay gumagaan ang loob ko. Nakikita ko kasi
sa kanya si Mico.

"Kanina pa namin kayo inaantay. Nasa loob na sila ng perya."

sabi niya.

"Tara na." Pag-aaya ko tsaka hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papasok sa
loob kasama ng dalawang bata. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Fritz at nakitang
nakasunod lang ito sa amin. Nakatingin siya sakin at bumalik ang pagiging cold ng
mga mata niya at naging expressionless na naman ang kanyang mukha.

"Asan ba sila?" Tanong ko kay Captain Grey. Tumingin ako sa kanya dahil hindi niya
sinagot ang tanong ko. Nakatingin kasi siya sa kamay naming magkahawak. Nang
mapagtanto ko iyon ay agad kong binitawan ang kamay niya. Dumistansya ako ng kaunti
sa kanya dahil sa sobrang lapit pala namin. "A-asan sila?" nauutal kong tinanong.

Napakamot siya sa batok niya at napayuko. Gusto kong matawa sa reaksiyon niya. Para
siyang teenager na nahihiya. "Ahm, andun sa may ticket booth." kalaunan ay sinabi
nito.

Tumango na lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pagkarating namin doon ay


nakita namin sila na may kanya-kanya ng mga tickets. Lumapit si Missy kay Captain
Grey at nahihiya nitong iniabot ang tickets sa kanya. "Binilhan na kita, Grey."
namumula ang kanyang mukha.

Tinanggap naman ito ni Captain Grey at nagpasalamat sa kanya. "Hati tayo sa ticket,
Astrid." nakangiti niyang sinabi sa akin pagkatapos ay hinati niya ang walong
ticket at ibinigay sakin ang apat. Napatingin ako kay Missy na nakatingin din sakin
at may naramdaman akong kakaiba sa malungkot niyang titig. "Tara rides na tayo."
Excited na nag-aya si Captain Grey.

"Sama ako sa inyo kuya Grey." sabi ni Gail ng maibaba na siya ni Fritz. Ngumiti
naman

si Grey at binuhat siyang muli. "Ano, tara na?" tanong sa akin ni Grey.

Bago pa man ako makahindi ay hinila niya na ang kamay ko at patakbo kaming naglakad
papalayo sa kanila. "Yehey!" natutuwa namang sabi ni Gail na buhat-buhat ni Grey.
Tumatawa pa silang dalawa kaya pati ako ay natatawa na din sa di malamang dahilan.

Matapos naming tumakbo at makipagsiksikan sa madaming tao ay napagisipan na naming


huminto sa gilid kug saan walang masyadong tao. Hingal na hingal kami at
tumatagaktak pa ang mga pawis namin. Pero tuloy pa din sa pagtawa ang dalawa. "So,
ano una nating sasakyan?" tanong ni Grey sa akin.

"Gusto ko Ferris wheeeeel" sagot naman ni Gail.

"Ano, Astrid? Ferris wheel tayo?"

"S-sige." nag-aalangan ko namang sagot. Ewan ko ba kung bakit nang marinig ko iyon
ay biglang nag-iba ang pakiramdam ko.

Muli kaming naglakad papunta sa rides na iyon at pumila. Tinignan ang kabuuan ng
Ferris Wheel. Seeing it makes me feel something. May kung ano akong nararamdaman na
hindi ko maipaliwanag. Pero alam kong nalulungkot ako. Bakit? I asked myself kahit
na alam ko naman kung ano ang dahilan. I just don't want to admit it to myself.

"Astrid, tayo na." sabi ni Grey sa akin.

Tumango ako at sumakay na kami. Pagkatapos na mapuno ang bawat upuan sa ferris
wheel ay nagsimula na itong umandar. Dahan-dahan itong umiikot at nararamdaman ko
ang dahan-dahan naming pagtaas.

"Yeheyyyy!!!" I heard a familiar voice saying it. I looked to my right and I saw
the child. I saw Miles. Hinahangin ang buhok

niya at masayang tinitignan ang view. Tinignan ko din ang katabi ni Miles na si
Mico. He's not smiling and all I saw in his eyes was sadness. Shit. Bakit siya ang
nakikita ko? I shook my head in disbelief. Why did I let myself in this kind of
torture? Bakit ko ba hinahayaan ang sarili ko na mastuck sa ilusyong ito?

"Hey, Astrid." bumalik ako sa realidad nang gisingin ako ng boses ni Captain Grey.
I saw the concern in his eyes. "You okay?" I'm not. Tumango ako at itinuon ang
tingin ko sa view.

"I know you're not." he said in a low voice. Hindi ko lang siya pinansin at
nagkunwaring walang narinig.

Napakagat ako sa labi ko ng maramdaman kong may namumuong luha sa mga mata ko.
Habang papaangat kami ng papaangat sa tuktok ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam
ko. Sa pagkakataong ito, parang gusto ko ng bumaba. Ayoko na. Ayoko nang maramdaman
ang pangungulila. Ayoko ng maramdaman yung naramdaman ko noong araw na yun. Yung
araw na huli kaming nagkasama ni Mico.

"Are you missing him?" napalingon ako ng marinig ko ang sinabi ni Captain Grey.
Fuck. Bakit ba alam na alam niya ang nararamdaman ko? Dahil sa sinabi niya ay
tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang kamay ko
at humagulgol sa pag-iyak.

"Kuya Grey, why is she crying?" rinig kong tanong ni Gail na nag-aalala.

"Because she's missing her boyfriend." sagot naman niya na lalong nagpaiyak sa
akin. "It's okay, Astrid. Iiyak mo lang yan." Baling naman nito sa akin.

"Don't worry. Makikita mo rin siyang muli. Ibabalik kita sa kanya,

I promise..."

------

Dedicated to miss IamtheOrangeRoyalty and @annamaepantillano. I was really touched


by your comments. Grabe, tbh kinilig po talaga ako sa comment ninyo. Salamat sa
pagtangkilik sa story ko. Hindi ko talaga akalain na may magbabasa nito lalo na
kasi isa lang naman akong amateur. Salamat din sa suportang bingay niyo sakin, kayo
yung isa sa mga dahilan kung bakit mas namomotivate at naiinspire akong ipagpatuloy
itong kwento. Wala na akong masabi lol. Again thank youuuu po!!! ♡♥♡♥♡♥

-Crypticknots

=================

Chapter XXV: Secret Spilled

I found myself dreaming again. Hindi ko alam kung paanong nangyari na aware ako na
nananaginip ako. Basta bigla nalang tumambad sa akin ang pamilyar na lugar, ang
playground. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Maya-maya'y nagpakita
din ang inaasahan kong makita. Tuwang-tuwang nagpadulas ang bata sa slide at
pagkatapos ay pumunta naman sa monkey bar para maglambaras.

"Ano, alam mo na ba yung mga clues?" Tanong ng batang lalaki habang patuloy pa din
sa paglalambaras. Akala ko ay hindi niya napapansin ang presensya ko.

"Hindi pa nga eh." bumuntong-hininga ako at tsaka umupo sa swing habang pinapanood
siya sa ginagawa niya.

"Tsk.." sagot nito pagkatapos ay bumitaw sa pagkakahawak sa bars kaya bumagsak siya
sa lupa. Tumawa naman siya kaya hindi na ako kinabahan. Mukhang hindi naman siya
nasaktan. "Sige na nga, bibigyan na kita ng isa.." sabi nito na para bang naaawa sa
akin. "Mata."
"Huh?" nagtataka kong itinanong. Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya.

Napakamot naman siya sa batok niya. "Ano ba naman yan. Ang sabi ko, mata ang first
clue." he said annoyingly.

Then it hit me. Yung mata. Yung mga matang kulay green na nakita ko sa panaginip ko
nung nakaraan. Yung mga mata kagayang-kagaya ng sa akin. "Ano, gets mo na?"
nakangising sinabi ng bata.

Diretso ko siyang tinignan sa mga mata niya. Lumuhod pa ako para magpantay kami,
pagkatapos ay hinawakan ko ng dalawa kong kamay ang maliit niyang mukha. "Ano bang
meron sa mga mata natin??" seryoso kong tanong dito. Hindi siya sumagot

at nakipagtitigan lang din siya sa akin. Maya-maya'y umangat ang tingin nito sa
itaas. Nakita ko ang ibon sa reflection ng kanyang mga mata.

"Ang phoenix..." sabay naming naisambit. Tumingala din ako para pagmasdan ang
phoenix na lumilipad sa ere. Pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin ko sa bata.

"Bakit nagpapakita ang phoenix sa panaginip ko? May kinalaman ba ang ibong yun sa
pagkatao ko??" there's a desperation in my voice. Naiinis ako dahil nalilito na
naman ako. Pakiramdam ko mababaliw ako kakaisip kapag hindi nasagot ang mga
katanungan ko.

I cursed in my mind when the kid just shrugged as an answer. "Napapagod ka na ba?"
my eyes furrowed in confusion to what he asked.

"Saan? Kung yung tinutukoy mo ay ang pagsolve sa lintek na riddle na to, oo." inis
kong sinabi sa kanya na kanya namang ikinatawa.

"Hindi iyon ang tinutukoy ko." natatawang sinabi nito. "Eh ano?" taka kong sinabi.

"Basta." tangi niyang sagot. "Natatandaan mo ba yung mga salitang ibinigay sa iyo
ng phoenix?" tanong niya sa akin.

Yung tinutukoy niya ba ay yung mga salitang hindi ko maintindihan?

"O-oo." nag-aalangan kong sagot.

"Yun yung pangalawang clue. Alamin mo ang ibig sabihin ng mga iyon."

Ngumiti siya at pagkatapos ay unti-unti nalang siyang naglaho. Ibig sabihin nito ay
dito na mapuputol ang panaginip ko.

Nagulat ako ng pagising ko ay may hawak hawak na akong isang pirasong papel at
ballpen. Bahagya akong napaupo at sinuri ang nakasulat sa papel. Hindi ako
makapaniwala sa nabasa ko, ito yung mga salitang tinanong

sa akin ng bata kanina. Ito yung mga salitang binigay sa akin ng phoenix.

Tinupi ko ito at ipinasok sa bulsa ng sweat pants ko. Hinawi ko ang kurtina ng
bintana at nakitang madaling araw palang pala. Tulog na tulog pa ang mga kasama
kong sina captain Akiko. Gabing-gabi na kasi kami nakauwi kagabi galing sa perya.
Bumalik ako sa higaan ko para sana ipagpatuloy ang pagtulog kaso hindi ko na
magawa. May kung ano na namang bumabagabag sa isipan ko.

"Shit." I cursed in exasperation. Tumayo na ako at napagisip isip na magpahangin


nalang sa labas.
Paglabas ko ng kwarto namin ay dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan. Natanaw
ko na may tao na sa sala dahil kita iyon mula dito sa hagdanan. Naririnig ko din
ang pag-uusap nila pero para lang silang nagbubulungan. Huminto ako para isipin
kung tutuloy pa ba akong lumabas o hindi na pero sa huli ay pinili ko pa din ang
lumabas. Maglalakad na sana ako pero may biglang humigit sa braso ko at tinakpan
ang bibig ko. Pagkatapos ay pinasok ako sa isang kwarto.

"Shh, wag kang maingay!" halos pabulong na sinabi ni Fritz at nakalagay pa ang
hintuturo sa bibig niya.

"Anong bang ginagawa mo? Tsaka bat bigla ka nalang nanghihila?!" Sabi ko na may
pinaghalong gulat at galit. Hindi niya ako pinansin at idinikit niya ang kanyang
kaliwang tenga sa pintuan. "Fuck, you're creeping me out, Fritz. What's wrong?"
kinakabahan kong sinabi.

Hinila niya ako at sinabihang gawin din ang ginagawa niya. Idinikit ko din ang
kanang tenga ko sa pintuan at mataman akong nakinig sa nagsasalita.

"Sinasabi ko na eh. Tama ang kutob ko! May pinaplano talaga yang mga yan!" rinig
kong sinabi ni lola Au. Tinignan ko si Fritz na nagtataka? Ano bang pinag-uusapan
nila?

"Hindi ako makapaniwala, ma. Totoo ba talaga yang mga sinasabi niyo?" gulantang
naman na sinabi ni dr. Pan.

"Oo, bakit naman kami magsisinungaling ng anak mo sayo? Tanungin mo pa si Missy.


Siya ang nakakaalam, narinig niya mismo na nag-uusap sila Conrad at ang grupo
niya." napanganga ako sa narinig. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ang lahat.

"Alam na nila.." aniya ni Fritz.

Muli kaming nakinig ng muling magsalita si Dr. Pan. "Hindi ko akalaing


pagsisinungalingan at gagamitin nila tayo." dismayadong sinabi nito.

"Kaya dapat ipaalam na natin yan sa Presidente natin. Kailangan natin silang
ipahuli dahil kung hindi ay baka tuluyan na nilang makuha ang Phoenix." suhestiyon
ng matanda.

"Shit. Kailangang malaman nila Captain 'to." kinakabahan kong sinabi.

"Hay, naku. Sumasakit ang ulo ko." sabi ng matanda "kunin mo nga yung gamot ko sa
kwarto." utos nito sa anak niyang si Dr. Pan.

"Fuck." mura ni Fritz.

"Bakit?"

"Kwarto ito ng matanda." dismayado niyang sinabi.

"Ano ng gagawin natin?" mas lalo tuloy kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.

Lumingon siya sa may terrace at tinignan ako. Alam ko na ang ibig niyang sabihin
kaya tumango nalang ako at patakbo kaming pumunta sa terrace at tumalon.

=================
Chapter XXVI: The Plan to Escape

"Fuck!" asik ko nang lumagapak ang puwitan ko sa lupa. Pano ba naman kasi ay bigla
nalang ako hinila ng gagong Fritz na'to kaya hindi nako nakabuwelo.

"Makakatayo ka pa ba?" sabi ni Fritz na mukhang pinipigilan ang pagtawa. Pagkatapos


ay naglahad siya ng kamay sa akin pero hindi ko iyon tinanggap at tumayo na.

"Ano ng plano natin?" pag-iiba ko ng usapan. "Paano natin sasabihin kila Captain
Conrad ang nalaman natin? Dapat malaman nila ito kaagad."

"Yeah, right. Kaya tara na sa loob para ipaalam sa kanila." hinila niya ako papasok
ng bahay at doon naabutan ang ilan kong kagrupo na nagsisibabaan na ng hagdanan.
Nandoon na din ang ilang mga anak ni Dr. Pan. Wala pa ang tatlong captains kaya
pagkakataon ko na ito na sabihin sa kanila.

"Akyat lang ako." sabi ko kay Fritz at tumango lang siya nang maintindihan ang
balak kong gawin.

Pag-akyat ko ay agad akong dumiretso sa kwarto nila captain Conrad. Luminga-linga


muna ako sa paligid at ng masiguradong walang tao sa labas ay pumasok na ako sa
loob. Sakto namang nadatnan ko ang tatlong captains na mukhang may pinag-uusapan.

"Captains.."sambit ko at napalingon naman sila sa akin. "Alam na nila."

"Ang ano? Sino?" nagtataka namang itinanong ni Captain Conrad.

"Yung tungkol sa misyon natin. Alam na nila, narinig namin ni Fritz na nag-uusap si
Dr. Pan at yung nanay niya kanina. Balak nila tayong ipahuli." diri-diretso kong
sinabi.

"What?! Are you serious?" hindi makapaniwalang sabi ni captain Akiko.

"P-paanong

nangyari iyon?" saad naman ni Captain Grey.

"Si Missy ata ang nagsabi. Narinig daw ni Missy na nag-uusap tayo tungkol sa
plano." sabi ko.

"That bitch." captain Akiko said through gritted teeth.

"Ano ng gagawin natin Conrad?" tanong naman ni Captain Grey.

"Diba mamaya may gaganaping programa sa palasyo ng kanilang Presidente para sa


darating na thanksgiving day? Doon tayo kukuha ng pagkakataon na umalis sa lugar na
'to. Kailangan na sabihan natin ang mga kamiyembro natin tungkol sa plano para
makapag-impake sila."

Nang matapos naming pag-usapan ang plano ay bumaba na kami para saluhan ang mga
kamiyembro namin at ang pamilya Pan sa pag-aalmusal.

"O, Conrad. Bakit ngayon lang kayo?" sabi ni Dr. Pan nang makababa kami. Nakangiti
at natural pa din ang pakikipag-usap sa amin nito. Napatingin ako sa matanda na ina
ni Dr. Pan at nakitang masama itong nakatitig sa amin. Sa tabi niya ay si Missy na
nakayuko at kumakain. Halatang iniiwasan niya ang matignan kami.

"Pasensya na po." nasabi na lamang ni captain Conrad.


"Sige, maupo na kayo at kumain na." At ganun nga ang ginawa namin.

Tahimik kaming kumain at pinakikiramdaman ang paligid. Hindi namin alam kung ano
ang pinaplano nila pero alam kong hindi ito maganda. Hindi namin alam kung kailan
nila gagawin ang pagpapahuli sa amin.

"Siya nga pala, may program mamayang hapon sa President's palace. Kinakailangan na
dumalo ang lahat ng nakatira sa distrito." pagbasag ni Dr. Pan sa panandaliang
katahimikan. "Kailangan ay nandoon din ang grupo

ninyo, Grey. Nais kayong makilala ng mga tao at ng Presidente kaya dapat ay pumunta
din kayo." kakaibang ngiti ang ipinakita nito sa amin. Nagkatinginan kami ng
tatlong Captains. Mukhang alam na namin ang binabalak nila. Plano nilang hulihin
kami sa gitna ng programa at ipaalam sa mga tao ang misyon namin at kung sino kami.

"Oo naman po. Makakaasa kayo." sabi ni Captain Grey.

-----

Pinasadahan ko ng tingin ang hitsura ko sa salamin at napangiwi ako sa nakita.


Hindi ko gusto ang hitsura ko na may kolorete sa mukha at hindi ko din gusto ang
masikip na gown na pinasuot sa akin. Gusto kasi ni Dr. Pan na mukha kaming
presentable mamaya sa programa. I sneered. Bakit pa nila kami kailangang pagbihisin
ng maganda kung ipapahuli lang din naman nila kami at ipapahiya sa mga tao.

"Ano guys, ready na ba kayo?" tanong ni Captain Conrad na pumasok sa kwarto namin.

"Oo, tara na." walang ekspresyong sagot ni Captain Akiko. Nagmukha tuloy siyang
manika sa hitsura niya. Sa aming lahat, palagay ko ay siya ang nangingibabaw.

Nagsibabaan na kami at doon nakita na nag-aantay ang pamilya Pan na presentable din
ang mga suot. Kung titignan ay para silang Royal Family dahil napakagaganda't gwapo
nila at ang mga suot nila ay napaka elegante.

"Tara na mga iho't-iha. Nagsisimula na siguro ang program." nakangiting sabi ni dr.
Pan kaya nagsilabasan na kami. Nakita namin ang ilang mga karwahe na nag-aantay sa
amin sa labas.

"You look beautiful.." Napasinghap ako nang maramdaman ang malamig na hininga ni
Captain Grey sa kanang tenga ko.

"S-salamat." I muttered.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. "Ikaw din.
Ang gwapo mo." nahihiya ko pang sinabi. Pahapyaw akong tumingin sa buong hitsura
niya. Mas lalong umangat ang kagwapuhan niya dahil sa suot na tuxedo na saktong-
sakto lang sa kanya. He really has this kind of authoritative look na tipong hindi
mo gugustuhing magkamali kapag kaharap mo siya.

"Talaga?" He asked, smiling. Tumango na lang ako dahil parang hindi ko na ata
kayang magsalita. Pagkatapos ay iginiya niya sa akin ang kanyang kanang braso at
kumapit naman ako doon at pumunta na kami sa karwahe. Inalalayan niya ako sa pag-
akyat at pagkatapos ay umakyat na din siya at pinaandar na ito ng kutsero.

Halos ilang minuto lang ang pagbiyahe na ginawa namin at huminto na din ang
karwahe, hudyat na nakarating na kami sa President's palace. Napanganga ako sa
napakagandang palasyo na nakita ko. Sa labas nito ay may mga fountains at mga
halaman.
"Paano natin magagawa yung plano?" I asked Captain Grey nervously. Napakapit ako sa
kanya ng mahigpit dahil sa kabang nararamdaman ko. Napakadaming mga tao at sa bawat
sulok ata ay may nagbabantay na gwardiya.

"I don't know." bakas din sa boses niya ang kaba. "Just, just stay with me, okay?"
sabi niya at hinawakan ang kamay ko. That somehow made me comfortable.

Agad naming pinuntahan ang mga kagrupo namin at sina Captain Conrad at sabay-sabay
kaming pumasok sa loob. Naglalakihang mga chandeliers at magagarang lamesa ang
nadatnan namin nang makapasok. Sa bandang gilid naman ay nandoon ang parang banda
na tumutugtog pampaaliw sa

mga bisita.

"O, Conrad. Dito kayo maupo sa tabi ng aming lamesa." sabi sa amin ni Dr. Pan at
itinuro sa amin kung saan kami pipwesto.

Saktong pagkaupo namin ay nagpakita na ang Presidente ng Romanesce District. Isang


may edad ngunit magandang babae ang bumaba sa hagdanan habang kumakaway pa.
Nagpalakpakan naman ang mga tao hanggang sa tuluyan itong makababa at pumunta sa
entablado.

Nagsimula na ang programa kasabay ng kainan. Nagkaroon sila ng mga parangal at mga
pagtatanghal. Habang tumatagal ay lalo akong kinakabahan. Halata ko ang tensyon sa
aming grupo. Lahat kami ay tahimik lang na nanonood ng programa at pinakikiramdaman
ang paligid. Nakita ko ang matalim na titig sa amin ng matandang si lola Au. Alam
kong pinakikiramdaman niya din kami.

"Excuse me, restroom lang ako." pagpaalam ko sa grupo.

"Samahan na kita." walang anu-ano naman ay sinabi ni Captain Grey na ikinabigla ko


at ng mga kasamahan ko.

"Ano ba yan Grey, restroom lang ang pupuntahan ni Astrid. Babalik din siya."
iritang sabi ni Captain Akiko at nagcrossed arms pa ito. "Don't tell me, may
kababalaghan kayong gagawin don?" nakataas ang kilay nito na tinignan ako.

"Manahimik ka nga, Akiko. Kung anu-anong pinag-iisip mo diyan." sabat naman ni


Captain Conrad.

Tumuloy na akong maglakad ng mag-isa papuntang restroom. Dali-dali kong binuksan


ang pintuan at nagulat ako sa nadatnan. Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo
sa nakita. Fucking asshole.

Dedicated to miss callmeZiAe and IamtheOrangeRoyalty

=================

Chapter XXVII: The Escape

Nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang maliliit na sigaw na pinapakawalan ng


babae habang sinisiil siya ng halik ni Fritz sa leeg. Fuck. At talagang dito pa
sila naglalandian sa loob ng girl's restroom! Sa sobrang inis ay binato ko si Fritz
ng tissue na nakarolyo na nasa sahig. Agad naman siyang napahinto at masamang
napatingin sa akin. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ako pero
agad din naman itong nawala at bumalik ang pagiging expressionless niya.

"What?" he asked as if nothing's wrong. Pagkuwa'y pinunasan niya ang smudge ng


lipstick sa gilid ng kanyang labi. Gosh. This guy is really getting into my nerves!

"Get out." I said in a firm voice. Agad naman niyang hinawakan ang babae at akmang
dadalihin palabas pero agad ko silang hinarangan.

"Siya lang ang pinapalabas ko, Fritz." tinignan ko ng masama ang babae at dali-dali
namang lumabas ito. Kami nalang dalawa ang natira ni Fritz. Mataman ko siyang
tinignan habang siya ay nagsisindi ng sigarilyo. Naiinis ako dahil kung umakto siya
ay parang wala lang.

"Hindi ko alam na ganyan ka pala kagago." mapaklang saad ko.

Pagkatapos niyang humithit ay tinignan niya ako, "Ano bang problema mo, Astrid?"
maang akong napatingin sa kanya. Ano nga bang problema ko? Bakit ako ganito umakto?
Bakit ako naiinis?

"Bakit ka nakikipaghalikan sa babaeng yun? Ni hindi mo nga ata kilala yun, do you
even know her name?" I don't even know the reason why I'm acting like this but I
just can't help but get mad at him.

"So what? Anong pake mo?" He said in a monotone voice at saka

humithit ulit ng sigarilyo.

Ano bang pake mo, Astrid? My mind keeps on repeating those words. Siyempre may pake
ako! Ibinilin siya sa akin ng ama niya kaya natural lang na mainis ako. Punung-puno
na ako sa kanya. Kung nung nakaraan ay hinahayaan ko lang yung mga katarantaduhang
ginagawa niya, pwes, hindi ko na ito mapapalagpas ngayon.

"Why are you mad at me?" he asked. Nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin. Ako
naman ay panay ang pag-atras hanggang sa tumama ang likod ko sa malamig na pader.
Shit. He caught me off guard!

"Tell me, why are you mad?" I saw fire in his intense eyes. "Are you jealous?"
marahan akong napakapit sa kanyang balikat para hindi niya tuluyang mailapit ang
mukha niya sa akin. I again, smell the intoxicating liquor in his mouth. Parang
pati ako ay nalalasing sa amoy.

"N-no." I answered nervously as I shooked my head. Then I hint a bit of sadness in


his face.

Nagulat ako ng bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin at dumampi ang labi niya
sa labi ko. Malakas ko siyang tinulak hanggang sa makawala ako sa kanya. "May
boyfriend ako, Fritz!" hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang ipinamukha iyon sa
kanya. Siguro ay para malaman niya kung saan siya lulugar.

"Sino? Si Grey ba?" mapait niyang sinabi.

"N-no. May boyfriend akong iniwan sa Pierda." nanginginig kong saad. Bakit ko ba
kailangang ipaliwanag ang mga ito sa kanya?

Napatawa siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "May boyfriend ka na
pala eh. Bakit ka pa nakikipaglandian kay Grey?" Agad na lumipad ang kamay
ko sa mukha niya. Pagkatapos ay patakbo kong tinungo ang pintuan at lumabas na sa
restroom.

"Astrid!"rinig ko namang sigaw niya at lumabas din ng restroom para habulin ako.
Fuck you, Fritz.

Tuluy-tuloy lang ako sa pagtakbo at wala akong pake kung may mababangga man ako.
Bigla akong napahinto ng makita ang dalawang gwardiya na papalapit sa akin. Inikot
ko ang buong grand hall at napagtantong nagkakagulo pala. Napatingin ako sa pwesto
ng Paradox group at nakita kong wala na sila doon. Shit. Asan sila?

"Hulihin niyo yang babaeng yan! Kasama yan sa kanila!" sigaw ni lola Au habang
tinuturo ako.

Bigla namang dumating si Fritz at pinagsusuntok ang dalawang gwardiya. Narinig ko


namang nagsigawan ang mga tao nang buhatin niya ang isang gwardiya at ibinalibag.
Gulat na gulat sila sa nakita. Hindi siguro nila inaasahan na may ability siya.
Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng palasyo.

"Saan tayo pupunta?! Bigla nalang silang nawala!"takot na takot kong saad.
Kumaripas kami ng takbo ng makitang may mga gwardiyang humahabol sa amin.

"Alam ko kung nasaan sila." napaligon kami ni Fritz sa nagsalita at nakitang si


Missy iyon. "Sumama kayo sa akin."

I scoffed. "At bakit naman namin gagawin iyon? Alam naming ikaw ang nagsumbong
tungkol sa misyon namin, kaya pano ka namin pagkakatiwalaan?"

"Alam kong ganyan ang magiging tingin niyo sa akin. Pero pinagsisihan ko ang ginawa
ko. Kaya ako andito ngayon para bumawi. Tutulungan ko kayong makalabas." I saw
sincerity in her eyes. Pero hindi pwede. Paano kung

nililinlang niya lang kami.

"I think she's telling the truth..." rinig kong sabi ni Fritz.

"Tara na, bago pa nila tayo maabutan." tumango kaming dalawa sa kanya at patakbo
kaming sumunod sa bawat direksyong dinadaan niya.

Pumasok kami sa isang madalim na eskinita na walang dumadaan at nagtago. Ang mga
sumusunod na gwardiya ay napahinto ng makitang wala na kami, pero kalaunan ay
dumiri-diretso lang ito sa paglalakad at nilagpasan kami. Sabay sabay kaming
napabuntong-hininga nang malamang wala na sila.

"Tara.." sabi ni Missy at nagsimula nang maglakad sa eskinita. Nakailang liko pa


kami hanggang sa matanaw namin ang ang tatlong Captains at mga kamiyembro. Nandoon
din ang dalawa pang kapatid ni Missy na sina George at Lian.

Sinalubong kami ni Captain Conrad na nagngingitngit sa galit at walang anu-ano'y


hinigit ang braso ni Missy. "Pinaglololoko mo ba kami, ha?! Dead end na'to eh!
Paano kami makakatakas dito?!" galit na sumigaw ito na siya namang ikinatakot ni
Missy. "Is this your goddamn plan?! You want us to be trapped here para macorner
kami at mahuli?!"

"H-hindi..." natatakot na saad nito.

"Then what?!"
"Kailangan niyong talunin ang bakod para makalabas. Yun lang ang tanging paraan.
Hindi kayo maaring makalabas sa mismong labasan dahil siguradong maraming nag-
aabang sa inyo doon."

Napatingin kami sa di gaanong kataasan na bakod. Ang mga pader na inilagay sa


palibot ng Romanesce district ang siyang harang nila para hindi makapasok ang
sinumang tribo.

"Okay, let's go" aniya ni Captain Conrad at nagsimula na kami. Kaming mga babae
muna ang pinaakyat sa bakod habang buhat-buhat ng mga kalalakihan. Pagkatapos
naming makatawid ay isa-isa namang nagsisitalunan ang mga lalaki.

"Phew! Akala ko hindi na tayo makakaligtas." saad ng isa naming kamiyembro. Halos
lahat kami ay hingal na hingal na nagsisandalan sa pader para makapagpahinga
saglit.

"C-Conrad." pagtawag ni Captain Akiko. "Asan na tayo?" nakitaan ko ng kaba at


pagtataka ang boses nito. Napatingin ako sa buong paligid kagaya ng ginagawa ng
ilan. Doon namin napag-alamang nasa disyerto kami.

"Oh shit." sambit na sabi Captain Conrad at napasapo siya sa kanyang noo."Nagkamali
tayo ng direskyon."

=================

Chapter XXVIII: Arah Desert

Napasapo sa noo si Captain Conrad at balisa itong nagpalakad-lakad. "Tignan mo nga


yung mapa, alamin mo kung asan na tayo." inis na iniutos ni Captain Akiko sa kanya
na agad naman niyang sinunod.

Inilabas niya ang mapa na nakatago sa kanyang bag. Mabuti nalang at nandito ang mga
inimpake naming gamit. Nalaman kasi ni Missy ang pinaplano naming pagtakas, kaya
nung umalis kami ay bumalik siya sa bahay nila at isinama niya pa ang dalawa niyang
kapatid para kunin ang mga gamit namin at dalhin sa pagtatakasan namin.

"Nasa Arah Desert tayo at sobrang layo natin sa Mt. Shibu. Dapat sa silangang
boundary tayo ng Romanesce District lumabas. Nasa South tayo eh." sabi ni Captain
Conrad.

"So paano ng gagawin natin? Lalakarin natin hanggang Mt. Shibu?" tanong ni Captain
Akiko.

"Malamang. Walang transportasyon dito sa disyerto." Captain Conrad said in a


matter-of-fact.

"As-in ngayon? Ngayong gabi?"

"Hindi tayo pwede maglakbay ngayon lalo na madilim tsaka hindi natin kabisado ang
lugar." saad ni Captain Grey habang naglalakad papalapit sa akin. Bigla na lang
akong napaiwas ng tingin sa kanya at napadako ang tingin ko kay Fritz ng hindi
sinasadya. Naniningkit naman ang mga mata niyang nakipagtitigan sa akin.

"I'm sorry." napalingon ako sa katabi kong si Captain Grey na kauupo lang.

"Huh? Para saan?" nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.


"Kasi... hindi kita nagawang hanapin at iligtas kanina." I saw the guiltness in his
eyes.

"Hindi mo naman kailangang gawin iyon, Captain-"

"Grey." pagputol

niya sa sasabihin ko.

"Huh?"

"Grey nalang itawag mo sa'kin." he smiled. May boyfriend ka na pala eh. Bakit ka pa
nakikipaglandian kay Grey? I shook my head because of the thought. Naiinis ako. Am
I really being flirt with him?

"Is there something wrong, Astrid?" Nag-aalalang tanong ni Captain Grey.

"Wala, pagod lang ako." Naisambit ko na lamang. Naintindihan niya naman ang nais
kong ipakahulugan kaya tumango nalang siya at umalis. Siguro nga tama itong
ginagawa ko. Kailangan ko ng dumistansya sa kanya. Ayoko mang aminin pero ramdam
ko, sa mga galaw pa lang na ipinapakita niya sa akin. Hindi naman ako manhid para
hindi ko maramdaman na may pagtingin siya sa akin. At gusto kong pigilan ang
nararamdaman niya bago pa lumalala dahil sa huli ay baka masaktan ko lang siya.

Tumayo din ako para pumunta sa mga babae kong kasamahan na nagsisimula ng magpalit
ng maayos na damit. Nararamdaman ko na kasi ang init ng temperatura. Nagsilayuan
naman ang mga lalaki naming kasamahan kasama na ang dalawang captains para bigyan
kami ng privacy.

Pagkatapos naming magsibihis ay pumunta kami sa kinaroroonan nila na nagsisilatag


na ng mga maliliit na kumot at mukhang handa ng magsitulog.

"Girls, doon kayo sa right side." saad ni Captain Conrad at saka nagsipuntahan ang
mga miyembro sa kani-kanilang pwesto. "Ganito gagawin natin, kada dalawang oras ay
may iba-ibang magbabantay na tatlo, maliwanag?"

Si Captain Conrad ang nagprisintang magbantay muna kasama ang dalawa pa naming
lalaking kasamahan. Ako naman ay pumuwesto na sa gilid katabi

ng isa kong kamiyembrong babae at nagsimula nang matulog.

------

Tumatagktak ang pawis ko nang magising sa hindi malamang dahilan. Bahagya akong
napaupo dahil sa init na naramdaman ko at napahawak ako sa lalamunan kong
nanunuyot. Inikot ko ang paningin ko sa mga kasamahan kong natutulog. Teka, bakit
walang nagbabantay? Tanong ko sa isipan ko ng mapagtanto ito. Anong oras na kaya?

Tumingala ako para pagmasdan ang mga bituin at ang malaking buwan na tangi naming
nagsisilbing liwanag. Kulay asul na ang kalangitan, pahiwatig lang na madaling-araw
na. Napapikit ako nang humihip ang hangin at may pumasok na buhangin sa mga mata
ko. Pagkatapos ay nakarinig ako ng malakas na pagpagaspas ng pakpak ng isang ibon.
Dali-dali kong iminulat ang aking mga mata para tignan kung ano iyon at napasinghap
ako nang makita ang Phoenix na lumilipad sa ere!

I froze for a moment because of the stunning creature above me. Pagkuwa'y napatayo
din ako at patakbong tinungo ang diretsong direksyon na tinatahak nito. Hindi
tumitigil sa paglipad ang Phoenix pero napansin kong bumagal ito. Para bang
naramdaman ng ibon na hinahabol ko siya at mukhang hinahayaan niya lang ako.

Sa gitna ng aking pagtakbo ay may biglang pumasok sa isipan ko. Is this real? Am I
not dreaming anymore? Then I stopped. Lumingon ako sa kinaroroonan ng Paradox group
at napansin kong malayu-layo na din ang tinakbo ko. "Hindi ako nananaginip." bulong
ko sa aking sarili.

Tumingala akong muli para tignan ang ibon sa langit pero nawala na lang ito bigla.
Bumagsak ang balikat ko ng maisip na baka guni-guni ko lang ang nakita.

"Shit. Am I going insane?" I muttered to myself in exasperation.

Tumalikod na ako para magsimulang maglakad pabalik ng maya-maya'y nakarinig ako ng


boses na nanggagaling sa ibon. Agad akong tumingala sa itaas pero wala naman akong
nakita. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang Phoenix na nasa lupa. Nasa
harap ko ito at matamang nakamasid sa akin. I felt goosebumps all over my body when
I started having an eye contact with the bird. Shit. Totoo na ito. Totoong nakikita
ko na ang Phoenix!

Dahan-dahan kong iginalaw ang mga paa ko papunta sa ibon. Maingat ako sa pagkilos
para masiguro kong hindi ko ito natatakot ng sa gayon ay hindi ito lumipad
papalayo. Hahawakan ko na sana ito ng bigla akong nakarinig ng patakbong yabag sa
likuran ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang isa kong kamiyembrong lalaki na
may hawak na dagger akmang ipapalipad patama sa akin. Mabilis kong iniwasan ang
dagger na lumipad sa akin.

"What the- bakit moko pinatamaan?!" asik ko dito pero seryoso niya lang akong
tinignan at patakbong kinuha ang dagger sa buhanginan. Hindi ako nakagalaw nang
hinigit niya ang leeg ko at itinutok dito ang dagger. Oo nga pala! Kompetisyon nga
pala ito para sa unang makakakuha ng phoenix! Ginagawa niya ito ngayon sa akin
dahil gusto niyang makuha ang Phoenix. Dahil ang una lamang na makakakuha sa ibong
iyon ang siyang bibigyan nito ng kapangyarihan.

Tinanaw ko ang phoenix na nasa harap namin at matama lamang kaming pinapanood.
Hindi pwede! Ako ang dapat makakuha sa phoenix! Siniko ko ng malakas ang tagiliran
ng kamiyembro kong lalaki at agad na inagaw sa kanya ang dagger. Tinulak ko siya at
napaupo naman siya kaya kinuha ko na ang pagkakataon para sa kanya ko naman itutok
ang dagger.

"Kaya mo?" He smiled mischievosly. Napahigpit tuloy ang kapit ko sa dagger at


lalong itinutok ito sa mukha niya.

"Sinusubukan mo ba ako?" paghahamon kong sinabi dito. Isang nakakalokong tawa lang
ang narinig kong sagot mula dito. Well, sorry ka. Kung phoenix lang naman ang
pinag-uusapan dito, gagawin ko ang lahat para makuha ito.

------

Edited:

dedicated nga po pala ulit kay miss IamtheOrangeRoyalty . I was really overwhelmed
by your comments. Thanks for motivating and inspiring me to continue writing. Hindi
po ako titigil sa pagsusulat hanggat may nagbabasa sa gawa ko kaya sana po patuloy
niyo pa din pong tangkilikin itong story ko. Tsaka sorry po kung medyo matagal po
ako mag-update ngayon. Babawi po ako pag hindi na masyadong busy. Thank youuu!
♡♡♡♡♡♡♡♡♡
-crypticknots

=================

Chapter XXIX: Venomous Birds

Nanginginig kong idinikit ang patalim sa kanyang pisngi. Shit. Kinain ko ata ang
mga sinabi ko kanina. Hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang makasakit o makapatay ng
tao. Kaya sinugatan ko na lamang ang pisngi niya.

"Aarrggghhhh!" malakas na sigaw nito at halos mapapikit sa hapdi. Napaatras ako ng


makitang tumayo siya. Nakahawak ang kanyang kamay sa kaliwa niyang pisngi na duguan
at matalim akong tinignan. "You!" pagkasabi niya noon ay agad akong kumaripas ng
takbo papunta sa phoenix. Nang makalapit ako sa ibon ay agad ko itong kinuha at
binuhat patakbo. Hah! Ako pa din ang nauna!

Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit na hindi ko naman alam kung saan ang patutunguhan
ko. Lumingon ako para tignan ang kamiyembro kong lalaki na hinahabol ako at ng
makita kong papalapit na siya sa akin ay mas lalo kong binilisan ang aking
pagtakbo.

"Where am I going?" I muttered to myself. Walang maaaring pagtaguan sa lugar na


'to. The phoenix squawked and looked at me, parang may nais siyang ipahiwatig.
Binitawan ko siya at malakas niyang ipinagaspas ang kanyang pakpak at lumipad.
Gusto niyang ituro sa akin ang direksyon!

Patakbo kong sinundan ang bawat direksyon na itinuturo niya sa akin. Lumingon ako
para tignan kung hinahabol pa ba ako ng kamiyembro kong lalaki at napahinga ako ng
maluwag ng makitang wala na siya. Binalik ko ang tingin ko sa daan at sa di
kalayuan ay may nakita akong isang malaking tent. May ibang tao pala dito bukod sa
amin?

Bumaba na ang phoenix mula sa paglipad. Tinignan ako nito bago pumasok sa loob ng
tent. "Sino kayang may-ari ng tent na

iyan?" Tanong ko sa sarili. Mga ilang minuto pa akong nakapirmi sa kinatatayuan ko,
iniisip kung papasok ba ako sa loob o hindi. Hanggang sa nakarinig ako ng isang
malakas na tawa ng babae.

"I swear kung nakita mo lang kung gaano sila kadesperado para makuha ang Phoenix,
matatawa ka talaga!" I became intrigued to what I heard so I decided to go inside
the tent.

Doon ko nakita ang isang babae na nakatayo na tawa ng tawa at isang lalaki na
nakahiga. Tinignan ako ng babae na nakangisi at pinagtaasan ko lang ito ng kilay.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid para hanapin ang phoenix pero bigo akong
makita ito. Asan na yung ibon?

"Wala dito ang hinahanap mo." sabi nung babae na hindi pa din matigil sa kakangisi.

"Asan yung ibon? Saan niyo tinago?"matigas ang boses kong sinabi. Hindi nila ako
maloloko.
"Wala nga dito." sagot pa nito.

"Wag niyo na akong lokohin. Nakita ko ang phoenix na pumasok dito." sabi ko.

Nagtaka ako ng biglang nagpaikot-ikot ang babae sa kinatatayuan niya. Ano bang
ginagawa niya? Papabilis ng papabilis ang kanyang pag-ikot hanggang sa isang iglap,
nawala na lang bigla ang babae at lumitaw ang phoenix sa kaninang kinatatayuan ng
babae. The bird squawked as if it's mocking me and looked at me intently.
Pagkatapos ay ipinagaspas nito ang pakpak niya at nagpaikot ikot din sa taas
hanggang sa nakita ko ang anyo ng babae. What the hell was that?!

"I-ikaw ang pheonix??" nagtataka kong itinanong sa babae na ikinatawa naman nito.

"No, silly." she answered, ridiculed. "My ability

is animal imitation. Kaya kong magpalit ng anyo ng iba't-ibang hayop."

That made my jaw dropped. Ibig sabihin hindi pala talaga siya ang totoong phoenix?
Napakuyom ang kamao ko at bigla nalang kumulo ang dugo ko. Pagkatapos ay sinugod ko
siya at kiniwelyuhan.

"H-hey! Stop, bitch." nagulat na sinabi nito.

"Akala mo nakakatuwa yung ginawa mo, ha?! Muntik na kaming magpatayan ng kasamahan
ko ng dahil sa lintek na pagpapanggap mo!"nanggagalaiti kong sinabi.

"Brix, what the fuck are you doing?! Awatin mo siya!" she said, reffering to the
guy who's sleeping.

Tamad naman itong tumayo at naiinis pang kumamot sa ulo nito. Pagkatapos ay lumapit
ito sa akin at malakas akong itinulak papalayo sa babae. "Diba sabi ko sayo, wag
kang manghihingi ng tulong sakin kung dahil lang naman lang naman iyan sa mga
kagaguhang pinaggagagawa mo?" naiinis nitong pinagalitan ang babae. Inirapan lang
nito ang lalaki at tinignan ako.

"Dapat nga pinasalamatan niya lang ako eh! Dahil sa ginawa ko nalaman niya na
traydor ang kasama niya." the girl said while looking at me.

Traydor nga ba ang kasamahan ko dahil ginawa niya iyon? Nakalimutan ko na hindi
lang pala ito basta misyon kundi kompetisyon din. Oo nga, magkakagrupo kami pero sa
loob-loob namin, kalaban ang turingan namin sa isa't-isa. Walang kaibi-kaibigan
kapag ang ibon na ang pinag-uusapan. Kaya nga kapag may namamatay na kasamahan
namin, imbes na malulungkot pa ang ibang kong kagrupo ay mukhang natutuwa pa sila.
Dahil kukonti ng kukonti ang magiging kaagaw.

"Ah miss, ano bang pangalan

mo?" nagising ang diwa ko ng kausapin ako ng lalaki.

"Astrid.." alanganin ko namang sinabi.

"Ahh. Ako nga pala si Brix, at ito namang kasama ko ay si Zoe. " naglahad ito ng
kamay sa akin at tinanggap ko naman. Tumingin ako sa babae na nagngangalang Zoe at
sabay lang naming itinaas ang aming mga kilay.

"Anong ginagawa niyo dito? Tsaka sang lugar kayo galing?" tanong niya.

"Obvious naman eh, hinahanap din nila ang Phoenix." sabi ng babae at pumunta sa
kanilang maliit na lamesa at nagtimpla ng tsaa.
"Tama siya. At sa bansang Pierda kami nanggaling"sagot ko. "Eh kayo, saan kayo
galing?"

"Sa Riweih country." sagot nito. Lumapit siya sa kay Zoe para tanggapin ang
iniaabot sa kanya na kape. "Timpalahan mo din si Astrid." utos nitosa kanya.

"Eto na nga." sagot naman nito saka ako tinignan at iniabot ang tasa ng kape.

"Salamat." sabi ko pagkaabot sa kape.

"Ano yun?" napalingon kami kay Brix na nakasilip pala sa labas ng tent. Sabay naman
kaming lumapit ni Zoe papunta kay Brix na lumabas na ng tent. Halos naging madilim
ang buong kalangitan sa di kalayuan dahil sa isang lupon ng maiitim na ibon ang nag
liliparan.

"Anong klaseng ibon ang mga iyan?" Tanong ni Zoe.

Walang umimik sa amin at tinignan lang ang ibon na lumilipad papunta sa amin.
Napasinghap ako ng makita ang Paradox group na nagtatakbuhan papunta din sa gawi
namin.

"Teka, mga kasamahan ko iyan ah." sambit ko. Ang ilang kasamahan ko ay nakatakip
ang mga kamay sa kanilang mga ulo. Nakita ko namang nahuhuli

si Captain Conrad na pinapatamaan ng mga yelo ang mga ibon.

Binitawan ko ang tasang hawak ko at nagsimulang tumakbo papunta sa kanila. "Hoy,


saan ka pupunta?!" rinig kong sigaw sa akin ni Brix pero hinayaan ko lang iyon at
patuloy na tumakbo papunta kila Captain Grey.

"Anong nangyayari?!" taranta kong tanong kila captain Akiko ng makarating ako sa
kanila.

"Bakit ka pa tumakbo papunta sa amin? Delikado! Those birds are venomous! Kapag
natuka ka nila ay agad kang mamamatay!" saad ni Captain Akiko na natataranta din sa
pagtakbo.

Liningon ko ang mga kasamahan ko at nakita ko ang isa kong kagrupong babae na
nadapa. Huminto ako at muling tumakbo papunta sa kanya pero huli na ang lahat.
Nagulat na lang ako ng bigla siyang inilipad ng malaking itim na ibon habang sakmal
sakmal ng tuka nito ang kanyang leeg. Pagkatapos nitong tukain ang kagrupo ko ay
inihulog nalang siya nito basta basta sa buhanginan.

"She's dead." napalingon ako ng marinig si Fritz sa tabi ko at hinigit nito ang
braso ko. "Tara na!" sambit niya at nagsimula na kaming tumakbo ulit.

Nakita kong nagsitakbuhan na din sina Brix at Zoe ng makalapit kami sa kanila.
"Anong ibon yung mga yun?!" tanong ni Brix sa amin na kasabay din namin sa
pagtakbo.

"Hindi namin alam!" sagot ni captain Conrad.

"Paano natin mapapaalis iyang mga yan?!" muling tanong ni Brix.

"Ano kaya kung gamitin mo yung ability mo, Brix?" Saad naman ni Zoe.

"Yeah, right." sagot nito saka huminto sa pagtakbo. Humarap ito sa isang lupon ng
mga ibon. Itinaas niyang ang kanyang mga kamay sa langit at biglang may lumabas na
electricity sa kanyang mga kamay. Ang mga kuryente na dumadaloy mula sa kanyang mga
kamay ay lumalakas at ipinapatama niya sa mga ibon. Huminto din si Captain Conrad
para tulungan si Brix at naglabas ulit ito ng mga yelo at ipinatama sa mga ibon.

Matapos ang ilang minuto ay nagsibagsakan din ang halos isang daang ibon sa
buhanginan. Nakita kong napahinga ng malalim ang pawis na pawis na si Brix habang
iwiniwisik nito ang kanyang mga kamay at agad naman siyang niyakap ni Zoe. Lahat
kami ay napahinga ng maluwag at nagsihintuan na sa pagtakbo.

=================

Chapter XXX: The Fight

"Mabuti at napatay natin, akala ko tayo na ang mamamatay eh." Brix said while
laughing nervously.

"Yeah, thanks dude! If you weren't here ay malamang ganun na nga ang nangyari sa
amin." saad naman ni Captain Conrad at naglahad ng kamay kay Brix upang
makipagshake hands.

"Nga pala, my name's Brix at ito namang kasama ko ay si Zoe."sambit ni Brix at saka
tinanggap ang kamay ni Captain Conrad. Silang dalawa ni Zoe ay isa-isang nakipag-
kamay kina Captain Akiko at Grey, pati na rin sa iba naming kagrupo.

"Isn't it cool? We've found new friends! May nakilala din tayong mga matitinong tao
dito." namamangha namang sinabi ni Zoe.

"Ano bang tingin mo sa mga tao dito, mga baliw?" Captain Akiko said nonchalantly,
but I hint a mockery in her tone.

"Well, sort of. Halos lahat ng mapuntahan naming tribo ay gusto kaming patayin."

"Baka naman kasi hindi niyo sila nirerespeto kaya ganun ang ginagawa nila sa inyo."

"Oh-ow." rinig kong sabi ng isa kong kagrupo. Halos lahat kami ay nakaramdam ng
tensyon sa dalawa. Halata namang ayaw ni Captain Akiko kina Brix at Zoe at mukhang
wala siyang balak na itago ito. Samantalang si Zoe naman ay parang cool lang, hindi
ko mawari kung hindi niya ba nahahalata na ganun na ang trato sa kanya ni Captain o
baka naman ay hindi niya lang talaga ito pinapansin.

"Ano nga palang sadya niyo dito sa isla? Tsaka bakit andito din kayo sa Arah
Desert?" singit naman ni Captain Grey para mabawasan ang tensyon na nabubuo.

"Well, katulad ninyo ang pakay din namin ay ang phoenix. Dito kami

pansamantalang namalagi sa disyertong ito dahil dito lang kami safe. Katulad nga ng
sinabi ni Zoe kanina ay halos patayin na kami ng mga tribong napuntahan namin. Kaya
mas pinili na lang naming manirahan dito ng ilang araw." paliwanag ni Brix.

"Ah ganun ba?" tangi na lamang naisagot ni Captain Grey. Bakas sa mukha ng mga
kagrupo ko ang pag-aalala. May bago na namang kaagaw. Yun siguro ang iniisip nila
ngayon.

"Kailangan kasi namin ang phoenix para sa school research. Zoe is the journalist of
our school at ako naman ang photo journalist." ipinakita ni Brix ang I.D. niya na
may nakaindicate na photojournalist at ang school nila na National Riweih
University. "Pwede ba kaming sumama nalang sa inyo?" dugtong na sabi nito.

Napatingin ako sa buong grupo ngunit walang umiimik sa mga ito. Ang tatlong
captains naman ay parang nagdadalawang isip pa kung papayag ba o hindi. Hindi ko
din alam kung magandang ideya ba na isama sila sa amin pero mukha naman silang
mabait. Pero anong malay ko...

"Hindi naman kami magiging pabigat sa inyo eh, please. Mababaliw na kaming dalawa
ni Brix dito kapag wala kaming kasama." pagmamakaawa naman ni Zoe na hinarap pa
mismo si Captain Conrad at magkadaop ang dalawang kamay niya na animo'y nagdadasal.

Matagal bago sumagot si captain Conrad ngunit kalaunan ay pumayag din ito. "Tutal
tinulungan niyo naman kami kanina, sige payag na kami."

"What?! No, Conrad! Anong malay natin, may masamang binabalak pala sila. Baka
nakakalimutan mo, kaagaw din natin sila sa pagkuha ng Phoenix!" saad ni captain

Akiko na hindi makapaniwala sa ginawa ni captain Conrad.

"They won't." sambit naman ni Grey. Pagkatapos ay bumaling ito sa dalawa, "hindi
niyo naman kukunin ang Phoenix, right?"

"Hindi. Nais lang naming kumuha ng mga impormasyon ukol dito at kukuha lang kami ng
ilang larawan." sagot naman ng dalawa.

"See? They won't. Sa atin pa din mapupunta ang phoenix."

"Oh my gosh." captain Akiko said in frustration at napairap pa. "How can you be so
sure about that?" tangi niya na lamang nasabi at napailing na naglakad palayo.

"Hayaan niyo na siya. Pagpasensiyahan niyo sana, masyado lang kasi niyang inaalala
ang kapakanan ng grupo." saad nalang ni captain Conrad kina Brix at Zoe na para
bang natakot sa inasal ni captain Akiko.

"Ayos lang. Ano nga palang balak niyo ngayon? Are you gonna stay here?" tanong ni
Zoe.

"No, we gotta get moving. Sobrang layo natin sa Mt. Shibu- ang tirahan ng phoenix."
sagot ni Grey.

"He's right. Hindi na tayo pwedeng magtagal dito." pagsang-ayon naman ni captain
Conrad.

"Paano niyo naman nalaman? Bakit parang kabisado niyo na ang lugar?" Brix said out
of curiosity.

"Well, not exactly. May mapa kasi kami, at tsaka matagal na kaming nagpapabalik-
balik dito sa Enrocho." paliwanag ni captain Conrad.

"Would you mind if we ask why?"

"It's a long story. Pwede ko namang ikwento pero mas maganda siguro kung magsimula
na tayong maglakbay ngayon para hindi na tayo abutin pa ng gabi."

Nagtanguan naman kami at binitbit na ang mga iilang

gamit namin at nagsimula na kaming maglakad kasama sina Brix at Zoe. Sa palagay ko
ay hindi magiging tahimik ang buong paglalakbay namin ngayon dahil panay ang
kwentuhan nina Brix at captain Conrad. Maganda ito kung ganoon, para naman
magkaroon ng konting kasiyahan at hindi namin maramdaman ang pagod at init na
nararamdaman namin.

"Hey." napalingon ako sa katabi kong si Grey. Kanina pa kasi walang nag-iimikan sa
amin. Katulad nga ng sinabi ko noon sa sarili ko, iiwasan ko na siya. Alam kong
mahirap lalo na't hindi naman talaga maiiwasan na magkausap kami lalo na kapag
tungkol sa misyon at tsaka magkagrupo kami. Pero susubukan ko na hanggang doon
nalang dapat ang mangyari. Dahil yun naman ang dapat.

"Are you okay?" nag-aalala niyang itinanong sa akin.

"She's okay, bro." nagulat naman ako nang biglang sumabat si Fritz na nasa likuran
pala namin. Seryoso ang kanyang mukha at walang bakas na emosyon ang makikita dito.
"Mas hindi nga nagiging okay kapag andyan ka eh." dugtong pa nito na ikinainis ko.
Fuck, ano bang gustong mangyari ng lalaking ito at nakikisabat pa sa amin?!

"I'm not talking to you, Fritz. I'm talking to her. Kailan ka pa niya naging
spokesperson?" irita namang saad ni Grey. Naghintuan tuloy ang ilan naming kagrupo
ng maramdaman ang tensyon na binubuo ng dalawa.

"Eh ikaw, daig mo pa ang boyfriend sa pagbunot sa kanya ah. Boyfriend ka ba niya?"
pataw niyang sinabi. Then he smirked, a sign of mockery.

"I'm just protecting her. Ano namang pakialam mo?" rinig ko sa boses ni Grey ang
pagtitimpi.

"Don't

treat Astrid as a child, Grey." Fritz said, emphasizing his name. Para bang
pinapamukha niya na "ano ngayon kung mas matanda ka?" "Kaya niyang kumilos ng hindi
ka nakabuntot sa kanya."

"Tama na, Fritz." sabi ko at pumagitna sa kanilang dalawa. Humarap ako kay Fritz at
naiinis siyang tinignan.

"So siya pa ang kinakampihan mo ngayon?" hindi makapaniwalan saad ni Fritz. Fuck,
ano bang problema niya?

"Wala akong kinakampihan. Ikaw naman kasi ang nagsimula." I said, trying to compose
myself.

Natawa naman siya sa sinabi ko. Pagkatapos ay matama niya akong tinignan. All I see
in his eyes was coldness that made me shiver. "Ang sabihin mo, gusto mo din siya.
You like flirting with him kaya hinahayaa-" hindi na niya natapos ang sasabihin
niya ng walang anu-ano'y sinapak siya ni Grey.

Napakurap ako ng ilang segundo ng dahil sa nangayari. Sa isang iglap ay


nagsasalitan na sila ng mga suntok. Nakita kong mas namumuro na ng suntok sa
katawan si captain Grey at si Fritz naman ay parang wala lang sa kanya ang mga
suntok na ibinibigay sa kanya. Oo nga pala, may enhanced strength siya kaya sa
sitwasyong ito ay talo si Grey.

Walang umaawat sa kanila. Sinubukan man ng dalawang Captain ay wala ding nangyari
dahil ayaw talaga nilang magpaawat. Shit. What am I doing?! Bakit nakatayo lang ako
dito?! I mentally slapped my face because of my stupidity.

Nang makita kong ibinalibag ni Fritz si Grey na halos hinang-hina na ay doon ako
kumuha ng tiyempo para umawat. Hinarangan ko si Grey at galit kong tinignan ang
ganun pa ding walang emosyong mukha ni Fritz. "Alis." sabi niya sa akin ng may
tonong pagbabanta.

"Sige. Gawin mo." matigas kong sinabi at nanghahamon kong tinignan ang kanyang mga
mata.

Ilang segundo kaming nagtitigan at sa huli ay nanginginig niyang ibinaba ang


kanyang kamao na animo'y manununtok. Pero hindi pa din siya bumibitaw sa pagtitig.
"Alam mo.." panimula kong sinabi. "Kung hindi lang dahil sa utang na loob ko sa
papa mo, hindi na sana kita pinayagang sumama dito eh. Ilang beses na kitang
pinagbibigyan sa mga katarantaduhan mo, Fritz. Pero isang-isa na lang..."

Pagkasabi ko nito ay agad akong bumaling kay Grey para alalayan siyang tumayo.
Pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad ulit. Hindi ko na muling tinignan si
Fritz kaya hindi ko alam kung anong naging reaksyon niya sa sinabi ko. Alam ko na
naging harsh ako sa ginawa ko, pero iyon lang ang naisip kong paraan para tumigil
siya.

=================

Chapter XXXI: Kleht District

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sobrang pagod at uhaw gaya ng ginagawa ng iba
kong kasamahan. Halos maghahapon na at ganun pa din ang sitwasyon namin. Naglalakad
pa din kami sa Arah desert at hindi ko alam kung kailan pa kami makakaalis ito.
Ubos na ang mga baon naming tubig kaya halos lahat kami ay manghina dahil sa halos
anim na oras na kaming hindi nakakainom. Samahan pa ng tirik na tirik na araw.

Binawian ng buhay ang isa pa naming kasamahan, yung lalaking nagtangkang pumatay sa
akin kanina. Lingid sa aming kaalaman na natuka pala siya ng itim na ibon sa
kanyang batok. Mababaw lang naman kaya nakatagal pa siya ng ilang oras pero dahil
nga sobrang tapang ng lason, kumalat pa din ito sa buo niyang katawan.

"Huwag kayong mag-alala, konting tiis nalang. Malapit na tayo." pampalakas loob na
sinabi ni captain Akiko. Katabi niya si captain Conrad na panay ang tingin sa mapa
at sa compass na nagtuturo sa amin ng direksyon papalabas ng disyerto.

"Tara.."sambit ni captain Conrad at nagsimula na ulit sa paglalakad. Hinang-hina


man ay pinilit pa din naming maglakad at sumunod sa kanya. Wala nang nagsasalita
dahil pagod na sa kakareklamo, sa tuwi kasing ibinubuka namin ang aming mga bibig
ay mas lalong naunuyo ang aming mga lalamunan.

Ilang minuto pang paglalakad at lalo na naming mas nararamdaman ang sobrang pagod.
Ang isa naming kagrupong babae ay nahimatay na dahil sa sobrang pagkadehydrate at
hindi na ako magtataka kung may ilan

pa kaming kagrupo na susunod. Maski ako ay nanghihina na at gusto ng bumagsak ng


katawan ko pero sa tingin ko ay kaya ko pa namang tiisin.
"T-totoo ba yung nakikita ko?" nanghihinang sinabi ni Zoe. Agad kaming napatingin
sa direksyon na kanyang tinitignan at doon namin nakita sa di kalayuan ang dalawang
kamelyo at dalawng lalaki na tig-isang nakasakay dito.

"O-oo. Manghingi tayo ng tulong." pagkumpirma ni captain Conrad.

Nagmadali kaming naglakad para maabutan ang dalawang lalaki habang nanghihina
naming isinisigaw ang "tulong!" upang matawag ang kanilang pansin. Agad namang
napatingin sa amin ang dalawa at dali-dali nila kaming pinuntahan.

"Anong nangyari sa inyo? Saan ba kayo nanggaling??" nag-aalalang itinanon ng isang


matandang lalaki nang makalapit kami sa isa't-isa.

Hindi na nagawang magpaliwanag ni captain Conrad at ang tangi na lamang lumabas sa


kanyang bibig ay ang mga salitang, "Maaari niyo po ba kaming tulungan at patuluyin
sa inyo kahit isang araw lang po, tsaka na ho namin ipapaliwanag ang lahat."

Hindi muna sumagot ang dalawang matandang lalaki at nagtinginan pa sila na para
bang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Kalaunan ay sumagot din ang isa, "O
sige, kaya niyo pa bang maglakad? Medyo malapit naman na tayo sa distritong Kleht.
Iyon ang malapit na bayan dito."

Agad kaming tumango at hindi na nag-aksaya ng oras at sumunod na sa kanila. Mahigit


kalahating oras ang nilakbay namin at natunton din namin ang di kalakihang bayan.
Ang mga bahay dito na gawa sa mga

bato ay halos magkakadikit. Makikita mo na sa halos bahay ay may mga kamelyo sa


labas, iyon lamang siguro ang nagsisilbi nilang transportasyon. Mukhang simple lang
din ang pamumuhay ng mga tao dito.

Nang makapasok kami sa mismong bayan ay nakailang liko pa kami bago namin marating
ang sinasabi ng dalawa na bahay nila. Magkapatid pala sila na nangngangalang Allan
at Frollo at nakatira sa iisang bahay kasama ng kani-kanilang pamilya. Hindi daw
sila ganun kayaman kaya nanghingi pa ng abiso kung ang maabutan daw naming bahay ay
di kalakihan at kung hindi pa daw nila kami mapapakain ng masasarap na pagkain.

"Wala na po iyon sa amin, Ginoong Frollo at Ginoong Allan. Kailangan lang po talaga
namin ng saglit na mapapahingahan." sabi ni captain Conrad.
"Tubig lang po ays na samin. Uhaw na uhaw na kami eh." sabi naman ng isa naming
kasamahang lalaki.

Katulad nga ng sinabi ng dalawang matanda. Hindi kalakihang bahay na gawa sa bato
ang nadatnan namin. Agad namang sinalubong ng isang babaeng buntis na may karga
karga pang sanggol ang dalawa.

"Sino ang mga iyan?" rinig naming sinabi nito kay G. Frollo.

"Pansamantala muna silang makikituloy dito. Mga naligaw sila sa Arah desert." sagot
naman ni G. Frollo

"Anong ipapakain natin sa kanila, Frollo? Ni wala na nga tayong makain dito
pagkatapos ay nagsama pa kayo ng palamunin!"

"Itikom mo nga yang bibig mo, Rosa! Mahiya ka naman. Pansamantala lang naman silang
makikituloy, ano ba naman kung tulungan natin sila." Dahil sa pagkahiya at
pagkainis ay patabog na pumasok

ang buntis sa loob ng bahay.

"Pagpasensyahan niyo ah, buntis kasi eh." sabi naman ni G. Allan.

"Sige, pumasok na kayo sa loob at nang makapagpahinga kayo." sabi ni G. Frollo.


Agad naman kaming nagsipasukan sa loob at nanghingi agad ng maiinom.

Pinadiretso naman nila kami agad sa hapagkainan at agad na pinaghandaan ng pagkain.


Mabuti nalang at ganitong klase ng mga tao ang nahingan namin ng tulong. Grabe nga
ang pasasalamat namin sa kanila dahil parang nailigtas na din nila ang mga buhay
namin.

"Kumain na kayo para makapagpahinga na tayo." sambit ni captain Conrad ng maihanda


na ang mga pagkain. "Maaga nating lilisanin ang lugar na ito."

Nagsimula na kaming magsilagay ng mga pagkain sa aming mga plato at ang iba ay
nagsikain na. "Teka, ba't parang kulang tayo. Sinong nawawala?" rinig kong sabi ni
captain Akiko.
"Bakit? Hindi ba may namatay tayong dalawang miyembro? Anim na miyembro nalang
meron tayo ngayon." saad naman ni captain Grey.

Inilibot ko naman ang mata ko sa buong grupo para alamin kung sino nga ang wala.
Bigla namang kumabog ang dibdib ko ng mapagtanto kung sino iyon. Shit.

"Alam ko na, si Fritz ang nawawala!" Aniya ng isa naming kagrupo. Mas lalong
kumabog ang dibdib ko sa pagkumpirma niyang wala nga siya.

"Wala bang nakakita sa inyo kung asan siya??" tanong ni captain Conrad. Nakita kong
tinignan niya bawat isa ang aming kagrupo at nagsiilingan ang mga ito. Ng ako na
ang kanyang titignan ay agad akong yumuko at nagpatuloy sa pagkain.

"Baka andyan lang yun. Diba lagi namang yung ganun, nawawala nalang na parang bula
tapos mamaya makikita mo andyan na." sana nga ganun lang ang mangyari katulad ng
sinabi ng isa kong kagrupo.

Oo nga naman. Madalas naman siyang ganon na umaalis pero bumabalik din. Pero hindi
ko lang talaga maiwasang isipin ang kutob ko. Sana hindi siya umalis dahil sa mga
sinabi ko. Alam kong nasaktan siya at naiinis ako dahil hindi ko man lang pinag-
isipan ang mga sinabi ko kanina. Responsibilidad ko pa din si Fritz dahil
ipinakiusap siya sakin ng kanyang ama kaya hindi pwedeng mawalan ako ng pake. Asan
ka ba kasi Fritz?

=================

Chapter XXXII: Precognition

Halos ilang oras lang ang tulog ko kakaisip kay Fritz. Nag-aalala ako? siyempre.
Hanggang ngayon wala pa siya. Sino bang hindi mag-aalala? Bahagya na lamang akong
napatayo mula sa lapag na kinahihigaan ko at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Halos
patingkayad akong naglakad para hindi matapakan ang mga kagrupo ko na nagsisiksikan
sa lapag at mahihimbing na natutulog.

Ilang oras nalang ay titirik na naman ang araw, at kailangan na naman naming
umalis. Napabuntong-hininga na naman ako at napailing ng maisip na naman siya.
Napagisip-isip ko nalang na lumabas para magpahangin at baka sakaling mawala ang
bumabagabag sa isip ko.
Diri-diretso kong tinungo ang labas at nagulat ako ng makita sina Zoe at Brix.
Halata din na nagulat ang dalawa at para bang kinakabahan pa ang mga ito. "K-kanina
ka pa ba andyan?" bakas pa din ang pagkagulat sa mukha ni Brix ng magtanong sa
akin.

Napakunot ang noo ko sa tanong niya bago sumagot, "Hindi naman, bakit?"

"W-wala naman." sabi naman ni Zoe. "Nagpapahangin lang kami ni Brix dito. Ang init
kasi sa loob eh, tsaka hindi din kami makatulog dahil siksikan."

"Ahh.." tangi ko nalang nasabi at umupo sa upuang kahoy katabi nila.

"Ikaw, bakit ang aga mong magising?"tanong naman sa akin ni Brix.

"Ganun din. Nagpapahangin." sambit ko.

Tahimik lang kaming nakaupo at pinagmamasdan ang papaangat na araw sa langit.


Nakarinig na din kami ng mga taong nagsasalita sa loob, hudyat lang na gising na
sila.

"Oh, ang aga niyo ah."

saad ni captain Conrad ng makita kami sa labas. "Tara mag-almusal na tayo,


pagkatapos ay lalakad ulit tayo."

Tumayo naman kami mula sa kinauupuan at isa-isang pumasok sa loob. Nang ako na ang
papasok ay saglit akong pinigilan ni captain Conrad para kausapin. "Ano, hindi pa
ba nagpapakita yang si Fritz?"

Bumagsak naman ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Imbes na nakalimutan ko na ang
tungkol sa kanya ay nag-alala na naman tuloy ako. "Hindi pa nga eh. Asan na kayo
yun?" halos aligaga ko na ding sinabi.

"I really have no idea. But I just want to tell you that we're not gonna extend our
stay here just to wait for him to show up." sabi ni captain Conrad na mas lalo ko
namang ikinabahala.
Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lang. Wala naman akong magagawa dahil
captain siya at desisyon niya iyon. Hindi rin naman niya responsibilidad si Fritz
dahil ako lang naman ang responsable sa kanya kaya ako lang ang apektado. Ako lang
naman ang sisisihin ni President Mcewen kung may mangyaring masama sa anak niya.

Pagkapasok ko ay naligo na din ako at nagbihis gaya ng ibang ginagawa ng mga


kasamahan ko. Pinakain pa kami ng almusal nila G. Frollo at G. Allan bago kami
umalis. Pagkatapos ay inihatid din nila kami sa train station kung saan sasakay
kami doon papunta sa Mt. Shibu.

Nang makarating kami sa istasyon ng tren ay nagpasalamat at nagpaalam agad kami sa


mga nagpatuloy sa amin pagkuwa'y isa-isa na kaming pumasok sa loob.

"Hay salamat naman at may transportasyon

dito. Akala ko maglalakad na naman tayo eh." rinig kong sabi ng isa naming kagrupo
ng makapasok kami sa loob ng tren.

Luma na at kinakalawang ang tren na sinakyan namin. Rinig na rinig nga ang maingay
na tunog ng riles at gulong sa labas nang umandar na ang tren. Para bang gigiba ito
kapag dumami pa ang mga pasahero. Halos kami lang kasi ang nakasakay sa tren at
mayroong mga nasa sampung tao lang ata.

Nagsiupuan na anga iba ko pang mga kasamahan kasama na sina Brix at Zoe. Lumingon
muna ako sa labas ng tren bago tuluyang umupo sa bandang dulo ng tren. Napatingin
ako kay Grey na mataman akong tinitignan pero nilagpasan ko lang siya ng hindi
kumikibo. Matapos nung gulo na nangyari sa kanilang dalawa ni Fritz ay naging civil
na lang ang pakikitungo ko sa kanya. Wala akong galit kay Grey, katulad nga ng
sinabi ko noon ay mananatili na lang na ganito ang pakikitungo ko sakanya.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa labas ng tren. Baka kasi bigla na lang magpakita
si Fritz. Saan naman kaya siya maaaring magpunta? Maayos kaya ang kalagayan niya?
Ano kayang binabalak ng lalaking iyon?

Natigil ang paglipad ng utak ko ng makita ang isang batang babae, na sa tingin ko
ay mga nasa trese-anyos pa lang. Nakakunot ang noo nito at para bang bagot na bagot
itong naglalakad papunta sa akin. Pagkuwa'y sumalampak ito sa tabi ko na parang
hindi niya napansin ang presensya ko.

"Hay nako, napakamalas ko naman talaga, oo! Masisira pa ang sinakyan kong tren. Tsk
tsk." napailing na sinabi nito, para siyang matanda kung magsalita at umakto.
Napakunot naman ang noo

kong binaling ang tingin sa bintana. Paano niya naman nasabing masisira ang tren
na'to? Saglit akong natulala para isipin iyon at diretso naman akong napatingin sa
bata ng malaman ang dahilan. "You have a precognitive mind?" tanong ko na sa tonong
medyo pasalaysay. Yun lang naman kasi ang maaaring dahilan kaya nasabi niya iyon.

"Uh, yep." alanganin namang sagot nito. Nagtataka siguro siya kung bakit ko siya
biglang kinausap. "But I actually don't know if my precognition is true,
dinidevelop ko palang kasi ito eh. Kaya minsan may mga false precognitions ako." Oo
nga pala, ang mga taong pinanganak na may ability ay hindi agad agad nagagamit ng
buo ang kanilang power. Nadedevelop pa kasi ito habang tumatanda.

"Ordinary?" the girl said nonchalantly. Hindi ko alam kung insulto ba iyon o hindi
pero sumagot pa din ako ng "oo."

"Ahh, hindi kayo taga-dito, no?"

"Oo."

"Eh, anong ginagawa niyo dito?"

Hindi ko na siya sinagot at nanatili na lang na nakatuon ang tingin ko sa view.


Mahirap na baka pag tumingin ako sa mga mata niya ay malaman niya pa kung ano ang
mangyayari sa akin sa hinaharap. At hindi ko gustong malaman iyon. Ayoko dahil baka
mabago ang takbo ng buhay ko kung sakaling malaman ko.

Ilang minuto pa ng pagbabiyaheng tahimik ay nakaidlip din ako. Pero naudlot din ang
pagidlip ko ng makarinig ng mga ingay at naramdaman ko ang unti-unting paghinto ng
tren dahil sa gumagawa ito ng malakas na ingay.

"Yes! Tama na naman ako!" natutuwang sabi ng batang babae sa tabi ko. I scoffed.
Kung para sa kaniya ay magandang bagay iyon, sa amin hindi.

"Nakakainis naman, bakit ba lagi na lang tayong nagkakaaberya kapag naglalakbay


tayo? Ayaw ba talaga ng tadhana na makita natin ang phoenix?" kamot-ulong sinabi ng
isa kong kasamahan.
Napahawak ako sa kinauupuan ko ng maramdaman kong gumalaw ang tren. Shit, matutumba
ata ang tren na'to!

"Fuck, anong nangyayari?!" napatayong sinabi ni captain Conrad.

"Conrad, ano pang ginagawa natin dito?! Lumabas na tayo!" aligagang sinabi ni Grey
at patakbong tinungo ang pintuan ng tren. Nagsisunudan naman ang dalawa naming
captains.

"Shit. Ayaw bumukas!" rinig kong sinabi ni captain Grey habang pwersahan nilang
binubuksan ang pintuan. Naiislide lang kasi ang train door at automatic lang itong
nagsasara o bumubukas kapag may may mga taong lalabas o papasok. Pero mukhang pati
ata ito ay nasira na din.

Mas lalong lumalakas ang paggalaw ng tren at animo'y may lindol sa loob. Nagsimula
na ding magsigawan at magpanic ang Paradox members at ang iba pang pasahero. I
cursed and mentally slapped myself because of stupidity. Sinabi na sa akin ng bata
na mangyayari ito pero bakit ipinagsawalang-bahala ko lang?!

"Alam mo ba ang susunod na mangyayari?!" natataranta kong itinanong sa bata na


prente lang na nakaupo habang pinapanood kaming nagkakagulo.

"Uhm, oo."sabi nito na para bang hindi namomroblema. "May magliligtas naman sa atin
kaya wag na kayong magpanic." kampanteng sagot nito.

"Paano kung mali ang precognitions mo?" kunot-noo kong tinanong sa kanya.

Nakita ko ang biglaang pagkislap ng mga mata ng bata at sumilay pa ang ngiti sa
labi nito. "Tama ako. Andyan na siya oh!" ngiting tagumpay na sinabi nito.

=================

Chapter XXXIII: The Traitors

Agad kong nilingon ang direksyon na tinitignan ng bata para alamin kung sino ang
tinutukoy niya. Napasinghap ako ng makita kung sino iyon. "Fritz..." halos pabulong
kong sabi. Natutuwa ako dahil nagpakita na siya at hindi ako makapaniwala.

Lalong lumakas ang pag-uga ng tren kaya mas lalong nagsigawan ang mga tao sa loob.
Maski ako ay napatayo na sa kinauupuan ko at halos matumba ako nang tinangka kong
puntahan ang mga kasamahan ko. "Andiyan na si Fritz! Matutulungan niya tayo!"
malakas kong sabi para marinig nila.

Dali-dali naman nilang tinignan ang labas para makumpirma ang sinabi ko. Nakita
namin si Fritz na halos patakbong tinatahak ang tren na sinasakyan namin. Rinig ko
ang sabay sabay nilang pagbuntong hininga nang makalapit siya sa amin.

Napaatras kami nang marinig ang kalabog ng pinto ng tren mula sa labas. Pwersahan
nang binubuksan ni Fritz ang pintuan gamit ang ability niya at sa isang iglap lang
ay nasira na nga ito. Bumagsak ang kinakalawang na pintuan na mula sa bakal sa
sahig.

"Dali, labas na!"utos ni captain Conrad sa aming mga miyembro. Agad namang
nagsilabasan ang iba, kasama na ng iba pang mga pasahero. Hindi muna ako
nakipagsiksikan at pinuntahan ko nalang ang batang babae para ayain na ito palabas.

Nang makalabas kami ay agad na hinanap ng mata ko si Fritz. Nang matanaw ko siya ay
tumakbo ako papunta sa kanya at walang pasubali siyang niyakap. Hindi ko alam kung
bakit bigla nalang akong sumaya ng makita siya at nagkaroon ako ng ibang
pakiramdam.

"Pinag-alala mo ako ng sobra alam mo ba yun?" hindi ko na napigilang sabihin. Pero

imbes na sumagot ay nabigla ako ng hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at


mariing inilayo sa kanya.

Tinignan ko ang mga mata niya at wala akong nakitang anumang expression dito. Yung
hitsura niya ay parang nung una ko siyang nakita noon. Cold at nakakatakot. Ilang
segundo kaming nagtitigan pero siya din ang unang pumutol nito at nilagpasan ako na
para bang hindi niya ako nakikilala. Siguro galit pa rin siya sa akin. Siguro ako
ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang nawala.

"So wala tayong magagawa guys, iyang tren nalang sana ang pag-asa natin pero nasira
pa. Wala ng ibang transportasyon kaya lalakarin ulit natin." dismayadong sinabi ni
captain Akiko na ikinabagsak naman ng aming mga balikat.

"Tara na, wag na tayong magsayang ng oras. Aabutin na naman tayo ng gabi nito."
sabi naman ni captain Conrad na mukhang naubusan na din ng pasensya. Panay na din
kasi ang reklamo ng mga kasamahan ko pero wala naman na kaming magagawa kundi
lakarin ang daan patungo sa Mt. Shibu. Malamang kapag inabot kami ng gabi ay
makikituloy na naman kami sa isang bahay sa distritong mapaghihintuan namin.

-----

Katulad nga nang inaasahan, inabot na naman kami ng gabi sa paglalakbay. Pero sa
kasamaang palad ay wala kaming nadaanang distrito o kahit na mga tribo man lang.
Ang mahirap pa doon ay nasa kagubatan pa kami. Ito lang kasi ang tanging daan.

"Dito na muna siguro tayo magpahinga, Conrad. Hindi na kaya ng mga kasamahan
natin." hinihingal na sinabi ni captain Grey. Halos wala kasi kaming pahinga at
hinto sa paglalakad dahil hindi kami pinapayagan

ni captain Conrad. Bigla na lang siyang naging pursigido ngayon at masyadong naging
seryoso.

Nakapamaywang kaming hinarap ni captain Conrad sabay nagpakawala ng buntong-


hininga. "O sige..." tangi lang nitong naisagot.
"Hay. Buti naman..." rinig kong sabi ng mga kagrupo ko at isa-isa nang
nagsisalampak sa damuhan.

"Brix, nagugutom na ako." parang batang sinabi ni Zoe sabay himas pa sa kanyang
tiyan.

"Guys, ano kaya kung humanap tayo ng makakain? Tutal gubat nasa gubat naman tayo
eh, baka may mga makuha tayo." suhestiyon ni Brix sa Paradox group. "Ano, wala bang
gustong sumama sa amin?" Sunod na tanong nito ng makitang wala man lang sumang-ayon
sa kanya. Halos lahat sila ay pagod at ang iba pa ay diretso nang nakatulog.

"Ako na lang..." pagprisinta ko. Wala naman kasi akong magawa kaya sasama na lang
ako.

"Good, tara na." Tumayo na ako at sumunod kila Brix at Zoe na naglalakad na palayo.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng mapagtantong lakad lang kami ng lakad.

Lumingon naman sa akin ang dalawa at sabay na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit
nagdala sa akin ito nang nakakakilabot na pakiramdam. "May nakita akong ilog doon,
oh. Isda na lang ang kainin natin." aniya ni Brix.

Nagsimula muli silang maglakad kaya sumunod na lang ulit ako. Bakit ganun? May
kakaiba akong nararamdaman? Parang may mangyayaring hindi maganda? Napailing na
lang ako dahil sa naisip. Baka nasisiraan na ako ng loob.

"Tara na, Astrid. Tulungan mo na kaming manghuli ng isda." bumalik ako sa huwisyo
ng marinig si Brix na nagsalita.

Nandito

na pala kami sa ilog. Nakita ko sila ni Zoe na nakalusong na sa tubig at


nagsisimula nang maghanap ng isda. Marahan akong naglakad at dahan-dahang inilusong
ang mga paa. Tinatantya ko kasi kung hanggang saan ang tubig, pero hanggang baywang
lang naman pala ito. Bigla na lang akong napayaka sa sarili ko ng makaramdam ng
ginaw. Sobrang lamig ng tubig at medyo malakas pa ang ihip ng hangin.

Nagsimula na akong maghanap ng isda. Mataman kong inaaninag kung may gumagalaw sa
tubig. Sinumulan ko na ding ilublob ang dalawa kong kamay at pilit na kumapa.
Napalingon naman ako sa dalawa pero wala na sila sa kaninang pwesto nila. Nasa lupa
na si Zoe at nakita ko naman si Brix na naglalakad papalapit sa akin.

"Anong ginagawa si Zoe doon? May nahuli na ba kayong isda?" nagsimula nang kumabog
ang dibdib ko. Naguguluhan ako sa nangyayari.

Imbes na sumagot ay ngumiti lang sa akin si Brix. Ngiting nakakatakot. Napaatras


ako ng malamang malapit na siya sa akin. Shit. Kapag nagpatuloy pa ako sa pag-atras
ay mapupunta na ako sa bandang malalim.

"Anong binabalak niyo?" lakas-loob kong sinabi. Alam ko na. Tama nga si captain
Akiko. Hindi sila mga kaibigan kundi mga kalaban din.

Mas lumawak ang ngiti nito pagkatapos ay inilubog ang dalawa niyang kamay sa tubig.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi! Walang anu-ano'y may bigla na lang dumaloy na
kuryente sa katawan ko.

"Ahhhhhhh!!!!" habang tumatagal ay lalong lumalakas ang kuryenteng pumapasok sa


akin at halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Namamanhid na ang buong
katawan ko at naginginig na ako, hindi dahil sa lamig ng tubig kundi dahil sa
kuryenteng pumapasok sa akin.

Dali-dali siyang pumunta sa akin at walang anu-ano'y hinawakan ang leeg ko ng


dalawa niyang kamay. Kahit halos namamanhid na ako ay pinilit ko pa ding iangat ang
dalawa kong kamay para alisin ang pagkakasakal niya sa akin.

"Bilisan mo, Brix. Tapusin mo na yan! Baka pumunta na sila dito!" rinig kong sigaw
ni Zoe.

Dahil sa sinabi niya ay mas lalong hinigpitan ni Brix ang pagkakasakal niya sa akin
at unti-unti na akong hindi nakakahinga. Pagkatapos ay buong pwersa niya akong
inilublob sa tubig. Fuck. Katapusan ko na ba ito?

Muli ulit siyag naglabas ng kuryente sa kamay niya at diretso itong dumaloy sa leeg
ko patungo sa buo kong katawan. Pilit kong nilalabanan ang sarili ko na mawalan ng
malay gamit ang natitira kong lakas. Hindi ako pwedeng mamatay.

Hindi..

Hindi...

Hindi...

=================

Chapter XXXIV: She Died

Third Person's POV

Nang masigurado na ni Brix na tuluyan na ngang hindi gumagalaw at humihinga si


Astrid ay binuhat niya na ito papaalis ng ilog.

"O ano nang gagawin natin sa babaeng 'to?" saad ni Brix nang makalapit kay Zoe
habang buhat-buhat ang walang malay at namumutlang si Astrid.

Nakitaan ng lalaki ng pagkainis ang babae at nakapamaywang pang sinabi, "Ano pa edi
itapon mo, dapat nga hindi mo na kinuha yan sa ilog eh. Dapat hinayaan mo nalang
siyang mangamoy tsaka mabulok!" mapaklang sinabi nito.

Wala namang reklamong sinunod ni Brix ang ipinag-utos sa kanya ni Zoe. Marahan
niyang ibinaba ang basang-basang katawan ni Astrid sa bandang matinik at madamong
parte ng kagubatan. Pagkatapos ay nagbunot pa siya ng ilang mga talahib para takpan
ang katawan ng babae para siguradong walang makakakita dito. Habang ginagawa niya
ang kanyang trabaho ay iniiwasan niya ang mapatingin sa maamong mukha ni Astrid.
Hindi niya maatim na makita ang hitsura nito dahil binabagabag siya ng kanyang
konsensya.

"Ang bagal mo naman, Brix! Pabayaan mo na yan diyan!" muli na namang umalingawngaw
sa kagubatan ang reklamo ni Zoe.

"Maghantay ka nga! Eh kung tumulong ka kaya!" naiinis nang sinabi ni Brix.


Pagkatapos ng kanyang ginagawa ay naglakad na siya sa kinaroroonan ni Zoe na
nakapamaywang pa din.

"Anong sasabihin natin sa kanila?" sabi ni Brix na hindi maitago ang kaba.
"Sabihin natin na may mga tribong umatake sa atin. Ganun lang kasimple! Nako naman,
Brix! Bakit ba kinakabahan ka diyan?!"

"Bakit, sino bang hindi?!

Pumatay tayo ng inosenteng tao, Zoe! At hindi lang isa ang papatayin natin, lahat
ng mga kasamahan ni Astrid liligpitin natin!"

Aligagang nagpalakad-lakad si Brix habang sinasabunutan ang kanyang sarili dahil sa


inis, kaba at takot. Dahil sa ginagawa niya ay nakaramdam na din ng pagkatakot ang
kasama niyang si Zoe. Marahan siyang lumapit sa balisang si Brix at hinawakan ang
magkabilaang balikat nito sabay iniharap sa kanya.

"Kailangan natin itong gawin. Wag mong isipin ang iba, Brix. Buhay natin ang isipin
mo. Kapag nalaman nilang nandito din tayo para kuhanin ang Phoenix ay malamang sa
malamang, papatayin din nila tayo!" paliwanag ni Zoe kay Brix. "Kaya mas mabuti
nang unahan natin sila.."

Ilang minuto pa ang nakalipas ay kumalma na din ang dalawa at naisipan nang ituloy
ang plano. Tinakbo nila ang daan pabalik sa Paradox group at nadatnan nila ang
ilang kasamahan na natutulog ngunit ang tatlong captains kasama na ni Fritz ay
gising na gising pa at para bang inaantay talaga sila. Nagtinginan muna sila
pagkatapos ay nagsimula na sa kanilang pag-arte. Napatayo naman ang apat nang
makita ang kanilang kalagayan.

"Anong nangyari sa inyo?! Asan si Astrid?!" unang nagsalita ang captain na si Grey.

Napatukod sa magkabilang tuhod ang dalawa at hinihingal-hingal pa. Ang mga luha
naman ni Zoe ay nagsimula ng maglabasan sa kanyang mga mata. "H-habang naghahanap
kami ng m-makakain... b-bigla na lang may u-umatake sa amin.." umiiyak na sinabi ni
Zoe.

"Ano?!" naisambit ng apat.

"Hindi namin alam kung anong tribo iyong nagpakita sa amin,

pero matatapang sila! Muntik na nga kaming mamatay pero buti nalang ay nagawa
naming makatakas." pagpapaliwanag naman ng nanginginig na si Brix.

"T-teka? Paanong- Asan si Astrid?!" nag-aalalang tanong ni Grey. Napakuyom ang


palad nito at napapikit nang pumasok sa kanyang isip ang maaaring nangyari kay
Astrid.

"P-patay na siya..." mahinang sambit ng dalawa.

Nanlaki ang mga mata nila Conrad nang marinig ang sinabi ng dalawa at lahat sila ay
hindi agad nakapagsalita.

"T-totoo ba yung sinabi niyo?" hindi makapaniwalang sambit ni Fritz na naikuyon din
ang kamao. Napailing ito na para bang ayaw paniwalaan ang narinig.

"T-totoo. Pinatay nila si Astrid at kinuha para ipang-alay."

"Bakit?!" umalingawngaw ang sigaw ni Grey sa buong paligid. Dahilan para magising
ang lahat ng miyembro na natutulog. "Bakit ninyo siya pinabayaang kuhanin?! Bakit
niyo sa hinayaang mamatay?!" galit na galit niyang sinabi pagkatapos ay sinugod ang
dalawa. Dahil sa galit na nadarama nito ay mahigpit niyang kinwelyuhan si Brix.
"Nagkakamali ka. Ginawa namin ang lahat para mailigtas siya ngunit sadyang
malalakas talaga sila! Kapag pinilit pa namin siyang kuhanin sa kanila ay baka kami
naman ang mapahamak!" agad namang sagot ni Brix na halatang takot na takot.

Hind pa rin binitawan ni Grey ang kanyang pagkakahawak sa kwelyo ni Brix kaya naman
nagsimula nang umawat ang dalawang Captains.

"Tama na, Grey. Huminahon ka." pilit na pinapakalma ni Akiko si Grey nang maawat
nila ito. Marahan niyang hinimas himas ang likod nito para maibsan

ang galit at kumalma.

"Balikan natin siya." walang anu-ano'y naisambit nito. Napakunot naman ang noo nila
Conrad dahil sa sinabi ni Grey. "Puntahan natin ang tribo at kuhanin natin si
Astrid..." kalaunan ay sinabi nito ng mapagtantong hindi naintindihan ng kanyang
mga kasamahan ang nais niyang sabihin.

Saglit na natahimik ang lahat na para bang hindi makapaniwala sa ibinigkas nito.
Isang tawa naman ni Conrad ang bumasag sa panandaliang katahimikan. "Nasisiraan ka
na ba, Grey?! Bakit natin gagawin iyon? Mapapahamak tayo sa iniisip mo!"

"Patay na si Astrid, Grey! Kahit puntahan pa natin siya doon ay wala na tayong
magagawa para mabuhay siya!" gatong pa ni Akiko na siyang nagpasakit sa kalooban ni
Grey. Hindi ito makapaniwala sa nangyari.

"Mabuti pa umalis na tayo dito. Mukhang may nakakita samin sa tribo na tumakas kami
kaya baka matunton pa nila tayo dito." singit naman ni Zoe sa usapan upang magbigay
ng babala.

"Hindi. Hindi ako papayag na basta-basta na lang nating hahayaan si Astrid sa kamay
ng tribong iyon. Hindi ako naniniwalang patay pa siya." pagmamatigas ni Grey na
siya namang ikinagalit ng dalawang captains.

"At anong gusto mo? Makita siyang harap harapan na duguan? At wala ng malay, ganoon
ba? At pagkatapos ay ikaw naman ang susunod?" sabi ni captain Conrad na halos
nauubusan na ng pasensya. Hindi kasi nito gusto ang inaakto ng co-captain niyang si
Grey.

"Tama na, Grey. Tanggapin mo nalang ang totoo at magpatuloy na tayo sa


paglakbay.."sambit na lamang ni captain Akiko.

Saglit na ipinikit ni Grey ang kanyang mga mata para kumalma. Pero hindi niya yata
kayang gawin iyon. Nang makadilat siya ay nakita ng grupo ang mga luhang nagbabadya
sa kanyang mga mata. At parang wala na itong buhay nang kunin ang kanyang sariling
gamit at matamlay na sumunod sa mga kasamahang naglalakad na papaalis ng kagubatan.

Samantala, lingid sa kanilang kaalaman na nawala na naman pala si Fritz sa grupo.


Yun pala ay tinungo na nitong mag-isa ang kaloob-looban ng kagubatan kung saan
nagpunta kanina ang dalawa kasama si Astrid. May kutob si Fritz na hindi pa siya
patay. At para malaman kung totoo nga ang sinabi ng dalawa ay kailangan niyang
tuntunin ang tribo para masaksihan mismo ng kanyang mga mata ang katotohanan.

Nakakuyom pa din ang mga palad ni Fritz na animo'y nagpipigil. Naging mabagsik at
nakakatakot ang hitsura nito. Ngunit sa loob ng kanyang puso ay nadagdagan na naman
ang kanyang sakit na nadarama. Hindi siya makapapayag na muli na naman siyang
mawawalan ng taong mahal niya sa buhay. Gusto niyang ipaghiganti si Astrid at wala
siyang pake kung hanggang kamatayan man niya ito.

Para saan pa ang silbi ko dito kung hindi ko naman nailigtas ang mahal ko? Mas
mabuti nang mamatay na din ako kung maipaghihiganti ko naman siya...

=================

Chapter XXXV: With Him

"Kamusta ka na? Alam ko, malapit ka na sa misyon mo." nakangiting sinabi ng batang
lalaki sa akin. Nananaginip na naman ako. "Pero paano naman ang mga clues na
ibinigay ko sayo? Alam mo na ba ang ibig sabihin nung mga salitang iyon?"dugtong
niya na ang ipinapatungkol ay ang mga salitang binigay sa akin ng phoenix sa aking
panaginip.

Marahan akong sumunod sa batang lalaki na seryosong naglalakad papunta sa isang


ilog. Nang makalapit kami doon ay sinulyapan ko ang repleksyon ko sa malinaw na
tubig. Tinignan ko ang buong katawan ko ngunit wala naman akong kagalos galos at
mukhang hindi naman ako nalunod at nakuryente. Ganito kaya ang histura ko pag
gising ko?

Teka... "Kailangan ko nang gumising, baka kung ano nang nangyayari sa akin sa
realidad!" natataranta kong saad. Ano kayang nangyayari sa akin ngayon sa totoong
buhay? Iniwan ba nila ang katawan kong nakalutang sa ilog? Nananaginip lang ako
kaya ibig sabihin nito ay buhay pa ako.

"Sige, sa susunod na pagkikita. Mag-iingat ka na sa susunod..." sabi ng bata at


nagsimula na lang itong naglakad papalayo habang kumakaway. Nang tuluyan na siyang
mawala sa aking paningin ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa hitsura ko sa
salamin.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang buong paligid ng mga ilang minuto. Pagkatapos ay
idinilat ko na ang aking mga mata. Doon tumambad sa akin ang mukha ni Fritz na
mariing pinupunasan ang aking mukha ng maliit na basang tela.

Mataman ko lang siyang tinitignan habang seryoso niyang sunod na pinunasan ang
aking braso at mukhang hindi man lang niya napansing gising na ako. "F-fritz..."
sambit

ko sa malapaos na boses. Akala ko hindi niya ako narinig ngunit agad naman siyang
napatingin sa akin. Ang kaninang walang ekspresiyon niyang mukha ay biglang
nagliwanag. Napangiti tuloy ako...

"Astrid..." sambit niya sa pangalan ko na hindi ko alam kung bakit napalundag


nalang basta ang puso ko nang marinig ang boses niya. "Salamat at nagising ka din."
rinig ko sa boses niya ang pag-asa. Siguro inakala niyang patay na talaga ako.
Akala ko rin katapusan ko na pero napakaswerte ko talaga dahil binigyan pa ako ng
pagkakataong mabuhay.

I smiled weakly. Pagkatapos ay bahagya akong umupo mula sa kinahihigaan ko.


Napamura ako ng mapagtantong hindi ko pa gaanong maigalaw ang dalawa kong binti at
parang namamanhid pa ito. Agad namang lumapit sa akin si Fritz upang alalayan ako.

"Kaya mo ba? H'wag mo munang pilitin, baka mas lalong lumala ang pakiramdam mo."
pagsuway niya sa akin na para bang mas matanda siya sa akin kung umasta. I mentally
scoffed because of his expression. Mataman ko siyang tinignan sa mata ngunit bigla
naman siyang umiwas. What's up with him and why is he acting weird right now?

"Asan ang mga tribong kumuha sayo? Akala ko ginawa ka nilang pang-alay pero nakita
lang kitang nakahandusay sa matinik at madamong parte ng kagubatang ito." pag-iiba
ng usapan ni Fritz na siya namang nakuha ang atensyon ko.

"A-anong tribo? Walang kumuhang tribo sa akin, Fritz." naguguluhan kong sabi. Saan
niya naman nakuha ang ideyang iyon. Saglit akong nag-isip at biglang pumasok sa
isip ko ang tunay na nangyari

kagabi.

"Sabi nila Brix inatake daw kayo ng mababagsik na tribo. Napatay ka daw nila at
kinuha upang ipang-alay. Mabuti na lang at hindi ako agad naniwala at bumalik dito
para hanapin ka.."

"Hindi yun ang totoo! Sila ang nagtangkang pumatay sa akin!" hindi ako
makapaniwalang may masama pala talaga silang balak sa amin. Sana nga sinunod na
lang namin ang sinabi sa amin ni Captain Akiko. Napakasama nila...

"Ano?!" bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi rin siguro siya makapaniwalang
traydor sina Brix at Zoe. "Sinasabi ko na nga ba. Kaya pala kakaiba ang mga
kinikilos nila."

"Asan na ang Paradox group??" agad kong naitanong nang bigla kong naalala. Nilibot
ko ang tingin ko sa buong paligid at nakita kong nasa kagubatan pa kami ngunit
kaming dalawa lang ang nandito. Asan ang iba?

Tumikhim siyan saglit bago ako tuluyang sagutin, "Umalis na sila, Astrid."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ano?! Bakit? Hindi man lang ba nila ako
sinubukang hanapin??" sumikip ang dibdib ko.

"Sabi kasi nung dalawang hayop na iyon, patay ka na at ang akala nga namin ay may
tribong aatake din sa amin. Kaya napagpasyahan nila Conrad na umalis na.." Si Grey,
ano kayang reaksiyon niya? Naisip man lang ba niya akong hanapin at alamin kung
patay na nga talaga ako? Hindi ko agad napansing may nagbabadya na palang mga luha
sa mga mata ko kaya hindi ko ito agad napunasan nang nagsituluan

ang mga ito.

Masakit palang maramdaman na parang hindi ka naman mahalaga. Parang naging isa lang
ako sa mga namatay naming kagrupo noon na basta na lang naming iniwan kung saan ito
namatay. Nakalimutan kong kompetisyon nga pala ito. Mas uunahin mo talagang isipin
ang sarili mong buhay kaysa sa iba.

Mataman akong napatingin kay Fritz na marahang pinupunasan ang mga luhang
bumabagsak sa mga mata ko. "... Eh ikaw.." aniya ko. Nagtataka naman niyang
iniangat ang ulo niya para tignan ako. "Bakit andito ka? Bakit mo'ko pinuntahan?
Bakit hindi ka sumama sa kanila?" sunud-sunod kong itinanong.

Mukhang nabato siya sa kanyang posisyon. Iniwas na naman niya ang kanyang tingin sa
akin at para bang nahihirapan siyang sagutin ang mga tanong ko. "Sira ka ba? Bakit
naman ako sasama sa kanila eh sayo lang naman ako binilin ng ama ko? Ikaw lang
naman ang dahilan kung bakit ako nandito eh kaya malamang hahanapin talaga kita."

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napayakap sa kanya. "Thank you, Fritz.
Kung hindi mo siguro ako hinanap ay baka tuluyan na nga akong namatay dito."
naramdaman ko ang marahang paghimas niya sa aking likod. Napapikit ako ng dahil sa
ginagawa niya. Ang sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko ligtas ako..

Kahit gusto ko pang tagalan ang pagyayakapan namin ay pinilit ko pa ding labanan
ang sarili ko kaya agad din akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. Sakto namang
nagtama ang aming mga mata. Don't look away, Fritz. Hindi niya naman inalis ang
pagkakatitig niya sa akin hindi kagaya ng ginawa niya kanina.

"G-galit ka pa ba sa akin?" hindi ko naiwasang maitanong. Paano niya pa ako


nagawang iligtas matapos ang mga masasakit na sinabi ko sa kanya noon? Gusto kong
malaman...

"Oo." bigla naman siyang bumalik sa pagiging cold. Pagkuwa'y tumayo na siya sa at
nagsimulang maglakad papalayo sa akin. "Kapag magaling ka na, asahan mong mag-iiba
na ang pagtrato ko sayo.." at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Hindi ko alam kung
bakit noong narinig ko iyon ay imbes na malungkot ay napangiti pa ako. Nag-aalala
pa din siya sa akin..

------

Dedicated to miss IamtheOrangeRoyalty :D

=================

Chapter XXXVI: Sorry

Matapos ang isang araw naming pamamalagi ay napagisip-isip namin ni Fritz na


ipagpatuloy na ang aming paglalakbay. Noong una ay ayaw niya pang pumayag dahil
baka hindi pa maayos ang kalagayan ko pero mabuti na lang at nakumbinsi ko din
siya. Hindi ko alam kung ano nang plano namin ngayon at kung saan ba kami patungo
pero hindi pa din kami nakakalabas sa kagubatan hanggang ngayon. Wala pa naman
kaming mapa.

"Fritz, kausapin mo naman ako!" halos kinakapos ang hininga ko nang sinabi iyon.

Naiinis na ako. Simula kanina pa walang nag-iimikan sa aming dalawa at sobrang


nakakabingi na ang katahimikan. Nang sinubukan ko namang magsalita ay wala man lang
siyang pagtugon kaya nagmumukha lang akong tanga dito na para bang kinakausap lang
ang sarili ko. Ito na ba yung sinasabi niyang pag-iiba ng kanyang pagtrato sa akin?

Napabuntong-hininga ako nang huminto siya at liningon ako. Muli ko na namang nakita
ang kanyang mukha na walang emosyon. "Ano bang problema mo?" naiirita niyang
sambit. Inirapan niya pa ako at napahawi sa kanyang medyo humahaba ng buhok na
nakaharang sa kanyang noo. Para bang nababagot ito.

"Kinakausap kasi kita kanina pa pero hindi ka naman sumasagot!" hindi ko na


napigilang pagtaasan siya ng boses. Nagsimula ng kumulo ang dugo ko at kapag hindi
niya pa tinigilan 'tong kagaguhan niya ay magngingitngit na talaga ako sa galit.

"Fuck. H'wag mo 'kong sigawan. Naririnig kita." sabi niya na para bang nagtitimpi.
At ano?! Siya pa ang may ganang magalit ngayon?!
Sa sobrang pagkainis ay dali-dali akong lumapit

sa kanya at tinulak siya pero mukhang hindi naman siya natinag sa kinatatayuan
niya. "Sana hindi mo nalang ako pinuntahan kung ganito lang din naman pala ang
itatrato mo sakin! Sana hindi mo nalang ako niligtas! Sana hindi ka nalang
nagpakita!" sunod-sunod kong sinabi habang malakas ko siyang hinahampas na
sinasalag niya naman gamit ang kanyang mga braso.

Nang makakuha siya ng pagkakataon ay mariin niyang hinawakan ang aking mga kamay
para mapigilan ako sa paghampas sa kanya. Lakas loob kong tinignan ang kanyang mga
mata na sa palagay ko'y nag-aapoy na sa galit.

"Ganyan ka ba talaga?!" bakas sa boses niya ang galit. Siguro ay napuno na talaga
siya sa akin. Pero siya naman ang may kasalanan eh.. "Lagi mo ba talagang
ipapamukha sa akin na sana wala ako dito?! Ayaw mo ba talaga sa akin, ha?" Nakita
ko ang pinaghalong galit at kalungkutan sa kanyang mga mata. Bakit niya naman
naisip na ayoko sa kanya? Ayoko nga ba?

Napayuko ako nang makaramdam ng pagod. Nakakapagod pala ang pakikipag-away sa


lalaking ito na sobrang tigas ng ulo. Huminga ako ng malalim at pinakalma muna ang
sarili ko bago magsalita. "Mabuti pa sigurong wag na tayo magsama, Fritz..." sabi
ko sa pagod na boses.

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Ano?" tanong niya na para bang hindi
naintindihan ang sinabi ko.

"Ang ibig kong sabihin, magkanya-kanya na tayo. Maglalakbay na akong mag-isa at


ikaw... bahala ka na sa buhay mo o kung anong gusto mong gawin." mariing
pagpapaliwanag ko. Muli kong nakita ang kalungkutan sa kanyang mga mata ngunit
nawala din ito kaagad.

"Kaya mo?"

tanong niya sa naghahamong tono. Sa unang pagkakataon ngayon araw ay nakita ko din
siyang ngumisi. Tignan mo ang isang 'to. Kanina lang ay galit, ngayon naman ay
naging pilyo. Hindi ko na ata matatagalan ang lalaking 'to.

"Kaya ko." buong loob kong sinabi. "I'm not a damsel in distress, Fritz. Kaya ko
ang sarili ko."

Pagkasabi ko noon ay sinadya ko siyang banggain at nagsimula ng maglakad palayo.


Narinig ko naman ang kanyang pilyong tawa pero hindi ko nalang ito pinansin at
taas-noo pa din akong naglalakad papalayo sa kanya. Akala niya siguro ay nagbibiro
ako.

Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad ngunit nabato ako sa kinatatayuan ko ng


makita ang isang malaking tigre na nakaharang sa daraanan ko at para bang
inaabangan ako nito. Kitang-kita sa mata ng hayop na ito ang pagkatakam at samahan
pa na naglalaway ang malaking bunganga nito. Kitang-kita ko din ang matatalas na
ngipin nito.

"Ano, kaya mo?" napalingon ako sa nagsalitang si Fritz na tumatawa tawa pa. Prente
itong nakasandal sa puno at naaaliw akong pinapanood nito na para bang nasa isa
akong palabas. Fuck! Anong gagawin ko?

Hindi ko magawang makapagsalita dahil baka pag ginawa ko iyon ay mas lalo kong
maudyok ang tigre na lumapit sa akin. Ni hindi nga ako makagalaw sa puwesto ko
dahil baka sakmalin ako nito. Mataman akong tinignan ng tigre at nagpalakad lakad
papaikot sa akin. What am I gonna do now?

Napaatras ako nang nagsimulang maglakad papalapit sa akin ang tigre. Halos pigilan
ko na ang paghinga ko dahil sa sobrang paghaharumentado ng puso ko. "F-Fritz..." oh
fuck! Did I just call

his name? Parang gusto ko nalang talagang magpakain sa tigre sa kahihiyan.

"Now look who's asking for help." He said in a playful voice.

"I'm not asking for your help!"agad ko namang depensa.

"Oh, come on." aniya nito at marahang tumawa. "Just say the magic word, Astrid."

"Ano namang magic word pinagsasabi mo?!" muli na naman akong nakaramdam ng
pagkairita. Nagagawa niya pa talagang magbiro sa ganito kadelikadong sitwasyon?!

"Say "I'm sorry, Fritz. I won't fight you again and I will keep my mouth shut.

Promise.""

"Tangina, huwag mo akong pinaglalaruan, Fritz. Hindi na ako natutuwa." may halo ng
pagbabanta ang boses ko. Pilit kong itinatago ang kaba at takot na nararamdaman ko
dahil dahil mukhang konting-konti nalang talaga ay susugurin na talaga ako ng
tigre.

Muli ko na namang narinig ang nakakapikon niyang tawa. "Sabagay, ang haba nga pala
masyado nun. Ito nalang... just say "baby".."

"What the fuck, Fritz! Are you for real right now?! Mamamatay na ako dito oh!"

"Just say it!"

"Ayoko!" Bakit ko naman sasabihin iyon?! That's ridiculous.

"Bahala ka." Lumingon ako sa kanya at nakita kong naglalakad na siya palayo. Fuck!
Seryoso nga siya.

"B-baby..." mariin akong napapikit ng sinabi ko iyon. Shit.shit.shit. Walang ibang


pumapasok sa isip ko kung hindi mura.

"Damn! Don't you ever say that word again!" napakunot ang noo ko ng bigla niya
itong sinabi. Sinabi niyang sabihin ko tapos ngayong sinabi ko ay magagalit siya.
Napakabipolar!

"Bakit? Eh sabi mo eh!"

"Fuck, because it's giving me orgasm!" What the-

Mumurahin ko pa sana siya ng bigla nalang tuluyang tumakbo ang tigre papunta sa
akin. Nagpakawala ako ng malakas na sigaw nang makita ang hayop na handa na akong
sakmalin. Napapikit ako sa sobrang takot pero mabuti nalang ay naagapan ako ni
Fritz.

"Tumabi ka, Astrid." utos niya sa akin na agad ko namang sinunod.

Tuluyan na nga siyang nakipagsagupaan sa tigre. Mabuti nalang ay mayroon siyang


dalawang daggers na nagagamit bilang pandepensa. Nasugatan niya na ng madaming
beses ang tigre pero dahil sa ginagawa niya ay lalo itong tumatapang at nagiging
mabagsik. Pero hindi din nagpapatalo si Fritz. Mas lumalakas ang enerhiyang
inilalabas niya sa kanyang katawan. Napasinghap pa ako ng walang anu-ano'y binuhat
niya ang tigre at malakas na ibinalibag. Tumama ang katawan ng tigre sa isang
malaking puno at sa sobrang lakas ng impact ay naputol din ang kalahati ng puno at
dali-daling bumagsak sa katawan ng tigre.

Hindi mababakas sa mukha ni Fritz ang kapaguran nang humarap siya sa akin.
Pagkaraa'y lumapit siya sa akin at hinigit ang baywang ko. Ako naman ay nanigas
dahil sa biglaang kilos na ginawa niya. "Sorry.." mahina niyang sambit.

"Huh? Para saan?" nagtataka kong tanong. Bakit siya pa itong nagsosorry gayong
iniligtas na nga niya ang buhay ko?

"For this.." nanlaki ang mga mata ko at tuluyan na nga akong nabato nang inilapat
niya ang labi niya sa labi ko sa pangalawang pagkakataon. Fuck, why are you doing
this, Fritz? Why are you making me feel something that I shouldn't have to?

=================

Chapter XXXVII: The Cursed

I bit my lip to stop myself from moaning. Nararamdaman kong bumababa na ang mga
halik ni Fritz papunta sa aking leeg. Fuck. Bakit hinahayaan ko lang siya na gawin
ito? I badly wanted to stop him but I couldn't help it. I hate to admit but it
feels so good when he's giving me kisses. Holy shit. Nahihibang ka na, Astrid!

"S-stop.." I muttered. Napapikit ako ng maramdamam ang kanyang mainit na hininga sa


aking leeg. Kung anu-ano na ang nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya. Umiikot ang
tiyan ko at para akong nakakaramdam ng kuryente sa aking buong katawan.
Naghaharumentado na din ang puso ko.

"Fritz.. stop." sabi ko sa pilit na buong boses. Gusto kong ipakita sa kanya na
hindi ko na nagugustuhan ang kanyang ginagawa pero alam kong nagsisinungaling lang
ako. "Alam mong mali ito..."

Napahinto siya sa kanyang paghalik at mariin akong tinignan. "Alam ko. Kaya nga ako
nagsorry, hindi ba?" sabi niya na para bang hindi nababahala.

"M-may boyfriend ako, Fritz." parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ang kapal
ng mukha kong sabihin iyon samantalang hinayaan ko lang siyang halik-halikan ako.
"What if I told you that I don't give a shit?" sabi niya habang tinitignan ako sa
mata. "I want you, Astrid. At wala akong pake kung sino man ang babanggain ko."
nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Totoo ba ang narinig ko? Hindi pwede! Bakit
niya ba ito ginagawa sa akin? Bakit ba napakatigas ng ulo niya?!

"Ayon sila oh!" napalingon kaming dalawa ni Fritz

sa direksyon ng nagsalita. Doon namin nakita ang isang batang lalaki na may kasa-
kasamang matandang babae. Agad naman akong hinarangan ni Fritz na para bang kalaban
ang tingin nila sa mga ito.

Nakita kong sumilay ang ngiti sa bibig ng matanda. "Kayo lang naman pala.." saad
nito. Marahan silang lumapit sa amin at kami naman ni Fritz ay umatras. "H'wag
kayong matakot. Hindi kami kaaway."

"F-fritz.. baka matulungan nila tayo." aniya ko. Mukha namang wala silang balak na
masama sa amin.

"P-paano kung nililinlang lang nila tayo?" He doubted.

"Ako si Dita. At ito naman ang apo ko, si Jehd." pagpapakilala nito. "Halikayo.
Maaari kayong tumuloy sa bahay namin." sabi ng matanda na nagngangalang Dita at
saka ngumiti. Pagkatapos ay tinignan kami na para bang nang-aaya at tumalikod na sa
amin.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kanila ngunit hinawakan ni Fritz ang braso
ko. Napatingin ako sa kanya at iniabot niya sa akin ang isa niyang dagger.
"Incase..." mahinang bulong niya. Agad naman akong tumango pahiwatig lang na
naintindihan ko ang nais niyang sabihin. Pagkaraa'y maingat kaming sumunod sa
dalawa.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay narating ay din namin ang sinasabi nilang
tirahan nila. Isa itong maliit na bahaykubo sa gitna ng kagubatan at mukhang silang
dalawa lang ata ang nakatira dito.

"Tuloy kayo.." sabi ng matanda at agad naman kamin pumasok. Unti-unti ding nawawala
ang aming kaba. "Jehd. Ipaghanda mo sila ng makakain."

"Opo." Agad namang tumalima ang


batang lalaki sa utos ng kanyang lola.

"Saan ba kayo nanggaling, mga iho't iha?" baling naman samin ng matanda nang mawala
na ang kanyang apo.

Nagtinginan muna kami ni Fritz bago sumagot. "Sa Pierda ho.." saad ko.

"Aba'y napakalayo naman ng inyong pinanggalingan! Ano ba ang dahilan at naglakbay


pa kayo sa malayong isla na ito??" sabi niya na may halong pagkagulat at pagtataka.

Muli kaming nagtinginan ni Fritz upang alamin kung sino ang sasagot o kung
sasagutin ba namin ang tanong. Mahigpit kasing ipinagbabawal sa amin na hindi namin
maaaring sabihin ang aming misyon sa mga taong magtatanong samin. Nasa rules iyon
ng Paradox group. Pero hindi naman na ako parte ng grupong iyon. Patay na ang
turing nila sa akin.

"Ang phoenix po ang pakay namin.." sabi ko.

"Ahh.." sabi nito na tila hindi nagulat. Siguro inaasahan niyang ito talaga ang
sadya ng mga dayuhang tulad namin dito.

"Bakit ba gustung-gusto ninyong makuha ang ibong iyon? Hindi ko maintindihan..."


sambit ng matanda na may ekspresyong naguguluhan sa mukha.

"Hindi niyo po ba alam na nakapagbibigay ng kapangyarihan at nakakagamot ng sakit


ang ibong iyon??" saad naman ni Fritz. Nakakapagtaka naman kung ganoon. Imposibleng
hindi niya iyon alam.

"Alam ko.. pero hindi iyon totoo." mariing sinabi nito na nakanakaw ng aming
atensyon.

"Nagkakamali po ata kayo.. madami nang nakapagsabi na totoong nakapagbibigay ng


kapangyarihan

o nakakagamot ang Phoenix gamit ang mga luha nito." Agad ko namang sabi.
Marahan naman itong natawa. Tawa na para bang kami pa itong mga walang alam kaysa
sa kanya. "Oo nga. Ngunit matagal na panahon na iyon. Noong nabubuhay pa ang Royal
Family."

Napakunot ang noo namin sa sinabi ng matanda. "Royal Family??" sabay naming sinabi
ni Fritz.

"Hayaan ninyong ikwento ko sa inyo ang mga nalalaman ko.." pagkuwa'y sinambit nito
at binigyan kami ng isang malawak na ngiti. Naglakad siya papunta sa amin at umupo
sa kahoy na upuan na nasa harapan namin.

"Ang pamilya namin ay halos dalawampung dekadang nagsilbi sa Alexander Family. Ang
kaisa-isang Royal Family dito sa Enrocho." bahagya pa itong tumingala at para bang
tumitingin sa kawalan.

"Teka, ano naman pong kinalaman nito sa phoenix??" nagtataka namang itinanong ni
Fritz.

"Nako, iho. Patapusin mo muna ako." nakakunot ang noong sinabi ng matanda dahil sa
pagkaudlot ng kanyang ala-ala. Hindi naman na kami nagsalita ni Fritz at muling
nakinig.

"Si king Hybrid at queen Fiona ay hindi magkaanak-anak. Labis ang kalungkutang
nadama ng dalawa nang malaman nilang hindi talaga sila maaaring magkaanak
kailanman. At dahil sa sobrang pagkadesperado ay humiling sila sa Enchantress, ang
pinakamakapangyarihan dito sa isla ng Enrocho, na pagkalooban sila ng anak."
tuluyang nakuha ng matanda ang atensyon naming dalawa dahil sa mga binanggit niya.

"Hindi mahirap pakiusapan ang Enchantress, agad niyang pinagbigyan ang kahilingan
ng dalawa dahil na rin siguro sa Royal Family sila. Ngunit sobrang nahirapan ito sa
pagbibigay ng anak. Ginamit na niya ang lahat ng spell na alam niya ngunit hindi
niya ito magawa ng perpekto..."

"Ano po ang nangyari? Hindi niya po ba nabigyan ng anak ang hari at reyna?" tanong
ko na punung-puno ng kuryosidad.

"Nabigyan." agad na sagot ni lola Dita. "Ngunit dahil hindi niya ito magawang
perpekto ay wala siyang nagawa kundi bigyan ito ng sumpa."
"Sumpa?" sabay naming sabi ni Fritz.

"Binigyan niya ng kakambal na sumpa ang sanggol. At iyon ang Phoenix.." pagkuwa'y
sagot nito.

=================

Chapter XXXVIII: The Book

"Ang Phoenix?!" gulat naming itinanong ni Fritz.

"Ngunit, papaanong nangyari iyon??"

"Nang ipinanganak ang sanggol na babae ay napag-alamang wala itong taglay na


anumang kapangyarihan. Ngunit ang kakambal nitong ibon na kasabay nitong lumabas
mula sa tiyan ni reyna Fiona ay mayroon."

"Ano? Tama ba ang narinig ko? Lumabas mula sa tiyan ng reyna ang phoenix?!" hindi
makapaniwalang saad ni Fritz. Habang tumatagal ay nagkakaroon na kami ng kaalaman
sa phoenix ngunit mas lalo naman kaming naguguluhan.

"Oo." sagot ni lola Dita. "Pero sa pagkakaalam ko, maipapasa ng phoenix ang
kapangyarihan nito sa Prinsesa kapag tumungtong na ito ng labing walong taon.
Ngunit sa kasamaang palad, namatay ng maaga ang prinsesa." malungkot na idinugtong
nito.

"Bakit po? Ano pong nangyari?"

"May mga rebelde noong panahon na namumuno ang Royal Family dahil hindi nila gusto
ang sistemang monarkiya. Gustung-gusto nilang mapabagsak ang Alexander Family
sapagkat gusto nilang sila ang mamuno. Kaya't bumuo sila ng grupo at inatake ang
palasyo."

"At iyon ang dahilan ng pagkamatay ng Royal Family ganoon po ba?" hula ni Fritz.
Mariin namang tumango ang matanda indikasyong tama ang hula niya.

"Eh ano pong nangyari sa phoenix?" tanong ko.


"Doon na ito nagsimulang mawala. At walang nakakaalam hanggang ngayon kung nasaan
ito." aniya ni lola Dita at muli na namang natulala na animo'y inaalala na naman
ang mga pangyayari.

"Pero

nakasaad po sa mapa na sa Mt. Shibu po ito naninirahan sa ngayon." saad ko. "Ibig
sabihin ba nito ay hindi totoo ang nakasaad sa mapa at gawa gawa lang?"

"Hindi ko masasabi. Maaaring kasama ito sa nakalagay sa treasure box ng Royal


Family kaya may posibilidad na totoo ito."

"Ano pong ibig ninyong sabihin??"

"Nilalaman ng treasure box ang mga alahas at kayamanan ng Alexander Family. Dito
din nila itinago ang librong sinulat ng Enchantress na pumapatangkol sa sumpa ng
sanggol. Nilalaman ng libro ang katotohanan sa phoenix at sa prinsesa. Makikita din
dito ang ilang mga sikreto tungkol sa phoenix na itinago ng Hari at Reyna." nang
sinabi iyon ni lola Dita ay diretso kami nitong tinignan.

Nang marinig ko ang lahat ng iyon ay may isang pumasok sa isip ko, "Alam niyo po ba
kung nasaan ang librong iyon?"

"Sa pagkakaalam ko ay nasa pangangalaga ito ng Valiente Group. Ang mga rebelde na
umatake sa palasyo. Sila ang kumuha ng mga kayamanan ng Alexander Family."
pagkuwa'y sinagot nito.

"Fritz, kailangan nating makuha ang librong iyon." baling ko kay Fritz na sa tingin
ko'y medyo naguguluhan pa din sa ikinwento ni lola Dita.

"Ano ka ba? Hindi mo ba naisip na maaari tayong mapahamak sa iniisip mo? Mga
rebelde ang mga iyon!"

"Pero iyon lang ang tangi nating paraan para malaman ang katotohanan. Paano kung
puro kasinungalingan lang pala ang lahat ng nalalaman natin tungkol sa phoenix?
Paano kung hindi naman pala talaga

nakakapagpagaling o nakakapagbigay ng kapangyarihan ang phoenix?" sabi ko. Paano


kung hindi naman pala totoo ang lahat at nagsasayang lang kami ng oras dito?
"Tutulungan ko kayo, pero dito muna kayo magpalipas ng gabi ngayon. Magpahinga muna
kayo dahil mukhang pagod na pagod pa kayo." sabi naman ng matanda.

Saktong pagkatapos ng aming pag-uusap ay dumating na ang apo ni lola Dita na si


Jehd na may dala-dala ng mga pagkain. Pinakain muna kami ni lola pagkatapos ay
hinayaan na kaming magpahinga. Nung kinagabihan ay nagkwento na naman siyan muli
tungkol sa Royal Family. Pero hindi naman na ito masyadong personal, kinwento niya
lang ang pamumuhay ng mga taga-Enrocho sa kamay ng Royal Family. Ang mga kinwento
niya ay nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit kapag
kinikwento sa akin ang mga pangyayari ni lola Dita ay may mga nag-aappear sa akin
ng mga eksenang tugmang-tugma sa mga kinikwento niya. At parang nagiging pamilyar
ang mga ito sa akin.

"Ano mga iho't iha, magpahinga na muna tayo sa ngayon. Ayos lang naman siguro sa
inyo na magkasama sa iisang kuwarto, hindi ba?" nakangiting sabi ng matanda at
iginaya kami sa kwarto na pansamantala naming pagtutulugan. Teka, ano kamo?
Magkasama ba kaming matutulog sa kwartong ito?!

"T-teka, hindi po ba pwedeng magkahiwalay kami ng pagtutulugan?" pag-aapila ko kay


lola Dita.

"So saan mo ako gustong matulog? Sa labas?" sabat naman ni Fritz sabay umirap pa.

"Ay bakit, hindi ba'y magkasintahan naman na kayo? Wala namang masama siguro kung
matutulog kayo sa iisang kuwarto." nagtatakang sinabi ni lola.

Nakita ko naman ang pilyong tawa ni Fritz. Nagulat ako ng bigla niya nalang akong
hinigit sa bewang at saka inakbayan. Peke naman akong tumawa sabay pasimpleng siko
sa tagiliran niya. Natawa naman ako ng mahina siyang napamura sa sakit. Buti nga
sayo!

"Osige na, matutulog na kami ha." sabi ni lola Dita at nagsimula nang pumasok sa
kanilan kwarto kasama ni Jehd.

"Tara na, babe." sabi ni Fritz at hinila pa ang kamay ko papasok sa loob.

"Anong sabi mo?!"


"Nasarapan ka no? Kaya gusto mong ulitin ko?" Patawa niya namang sinabi saka
ngumiting-aso. Nagpanting tuloy ang tenga ko sa narinig.

"Eh kung sapakin kaya kita? Umalis ka nga dito! Don ka sa labas matulog, leche!"
hinampas ko siya ng malakas sa braso at pilit na ipinagtulakan papalabas ng pinto.

Narinig ko na naman ang pilyo niyang tawa na nakakapikon. "Chill ka nga, ano ba
akala mong gagawin ko sayo? Mukha ba akong may balak na masama?"

"Oo, hindi katiwa-tiwala iyang pagmumukha mo eh!"

"Wow naman. Hindi mo ba alam na lahat ng babae sa Melbiya ay pinapangarap akong


makasama sa pagtulog? Ang swerte mo nga eh!" Aba! Ang kapal ng mukha!

"Hoy tigil-tigilan mo nga ako! Hindi ako katulad ng mga babae mo!" dinuro-duro ko
pa siya.

"Okay, okay. Lalabas na ako." sabi niya sabay kindat sa akin.

"Mabuti." sabi ko naman. Isasarado ko na sana ang pintuan kaso bigla niyang inipit
ang kanyang braso kaya dali-dali ko itong binuksan.

"Ano ba?!" asik ko sa kanya.

"Eh may nakalimutan ako eh!" reklamo nito sabay kamot sa kanyang ulo.

"Ano?"

"Ito oh." nagulat ako ng bigla niya na lang akong hinalikan. Fuck! Namumuro na siya
ah!

=================
Chapter XXXIX: Man in the Painting

Maaga kaming ginising ni lola Dita para mag-almusal at pagkatapos ay linisan na


namin ang tirahan nila. Sinamahan nila kami ng kanyang apo na pumunta sa Valier
district kung nasaan nakatira ang Valiente group. Kagaya nga ng sinabi ni lola Dita
ay tutulungan nila kami na makuha ang libro na pag-aari ng Royal Family. Hindi
namin alam kung magtatagumpay kami dahil sabi ni lola Dita ay malalakas sila at
mahigpit ang mga bantay nila sa bawat sulok ng kanilang teritoryo.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa Valier district ay sinasabi ni lola Dita
ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa Valiente group at siya ang nagbigay sa
amin ng plano para makuha ang libro. Hindi kasi kami maaaring makapasok sa loob o
kahit nga makatungtong sa labas ng kanilang distrito ay hindi pwede. Agad nilang
pinapatay ang makita nilang dayuhang umaaligid sa kanilang lugar. Sabi pa ni lola
Dita ay sobrang malakas at mahigpit daw ang kanilang pinuno na si Ziek II.

Nang makarating kami malapit sa kanilang teritoryo ay agad kaming naghanap ng


mapagtataguan. Nag-antay kami ng mangilan-ngilang gwardiya o alagad ng Valiente
group na dadaan sa pinagtataguan namin upang patayin. Sakto namang may dumaang
tatlong guwardiya at lakas-loob namin silang sinugod. Natagalan kami bago sila
mapatumba pero nagawa naman namin iyon. Kinuha namin ang mga uniporme nilang suot
at sinuot iyon para makapasok sa loob ng distrito.

"Alam niyo naman na siguro ang gagawin, hindi ba?" aniya ni lola Dita.

"Opo." sagot naman namin ni Fritz.

"O sige, tumuloy na kayo sa loob. Aantayin ko ang paglabas ninyo

dito." sabi ni lola Dita.

Tumango kami at nagsimula nang maglakad papasok ng distrito. Kabado kaming dalawa
ni Fritz ng pinagbuksan kami ng gate ng dalawang guwardiya na mukhang sinusuri pa
kung sino kami.

"Bago ba kayo?" mapanuring tanong ng isang gwardiya.

"Oo." agad namang sagot ni Fritz na nagagawa pang makipagtitigan sa dalawang


gwardiya samantalang ako nakayuko lamang.
"Saan naman kayo galing??" tanong pa ng isa.

"Sa labas. Inutusan lang kami ng pinuno." sagot ni Fritz.

Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil na sa pagtanong ang dalawa at pinapasok na


kami. Nagmadali naman kaming pumasok sa loob at agad tinunton ang palasyo ng pinuno
na nakapuwesto sa pinakadulo ng distrito. Tahimik kaming naglalakad at
pinapakiramdaman ang paligid. Nakakapanibago. Wala kaming makitang residente sa
labas ng kani-kanilang bahay. Ang tangi lang naming nakikita sa paligid ay mga
gwardiya at iba pang mukhang may posisyon sa distritong ito. Hindi ko alam na
ganito sila kahigpit.

"Ano nang gagawin natin?" pabulong kong tanong kay Fritz nang makatungtong kami sa
tapat ng palasyo.

"Magtago muna tayo, hintayin natin ang gagawin nila lola Dita." sagot niya

Marahan kaming tumakbo papunta sa likod ng palasyo. Doon namin balak pumasok sa
likod na pinto dahil wala namang nakabantay na gwardiya doon. Nang makarating kami
doon ay sakto naming narinig ang sunod-sunod na pagsabog. Iyon na ang signal.
Napag-alaman naming explosion manipulation ang kapangyarihan ni lola Dita at iyon
ang ginamit niya bilang signal. At kagaya nga nang inaasahan, lahat ng mga

gwardiya, pati na si Ziek II ay nagsilabasan upang alamin ang nangyari.

Nang mawala na ang mga tao sa loob ng palasyo ay mabilisan naming tinungo ang
pintuan at pumasok sa loob. Nalula ako sa sobrang laki ng palasyo. Napakataas ng
ceiling nito at sobrang luwang sa loob. Napatingin ako kay Fritz na nilioibot din
ang paningin sa kabuuan ng palasyo.

"Saan na tayo?" aligaga kong tanong sa kanya. Kailangan naming magmadali dahil
mbaka mamaya ay pumunta na ang pinuno at mga alagad niya dito.

"Iisa-isahin natin ang bawat kwarto." saad niya.

Wala na kaming sinayang na oras at agad kaming umakyat ng hagdanan papunta sa


pangalawang palapag ng palasyo. Napagpasyahan naming maghiwalay para mas mabilis
ang paghahanap. Pumunta ako sa kaliwang direksyon kung saan may limang pintuan.
Pagkatapos ay isa-isa ko agad itong tinunton. Nadismaya ako nang hindi ko mabuksan
ang dalawang magkasunod na pinto. Nakalock...
Hindi na ako nag-abalang gawan pa ng paraan upang mabuksan ito at dali-dali na
akong pumunta sa pangatlong kwarto. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o
madidismaya sa nadatnan. Isang malaking library ang kwartong ito! May malaking
tsana na makita ko ang librong iyon dito pero sa tingin ko sobrang mahihirapan ako.
Sana andito ang libro.

Napalunok muna ako pagkuwa'y naglakad na papunta sa unang bookshelf kung saan
nakasalansan ang mga libro. Ano bang hitsura ng librong iyon? Isa-isa kong binuklat
ang bawat librong mahawakan ko.

Nang sa tingin ko'y wala doon ang hinahanap ko ay lumipat na ako sa pangalawang
bookshelf. Tumungtong ako sa upuan para maabot ang mga nasa tuktok na mga libro.
Shit. Kailangan ko nang magmadali. Pahina na nang pahina ang mga pagputok na
naririnig ko sa labas. Baka napapagod na si lola Dita at nauubusan na siya ng
enerhiya.

"Hindi ito.."

"Hindi rin ito.." tsk. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

Bababa na sana ako sa upuang kinatatayuan ko pero nagulat ako ng bigla nalang itong
nagiba. Napakapit ako sa patungan ng mga libro pero dahil sa ginawa ko ay natumba
na rin ang buong bookshelf kasama ko. Fuck! Ang tanga tanga mo Astrid!

"Astrid!" narinig kong sigaw ni Fritz na gulat na gulat sa nakita. "Anong nangyari
sayo?!"

Lumapit siya papunta sa akin at tinulungan akong makaalis sa nakapatong na


bookshelf at mga libro sa akin. Halos hindi ako makatayo dahil sa sobrang sakit.
"Kaya mo ba?" nag-aalalang tanong ni Fritz habang inaalalayan akong makatayo.

"Oo.." tipid ko namang sagot. "Kamusta ang paghahanap mo?"

"Wala akong nakitang libro.." saad niya.

"Tulungan mo nalang akong maghanap dito." sabi ko saka nagsimula ulit magbuklat ng
mga libro na nagkalat sa sahig. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Fritz.
"Kailangan na nating umalis, Astrid. Paparating na sila Ziek at ang mga kasamahan
niya." babala niya. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa paghahanap ng libro.
Wala naman na siyang nagawa

kundi ang tulungan din ako.

"Ano ba ang hinahanap ninyo?" nagulat ako nang may marinig na ibang boses.
Napatingin ako kay Fritz na nagulat din sa narinig. Agad akong tumakbo papunta sa
kanya at pareho naming nilibot ang aming mga paningin sa buong library. Nakasarado
ang pinto at wala naman kaming nakita na ibang tao. O baka naman nagtatago lang?

"Nasayo pa ba yung dagger?" bulong ni Fritz sa akin. Tumango ako bilang sagot.

Nakarinig na naman kami ng boses. Boses na humahalakhak. Boses nung nagsalita din
kanina. "Hindi niyo ako mahanap, ano?" natutuwang sabi ng boses ng isang lalaki.

"Magpakita ka!" matapang na saad ni Fritz.

"Nagpapakita naman talaga ako. Ayaw lang akong lingunin.." sagot pa nito.

Agad kaming lumingon sa likuran namin. Pero wala pa din kaming nakita. Paulit-ulit
ko pang nilibot ang paningin ko doon hanggang sa may mapansin akong kakaiba. Dumapo
ang tingin ko sa isang painting na nakasabit sa dingding. Isang lalaking nakangiti
ang nasa painting. Kinilabutan ako nang tumawa ito. Holy sh-

"Ano, nakikita niyo na ako??" natatawang sinabi ng lalaki.

Kinusot ko pa ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala. Siya nga ang
nagsasalita! "P-paanong nangyaring nakakapagsalita ka?" nagtatakang tanong ko.

"Tao naman talaga ako." sabi nito. "Pero ikinulong ako ng enchantress sa painting
na ito."

"Enchantress?!" gulat kaming napatingin ni Fritz sa isa't-isa.


"Oo.. mahabang kuwento at ayoko nang balikan pa ang aking mga nakaraan." aniya niya
sa malungkot na boses. "Ano nga palang hinahanap ninyo dito?"

Saglit kaming nanahimik. Sasabihin ba namin ang pakay namin? Tumingin ako kay Fritz
na mukhang inaantay niya na ako ang sumagot. Kalaunan ay nagsalita din ako.
"Hinahanap namin ang libro na sinulat ng enchantress na pumapatungkol sa sumpa ng
royal princess."

Napalitan ng pagkalito at kuryosidad ang ekspresyon ng lalaki. "Wala na ang librong


iyon dito. May nauna nang kumuha nito sa inyo.."

=================

Chapter XL: Zaira

"Sino?!" Fritz and I said in chorus. Nagkatinginan pa kami sa pagkagulat at


pagkalito.

"Sa pagkakaalam ko, Paradox ata ang pangalang ng grupong pumunta dito.." the man
answered hesitantly. Marahan niyang hinimas ang kanyang baba at para bang nag-
iisip.

"Ang Paradox??!" muli naming sabay na binigkas ni Fritz. Paanong nalaman din nila?!
"Kailan po nila kinuha ang libro??" tanong ko.

"Ah, matagal-tagal na din. Sayang lang at naunahan nila kayo."

Napabuntong-hininga ako at bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya. Naunahan nila


kami. Malungkot at pagod kong tinignan si Fritz at sa tingin ko, pati siya ay
nadismaya sa nalaman. Bakit ang Paradox group pa?

"Nakausap niyo rin po ba sila? Alam niyo po ba kung saan ang susunod nilang
pupuntahan?"pagkuwa'y tanong ni Fritz sa lalaki.

Ngumiti naman nang malawak ang lalaki para pagaanin ang loob namin. "Narinig ko ang
usapan nila, didiretso na daw sila sa Mt. Shibu."
Bahagya akong tinignan ni Fritz saka nagsalita, "Umalis na tayo, Astrid. Pumunta na
lang din tayo sa Mt. Shibu..."

"Pero hindi natin malalaman ang katotohanan hangga't hindi natin nababasa ang
libro. Paano kung kasinungalingan lang naman pala ang lahat tungkol sa phoenix??"
unti-unti akong pinanghihinaan ng loob. Parang ayoko na. Gusto ko nang umuwi.

Marahang hinawakan ni Fritz ang kanang kamay ko at hinawi niya ang ilang hibla ng
buhok kong nakaharang sa aking pisngi. Napayuko tuloy ako sa inasta niya. Samahan
mo pa ang malalim niyang pagtitig

sa akin na para bang binabasa ang isipan ko. "Andito na din naman tayo eh. Tapusin
nalang natin kung ano ang sinimulan natin. Don't worry, Astrid. Kasama mo naman ako
eh.." tama siya. Andito naman na kami kaya mabuti pang tapusin nalang namin ito.
Marahan akong tumango bilang sagot.

"Tara na.." sambit ko saka nagpaalam na sa lalaking nasa painting.

"Sige. Mag-iingat kayo.." nakangiting sabi nito.

Nagsimula na kaming maglakad ni Fritz papunta sa pintuan. Nauna akong maglakad sa


kanya kaya ako na ang unang nakahawak ng door knob. Dahan-dahan ko itong pinihit at
binuksan. Inihakbang ko na ang isa kong paa palabas ngunit natigil ako nang makita
ang dalawang paa na nasa harapan ko. Napaangat ang tingin ko sa babae na may hawak-
hawak na espada at walang anu-ano'y itinutok sa akin. Napakaputi nito at hindi mo
mapagkakailang maganda siya. Napasinghap ako nang makita ang mga gwardiya na
nagsiakyat ng hagdanan at nagsimulang palibutan kami. Fuck! Napakamalas naman namin
ngayon.

"Z-zaira??.." napalingon ako nang magsalita si Fritz. Pinaghalong gulat at


pagtataka ang reaksyon niya na ikinakunot naman ng noo ko. Napansin ko ding
nakatitig siya sa babaeng nasa harapan namin kaya napatingin ako dito na ganun din
ang reaksyon.

"Fritz..." pabulong na sambit ng babae na mas lalong nagpakunot ng noo ko. Teka-
magkakilala sila?? Ano bang nangyayari??

Umubo ako sa gilid para matigil ang halos isang minuto

yata nilang pagtititigan. Gumana naman ang ginawa ko at agad silang nag-iwas ng
tingin sa isa't-isa. Nakita kong binaba ng babae ang hawak nitong espada na
kanina'y nakatutok sa akin.

"Ibaba na ninyo ang mga armas ninyo at umalis na kayo.. kilala ko ang mga ito."
utos niya sa mga gwardiya na walang pag-aatubiling sumunod sa sinabi niya. Tuluyan
na ngang nawala ang mga gwardiya at tatlo na lamang kaming natira dito.

"Zai-" magsasalita sana si Fritz ngunit agad siyang pinutol ng babae.

"Huwag tayong mag-usap dito. Baka biglang dumating ang papa ko." aniya nito sa
monotone na boses.

Tumalikod ito sa amin at nagsimula nang maglakad pababa ng hagdanan. Nagulat ako
nang maglakad si Fritz at sumunod sa babae kaya alanganin din tuloy akong sumunod.
Fuck! Ano bang ginagawa niya?? Nakalabas kami ng palasyo at nakita ko ang bawat
gwardiya sa paligid. Panay ang pagyuko nila sa babaeng sinusundan namin na para
bang ginagalang nila ito. Sino ba siya? Napahawak ako sa pumipintig kong sentido.
Masyado nang madaming tanong sa isipan ko at hindi ko masagot-sagot ang mga ito.

"Fritz.." tawag ko sa kanya pero parang hindi niya ata ako narinig. Diretso lang at
mabilis ang lakad niya at ang mga mata niya ay may kakaibang emosyon na hindi ko
maipaliwanag. Ang mga mata niya ay nakatuon lang sa babae na para bang siya lang
ang nakikita niya.

Napahinto ako nang makitang huminto din ang babae sa likod ng puno, di kalayuan sa
kinatatayuan ko. Ngunit si Fritz ay tuluy-tuloy pa din sa paglalakad hanggang sa
makarating siya sa tapat ng babae.

"Fuck! I thought I'd lost you! Bakit bigla mo nalang akong iniwan?!" napasinghap
ako nang sumigaw si Fritz sa harap ng babae at parang galit na galit siya. Nagulat
din ang babae sa inasta ni Fritz pero agad din itong naglaho at nawalan ng emosyon.
Tumikhim lang siya at matamang pinanood ang frustrated na hitsura ni Fritz.

"Ano, wala ka man lang balak magpaliwanag?" galit na sabi ni Fritz na napasabunot
pa sa kanyang buhok. Bakit siya nagkakaganito? Hindi ko maintindihan... "Fuck! I
thought you love me, Zaira. But why did you left??" Fuck. Mukhang alam ko na ang
nangyayari.

Agad akong tumingin sa babae na nakapirmi pa din sa kinatatayuan niya at wala pa


ding emosyong tinitignan si Fritz. "At sino namang nagsabi sayong mahal kita,
Fritz?" marahan itong natawa.
Napailing naman si Fritz na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ng babae na
nagngangalang Zaira. "I don't believe you. If you didn't love me, then why did you
let me take your fuckin' virginity that night, huh?" hindi ko alam kung bakit unti-
unting sumasakit ang dibdib ko sa mga naririnig. They had sex. So what, Astrid?
Wala akong karapatang magreact nang ganito.

"That was lust, Fritz. Wala nang ibang kahulugan ang nangyaring iyon. Dapat alam mo
iyon lalo na't player ka, diba?" walang pag-aatubiling saad nito.

"Tangina, sineryoso kita! Alam mo yan, Zai!"

Agad kong pinunasan ang luhang bumagsak mula sa mga mata ko. Unti-unti na ding
umaatras mga paa ko. Fuck. Anong nangyayari sa akin?! Parang may sariling desisyon
ang katawan ko at tumalikod nalang akong bigla at diri-diretsong naglakad papalayo.
Hanggang sa mapagtanto kong tumatakbo na pala ako papasok ng kagubatan. Dumarami na
din ang ang mga luhang bumabagsak sa mga mata ko at naririnig ko na ang mga hikbing
kumakawala sa bibig ko. Bakit ko ba ito nararamdaman?! Bakit ako naiinis?! Bakit
ako nasasaktan?!

=================

Chapter XLI: He Changed

Hinihingal akong huminto sa pagtakbo habang patuloy pa din sa pag-iyak. Napaupo


nalang ako at napasandal sa puno sa sobrang kapaguran. Pinilit kong mag-isip ng
magandang bagay para maibsan ang nararamdaman ko pero hindi ito umeepekto bagkus ay
nauuwi pa ako sa pag-iyak. Bakit ba kasi ako pumasok sa ganitong sitwasyon? Bakit
hinayaan ko siyang gawin ang mga bagay na hindi naman dapat?

"May boyfriend ako..." I repeated those words several times. Baka sakaling pag
sinabi ko ito nang paulit-ulit ay maliliwanagan ang utak ko. Para kasing
nakakalimutan ko na may iniwanan ako sa Pierda. Si Mico.. Bakit parang unti-unti
nang nababawasan ang nararamdaman ko para sa kanya?

"No! It can't be. This is just a phase, Astrid. Get over it!" I harshly told
myself. This is just a phase. Babalik din ang nararamdaman ko para kay Mico kapag
nagkita kaming muli.

Pinikit ko ang mga mata ko para matigil ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ayoko
na. Masyado nang nagiging magulo ang nangyayari sa akin ngayon. Niyakap ko ang mga
tuhod ko at umubob dito. Sa huli ay hinayaan ko din ang sarili ko na umiyak.
Pinapangako ko sa sarili ko na ito na ang huling pagkakataong iiyak ako dito sa
islang ito.
Habang tumatagal ay nararamdaman kong inaantok na ako at unti-unti na din akong
nakakatulog. Mananaginip na naman ako. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang
pamilyar na lugar, ang playground. Dali-dali akong naglakad papalapit sa swing nang
makita ang batang lalaki na nagpapaduyan-duyan dito. Agad niya naman akong tinignan
at binigyan ng malawak na ngiti bilang pagbati.

"May alam

ka ba tungkol sa librong sinulat ng enchantress tungkol sa phoenix at sa


prinsesa??" pambungad kong saad sa bata.

Ipinukol niya ang mga mata niya sa akin, pahiwatig lang na nakuha ko ang buong
atensyon niya. Pero hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay nginitian lang akong
muli. "Sagutin mo naman ang tanong ko!" sabi ko nagtitimpi. Nauubusan na ako ng
pasensya.

Marahang tumayo ang bata sa swing at tumakbo papunta sa seesaw. Pagkatapos ay


sumakay siya sa dito at muli akong tinignan. Hindi pa din nawawala ang ngiti sa
kanyang mga labi. Napakunot naman ang noo ko sa ginawa niya.

"Ano pang inaantay mo? Sumakay ka na!" pagkuwa'y sinabi niya nang makitang hindi
ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Tsk." napairap ako pero wala din akong nagawa kundi ang maglakad papunta sa seesaw
at sumakay sa kabilang parte. Ilang sandali pa ay tumataas baba na ang sinasakyan
namin.

"Nakuha mo ba ang libro?" tanong ng batang lalaki sa gitna ng pagseseesaw namin.

"Hindi. Naunahan kami ng Paradox group.." agad ko namang sagot. Marahan naman
siyang tumango. "Kailangan mong makuha iyon." Dumiretso ang tingin ko sa bata na
biglang naging seryoso ang mukha. Namangha ako nang makita ang kulay berde niyang
mata na biglang kumislap dahil sa sinag ng araw na nakatapat sa mukha niya.

"Alam mo ba ang nilalaman ng librong iyon??"aniya ko sa kanya.

"Doon mo makukuha ang sagot sa lahat ng mga clues. Kaya importanteng makuha mo
iyon.."
"Bakit hindi mo

nalang sabihin sa akin ang lahat? Bakit kailangan mo pa akong pahirapan na alamin
ang lahat ng mga clues? Naguguluhan na ako!"

"Wag ka mag-alala, konti nalang at malalaman mo na din ang lahat." saad ng bata
sabay ngumiti na naman. Tinignan ko ang ang bata na unti-unting naglalaho ang buong
katawan hanggang sa isang kisap mata, nagising na naman ako.

Dahan-dahan kong iminulat ko ang mga mata ko at nakitang nasa may bungad pa din ako
ng kagubatan. Tumingala ako nang mapagtantong magdidilim na pala at umuulan pa.
Saan ka na ngayon pupunta, Astrid? Humakbang ng dalawang beses ang mga paa ko
pabalik sa Valiente palace pero mabuti nalang ay napigilan ko agad ang sarili ko.
Bakit pa ako babalik doon, eh wala naman na akong babalikan? Nagsimula na akong
tumalikod at naglakad papasok ng kagubatan. Iiwanan mo si Fritz? Napahinto ako sa
naisip. Iiwanan ko ba siya?

"Astrid!" sakto namang narinig ko ang boses ni Fritz sa likuran na nagpapikit sa


mga mata ko. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at hinayaan lang siyang lumapit sa
akin. Nabigla ako nang hinigit niya ang kanang braso ko at hinarap sa kanya.

"Saan ka ba nagpunta?" napatingin ako sa mga mata niyang parang walang buhay at
naging madilim. Bakit nag-iba ang pagtitig niya sa akin? Para bang hindi niya na
ako kilala.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tinignan siya nang masama.


Pagkatapos ay binaling ko ang tingin ko sa paparating na sina lola Dita at Jhed
kasama ang babae kanina na nagngagalang Zaira.may dala-dala silang tatlong
kabayo.Bigla nalang kumulo ang dugo. Muli kong tinignan ang hitsura ni Fritz na
wala pa ding emosyon. Anong nangyari sayo, Fritz?

"Sumakay na kayo, Fritz." sabi nung Zaira nang makasakay ito sa kabayo. Nakita kong
sumakay na din sina Jehd at si lola Dita isa pang kabayo.

"Tara na.." saad ni Fritz at hinawakan ang kamay ko pero agad ko iyong binawi.

"Ano 'to? Ni hindi niyo pa nga pinapaliwanag sa akin ang nangyari!" naiinis kong
sabi.
"Aalis na tayo. Pupunta na tayong Mt. Shibu." paliwanag naman ni Fritz. Marahan
siyang naglakad papunta sa isang kabayo at umakyat na dito. Matapos niyang sumakay
ay tinignan niya ako na animo'y inuutusan akong sumakay na din.

"Bakit andito siya?" turo ko sa babae na agad naman akong tinignan. Ayokong nandito
siya. Pakiramdam ko siya ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Fritz.

"Tss.. pwede ba tigil-tigilan mo na ang pagtatanong! Sumakay ka na!" his tone was
harsh, cold and commanding. Hindi ko maatim na pagsasalitaan niya ako ng ganito. Sa
huli ay sinunod ko din ang sinabi niya at sumakay na sa likuran niya.

Nagsimula nang patakbuhin ni Zaira ang kabayo at sumunod naman sina lola Dita.
Napakapit naman ako nang mahigpit kay Fritz nang patakbuhin niya na ang kabayong
sinasakyan namin. Fuck. Why do I feel awkward with this position? Binilisan niya
ang pagpapatakbo para maabutan si Zaira. Nagkatinginan sila pero agad namang umiwas
si Zaira ngunit si Fritz ay hindi pa din inaalis ang pagkakatitig sa kanya. The way
he looked at me before, ganoon siya tumitig ngayon sa kanya.

=================

Chapter XLII: Deep Wound

Pasimple kong pinapahid ang mga butil ng luha sa aking pisngi. Wala namang
nakakakita sa akin dahil madilim na at lahat sila ay may kanya-kanyang
pinagkakaabalahan. Malayo ako sa pinaghintuan namin ngayon. Katulad ng dati, nasa
gitna na naman kami ng kagubatan. Naisipan kasi nilang magpahinga muna. Ako naman
ay nagpasyang magpakalayu-layo dahil hindi ko kayang makita si Fritz na kasama si
Zaira.

Hindi pa din ako makapaniwala sa inasta ni Fritz sakin. Parang katulad siya noong
una kaming nagkita. Cold. Walang paki. Seryoso at mabilis magalit. Kumirot ang puso
ko.

"Iha..." lumingon ako sa gawi ni lola Dita na tumawag sa akin. "Kumain ka na muna,
malayu-layo pa ang lalakbayin natin."

Tumikhim akong sandali bago sumagot, "Hindi naman po ako nagugutom."

Nakita kong bigla nalang naging malungkot at may bahid na nag-aalala ang kanyang
mukha. "Maaari kang magsabi sa akin.." aniya niya. "Kung ano mang yang nararamdaman
mo ngayon, sabihin mo. Para naman kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan mo."
Ngumiti nalang ako kay lola Dita. Isang malungkot na ngiti. Hindi kasi ako yung
tipo na mahilig magsabi ng nararamdaman ko sa iba. Sanay na akong kinikimkim ang
lahat sa sarili ko. At tsaka ano namang sasabihin ko? Na naiinis ako dahil nagbago
ang pagtrato sa akin ni Fritz dahil sa babaeng iyon, ganun ba? Ambabaw naman ata
masyado.

"Wala po ito, lola. Sige po, kumain na po kayo doon." sambit ko.

Ngunit imbes na umalis ay mas lalo pang lumapit sa akin si lola Dita. Marahan
niyang inilapat ang kanyang kamay sa aking

balikat. Sa hindi ko malamang dahilan ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa


niya. "Sige, mauna na ako. Sumunod ka nalang ha."

Tumango nalang ako. Pagkaraa'y umalis na din si lola Dita at naiwan na naman akong
mag-isa. Lumingon ako kung nasaan sila lola Dita nakapwesto. Kitang-kita sa di
kalayuan ang isang apoy na nasa gitna na nagsisilbing liwanag ng paligid. Hindi ko
naman sinasadya na mapatingin sa gawi nila Fritz at Zaira na sa tingin ko ay
taimtim na nag-uusap. Hay nako, Astrid. Ikaw lang naman ang gumagawa nang
ikinagagalit mo eh. Bakit ba kasi tinignan mo pa sila?!

Napatingala ako sa buwan para mapigilan ang namumuo na namang luha sa mga mata ko.
Fuck this shit. "Stop crying please?..." I muttered to myself. Nakakasawa nang
umiyak. Nakakapagod na.

Saglit akong pumikit at pinakiramdaman lang ang paligid. Lasap na lasap ko ang ihip
ng hangin at rinig na rinig ko din ang mga kuliglig. Sa gitna ng aking ginagawa ay
may narinig akong tila kakaiba. Agad akong napamulat. Ano yun? Parang nakarinig ako
ng mga yabag. Dahan-dahan at tila ba nag-iingat ang naglalakad.

Naging alerto ako. Unti-unting nagiging mabilis ang mga yabag at para bang
tumatakbong nagpapaikot-ikot sa akin. Lumingon ako sa buong kagubatan at pilit na
inaaninag ang paligid. Nararamdaman kong nag-aadjust na ang aking mga mata hanggang
sa nagiging komportable na ito sa dilim. Doon ko nakita ang isang anino. May ibang
tao pa pala bukod sa amin dito.

Agad kong kinuha ang dagger na

nakalagay sa combat boots ko. Pinapakiramdaman ko kung ano ang susunod niyang
gagawin. Muli akong luminga-linga at nagsalubong ang kilay ko nang hindi ko na
makita ang anino. Gulat akong napatingin sa harap ko nang makita ang isang hitsura
ng babae sa harapan ko. Fuck! Kulay berde ang mukha at buong katawan nito at parang
nakahubo.
Napasigaw ako nang bigla kong naramdaman ang isang patalim na bumaon sa tagiliran
ko. "Umalis kayo sa teritoryo namin!" nanggigigil na sinabi nito habang dinidiinan
pa lalo ang pagkakasaksak sa akin.

Sa kabila ng sobrang sakit na nararamdaman ko ay nagawa ko pa ding manlaban. Lakas


loob kong tinanggal ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo na nakasaksak sa
tagiliran ko. Pagkatapos ay pinilipit ko ang braso niya at ginantihan siya ng
saksak sa tiyan niya.

"Aarrrghhh!!!!" malakas niyang sigaw. Bitch! Serves you right!

Walang anu-ano'y tinabig niya ang kamay ko kaya tumalsik ang dagger na hawak ko.
Shit. Muli niya akong pinatamaan ng hawak niyang patalim pero mabuti nalang at
nakaiwas ako kaagad. Sinunod-sunod niya na ang pagpapatama sa akin ng patalim at
ako naman ay sige lang sa kakaiwas. Nang makahanap ako ng tiyempo ay tinadyakan ko
ng malakas ang kanyang binti dahilan para siya ay mapaluhod. Agad kong inagaw sa
kanya ang kutsilyong hawak niya. Pagkatapos ay nanggigigil kong hinila pataas ang
buhok niya at walang pag-aatubiing ginilitan ang kanyang leeg.

Hindi ko tinanggal ang kutsilyo hanggang sa masigurado kong hindi na siya


humihinga. Napapikit ako ng maramdaman ang mainit na dugong sumisirit mula sa
kanyang leeg na dumadaloy sa aking mga kamay.

Fuck. Nakapatay ako. Nanghihina kong tinanggal ang kutsilyo na nakabaon sa kanyang
leeg. Nagpakawala ako ng sigaw nang maramdaman ang sakit ng tagiliran ko. Agad-agad
ko itong hinawakan ng aking dalawang kamay para matigil ang paglabas ng dugo.

Halos iika-ika akong naglakad patungo sa kinaroroonan nila Fritz. Napapikit ako
dahil sa sobrang sakit. Fuck. Pakiramdam ko babagsak na ako. Pero pinilit ko pa
ding maglakad hanggang sa makarating ako sa kanila. Agad kong nakita ang gulat na
gula na hitsura nila lola Dita nang makita ako.

"Anong nangyari sa'yo, Astrid?!" patakbong pumunta sa akin si lola Dita at


inalalayan ako para makaupo sa kahoy.

"Sinong gumawa sayo nito??" Rinig kong saad ni Zaira na nag-aalala ding lumapit sa
akin. Nakita ko namang tumakbo si Fritz papunta sa pinanggalingan ko kanina para
tignan kung sino ang gumawa sa akin nito. Sa sobrang panghihina ko ay hindi ko na
nagawang sabihin na napatay ko na ito.
Napaaray ako nang tanggalin nila ang mga kamay ko sa tagiliran ko at tinignan ang
sugat ko. "Malalim ang sugat niya.." sambit ni Jehd na nasa gilid ko at inaalalayan
ako.

"U-umalis na t-tayo dito... B-baka may ibang kasamahan yung g-gumawa sa akin
nito..." hirap na hirap kong sinabi.

"Pero hindi pwede hangga't hindi pa nagagamot iyang sugat mo!" sabi ni lola Dita sa
nag-aalalang tono. "Kung alam ko lang na mangyayari ito ay hindi na sana kita
hinayaang mag-isa doon."

"W-wag niyo na pong sisihin ang s-sarili niyo, lola..." saad ko nang sabihin iyon
ni lola Dita.

"Mabuti nalang at may dala-dala akong mga panggamot dito.."sabi ni Zaira habang
hinahalungkat ang kanyang bag na suot-suot. Maya-maya pa'y naglabas siya ng ilang
mga maliliit na bote na hindi ko alam ang laman.

Napasinghap ako ng bigla niya nalang tinaas ang damit ko at binuhusan ng mainit na
likido and nakabukang sugat ko. "Fuck!!!"naisambit ko dahil sa sakit. "Tama na.."

Pero imbes na tumigil ay pinatakan niya pa itong muli at pinunasan ng bulak ang mga
dugong dumadaloy sa sugat ko. Napapikit ako dahil nanlulumo ako sa ginagawa sa
akin.

"Tama na.." huli kong sambit bago ako tuluyang mawalan ng malay.

=================

Chapter XLIII: Explanation

Hirap na hirap akong idilat ang aking mga mata. Paano ba naman kasi ay bumungad sa
akin ang sobrang taas ng sikat ng araw. "Ah! Shit!" sambit ko nang maramdaman na
kumirot ang tagiliran ko dahil sa biglaan kong pagbangon. Tinignan ko ang sugat ko
at nakitang may gasa na nakatapal dito.

Napatingin ako sa taong dumaan sa harapan ko. Doon ko nakita si Fritz na may dala-
dalang kinatay na kambing. Bahagya akong umupo malapit sa pwesto ng apoy at
pinanood siya sa kanyang ginagawa. Maingat niyang tinuhog ang buong katawan ng
kambing gamit ang matulis na kawayan. Pagkatapos ay isinabit niya ito sa dalawang
kawayan na nakatayo sa magkabilang gilid ng apoy.

Hindi ko alam kung gaano ko katagal ipinukol sa kanya ang aking mga mata. May kung
anong meron sakin na naaaliw na panoorin siyang seryoso sa kanyang ginagawa.
Nagmukha siyang matured sa maiksing balbas na tumubo sa kanyang mukha. Hindi mo
aakalaing seventeen lang ang kanyang edad dahil sa toned niyang katawan at sa kilos
niya.

Agad akong umiwas nang bigla siyang tumingin sa akin. Napalunok ako. Fuck. Alam
niya kayang kanina ko pa siya tinitignan? Nakita ko sa peripheral view ko na
nakatingin pa din siya sa akin habang nagsisindi ng sigarilyo na nasa bibig niya.
Am I being attracted to him? No. This can't be.

"Saan ka galing?" lumingon ako nang magsalita si Fritz at doon ko nakita si Zaira
na naglalakad papalapit sa amin kasama sina lola Dita at Jehd.

May dala-dala itong isang galon ng bote

na may lamang tubig at nang makita ni Fritz iyon ay agad siyang lumapit sa kanya
para bitbitin ito. "Kaya ko, Fritz."

"So what? Ayoko lang na mapagod ka." saad naman ni Fritz. Hindi nalang nagsalita si
Zaira at tumingin pa sa akin. Nakipagtitigan din naman ako. Hindi ko alam kung ano
ang nais niyang ipakahulugan sa mga titig niya kaya napakunot ang noo ko.

"Lola, asan na po tayo? Ano pong nangyari kagabi pagkatapos kong mawalan ng
malay??" tanong ko kay lola Dita nang makaupo siya sa tabi ko.

"Nung nagamot ka na ni Zaira ay agad naming linisan ang lugar na iyon. Teritoryo
pala iyon ng Amazon tribe at isa iyon sa pinakadelikadong tribo dito. Mabuti nalang
at hindi tayo naabutan ng mga kasamahan nung gumawa sa iyo niyan." sagot niya at
tinuro pa ang sugat ko. "Kamusta ka na nga pala? Masakit pa ba?" dugtong pa ni lola
Dita.

"Medyo makirot pa ho.." aniya ko.

"Hayaan mo, magpapahinga pa naman tayo sa ngayon. Maya-maya pa naman tayo aalis."
sabi niya. "May ipapakita ako sayo.."
"Ano ho yun?" nagtataka ko naman tinanong.

"Sumama ka sa akin." saad niya sabay ngumiti.

Inilahad ni lola Dita ang kanyang kamay sa akin at inabot ko naman ito. Dahan-dahan
niya akong itinayo at maingat na inalalayan. Pagkatapos ay naglakad kami ng mga
ilang metro nalayo sa pwesto namin. Mataman lang akong nakasunod kay lola Dita na
nauuna sa aking maglakad habang ako naman ay takang-taka sa nais niyang ipakita.
Matapos ang ilang

minutong paglalakad ay huminto din kami sa walang masyadong puno na parte.

"Nakikita mo iyon?" turo niya sa isang napakalaking bundok na magubat hindi


kalayuan sa amin. Siguro mga nasa ilang kilometro nalang ang layo nito mula sa
kinatatayuan namin. "Iyon ang Mt. Shibu."

Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman. Halos nakanganga ko pa atang pinagmasdan ang
Mt. Shibu. Hindi ako makapaniwalang malapit na kami dito at nakikita ko na ito.
"Malapit na tayo..." halos pabulong kong naisambit.

"Tama.." nakangiti naman ng malawak sa akin si lola Dita. "Makikita na natin ang
phoenix." at ako naman ang napangiti sa sinabi niya.

Ang phoenix. Sa isang iglap ay bumalik sa akin ang lahat ng mga alaala. Kung ano
ang dahilan ko nang pagpunta dito. Kung ano ang mga pinaghirapan ko para makapunta
lang dito at sumama sa Paradox Association. Kung gaano ko katagal na inasam na
magkaroon ng kapangyarihan at ngayon, hindi ako makapaniwalang napakalapit ko na sa
dati lang ay pinapangarap ko. Nabuhayan ako ng loob dahil sa mga iyon at para bang
lumakas ang motibasyon ko na magpatuloy.

"Lola.." nagising ako sa pagpapantasya ko nang marinig ang boses ni Zaira.


Napalingon kaming dalawa ni lola Dita sa kinaroroonan niya. "Tara na ho, kain na
tayo.." sabi niya.

"Tara na, Astrid." aniya ni lola Dita. Tumango naman ako at saka sumunod sa kanya
na nauna nang maglakad. Nang papasok na kami sa mapunong parte ng kagubatan ay
nagulat ako ng bigla nalang akong hinawakan

sa braso ni Zaira. Naguguluhan naman akong napatingin sa kanya.

"Maaari ka bang makausap??" nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya. Bakit?
Tungkol saan naman kaya ang pag-uusapan namin?

Hindi na ako nagsalita kaya tumango nalang ako at sumunod sa kanya na nagsimulang
maglakad pabalik doon sa pinanggalingan namin ni lola Dita. Huminto ako nang
huminto din siya. Pagkatapos ay humarap siya sa akin at tinignan ako. Kitang-kita
ang pagkapula ng kanyang mahabang buhok dahil sa sinag ng araw na tumatama dito.
Bagay na bagay ito sa kanyang maputi at makinis na kutis. Napayuko ako na para bang
isa akong dugyot na pusang nahihiya habang tinitignan ng kanyang amo. Ganun kung
ikukumpara ako kay Zaira. Napakaganda niya, kaya siguro ganun nalang din ang
pagkahumaling sa kanya ni Fritz.

"Nagkakilala kami ni Fritz noong second year highschool kami sa University of


Melbiya. Transferee lang ako nun at napakaswerte kong ang una ko pang naging
kaibigan ay ang napakapilyong anak ng Presidente.." nakangiti niyang sinabi habang
nakatingin pa sa kawalan.

"Nagsimula kami sa pagiging matalik na magkaibigan hanggang sa lumalim ito. Akala


ko noong una, ako lang ang may pagtingin sa kanya pero nalaman kong mas malala pa
pala ang nararamdaman niya para sa akin..." napakunot ang noo ko sa mga ikinikwento
niya. Bakit niya sinasabi ang mga ito sa akin?

"Bakit mo sinasabi ang mga iyan sa akin??" hindi ko na napigilang itanong. Gusto
niya bang ipamukha sa akin ang kung ano ang pinagsamahan nila ni Fritz?

Napalingon siya sa akin.

"Dahil sa tingin ko nangangailangan ka ng paliwanag. Alam kong naaapektuhan ka sa


kung ano ang ginagawa ni Fritz ngayon sa akin at gusto ko lang sabihin sayo na wala
na akong nararamdaman para sa kanya. Matagal na panahon na iyon, Astrid." sabi
niya. Tama ba ang narinig ko? Wala siyang nararamdaman para kay Fritz??

Napatikhim ako sandali. Wala na siyang nararamdaman para kay Fritz pero ano ang
naging dahilan nito? At paanong napunta siya dito sa Enrocho? "Ano bang nangyari sa
inyo ni Fritz??"

"Nagkakamabutihan na kami noon, kaya lang, nalaman kong nagkasakit ang aking ama na
si Ziek II. Siya ang pinuno ng Valiente group. Hiniling sa akin ng papa ko na
bumalik ako dito sa Enrocho at tulungan siya sa pamamahala ng aming distrito. Kaya
ayun, wala akong nagawa kundi ang iwan si Fritz at nasaktan ko ang damdamin niya."
malungkot niyang sinabi. Iyon pala ang dahilan.

"Paano naman nangyaring wala ka nang nararamdaman para sa kanya? Alam mo naman
siguro kung gaano ka niya kamahal, diba? Kitang-kita ko iyon hanggang ngayon."
"Dahil may iba na ako, Astrid. Ipinagkasundo ako ng ama ko sa isang anak ng kanyang
kaibigan at malapit na kaming ikasal." sambit niya na itinaas pa ang kanyang
kaliwang kamay kung saan nakita ko ang suot niyang singsing. Hindi ko alam kung
bakit gumaan ang pakiramdam ko sa nalaman.

"Ahh..." tangi kong nasambit, kunyari ay wala lang iyon sa akin. Pero ang totoo,
lubos na nagididiwang ang kalooban ko.

"May gusto ka sa kanya, hindi ba?" agad akong napatingin kay Zaira mula sa
pagkakayuko. Ano bang klaseng tanong yan? Siyempre-

"Wala." diretso kong sagot. Wala naman talaga.

"Eh ano? Mahal mo na?" ramdam kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Bakit ba
namin ito pinag-uusapan? Naiilang ako.

Hindi ako nakasagot. Tila ba nag-iisip pa ako. Fuck. Bakit nahihirapan akong
sagutin?!

=================

Chapter XLIV: War

"Ano bang klaseng tanong yan?" tanong ko pabalik sabay pumeke ng tawa. Gusto ko
nalang talagang tawanan ang tanong niya at ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.
Baka sakaling kumalma 'tong puso ko.

Pati siya ay napatawa sa akin. Siguro mukha na akong tanga para sa kaniya. "Bakit
hindi mo masagot? Oo o hindi lang naman ang isasagot mo." Oo nga naman.
Napakasimple lang naman, hindi ko pa masagot-sagot. "Sa nakikita ko sayo, parang
pinipigilan mo yung damdamin mo eh. O baka naman nagdadalawang isip ka pa??"
dugtong niya na siya namang ikinainis ko.

Tss. Pakialamera.. "Ano bang pakialam mo??" hindi ko na naitago ang pagkairita.

"Oh,wait. I'm just trying to befriend you here.. sorry." agad niya naman sinabi at
nagpakita pa ng emosyong puno ng sinseridad.
"Bumalik na tayo." I just said in a firm voice. Tatalikod na sana ako nang bigla
niya akong hinigit at pilit na pinaluhod.

"Fuck!" Muntik na akong tamaan! Napatingin kami sa arrow na lumipad sa amin at


tumama sa puno. Napasinghap kami nang makita na may lubas na kuryente dito at
sinakop ang buong puno. Holy- hindi lang pala simpleng arrow iyon. Kung natamaan
ako ay siguradong patay ako dahil sa kuryenteng lumalabas dito.

Agad kaming tumayo mula sa pagkakaluhod at tinignan ang paparating na lalaki.


Sinasabi na nga ba. Base sa damit at hitsura ng lalaki, alam kong tiga-Romanesce
district siya. Kaya pala hi-tech

ang panang iyon. Wala nga silang mga ability pero sobrang makapangyarihan naman ang
kanilang mga gamit at weapons.

Sunod-sunod kami nitong pinatamaan ng arrow at mabuti nalang ay mabilis kaming


nakakailag ni Zaira. Nagulat ako nang makita si Zaira sa bandang kanan ko, eh
kanina ay nasa kaliwa ko lang siya. Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko naman
siya. Nagtataka akong nagpabalik-balik ng tingin sa kanan at kaliwa ko at nakita
kong naging dalawa si Zaira at dumadami pa nang dumadami ang anyo niya. Doon ko
nalamang Replication ang kanyang power. Ito ang ability kung saan maaari kang
magproduce nang isa pang "ikaw" kahit gaano pa kadaming beses, depende sa iyong
mastery.

Hinawakan ako sa bisig ng isang anyo ni Zaira. Siguro siya na ang original. "Tara
na, hayaan na natin sila na kalabanin ang lalaking iyan.." sambit niya na ang
tinutukoy na "sila" ay ang mga replika niya.

Kumaripas kami nang takbo para marating ang pinagpahingahan namin at kagaya nang
inaasahan, nadatnan din namin sina Fritz, lola Dita at Jehd na nakikipaglaban sa
mga tiga-Romanesce. Fuck! Madami sila. "Look out!" sigaw ni Fritz sa amin. Agad
naman kaming tumingin sa likuran namin at doon namin nakita ang dalawang kalaban.
Akma sana akong sasaksakin nang isang kalaban pero mabuti nalang at nakaiwas ako
kaagad. Shit. Yung sugat ko!

Napahawak ako sa tagiliran ko nang maramdaman kong bumuka ang nakatahi kong sugat.
Mabuti nalang at muling ginamit ni Zaira ang kanyang ability at nagduplicate nang
kanyang anyo. Ang isa pa niyang

anyo ang kumalaban sa dapat na kalaban ko.

Hinila na naman ako ni Zaira at ipinuwesto katabi ng malaking puno. "Dito ka nalang
muna. Magrereplicate pa ulit ako para may magbantay sa'yo." sambit niya at walang
anu-ano'y nagsilabasan ang mga replika niya mula sa kanyang katawan. Umalis na ang
original na Zaira at naiwan ako sa lima niyang replika na pumaikot sa akin. Halos
nanghihina akong napasandal sa puno. Pilit kong iniiwasan ang mapatingin sa sugat
ko na sa tingin ko ay malala na. Muli na namang dumaloy ang mainit kong dugo mula
dito.

Napatakip ako sa aking tenga nang makarinig ako ng malalakas na pagsabog. Ano na
kayang nangyayari sa kanila? Hindi ko maatim na ako ay nakaupo lang dito habang
sila ay hirap na hirap na makipaglaban sa mga tiga-Romanesce. Kaya kahit masakit
ang tagiliran ko, pinilit kong tumayo at nagsimulang ihakbang ang mga paa ko paalis
ng puno. Pero pinigilan ako ng isang replika ni Zaira.

"Dito ka lang." sabi nito sa mala-robot na boses.

Pero hinawi ko lang ang kanyang kamay na nakahawak sa braso ko at nagpatuloy sa


paglalakad. Ininda ko lang ang kumikirot kong sugat. Sakto namang nakahanap ako ng
makakalaban. Mabilis akong umilag nang patamaan ako ng baril ng babaeng kalaban ko.
Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa punong pinagtaguan ko kanina at muling
nagtago. Agad namang sumugod ang mga replika ni Zaira sa babae pero sunod-sunod
silang pinatamaan ng barili ng kalaban.

Wala akong pandepensa. Baril ang gamit niya. Napatalon ako sa gulat nang magpaputok
ulit siya ng baril sa trunk ng puno. Naging alerto ako at mataman kong pinakinggan
ang mga yabag niya na papalapit

ng papalapit. Kailangan kong mag-isip ng gagawin. Dahil sigurado akong mamamatay


ako sa kamay ng kalaban ko. Hindi ako maaaring makahingi ng tulong sa iba dahil
nakikipaglaban din sila. Mas madami pa nga ang kalaban nila kumpara sa aking isa
lang.

"Magtatago ka pa, ha" sabi ng babae at saktong humarap sa akin. Itinutok niya sa
mukha ko ang baril at akmang ikakasa na ito pero agad kong hinawakan ang kamay
niyang nakahawak sa baril at pilit itong ibinaba.

"Aargh!" naisambit ko nang pumutok ang baril sa kaliwang binti ko. Imbes na sa lupa
ko sana ito ipapatama ay sa binti ko pa tumapat.

Wala na akong nagawa nang tadyakan niya ang kanang binti ko kaya napaluhod na ako
sa lupa. Nanggagalaiti niyang itinapat muli sa akin ang baril at muli itong
ikinasa. Pipikit na sana ako pero narinig kong wala nang lumalabas na bala sa
kanyang baril. Hah! Wala na siyang bala! Napaungol siya sa inis samantalang ako
naman ay napahinga nang maluwag. Muntikan na ako.
Itinapon nalang ng kalaban ko ang baril niya at muling humarap sa akin. Bago pa man
ako makakilos ay muli na naman niya akong tinadyakan ng malakas sa tiyan. Halos
mapaubo ako sa sakit na naramdaman at sa pagkapos ng aking hininga. Nang makakuha
ako ng tiyempo ay wala akong pag aalinlangang tumayo. Nakita kong napangiti siya sa
ginawa ko pero halata kong naging alerto na siya ngayon. Akala niya siguro ay hindi
ko siya papatulan.

Agad ko siyang sinunggaban ng suntok sa mukha na siyang nagpaatras sa kanya.


Napahawak siya sa kanang pisngi niya at matalim akong tinitgan. Mabilis akong
umilag nang ginantihan niya ako ng suntok kaya

hindi ako natamaan. Pagkatapos ay pagkakataon ko naman na suntukin siya kaya


pinatamaan ko kaagad ang kanyang tiyan. Katulad nang ginawa niya sa akin kanina,
tindayakan ko din ng malakas ang kanyang binti kaya siya naman ang napaluhod.
Paulit-ulit ko siyang sinusuntok sa kahit saang parte ng kanyang katawan hanggang
sa makita kong dumudugo na ang kanyang mukha.

Saka lang ako tumigil nang maramdaman ko ang kamay ni lola Dita sa aking braso.
"Tama na yan, Astrid. Halika na! Umalis na tayo!"sambit niya na nagpagising ng diwa
ko. Tinignan ko ang buong paligid at nakitang medyo kakaunti na ang mga kalaban at
patuloy pa din sa pakikipaglaban sina Fitz at Zaira.

"Sige na, Fritz. Iwan niyo na ako dito! Pumunta na kayo sa Mt. Shibu." saad ni
Zaira habang patuloy pa din sa pakikipaglaban.

"Nasisiraan ka na ba?! Hindi kita iiwan dito. Sumama ka sa amin." agad namang sagot
ni Fritz.

Tumingin sa akin si Zaira at para bang nangugusap ang kanyang mga mata. "Astrid!
Awatin mo na si Fritz, umalis na kayo!" at kagaya nga ng sinabi niya, dali-dali
akong lumapit kay Fritz at lakas loob ko siyang pinigilan.

"Tara na, Fritz. Umalis na tayo dito! Si Zaira na ang bahala sa kanila!" sabi ko at
saka hinawakan ang kanyang mga braso. Napalunok ako ng tumingin sa akin ng diretso
si Fritz at nakita kong nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata. Oo alam kong galit
siya dahil ayaw niyang iwanan si Zaira. Pero hindi na kami pwedeng magtagal dito
dahil sobra ng mapanganib.

"Astrid! Fritz! Tara na kayo dito!!" narinig naming sigaw ni lola Dita sa di
kalayuan. Nasa tabi niya si Jehd na nakapikit at mukhang nagcoconcentrate. Maya-
maya ay may nakita akong lumabas na malaking portal mula sa kamay niyang may
iginuhit na bilog sa hangin. Portal manipulation.
"Fritz." sambit ko nang makitang wala na si Fritz sa tabi ko at nakikipaglaban na
naman kasama ni Zaira.

=================

Chapter XLV: He's back

"Fritz!!" muli kong isinigaw ang pangalan niya. Pero alam kong hindi niya ako
pakikinggan. Hindi niya na ako pinakikinggan, di gaya ng dati.

Lumingon ako kila lola Dita na nag-aantay sa amin. Pagkatapos ay tinalikuran ko


sila at iika-ikang naglakad papunta kay Fritz. Napapikit ako dahil sa sakit lalo na
kapag nararamdaman ko yung malamig na bala na nakabaon sa binti ko. Pero ininda ko
lang iyon at pilit na tinatahak ang kinaroroonan nila Zaira at Fritz.

"Fritz, parang awa mo na. Umalis na tayo.." pakiusap ko sa kanya. Ni hindi man lang
niya ako magawang lingunin. Hindi ko tuloy alam kung narinig niya ba ako.

Naglakad pa ako ng kaunti ngunit nung malapit na ako sa kanya ay mayroon na namang
humarang sa akin na kalaban. Saglit akong napahinto at napatingin sa lalaking
kalaban ko at nararamdaman ko ang paunti-unting pag-atras ng aking mga paa. Alam ko
sa sarili ko na hindi ko na kayang makipaglaban. Pero hindi ko lang alam kung
hahayaan ba ako ng kalaban ko na takbuhan siya.

"Fritz, umalis na kayo! Susunod ako!" rinig kong sambit ni Zaira kay Fritz sa gitna
ng gulo. Sana sundin niya naman ang sinabi ni Zaira sa kanya.

Napasinghap ako ng tutukan na naman ako ng baril ng lalaking nasa harap ko. Pero
lumuwang din ang pakiramdam ko nang makita ko si Fritz na papalapit sa amin at
walang anu-ano'y inagaw ang baril ng kalaban ko. Hindi kaagad nakapalag ang kalaban
dahil sa agad siyang binalibag ng malakas ni Fritz at pagkatapos ay sinuntok pa
siya ng sobrang lakas sa kanyang dibdib dahilan ng kanyang pagkawalan ng malay.

Napapitlag ako ng bigla nalang akong

binuhat ni Fritz at napakapit pa ako ng mahigpit sa kanyang mga matitigas na


balikat nang patakbo niyang tinungo ang kinaroroonan nina lola Dita. Halos pigilan
ko ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Diretso lang ang
kanyang tingin sa daanan kaya naman malaya akong pagmasdan ang kanyang mukha. Para
akong nawawala sa sarili habang tinitignan siya. Naghaharumentado na naman ang puso
ko.
"Stop looking at me and close your mouth." napakurap ang mga mata ko nang magsalita
siya sa seryosong tono. Hindi ko namalayang ngumingisi na pala ako. Kinausap niya
akong muli...

Nang makalapit kami kina lola Dita ay pinauna nila kaming papasukin sa portal at
pagkatapos ay sumunod din sila kaagad. Lumingon ako kay Jehd na unti-unti nang
sinasara ang portal kaya saglit kong tinignan ang sitwasyon sa kabilang lugar kung
saan patuloy pa din sa pakikipaglaban si Zaira sa mga tiga-Romanesce district. At
sa isang iglap ay nawala nalang ang portal na parang bula. Ngayon ay nasa isa na
kaming patag ngunit madamong lugar. At tanaw na tanaw ko na ang isang malaking
bundok sa harapan namin. Ang Mt. Shibu.

"Susunod din siya, iho. Magtiwala ka sa kanya.." narinig kong sabi ni lola Dita
kaya naman napalingon ako sa kanya. Doon ko nalamang kinakausap niya pala ang tila
frustrated na si Fritz. Alam kong nababahala siya ngayon para kay Zaira. Siguro
sinisisi niya ang sarili niya dahil iniwan niya ito.

"Kayang kayang talunin ni ate Zaira ang mga iyon, kuya Fritz. Anak kaya siya ng
pinuno ng Valiente group." sambit naman ni Jehd na mukhang na pinapagaan ang loob
niya.

Hindi ko nagawang

makapagsalita dahil wala naman talaga akong masabi. Naiinis din ako sa sarili ko
dahil ang sama ko, hinayaan ko ding maiwan si Zaira doon na mag-isang
nakikipaglaban. Pero hindi ko iyon ginawa dahil may galit ako sa kanya o ano pa
man. Ginawa o iyon dahil iyon ang kailangan. Dahil may misyon pa din kami at yun
ang gusto kong maalala ni Fritz.

Napatingin ako kay Fritz nang makitang tinitignan niya ako. Hindi ko mawari kung
ano ang ekpresyong ipinapakita niya sa akin. Hindi ko din mabasa ang nasa isip
niya. Basta ang alam ko lang ay nakatulala ako at nagapapalunod sa malalim niyang
pagtitig sa akin. Mas nabato pa ako sa kinatatayuan ko nang maglakad siya papalapit
sa akin. Tsaka lang ako nakabalik sa huwisyo nang inangat niya hanggang sa may
tiyan ko ang pangitaas kong damit para tignan ang sugat ko sa tagiliran. Fuck!
Naramdaman ko na naman ang kirot at hapdi ng sugat ko.

"Fuck!" narinig kong sigaw niya na nagpaaligaga naman kay lola Dita. Kahit ayoko
sana, ay napatingin din ako sa sugat ko at halos manghina ako nang makitang tanggal
na ang pagkakatahi dito at mukhang mas lumaki pa ang sugat. Dumagdag pa sa sakit
ang tama ng baril ko sa binti. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa sobrang
sakit.

"Kailangan muna natin siyang gamutin bago tayo magpatuloy sa paglalakbay. Delikado
lalo na't marami nang nawalang dugo sa kanya." natatarantang saad ni lola Dita.

"Lola!" sigaw ni Jehd na hinhingal sa pagtakbo. "May natagpuan akong kweba sa banda
roon. Walang mga tao doon kaya sa tingin ko, pwedeng doon muna tayo pansamantalang
tumuloy."

"Tara na. Wag na tayong mag-aksaya ng oras." aniya ni lola Dita. Tumango naman
kaming dalawa ni Fritz at muli niya akong binuhat. Nagsimula na siyang maglakad
kasabay sina lola Dita samantalang ako naman ay patuloy pa din sa paghikbi.

"You'll be alright, Astrid. Just keep holding on..." rinig kong bulong ni Fritz sa
akin sa gitna ng aking pag-iyak. Hindi ko alam kung bakit gumaan kahit papaano ang
loob ko nang marinig ko ang sinabi niya. Pero yung mga insekto sa tiyan ko
nagsimula na namang magwala.

Ilang minuto lang ang itinagal ng paglalakad namin at narating din namin ang
tinutukoy ni Jehd na kweba. Malaki ito at nang pumasok kami ay wala ngang mga tao
sa loob. Maingat at dahan-dahan akong inilapag ni Fritz sa sahig at ipinasandal sa
malamig na pader.

"Dito muna kayo, iho. Kukuha lang kami ng mga dahon na pwedeng ipanggamot sa
kanyang sugat. Maghahanap na din kami ng makakakain at maiinom." sambit ni lola
Dita at saka muli na naman silang umalis.

Naiwan kaming dalawa ni Fritz sa kweba. Halos nanghihina na akong pinagmamasdan


siya habang mataman niyang pinupunasan ang mga luha ko sa pisngi. Hindi naman na
ako umiiyak ng malakas kagaya ng kanina dahil sumasakit na ang mga mata ko at
nauubusan na din ako ng lakas. Ayokong ibuhos lang ang natitira kong lakas sa pag-
iyak ka pinigilan ko na ang sarili ko.

"I'm sorry..." mahina niyang sambit. Ngunit sapat na para marinig ko ito. "I'm
sorry I didn't protect you like I promised you. I'm so sorry, Astrid." his voice
was carressing my ears. It was like a music. Marinig lang ang boses niya ay hindi
ko na magawang magalit sa kanya. Hindi ko na magawang sabihin kung gaano niya ako
sinaktan nung nag-iba ang pagtrato niya sakin. Nung sinabi niyang mahal niya si
Zaira. Tapos nung sinabi niya sa aking gusto niya ako. Pero ang sabi niya, gusto ka
lang nya, Astrid. Hindi ka niya mahal.

=================
Chapter XLVI: We Are One

"Malapit ka nang matapos sa misyon mo.." sambit ng batang nasa harapan ko na


masayang nagpapaduyan-duyan sa swing. Sumalampak lang ako sa damuhan at
pumangalumbaba. "Ano kaya kung gumising ka na? Alam mo ba kung gaano ka na katagal
na nananaginip?" aniya ng batang lalaki na mukhang nag-aalala na.

Humiga ako sa damuhan at tsaka bumuntong-hininga. Pagkatapos ay malamya kong


pinanood ang mga ibong nagliliparan sa kulay asul na kalangitan. "Ayoko nang
gumising... Gusto ko munang magpahinga." mahina kong sambit na parang ako lang ata
ang nakirinig sa mga sinabi ko.

Pansin kong tumigil na sa pagduyan ang bata at tumayo mula sa swing. Sunod ay
inihakbang niya ang kanyang maliliit na paa patungo sa kinaroroonan ko. Napatingin
ako sa kanya nang humiga din siya sa tabi ko. Pero binalik ko din ang atensyon ko
sa mga ibong nasa himapapawid.

"Kung kailan naman malapit ka na, saka ka susuko." sabi ng bata sa boses na mukhang
dismayado.

"Hindi naman ako susuko. Ang sabi ko magpapahinga lang ako." agad ko namang sagot
dito.

Gusto ko namang magpahinga, masama ba iyon? Gusto ko munang manatili sa lugar na


'to. Maaliwalas ang paligid at walang ibang tao bukod sa amin ng bata. Malaya akong
nakakapagisip-isip. Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko dahil walang
bumabagabag sakin.

Grabe ang sinapit ko sa reyalidad. Hindi ko alam kung ano na ang kalagayan ko
ngayon at kung magaling na ba ang mga sugat ko. Pero sana maayos na ako. Kailangan
maging maayos ako. Dahil kailangan naming

tapusin ang sinimulan naming misyon. Makukuha ko na ang phoenix.. yun nalang ang
tangi kong pinanghahawakan sa ngayon. Ang phoenix ang dahilan kung bakit andito ako
kaya dapat makuha ko iyon. Kung hindi ko makukuha iyon ay mas magandang mamatay
nalang ako. Dahil wala akong mukhang maihaharap sa mga tao sa Pierda pagbalik ko.

"Wala ng panahon para magpahinga, Astrid. Kumilos ka na habang maaga pa dahil kung
hindi, ay baka maunahan ka na ng iba.." gulat akong napalingon sa tabi ko at
nakitang hindi na ang batang lalaki ang kausap ko kundi isang babae. Yung babaeng
nakita ko rin sa panaginip ko noon na nabangga ng tren.
"T-teka, asan na yung bata? B-bakit ikaw na ang nandito?!" nagtataka kong tinanong.

Automatic namang napatawa ang babae sabay sabi, "Baka nakakalimutan mong
nananaginip ka lang? Lahat ay imposible sa panaginip."

Hindi ako nakaimik at dahan-dahang napailing sa narinig. Oo nga pala, nasa


panaginip lang ako. "At tsaka wag ka mag-alala, ako pa rin naman 'to." nakangiting
sinabi ng babae na siya namang ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Ako.." kinilabutan ako nang titigan niya ako ng mata sa mata. Yung mga mata naming
magkaparehong kulay berde. "Ang matanda.." sambit niya at napasinghap ako ng unti-
unti siyang nag-anyong matanda. Yung matandang lalaki sa panaginip ko noon! "At ang
bata.." mas nanlaki ang mata ko nang magbago na naman ang anyo ng matanda

at naging bata. "Ay iisa lang..."

"P-paanong, paanong nangyari yon??" hindi ko makapaniwalang sabi. Hindi kaya


nililinlang lang ako ng bata?

Imbes na sumagot ay nginitian lang ako ng nagbalik-anyong babae sa harapan ko.


"Sagutin mo'ko!" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Kailangan mo ng bumalik sa reyalidad." pag-iiba ng usapan ng babae.

"Hindi! Kailangan mo munang sagutin ang tanong ko!" sigaw ko sa kanya na tila
kalmado pa din sa kabila ng pagkairita ko.

"Paalam, Astrid! Mag-iingat ka..." At sa isang kisap-mata ay nawala na lang ng


parang bula ang babae at nagsimula nang dumilim ang paligid.

Wala akong nagawa kundi napilitang imulat ang aking mga mata. Halos hindi pa ako
makadilat ng maayos dahil sa nagbublur pa ang paligid at nag-aadjust pa ang mga
mata ko. Pero nang umayos na ang paningin ko ay bahagya na akong tumayo at
pinagmasdan ang buong paligid. Doon ko napag-alamang nasa kweba ako.
"Lola! Gising na si ate Astrid!" rinig kong natutuwang sigaw ni Jehd na papasok ng
lagusan ng kweba. Sa likod niya naman ay si lola Dita na naging malawak ang ngiti
nang makita ako. Sabay silang nagmadaling lumapit sa akin.

"Nako, salamat at nagising ka din! Muntik na kaming mawalan ng pag-asa na mabubuhay


ka." tuwang-tuwang sinabi ni lola Dita sabay niyakap pa ako.

"Alam mo ba ate, halos tatlong araw ka ng walang malay. Akala namin hindi ka na
gigising eh." saad naman ni Jehd. Ganun na pala ako katagal natutulog? Hindi ko ito
namamalayan dahil parang ambilis lang naman ng oras kapag nananaginip

ako.

"Pero wag ka mag-alala, magaling naman na ang mga sugat mo at hindi na mataas ang
lagnat mo, di gaya nung nakaraan. " dahil sa sinabi niya ay napatingin tuloy ako sa
sugat ko sa tagiliran at nakita kong isa nalang itong peklat. Tinignan ko din ang
sugat sa binti ko at peklat na rin ito. Wala na rin akong nararamdaman na anumang
sakit mula sa mga sugat ko.

"Bakit ang bilis naman po yatang gumaling ng sugat ko??" nagtataka kong tanong.

"Nakakita kasi kami ng magic plant sa gubat na ito kaya agad naming kinuha ang
bunga ng halamang iyon. Ang bunga ay mabisa at madaling nakakagamot ng sugat."
paliwanag naman ni lola Dita. Napatango naman ako.

Napatikhim ako ng ilang saglit dahil para bang may inaalala pa ako. Nang maalala ko
na ay agad akong tumingin kay lola Dita na siya ding napatingin sa akin. Binigyan
niya ako ng isang makahulugang tingin na may kasama pang ngiti. Para bang alam niya
na kung sino ang iniisip ko.

"Andoon siya sa labas..nung nakaraan pa yun hindi mapakali at laging may malalim na
iniisip." aniya ni lola Dita sa nag-aalalang tono.

"Bakit ho?" hindi kaya nag-aalala siya para kay Zaira? O baka naman nag-aalala siya
sakin? gusto kong matawa sa huling pumasok sa utak ko.

"Hindi ko din alam. Mabuti pa at puntahan mo siya doon." pagkasabi ni lola Dita ay
agad ko ngang tinungo ang lagusan ng kweba at hinanap si Fritz.
Naglakad ako ng ilang metro palayo sa kweba para hanapin kung nasaan siya.
Napahinto ako sa harap ng isang magandang talon. Bigla nalang nagharumentando ang
puso ko nang makita ang anyo ng isang lalaki na naliligo sa ilalim ng rumaragasang
tubig. Wala itong pang-itaas at nakatalikod sa akin. Tindig palang, alam kong si
Fritz na ito.

May kung anong pumasok sa utak ko na nag-udyok sa akin na lumusong sa malinaw at


malinis na tubig. Napahinto pa ako saglit nang mabigla ang katawan ko sa malamig na
temperatura pero nagpatuloy pa din ako sa paglalakad. Habang papalapit ako ng
papalapit ay mas lalong lumalakas ang pagtibok ng puso ko. Para bang nakikipag-
karera ito sa akin.

Mas lalo pang lumakas ang pagtibok ng puso ko ng humarap siya. Para akong nabato sa
kinatatayuan ko nang masilayan ko ulit ang mukha niya. Napangisi pa ako ng makita
ko ang reaksyon niya na para bang nagulat. Ilang minuto kaming nakapirmi sa
kinaroroonan namin at walang ginawa kundi ang titigan ang isa't-isa. Walang
nagsasalita sa amin at ang tangi lang naririnig ay ang pag-agos ng tubig mula sa
itaas at pinakamalakas ata sa lahat, ay ang tibok ng puso ko.

Napakunot naman ang noo ko nang sumilay sa bibig niya ang isang pamilyar na ngiti.
Napakapilyo. Napalunok ako nang pinagmasdan niya ang buong katawan ko na para bang
wala akong damit sa harapan niya. Doon naman ako natauhan at agad akong napayakap
sa dibdib ko.

"Jerk!!" nanggagalaiti kong sabi na siya namang ikinatuwa niya.

=================

Chapter XLVII: Love and Hate

"Come here, baby." Fritz said while still laughing. Baby. He said that word again.
Ibig sabihin ba noon ay ayos na kami?

Napailing nalang ako sa naisip ko. He doesn't love you, Astrid. Muling pinaalala ng
utak ko. Muli akong tumingin sa kanya na ngayon ay nakakunot na ang mga noo habang
tinititigan ako. Nagpatuloy naman ako sa paglakad papunta sa kanya. Ilang sandali
pa ay nakalapit na din ako sa kanya at halos mapakapit pa ako sa braso niya dahil
sa sobrang lamig ng tubig na umaagos mula sa itaas.

"Fuck, kala ko hindi ka na magigising." sambit niya sabay bigla nalang akong
niyakap ng mahigpit. Napapikit ako sa ginawa niya. Damn, I like it when he's giving
me this kind of feeling. Malamig naman pero dahil sa yakap niya nagiging mainit
yung katawan ko. Nagsimula na namang magliparan ang mga insekto sa tiyan ko at
nakakaramdam na naman ako ng kuryente sa aking buong katawan.

"I love you, Astrid.." naidilat ko ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. What
did he say? Ngunit bago pa ako makapag-react ay sinunggaban niya na agad ang labi
ko. And the next thing I knew is we're kissing. Passionately. Underwater.

Hindi ko alam kung paano namin iyon nagagawa pero nagugustuhan ko ito. Ilang saglit
pa ay umahon din kami mula sa ilalim ng tubig. Hinihingal naming tinignan ang
isa't-isa. "Paano? Si Zaira ang mahal mo, Fritz. Nalilito ka lang pero alam kong
siya ang mahal mo." I said to him in a harsh tone.

Mariin siyang umiling dahil sa sinabi ko. "I thought so, but I was wrong. Zaira is
my first love

and she's the first girl who broke my heart. At nung nagkita kaming muli, akala ko
bumalik lahat ng nararamdaman ko para sa kanya pero hindi pala. Believe me, Astrid.
I don't love her anymore." his voice was gentle. It's like, he really want to
convince me and I guess it's working.

"And I know, you also love me." Sabi ni Fritz na punung-puno ng pag-asa. "I know
you love me, Astrid. I can feel it so don't you lie to me. Don't hold back, baby.
Tell me you love me too." hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inilapat niya sa
kanyang dibdib.

Hindi.. It's just a phase. Kung ano man itong nararamdaman ko para sa kanya ay
panandalian lang. Alam kong pagbalik namin sa Pierda ay mawawala din ito dahil si
Mico naman talaga ang mahal ko eh. Kaya ayokong sabihin sa kanya dahil alam kong
masasaktan ko lang siya sa huli.

"Please, baby." he pleased. "Sabihin mong mahal mo ako kahit ngayon lang. Kahit
ngayon lang.." fuck. Hindi ko siya kayang tanggihan. Bakit mo ba ginagawa 'to
sakin, Fritz?

Pumikit siya at para bang nag-aantay ng isasagot ko. Ilang segundo ko din siyang
matamang pinagmasdan habang nag-iisip ng mabuti. Pero bakit ko ba ito pag-iisipan
kung alam ko naman talaga kung anong isasagot? "I love you, Fritz. And I hate you
for knowing it! I hate you for making me say those three words to you! I hate you
for making me jealous! I hate you for ignoring me these past few days! I hate you
for being a maniac and a jerk at the same time! I hate you for making me feel these
things to you. I hate you for making me love you because it's not right. But that
didn't change the fact that I still

love you. I love you, Fritz." hinihingal tuloy ako dahil sa mga sinabi ko.
Mataman ko siyang tinignan sa mga mata na ngayon ay nakabukas na at nakatingin din
sa akin. Gusto kong matawa sa kanya dahil sa hitsura niya. Nakabukas ng kaunti ang
kanyang bibig at parang nanigas na siya sa kanyang kinatatayuan. Pero napakunot
nalang ang noo ko nang tumawa siya. Marahan ko siyang sinuntok sa kanyang tiyan.
"Tapos ngayon tatawanan mo lang ako!" I said, irritated and embarassed at the same
time. I crossed my arms and started to walk away. Pero agad niya akong napigilan.
Nakakainis naman kasi. Hindi ganun ang inaasahan kong reaksyon niya. It was already
romantic but he ruined it. I thought he was going to kiss me but fuck, he just
laughed at me! Napahiya lang tuloy ako sa ginawa ko.

"Sorry babe." sabi niya habang pinipigilan ang pagtawa. Ano bang nakakatawa sa
sinabi ko?! Pinaglalaruan niya lang ba ako?! "I just, you know. I'm just happy.
Hindi ko inaasahan na ganun yung mga sasabihin mo. I was laughing because you're
too adorable. At kung makikita mo lang siguro yung hitsura mo na namumula at parang
iiyak na siguro maski ikaw matatawa eh." pagkatapos ay tumawa na naman siya.
Kinurot ko siya sa tagiliran niya sa sobrang inis.

"Tara na nga! Umalis na tayo dito at giniginaw nako. Inaantay na tayo nila Lola
doon." sambit ko na lamang at nagsimula nang tumalikod sa kanya. Napailing na
lamang siyang sumunod sa akin habang naririnig ko ang mga pasimpleng tawa niya.

"Fuck, yeah! Astrid Finch is inlove with me! Wohooo!" nagulat ako nang magsisisigaw
pa siya sa buong kagubatan. Maski ako ay natatawa nalang din sa kabaliwan niya.
Halos asaran lang ang ginawa namin habang naglalakad pabalik sa kweba at malayo pa
lang tanaw na tanaw na namin sina Lola Dita na nag-aabang sa amin at nakangiti pa.

"Mukhang maganda ang naging usapan ninyo, ah." sabi ni lola Dita na hindi maitago
ang kasiyahan. Mataman niya pa kaming tinignan na para bang may kakaiba sa amin
kaya tuloy nakaramdam ako ng pagkailang. Doon ko napagtanto na nakapalibot pala sa
bewang ko ang kanang braso ni Fritz kaya nang makita ko ito ay agad kong hinawi ang
kanyang braso.

"Uhm, lola kain na po tayo." aniya ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng kweba.

"Mabuti pa nga dahil ito na ang huling gabi na magpapahinga tayo. Bukas na bukas
din ay magpapatuloy na tayo sa paglalakbay." sambit ni lola Dita. "Siya nga pala,
kanina habang naghahanap kami ng makakain ng apo ko ay may nakita kaming isang
grupo. Hindi ko alam kung tiga-Romanesce ba ang mga iyon pero sigurado akong ang
phoenix din ang pakay nila. Kaya kinakailangan na talaga nating kumilos ngayon
kundi ay baka maunahan pa tayo ng iba."

Napatigil ako sa pagkain dahil sa narinig. Hindi kaya ang Paradox Group 'yon? Tama
nga ang sinabi nung babae sa panaginip ko. Kailangan na talaga naming magmadali
dahil baka maunahan pa kami ng iba. Kailangan kami ang makakuha noon.
=================

Chapter XLVIII: Ashes

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na kami at kinabukasan ay agad naming


nilisan ang kweba para magpatuloy sa paglalakbay. Habang inaakyat namin ang Mt.
Shibu ay mas lalo akong hinihingal. Unti-unti na kasing numinipis ang hangin dahil
papataas na kami ng papataas. Kasabay pa ng paghingal ko ay ang malakas na pagkabog
ng aking dibdib. Ramdam kong nanginginig ang mga binti ko at nilalamig na rin ang
mga kamay ko. Ayokong pangunahan ng isip ko ang tunay na mangyayari dahil baka
mabigo lang ako sa huli. Pero hindi ko pa rin talaga maalis sa isip ko na sobrang
lapit ko na sa pangarap ko. Malapit na akong makita ang phoenix...

"Astrid..." napatingin ako sa bumasag ng katahimikan-si Fritz. "Ayos ka lang? Kaya


mo pa ba?" tanong niya sa akin.

"Oo naman." halos pilit kong sagot. Kahit sa totoo ay hindi naman talaga. Halo-
halong emosyon na ang nararamdaman ko at pakiramdam ko magkakasakit ako dahil dito.
Pero mas gusto ko munang tumahimik at magmuni-muni kahit na alam kong malapit na
akong masiraan ng bait kakaisip.

"Gusto niyo na ba munang magpahinga? Tutal mga limang oras na rin naman tayong
naglalakbay na walang hinto." sambit ni lola Dita. Hindi pa rin siya kakikitaan ng
pagod at mukhang kaya pa niyang maglakabay ng ilang oras, hindi katulad namin ni
Fritz na halos namumutla na at ilang minuto pa ay bibigay na.

Tumango na lamang kami at sumunod kay lola Dita na naghahanap ng magandang


mapipuwestuhan. Ngunit makaraan ng ilang minuto pa naming paglalakad ay napagtanto
naming huminto si lola Dita at muling humarap

sa amin. Pansin kong parang may kakaiba sa inaakto niya na nagpakaba sa aking
dibdib. Nagkatinginan kami ni Fritz na para bang may hinala na kami sa mangyayari.

"Andito ang ilang miyembro ng tribong Lahar..." aniya ni lola sa pabulong na boses.
Dahan-dahan siyang pumunta sa amin habang hawak-hawak niya si Jehd.

Alam na namin ang kanyang nais ipahiwatig kaya nagsimula na din kaming umatras at
naglakad pabalik sa dinaanan namin kanina. Delikado ang tribong iyon dahil sobrang
mababagsik sila at sa oras na makita nila kami ay malamang gulo na naman ang
kahaharapin namin. Hindi kami maaaring makipaglaban sa ngayon lalo na't hindi
maayos ang aming kalagayan. Mahina kami at kakaunti lang ang armas na dala kaya
wala kaming kalaban-laban sa kanila.
"Lolaaa!!" agad kaming napahinto sa pagtakbo nang marinig ang pagsigaw ni Jehd.
Lumingon kami sa kinaroroonan nila at napasinghap kami nang makita si lola Dita na
nabihag ng isang kalaban. Camouflage ang kulay ng balat nito at halos nakabahag na.
Ang mga kuko nito ay mahahaba at matutulis at may maliit pang sungay sa ulo.

"Jehd, sumama ka na kila Astrid! Iwanan niyo na ako dito!" kahit sakal-sakal na
siya ng kalaban ay pilit pa rin siyang nagsalita. Umiiyak naman si Jehd habang
tumatakbo patungo sa amin ni Fritz.

"Ate! Si lola! Tulungan natin siya!" humahagulgol na yumakap sa bewang ko si Jehd.


Nanginginig ko namang ipinatong sa ulo niya ang aking kamay at marahan itong
hinaplos. "Ate, wag natin siyang

iwan. Pakiusap gumawa kayo ng paraan.."

Napatingin ako kay Fritz na mukhang nag-iisip ng paraan kung paano maiaalis si lola
Dita sa kamay ng kalaban. Kinuha niya ang dagger sa bulsa ng kanyang pantalon at
akmang patatamaan ang kalaban. Pero hindi niya magawang ipatama ito dahil sa
nahihirapan siyang humanap ng anggulo. Napatingin kami kay lola Dita na
nagpupumiglas pa din sa hawak ng kalaban.

"Aaarrrgghhh!!" I flinched and closed my eyes because of what I've seen. Tinakpan
ko din ang mga mata ni Jehd upang hindi niya makita ang kalagayan ng kanyang lola.

Hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan mayroon ang kalaban. Sa pamamagitan
ng paghawak niya sa balat ni lola Dita ay nagagawa niyang masunog ang balat nito.
"Fritz, ano nang gagawin natin?!" natataranta kong sigaw sa kanya. Unti-unting
kumakalat ang sunog na balat ni lola Dita sa kanyang buong katawan at alam kong
hindi ito maganda.

"Kuya Fritz, iligtas niyo po si lola bago pa siya tuluyang maging abo."sambit ni
Jehd na patuloy pa din sa pag-iyak. Agad namang tumalima si Fritz papunta sa
kinaroroonan nila lola upang sagipin siya.

"Anong ibig mong sabihin??" nakakunot ang noo kong tinanong kay Jehd.

"Cremation. Iyon ang taglay na kapangyarihan ng kalaban. Kaya niyang gawing abo ang
lahat, mapatao man o bagay. Oras na mahawakan niya ang isang tao o bagay, mag-iiwan
ito ng marka at magkukusa na itong kumalat at magiging abo." paliwanag ni Jehd na
nagpagulat sa akin. Delikado pala ang
taglay na ability ng kalaban.

Pinagmasdan ko si Fritz na papalapit na ng papalapit sa kalaban at nang makakuha


siya ng tiyempo ay ipinalipad niya kaagad ang dagger sa kalaban at sakto namang
tumama sa kanyang dibdib. Napabitaw ang kalaban sa pagkakahawak kay lola Dita at
galit na galit na sinugod si Fritz. Habang nakikipaglaban si Fritz sa kalaban ay
kinuha namin ang pagkakataon upang malapitan ang nakahandusay na si lola Dita.
Sunog na sunog na ang kanyang buong katawan at halos hindi na namin siya makilala.

"Lola, wag niyo po akong iiwan. Lumaban po kayo." muling nag-iiiyak si Jehd nang
makita ng malapitan si lola Dita.

"Apo, maging matatag ka. Kapag wala na ako, wag mo akong masyadong isipin at wag
kang masyadong malungkot. Andito lang ako lagi sa tabi mo. Mahal na mahal kita,
apo." kahit nahihirapan ay nagawa pa rin niyang magsalita.

"Astrid.." baling naman sa akin ni lola Dita. Hinawakan niya aking kamay at
sinabing, "Ipapakiusap ko sana sa iyo ang aking apo. Kung ano mang magiging resulta
ng iyong misyon, wag mo pa rin sanang pababayaan si Jehd. Kung maaari sana ay isama
mo siya sa iyo pagbalik mo sa Pierda."

Hindi ko namamalayang bumabagsak na pala ang mga luha ko. Maski si lola ay umiiyak
na din. "Wag po kayong mag-alala, lola. Ako na po ang bahala sa kanya. Hindi ko po
siya pababayaan. Pangako.." mariin kong sambit kay lola Dita.

Sa huling pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti. Ito ang isa sa mga ngiting hindi
ko malilimutan. Ang katulad ni lola Dita ay isang bayani para sa akin. Kung
tutuusin, wala naman siyang pakialam sa misyon namin ni Fritz pero tinulungan niya
pa din kami at higit ang pa sa pagtulong ang ginawa niya. Isinakripisyo niya ang
kanyang buhay para lang sa amin.

Mahigpit kong niyakap si Jehd habang pinagmamasdan ang katawan ni lola Dita na
unti-unti nang nagiging abo hanggang sa damit nalang niya ang natira. Wala na
siya... Nakakalungkot isipin.

"Tahan na, Jehd. Kung nasaan man si lola Dita ngayon, sigurado akong ayaw niya na
nakikita kang umiiyak. Tatagan mo lang ang loob. Wag ka mag-alala, hindi kita
pababayaan.." sambit ko kay Jehd upang palakasin ang kanyang loob.

Maraming maraming salamat po, lola. Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan at


tutuparin ko po ang pangako ko sa inyo..
=================

Chapter XLIX: Deity

Halos ilang minuto din kaming nakaluhod at matamang pinagmamasdan ang mga damit,
tsinelas,ilang alahas, at syempre, ang abo ni lola Dita. Yakap-yakap ko pa din si
Jehd na medyo humina na ang pag-iyak. Si Fritz naman ay nakasandal sa malaking puno
at nakatingin sa kawalan.

"Mabuti pa siguro umalis na tayo dito. Baka mamaya dumating na din dito ang ilang
kasamahan nung kalaban.." pagbasag ni Fritz sa katahimikan.

Tinignan ko si Jehd para alamin kung ayos na ba ang kanyang kalagayan. Namamaga pa
din ang kanyang mga mata at sa tingin ko sobra siyang nanaghihina ngayon. Baka
hindi niya na kayang maglakbay. Pero ikinagulat ko nang tumingin siya sa akin at
marahang tumango. Dahan-dahan siyang tumayo at inilahad ang kanyang kamay para
tulungan akong tumayo. Nginitian ko muna siya bago ko iniabot ang kanyang kamay at
saka tumayo.

"Ayos ka na ba, Jehd?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Opo." sagot niya sabay tumango. Maulit kong tinignan ang kanyang mga mata para
hanapin ang kanyang tunay na nararamdaman at tama nga ako, hindi pa siya maayos.
Pero alam kong ginagawa niya ito para sa amin at para sa kanyang lola.

"Tara na.." sambit ko at saka hinawakan ang kanyang kamay.

"Saglit lang po." saad ni Jehd. Binitawan niya ang kamay ko at muling bumalik sa
kinaroroonan ng abo ni lola Dita. Lumuhod siya at kinuha ang kulay gintong kwintas
ni lola at isinuot ito sa kanyan leeg. Pagkatapos ay patakbo siyang nagtungo sa
amin ni Fritz.

"Mahalaga po kasi ang kwintas na ito kay lola." paliwanag

niya. Ipinakita niya ito sa amin at doon ko nakita na hugis puso pala ito at
nakaukit doon ang pangalang 'Dita' sa dikit-dikit na letra.

"Ang ganda..." naisambit ko sabay hinawakan ang pendant.


"Astrid.." napalingon ako nang magsalita si Fritz. Parang kinakabahan ang kanyang
mukha na nakatingin sa harapang direksyon. Napakunot ang noo kong tumingin sa
tinitignan niya at doon ko nakita sa di kalayuan ang mga kasamahan nung pumatay kay
lola Dita-ang tribong Lahar.

Hinawakan ni Fritz ang kamay ko at tinignan niya ako. Hinawakan ko din ang kamay ni
Jehd at dahan-dahan kaming umatras. Nang makailang atras pa kami ay saka kami
sabay-sabay na tumalikod para tumakbo. Pero nanlumo lamang kami nang makitang may
nasa sampung katao ang nakaharang sa amin. Pinapalibutan na nila kami at papalapit
na sila nang papalapit sa amin.

Lumalakas na ang pagkabog ng dibdib ko. Nararamdaman kong nalalamig at nagpapawis


na din ang kamay ko pero hindi iyon alintana ni Fritz bagkus ay hinigpitan niya pa
ang pagkakahawak sa aking kamay. Kailangan kong mag-isip ng paraan...

"Astrid.." rinig kong tawag sa akin ni Fritz. "Kukuhanin ko ang atensyon nila at
kapag nakuha ko iyon, tumakbo kayo nang mabilis, maliwanag? Wag na ninyo akong
antayin." napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Pero ang mga mata ay
nakapokus sa mga kalaban.

"Hindi ako makakapayag, Fritz. Huwag mong ituloy ang binabalak mo." sabi ko na may
halong pagbabanta. Pero mukhang hindi tumalab sa kanya ang sinabi ko. Ramdam ko ang
unti-unting pagluwag ng

kanyang hawak sa aking kamay hanggang sa tuluyan na siyang bumitaw. Ngunit hinabol
ko pa din siya at hinarangan.

"Ang tigas talaga nang ulo mo, noh? Sinabi nang huwag mong itutuloy eh!" sigaw ko
sa kanya. Bukod sa galit ay nangingibabaw din ang pag-aalala sa damdamin ko. Hindi
ko kayang mawala siya..

"Tss. Ikaw ang matigas ang ulo! Bakit ba wala kang tiwala sa akin?! Hindi porket
mas matanda ka sakin ay ikaw na ang masusunod. Wag mo 'kong pagmukhaing bata,
Astrid. Alam ko ang ginagawa ko." naiinis naman na sinabi sa akin ni Fritz. Inalis
niya ang mga kamay ko na nakahawak sa kanyang mga braso at nagpatuloy na naman sa
pagpunta sa mga kalaban. Pero hindi ako nagpatinag at muli siyang hinarangan.

"Magalit ka na kung magalit pero hindi pa rin ako papayag." matigas kong sinabi.
"...natatakot akong mawala ka, Fritz. Please wag mo nang gawin 'to." sa huli ay
hindi ko na napigilang sabihin.
"Nako, mukhang may ayaw magkarelasyon pa ata ang mapapanood natin ngayon ah." sabay
kaming napalingon ni Fritz sa isang lalaking nagsalita na tiga-tribong Lahar.
Dahan-dahan itong naglalakad papalapit sa amin habang nakangisi pa. Batay sa
hitsura niya, sa tingin ko siya ang kanilang pinuno. Mas mahaba ang kanyang sungay
na mukhang sungay ng kambing, kumpara sa mga sungay ng iba. Siya lang din ang
kaisa-isang may damit na gawa sa balat ng oso, hindi gaya ng kanyang mga alagad na
kakapiranggot lang ang suot. Kung tutuusin, madali lang namang mahulaan. Tindig at
pananalita niya palang, pinuno

na ang dating.

"Sige, mabuti pa nga at magpaalam na kayo sa isa't-isa dahil tatapusin na namin ang
mga buhay niyo!" saad nito at saka humalakhak nang pagkalakas-lakas.

Walang anu-ano'y sinugod na kami ng mga alagad ng pinuno at mahigpit kaming


hinawakan sa magkakabila naming bisig. Nagsihiyawan naman sa tuwa ang iba pa,
kasama na ng pinuno. Maya-maya pa ay nagsisikantahan na sila, hindi ko maunawaan
kung anong klaseng kanta iyon dahil mukhang ibang lenggwahe ang mga liriko.
Pinalilibutan na nila kami habang sumasayaw sa saliw ng kanta. Nakita kong
sinindihan ng isang alagad ang torch at iniabot sa pinuno.

"Huwag!" sigaw ko na nagpatigil sa kanilang ginagawa. Lahat sila ay napatingin sa


akin at ganun din si Fritz na nakakunot pa ang mga noo.

Lumunok muna ako bago magsalita. Hindi ko alam kung gagana ba itong plano ko pero
sana nga. "I am the deity of Enrocho.." sambit ko sa alanganing boses. Nakita ko
ang pagkunot ng kanilang mga noo. Mukhang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

"Ano kamo? Ikaw ang diyos?? " the leader said in a mocking tone. Magkaslubong pa
ang kanyang mga kilay habang naglalakad papalapit sa akin. "At ano namang patunay
mo?" paghahamon niya sa akin.

Inalis ko ang pagkakahawak ng mga alagad niya sa akin para makagalaw ako. Sunod
kong hinawakan ang kwintas na suot-suot ko-ang kwintas na binigay sa akin ni
sultana Shekannah. Unti-unti kong iniangat ang kwintas sa aking leeg hanggang sa
tuluyan ko na itong matanggal. Doon ko nakita ang kanilang mga hitsura na nagulat.

"Ang mga mata mo..." halos hindi makapaniwalang saad ng pinuno nila. "K-kulay b-
berde.."

Lahat ng mga alagad ng pinuno ay nagsilapitan sa akin. Animo'y sinusuri nila ang
aking mga mata kung totoo nga. Nagulat nalang ako nang bigla silang nagsiluhudan sa
harap ko. "Diyos ng Enrocho. Patawarin mo ang ginawa namin sa inyo.." aniya ng
pinuno habang magkadaop pa ang dalawang kamay nito. Napalunok na lamang ako.
Mukhang napaniwala ko nga sila. Hindi ko akalaing kakagat sila sa sinabi ko.

"Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo??" napatingin ako kila Fritz na mukhang
nagulat din sa nangyari. Binigyan ko na lamang siya ng makahulugang tingin. Sa
tingin ko naman ay naintindihan niya ang binabalak ko kaya tumango na lamang siya.

Ibinaling ko ang tingin ko sa pinuno. "Gusto kong ihatid ninyo kami sa tuktok ng
Mt. Shibu. Tulungan ninyo akong hanapin ang nawawalang phoenix. " maawtoridad kong
sinabi.

"Masusunod po.." agad namang sambit ng pinuno.

=================

Chapter L: Way to The Phoenix

Isang oras mahigit na din naming tinatahak ang daan patungo sa tuktok ng Mt. Shibu.
Kasama pa din namin ang tribong Lahar na sobra ang pagbabantay na ginagawa para sa
amin. Ang pinuno nila na si Troth ang nangunguna sa paglalakbay. Kada oras ay
hihinto ito para alamin kung maayos ba ang aming kalagayan o kaya naman ay
magpapautos ito sa kanyang alagad na pakainin kami o bigyan ng maiinom.

"Ayos lang kami, Troth. Huwag mo na kaming alalahanin." sabi ko sa kanina pang
hindi mapalagay na pinuno ng tribo. Ngayon ay nagdadalawang-isip na ako kung
magandang ideya pa ba itong ginawa ko. Sana ay hindi na kami nagpatulong sa kanila.

"Diba sabi ni Shekannah ay wag na wag mong tatanggalin ang kwintas?" pabulong na
tanong ni Fritz sa aking kanang tenga.

"Wala namang masamang nangyari. Napaniwala ko naman sila sa sinabi ko kaya wag ka
nang mag-alala. Sumakay ka na lang.." mahina kong sambit.

Nagtinginan sa amin ang ilang mga miyembro ng tribo kaya napaayos kami ng tindig ni
Fritz. Binigyan nila kami ng nagdududang tingin pero ako at si Fritz ay hindi man
lang nagpakita ng kakaibang emosyon. Tama na ang kaduda-dudang pag-uusap na nahuli
nilang ginawa namin. Hinawakan ko ang kamay ni Jehd at muli kaming nagpatuloy sa
paglalakad.

Ilang oras din ang nakalipas at sa wakas, ilang hakbang nalang at nasa pinakamataas
na parte na kami ng bundok. Muli ko na namang naramdaman ang panlalamig ng aking
mga kamay at nabuhay na naman ang kanina'y nananahimik kong puso. Heto na. Malapit
na ako...

"Bakit? May problema ba?" naudlot ang kasabikan ko nang biglaan silang huminto.

"Mukhang hindi lang tayo ang may

pakay sa ibon.." aniya ni Troth na hindi man lang nagpakunot ng aking noo. Alam ko
naman iyon. At kilala ko din kung sino ang mga taong ito.

"Mga alagad ko." muling sambit ng pinuno. "Ihanda ninyo ang mga sarili ninyo. May
mga kikitilin tayong buhay."

"Huwag!" agad kong pagpigil sa kanila. "Gusto ko munang makausap ang mga taong
iyon.." sabi ko sa pinuno sa nag-uutos na tono.

Tumaas ang kilay ni Troth nang tinignan niya ako. Napahimas pa siya sa kanyang baba
na para bang nagtataka siya sa sinabi ko. Ngunit kalaunan ay nagpakawala din siya
ng buntong-hininga at saka tumango.

"Padaanin ninyo sila." Utos ni Troth sa kanyang mga alagad na agad namang sinunod
ng mga ito. Gumilid silang lahat at hinayaan kaming makadaan sa gitna hanggang sa
makalagpas na kami sa kanila.

Doon ko nasilayan ang mga pamilyar na tao sa di kalayuan. Mukhang hindi nila
napapansin ang aming presensya dahil mayroon ata silang pinagkakaabalahan. Hinanap
ng mata ko ang ibang miyembro ngunit bigo akong makita ang mga iyon. Tanging ang
tatlong kapitan lang ng grupo ang nakikita ko, kasama pa rin ang dalawang tao na
nagtangkang pumatay sa akin.

Kusang humakbang ang aking mga paa patungo sa kinaroroonan nila. Nakasunod sa akin
si Fritz at Jehd na tahimik lamang na nakikiramdam sa binabalak kong gawin.
Lumalaki at bumibilis ang aking mga paghakbang at mukhang nahihirapan na akong
sabayan nila Fritz sa paglalakad. Dahil sa ginawa kong kilos ay naaagaw ko din ang
atensyon ng mga taong ito. Unang lumingon ang pinakapamilyar sa lahat, bakas sa
mukha

niya ang pagkagulat at pagkalito. Sunod naman ang dalawa pang captain at ang
pinakahuli sa lahat-ang mga taong kinamumuhian ko.
"A-Astrid..." sambit ni Grey.

Hindi ako umimik, bagkus ay nagpakita lang ako ng mukhang walang emosyon. Walang
ekspresyon kong tinignan ang bawat isa sa kanila ngunit lingid sa kanilang
kaalaman, sa kabila ng ganitong ekspresyon ko ang magulo at halo-halo kong
damdamin. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakaabot sila dito, o magagalit
dahil hindi man lang nila ako nagawang iligtas noong nasa peligro ako.

"P-paanong-" hindi makapaniwalang saad ni Brix. Kitang-kita ang biglang pagpapawis


ng kanyang noo at ang pamumutla ng kanyang mukha. Gusto kong matawa sa kanyang
reaksyon. Akala mo nakakita ng multo.

"Oo. Ako nga ito. Hindi pa ako patay." taas-noo kong sinabi sa kanilang lahat.

"P-pero, hindi ako maaaring magkamali. S-sigurado akong p-patay ka na!" mas lumakas
ang boses ni Brix ngayon dahilan para mapatingin sa kanya sina captain Conrad.

"Yan din ang akala ko. Pero mabuti nalang at pinuntahan ako ni Fritz at niligtas."
sabi ko.

"Paano ka niya naligtas? Ang sabi nila Zoe ay kinuha ka na ng isang tribo upang
ipang-alay." nagsisimula ng maguluhan sina captain Conrad. Pasalit-salit ang tingin
nila sa amin nina Zoe.

"Kasinungalingan ang lahat ng mga sinabi nila sa inyo. Hindi totoong pinatay ako ng
isang tribo at kinuha bilang pang-alay. Dahil ang totoo..." muli kong tinignan ang
mukha ng dalawang nagtraydor

sa akin. Punung-puno ng takot ang makikita sa kanilang mga mata. "Sila ang
nagtangkang pumatay sa akin!" sabay turo ko kila Brix.

"Hindi yan totoo!" agad namang depensa ni Zoe.

"Totoo ba ang sinasabi mo, Astrid??" tanong ni captain Akiko na hindi na alam kung
sino ang tunay na paniniwalaan.

Magsasalita na sana ako upang magbigay pa ng patunay ngunit nabigla nalang ako nang
magpalipad si Zoe ng isang boomerang papunta sa akin. Mabuti na lamang at naitulak
ako ni Fritz para makaiwas. Bago pa man ako makaganti ay nagsikilos na ang mga
tiga-tribong Lahar para pigilan sina Zoe sa pag-atake sa akin. Maski ang tatlong
captain ay kinalaban nila.

"Mahal na Diyos ng Enrocho, mabuti pa sigurong magtungo na kayo sa kinaroroonan ng


phoenix habang kinakalaban namin sila. " sambit ni Troth habang ang mga alagad niya
ay nakikipaglaban na sa kanila.

"Astrid! Sabihin mo sa kanila na kakampi mo kami!" sigaw ni Captain Conrad habang


hirap na hirap siya sa pakikipaglaban sa mga miyembro ng tribo.

Kakampi?? Kakampi ko nga ba sila? Hindi ko na nagawang magsalita dahil hinigit na


akong bigla ni Fritz paalis ng lugar na iyon. "Pabayaan mo na sila. Mas alalahanin
natin ang ibon, Astrid." mariin niya saking binanggit bilang paalala.

"Ang phoenix.." sambit ko sa aking sarili. Napapikit ako dahil sa naramdamang


pagpintig ng aking sentido.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nanlabo ang paningin ko. Kung anu-anong mga
senaryo ang pumapasok sa aking isip. Nakita ko sa vision ko ang batang lalaki, ang
babaeng kaedad ko lang, at ang matandang lalaki-mga taong nakikita ko lamang sa
panaginip. Nakita ko din ang pamilya ko at si Mico, at ang mga mahahalagang alaala
ko na nagsilbing inspirasyon ko sa pagpupursige kong makuha ang aking pangarap. Sa
isang iglap ay naghalo-halo ang lahat ng mga ito sa aking isipan. Para akong natrap
sa isang ilusyon. Anong nangyayari sa akin??

"Astrid.." nakarinig ako ng isang boses. Sinubukan kong hanapin iyon pero mas lalo
lang sumasakit ang aking ulo.

"Astrid!" unti-unti nang naglalaho ang mga senaryo. Parang itong nawawala at
nagiging usok. Paunti-unti...

Paunti-unti...

Paunti-unti...

Wala na..
Wala na..

"Astrid!" naimulat ko ang aking mga mata. Doon ko nakita si Fritz na may reaksyong
pinaghalo. Hindi ko ito mawari, parang natatakot na nag-aalala.

Napangiwi ako nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa aking


magkabilang braso.

"Makinig ka sa akin, Astrid." sambit ni Fritz na nagpabalik sa akin sa katinuan.


"Kailangan na nating kuhanin ang phoenix habang nakikipaglaban pa sila."

Isang pagtango lang itinugon ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at muling
hinila papaalis ng lugar pero bago pa man kami tuluyang makaalis ay nakarinig kami
ng isang pagsabog. Agad kaming napalingon sa mga bagong paparating. Shit. Ang mga
tiga-Romanesce!

"Tara na!" muling paghila sa akin ni Fritz.

=================

Chapter LI: Way to The Phoenix 2

Wala na kaming ginawa ni Fritz kundi ang tumakbo nang tumakbo. Hindi pa din siya
bumibitaw sa pagkakahawak sa aking kamay kaya halos madapa-dapa pa ako para lang
masabayan ang malalaki niyang mga hakbang. Unti-unti na din akong kinakapos sa
hininga pero kahit ganun pa man, hindi ako humihinto. Hindi ako pwedeng huminto.
Lalo na't may mga humahabol sa amin.

Ilang minuto pa naming pagtakbo ay sa wakas, narating din namin ang pinakamatarik
na parte ng kabundukang ito. Halos nanginginig ang buong katawan ko nang mapakapit
ako sa mga balikat ni Fritz. Kusa nang huminto ang aming mga katawan marahil sa
sobrang kapaguran.

"Saan ba ang patutunguhan natin?" hinihingal na tinanong sa akin ni Fritz,


mababakas sa kanyang tono ang pagkalito.

Tinignan ko ang kanyang mukha na punung-puno ng pawis saka sumagot, "Hindi ko din
alam. Ang sabi ni Troth ay hanapin natin ang phoenix pero ang tanong, saan naman
kaya natin yun hahanapin? Napakalaki ng Mt. Shibu."
Pinilit kong tumindig ng maayos at saka inilibot ang tingin sa magubat na paligid.
Si Fritz naman ay naglakad papunta sa isang puno at sumandal doon. "Malamang,
andidito lang iyon. Kinakailangan lang nating maghintay.." pagkuwa'y sinabi niya.

"Pero hanggang kailan naman tayo mag-aantay dito? Kailangan tayo mismo kumilos at
maghanap non dahil kung hindi ay baka maunahan na tayo ng iba." mukhang hindi ko na
maalis ang pagkataranta sa aking sistema. Bawat paghinga ko ay kasabay ang malakas
na pagtibok ng puso ko. Nararamdaman kong malapit na kami.

"Teka.." sambit ni Fritz na nakapagpatahimik sa akin. Naging alerto ako

nang makita kong may nararamdaman si Fritz na tila kakaiba. Doon ko lang din naring
ang mga papalapit na yabag. Tinignan ako ni Fritz at muling hinawakan sa kamay,
hudyat lang iyon na muli na naman kaming tatakbo.

Ngunit patakbo palang kami ay pinaputukan na kami ng sunud-sunod na mga bala.


"Bilis, Astrid!" sambit ni Fritz sa akin at patakbo na namam akong hinila.

Hindi pa din tumitigil ang mga bumabaril sa amin at ramdam kong dumadami pa sila.
Habang tumatagal ay hindi lang baril ang armas na ginagamit nila sa amin. May arrow
na ding mga lumilipad papunta sa amin pero mabuti at nakakaiwas kami. Pero sa
sobrang kakaiwas ko ay hindi ko namalayang natapakan ko na pala ang isang patibong.

"Astrid!" gulat na sigaw ni Fritz kasabay ng pagpalahaw ko. Natapakan ko ang isang
malaking lambat at walang anu-ano'y ibinitin ako nito sa ere. Hindi ako makagalaw
sa sobrang sikip nito at nahihirapan din ako sa paghinga. Para akong naging hayop
sa sitwasyon ko ngayon.

"Tumakbo ka na, Fritz! Hayaan mo nako dito, hanapin mo na ang phoenix!" kahit
nahihirapan ay pinilit ko pa ding sumigaw ng malakas para marinig ni Fritz ang
sasabihin ko.

Pero asa namang susundin ako ng lalaking ito. Parang hindi lang niya narinig ang
sinabi ko at patuloy pa din sa pagtanggal doon sa lubid na nakatali sa puno. Ang
lubid na tinatanggal niya ay nakakonekta sa lambat kung saan ako nakakulong ngayon.

"Paparating na sila Fritz! Umalis ka na!" muli kong sabi sa kanya pero patuloy pa
din siya sa ginagawa niya. Kumuha pa siya ng bato at ipinangkiskis sa lubid. Hindi
ko alam kung paano niya ito

eksaktong ginagawa pero sa tingin ko gumagana ito. Unti-unti ay bumaba na nang


bumaba ang lambat. Hanggang sa natanggal na ito ng tuluyan ni Fritz.
"Aahhhh!!!" sigaw ko nang tuluyan akong bumagsak mula sa itaas. Ipinikit ko ang mga
mata ko at inihanda na ang sarili ko sa sakit na mararamdaman ko. Pero kung
inaakala kong babagsak ako sa matigas na lupa, ay nagkakamali ako. May sumalo sa
akin!

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at doon ko nasilayan ang nakangiting
mukha ni Fritz. Sinasabi ko na nga ba.. Pero hindi ito oras para sa ganito. Agad
ding sumeryoso ang aming mga mukha at bahagya din niya akong ibinaba. Magpapatuloy
pa sana kami sa paglalakad ngunit napasinghap kami nang makita ang mga tiga-
Romanesce na nakapalibot sa amin.

"At sa tingin niyo kayo ang makakakuha ng phoenix?" napalinga-linga ako upang
hanapin ang pamilyar na boses. Doon ko nasilayan ang mukha nang isang ordinaryong
tao na tulad ko. Ang asawa ni Dr. Pan!

Hinanap pa ng mukha ko ang ilang pamilyar na tao subalit mukhang siya lang sa
pamilya nila ang nandito. Nakatutok ang kanyang baril sa amin kagaya ng ginagawa ng
iba niyang kasamahan. "...pwes, nagkakamali kayo! Sa amin ang phoenix. Hindi kami
makapapayag na mapunta ang ibon sa mga dayuhang tulad ninyo!" nanggagalaiting
sinambit nito.

Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin at ng mga kalaban. Nagtinginan


kami ni Fritz para mag-usap gamit ang aming mga mata. Pero hirap akong basahin ang
nais niyang ipahiwatig. Muli akong

tumingin sa aming mga kalaban at mukhang pansin nila ang ginagawa namin ni Fritz.
Napangiti na lamang sa amin ang asawa ni Dr. Pan na para bang nang-aasar ito.

"Nag-iisip kayo ng paraan para makatakas??" sabi nito sa sarkastikong tono.


Pagkuwa'y napahalakhak pa ito dahilan kung bakit nagpanting ang tenga ko. "Pero
wala na kayong kawala, napaliligiran na namin kayo." dugtong pa nito na mas
kinainis ko.

Nagpalakad-lakad pa siya papaikot sa amin habang matamang pinagmamasdan ang aming


hitsura ni Fritz. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pang-aasar kaya minabuti ko
na lamang na wag makipagtitigan sa kanya dahil baka mas lalo lang akong mainis.

"Sige, patayin niyo na ang mga traydor na ito!" pagkuwa'y sinabi nito na
nagpaalerto sa amin.
Isa-isa na nilang kinakasa ang kanilang mga baril. May lumapit din sa aming mga
lalaki at hinawakan kami sa magkabilaang braso. Pinilit kong kumalas pero
mahihigpit ang kanilang mga pagkakahawak sa akin. Itinutok na ng kalaban ang baril
sa aking noo. Napalunok ako sa sobrang lapit nito at hindi ko na napigilang lumihis
ng tingin.

Doon ko nakita sina Brix at Zoe na maingat na naglalakad sa parte kung saan
matataas ang mga damo. Wala man lang nakakapansin sa kanila na may dalawang tao pa
na nagbabalak makakuha ng ibon. Nagkatitigan kami ni Zoe at isang ngiting tagumpay
ang ibinigay niya sa akin. Hanggang sa unti-unti na silang makalagpas at mawala sa
aking paningin. Shit. Hindi pwede!

Dismayado kong ibinalik ang aking tingin sa kalabang nasa harap ko pero napatalon
ako dahil sa gulat nang makitang bumagsak na ito sa lupa. Nakita ko si Fritz na
wala nang kalabang nakahawak sa mga bisig niya at may hawak-hawak na siyang baril.
Sunud-sunod niyang pinatamaan ang mga lalaking nakahawak sa aking mga braso.

Nang makawala ako ay kinuha ko din ang baril na nasa bulsa ng namatay na kalaban at
pumunta sa gawi ni Fritz. Naalarma ang mga natitirang kalaban kasama na ang asawa
ni Dr. Pan dahil sa biglaang nangyari. Ikinasa nila isa-isa ang mga baril na hawak
nila at itinutok sa amin. Ganun din ang ginawa namin ngunit bago pa namin magawang
ipaputok ang baril ay may bumaril na sa mga tiga-Romanesce mula sa likuran.

Papalapit sa amin ang tatlong captains at isa-isa nilang kinalaban ang mga
sumusugod sa kanilang mga kalaban. Napatingin sa akin si Grey at saka sinabing,
"Umalis na kayo, Astrid. Kuhanin niyo na ang phoenix!"

"Pero..." bakit nila kami tinutulungan gayong itinuring ko na silang kaaway at


inilagay sa peligro?! nanatili akong nabato sa kinatatayuan ko.

"Wala nang pero pero, dali na! Umalis na kayo! Kami na ang bahala dito!" sambit ni
Captain Conrad na nagpagising sa diwa ko.

Tumingin ako kay Fritz at tinanguan niya ako. Tumalikod na kami sa kanila at muli,
magkahawak kamay naming tinahak ang daan papunta sa phoenix.

=================

Chapter LII: Two vs. Two

"Sundan lang natin ang mga footprints nila Brix at Zoe. Sigurado akong kanila ang
mga ito." panigurado kong sabi, tinutukoy ang mga footprints sa maputik na daanan.
Sigurado akong sa kanila ang mga ito dahil wala namang iba pang dumaan dito kundi
sila lang.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras ni Fritz at muli kaming naglakad habang


sinusundan ang bakas ng mga paa. Kung hindi man ito sa kanila galing, may kutob pa
din ako na ito ang magdadala sa amin sa phoenix. Habang tumatagal ang paglalakad
namin ay pakiramdam ko mas nakakarating kami sa masukal na parte ng kagubatan sa
bundok na ito.

"Astrid.." tawag sa akin ni Fritz kaya napalingon ako. "Tignan mo yun." tinignan ko
ang tinuturo ng kanyang hintuturong daliri at doon ko nakita ang isang kweba sa di
kalayuan.

Mayroon palang kweba sa Mt. Shibu? "Doon papunta ang footprints.." dugtong pa ni
Fritz habang sinusuri ang bakas ng mga paa.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ngunit mas mabilis na ngayon. Muli na namang


naghaharumentado ang puso ko at ramdam ko na ganun din ang nararamdaman ni Fritz.
Habang papalapit kami nang papalapit ay lalong kumikipot ang daanan dahil sa mga
nakahilerang malalaking puno na pinagigitnaan kami. Mabilis subalit maingat ang
ginawa naming paglalakad. Maingat din naming hinahawi ang mga baging na nakaharang
sa dinaraanan namin dahil baka mamaya ay ahas na ang mga nakalaylay mula sa mga
puno.

"Mauna ka, Astrid." aniya ni Fritz dahil napansin niyang nahuhuli ako at
nahihirapang maglakad. Inilahad niya ang kamay niya sa akin at iniabot ko naman
ito. Pagkatapos ay inalalayan niya akong

makapunta sa kanyang harapan.

"Just stay close.." he said in a husky voice. Mariin akong tumango at nagpatuloy sa
paglalakad.

Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakalabas din kami sa masukal na gubat na iyon at


saka patakbong tinungo ang kweba. Nang makarating kami doon ay sinilip muna namin
ang kabuuan ng loob at doon namin napag-alamang hindi lang iyon ordinaryong kweba.
Malaki ito at may tubig sa loob.

Sinumulan na naming pasukin ang loob ng kweba. Maraming mga bato kaya maingat at
dahan-dahan kaming naglalakad papasok. Panay naman ang alalay sa akin ni Fritz
kapag medyo nahihirapan akong maglakad kaya nagiging mas madali sa amin ang
makapasok. Nang tuluyan na kaming makapasok ay inilusong naman namin ang mga paa
namin sa malinis na tubig at tinatantya kung gaano ito kalalim. Hanggang tuhod lang
naman pala ito kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"At saan kayo pupunta??" napatigil kami sa paglalakad nang may marinig na boses ng
babae. Lumingon ako sa aking likuran at doon ko nakita si Zoe. "Kami ang makakakuha
sa phoenix!"

"Astrid!" sigaw ni Fritz at itinulak ako. Napasinghap ako nang makitang pinukpok ni
Brix ng isang malaking bato ang ulo ni Fritz. Ako dapat ang matatamaan pero
iniligtas niya ako!

"Fritz!!!" tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa tubig at pinuntahan ang bumagsak


na si Fritz. Lumuhod ako at nanginginig na inabot ang kanyang ulo na halos duguan
na. "Fritz, g-gumising ka.."pati

ang boses ko ay nanginginig na din. Marahan kong tinapik ang kanyang pisngi, baka
sakaling idilat niya ang nakapikit niyang mga mata pero hindi. Wala na siyang
malay...

"Ngayon, ikaw naman." rinig kong sambit ni Zoe at saka hinablot ang aking buhok.

Wala akong kalaban-laban nang hinila niya ako patayo at tinulak papunta kay Brix.
Hinawakan naman ni Brix ang magkabilang bisig ko habang si Zoe naman ay may
dinudukot na kung anong bagay mula sa kanyang bulsa. Nang mailabas niya iyon ay
saka ko lang napag-alamang na isang kunai knife pala ang bagay na iyon.

Nang makita ko iyon ay nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak ni Brix ngunit bigo
akong makawala dahil ginamitan na naman niya ako ng ability niya. Napasigaw ako
nang maramdaman ang kuryente na dumaloy sa aking buong katawan. Papalakas ito nang
papalakas at halos namamanhid na ang buong katawan ko sa sobrang lakas nito.

"Bakit kasi nabuhay ka pang babae ka?" bakas sa boses ni Zoe ang inis na may halong
panggigigil. "Bakit?!" umalingawngaw ang boses niya sa buong kweba. Ngunit hindi
ako nagpakita ng kahit anong takot o gulat sa ginawa niya. Walang emosyon ko lang
siyang tinitigan sa kanyang mga mata na sa tingin ko mas lalo niyang ikinainis.

"Iniinis mo ba talaga ako, ha?!" halos nagpipigil niyang sinambit. Pagkuwa'y


naglakad siya papalapit sa akin at itinutok sa bandang kaliwa ng leeg ko ang kunai.
Napalunok ako at napapikit nang maramdaman ang patalim.

"Zoe, sa likuran mo!" dali-dali kong minulat ang aking mga mata nang marinig kong
sumigaw si Brix.
Napasinghap ako nang makitang may malay si Fritz at nakatayo

pa. Dali-dali siyang pumunta sa gawi namin at inagaw ang hawak na kunai ni Zoe.
"Isa ka pa!" Zoe grunted in frustration.

Kitang-kita ko ang pamumula nang kanyang mukha sa sobrang galit. Pumikit siya
saglit at sa tingin ko ay nagcoconcentrate siya. Gagamitin niya ang kanyang
ability. Dahan-dahan siyang umikot ngunit papabilis siya nang papabilis habang
tumatagal hanggang sa isang iglap, nag-iba na ang kanyang anyo. Ang nakikita namin
ngayon ay hindi na si Zoe kundi isang oso.

Sinubukan ko ulit na magpumiglas ngunit mahigpit pa din ang pagkakahawak sa akin ni


Brix. Wala akong nagawa kundi panoorin si Fritz na naging alerto sa ginawa ni Zoe.
Mabuti nalang at nakuha niya ang kunai na magagamit niya panlaban sa oso. Agad siya
nitong sinugod ngunit nakaiwas siya. Sunud-sunod siyang inatake ng oso at siya
naman ay panay ang pagsalag dito gamit ang kunai.

Napahinto lang ang oso nang masugatan ito ni Fritz sa dibdib nito. "Grrr.." the
bear growled. Mas lalo itong nagalit at muli na namang sinugod si Fritz pero kahit
alam kong hirap na hirap na siya, pilit niya pa ding nilalabanan ang oso. Impit
akong napasigaw nang gantihan ng oso si Fritz. Nasugatan din nito si Fritz sa
dibdib niya gamit ang matatalas na kuko nito. Pero hindi nagpatinag si Fritz at
kanyang pinalipad ang kunai. Saktong tumama ito at bumaon sa dibdib ng oso.

"Zoe!!!" walang anu-ano'y binitawan ako ni Brix at tumakbo papunta sa nag-aagaw


buhay na oso. Hindi na niya kayang kontrolin ang kanyang ability kaya bumalik na
siya sa kanyang anyo. Mas kalunus-lunos ngayon ang hitsura niya dahil mas kitang-
kitang ang mga sugat na natamo niya mula kay Fritz.

"Z-zoe..." hindi ako makapinawala sa pinakitang emosyon ni Brix. Unti-unti nang


tumutulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Yakap-yakap niya nang mahigpit ang wala
nang buhay at duguang si Zoe.

Napatingin ako sa hinang-hina na si Fritz at napatinginan din siya sa akin. Bakas


ko sa mga mata niya ang kapaguran ngunit alam kong pinipilit niya lang itong itago
sa akin. Binigyan niya ako ng isang ngiti na kahit paano, nakapagpagaan ng loob ko.
Inihakbang niya ang kanyang mga paa papunta sa akin at doon ko lang napansin na
nagkaroon pala siya ng pilay.

Inihakbang ko na din ang aking mga paa para salubungin siya ngunit napahinto ako
nang makita si Brix sa likuran ni Fritz. Kitang-kita ko ang pag-aapoy ng kanyang
mga mata. Ibang-iba ang nakikita kong Brix ngayon, mas matapang at mabagsik.
Napalunok ako nang iangat niya ang kanyang dalawang kamay at itinapat sa amin ni
Fritz.

"Walang hiya kayo! Papatayin ko kayong dalawa!!" punung-puno nang galit niyang
ipinagsigawan. Walang anu-ano'y naglabas siya ng malalakas na daloy ng kuryente at
ipinatama sa amin.

"Aarrrrgghhhh!!!!"

=================

Chapter LIII: Pain Tolerance

Buong lakas kong nilalabanan ang malakas na kuryenteng bumabalot sa aking buong
katawan. Pinipilit kong labanan ang sarili ko na bumigay at mawalan ng malay sa
pamamagitan ng pagsigaw. Sinisigaw ko nang buong lakas ang sakit na nararamdaman
ko. Isigaw mo lang, Astrid! Sabi ng boses sa aking isipan. Habang naririnig mo pa
ang boses mo, ibig sabihin lang ay may malay ka pa.

"Sisiguraduhin kong mamamatay kayo! Ganti ko ito sa ginawa ninyo sa kaisa-isang


taong minahal ko!"

Kusa nang pumipikit ang aking mga mata kasabay ng pamimilipit ko sa sakit. Rinig na
rinig ko din ang malakas na pagpalahaw ni Fritz. Parehas na umaalingawngaw ang mga
boses namin sa buong kweba. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang
kapangyarihan ni Brix at hindi ko alam kung hanggang saan niya kami pahihirapan ng
ganito. Malamang hanggang sa mamatay kayo. Napangiwi na lamang ako sa bulong ng
isip ko. Hindi pwede!

Mula sa pagkakapikit ay dali-dali kong idinilat ang aking mga mata dahil sa narinig
na malakas na pagputok. Doon ko nasilayan ang nakabulagtang si Brix sa tubig.
Napatalon ako nang muli siyang paputukan ng baril na sunud-sunod ng isang babae na
papasok sa kweba. Pinilit kong bumalik sa ulirat at ipinokus ang mga tingin sa
babae. Dahan-dahan itong naglalakad patungo sa amin habang nakaangat pa din ang mga
kamay nitong may hawak ng baril at nakatutok sa amin.

"M-missy?.." halos pabulong kong sabi nang unti-unti kong makilala ang isang
pamilyar na mukha. Nang makalapit siya ng tuluyan sa amin ay doon ko ito
nakumpirma. Si Missy nga! Ang anak ni

Dr. Pan.
"W-wag kayong gagalaw..." ramdam ko ang panginginig sa kanyang boses. Nagkatinginan
kami ni Fritz ngunit nanatiling nakatikhim ang aming mga bibig. Kahit hindi niya
sabihin ay hindi talaga ako gagalaw sa kinatatayuan ko dahil hindi ko kaya. Sobrang
namamanhid pa din ang buong katawan ko at maswerte na lang kami ni Fritz na buhay
pa din sa kabila nang ginawa sa amin ni Brix.

"P-paano ka nakap-punta d-dito??..." halos walang boses ko itong itinanong sa


kanya.

Hindi siya sumagot. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi niya ako narinig o baka
ayaw niya lang talagang sagutin ang tanong ko. Dahan-dahan siyang bumaba mula sa
batuhan at inilusong ang kanyang mga paa sa tubig. Hindi pa rin niya ibinababa ang
kanyang baril na nakatutok sa amin at maski ang kanyang mga tingin sa amin ay hindi
niya maalis-alis.

"Ibaba mo ang baril mo." napalingon ako nang magsalita si Fritz. Mahinahon ngunit
mababakas ang pagkaawtoridad sa tono ng kanyang pananalita.

Subalit imbes na ibaba ay itinutok pa ito ni Missy kay Fritz. Napalunok ako sa
kanyang ginawa. Ibang Missy ang nakikita ko sa harapan namin ngayon. Hindi siya ang
mahinhin, mabait, at iyong tipo na lagi lang sumusunod na taong nakilala ko noon sa
Romanesce District. Ibang-iba siya ngayon. Ngunit ramdam kong sa likod ng
katapangang ipinapakita niya sa amin ngayon, may takot pa rin siyang nararamdaman.
Halata ko iyon base pa lamang sa panginginig ng kanyang mga kamay. May kung anong
meron sa kanya na hindi niya kayang gawin pero pilit niyang ginagawa, alang-alang
sa hindi ko malamang kapakanan.

"I c-can't..." halos mapiyok na ang

kanyang boses sa binitiwang mga salita. Nakita ko ang mga namumuong luha sa kanyang
mga mata. "Hindi pwede." dugtong pa niya habang umiiling-iling. Unti-unti akong
naguguluhan. Ano ba ang ibig niyang sabihin??

Nalaman ko ang kasagutan sa aking tanong nang marinig ko ang pagkasa ni Missy sa
baril na hawak niya. Napasinghap ako nang maliwanagan ang utak ko sa binabalak
niyang gawin.

"I-I'm sorry..." pagkasabi niya noon ay muli niyang ipinaputok ang kanyang baril ng
tatlong beses kay Fritz. Wala akong nagawa kundi tunghayan kung paano tumama ang
tatlong bala sa iba't ibang parte ng kanyang katawan: sa kaliwang binti, sa tiyan,
at sa dibdib.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa aking nakita. Nanlulumo kong
pinagmasdan ang bumagsak na walang buhay na katawan ni Fritz sa tubig. Unti-unti
nang kumakalat ang kanyang dugo at humahalo na ito sa malinis na tubig.

Fritz!! Sigaw ng damdamin ko. Wala man lang akong nagawa para pigilan si Missy.
Wala man lang akong nagawa para iligtas siya. Samantalang siya, ang daming beses
akong iniligtas mula sa kapahamakan. Wala kang kwenta, Astrid! Wala kang kwenta!

"F-fritz..."

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Ipinikit ko ang mga mata ko
dahil hindi ko kayang makita ang kalagayan ni Fritz. Hindi ko mawari kung anu-ano
itong mga reaksyong nararamdaman ko. Pero isa lang ang sigurado akong
pinakanangingibabaw sa lahat: ang sakit.

Ang kaninang tahimik kong pag-iyak ay isang malakas na pagpalahaw na ngayon. Wala
na akong pakealam kung mukha akong bata sa sobrang lakas ng pag-iyak ko. Ang
tanging importante sa akin ngayon ay ang mailabas ang lahat ng sakit na naipon sa
dibdib ko.

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko kay Missy. Isang pagkahabag at


pagkakonsensya ang nababakas ko sa kanyang mukha. Pero kahit ganon, hindi pa rin
siya nagpatinag at itinutok sa akin ang baril. Maluha-luha ko siyang tinanguan,
bilang pagtanggap sa aking magiging kapalaran. Tanggap ko na. Bigo akong matupad
ang pangarap ko. Hindi ko na makukuha ang matagal ko nang inaasam. Isa akong
talunan...

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at inihanda ko na ang aking sarili. Sa
isang iglap, ramdam ko na ang sunud-sunod na pagtama ng bala sa aking katawan. Pero
ang nakakapanibago doon, hindi ko na nararamdaman ang sakit. Marahil sa namamanhid
pa din ang aking katawan. O baka mas nangingibabaw ang panloob na sakit kesa sa
pisikal na sakit na nararamdaman ko?

Kusa nang bumagsak ang katawan ko sa tubig. Ang kaninang nakakabinging putok ng
baril ay nawala na. Bumalik na ang lahat sa katahimikan. Pahina na nang pahina ang
katawan ko at ramdam kong pipikit na aking mga mata. Para nang nakalutang ang diwa
ko, parang nananaginip.

Unti-unti kong naririnig ang boses ng isang ibon. Umaalingawngaw sa aking pandinig
ang umaawit na boses nito. T-teka, nananaginip na ba ako?? Hindi na ba totoo ang
naririnig ko???
"Ang pheonix!" doon lang ako nagising sa katotohanan nang marinig ko ang boses ni
Missy. Tama na ba ang narinig ko? Binanggit niya ang 'phoenix'??

Narinig ko ang patakbong mga yapak ni Missy hanggang sa makalagpas ito sa akin.
Kasabay nang kanyang mga yapak ay ang nakahuhumaling pa din na boses ng isang ibon.
Umi-echo ito sa kabuuan ng kweba. Saka lang ako natauhan...

Narito na ang Phoenix!!

=================

Chapter LIV: The Phoenix

Hindi ko namalayang kusa na pala akong tumatayo mula sa pagkakabagsak. Hindi ko


alam kung paano ko pa nakakayanang tumayo sa kabila nang sinapit ko. Duguan na ang
halos buong katawan ko at hindi na rin ako makalakad ng maayos. Pero hindi ako
nakakaramdam ng kahit anong sakit, namamanhid pa din ang buong katawan ko. Kaya ito
ang kukunin kong pagkakataon upang ibuhos ang natitirang lakas ko.

"Lumuha ka, parang awa mo na. Kailangan ko ng luha mo." rinig ko ang nakikiusap na
boses ni Missy sa hindi kalayuan. Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid upang
hanapin si Missy, ngunit kahit anino niya ay hindi ko mahagilap. Nasaan siya?

"Kailangan ko ng luha mo. Kailangan ko ng kapangyarihan..." muli kong hinanap kung


saan nanggagaling ang boses niya. Sinimulan ko ang paglalakad patungo sa kaloob-
looban ng kweba. Saka ko nakita ang isa pang parang silid. May kung anong liwanag
ang nanggagaling mula doon. Doon ko din naririnig ang boses ni Missy. Andoon siya..

Kahit hirap na hirap ay pinilit ko pa ding magpatuloy sa paglalakad. Ang tanging


kinakapitan ko para hindi ako tuluyang bumagsak ay ang malamig na dingding. "Parang
awa mo na, bigyan mo ako ng kapangyarihan!" nang tuluyan akong makapasok sa loob ay
doon ko nasilayan ang nakaluhod na si Missy.

Magkadaop ang kanyang dalawang kamay na animo'y nagdadasal. Ang mga mata niya ay
punung-puno ng pag-aasam, ang mga luha ang nagpapatunay ng kanyang pag-asa.
Nakatingala siya sa liwanag. Ang liwanag.

Pinilit kong maaninag ang nakakasilaw na liwanag at mas lumapit pa ako upang makita
ito.

Unti-unting nawawala ang liwanag kaya paunti-unti ko ding nakikita kung ano ang
bagay na ito. Bagay.. hindi ito isang bagay! Napasinghap ako nang tumambad sa
harapan ko ang isang napakagandang ibon. Hindi maalis ang mga mata ko sa pinong
balahibo nito na kulay ginto. Ang buntot nito na kumikinang ay sumusunod sa kanyang
bawat paggalaw.

Ang kanyang bawat paggalaw. Malaya kong pinagmamasdan ang kanyang paglipad. Para
siyang sumasayaw sa saliw ng awit. Ang awit na ginagawa ng kanyang bibig.
Nakahuhumaling pakinggan at panoorin. Kasabay ng kanyang paglipad ay ang pagkislap
ng kanyang mga balahibo. Parang apoy na kulay asul ang bumabalot sa kanyang
kabuuan.

"T-totoo ba itong n-nakikita ko??" Hindi ko mapigilang bigkasin ang nasa isip ko.
"Ang P-Phoenix..."

Ang phoenix nga! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko akalaing nakikita
ko na ngayon, sa harapan ko mismo, ang matagal ko nang inaasam na makita. Ang
nawawalang phoenix. Hindi ako nananaginip. Totoo ang nakikita ko. Totoo!

Pakiramdam ko nabuhay akong muli. Ramdam na ramdam ko ang malalakas na pagdaloy ng


dugo sa mga ugat ko. Naghaharumentadong muli ang puso ko. Kakaibang pakiramdam ang
ibinibigay sa akin ng ibon. Hindi ko ito maipaliwanag. Basta ang alam ko lang, may
isinisigaw ang isip ko. Iyon ay ang 'kuhain ang phoenix'.

"A-anong ginagawa mo dito? Patay ka na, hindi ba?!" rinig kong sambit ni Missy nang
mapansin ang presensya ko. Ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa
paglalakad papalapit sa ibon.

Nakikita ko sa peripheral vision ko na patuloy pa din ang pagbuka ng bibig ni


Missy. Kinakausap niya ako. Pero hindi ko siya naririnig. Wala na akong naririnig.
Ang buong atensyon ko ay nakapokus lamang sa iisa-sa phoenix.

Huminto ako nang tuluyan akong makalapit sa ibon, ngunit hindi ako huminto sa
paghanga. Paulit-ulit kon tinignan ang ibon, pinipilit kong ipasok sa utak ko ang
katotohanang totoo ang nakikita ko.

Huminto sa paglipad ang phoenix at nahagip ako nang kanyang mga mata. Nang makita
niya ako ay unti-unti siyang lumapit sa akin nang hindi napuputol ang kanyang
pagtitig. Sa akin nakatuon ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga matang kulay
berde. Ang mga matang nagbigay sa akin nang kakaibang pakiramdam. Kakaibang
pamilyaridad.
"T-totoo ka nga..." sa huli ay naikumpirma ko.

Patuloy ang pagtitig ko sa mga mata ng ibon. Nakikita ko ang pamumuo ng luha niya.
Ang mga luhang nagbibigay ng kapangyarihan. Ngunit wala akong nagawa nang tuluyang
bumagsak ang mga luha niya. Ang tangi ko lamang alama ay ang titigan ang kanyang
nangungusap na mga mata. Tila kinakausap niya ako sa pamamagitan nito. Parang may
nais siyang ipahiwatig.

"Nostronum spiritus sunt unum.." hindi ko alam kung bakit kusang bumukas ang bibig
ko. Hindi ko din alam kun saan ko nakuha ang mga salitang iyon. Ngunit dahil dito,
mas lalong lumapit sa akin ang ibon.

"Nos resurget ex favilla...

Nos fragur in ignus."

Muling nagliwanag ang buong katawan ng pheonix na nakapagpasilaw sa akin. Napahinto


ako at napakunot ang aking noo. Ano ang huling salita? Natataranta kong sinambit sa
isip ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit itong inalala. Ang huling salita..

Nagsisulputan ang sari-saring mga alaala at panaginip sa aking isipan. Pilit kong
hinanap sa mga alalang ito kung saan ko nakita ang mga salitang binanggit ko.
Hanggang sa bumalik sa memorya ko ang isang panaginip. Ang panaginip na nagpasimula
ng lahat.. Ang panaginip kung saan kasama ko ang phoenix. Naalala ko ang mga
salitang sinusulat ng ibon sa lupa. Dito ko iyon nakita. Alam ko na!

"Regeneratione!" sambit ko saka iminulat ang aking mga mata.

Ngunit nang imulat ko ang aking mga mata ay wala na akong nakita kundi ang
nakakasilaw na liwanag. Purong puti ang nakikita ko at wala akong naaninag na kahit
ano. Para akong nabubulag. Hanggang sa makaramdam ako ng kakaibang kirot na
nagmumula sa dibdib ko.

"Aaaarrrrgghhhhh!!!!" napasigaw ako nang maramdaman ang sakit. Para sinusunog ang
aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hindi na ako makahinga.
May kung anong bumabalot sa buong katawan ko at pilit na hinihiwalay ang kaluluwa
ko sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang lahat maski ang pagpintig ng mga pulso
ko. Ang pagdaloy ng dugo ko sa bawat ugat. Ang pagluha ko sa bawat sakit na aking
nararamdaman.

Hindi ko alam kung gaano ko katagal ininda ang sakit na iyon. Pilit ko iton
nilalabanan. Hanggang sa isang iglap, biglang dumilim ang paligid. Huminto na ang
sakit. Ibang pakiramdam na ang nararamdaman ko ngayon. Kakaiba ito. Hindi ko pa ito
naramdaman noon, ngayon lang.

"Astrid!" may narinig akong pamilyar na boses. Ngunit hindi ko ito makita. Wala na
akong makita kundi purong kadiliman. Hanggang sa tuluyan na akong manghina.

"Astrid..." huling boses na narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

=================

Chapter LV: One Soul

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at binalik ko ito muli sa pagkakapikit
dahil sa nakakasilaw na liwanag. Saglit akong nagconcentrate para iadjust ang mga
mata ko sa liwanag, pagkatapos ay muli akong dumilat. Doon tumambad sa akin ang
isang pamilyar na lugar-ang playground. Ang kaninang tahimik na lugar ay biglang
naging maingay. Bigla nalang sumulpot ang tatlong tao sa harapan ko at nagkaroon ng
mga batang naghahagikhikan habang naglalaro sa playground.

"Maligayang pagbabalik, Astrid!" sabay-sabay nilang sambit.

"Natutuwa kami at natupad mo na ang misyon mo. Hanga talaga ako sayo!" isang papuri
ang natanggap ko mula sa matandang lalaki. Ngumiti siya sa akin at kasabay nito ang
pagkislap ng kanyang mga berdeng mata. Kahit naguguluhan ako sa nangyayari ay hindi
ko mapigilang ngumiti.

"Akala ko tuluyan ka nang susuko eh." saad naman ng babaeng kaedad ko. Hinawi niya
ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa kanyang mga mata. Doon ko muling nasilayan
ang kanyang kulay berdeng mga mata. Nakaramdam na naman tuloy ako ng kakaiba.

"Si Astrid pa ba! Sa ating lahat, siya kaya ang pinakamatapang!" singit naman ng
batang lalaki. Napangiti ako nang makita ang bungi niyang ngipin. "Ang galing-
galing mo, Astrid. Tunay mo kaming napahanga.."

Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa sobra-sobrang papuri na narinig ko. Ang


tangi ko lamang magawa ay ngumiti at magpasalamat. Kahit na hindi ko naman alam
kung ano ang mga pinagsasabi nila. Anong misyon ba ang sinasabi nila?

"At dahil diyan, magkakaroon tayo ng selebrasyon. Mayroon kaming

munting handa para sa iyo..." sabi ng matanda.

Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang mga pagkaing nakahain sa nakalatag
na tela sa damuhan. Nagtataka kong ibinalik ang tingin sa tatlo at mas lalong
kumunot ang noo ko nang makitang may mga suot-suot silang party hats. Ang bata na
nasa gitna ay may hawak-hawak na ngayong isang chocolate cake.

"T-teka, ano bang meron??" hindi ko na napigilang maisatinig ang nasa isipan ko.

Hindi pa din naaalis ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Nagkatinginan silang tatlo
at nagtanguan. Pagkuwa'y sabay-sabay nila akong tinignan. Dahan-dahan, naglakad
sila papalapit sa akin.

"Hindi mo ba talaga alam??" napakamot sa batok ang batang lalaki at tumingin sa


akin na para bang naaasar na siya. "Double celebration kaya ngayon!" dugtong pa
niya.

"Double celebration??"ulit ko sa nagtatanong na tono.

Napatikhim silang tatlo. Para bang nawiwirduhan sila sa inaakto ko. Ngunit
kalaunan, nagsalita din ang matanda. "Natapos mo na ang misyon mo, Astrid. Nakuha
mo na ang phoenix."

Napanganga ako sa pagsampal ng reyalisasyon. Oo nga pala! Ang misyon ko! "Ano??
Totoo ba ang sinasabi mo? Ako ang nakakuha ng phoenix?!" hindi ako makapinawalang
nagtanong.

"Ano bang nangyari sayo? Nagkaamnesia ka ba??" nagtataka namang baling sa akin nung
babae. Napaisip ako sa kanyang tanong. Nagkaamnesia ba ako? Bakit ba hirap akong
makaalala ngayon??

"Ano ka ba, epekto lang iyan ng mga sinapit niya sa reyalidad. Masyadong madaming
nangyari sa kanya kaya siguro siya nagkaganyan. Pero babalik din ang lahat

ng kanyang mga alaala sa oras na magising siya." aniya ng matandang lalaki habang
ang kanyang mga daliri ay marahang hinihimas ang kanyang baba.

Sa sobrang dami kong gustong sabihin, nauwi din ako sa pagtikhim. Ayoko munang
guluhin ang nananahimik kong isip ngayon. Gusto ko munang magpahinga. Pakiramdam ko
kasi galing ako sa pagod.

"Mabuti pa kantahan nalang natin siya. Pagbilang ko ng tatlo ah!" pagbasag ng bata
sa katahimikan. "One....two.....three!!"

"Happy Birthday to you!

Happy birthday to you!

Happy birthday, happy birthday,

Ha..ppy Birth..day..
To..

You..."

Natapos ang kanta at sabay-sabay na nagpalakpakan ang lahat. Inilapit sa akin ng


bata ang cake na may nakatirik ng maliit na kandila sa gitna nito. Ngunit wala kong
ginawa kundi ang mapatunganga. Isa-isa ko silang tinitigan sa naguguluhang
ekpresyon. Kaarawan ko pala ngayon?? Anong araw na ba?

"Mag-wish ka na..." sambit ng bata sa akin.

Muli ko silang tinignan bawat isa at kitang-kita ko ang pagkasabik sa kanilang mga
mukha. Wala akong nagawa kundi ang pumikit. Napabuntong-hininga ako nang wala akong
maisip na maaaring hilingin. Masyadong magulo ang utak ko ngayon. Ano ba ang
importanteng hilingin? Kalaunan ay humiling na lamang ako ng karaniwang hinihiling
ng lahat, tutal hindi naman yata totoo na kapag nagwish ka ay magkakatotoo ito.

Pinagdaop ko ang aking mga kamay at nagsimulang humiling, "Sana maging maayos na
ang buhay ko kapag nagising na ako." Pagkatapos kong humiling ay ibinukas ko na ang
aking mga mata.

Sabay-sabay naman silang nagpalakpakan at binigyan ako ng mga ngiti.

"Tara kain na tayo!" sambit ng batang lalaki ngunit bago pa sila tuluyang umalis ay
napigilan ko na sila.

"S-sandali.." sambit ko kaya naman napatingin silang tatlo sa akin. Mataman kong
pinagmasdan ang kanilang nagtatakang mga mukha. Ito na ang pagkakataon kong itanong
ang matagal ko nang gustong malaman...

"Sino ba kayo?? B-bakit ko kayo nakikita palagi sa panaginip ko?" punung-puno ng


kuryosidad kong itinanong. Nakita ko ang pagbabago sa mga ekspresyon ng kanilang
mga mukha. "At tsaka, ano yung sinabi niyo sa akin noon na... kayo ay 'iisa' lang?"
kahit hindi ako sigurado ay itinanong ko pa din ito. Kailangan ko ng kasagutan sa
lahat ng ito.

Nagkatinginan silang tatlo at muli, nag-usap na naman sila gamit ng kanilang mga
mata at isip. Napatikhim ang babae at ang bata habang ang matandang lalaki naman ay
marahang lumapit sa akin.

"Totoo ang sinabi namin sa'yo, na kami ay iisa lang.." panimulang sabi niya. "Ah
teka, mali. " napataas ang kilay ko nang bawiin niya ang sinabi niya.

"Hindi lang pala kami. Ikaw. Tayo. Ay iisa lang." Mas lalo ata akong naguluhan sa
sinabi niya.

"Huh? Paanong 'ako' at kayo ay iisa? Pinagloloko niyo ba ako??" may halong
pagkairita sa tono ko. Gusto ko ng matinong sagot pero bakit ito ang nakukuha ko
mula sa kanila??

"Akala ko ay madali mong mapagtatanto ang lahat." nabaling ang atesyon ko sa batang
nagsalita. "Ibinigay na nga sayo ang clue eh-ang mata. Pero bakit hindi mo pa rin
makuha??" hindi ko makuha. Hindi ko na talaga maintindihan!

"Our eyes are connected to our soul." malumanay na sambit ng babae. Kinilabutan ako
ng marinig ang kanyang sinabi. "Ibig sabihin, kung parehas ang ating mga mata, edi
iisa lang ang ating kaluluwa. Our spirits are one, Astrid. Hindi mo ba
nararamdaman?"
Para akong nawala sa huwisyo nang marinig ko ang paliwanag ng babae. May parte sa
akin na unti-unti nang naliwanagan ngunit mayroon pa ding parte sa akin na
naguguluhan. Oo, may nararamdaman ako kapag nakikita ko ang kanilang mga mata. Kaya
pala nakakaramdam ako ng pamilyaridad at pagkakakilanlan. Pero hindi pa din klaro
sa akin ang lahat.

"Eh bakit yung ibang tao, natural lang naman na magkapare-parehas ang kulay ng
kanilang mga mata. Ibig sabihin ba noon ay iisa lang din ang kaluluwa nila?"

"No. Silly!" natatawang sambit ng bata. "Iba ang kulay ng mata natin sa kanila,
Astrid. Tayo lang ang may kulay berdeng mata dito sa mundong ito. Dahil kakaiba
tayo.. Gawa tayo sa kapangyarihan at mahika. Nilikha tayo ng Enchantress."

"Enchantress?!" napasinghap ako sa isiniwalat ng bata. Halo-halo ang nararamdaman


kong emosyon. Pero mas nangibabaw dito ang pagtataka. Oo. Naguguluhan pa din ako.
Ramdam kong uhaw na uhaw na ako sa kaalaman. Gusto ko nang malaman ang lahat ng
buong pagkatao ko. Gusto ko nang malaman ang katotohanan sa likod ng misteryong
ito. Gusto ko nang malaman kung sino talaga ako...

"Sa palagay ko, panahon na." Napatingin ako sa matanda na bahagyang tumingin sa
kanyang orasan.

"Panahon na ano??" kunot-noo kong tanong. Pero nagulat ako nang bigla nalang silang
naglaho. Napuno ng katahimikan ang buong paligid at muli na namang bumalik sa
kadiliman ang aking paningin.

=================

Chapter LVI: Revelations

Dali-dali kong iminulat ang aking mga mata nang makaramdam ako ng kakaiba.
Napasinghap ako nang mapagtanto kong nakakulong ako sa isang transparent na parang
kahon. Nataranta ako at bigla nalang nanikip ang dibdib ko. Fuck! Para akong nasa
kabaong sa sobrang sikip, saktong-sakto ang katawan ko kaya hirap akong gumalaw.

"Stop! She's awake!" rinig ko ang isang boses. Hanggang sa dumami na ang mga boses
na narinig ko. Ngunit hindi ko sila gaanong maintindihan dahil sabay-sabay silang
nagsasalita at malabo pa dahil sa nasa isa nga akong kahon.

Napahinga ako ng maluwag nang bumukas na ito at bahagya akong napaupo para
lumanghap ng sariwang hangin. Ngunit bigo akong makalanghap nito. Pinagsamang mga
amoy bakal at chemical ang naaamoy ko. Bagsak-balikat kong inilibot ang mga mata sa
lugar. Nasa isa akong malaking kwarto at wala akong ibang nakikitang bagay kundi
puro machines. Sa gilid ko ay mayroong nakahilerang mga liquid na iba-ibang kulay.
May mahahaba at maninipis na tube na nakakabit dito kung saan dumadaloy ang mga
likido. Sinundan ko ng tingin kung saan ito nakakonekta at napasinghap ako nang
mapag-alamang nakaturok pala ang mga ito sa akin.

"A-Ano 'to?!" natataranta kong sinabi at sinubukang alisin ang mga ito sa mga braso
ko ngunit may dalawang brasong humawak sa magkabilang balikat ko.

Napatingin ako sa humawak sa akin at unti-unting nawala ang takot ko nang makilala
ito. "It's okay, Astrid. You're safe here.." sambit ni Grey sa mahinahong boses at
pilit akong pinapakalma.

"Gosh! Buti nalang nagising ka na. Akala namin hindi ka na mabubuhay."


napalingon ako kay Captain Akiko na nasa gilid ko.

"Asan ako? Ano bang nangyari? Bakit may mga nakaturok na ganito sa akin??" sunud-
sunod kong tanong. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko pati na rin ng mga labi
ko.

"Natatandaan mo pa ba nung pumunta kayo ni Fritz sa kweba?" saad naman ni Captain


Conrad. Marahan akong tumango sa kanyang tinanong. Oo. Natatandaan ko iyon. "Doon
mo nahanap ang phoenix, Astrid. Nang mailipat na sa iyo ang kapangyarihan ng ibon
ay bigla ka nalang nawalan ng malay. Pagkatapos noon ay umuwi na tayo ng Pierda.
Mabuti nalang at nakuha ni Akiko ang phone nina Zoe at yun ang ginamit namin upang
macontact ang Paradox Institute. Agad silang nagpadala ng helicopter kaya agad din
tayong nakauwi."

Unti-unting nawala ang mga bumabagabag sa isip ko. Mabuti nalang at malinaw ang
pagpapaliwanag ni Captain Conrad kaya hindi nahirapang magsink-in sa utak ko ang
mga narinig ko. Pero teka? Tama ba ang narinig ko? 'Ako' ang nakakuha ng phoenix?!

"Ako ang nakakuha ng phoenix??" hindi ko na mapigilang maisatinig ang tanong sa


utak ko. Kailangan ko ng kumpirmasyon dahil mukhang hindi ito kapani-paniwala.

"Oo, Astrid. Sa'yo ibinigay ng pheonix ang kapangyarihan." at kinumpirma na nga ito
ni Grey. Sumilay ang malaking ngiti sa kaniyang mukha na nagpangiti din sa akin.
Ako nga! "Nagawa mo, Astrid."

"Ano ba ang ability ko?" excited kong tanong.

"Correction. Abilities, Astrid. Hindi lang isa ang kapangyarihan mo." napatingin
ako sa matandang lalaki na bigla nalang sumulpot mula sa likuran nina Grey.
Nakasuot

ito ng uniporme na pang scientist at base sa kanyang kilos at pananalita, alam kong
hindi siya basta-basta lang.

"I am Dr. Atkinson, founder and president of Paradox Institute. Nice to meet you.."
pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko
at walang pag-aatubili ko itong inabot. Sa sobrang kaba ay hindi ko na magawang
magsalita.

"Base sa pagsusuri namin sa iyo, your ability is phoenix mimicry. " pagpapatuloy ni
Dr. Atkinson. "With this ability, you can fly, produce flames and cry regenerative
tears. Mayroon ka pa sanang isang ability, which is ang magreincarnate. But
unfortunately, you're not capable of doing it." He explained.

Iginiya niya ako na tumingin sa malaking monitor. Doon ko nakita ang katawan ko
ngunit parang transparent ito sa screen. Kitang-kita ko ang mga maliliit particles
na dumadaloy sa katawan ko. Iba-iba ito ng kulay at naggo-glow pa.

"See those stuffs?" Dr. Atkinson asked, pointing those particles on the monitor.
"Iyon ang mga abilities mo. Pansin mo bang iba-iba ang kulay nila? Yung mga kulay
blue na parang kuryenteng dumadaloy sa buong katawan mo ay ang ability mo na
magproduce ng fire. Iyong puti naman na parang mga langgam sa liit ay ang ability
mo na pagproduce ng healing tears samantalang yung visible air na nakikita mo
inside your body, iyon ang ability mo na paglipad." napalunok ako sa mga nakikita
ko pati na sa mga impormasyong nakalap ko.

"P-paanong naging tatlo ang ability ko? Diba dapat isa lang ang ability na taglay
ng isang tao??" I asked out of
curiosity.

"Tama ka. Pero iba ka, Astrid. Iba ang gumawa sa pagkatao mo. You were made through
power and magic. Ang gumawa sa'yo ay ang-"

"Ang Enchantress." sambit ko. Oo, alam ko na iyon. Sinabi na sakin iyon ng mga tao
sa panaginip ko. Pero ang tanong, paano? Bakit? Isa lang ang alam ko at
pinaniniwalaan ko, at iyon ay ang nagmula ako sa tiyan ng nanay ko. "Naguguluhan
ako, paanong nangyari iyon? Matagal nang wala ang Enchantress at isa lang ang alam
kong ginawa niya, iyon ay ang prinsesa ng Enrocho."

"At ikaw ang prinsesa ng Enrocho, Astrid. Nagreincarnate ka lang. Hindi rin namin
alam na totoo pala ang reincarnation dahil hindi ito kayang ipaliwanag ng siyensya.
But you're the living proof..." bigla nalang sumakit ang sentido ko. Sobrang dami
ko ng nalaman. Hindi na nito kayang pumasok sa utak ko. "Mayroon kaming nahanap na
tatlong tao na katulad na katulad ng iyong mga mata. At ang paniniwala namin, kayo
ay iisa lang. Nabuhay kayo sa iba-ibang panahon. Mahigit isang daan nang nabubuhay
ang kaluluwa mo sa mundong ito, Astrid. At ngayon lang ito matitigil. Dahil nahanap
mo na ang iyong kakambal at nailipat na sa'yo ang kapangyarihan."

Halos hindi ko na maibuka ang bibig ko sa sobrang pagkamangha. Ngunit hanggang


ngayon hindi pa din ako makapaniwala. "Paano niyo naman nalaman ang lahat ng ito?"
tanong ko.

"Sa libro.." sabay-sabay nilang sagot. Tama, ang libro. Ang librong sinulat ng
Enchantress. Kailangan ko itong mabasa!

"Sa tingin ko nga kailangan mong basahin ang libro para ikaw mismo ang makaalam ng
totoo. Pero huwag

muna sa ngayon. Sobrang dami na ng nalaman mo at sa palagay ko hindi pa rin talaga


nagsisink in ang mga ito sa isipan mo. Ipahinga mo muna ang isip mo dahil alam kong
maging ikaw, ay naguguluhan at hindi pa din makapaniwala sa mga nangyayari."

Sinimulan nang tanggalin ng mga scientists ang mga nakakabit na tube sa iba't ibang
parte ng katawan ko at saka ako inalalayan paalis ng kahon. Hindi ko na nagawang
tanungin kung ano ang tawag doon dahil alam ko naman kung ano ang function nito,
iyon ay ang suriin ang ability na taglay ng tao. Sinamahan ako ng tatlong captains
na lumabas sa malaking kwartong iyon.

Doon ko napagtantong nasa Paradox Institute pala ako. Halos lahat ng makasalubong
kong tao doon, ay nakatingin sa akin. Para bang may kakaiba sa akin base sa
kanilang pagtingin. Hindi ko alam kung namamangha sila na ewan. Minabuti ko nalang
na ituon ang mata ko sa daraanan. Hindi kasi ako sanay na nasa akin ang lahat ng
atensyon. Ginagapangan tuloy ako ng hiya.

"Masanay ka na." sambit ni Captain Akiko na nasa tabi ko. "Simula ngayon, hindi
lang ang mga iyan ang titingin sayo. Kilala ka na sa buong mundo, Astrid. Buhay ka
pa pero alam mo bang nasa history ka na? Damn!" dugtong niya sa hindi
makapaniwalang tono.

"History? Bakit naman?" nagtataka kong tanong. Ang weird naman noon.

"Ikaw lang ang taong maraming kapangyarihang taglay. At isa pa, hindi ka ordinaryo.
Hindi ka katulad namin dahil iba ang gumawa sayo." sagot naman ni Grey sa gilid ko.

"Kaya humanda ka, Astrid. Pag nalaman nilang gising ka na ay siguradong susugurin
ka
ng mga interviewers sa labas. Maghapon kaya silang nag-aabang sa labas ng
institute. Laman ka ng mga balita sa dyaryo at t.v." sabi naman ni Captain Conrad
na nasa likuran namin.

Hindi na naman ako nakapagsalita. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng tahimik.


Siguro napansin din nila na nahihirapan na akong unawain ang lahat ng mga narinig
ko kaya hindi na sila muling nagsalita pa. Kaya naman naging malaya na ang isip ko
na makapag isip-isip. Napakunot ang noo ko sa naalala.

"Teka.." sambit ko at saka huminto. Napahinto din sila sa ginawa ko at napatingin


sa akin. "Asan nga pala si Jehd? Iniwan ba natin siya sa Enrocho??" bigla nalang
kumabog ang dibdib ko. Hindi pwede. Nangako ako kay lola Dita na ako na ang mag-
aalaga kay Jehd.

"Huwag ka mag-alala. Kasama natin siya pagbalik dito. Nagpapahinga muna siya sa
ngayon.." sagot ni Grey.

Isang pagtango nalang ang ibingay ko. Muli kong inihakbang ang aking mga paa ngunit
naudlot na naman ang aking paglalakad nang bigla akong may maalala. Agad akong
napatingin sa tatlong captains na nakatingin din sa akin. Hindi ko mawari ang mga
emosyon sa kanilang mga mukha. Para bang alam nila ang nasa isip ko.

"Eh si Fritz?? Asan nga pala siya?"

Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon ng kanilang mga mukha. Nagkatinginan sila sa


isa't isa na para bang nagtuturuan sila kung sino ang sasagot sa tanong ko. Hindi
ko alam kung bakit bigla nalang lumakas ang pagpintig ng puso ko. May kung anong
meron sa mga mukha nila na ikinatatakot. Sana hindi ito kagaya ng iniisip ko..

"Ikinalulungkot naming sabihin sa iyo, Astrid. Patay na siya..." bigla nalang


gumuho ang natitirang pag-asa sa damdamin ko nang sabihin iyon ni Captain Conrad.
Biglang nagharumentado ang puso ko at nanikip bigla ang dibdib ko. "Nung nakarating
kami sa kweba. Natagpuan namin ang katawan niya na duguan. Grabe ang natamo niyang
mga sugat at hindi na siya humihinga. Tumigil na din sa pagtibok ang kanyang puso."

"Patawarin mo kami, Astrid. Hindi kami nakarating agad upang iligtas kayo." Rinig
ko ang pagkabigo sa malungkot na boses ni Grey.

"Nailibing na siya ngayon sa Melbiya. Nakausap na din namin ang kanyang ama. Huwag
ka mag-alala, sasamahan ka namin doon para mabisita mo siya pero hindi muna pwede
sa ngayon, Astrid. Kailangan mo munang magpahinga..." sabi ni Captain Akiko.

Hindi ko magawang maigalaw ang aking katawan. Tuluyan na ata akong nabato sa
kinatatayuan ko. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Masyado nang magulo.
Sa sobrang gulo ay hindi ko na rin magawang umiyak. Saka ko lang naramdaman ang
sobrang pagod. Gusto ko nang magpahinga. Gusto ko nang...

"Umuwi.." aniya ko sa pagod na boses. "Gusto ko nang umuwi."

=================

¤◆¤◆¤◆¤◆¤◆ E P I L O G U E ◆¤◆¤◆¤◆¤◆¤

》 Paunang Salita 《
¤¤¤ Ako ay si Vishkah Krowella, ngunit iilan lang ang nakakaalam ng tunay kong
pangalan. Lahat ng tao sa Enrocho ay kilala ako bilang ang 'Enchantress', iyan ang
bansag nila sa akin. Ako ay mayroong kakaibang taglay na hindi kailanman maaaaring
taglayin ng kahit sino man. Ang mahika. Sa pamamagitan ng aking mahika, kaya kong
makita ang hinaharap at ang nakaraan. May kakayahan din akong magbigay ng anak sa
mga kababaihang hindi mapagkalooban. At hindi lamang iyon, taglay ko din ang
pinakanakakatakot na kapangyarihan sa lahat-dahilan kung bakit kinatatakutan ako ng
lahat ng tao. At iyon ay ang magtanggal ng kapangyarihan o 'ability' sa isang tao.

Ngunit itong libro na isinulat ko ay hindi upang ikwento ang pagkatao't buhay ko.
Itong librong ito, ay para sa isang taong mas mahalaga kaysa sa akin. Dahil ang
taong ito ay makikilala sa buong mundo at magiging parte ng

kasaysayan. At alam ko, darating ang panahon na lahat ng tao maging siya ay
magtatanong kung paano siya naging kakaiba. Kaya narito ako upang isiwalat ang
lahat dahil ako ang lumikha sa kanya.... ¤¤¤

》 S I M U L A 《

¤¤¤ Nakatira ako sa isang liblib na lugar sa isla ng Enrocho. Pinangingilagan ng


mga tao dahil alam nila ang taglay na kapangyarihan ko. Mag-isa ako sa buhay ngunit
hindi ko iyon ikinalulungkot. Wala sa kanila ang nais na kaibiganin o kausapin man
lang ako hanggang sumapit ang isang araw, may isang makisig na binata ang sumubok
na ako'y kaibiganin. At siya nga'y nagtagumpay, walang kaduda-kaduda. Agad niya
nang nakuha ang loob ko sa kanyang angking kabutihan. Simula noon, nagkaroon na ako
ng kaibigan. Ngunit habang tumatagal, hindi ko namamalayang nahuhulog na pala ang
loob ko para sa kanya.

Lingid sa aking kaalaman na isa pala siyang prinsipe. Ang tigapagmana ng Alexander
Family. Ang susunod sa yapak

ng kanyang haring ama, ang susunod na mamumuno sa islang Enrocho. Walang iba kundi
si prinsipe Hybrid. Nagdaan ang panahon kung saan madalang na siyang bumisita sa
akin hanggang sa tuluyan na nga siyang hindi nagpakita. Ni anino niya ay hindi ko
mahagilap. Hindi ko alam na sa mga panahong iyon ay ganap na pala siyang hari, at
mayroon ng asawa.

Bumalik ako sa normal makalipas ng ilang taon. Kahit na minsan ay naiisip ko pa din
siya. Akala ko tuluyan nang nawala ang aking pagmamahal kay Hybrid ngunit bumalik
ang lahat nang siya'y magpakita. Ngunit sa kasamaang palad, nagpakita siya nga
ngunit mayroon nang kasamang iba. At iyon ay ang kanyang asawa.

Nagtungo sila sa akin upang humingi ng tulong. Hindi magkaanak-anak ang reyna at
kailangan sa isang royal familiy ang magkaroon ng tigapagmana. At ako, ako lamang
ang tanging kilala ni Hybrid na makakagawa ng bagay na kanilang hinihiling. Ako
lamang ang may kakayahang bumuhay ng isang tao mula sa sinapupunan. Kaya't humiling
sila sa akin...

》 A N G P A G G A W A 《

Hindi ako tumanggi. Sa labis na pagmamahal ko kay Hybrid ay hindi ko nagawang


tanggihan ang kanyang pakiusap. Ginawa ko ito para sa kanya. Ngunit hindi ako
martyr kagaya ng inaakala ninyo. Labis ang pagkainggit ko sa reyna, sapagkat
malakas ang pagkahumaling sa kanya ni Hybrid. Ang inggit ay unti-unting lumaki.
Hanggang sa ako ay napoot sa kanya.

Sa sobrang galit, nakaisip ako ng isang paraan upang makaganti sa pananakit sa akin
ni Hybrid at ng kanyang asawa. Naisipan kong bigyan ng sumpa ang sanggol na aking
lilikhain. Ang sumpang magbibigay ng marka sa buong mundo. Ang sumpang magpapaalala
sa pagkabuhay ko't pagkatao. Ang sumpang papasanin ng isang inosenteng anak na
walang kasalanan sa ginawa ng kanyang mga magulang. Oo. Masama ako.

Lahat ng paraang alam ko gamit ang mahika ay ginawa ko upang gawin ang aking
masamang binabalak. Ilang araw ang ginugol ko upang pag-isipan kung anong klaseng
sumpa ang ipagkakaloob sa bata. Nang maisip ko na ito, agad kong pinabalik ang
hari't reyna at sinimulan ang paggawa.

Ibinuhos ko ang lahat ng aking lakas at halos buong kapangyarihan ko upang


maperpekto ang aking plano. At nagtagumpay ako. Matapos ng paghahantay ng siyam na
buwan, sabay na nagbunga ang matagal na nilang inaasam at aking pinaplano. Kagaya
ng aking inaasahan, hindi ito ikinatuwa ng hari't reyna. Sino ba naman ang matutuwa
kapag nalaman nilang ang anak nila ay isang 'ordinaryo' lamang? At ang mas
nakapagpagitla sa kanila ay nang may lumabas na ibon kasabay ng pagluwal ng reyna
sa kanyang anak-ang kakambal ng sanggol na phoenix.

style="text-align:center;" data-media-type="image" data-image-layout="one-


horizontal">

》 A N G P H O E N I X AT A N G S A N G G O L 《

Bumalik sa akin ang haring si Hybrid upang alamin ang dahilan kung bakit
nagkaganoon ang kinalabasan ng aking mahika. Hindi ko sinabi sa kanya ang tunay na
dahilan kahit alam kong malalaman at malalaman niya din ito. Sinabi ko na lamang sa
kanya na hindi ko ito magawang perpekto kaya't ganoon ang nangyari. Ngunit
binanggit ko sa kanya ang mga mahahalang bagay tungkol sa anak niya...

"Kakambal ng sanggol ang phoenix. Hindi sila kahit kailanman magkakahiwalay


sapagkat iisa ang kanilang kaluluwa.

Ang sanggol ay ipinanganak na walang kapangyarihan sapagkat ang kanyang


kapangyarihan ay nasa phoenix 'sa ngayon'. Ngunit pagsapit ng ikalabing-walong taon
ng prinsesa, maililipat sa kanya ng ibon ang kapangyarihan. At hindi lamang ito
iisa, kundi tatlo.

Ang mga kapangyarihang ito ay: kapangyarihang apoy, luhang nakakapagpagaling, at


abilidad na lumipad.

Kaya kailangan ninyong ingatan ang phoenix sapagkat nasa kanya ang kapangyarihan na
tataglayin balang araw ng prinsesa. Ang ibon ay mahalaga..."

》 I N P O S T E R U M (ANG HINANAHARAP) 《

¤¤¤ Kagaya nga ng sinabi ko, kaya kong makita ang hinaharap. Alam kong hindi
magtatagumpay ang prinsesa na makuha ang phoenix. Alam kong may mga rebeldeng grupo
na magtatangkang paguhuin ang matatag na royal family at alam kong magtatagumpay
silang pabagsakin ang pamilyang ito. Ngunit mananatili na lamang ang mga hula kong
ito sa aking sarili. Hindi ko ito sasabihin sa iba..

Ayon sa aking 'precognition', mamamatay ang prinsesa kasama ng hari't reyna.


Samantalang ang phoenix ay mawawala, ngunit mananatili itong buhay. Mananatili
itong maghahantay sa kakambal niyang kaluluwa. Ang kaluluwa ng prinsesa. Mamamatay
ang katawan ng prinsesa ngunit ang kaluluwa niya ay hindi mamamatay. Mananatili
itong buhay hanggat hindi nalilipat ang kapangyarihan ng phoenix dito. Kasama ito
sa sumpa.

Patuloy na magpapalipat-lipat ang kaluluwa sa bawat taong mabubuhay sa mundo


hanggat hindi niya nahahanap ang kanyang kakambal. Ngunit alam kong darating ang
araw na mahahanap niya din ito. Malilipat din sa kanya ang kapangyarihan at
mapuputol din ang sumpa. Ang phoenix ay magiging normal na ibon samantalang ang
taong nagrerepresenta sa prinsesa ay magkakaron ng kapangyarihan. At makikilala
siya sa buong mundo. At ang kwentong ito ay magiging parte ng kasaysayan sa mundong
ito. Ang mundo kung saan may kapangyarihan ang mga tao at ang mga ordinaryo ay
hindi tanggap.

Alam kong magkakaroon ng maling pananaw ang mga tao sa mundo sa tagal ng panahon.
Sa bawat uusbong na bagong henerasyon, magpapasalin-salin ang maling konseptong
ito. Akala ng marami, ang phoenix ang magiging sagot sa mga taong ordinaryo. Akala
nila may kakayahang magbigay ng kapangyarihan ang ibon ngunit nagkakamali sila.
Maraming maghahanap sa ibong ito ngunit lahat sila ay mabibigo. Ako na ang
magsasabi, lahat sila.... ay mabibigo.

》 I N C A N T A T I O N S《

Upang malipat ang kapangyarihan ng phoenix sa kaluluwa, narito ang mga salitang
dapat niyang bigkasin.

"Nostronum spiritus sunt unum..

(Our spirits are one)

Nos resurget ex favilla...

(We rise from the ashes)

No fragur in ignis...

(We burst into flames)

Regeneratione.

(Rebirth)"

◆ ◇ ° • ¤ 》 T H E E N D 《 ¤ • ° ◇ ◆

=================

¤ Crypticknots ¤
Ang ASTRID: Finding the Lost Phoenix ang first story ko na naipost dito sa wattpad
at sa totoo lang, hindi ko inexpect na may mga magbabasa nito. Mahilig ako magsulat
at gustung-gusto ko talagang ilabas sa isip ko ang mga produkto ng aking
imahinasyon. Pero hindi ko tinuturing ang sarili ko bilang isang mahusay na writer.
Kaya hindi talaga ako makapaniwalang may magbabasa nito.

Gusto ko munang maghingi ng sorry sa mga nadisappoint ko. Hahaha alam kong halos
lahat ng readers ay madidismaya sa medyo bitin kong ending. Sobrang hirap pala
talagang maging writer lol. Akala ko hindi ko na matatapos tong storyng to. Nasa
kalagitnaan nako ng pagsuko pero dahil sa inyo tinuloy ko ito. Oo dahil sa inyong
nagtiya-tiyagang mag-antay sa bawat updates ko at nagbabasa nito ang nagmotivate sa
akin na ipagpatuloy ito.

Kaya ayoko nang patagalin pa, gusto kong magpasalamat sa inyo. As-in SUPER THANK
YOU po talaga. Sa palagay ko hindi pa nga sapat ang salitang thank you eh. Basta
salamat talaga lol.

Yun lang. Sana patuloy niyo pa din akong suportahan sa mga ibang story na isusulat
ko. Love ya'll mwaps.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ ^_^

-crypticknots

----

Edited.

You might wanna check out the book 2 of this story. ASTRID: Saving the Pegasus.
Thanks!

You might also like